Option

Galing kay midnights_

22.8K 335 59

"Being an option was never easy, but waiting for the time to come for you to become the first and last option... Higit pa

Rebound
Part 1
Rebound #1
Rebound #2
Rebound #3
Rebound #4
Rebound #5
Rebound #6
Rebound #7
Rebound #8
Rebound #9
Rebound #10
Epilogue
Author's Note
Part 2
Pain #2
Pain #3
Pain #4
Pain #5
Pain #6
Pain #7
Pain #8
Pain #9
Author's Note

Pain #1

490 8 0
Galing kay midnights_

C H A P T E R  1 


The only thing you can do is wait, even pain is what it takes.

-


"Sir, someone's outside for you. She said you know her."  Napatingin ako sa secretary ko ng sabihin niya iyon.


Sino namang dadalaw ng ganito kaaga?

 

"Let her in."

Bumalik ako sa ginagawa kong pagbabasa sa mga papeles na pinapipirma para sa kumpanya. Narinig ko ng may pumasok sa office ko kaya naman iniayos ko muna ang mga binabasa ko.


"Ang busy naman natin, Young Master. Ganyan ka na pala kasipag ngayon."

Napatingala ako sa impit na boses na narinig ko. Napataas naman ako ng isang kilay dahil ng makita ko ito ay hindi ko naman mamukhaan.

Natawa siya sa reaksyon na ibinigay ko. Kilala ko 'tong tawang 'to. Tumayo ako saka naman lumapit sa kanya para tignan siya ng mabuti.


"Mukha na ba akong multo para tignan mo ng ganyan?" She chuckled.

Agad naman akong napayakap sa kanya ng marinig ko ang totoo niyang boses. Yumakap naman siya sa akin ng pabalik. Nang makakalas ako sa yakap, tinignan ko siya muli saka hinawakan sa pisngi.

"Kailan ka pa bumalik? 'Di mo man lang ako sinabihan. Edi nasundo pa sana kita sa airport."

Natawa naman siya sa ikinilos ko. Hinila na lang niya ako sa couch ng office ko saka kami umupo. Tinignan ko siya na para bang nagsasabing 'sagutin mo yung tanong ko'. Napailing ito na para pang nangiinis.

Alam na alam na ayokong naiiwanang walang alam.

"Pain, chill ka nga. Kadarating ko lang. Alam mo na jetlag, kaya ayun di nako makatulog." Sagot nito sa akin.

"Donia, kailan mo kaya ako tatawagin sa first name ko?" Napairap ako sa kanya ng matawa na lang siya.

"What? Bagay naman kase sa'yo yung pangalan mo. Saka, inaalagaan mo ba sarili mo? Tignan mo yang mata mo ang lalim na. Nangayayat ka pa lalo."

"Hindi yan payat, Don. May muscles pa 'to oh." Sabi ko sa kanya saka tinapik yung braso ko.

"Yuck." Comment na lang nito saka tumawa.

Napailing na lang ako saka hinapit yung bewang niya. Laki din ng pagbabago ng babaeng 'to. Parang kailan lang may laman laman pa yung braso at pisngi niya. Ngayon. Basta, parang model na.

"Inlove ka na niyan, bes?"

Di ko na malayan na nakatitig na pala ako sa kanya. Napairap naman ako sa kanya habang siya naman ay tawang tawa sa reaksyon ko.

"Daming alam. Ba't napadalaw ka nga pala?"

Paiba ko ng topic sa kanya. Humiga naman ako sa hita nito kagaya ng ginagawa ko noon pa. Bahala na kung may pumasok.

Pagod na pagod na lang talaga ako.

"Masama na ba?" Sagot naman nito sa akin.

Nilalaro niya yung buhok ko na parang minamasahe yung ulo ko. Napapikit na lang ako sa ginagawa niya sa akin.

"Hindi naman. Ang aga pa kase. Pwede naming mamaya o kaya sa bahay na lang."

"Madaming naghahanap sa'yo sa mga kabatch naten nang highschool. Akala ata nila magkasama pa din tayo kaya sa akin ka hinahanap. Wala ka man lang bang sinabihan na nakauwi ka na ulit dito sa Pilipinas?"

Napamulat ako sa sinabi niya. Oo nga pala. Hindi nga pala nila alam na nasa Pilipinas na ako.

"Wala din naming may pakialam, Don. Isa pa, alam mo namang iba ang taong kausap mo ngayon sa noon."

Ginulo naman niya yung buhok ko saka umirap sa akin.

Totoo naman. Ibang iba. Pero parehong pareho sa loob.

"Kung ba't naman kase hindi mo ginagamit yang totoo mong pangalan. Wala tuloy makahanap sa'yo." Pagsabi naman nito sa akin.

"Ano pang use ng totoo kong pangalan kung gagamitin lang naman nila yun para sumikat? Tignan mo. Wala silang pake noon kase wala silang alam sa akin. Mabuti na yun. Kesa naman madami nga akong kaibigan, pangalan lang ang habol."

Napabuntong hininga na lang ito saka sumandal sa couch habang patuloy pa din ito sa paglalaro sa buhok ko.

"Ba't ba kase napaka-complicated ng buhay mo, bes." Sabi nito ng halos pabulong na.

Niyakap ko naman ito sa may bewang niya saka pumikit.

"Andiyan ka naman. Okay na 'to." Sagot ko sa kanya.

Naramdaman kong may kinuha ito sa bag niyang katabi niya. Ganon lang ako sa pwesto ko. I find it comfortable this way. Atleast hindi ako ramdam na mag-isa ako.

"Pain oh."

Napaayos ako ng higa. Kinuha ko yung iniaabot nitong invitation sa akin.

"Apollo batch reunion. Crystal Waters Inn."

Napatingin naman ako sa kanya sa nabasa ko.

"Pumunta ka ha? Ipinaaabot nila yan baka sakali daw na magkita tayo."

Tinignan ko lang yung invitation na hawak ko. Kung pupunta ako. Ayoko. Ayokong makita nila ako. Ayokong makita sila.

"Pwedeng hindi na lang bes? Ayoko sa ganitong party."

Sagot ko naman sa kanya. Napalabi naman ito na parang nagpapacute.

"Punta ka na bes. Please? Punta ka na. Wala akong kasama dun." Siya.

"Andun naman yung mga kaibigan mo nung highschool 'di ba?"

Napabuntong hininga siya dahil alam niyang tama naman ako. Sigurado naman kase na may makakasama siya doon. Ako, wala naman akong ibang naging kaibigan. Malayo ako sa tao noon pa man. Ayoko maging attached. Iiwan ka din naman kase nila.

"Isa pa. Yung pagpunta ko doon. Ibig sabihin—"

"Ibig sabihin makikita mo uli siya? Tama ba?"

Tumango na lang ako. Ayoko din siyang makita. Sila pala.

"Pain naman. Hahayaan mo ako doon dahil sa kanya? Bahala ka. Sigurado naman may alak doon. Andun din yung mga kabatch nating mga lalake. Mas madami pa naman din sila."

"Oo na. Oo na. Pupunta nako. Tigilan mo na." Pagputol ko sa mga sinasabi niya.

Napahagikgik naman siya dahil napapayag niya ako. Alam na alam niya talagang hindi ko kayang pabayaan siya kapag ganon na yung lugar na pupuntahan.

"Thank you."

Pag-ngiti nito saka ako hinalikan sa pisngi ko. Umupo naman na ako at inayos na yung damit at buhok ko.

"Nag'almusal ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya.

"Kanina pa, dumaan na akong SB bago kita puntahan."

Tumayo na ako saka siya tinignan.

"May pupuntahan ka pa ba? O gusto mo samahan na kita? Lunch meeting naman yung next meeting ko."

Ngumiti naman ito sa akin at umiling na.

"Baka madami ka pang gagawin. Dun na muna siguro ako sa condo para magpahinga."

"Sigurado ka? Matagal na din naman tayong hindi nagkita. Pwede naman akong magbigay ng oras."

Medyo natawa naman ito na ikinalito ko.

"Bes. 2 years lang 'yon. Isa pa, mas maganda kapag isang buong araw na magkasama tayo."  Sagot naman nito sa akin.

"Fine. Pero susunduin kita mamayang 6 ha? Dinner tayo." Ngumiti ako sa kanya.

Tumango naman siya saka na tumayo at niyakap ako. Yumakap naman ako sa kanya pabalik saka siya hinalikan sa noo niya.

"Sige. Una na ako. Wag kang gaanong magpapagod." Bilin naman nito saka humalik sa pisngi ko.

"Ingat ka." Sabi ko naman bago pa siya lumabas ng office.


//


"Coming!"

Narinig kong sigaw niya mula sa kwarto niya habang nasa sala ako.

Babae nga naman.

"Salamat naman natapos ka na. Akala ko umagahan na kakainin natin e."

Bungad ko naman sa kanya kalabas ng kwarto. Inirapan lang ako nito na ikinatawa ko naman. Simpleng maxi dress lang naman ang suot niya. Pero sobrang gandang tignan sa kanya.

"Done checking me out, Pain?"

Napaigtad naman ako agad sa sinabi niya. Saka napailing.

"I'm not checking you out, Donia. Tara na nga."

Sabi ko naman sa kanya saka hinapit sa bewang niya palabras ng condo niya.


-

"Table reservation for Keenan Alcantara."

"This way, Sir."

Nakacling naman sakin si Donia habang naglalakad kami papunta sa table namin. Naghila naman ako ng upuan para sa kanya saka siya umupo. Umupo na din ako sa harap niya habang nagseserve naman ng champagne ang waiter na naka'assign sa amin.

"Can we take your chef's choice, please." Napatingin ako kay Donia na inabutan ng menu ng waiter.

"Sure, milady." Sabi naman nito saka na umalis.

"I never thought na ganyan ka na kaprofessional magsalita ngayon ha?"

Sabi ko naman sa kanya. Medyo natawa naman ito saka uminom sa champagne niya.

"Paris and Milan is a different country, Pain. Kaya natutunan ko na din siguro."

Sagot naman niya sa akin. Napakibit balikat na lang ako saka uminom na din ng champagne. Nakapagkwentuhan na kami sa kung anong nangyare sa mga nakaraang taon saka palang dumating ang mga pagkain.

Mukha namang maayos at masarap ang mga pagkain kaya hinayaan na din ni Donia. Nagsimula na kaming kumain habang pakonti konting nagkukwento.

"CR lang ako." Paalam naman nito sa akin matapos naming kumain.

Sinundan ko naman siya ng tingin habang papunta ito sa banyo. Sumandal naman ako sa upuan ko saka nilibot ang tingin ko sa resto. Napakunot noo ako ng mahagip ng mata ko si Seth, kabatch namin. Boyfriend niya. Ewan ko na lang ngayon. Sinundan ko siya ng tingin kung saan siya papunta. Nang dumating na si Donia.

"Tara na bes?" Yaya naman nito na parang tense na tense.

"May problema ba? Bakit parang tense na tense ka?" Sumusulyap ito sa likod habang hinahawakan ang kamay ko.

"Ha? Wala ah. Tara na. Late na din 'di ba? Tara."

Nagbayad na din ako ng bill namin saka naman ako tumayo at nagpahila na sa kanya. Sumulyap ako sa kanina niya pang tinitignan.

Kaya naman pala.

Nakita kong hinalikan ni Seth si Aislinn. Babaeng 'di magiging akin. Hinding hindi.


 


Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

1.3M 15.9K 55
Hanggang kailan ako aasa? Oo, mahal ko siya. Sobra. Pero hanggang kailan ako aasa na balang araw, mamahalin rin niya ko? Di ba di naman yun inaaral...
102K 3.9K 26
Krystal and Ace was stuck in an agreement of living in the same roof in 30 days. Krystal had feelings for Ace but Ace didn't care about her feelings...
17.1K 503 47
CHASING SERIES #1 Status: Completed. Date: April 16 - May 11 2020. (August 16, 2020.) Chelsea Silvestre. Chelsea's known as the maldita and pala away...
1.3M 18.8K 50
Sophia's a hopeless romantic. Ayaw niyang pumasok sa isang relasyon kung hindi naman ito pangmatagalan. At kung papasok man siya sa isang relasyon, d...