BABYSITTING THE MAFIA'S KID

By VictoriaGie

483K 23.1K 6.1K

May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta... More

PROLOGUE 💋
CHAPTER 1 - KNOCK KNOCK
CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION
CHAPTER 3 - THE HIERARCHY
CHAPTER 4 - LOST TREASURE
CHAPTER 5 - FULLY LOADED
CHAPTER 6 - VINTAGIO MUSEUM
CHAPTER 7 - MEET AND GREET
CHAPTER 8 - MONEY DROP
CHAPTER 9 - GUNS AND STARES
CHAPTER 10 - STAY
CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER
CHAPTER 12 - A LITTLE WORRIED
CHAPTER 13 - ZOOLOGY
CHAPTER 14 - THE MASTER MIND
CHAPTER 15 - A FATHER'S LOVE
CHAPTER 16 - ORGANIZATION OF PEACEMAKER
CHAPTER 17 - BUSTED
CHAPTER 18 - AGREED
CHAPTER 19- CONTRACT AND CONDITIONS
CHAPTER 20 - THE WORLD HE BELONGS
CHAPTER 21 - WELCOME PHONE
CHAPTER 22 - KEEP LIVING
CHAPTER 23 - LUCID
CHAPTER 24 - BEAUTY IN BLACK
CHAPTER 25- JELOUS
CHAPTER 26 - UNDER THE GLASSES
CHAPTER 27- HYDRATED
CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES
CHAPTER 29- SNEAK OUT
CHAPTER 30 - SEASON FINALE
SPECIAL CHAPTER - DYTHER ICEXEL QUIGLEY ELCANO
CHAPTER 31- SEASON 2
CHAPTER 32 - ABDUCTED
CHAPTER 33 - THE OFFER
CHAPTER 34 - ONCE AN ANGEL
CHAPTER 35 - HOME
CHAPTER 36 - VERNIX
CHAPTER 37 - PARTNERS IN CRIME
CHAPTER 38 - PROJECT EXTERMINATION
CHAPTER 39- THE TRIAL
CHAPTER 40 - RUMORS UNLEASHED
CHAPTER 41 - SOMEONE'S FRUSTRATED
CHAPTER 42 - LEAVE HER ALONE
CHAPTER 43 - ADIOS
CHAPTER 44 - DO THEY BELIEVE ?
CHAPTER 45 - HEADACHE
CHAPTER 45.2 - HEADACHE AGAIN
CHAPTER 46 - BROTHERS
CHAPTER 47 - RAIN HARD
CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD
CHAPTER 48 - CONFRONTATION
CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION
CHAPTER 50 - CANDLE
CHAPTER 51 - STRANGE
CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS
CHAPTER 53 - BEHIND THE WHITE MASK
CHAPTER 54 - THE GLOOM THAT BLOOMS
CHAPTER 56 - SIMPLE PLAN
SHORT CHAPTER - GALILEO ARTHFAEL MARCHESE
CHAPTER 57 - SMOKE
CHAPTER 58 - UNDER THE SHADOW
CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB
CHAPTER 60 - FORMAL VISIT
CHAPTER 61 - BATTLE GROUND
CHAPTER 62 - COMMUNITY WAR II
CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT
CHAPTER 64 - A PROMISE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 65 - HOMELESS
CHAPTER 66 - ONCE A TRUCK DRIVER
CHAPTER 67 - STABBED
CHAPTER 68 - WITH A KNIFE

CHAPTER 55 - BEFORE THE AUCTION

3.3K 211 71
By VictoriaGie


Third Person's POV

Sa isang minimalist ngunit punong puno ng pagka-eleganteng silid, naka display ang lahat ng mga i-a-auction. Covered ng bulletproof glass ang bawat nasabing kagamitan.

Sa pinakagitnang parte ng silid ay ang pinaka mainit sa mata ng mga consumers.

Ang puting maskara...

Ang unang parte sa program ng Anniversary ay ang SEALED-BID type ng auction.

Hindi ito ang normal na english type kung saan open ang presyo ng bawat kalahok sa bidding at pwedeng higitan ng isa pa ang huling bid hanggang sa wala ng makahigit pa.

Sa sealed-bid type ng auction dito sa MPO, ang lahat ng kalahok ay mag lalagay ng bid nila sa machine na nasa gilid ng produkto. I-t-type nila ang presyong nais sa touch screen na tila monitor at ma-i-rerecord na ito.

Walang kahit sino mang nakaka-alam kung magkano ang inilagay na presyo ng kalahok kundi ang machine lamang.

Ang may pinakamataas na bid na ibinigay ay siyang makakakuha ng produkto.

Sa auction na ito, isang chance lamang ang mayroon ang kalahok para mapasakaniya ang bagay na nais na makuha. Kung may mataas na bid kaysa sa bid na inilagay niya, ibig sabihin ay talo siya.

Kaya naman mas risky ang ganitong type ng auction sa mga consumer. Pwedeng nakapaglagay sila ng mas mababa o pwedeng mas mataas higit pa sa presyo na dapat na katumbas lamang ng produkto.

Sa type ng auction na ito, ang kalahok ang magbibigay ng value sa bagay na nais niya.

Dapat ang mindset ng mga kalahok dito e...kung bet mo, gastusan mo, yung todo sagad pati banko...ganerps.

Lahat ng panauhin sa anniversary ay dito iginaya ng mga committee. Kung icoconvert lang sa pera ang lugar na'to sa mga oras na ito, aabot siguro ng trilyon trilyon sa bongga at garbong suot palang ng iba't ibang mafian organization na andito.

"Wowwww!" hindi mapigilan ni Ashari na ibulalas ang pagkamangha niya sa mga nakikita.

Ang role niya dapat dito e mataray na atribidang, mayamang dyosa na intrimitidang inagawan ng anak.

Pero nagmumukha siyang asal mahirap sa pagkamangha niya sa pagka-amaze sa mga nakikita.

"Kung manghoholdap ba ako ng mga ferson dito, ipapakulong ako?" shine bright like a diamond kasi ang mga alahas na suot ng mga ferson dito. Mamahalin at designers pa. Sureball naman sa dami ng pera nila pagnanlimos si Ashari ng kahit pakaw lang e magbibigay sila diba?

"You can't run with heels like that if you get caught." sarcastic na tono nito habang masama ang tingin ni Easton sa suot niyang high heels na pula na bumagay sa revealing niyang long red gown.

Bumusangot si Ashari sa sagot ni Easton. "Di mo kasi sinabi na takbuhan pala dapat edi sana nag hire ako ng mga bata sa tondo."

Hindi naman siya pinansin ni Easton. Nakatuon pa din ang atensyon nito sa heels ni Ashari.

"You know I hate your heels. You might trip with that and hurt you later."

Awwww. Concern pala ang kuya Easton kaya masama ang tingin sa heels.

"Mas mataas ang heels mas mahal ang presyo kaya ok lang 'to Easton, kaya kong magtiis. Huwag kang mag-alala sa akin." sabay ngiti ng matamis.

Plano kasi ni Ashari na ibenta ang heels pagkatapos gamitin. Kita niya kasi ang presyo na umabot ng 50k, hanep lang, maibenta lang niya ito kahit 5,000 e sulit sulit na siya.

Tiss ganda muna ulet siya for tonayt's vidyow.

Nagpatuloy ang auction. Ang lahat ay may kaniya kaniyang mundo sa pagdedesisyon kung ano ang halaga ng bawat mapusuang item.

Sa larangang ito, hindi basta basta ang bawat item na nakadisplay. Bawat isa dito ay may katumbas na halaga na importanteng bigyan ng matinding palaisipan kung magkano ang ipapatong na pera.

Pwedeng ang isang item ay siyang magdidikta ng estado ng isang mafian organization sa ranking.

Busy ang lahat. May tahimik na tensyon ang bumabalot sa paligid.

May ilan na ginagamit ang oras na ito para gumawa ng koneksyon sa ibang mafian organization, social climber lang ang peg.

May iba na nandito lang para makangalap ng impormasyon.

May iba na ginagamit ang pagkakataon na ito para iset up ang anak nila sa isang kasal.

Kaniya kaniyang dahilan.

Pero ang pinaka mainit na chismax sa lahat ay ang pagpapataasan ng lagay sa mga item.

Kada item, may hostess na siyang nag a-assist sa mga client at siya ding nag babantay sa item.

"Good day Sir." bati nito kay Easton. "Good day Maam." bati din kay Ashari.

Madami na silang naikot na item pero ito ang una nilang hinintuan. Si Easton ang unang tumigil dito, sumunod lang si Ashari.

"Letter of the Undersea." nagsimulang ipaliwanag ng hostess kung ano ang nasa glass box. "This is a letter found in a shipwrecked acient battle ship in the deep sea of the Pacific. No one has ever read the content of the letter. This is a valued item as it was written thousand years ago. The content of this letter might change the history and the present itself. "

Kamuntikan lang nag nosebleed si Ashari.

"Ancient letter" pabulong na ulit ni Easton habang seryosong nakatingin sa piraso ng papel na nakalagay sa loob ng isang rum bottle.

"Tagalog ba pagkakasulat diyan?" pagsiko ni Ashari kay Easton. "Malay mo Japanese pala, edi ipapatranslate pa?"

Umiling naman ng dalawa si Easton. "It might be Latin, a dead languange." ang tingin ni Easton sa letter, parang kulang nalang ay maglapag na siya ng isang bilyon para makuha iyon. "I want to place a bet." walang pagdadalawang isip na lumapit si Easton sa monitor at inilagay doon ang presyo niya para sa letter.

Dumukwang si Ashari paea masilip kung magkano. Halos lumuwa ang mata niya ng makita na nagbaba si Easton ng 1.8Billion para sa isang letter na di naman sure kung kabasa basa ba.

Malay mo issaprank lang pala yung letter na'yon.

Malay mo love letter lang pala 'yon ni Jack kay Rose.

1.8 Billion.

Natameme nalang si Ashari habang nanlalaki ang mata.

Kayang kaya maglapag ni Easton ng ganoong kalaking pera para sa letter na nasa bote???

Kung bet pala niya letter edi sana sinabi niya kay Ashari para nagsimula na si Ashari na maghanap ng mga lumulutang na bote sa may ilog.

"Easton sure ka na---"

"Thank you for the bet Sir, may you find another piece valuable to your eyes at this auction hall." ngiting akala mo nanalo si Ateng hostess.

Tumango lang ng isa si Easton. Parang bumili lang ito ng pisong kendi sa tindahan ni Aling Marites ah.

Naglakad na si Easton paalis. Sinundan naman siya ni Ashari. "Sure ka sa letter????" hindi pa din gets ni Ashari ang utak ni Easton. Nagwawaldas lang ba ito ng pera?

"I already placed my bet Ashari, I think that would be enough as an answer to your question." ngumiti ito sa kaniya.

Napa-awang ang labi ni Ashari. Hibang na ba si Easton? May kumawala bang tornilyo sa utak nito?

Inisip nalang ni Ashari na hindi pa naman sureball na si Easton ang makakakuha ng letter na'yon. Cross fingers nalang na sana may mas maluwag pa ang tornilyo sa utak kaysa kay Easton na magbebet ng mas malaki pa sa 1.8Billion.

Everything is sailing smoothly. So far, wala pa namang barilang nagaganap, char HAHAHA!

Nagtingin tingin pa si Easton at Ashari sa mga item na for auction.

Na-s-stress sagad nga lang siya kay Easton kasi mga walang kwentang item ang nilalapagan nito ng pera.

Ultimo bato na galing daw sa kalawakan na nahulog sa bubong ng kotse ng isang Norwegian e binabaan niya ng 889 million.

Gusto pala ni Easton ng bulalakaw edi sana hiniling ni Ashari sa wishing star na sa kaniya bumagsak.

Kaysa mastress, pinaligaya nalang ni Ashari ang sarili niya.

May mga nagugustuhan si Ashari, nagbebet siya ng piso HAHAHA! Wala lang, bet lang niya mag place ng bet para lang masabi na kasali siya dito at hindi siya karay karay lang ni Easton.

Ashari is enjoying this auction for real. Perstaym niya 'to e pagbigyan niyo na.

She's amazed, dazzled, entized sa mga bagong experience niya sa buhay....

....not until....

Napunta ang mga paa nila ni Easton sa pinaka sentro ng auction na ito.

There at the isolated middle, may naka enclosed sa tatlong layer ng pahexagon na glass na naka stand sa mala podium na table.

"Ladies and Gentlemen, we present to you this year's MPO item. The very mysterious WHITE MASK owned by one of the executives, Tobias." Magiliw na paliwanag ng hostess sa mga client na interesado sa white mask. "Place your bet and be the next owner of the mask. Who knows, maybe Mr. Tobias himself would present this to you personally." kung ibenta ng hostess ang maskara ay tila ito na ang pinaka mahalagang item na for auction. Na dapat ay hindi na palampasin ng client ang mag bet ng pinaka malaking halaga.

"Ano bang meron sa maskara na'yan? Tig kinse lang 'yan sa bangketa kapag holoween e." pasaring ni Ashari. Kung ano ano nanaman kasing pakana ang ginagawa ng MPO. Desperado na ba sila sa pera?

"Listen carefully Ashari," seryoso ang boses ni Easton habang nakamata sa white mask.

"Ano 'yon? Huwag mong sabihin na magbebet ka din sa mema na maskara na'yan Easton?"

Mabilis at walang pagdadalawang isip na tumango si Easton. "As planned, we should get that mask."

"HA!?" Agad na itinikom ni Ashari ang bibig niya ng marealize na medyo palengkera ang loud ng boses niya. "Dapat demure at intrimida ang peg ko e!" reklamo niya. "Hibang ka na ba talaga Easton? Mag be-bet ka diyan? Para sa tig kinseng maskara sa bangketa tuwing halloween? Minsan nga tig 10 lang pag pangproject sa school. Kung gusto, gagawan nalang kita ng ganyan, mas maganda pa! With glitters! Ako nalang bayadan mo!"

Oo mukhang pera si Ashari pero for today's vidyow, praktikal muna siya! Dapat siya lang ang ginagastusan ni Easton, wala ng iba pa!


Binigyan naman siya ni Easton ng 'ARE YOU SERIOUS' look. "Hindi ka nakinig sa meeting ng plano natin." seryosong ani ng lalaki sa kaniya.


Natameme si Ashari. Kanina kasi noong nag-m-meeting sila para sa plano e antok na antok na siya kaya feeling niya don sa part na pinag-uusapan nila ang tungkol sa mask e naka-idlip siya.

Haler, imbis na mag beauty rest, alas dos ng madaling araw pinagpaplanuhan nila ang mga gagawin. Sinong hindi aantukin don.

Birthday na birthday pa man din niya.


"Makinig ka Ashari. That mask isn't like any other mask."


"Wala akong nakikitang espesyal sa mask na'yan." segwey nalang ni Ashari para may masabi siya.


"Ashari, MPO doesn't have any weakness. And they are by far one step ahead sa lahat ng mafian organization. Bakit? Simply because of the mask in front of you. No one in the mafian community knows who Tobias is. No one has ever seen his face, no one knows who he is. Even his co-executives didn't know his whereabouts. He can wander around between civilians and mafians. He can be a spy, a detective, an assasin--- he can be anything as long as he doesn't show who he really is behind that mask." Sana gets mo Ashari. "He is the advantage of the MPO. His mask is the bomb and Tobias himself is the fuse." boom. "Whoever wins the bet, they will get the power of holding Tobias. They own the bomb, they own the power to defuse the fuse."

Kitang kita sa mata ni Easton ang determinasyon na makuha ang bet sa maskara.

Si Ashari naman ay seryoso siyang pinagmamasdan.

"Easton..."

"What is it?"

"Kakawattpad mo 'yan kaya kung ano anong conclusion naiisip mo." napatulala si Easton sa sinabi ni Ashari. "Alam kong mayaman kayo ha, pero manghinayang ka naman sa pera, kung gagastos ka lang din naman, dapat ako nalang gastusan mo, hindi ka pa magsisisi." sabay kindat ng malagkit kay Easton.

Isang mabilis na pitik sa noo ang natanggap ni Ashari.

"Arayyyy---Easton!" singhal niya sabay tingin ng masama sa matangkad na lalaking kaharap niya. "Lintik lang walang ganti! Akin na noo mo, pipitikin ko din!"

"Ashari we need that mask! This isn't just about money." si Easton medyo mahaba na ang pasensiya pero onti nalang, mapupuno na siya dito kay Ashari at hindi lang talaga pitik ang matatanggap nito. "Remember, that white masked man is the one who told me to come here. He is the one who get Gali from the airport." natahimik si Ashari. "He even sent a letter saying that he will see us here at the anniversary. Ibig sabihin, Tobias is telling us that we should get a hold of his mask for us to find Gali."

"Wow, so ang ibig sabihin, sinadya ni Tobias 'to?"

"Maybe. Or maybe the President himself planned this out. We will never know unless we get the mask."

Si Ashari naman ngayon ang seryosong tumingin sa mask na nasa podium.

"Ashari, once we won him, he can easily tell us where our son is. We need that mask."

Tumango si Ashari sa sinabi ni Easton. "Tama, kaylangan natin ang mask para malaman natin kung nasaan ang anak natin."

"That is why you are tasked to set your focus on Tobias---Ashari I am still talking."

Walang pagdadalawang isip na naglakad palapit si Ashari sa monitor, bastos na bata talaga, hindi pinatapos si Easton magsalita. "Excuse me, pakibilisan." ani niya sa naunang naglalapag ng bet.

Naramdaman niya na sumunod si Easton. Kusang nagbigay ng space ang mga echoserang mafia ng makita nila kung sino ang kasama ni Ashari.

"Ashari we need to win this."

"Alam ko." madiin niyang sagot kasabay ng madiin na pagtipa sa mga numero na nasa screen.


Mabilis na mabilis na inilagay ni Ashari ang pangalan niya, care of Marchese. Syempre ang mga Marchese pa din ang magbabayad, kulang ang pera niya sa halaga ng inilapag niya sa monitor. Mamumulubi siya ng sobra, baka kahit habang buhay siyang magtrabaho e hindi niya mabayadan ang halaga na inilagay niya.

"Tapos na. Magtiwala ka Easton, makukuha natin ang mask na'yan." Madilim na tiningnan ni Ashari ang mask! Dapat lang na mapasakanila ito!

Kaysa mabasag ni Ashari ng tingin ang glass na naka enclose sa mask, naglakad nalang siya palayo.

"How much is it that you bet?" tanong ni Easton habang sabay silang naglalakad palayo.

"Hindi mo nakita 'yung nilagay ko?"

Tumingin sa kaniya si Easton. "I have trust in your sense of worth sa value ng isang bagay. Hindi ko tinignan."

"Aha! Kaya pala hindi ka umalma." medyo nagtaka kasi si Ashari kung bakit hindi siya pinigilan ni Easton.

"So how much is it?"

"1 trillion."

"Oh, I see, 1 trillion----what? Come again Ashari, magkano?"

"1 trillion ang inilagay ko. Hindi ba barya lang sa inyong Marchese 'yon?"

GUSTONG GUSTONG GUSTONG pitikin na talaga ni Easton si Ashari! Nagpipigil lang siya! Malapit na malapit na talaga!

Wala siyang nagawa kundi pakalmahin lahat ng kulo sa katawan niya habang pilit na ngumingiti kay Ashari.

"W-we'll surely get the mask. Hundred percent." Sure na sure kasi 1 TRILLION YON! TATLONG TAONG PRODUCTION NILA NG EXPENSIVE WINE YON!

"O diba, tama talaga na ipinagkatiwala mo sa akin ang pag bet sa maskara na'yon!" pinapalubag pa din ni Easton ang sarili niya. "Makita ko lang ang mukha ng Tobias na'yon, makakatikim siya ng sapak sa akin. Anong karapatan niyang kuhanin ang anak natin!" unti-unti ng kumakalma si Easton. Iisipin nalang niya na para ito kay Gali. "Ui, bet ko 'yung item na'yon! Easton mag bet lang ako---"

"Ashari, isn't the 1 trillion and the mask not enough?"

Napa-isip ang babaeng walang pakundangan sa paggasta.

"Huwag kang mag-alala, pera ko naman ang gagamitin." sabay kindat. Si Easton, walang palag. Hindi siya maka-hindi sa mga request ni Ashari.

Akmang lalakad na papunta si Ashari sa napusuang item ng biglang nagsalita ang pinaka head na hostess kasabay ng pagtunog ng bell para makuha ang atensyon ng lahat.

"A pleasant auction everyone. We are pleased to announce that the bidding has finally ended. You may return to your assigned hall and wait momentarily for further notice as the program starts."

Nakahingang maluwag si Easton.

Hays buti nalang...

Literal na saved by the bell.

"Tsk. Sayang naman, bet ko pa naman 'yung kwintas." reklamo ni Ashari sa pag-alis nila.

Sinulyapan ni Easton ang kwintas na nasa auction. Napangiti siya ng maliit. Ashari really loves shining things.

Uwak yarn???


___________





Ang auction ay ang unang parte ng programa para sa anniversary.

Ang second event ay ang mismong party proper.

Syempre party yarn ng mga mayayaman, with class, elegance, dapat sophisticated na may intimidating aura ang datingan ganern!



Tanging ang mga mafian organization na may invitation lamang ang maaaring pumasok sa loob. Pag wala kayo sa list, tigbak kayo.

Isa-isang tinawag ng receptionist ang bawat mafian org sa kanikanilang hall na pinag s-stayan.

Tanging si Easton at Ashari lamang ang nandito sa hall na alloted para sa mga Marchese.

"Stand by on my command."

Napatingin si Ashari kay Easton ng bigla itong nagsalita.

Gets naman ni Ashari na hindi siya ang kausap nito pero sana naman huwag itong basta basta nalang nag sasalita at baka sa gulat e aksidente siyang makasapak.

Sa hightechhyyy na relo ay nagbigay ng command si Easton sa iba pang Marchese na out of the scene (sa ngayon) na mag stand by muna habang hindi pa siya nagbibigay ng signal sa mga hakbang na dapat nilang isagawa.

"They called us, we will now enter the banquet. Move to your places."

Naglalakad na sila sa hallway ng entrance papunta sa malaking pintuan.

Pasimpleng tinap ni Ashari ang hikaw na suot.

"Yes Sir." doon na kumonekta ang linya niya sa linya ng iba. Narinig niya ang pagtugon ng mga ito sa utos ni Easton.

"Magkano na nga ulit ang hikaw na'to?" pabulong niyang tanong kay Easton sa gitna ng paglalakad nila.

"Why? Are you planning to buy one?"

"Oo sana e. Kalupet kasi, smart hikaw! Daig pa cellphone."

Ang hikaw na suot ni Ashari ay isang spesyal na hikaw. Kaya nitong makatanggap ng tawag kahit pa conference call keri. Kaya din nitong ikonekta si Ashari sa iba. Kumbaga parang cellphone na pwedeng ipangtawag.

"That's already yours Ashari. You don't have to buy another pair since you won't be needing those after tonight."

Ay bet na bet!

Sasagot pa sana si Ashari pero nasa entrance na sila. Okeyy, kaniya na ang hikaw wala ng topo-topo bawi-bawi.

"From the Marchese organization, let us all welcome, Mr. Easton Artfael Marchese and Ms. Jenesse Ferell."

Kung maliwanag na sa hallway kanina, mas sumambulat pa ang mas maliwanag na banquet hall sa mata ni Ashari. Kulang nalang mabulag siya sa sobrang liwanag ng lugar.


Naramdaman ni Ashari ang banayad na pag-abot ni Easton sa kaniyang kamay. Feeling gentleman ito na inalalayan si Ashari sa paglalakad. Ng masiguro ni Easton na ok ang sahig na dadaanan, inoffer ni Easton ang braso kay Ashari.

Nakangiting plastic naman ang babae na akala mo talaga e atay pagkademure na humawak sa braso ni Easton.

"So you are Jenesse tonight?" nakangising ani ni Easton.

"Sino nagregister ng pangalan na'yon? Hindi manlang ako in-inform. Bida bida yarn?"

Sa pagitan ng pag-uusap ni Easton at Ashari ay ang mga matang nakatingin sa kanilang dalawa.

Syempre kalat sa buong mafian organization ang nangyaring trial.

Parang sampal sa kanila na nandito si Ashari.

Pero knowing the fact na alam nila na kinuha ng MPO si Gali ng walang pahintulot ni Easton, sa isip ng mga naka-mata e baka ganti ni Easton sa mga executives ang pagdala niya kay Ashari dito.

Feeling nila e ang nasa isip ni Easton :

'you broke my rule, i'll break yours too'

Dahil maliit na sitwasyon lang ito para sa mga naka-mata, pinalagpas na nila ang presensiya ni Ashari.








Samantala, sa gitna ng mga matang nakamasid, ang ating bida ay pabibong unbothered queen pa din.

In character pa din siya bilang si Jenesse.

May dumaan na waiter, kumuha siya ng cocktail drink at feeling yayamanin na ininom ito.

Habang lumalagok, pasimpleng may hinahanap ang mata ni Ashari.



"Sir Easton, naka set-up na dito sa CCTV room." Boses iyon ni Angel.

Patuloy pa din si Ashari sa paghahanap habang nakikinig sa update ng iba pa nilang kasama.

"Ang panget ng lasa, appetizer ba ito para sa inyo? Ulitin niyo~~~ nandito pa din sa main kitchen." boses ni Nate. "Sabihin mo lang kung ipapaserve mo na, Sir Easton."

"Hold up. Wait for my signal. It's not yet time."

Naubos ni Ashari ang iniinom at bigo siyang makita ang kanina pa hinahanap ng mata.

Letsugas na Rebel iyon. Isa siya sa dahilan kung bakit pumunta si Ashari dito sa anniversary tapos siya itong wala?

Atat na atat na ang budhi niya para malaman kung ano 'yung sinasabi ni Rebel na sikreto na dapat niyang malaman.

Kaysa mainis, iihi muna si Ashari.

Kinalabit niya si Easton at nagpaalam siya dito na mag CR lang at babalik din kaagad.

Habang papunta sa CR, aligaga pa din ang mata niya sa paghahanap.

Naka-ihi na siya't lahat, wala pa din siyang Rebel na nakikita. Mukhang nabanggit na din naman na lahat ng mafian org kaya dapat ay nandito na ang mga Silvia.

Nandito nga naman, nakikita niya 'yung mukha nung Ryder e. Kasama nito iyong dalawang poging boylet na nasa yate noong kinidnap siya ni Rebel.

Infairness, buhay pa pala 'yung dalawa na'yon.

Sa tagal ng update ng storya nakalimutan ko na pangalan nila. John? Tyrone?

Anyways, hindi sila ang kaylangan ni Ashari.


Nasaan si Rebel? Nasaan na ang Boy Tattoo???


"And for tonight's main guests, let us all welcome, the ten powerful executives of MPO!"

Kung suswertehen nga naman. Nandito pa naabutan si Ashari sa pinakabungad malapit sa entrance kung saang kitang kita niya at syempre kitang kita siya ng sampong executive.


Isa-isang nagpasukan ang mga ito. Mga nakangiti pero paglanding ng tingin kay Ashari, it's either biglang magtataka o biglang magagalit ang mukha nila.

Except kay Tobias na suot suot na ulit ang mask niya.

Except din pala kay kumareng Helen na mas lalo pang lumawak ang ngiti ng makita siya na nandito sa anniversary.





Habang naglalakad ang sampong executives papasok, binigyan sila nv bawat guest ng isang mumunting palakpak.

Mga sipsip!


May mga table na exclusive para sa bawat organization. Ganoon din sa executives.

Pagkapasok ng sampo ay agad ding isinara ang pintuan ng banquet hall.



Pasimple ng sumibat si Ashari sa kinatatayuan niya. Dapat ay makabalik na siya kay Easton at baka bigla siyang lapitan ng kung sino sa mga executive e matsugi siya bigla.

Baka mamaya may bigla nalang bumaril sa kaniya edi gg pa.



Kasalukuyan siyang naglalakad papunta sa pwesto ng may humarang sa daanan niya.

Mabibwisit na sana si Ashari pero naalala niya na si Jenesse nga pala siya for today's vidyow.


Magiliw siyang nag-angat ng tingin at bumungad sa mata niya ang isang nakaka-iritang mukha.


"So you're here."


Ibig-ibig ng umirap ni Ashari. Pero si Jenesse siya kaya ngumiti siya ng maluphetsz. "Ryder, parang kaylan lang nagkita tayo ah. Magkikita din pala tayo dito, how nice."


"Yeah." nang iinsulto nitong pag-sang-ayon. "Huwag kang magpanggap bilang ibang tao, hindi bagay sa'yo ang ngumingiti ng ganiyan." sa truth lang naman si Ryder pero nakaka-insulto sa part ni Ashari.

Agad agad na bumalik ang awra ni Jenesse sa pagiging Ashari. "Feeling mo gusto kitang nginingitian? FYI, napilitan lang ako Ryder, kung ikaw lang naman ang ngingitian, huwag nalang."

"Tama, huwag kang ngingiti sa harap ko, para kang aso."



Kung sumasabog lang ang mata ni Ashari sa pagpipigil, baka kanina pa ito sumabog.



"Huwag kang mag-alala, mukha ka namang hyena." inirapan ni Ashari si Ryder at sinadyang banggain ang braso ni Ryder ng lagpasan niya ito.


Mabilis namang kinuha ni Ryder ang braso niya.



"Oh bakit? May kaylangan ka pa sa mukhang asong kagaya ko?" sabay ngiti ng malapad.

Tsk. Para silang mga bata.


"Why?" may bahid ng galit na tanong ni Ryder kay Ashari.


"Anong why?"




"You are not a mafia. You're not even a member. You just knew this months ago. Bakit nandito ka? Bakit nararanasan mo agad ang mga ganito?"


Kumunot ng todo ang noo ni Ashari. Ang mga kilay niyang on flick malapit ng magkalapit sa pag-intindi ng sinasabi ni Ryder.



"Nag-k-kdrama ka din ba Ryder at ang dami mong drama sa buhay? Ano bang pinagsasasabi mo?" marahang sinubukang tanggalin ni Ashari ang pagkakahawak ni Ryder sa braso niya pero mas hinigpitan lang nito ang hawak. "Ryder 'yung braso ko bet mo bang putulin? Bitawan mo!"





"Hindi ka dapat nandito. Wala kang karapantang umapak sa lugar na'to! Umalis ka na."

Oo gets naman ni Ashari na hindi talaga siya pwede dito. Alam naman niya 'yon.

Pero ang hindi niya makuha e kung anong drama ni Ryder sa buhay.

'Yong iba nga walang say sa presensiya niya. Walang nagtanong kung bakit siya ang nandito at hindi si Adolfo at Gisele (mga magulang ni Easton). Na bakit siya ang kasama ni Easton at hindi ang isang high ranking official ng Marchese.


O diba, sila walang ganap pero bakit itong si Ryder e ang laki ng pinanghuhugutan.


"Ryder, alam ko namang di ka love ng parents mo at alam ko din na kulang ka sa aruga..." Hoy grabe ka Ashari, filter naman sa bibig. "Pero nandito ako ngayon hindi para makiparty." pilit tinanggal ni Ashari ang kamay ni Ryder sa braso niya pero hindi niya ito matanggal. "Bakit ba parang first time mong nakapunta dito ha Ryder? Bakit ba parang inggit na inggit ka sa akin dahil nandito ako?"


Sa boses kasi ni Ryder, parang may inggit ito kay Ashari.


Na natumpak naman ng bruhilda.





Sa kaloob looban ni Ryder, na-i-inggit siya.

Ilang taon niyang inintay para makapunta siya sa prestehiyosong anniversary na ito. Ilang beses niyang kaylangang patunayan sa pamilya niya na deserve niyang mapabilang dito. At ilang beses na ding naapakan ang pride at pagkatao niya sa tuwing nabibigo siya.

Pero si Ashari.


Si Ashari na wala namang kwentang tao ay nandito...

Ni hindi siya mafian member.

Wala siyang posisyon.


Wala siyang kahit anong koneksyon kahit pa sa pinakamababang ranking na opisyal.


Si Ashari, nakuha agad niya ang atensyon ni Rebel. Ang kuya ni Ryder. Miski ang ama niya na Rondrad, interesado kay Ashari. Ang ate niya na myembro ng executive, palaging ipinagtatanggol ang babaeng ito.




Bakit?



Bakit ang dali niyang nararanasan 'yung mga bagay na pinaghihirapan ni Ryder?





"Babysitter ka lang...pero bakit?"



Marahas na binitawan ni Ryder ang braso ni Ashari at saka niya tinalikuran ang dalaga na iniinda ang namumulang braso.


"Bwisit na Ryder!" sa sobrang inis ni Ashari, sinundan niya si Ryder at pinukpok ng nadampot na tissue box.

Buti nalang at soft na embroidered box ang lalagyanan ng tissue kaya hindi masakit kapag ipinukpok.

"What----"

Masamang tingin ang ibinigay ni Ryder kay Ashari.



"Hindi ako babysitter lang, Ryder!" wika ni Ashari sabay isa pang pukpok ng tissue box sa ulo nito.



Ngumisi naman ng nakakaloko si Ryder. "Kung hindi ka babysitter, e ano ka? Tunay na ina? Huwag kang assumera."

Napapapanalangin nalang si Ashari na bigyan pa siya ng mahabang pasensiya bago siya tuluyang magwala dito sa banquet hall.

Hindi pa nga nagsisimula ang mismong program e gagawa na ba agad siya ng eksena? Hindi ganon si Ashari. Bandang kalagitnaan dapat siya gagawa ng malulupet na scene.



"Nasaan si Rebel?" pag-iibang pilit ni Ashari sa usapan.


"Hindi siya pupunta." maikling sagot ni Ryder.


Bumusangot si Ashari bago niya inayos ang sarili.


Nauubos lang ang oras niya, balik Jenesse mode na dapat siya.



Ngumiti ng malumanay si Jenesse kay Ryder. "I see..." ibinaba niya ng banayad ang box ng tissue sa glass table. "If you'll excuse me Mr. Ryder, I have things to do."

Hanep na kaplastican yan Ashari HAHAHA!


Naglakad na paalis si Ashari. Asiwang-asiwa na siya sa mukha ni Ryder.




Habang naglalakad palayo, hindi malubos maisip ni Ashari kung bakit hindi pupunta si Rebel dito sa anniv.

E paano 'yung sikretong kineme? Ano 'yon joke? Prank para um-attend siya?

Pakiramdam ni Ashari e naisahan siya ni Rebel.


Papadyak na sana si Ashari sa inis ng mahagip ng mata niya ang puting maskara.


Nakatingin ito diretsyo sa direksyon niya.

Alam ni Ashari na sa kaniya nakatingin si Tobias. Huminto siya ng sadya sa paglalakad at binalikan ng seryosong tingin sa lalaki.

"Ashari, are you on line?" Narinig ni Ashari ang boses ni Easton sa hikaw na suot.


"Oo." tipid niyang sagot.




"Good, keep your eyes on Tobias. Remember he is your target." paalala ni Easton sa linya.



"Huwag kang mag-alala, hindi ko i-aalis ang mata ko sa kaniya."


Hindi pa din inaalis ni Ashari ang tingin niya kay Tobias kahit pa maraming tao ang dumadaan sa paligid. Ganoon din naman ginagawa ng naka puting maskara sa kaniya.




"We will proceed with the plan the moment Tobias takes his mask off later at the end of the auction. When you see his face, that's the cue. We will bring Galileo back to us. Understand?"




"Yes Sir."


"Copy Sir."



"Noted with that Sir."

"Yes Sir!"



Isa-isang nagkompirma ang mga may parte sa plano.





"Understood." maikling sagot ni Ashari bago i-hakbang ang mga paa papunta sa table ng executives.

Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
4.7M 170K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
201K 7.3K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...