Phoebian

By cultrue

169K 3.4K 55

Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at ma... More

Phoebian
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Bonus Chapter
NOTICE

Chapter 27

2.7K 55 0
By cultrue

Nagising ako sa pinong halik na ginagawa ni Phoebian. Napaungol ako dahil sa kiliti dulot ng paghalik niya. Pagdilat ko ay nakatunghay na siya sakin. Nakatukod ang kanyang braso at malaya niya akong pinagmamasdan.

"Hi sleeping beauty."

Parehas na kaming may damit. Yung damit ko kanina ay yun din ang suot ko ngayon. Napansin ko rin na parang hindi na lumilipad ang jet niya. Nandito na yata kami.

"Nandito na ba tayo?" Mangha kong tanong.

Pininat niya ang noo ko at marahan niyang tinapik ang tungki ng ulong ko gamit ang kanyang hintuturo. "Yup. As much as I love to watch you sleep, I still have a lot of things to do. We're going to have our first tour in Paris tomorrow morning and we're going to get ready for the fashion week."

Siya siguro ang nag-ayos sa akin dahil kompleto ang suot ko. Dalawang beses naming ginawa 'yun' at nakatulog ako. Hindi ko na alam ang nangyari dahil tulog na ako. Nakabihis na rin siya. Siguro ay pinagmasdan niya lang ako habang tulog ako hanggang sa makababa na ang Phoebian air.

Inayos ko ang gusot ng shirt na suot ko. Ang bodyguard ni Phoebian ang nag-ayos sa luggages namin. Pagbaba namin ng jet ay may nakaabang na agad na black and gold Cadillac. Inalalayan ako ni Phoebian na bumaba. Pinagbuksan kami ng bodyguard niya ng pinto para makapasok kami sa loob ng sasakyan.

Dumiritso agad kami sa hotel. Isang kwarto lang ang kinuha ni Phoebian. Iniwan niya muna ako saglit sa loob ng hotel dahil meeting siya sa isang investor. Walang naging problema sakin sa pag-iwan niya. Pinadalhan niya ako ng pagkain sa loob ng kwarto namin. Habang wala siya ay inabala ko ang sarili ko. Kinuha ko ang camera ko at kinunan ang Eiffel tower. Napangiti ako at para akong batang kinikilig sa saya. Hindi ko makakalimutan itong araw na'to.

Madaming beses kong kinunan ang Eiffel tower, iba't-ibang anggulo. Kinunan ko din ang sarili ko gamit ang cellphone ko. Maganda naman ang camera ko dahil bagong labas lang ito ngayong taon at kabibili ko lang.

Pagkatapos ko sa labas sa may balcony ay bumalik ulit ako sa kama at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko inubos ang wine. Iniwan ko lang muna ang pagkain saka ako naligo. Bathrobe lang ang suot ko paglabas ko. May hair dryer sa loob ng banyo. Pakiramdam ko ay hinanda na lahat ito Phoebian dahil may hygiene products na sa loob ng banyo. Mayroon sa kanya at mayroon din sakin.

Lumapit ako sa isang luggage. Hindi ko matukoy kung alin sa akin dito dahil anim na Louis Vuitton luggages ang nakahalira dito sa hotel room namin. Lahat ay sinilip ko para malaman ko kung alin sa kanila ang gamit ko. Nang mahanap ko ang damit pambabae ay pinahiga ko sa sahig ang luggage na nabuksan ko at naghanap ng masusuot. Mabuti nalang at mayroon akong nakitang jeans at manipis na tank, pinaibabawan ko lang ng sweetheart shirt dahil malamig ang klima.

Nahiga ako sa kama. Pinikit ko ang mga mata ko. Hinila ako ng antok at hindi ako nagpapigil. Paggising ko ay katabi ko na si Phoebian. Kinapa ko ang kamay niya na nakapulupot sa bewang ko. Nakabihis na siya ng pantulog. Pumikit ulit ako at nagpasyang matulog ulit kahit gusto kong gisingin si Phoebian kung anong oras na siya bumalik.

Kinaumagahan ay ginising niya ako agad dahil kailangan na naming maghanda para sa event na pupuntahan namin. Katapos agad ng breakfast namin ay nagpapasok siya ng ilang hairstylist, makeup artist, at yung tutulong para bihisan kami. Hindi ako komportable na may ibang nanunuod saking nagbibihis kahit pa na babae. Si Phoebian ang unang nagbihis dahil inayusan pa ako.

Para akong batang sunod-sunuran. Tulala ako hanggang sa matapos akong ayusin.

"You look gorgeous."

Sinipat ko ng tingin si Phoebian. Mukhang handa na siyang umalis dahil ready na siya sa ayos niya. Naka-suit lang siya. Parang pan-opisina lang niya pero iba ang dating niya kumpara sa pan-opisina niyang damit. Maayos na nakasuklay ang kanyang buhok, nasa gilid ang linya at makintab tignan ang kanyang buhok dahil sa wax. May suot din siyang dalawang singsing sa kanang kamay at isa sa kaliwa.

"Are you ready?" Tanong niya sakin.

Kumunot ang noo ko. "Hindi ko alam." Kaninang umaga kami nag-ayos hanggang umabot ng hapon sa paghahanda. Alas singko ang simula ng fashion week ng isang brand na pupuntahan namin. Schiaparelli black dress ang suot ko, may top akong suot pero tama lang para takpan ang dibdib ko. Mababa ang neckline

Ngumisi si Phoebian. "I'm sure you are. You just need to relax and chin up when we're already there. You have the hold of this tonight's event because you are the most beautiful woman who'd sit beside me at the front row." Sabi ni Phoebian habang nakatangin siya sa repleksyon ko sa vanity mirror. Nakapatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng balikat ko.

Hindi ako nakaiwas nang patakan niya ako ng halik sa pisngi. Hindi ako natatakot na mabura ang makeup na suot ko pero natatakot ako na baka lumamat ang labi niya sa pisngi ko, ang dami kasing nilagay sa mukha ko. Feeling ko ay makapal na ang mukha ko pero hindi siya makapal tignan. Puro neutral color ang nilagay sa mukha ko. Wala pa akong alam sa cosmetics pero aalamin ko din yan kapag ako lang na mag-isa sa iisang kwarto dahil nakabantay si Phoebian sakin palagi. Kung di lang dahil sa mga investors niya ay para na kaming priso dito sa hotel room.

"Before we go. May ibibigay ako."

Hindi ko napansin ang itim na paper bag na dala niya. May kinuha siyang box. May tatak ng Bulgari sa ibabaw ng kahon. Binuksan niya ito at tumambad ang isang makintab na serpentine necklace.

Natameme ako. Natatakot akong hawakan yun dahil hindi ko alam kung paano yun aalagaan habang suot ko sa aking leeg.

"Phoebian--"

"I know sweetheart. But I like to give this to you. You deserve to be the star tonight." Sinuot niya sakin ang kwentas. Mabigat sa leeg pero hindi ako nasasakal. May suot na akong hikaw na kulay ginto na hanggang sa leeg ko ang haba. Schiaparelli surrealist anatomy bijoux ang tawag nila dito. Para na akong si Cleopatra. Ang dami kong suot.

Nakabun ang buhok ko pero ginamitan yun ng hair extension kaya parang tower ang buhok ko.

"Come on. We're going to be late. Huwag mong tatanggalin yan hanggang makabalik tayo dito."

Tumango ako. Kinuha niya ang bag na dadalhin ko. Cellphone namin at ang black card niya ang laman nun. Hinanda niya ang lahat ng 'to hanggang sa mga gamit na gagamitin ko, damit na susuotin ko at makeup na ipapahid sakin. Syempre ginamit ng makeup artist ang Phoebian cosmetics. Inabot ni Phoebian ang bijoux visage bag.

Anim na bodyguards ang nakapalibot sa amin at sumabay samin palabas ng hotel. Paglabas namin ng hotel ay may apat ng nakabantay sa amin dahil maraming photographers ang nakabantay din samin at maraming tanong sila kay Phoebian, sa ganitong oras ay tiyak na pag-uusapan kami.

Sumakay kami sa itim na Range Rover. Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok kami sa loob ng sasakyan.

"Drive." Malamig na utos ni Phoebian sa isa niyang bodyguard. Hindi ko alam kung iilan ang bodyguard niya pero mayaman siya at kaya niyang magbayad para sa proteksyon naming dalawa.

Sa musée des arts décoratifs kami huminto. Doon tinalaga ang show. Paglabas palang namin ni Phoebian sa Range Rover ay umulan agad ng kisap galing sa mga camera na nakabantay sa amin. Mahigpit akong hinakawan ni Phoebian at mahigpik ko ring hinawakan ang bag ko.

"Chin up sweetheart." Bulong ni Phoebian.

Mas lalong lumakas at bumilis ang pagkuha ng larawan sa amin. Click ng camera dito, click ng camera doon. Pagpasok namin ay may ilang celebrity akong nakita, yung iba ay namumukhaan ko, ang iba naman ay hindi. May pinakilala sakin si Phoebian na sikat ding fashion designer at editor-in-chief ng sikat na magazine sa buong mundo.

Umupo kami sa front row. Katabi ko ang dating supermodel noong panahon niya pa, matanda na siya pero nandito parin siya at present sa fashion week. Katabi naman ni Phoebian si Phinneas na hindi ko napansin na nandito pala. Nakalimutan ko saglit na fashion designer din pala ito.

Nagsimula na ang show. Namangha ako nang makita ko ang mga modelo na rumarampa at nagsimulang ipakita ang mga collection.

Halos hindi ako makamove on sa show dahil sa pagkamangha sa lahat ng rinampa ng mga modelo.

"Did you enjoy the show?" Natutuwang tanong ni Phoebian.

Alas dyes na kami nakabalik sa hotel dahil nagdinner pa kami kasama ang ilang investors at ang kapatid niya. Nakita ko si Ox pero hindi siya sumama sa amin dahil may kasama siyang babae. Hindi ko alam kung sinong ang babae dahil hindi rin naman sila lumapit samin ni Phoebian. Nagsenyasan lang ang dalawang magkaibigan pero hindi na lumapit pa si Ox. Parang nagmamadali din siyang makaalis.

"Sobra." Masaya kong sabi habang tumatango.

"Good. Now let's get some sleep. Tomorrow we're gonna tour the city."

Nakatulog ako agad dahil gusto kong magising ng maaga, dala narin ng pagod ay nagpadala ako sa antok ko.

Pagkakinabuksan ay namasyal kami ni Phoebian. Dalawang araw kami sa Paris at pumunta din kami sa Monaco at doon kami nanatali ng tatlong araw sa mansyon niya. Hindi matapos-tapos ang pagkamangha ko kay Phoebian. Kahit sa buong Monaco ay madaming nakakakilala sa kanya. Kaya pala ganun sikat siya dahil nanirahan siya ng dalawang taon. Hindi gaanong maluwag ang Monaco para hindi siya maging sikat agad. Gwapo, matipuno, at mayamang lalaki. Karamihan sa mga tao do'n ay mga mayayaman. Daan-daang mamahaling sasakyan ang may nagmamay-ari, mga yateng nakahilera sa port, at mga naglalakihang mansyon.

Twenty three si Phoebian na magdesisyon na bumili ng isang bahay para maging vacation house. Hindi naman mahal sa kanya ang twenty one million dollars na bahay kaya inangkin niya agad ang bahay na gusto niya.

At sa huling gabi namin sa Monaco. Hindi na kami namasyal at sinulit nalang namin ang gabi sa loob ng mansyon. Ang bahay ni Phoebian ay nasa taas ng burol. Nandito ako sa may balcony at tinatanaw ang malawak na karagatan. Ito yung pinakamaganda at pinakatahimik na nangyari sakin. Kung wala lang akong trabaho na naiwan ay baka hindi na ako umuwi. Gusto ko dito, at gusto ko ding bumalik dito sa Monaco.

Napapitlag ako nang may pumulupot sa aking braso, nakayakap mula saking likod. Kung hindi ko lang naamoy agad ang pabango niya ay baka sumigaw na ako ng tulong.

"Easy. It's just me."

Napahinga ako ng malalim, sinandal ko ang katawan ko sa kanya. Pinatong ko ang aking kamay sa matigas niyang braso at pareho kaming nakatanaw sa karagatan. Naghahalo ang kulay asol at ginto at kahel sa langit. May bituin narin akong nakita. Siguro ay yun ang isa sa pinakamalaking bituin dahil agad itong nagpakita sa langit.

"What are you thinking hmm?"

Para akong inuugoy sa lambing at amo ng boses ni Phoebian. Gusto kong matulog.

"Wala lang. Parang blanko lang ang utak ko ngayon."

"Really?" Parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Tumango ako sa kalagitnaan ng paghigpit ng yakap niya sakin.

"Mmm. Parang hindi ka naniniwala sakin. Kung may gusto kang ikwento sakin kwento mo lang. Para naman magkalaman ang isip ko." Biro ko.

"Don't have yet. But let me put something in your little pretty head." Gamit ang dalawang daliri ay pinangko niya ang baba ko para patingalain sa kanya. "Just look at me like that and my handsomeness will absorb on your eyes then iisipin mo na ang gwapo ng magiging future husband mo."

"Baliw. Anong akala mo sakin, madaling mauto. Atsaka mababali ang leeg ko sa kakatingin ko sayo. Bibigyan mo pa ako ng injury." Sabi ko. Hindi na ako nakasandal sa kanya pero nakakabit ang dalawa niyang braso.

Nagtaas siya ng kilay. "You. You're so bad on me. Pasalamat ka mahal kita. Kung hindi ay baka itinapon na kita diyan sa dagat. Pasalamat ka talaga."

Pinagkrus ko ang dalawang braso ko. Nakaharap na ako sa kanya. "Aba, hindi ko kasalanan na mabaliw ka sakin. Kung hindi mo ako hinire na maging house cleaner mo edi sana wala tayo ngayong—"

"Don't say that, pinapabalas mo talaga na sobrang baliw ako sayo. And I was just so fucking desperate at that time on you to become mine. It paid off naman so let's just cut the crap."

"Ewan ko sayo. Ikaw kasi ang dami mo pang sinasabi. Kung natatakot kang baka takbuhan kita edi huwag kang mambabae. Ayaw ko sa mga cheater." Matigas kong sabi.

Biglang lumambot ang kanyang tingin sakin. Wala na yung nakakaasar niyang tingin.

"I know. I won't do it to you. I tell you what-- my Dad cheated on my Mom thirteen years ago, I saw my Mom cried a lot and drink a lot. It was too painful for us, I was young and I didn't know what to do. Pero nagkabalikan naman sila, it's just that, Dad really fought a lot of battles before we became close again. Hindi naging madaling patawarin ang ginawa niyang kasalanan. That's why me and Phinneas studied in abroad to forget at huwag umasa sa yaman ng parents namin. Hindi naman kami naghahabol sa yaman nila dahil may sarili kaming pera. Just in case na may iba siyang anak sa iba, sa kanya nalang yun."

Matagal nagsink in sa utak ko ang kagimbal-gimbal na nangyari sa pamilya nila. Hindi ko alam na nagkasala pala ang Daddy nila.

"Pero bakit cosmetics ang naisipan mong inegosyo? Ang dami namang pwede diyan."

Bumuntong-hininga siya. Hinila niya ako para ikulong ulit sa kanyang bisig. Gusto kong makita ang kanyang mukha habang nagpapaliwanag siya sakin.

"The other reason is that, it's because of my Mom. She became stronger when Dad cheated. Humanga ako kay Mom dahil sa katatagan niya. Two years with Dad cheating on us, Mom never surrender to raised us. She raised us well. That's why I saluted her femininity. I'm manly, yeah, but when two women raised you, you become more softer and raised a respect for women."

Yung Abuela niya at ang Mommy niya siguro ang tinutukoy niya na dalawang babae. Pero mabuti nalang at okay na ang parents niya at mabuti nalang at nagbago ang Daddy niya.

"My cosmetic is getting higher in the market. The sales are good and I will make sure to always make it on the top."

"Pero huwag mong abusuhin ang katawan mo sa pagtratrabaho."

"Hindi naman. I have employees to work on that. I'm gonna step down soon as a CEO of Phoebian cosmetics." Kalmante niyang sabi, nagtaka ako at hindi ko maiwasang magulat sa sinabi niya.

"Huh? Bakit? Akala ko ba maayos ang Phoebian cosmetics?"

Tinawanan niya ako saglit pero agad yung naglaho dahil nakita niya na hindi ako nakikipag-biruan.

"Silly. I'm still the chairman and the president of my company. I just need a new CEO to run my company for me because I wanted to focus on my family. If we get married gusto ko ay focus ako sayo. I don't want any destructions kapag maging akin ka na legally. Sa ngayon ay ako muna ang CEO."

Inirapan ko siya dahil sa sinabi niya. Tinawanan niya lang ako at pinaglalambing. Hindi ako galit o naiinis sa kanya. Masaya ang puso ko dahil sa kanya. Hindi ako mangangako na mamahalin ko siya sa araw-araw dahil nakakasawa din ang araw-araw. Siya lang araw-araw. Aalagaan ko siya at ipapangako ko na yun ang ibibigay ko sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

9.6K 138 33
Note: This contain mature scenes not suitable for minor, This is a BL story The story revolves around Saito Mendez, a college freshman taking up Bus...
333K 17.9K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
411K 5.7K 66
Tiffany Hwang and Kim TaeYeon are both famous superstars and are about to enter the popular show, 'We Got Married" Original Story by:TaeNyLoverSparkl...