Phoebian

By cultrue

175K 3.5K 63

Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at ma... More

Phoebian
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Bonus Chapter
NOTICE

Chapter 24

2.7K 62 0
By cultrue

Nagpaalam muna ako kay Phoebian na pumunta sa powder room. Iniwan muna namin ang mga nasa parlour room dahil sinamahan ako ni Phoebian. Sa labas siya naghintay sakin. Naghugas ako ng kamay. Yung basa kong kamay ay yung ginamit sa buhok ko. Wala akong pakialam kung naka-hair treatment ang buhok ko.

Nagulat ako dahil may babae palang nasa loob ng powder room bukod sakin. Palabas siya. Pareho kaming nagulat. Pero agad yung naglaho. Tumikhim siya at tinanguan ko lang siya.

Lumapit siya sa sink at binuksan ang gripo para lumabas ang tubig. Tahimik lang akong nagpupunas ng wipes sa gilid habang lihim kong pinagmamasdan ang babaeng may kaedaran narin. Parang magkasing-edad lang sila nina ma'am Lucille.

"So," Napagawi ang tingin ko sa kanya nang magsimula siyang magsalita. "You're Phoebian's girlfriend, I guess?"

"Opo." Mahina kong sagot na nakatango.

"You are lucky that you have him. I have a daughter kasi," Pinatay niya ang gripo. "She's so fond of Phoebian. They knew each other since they were young. My daughter is a lawyer at may sinasabi siya sa buhay. You know, didiretsahin na kita. Hawakan mo ng mabuti si Phoebian. Baka maagaw siya sayo. Huwag mo sanang masamain yun. Just saying." Mayabang siyang ngumiti na may halong panunuya.

Hindi ko gusto ang amoy ng kanyang ugali. Maamo nga siyang tignan pero may natatago ding pangit na ugali. Nauna siyang lumabas sakin. Isang minuto muna akong nanatali sa loob. Paglabas ko ay nasa labas parin ang ginang pero kausap na niya si Phoebian at yung isa pang lalaki na hindi ko kilala.

Hindi muna ako gumalaw dahil ayaw kong maistorbo sila. Hindi ko din gusto ang babae dahil sa sinabi niya sakin kanina. Ang ibig niya bang sabihin ay mas bagay ang anak niya kay Phoebian kaysa sakin? Yun ata ang pinapamukha niya.

"Valentine is not feeling well. Pero kapag makausap mo si Phoebian ay baka maging okay na siya. You know she doesn't have someone to talk with here. Magkamustahan naman kayo."

Lihim akong napangiwi dahil sa sinabi niyang yun. Para siyang desparada. Desparada na makatagpo ang anak niya ng mayaman. Yun kasi ang ginagawa ng mga noble women sa mga anak sa London noong panahon pa ng mga panahon nila. Siguro yun din ang ginagawa ng mga magulang ng ginang na'to sa kanya dati. No offense meant.

Mabuti at napako ang tingin ni Phoebian sakin at nakita niya ako. Tipid akong ngumiti sa kanya. Lumapit siya sakin at hinatak ako sa kanya.

Dalawang pares ng mga mata ang saksi sa ginawa niya. Yung lalaking kausap niya ay napangisi habang ang ginang naman ay napangiwi ako.

"I guess you already met my girlfriend, tiya Hilga?"

Biglang kumabog ang dibdib ko sa kaba. Hilga. Pamilyar ang pangalan na yun.

"Ah yes! But I didn't catch her name nga pala. What's her name de—"

"Phoebian pwede na ba tayong umuwi?" Bulong ko sa kanya.

Sinadya kong gawin yun dahil kung siya nga ang hinanap ko ay dapat hindi niya malaman ang pangalan ko.

Kumunot ang noo niya sa pagtataka pero nabura din yun dahil tumikhim ang lalaki. Kaming dalawa ni Phoebian ay napatingin sa kanya.

"Yeah sure." Agad niyang sagot. "This is my girl, Maiarie Gascon. And by the way, sweetheart this is Artori Fiorel. He's one of my friends since I can't remember. Art, my girl." Pakilala ni Phoebian.

Hilga lips parted.

Bago ko pa maabot ang kamay ni Art ay si Phoebian na ang nakipa-kamay sa kaibigan. Lihim kong kinurot si Phoebian. Ang bastos niya.

"Mannn, I already know. She's yours so no need to worry." Natatawang sabi ni Art.

"I know." Matigas na sagot ni Phoebian sa kaibigan.

Kinabig niya ako sa kanya bago nagpaalam sa dalawa. Sumunod si Art sa amin na may sinabi kay Phoebian. Tungkol yun sa investment nila. Hindi ko masyadong nasusunod ang pinag-usapan nila dahil ramdam ko yung tingin ni Hilga.

Kung siya ang nanay ko ay bakit hindi ko naramdaman yung lukso ng dugo? Baka nga walang lukso ng dugo dahil iniwan niya ako kay itay. Hindi naman totoo yung lukso ng dugo lalo na't pinabayaan ka lang.

Hawak ni Phoebian ang purse ko. Hanggang umabot kami sa labas ay nag-uusap parin sila ni Art. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi na nakasunod si Hilga. Diretso sa parlour na yata yun.

"I just call Phinneas to confirm." Sabi ni Phoebian.

"Tell your brother not to pee on his pants next time he wants to drink his ass out over that girl. May asawa na yun." Tapos humalakhak si Art na parang joke lang.

Hindi ko rin maintindihan si Phoebian dahil sinamahan niya lang ng tawa ang kaibigan. Mga siraulo. Maya't-maya lang ay may lalaking lumabas mula sa loob ng mansyon. Kaming tatlo ay lumingon sa kanya.

Si Art ang unang bumati sa lalaki. "Hey Leigh! Who won?"

"I won. And he lost the match to me." Natutuwang sabi nang bagong dating. At sumunod din si Ox.

"You are just lucky tonight asshole. Ako sana ang mananalo pero madaya ang gago na'to." ani Oxford.

"Hey! I always win in poker. Hindi ka pa nanalo kapag ako ang kalaban mo dude."

"Psh, don't talk to me."

Kinalabit ako ni Phoebian habang nakatingin ako sa mga kaibigan niya. Si Art. Nabali ang usapan nila tungkol sa poker games dahil nagtanong si Art kay Ox tungkol sa business. At tinawag ni Phoebian yung lalaking hindi ko pa kilala. Yung Leigh.

"Hey man. This is my girlfriend. You remember what I told you?" ani Phoebian.

Bored na tumango si Leigh.

"Fuck off." Phoebian added.

Nag-isip saglit ang yung Leigh at maya't-maya lang ay nagliwanag ang mukha ni Leigh nang mapatingin siya sakin. "Hello."

Tumango ako. Tumingin ako kay Phoebian para humingi ng permiso na makipag-kamay kay Leigh.

Isang tango ang sagot ni Phoebian.

"Hello." bati ko.

"Nice meeting you. Finally. I'm Leighton Visconti. And you're Maiarie Gascon? Phoebian told me about you and your family—as you're related to Oxy."

Binaba niya ang kamay pagkatapos makipag-kamay sakin.

Lumapit si Oxford sa amin pagkatapos niyang kausapin ang ibang kaibigan.

"Binanggit ni Phoebian sakin noong isang araw ang tungkol sa tatay mo. Kumusta?"

"Okay lang. Nasa probinsya si itay. Ayaw niyang pumunta dito sa syudad dahil marami siyang gagawin do'n. Ayaw niyang iwan ang farm."

Napatango si Oxford. "It's okay. At least nakita kita at nakikilala personally."

"Ganun din ako."

Kada tanong niya sakin ay sinasagot ko naman ng maayos. Nasa tabi ko lang din si Phoebian at nakikinig sa amin. Tahimik lang siya. Yung dalawa pa nilang kaibigan ay hindi pa tapos sa pag-uusap kaya hindi nakisali sa amin.

Nahinto lang ang pag-uusap namin nang yayain na ako ni Phoebian na umuwi. Sakto din at inaantok na ako. Antokin kasi ako.

"See you around Maia. I just tell Phoebian kung kailan kayo available para makausap mo din si Mommy nasa loob siya pero kung gusto mo ay pwede naman sa susunod. She would love to meet you too."

Napatango ako. "Okay pero gusto ko sanang kasama si Phoebian." sagot ko at napatingin kay Phoebian na napangiti.

"Oh your boyfriend should come too. You know, meeting with fam din just like what had happened tonight."

"I would love too. Mas mabilis ang pagyaya ko sa pagpapakasal ko dito." ani Phoebian habang nakaakbay sakin. Hindi ko inalis ang kamay niya kahit mabigat.

"You sure 'bout that cousin? Bata pa si Maia para mag-asawa. You should've wait for her at least ten more years maybe?"

"Hell no! Gusto mo ikaw nalang Oxford. Wag mo akong igaya sayo."

"Pfft." Tumawa si Oxford. Siraulo din ang isang 'to.

Gumaan ang pakiramdam ko dahil kay Oxford. At least may pamilya ako na tanggap ako kahit hindi kami magkadugo talaga. Kahit apilyedo lang ang dala namin ni itay ay mainit pa din ang pagtanggap ni Oxford sa akin.

Pagkaalis namin ni Phoebian ay sumunod din ang dalawa pang kaibigan. Sina Art at Leigh. Naiwan si Ox sa mansyon dahil may ilang bisita pa ang naiwan. Parang hindi ko na gustong bumalik do'n lalo pa't kung palagi kong makikita si Hilga. Ayokong tawagin siyang nanay dahil hindi naging maganda ang turing niya sakin.

"Are you happy?"

Nasa kwarto ko na kami ni Phoebian. Nasa sahig siya—syempre may sapin naman siya. Yung makapal kong comforter ang ginamit niya at may kumot din. Bukas ang bagong bentilador na siyang bumili dahil hindi na gumana ang dati.

Nakakahiya dahil gumastos pa siya. Ang sabi niya lang niya sa akin ay nakikitulog naman siya minsan dito sa apartment ko.

Pero kahit na.

Nasa ibabaw naman ako ng kama pero nasa gilid ako. Nakatingin ako sa kawalan habang siya ay sa taas nakatingin. Yung posisyon ko ay nakaharap ang tiyan ko sa kama at yung isang kamay ko na nakasabit kanina sa kama ay nasa dibdib na niya. Pinatong niya. Yung isang kamay ko naman ay nakahiga sa unan.

"Hmm."

"My mother likes you. We don't have problems with my parents. You are also a great cook and my Mom would be so proud. Ang gusto niya sa babae ay yung malalamangan siya sa gawaing bahay. And you nailed it sweetheart because Abuela said that you knew all the different types of chores."

"Syempre dahil babae ako at mag-isa lang ako dati kaya kailangan kong magtrabaho."

Mahina lang ang boses naming dalawa na nag-uusap. Parang nagbubulungan lang kami. Ang malakas lang ay ang halinghing ng bentilador. Wala kaming naririnig na ingay mula sa labas. Simula noong lumipat ako dito sa apartment ay wala akong problema sa mga kapitbahay ko. Hindi sila nangingialam sa buhay ng iba.

"Phoebian may tanong ako."

"What is it?"

"Sino yung ginang na unang lumabas sa powder room? Hindi ko kasi alam ang pangalan niya."

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko siyang napatingin sa akin. Pero agad din siyang tumingin sa kisame.

"That was Esihilga Taberna-Ruiz. She's Valentine's mom."

Pagkarinig ko lang sa pangalan na binanggit din ni itay ay napapikit ako. Gusto kong magmura ng malakas. Nagmumura ako pero minsan ko lang gawin yun dahil alam kong makasalanan ang magmura. Esihilga Taberna-Ruiz. May asawa siya. At yung Valentine ay yung anak niya, na posibleng kapatid ko.

"Yung Valentine. Naging kayo ba?"

"No! She's out of my league. I'll never have her as my girlfriend. Why? May sinabi ba sayo si tita Hilga? I know this is bad and you don't like me talking shits but tita Hilga is annoying. All the fucking time, kapag nakikita niya ako akala mo para akong ginto. May sinabi ba siya sayo kanina sa loob ng powder room?"

Hindi ako nakapagsalita. Tiyak alam na niya ang sagot sa tanong niya. Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko kapag makita ko ulit siya. Ayoko pang sabihin kay Phoebian na nanay ko sa Hilga dahil hindi pa ako mismong sigurado.

Istalk ko muna siya kung may social media account man siya at isesave ang phote niya para ipakita ko kay itay para makompirma kung siya nga ang nanay na nag-abandona sakin.

Kapag malaman ko na siya nga ay hahayaan ko siya. Alam ko na mahal ako ni Phoebian.

Nakasimangot akong bumaba ng tingin sa kanya. Dumako ang tingin niya sakin.

"What?" Nakataas kilay niyang tanong.

"Thank you."

"What for?"

"Kanina."

Tatlong segundo siyang blanko pero agad ding pinalitan yun ng malamlam niyang tingin sa akin. Inabot niya ang pinsgi ko at dinaan ang kanyang daliri sa pisngi ko.

"Anything for you. Kahit ano na kaya kong gawin o ibigay ay ibibigay ko sayo para sumaya ka. Even though you can't handle my attitude. You have enough patience to tolerate my tardiness. I don't know what I'd do without you. Paulit-ulit itong linya na ito dahil ganun ka sakin. And to tell you, I'm very greedy and selfish if it's about you. Except kina Oxford because they're your long lost family. And they're my family too because you became part of them. Oxford welcomed you wholeheartedly."

"At dahil yun sayo. Thank you so much Phoebian." Bulong ko.

Umusod pa ako sa gilid para maabot ang kanyang pisngi. Yumukod ako para ilapit ang mukha sa kanya. Hindi ako naghirap na abutin siya dahil kusa siyang lumapit sakin at tuluyang nagtama ang labi namin.

Sa pisngi lang ang balak kong halikan pero dahil siya ang nauna. Sumunod lang ako. Binuka ni Phoebian ang labi niya at ginaya ko yun. Nakaupo na siya sa sahig. Ang isang kamay niya ay nasa likod ko. Malalim niya akong binalikan ng halik matapos niya akong bigyan ng espasyo para makapaghinga.

Napaungol ako nang kagatin niya ang ibabang labi ko. Hindi masakit pero pakiramdam ko ay mamamaga yun. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko siya mapigilan.

Hindi ko namalayan na nasa loob na pala ng suot kong t-shirt ang kamay niya. Tinanggal niya ang bra ko. Tinapon niya. Hindi ko yun nakunan ng pansin dahil sa halik niya ako nakafocus. Mainit na sa pakiramdam. Parang gusto kong maghubad nalang.

Mabilis akong nagmulat ng mata. Bago pa kami humatong sa susunod na mangyayari ay naitulak ko na siya.

Dumaing si Phoebian. Napasandal siya sa kama, nakatalikod sakin, at pagod na tumingin sa akin. Pareho kaming habol ang hininga.

"Sorry." Bulong ko.

Humarap siya sakin. "It's okay. It's also my fault because I kissed you torridly. I didn't stop myself."

"Paano yan?" Tanong ko at nakita ko ang malaking bukol sa gitna ng kanyang mga hita. Napadaing siya ulit at walang sabi na kinuha ang kumot at unan at tinakip banda 'dun'.

"Don't look down. Baka hindi ako makapagpigil at ipagpatuloy natin ang ginawa natin kanina. Go to sleep baby," Humiga siya at tumalikod sakin. Bali sa may pintuan na siya nakaharap. "Before we end up making babies." dagdag niya.

Nag-init ang pisngi ko. Pinalo ko siya sa braso niya. Tinawanan ako. Inirapan ko ang likod niya at umayos na ako ng higa sa kama. Napatampal ako sa aking noo. Kung hindi ako natauhan ay baka nagawa na namin ang ginagawa ng babae at lalaki.

Syempre gusto kong gawin 'yon' pero hindi pa kami lumalampas ng isang taon. Kapag mag-isang taon na kami ay kaya ko ng ibigay ang sarili sa kanya.

Natagalan ako sa pagtulog dahil yun ang inaalala ko. Nakakahiya tuloy kay Phoebian. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan ko para makatulog.

Kinaumagahan ay nagising akong may hinanda ng pagkain. Nagulat ako dahil minsan ay ako pa ang nauunang magising at maghanda kaysa kay Phoebian.

"Good morning sweetheart. Take a seat para makakain na tayo."

"Ba't nauna kang magising?" Taka kong tanong.

"Well I have to wake up early and start my day in my office. I considered what Abuela told us."

"Na ano?" Sa dami ng sinabi ng Abuela niya ay hindi ko na natandaan.

Puro tukso lang ang lumabas sa bibig niya.

Ngumisi si Phoebian. "About being your rich boyfriend? Well, I have to become richer and richer... to have more babies to feed." Kindat niya.

Hindi na ako nakapaghintay sa susunod na sasabihin niya dahil hinabol ko siya. Naghabulan kami sa loob ng apartment. Ang lakas ng tawa niya na parang nanunuod lang ng comedy film. Naiinis ako kaya hinabol ko siya. Naiinis ako dahil nag-iinit na naman ako.

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 112K 39
Betrayal, complicated love affair, love square... Paano kung ang mga taong involve sa love square na yan ay ang sariling mong tatay na mahal na maha...
301K 6.1K 34
Sobrang pagmamahal yon ang maling nagawa ni Grace ng mahalin niya ng sobra ang super hot niyang professor....ang mas matindi pa pinaasa lamang siya n...
789K 19.3K 33
Rated 18+ Matured Content. This is a Self-Publish book. MBBC #1 (Mondragon Billionaires Boys Club 1) Story of Drew James Mondragon and Beauty Acuesta...
26.3K 724 53
R-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She t...