The Seventh Rose

By wistfulpromise

1.1M 22.5K 2.9K

What will you do if you have nothing to lose? First posted on Wattpad © 2013 Revised Version © 2017-2018 by... More

Paunang Salita
The Seventh Rose
Chapter i ~ Mission Accomplished
Chapter ii ~ Panaginip
Chapter iii ~ Change of Events
Chapter iv ~ Enemy at First Sight
Chapter v ~ Pasukan
Chapter vi ~ Coincidence
Chapter vii ~ Kaibigan
Chapter viii ~ Intertwined
Chapter ix ~ Secrets
Chapter x ~ Meeting the Intricate and the Princeton
Chapter xi ~ What a day
Chapter xii ~ Clarity
Chapter xiii ~ Getting Closer
Chapter xiv ~ Second Rose
Chapter xv ~ Detention
Chapter xvi ~ Pinta
Chapter xvii ~ Tensyon
Chapter xviii ~ Black and White
Chapter xix ~ Ika-pitong araw
Chapter xx ~ Bawian lang yan
Chapter xxi ~ Lotus Flower
Chapter xxii ~ Isa, dalawa, Takbo!
Chapter xxiii ~ Lintik lang ang walang ganti
Chapter xxiv ~ Salamin
Chapter xxv ~ Third Rose
Chapter xxvi ~ Huli ka!
Chapter xxvii ~ Like attracts like
Chapter xxviii ~ Kanya kanyang opinyon
Chapter xxix ~ Elites
Chapter xxx ~ Tibok
Chapter xxxi ~ Music and Feathers
Chapter xxxii ~ Dwelo
Chapter xxxiii ~ Fourth Rose
Chapter xxxiv ~ Problema
Chapter xxxv ~ Guilty
Chapter xxxvi ~ The Queen
Chapter xxxvii ~ Misyon
Chapter xxxviii ~ Mga Lihim
Chapter xxxix ~ Insights
Chapter xL ~ Training
Chapter xLi ~ The Devil
Chapter xLii ~ Barkada
Chapter xLiii ~ Sine
Chapter xLiv ~ Balatkayo
Chapter xLv ~ His'story'
Chapter xLvi ~ Deal
Chapter xLviii ~ Sya
Chapter xLix ~ Pag-ibig
Chapter L ~ Fifth Rose
Chapter Li ~ Hudas
Chapter Lii ~ Salvation
Chapter Liii ~ Sixth Rose
Chapter Liv ~ Seventh Rose
Chapter Lv ~ Kakampi

Chapter xLvii ~ Double Date

8.7K 354 120
By wistfulpromise

Chapter xLvii

Dumiretso ako sa room ni Ms. Christina upang tulungan sya sa Art room. Nanatili ako roon para tumulong katulad ng palagi kong ginagawa. Palabas na ako ng kwarto noong nakita ko si Nyree na kausap si Rico. Hindi ko maiwasang mapangiti.

Nitong mga nagdaang araw ay palagi ko na silang nakikitang magkasama. Masaya ako na gumagana na ang pagpapartner-up na pasadya kong ginagawa sa kanila nang sa dahil na rin sa hiling sa akin ni Rico.

"Anong ginagawa mo dyan?" May mainit na hininga akong naramdaman sa may tenga ko. Halos manigas ako dahil sa gulat.

Nakaposisyon na ako para sa isang laban. Siniko ko kung sino man ang nasa likod pero ganun na lang ang gulat ko noong nasalo nya ito at ang sunod ko na lamang na narinig ay ang ang isang pamilyar na tawa. Si Nathan, at mukhang pigil na pigil pa sya.

"You should have seen your face. It was epic!"

Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Dahil na rin sa inis ay inapakan ko ang paa nya. Hindi nya ito inasahan dahil napasigaw sya sa sakit.

"Dora!" inis nyang turan. Tumakbo na ako palayo bago pa nya maabutan.

Tulad na rin ng pakiusap sa akin ni Nathan, ipinagpatuloy pa rin namin ang training nya. Kailangan nyang gawin ito upang maitago ang inililihim nyang sikreto. Wala namang kaso ito sa akin. Kung noon ay hinahayaan ko lang syang mag-isa, ngayon sinasabayan ko na sya.

Tawa kami ng tawa habang tumatakbo. Hindi ko alam na napakarami pala nyang baon na kalokohan at mga biro na talaga namang nakakatuwang pakinggan lalo na kapag nanggagaling sa kanya. Kanina pinipigilan ko pa. Ngayon wala na akong kontrol sa sarili kong pagtawa.

Malapit na kami sa mga gamit namin noong makita namin sina Jace at Serene. Nakahalukipkip si Jace ng tayo katulad ng palagi kong nakikita sa kanya. Sa tabi nya ay si Serene na may ibinubulong sa tenga nya. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa seryoso nyang mga labi. Nakita ko syang tumawa ng konti.

May ibinulong din sya sa kanya pabalik pero nalihis na ang paningin ni Serene sa iba. Sinundan ni Jace ang tingin nya, halata sa mukha ang pagtataka kung bakit nawala sa kanya ang atensyon ng dalaga.

"Yo, 'tol!" Huminto kaming dalawa ni Nathan sa tapat nila. Nakatayo na ng maayos si Jace. Kapansin pansin ang paghakbang nya ng konti sa harap ni Serene noong makita ako.

"Hello Nathan, hello Leira." bati ni Serene sa amin. Sumilip sya mula sa likod ni Jace. Nariyan ang pamilyar na magaan nyang ngiti. Ibinalik ko ito sa kanya kahit na ba ramdam ko ang mapanuring nyang mga mata sa akin.

"Anong ginagawa nyo rito? Hindi pa kayo uuwi?" Tanong ni Nathan sa kanila. Parehas kami na hanggang ngayon ay hinihingal pa rin mula sa ginawang pagtakbo. Gayunman, nagkamayan sila ni Jace at nagtapikan sa likod. Isang bagay na palagi kong nakikitang ginagawa ng mga lalaki kapag nakikita nila ang mga kaibigan nila, pero sa pagkakataong ito - batian ng magkapatid.

"Nagpapahangin lang."

"Mabuti yan para hindi ka naman palaging nagkukulong sa opisina. Niyayaya ka namin nila Rico noong isang araw ayaw mong lumabas eh. Sabi ko kasi labas labas din pag may time."

"Wrong timing kasi kayo palagi."

"Hindi kaya! Ano yun araw araw wrong timing? Grabe naman. Mabuti babes nahihila mo pang lumabas itong tuod na 'to."

Tumawa si Serene. Tinaasan sya ng kilay ni Jace.

"Natatakot nga ako na isang araw bigla na lang mamuti ang buhok nyan eh dahil masyadong busy sa buhay."

"Sakto lang, para diretso polar na talaga sya." nag-apiran si Nathan at Serene dahil sa nasabing inside joke.

"Sabihin mo sa akin Leira, pinapahirapan ka ba ng mokong na 'to?" hindi ko namalayan na kinakusap na pala ako ni Serene. Masyado kasi akong abala sa malamig na tingin ni Jace sa akin.

Mabilis na nagreact si Nathan. "Hindi babes ah! Good boy kaya 'to."

"Maayos naman ang lahat. Mabilis na matuto si Nathan." sagot ko.

Nagkatinginan kami ni Nathan, ang laki ng ngiti namin sa isa't-isa. Alam kasi namin na sa likod ng ngitian na iyon ay ang isang sikreto.

"Tapos na ba kayo sa ginagawa nyo?"

Tumango ako.

"Tamang tama, kakain kami ni Jace sa labas. Gusto nyong sumabay."

"Hindi na--"

"Oo naman!" natabunan ng sagot ni Nathan ang akin. Inakbayan ni Nathan si Jace. "Basta ba libre ni Jace eh. Libre mo diba 'tol?"

"Let's go." tumalikod na si Jace, hila-hila nya ang kamay ni Serene.

"Yes, libre nya!"

"At kailan ka pa naging Rico, Nathan?" biro ni Serene.

"Ngayon ngayon lang babes. Naghihirap din kasi ako ngayon. Tipid tipid. Nanjan na si boss. Samantalahin na!"

Nakita kong ngumisi si Jace. "Libre? Ibabawas ko ito sa allowance mo."

Mahina lang na bulong iyon ni Jace sa kanya pero narinig ko ito. Si Serene kasi ay abala sa masaya nyang paghu-hum kaya hindi nya ito nabigyan ng pansin.

Lumaki ang mga mata ni Nathan dahil doon. Nagpakawala ako ng isang mahinang tawa. Naisahan sya roon.

Sumakay kami sa isang kotse kung saan si Jace ang nagmamaneho. Bukas ang lahat ng bintana. Halos makain ko na ang buhok ko dahil sa lakas ng hangin pero nakakapagtaka na parang wala lang sa kanila ito. Sira ba ang bintana kaya ayaw nilang isara?

Pagkalabas namin ni Serene sa kotse ay dinaig pa namin ang nagpagawa ng bagong hairdo. Nagkatinginan kami at maya-maya pa ay sabay na nagtawanan.

"Pupunta lang kami ng washroom." paalam nya sa dalawa. Tatawagin na sana nya ako na sumabay sa kanya noong nahila sya pabalik ni Jace sa tabi nya.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa magkawak nilang mga kamay. Kung paano sya hawakan ni Jace. Kung paano sya nito tingnan...

May ibinulong si Jace sa kanya. Ang pag-aalala ay nasa mukha nya. Sandali nyang itinapon ang tingin sa akin at sa oras na iyon alam ko na kung anong ibig sabihin ng mga tingin nya sa akin magmula pa kanina. Tulad ni Kelly ay hindi nya ako pinagkakatiwalaan.

Hindi ko sila masisi dahil kahit ako minsan... walang tiwala sa sarili ko.

"Sorry for waiting, halika na." aya sa akin ni Serene. Si Jace at Nathan na ang nag-uusap ngayon. Nanguha na sila ng upuan para sa aming apat.

"Hindi na pala ako pupunta ng washroom. Ikaw na lang." ngumiti ako ng konti sa kanya. Gayunman, tila ba nakita nya sa mga mata ko ang itinatagong damdamin.

Tumingin sya kay Jace at saka ito ibinalik sa akin.

"Ganyan si Jace sa lahat ng tao."

"Huh?" Akala ko kasi ay ibinulong nya lang.

"Jace don't trust anyone that easily. Kahit naman ako noong una ko syang nakilala, kung ano ang ibinibigay nyang tingin sayo, ganun din ang natanggap ko."

Akala ko ako lang ang nakakakita. Akala ko ako lang nakakapansin. I did not expect that she's that observant too.

"Anong nagbago?"

May hinawakan sya sa dibdib nya. Sa pagngiti nya ay tila ba may ginugunita syang isang masayang ala-ala. Kahit hindi nya sagutin sa tingin ko ay alam ko na ang sagot. Pagmamahal. Nagbago ang lahat dahil sa salitang pagmamahal.

Mahal na mahal sya ni Jace. Kahit naman yata sino na makakita sa kanila, kahit pa bulag ay mararamdaman iyon.

"Basta, wag kang matakot kay Jace. Wala ka namang ginagawang masama kaya wala kang dapat ikatakot."

Yun nga ang problema. Ayaw ko mang aminin pero tulad ni Kelly, sa mga malalamig na tingin na itinatapon nya sa akin, parang nababasa nya ang buong pagkatao ko.

Pagkatapos ng sandaling pagpunta sa banyo ay bumalik kami kung nasaan ang mga kasama namin.

Nakaorder na sila ng mga pagkain. Nagulat nga ako sa bilis. Kapag kasi ako ang bumibili sa mga ganitong restaurant minsan inaabot pa ng kalahating oras sa paghihintay.

Ngunit base na rin sa mga nakikita kong tingin na itinatapon ng waitress sa dalawa naming kasamang lalaki, sa tingin ko alam ko na kung bakit.

"Meron pa po ba kayong kailangan sir? Tubig? Juice? Kape?" tanong ng isang serbidora mas malapit ng konti kay Jace, malayo sa normal na distansya na palagi nilang ginagawa sa mga normal nilang kostumer.

Hindi sya nito pinansin dahil abala sya sa pag-aayos ng puting tela sa may hita nya- puting makapal na tela na nakikita sa mga mesa bago magsimulang kumain. Ginagamit din ito para hindi mamantyahan ang damit.

May isa na namang panibang serbidora ang lumapit. Ngayon naman ay kay Nathan. Pasadyang binuksan nya ng konti ang mga botones sa dibdib. Halata ring nag-ayos pa sya ng buhok bago lumapit.

"Meron pa po ba kayong kailangan sir? Pinggan? Baso? Extra fork? Spoon?"

Ngunit tulad ng nauna ay hindi ito binigyan ng pansin ni Nathan dahil abala syang nagtitingin sa menu. Hindi ko mapigilang matuwa sa loob ko. Kung paano sila napaismid ng konti noong mapansin ang galaw ng mga babae sa paligid, parehas na parehas sila. Magkapatid nga talaga.

Nakapangalumbaba akong nakatingin sa bukas na botones ng babae. Sumasakit ang mga ulo ko sa mga ikinikilos nila. Ganyan ang suot nya pati ang kilos nya, tapos magtataka sya kung bakit sya nabastos.

Bumuntong hininga ako. Sa pagbuntong hininga ko ay nagulat ako noong may nakasabay ako. Sa tabi ko ay parehas kami ni Serene ng tinitingnan.

Sinenyasan nya ang dibdib nya at saka pasimpleng itinuro gamit ng nguso ang suot ng babae.

Malungkot akong tumango sa kanya. Napailing na lang din sya kasama ko.

"Sana lang minsan huwag kalimutan ng ibang mga babae na respetuhin ang sarili nila." malungkot na sabi ni Serene sapat na para marinig ko.

"Ang masakit nga tayong medjo disente nadadamay kasama nila."

"Maniniwala ka ba sa akin kapag sinabi ko sayo na kahit kailan hindi pa ako nagsuot ng ganun kabulgar na damit?"

"Naniniwala ako. Kasi kahit naman ako hindi pa eh."

"Ayoko rin ng heels."

"Isali mo ako dyan."

"Pag make-up nga nangangati pa ang mukha ko." kumunot ng konti ang noo nya. "Pero bilib lang ako sa mga babaeng araw araw nagmamake-up. Yung bongga talaga. Yung parang pang party make-up naging daily make-up na lang. Like, paano nila nagagawa yun?"

"Girl power?"

"Wala akong hilig. Mas gusto kong makipagbasagan ng ulo kaysa magpaganda. Man power yata ako eh."

"Kuha mo. Welcome to the team." Nagbro-fist kami. Maya maya pa ay hindi na namin namalayan na nagtatawanan na kami. Binigyan kami ng tingin nina Nathan at Jace.

Sabay kaming nagkibit balikat pagkatapos ay saka ipinagpatuloy ang kumain.

Kanina pa bigay ng bigay sa akin si Nathan ng pagkain. Hindi ko maintindihan kung ano ang trip nya. Sabi nya ang payat payat ko raw kaya kailangan malagyan ng laman. Sa tuwing binibigyan ko sya ng tingin ay tinatawanan nya lang ako.

Akala ko uuwi na kami pagkatapos kumain pero noong may nadaanan kaming amusement park, huminto roon ang kotse. May inabot sa amin si Serene na sumbrebro. Noong una hindi ko maintindihan kung bakit kailangan naming magsuot ng sumbrero pati na rin ng maskara na ibinebenta sa may entrance ng amusement park. Pero noong nahagip ng aking paningin ang isang malaking poster di kalayuan naintindihan ko na.

Poster iyon ng 'Princeton Band' kung saan kabilang sina Nathan at Jace. Nakalimutan kong sikat nga pala sa music industry ang mga kasama ko.

"Dora bilisan mo dali maiiwan na nila tayo." Inaayos ko pa lang ang maskara sa mukha ko. Nagkabuhol buhol kasi ang tali kaya nahihirapan ako. Nauna na sina Jace at Serene sa loob. Akala ko iiwan na rin ako ni Nathan pero nagulat ako noong nanatili sya sa tabi ko.

"Akin na nga. Ang bagal eh."

Kinuha nya ang maskara sa kamay ko at isinuot sa akin. Inayos nya pa ang buhok sa tenga ko. Nakita ko ang pagngiti ng mga mata nya sa maskara na suot.

"Tara na."

Nagulat ako noong hinawakan nya ang kamay ko at hinila papasok kasama nya.

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat na maramdaman. Masyado akong gulat at tulala para makapag-isip pa ng dapat gawin. Hinayaan ko na lamang sya na hilain ako kung saan man dahil hindi ko rin alam kung ano ang gagawin.

Ganito pala ang pakiramdam kapag may humahawak ng kamay mo. Ayaw ko mang aminin pero napapatitig ako sa kamay naming dalawa... parang yung kamay lang nila Serene at Jace kanina.

Ang lambot ng kamay nya para sa isang lalaki. Pinagmasdan ko ulit ang mga kamay namin, kung paano sila maglapat, parang isang puzzle na perpekto ang pagkakahulma sa isa't-isa.

Sumakay kami ng mga rides. Pumasok din kami sa ilan sa mga horror house. Ilang beses pa naming nakasalubong sina Jace at Serene na tulad namin ay nag-eenjoy rin para sa araw na ito pero naghihiwalay din kami para makapasyal pa sa gusto naming puntahan.

Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas pero sa loob ng amusement park na ito ay parang huminto ang oras para sa akin. Binilhan ako ng ice cream ni Nathan. Pati sya ay kumakain na rin ng ice cream sa tabi ko.

"Leira, Nathan!" tawag sa amin ni Serene. Sa mga braso nya ay may hawak hawak syang isang malaking teddy bear.

"Napanalunan ni Jace?" tanong ni Nathan.

"Napanalunan ko." proud na proud nyang sambit. Ang laki laki ng ngiti sa mukha nya.

"Nakatsamba ka lang." biro ni Jace sa kanya.

Pabirong pinamewangan ni Serene si Jace at saka tumawa. "Joke lang. Naglaro kami pero hinayaan akong manalo ni Jace."

"Ang dami mo nang stuff toy babes, baka matabunan ka na nyan sa higaan mo."

"Hindi para sa akin ito."

"Para kanino?"

"Para kay Kelly. Matagal na kasi nyang hiling sa akin ito eh." Niyakap ni Serene ng mahigpit ang malaking teddy bear. Akala mo hindi isang teddy bear ang niyayakap nya kundi isang tao.

Nag-ikot ikot pa kami sa buong lugar pero sa pagkakataong ito ay magkakasama na kaming apat.

"Pasok tayo sa horror house! Masaya roon. Diba Leira?" yaya ni Nathan kanila Jace.

"Naku hindi na. Ayos lang kami. Hintayin na lang namin kayo rito sa labas--"

"Sige na pumasok ka na." ngumiti sa kanya si Jace at kinuha ang malaking teddy bear sa braso nya.

"Pero paano ka? Samahan na kita rito."

"I'm okay. Go, enjoy."

Pumasok kaming tatlo sa loob ng madilim at masikip na pasilyo pero hindi ko maiwasang sundan ng tingin si Jace na maiiwan sa labas.

"Hindi mo ba pipilitin na pumasok si Jace?" bulong ko kay Serene. Hindi ko na gaanong makita ang mukha nya dahil nandito na kami sa madilim na parte ng horror house.

"Hindi na. Hindi mo rin mapapapasok yun dito." May lumabas na kunwaring white lady. Nagsihiyawan ang mga tao na nauna sa aming pumasok bago kumaripas ng takbo. Kami ni Serene sa ikalawang banda ay para lang naglalakad sa buwan.

"Sayang naman kung ganun."

"Nasaan na nga ba si Nathan?" tanong nya sa akin.

"Nauna na siguro. Ang bilis nga nung maglakad eh. Tinutulungan pa nya yung mga multo kanina rito na manakot sa mga pumapasok."

"Naku, si Nathan talaga. Baliw."

"Sinabi mo pa."

Hindi na namin nahanap ni Serene si Nathan kaya nagsarili na lang kaming dalawa. Panay ang kwentuhan namin. Ang horror house na pinasok namin ay nagmistulang isang pasyalang parke. Ang dami naming napalipas na grupo na dumaan. Ang mga sigawan nila ay namumukod tangi sa paligid. Sa amin ni Serene ay wala lang ito. Sulit na sulit ang binayad namin dito.

"Leira... kayo na ba ni Nathan?" Hindi ko napaghandaan ang tanong na iyon ni Serene kaya bigla akong napahinto ng konti.

"Bakit mo naman nasabi yan?" tawa ko pa ng konti sa sarili. Napailing ako sa kanya. "Hindi. Walang kami." Ngayong sinasabi ko ito ng malakas, parang ngayon lang ako natauhan sa kahibangan ko.

"Ngayon ko lang kasi sya nakitang ganun kasaya. Sigurado ka bang wala talaga?"

Hindi ako sumagot sa pahina na pahina nyang boses na kahit sya ay parang napagtanto na kung ano ang iniisip ko.

"Oh Leira.." hinawakan nya ako sa braso. Hindi ko inasahan ang pagyakap nya sa akin. Wala pang yumakap sa akin ng ganun.... yakap ng isang sinserong pag-aalala. "Alam kong hindi pa ganun nakakasama ng matagal pero alam ko na isa kang mabuting tao. Pero kilala ko rin si Nathan. Ayokong matulad ka sa mga babaeng ginawa nya lang na koleksyon. Kaya ang mabuti pa habang maaga pa kausapin mo na sya tungkol dito."

Lumabas kami roon at naabutan sina Nathan at Jace na nag-uusap. Noong makita kami ay huminto agad sila. Inilahad ni Jace ang kamay nya. Masaya itong kinuha ni Serene at tumabi sa kanya.

"Ang tagal nyo sa loob ah. Akala namin may nangyari nang masama sa inyo." biro ni Nathan sa amin sabay akbay sa akin. May nararamdaman man na kung anong lumilipad sa tyan ko dahil dito, sa pag-iisip ng posibilidad na isa lang din ako sa mabibiktima nya ay hindi ko mapigilang makaramdam ng panlalamig.

Pag-uwi ay hindi na kami sabay sabay. May sumundo kanila Serene na isang kotse. Hindi ko alam kung sino ang nagmamaneho pero pamilyar ang kulay ng kotse na iyon, parehas na kotse na sumundo sa akin noon noong panahon na ginagawa ko pa ang malaking painting ko sa school. Gangsmate nya sa Ellipses sigurado ako roon.

Sumabay na roon si Jace kaya ang kotse nya ay naiwan sa amin ni Nathan.

Inihagis ni Jace ang susi kay Nathan. "Ingatan mo yan ah."

"Ako pa." sagot naman nya.

"Kapag yan nagagasgas,"

"Hindi syempre. Aalagaan ko kaya ito." mayabang pang sagot ni Nathan.

"Siguraduhin mo lang--"

"Halika na Jace. Si Nathan ng bahala jan." Hinila ni Serene si Jace papasok ng kotse. Kung hindi pa nya siguro ginawa ito ay hindi iiwan ni Jace ang kotse kay Nathan. Panay kasi ang balik ng tingin nya rito. Si Nathan naman sa ikalawang banda ay hindi mabura bura ang ngiti sa kanyang labi. Kung ako rin siguro ang nasa posisyon ni Jace ay hindi ko pagkakatiwalaan ang ngiti na iyon.

Umalis na ang kotseng sinakyan nila Jace. Maya maya pa ay kaming dalawa na lang ni Nathan ang naiwan dito.

"Sakay ka na ihahatid na kita." Pumasok na sya sa loob ng kotse kaya iyon na rin ang ginawa ko. Sa buong byahe ay tahimik lang ako. Hindi ko kasi alam kung paano sisimulan ang gusto kong sabihin sa kanya.

Inihatid nya ako sa may kanto kung saan nya ako madalas na inihahatid. Pinagbuksan pa nya ako ng pinto. Bagay na hindi naman nya ginagawa noon.

Kinolekta ko ang sarili para sa sasabihin ko. Mas maganda na kung malalaman ko ang totoo ngayon o panghabang buhay lang akong sasabay sa agos ng walang kasiguraduhan.

"Nathan sa tingin k--"

"May sasabihin sana--."

Halos sabay naming sabi. Halos parehas din naming hindi natuloy. Sinenyasan nya ako na ako na ang mauna. Sinenyasan ko rin na sya na ang gumawa nun.

"Hindi ikaw n--"

"Mauna ka n--"

Natawa kami pareho dahil sabay na naman kami.

"Ikaw n--"

"Sige ika--"

Tumawa ako ng konti at nagsabay pa kami. Unang nakabawi si Nathan.

"Ikaw na ang mauna kasi." sabi nya.

"Hindi sige na ikaw na. Nasimulan mo na eh."

Ngumiti sya ng konti bago huminga ng malalim. "Alam ko na biglaan itong sasabihin ko pero," tumingin sya sa mga mata ko. Sa unang pagkakataon ngayon ko lang sya nakitang namula ng konti.

"Ngayon lang kita nakilala pero ang dami nating pagkakapareho. Hindi ko pa ito nasasabi sa iba pero sa maikling panahon nakapalagayan na kita ng loob at nasabi ko pa sayo ang sikreto ko. I know I've been a jerk when we first met. Kaya humihingi akong tawad na in-underestimate kita."

Napalunok ako ng laway ko dahil sa sobrang lapit nya sa akin.

"May sasabihin ako sayo kaya sana makinig ka sa akin." huminga sya ng malim. "Pwede bang...."

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kung ano sa dibdib ko. Pakiramdam ng antipasyon sa kung ano ang sasabihin nya ang namayani rito.

"Pwede ba kitang..." iniangat nya ulit ang nag-aalangan nyang mga mata. Namumula pa rin ng konti ang mukha nya na tila ba nahihiya.

Ang kabog sa dindib ko mas lalong bumibilis habang tumatagal. Anong sasabihin nya? Pwedeng maging ano?

Ito na ba ang sinasabi sa akin ni Serene na pakiramdam habang sinasabi nya akin kanina na ganun lang talaga si Jace sa lahat ng taong hindi kakilala at ang tunay na nakapagpabago sa kanya ay ang salitang pagmamahal?

Pagmamahal. . . Ito na ba yun?

"Leira pwede bang..." lakas loob na sabi ni Nathan. Hinawakan nya ako sa magkabilaang balikat.

Namula ng konti ang mukha ko tulad nya.

"Pwede ba kitang matanong kung pwede mo akong tulungang ligawan si Nyree?"

Nanlamig ang buong katawan ko. Pakiramdam ko nabasag ang puso ko sa dalawa. Nabasag... bago pa man tuluyang mabuo.


-wistfulpromise

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
7.3M 374K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
4M 168K 39
Ripper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask for. But what happens when the good gir...
203K 4.4K 23
#2| WICKED WRITERS SERIES| A COLLABORATION Shein is writer who write about fairytale but ends up writing her own crime. At the age of 7 she face the...