Phoebian

By cultrue

175K 3.6K 63

Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at ma... More

Phoebian
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Bonus Chapter
NOTICE

Chapter 23

2.7K 58 0
By cultrue

Hinaplos ko pa ng isang beses ang damit na bagong bili ko mula sa isang mamahaling boutique sa mall. Sa Versace store ko nabili ang bago kong damit na mahal pa sa tuition sa Yale. Alam ko na hindi ako nakapag-aral do'n pero masasabi ko talaga na mas mahal ang mga sikat na fashion brands kaysa sa tuition fees.

Binigyan ako ni Phoebian ng credit card. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung ilan ang balance. Yung pera ay pangsampung taon ko na na ipon na buo. O kulang pa yata dahil hindi ako sure sa computation ko. Halos mahimatay ako sa laki ng pera sa credit card na yun. Ano pa kaya kung tinanggap ko ang black card na yun? Talagang mababaliw ako kapag mawala yun. Parang bente lang kay Phoebian ang laman ng credit card.

Nang maibili ko sa Versace store yung damit na kailangan ko para sa party ay umalis agad ako. Feeling ko ay hindi ako bagay do'n dahil simpleng skinny jeans lang at t-shirt at sneakers lang ang suot ko. Pagbayad ko ay hindi na ako lumingon pa sa boutique na yun. Bumili din ako ng pumps sa mall. Five hundred lang yun pero maganda. Importante lang naman sakin ay may maisuot sa party na yun.

Hindi ko gustong sumama kay Phoebian pero pinilit niya ako. Wala naman daw do'n si Phinneas. Sinungitan ko siya dahil hindi naman ako takot kay Phinneas. Sanay na nga ako sa pag-aabuso niya sakin kay Phinneas pa kaya. Namention niya ang parents niya na pupunta daw do'n. Yung parents niya ay alam na nila kung ano ako sa buhay ni Phoebian. Tinanong ko kay Phoebian kung ano ba ang reaksyon nila nang malaman na ako ang naging girlfriend niya. Ang sagot niya sakin ay wala daw pakialam ang parents niya.

Ang sabi sakin ni Lola Gracia ay minsan nangingialam ang parents ni Phoebian pero kahit pakialamanan ako ay may laban naman ako. Hindi ko hinuhuthutan si Phoebian kung yan ang gusto nilang ipaglaban. Alam naman ni Phoebian na ayaw kong rineregalohan niya ako ng mamahaling bagay. Exepted lang ang card na binigay niya sakin dahil kailangan pero isasauli ko yun sa kanya nang hindi niya nalalaman. Ayaw na kasing ipabalik pero mas matigas ako sa kanya.

Sinuot ko na yung casual dress na kulay lilac. Plain siya pero kung presyo ang tatanongin, mas mahal pa sa sahod ko kada buwan. Pati yung pumps na binili ko ay sinuot ko din. Nagpa-hair treatment lang ako sa salon dahil gusto kong ilugay ang buhok ko na hanggang dibdib ang haba. Makintab ito at tumingkad ang kulay itim na kulay ng buhok ko. Bumili ako ng make-up, galing syempre sa sahod ko yung ginamit. 

Phoebian cosmetics. Sigurado akong matutuwa ang mahal kong boyfriend kung malaman niya yun. Gusto ko yung neutral tone blushes niya dahil bagay sa skin color ko. At nude lipgloss ang linagay ko sa labi. Hindi halatang gumamit ako ng cosmetic products sa mukha. Nagpabango din ako. Yung mahal na Phoebian fragrance na tinititigan ko lang dati, ngayon ay magagamit ko na. Galing syempre sa Phoebian pop-up store sa mall.

Mas tumangkad pa ako nang suotin ko yung pumps na binili ko. Natuwa ako at umikot-ikot. Two inches na sapatos naman ang suot ko kapag nasa opisina ako pero hindi ganito na four inches. Iba yung feeling ko kapag nakasuot ako ng ganito. Mas nagiging galante akong tignan at matangkad.

Kinuha ko yung purse ko. Regalo lang ito sa akin noong OJT ko pa sa opisina ni Phoebian. Hindi ko pa ito nagagamit at nakakahon pa. Sa pagkakatantya ko ay nasa one thousand ang bag na'to. Okay na ito at least medyo mahal. Linagay ko lang ang cellphone, wallet, at ang lipstick.

Napatayo ako mula sa sofa nang makarinig ako ng busena sa labas ng apartment. Napangiti ako. Nandyan na ang sundo ko.

"Hi." Pagbati ko sa sundo ko na ngayon ay nasa harap na ng pinto ng apartment. Ang gwapo niya sa suot na suit. Nakasuot siya ng single-breasted upton line twill suit na puro itim. Pati sa ilalim ay itim din.

Lumapit ako sa kanya at inayos ang collar sa likod sa may leeg niya. Lihim akong napairap ako ng matignan ko ang brand. Giorgio Armani. Pati sapatos ay itim din na namumungay sa kintab.

Pagbalik ko ng tingin sa kanya ay nakatulala na siya sa akin. "Bakit?" Tanong ko.

Wala sa sarili siyang napailing. "I never thought you could be this more gorgeous whenever you are wearing a beautiful dress. I like your makeup and it suits you. And you smell like my perfume." Malamlam niyang sabi na inayos pa ang buhok ko at nilagay sa likod ng tenga ko.

Lihim akong napangiti. "Ginamit ko ang cosmetic products mo at pati din ang pabango na galing sayo."

"Really? Wow. Wow. I never been so proud of my whole life. For the first time my girlfriend used my own products." Namamangha niyang sabi.

Mahina ko siyang siniko. "Tara na nga. Baka mabura pa itong makeup ko. Ayokong maglagay ulit no."

Mahina siyang natawa. "Don't worry. My makeups will last long. Pwera nalang kung mabasa. But the lipgloss is waterproof. Hindi yan mabubura ng basta-basta."

Ako naman ang namangha. Kaya pala ang mahal ng mga produkto niya dahil may waterproof pa. At syempre, lasang strawberry. Kanina pa ako nagtitimpi na huwag dilaan ang labi ko. Hindi siya amoy wax ang lipgloss kundi amoy strawberry.

Ginayak niya ako papasok sa bago niyang sports car. Napairap na naman ako. Hindi ko naitatanong sa kanya kung ilan ang sasakyan niya. Alam ko na marami siyang pera at kaya niyang bumili ng ilang kotse na gusto niya. Pero gusto kong malaman kung ilang sasakyan ang meron siya.

Dinala niya ako sa malaking bahay na pagmamay-ari ng kamag-anak niya. Ang sabi niya sakin ay yung mga magulang ni Oxford ang naninirahan dito. Oxford was his cousin—and probably my cousin too. At isa yung jeweler. Entrepreneurship naman ang tinapos niya pero mahilig siya sa mga alahas. Siya yung owner ng Oxford jewelry na minana pa ng grandparents niyang Swiss. Pamangkin ni Lola Gracia ang mama ni Oxford at nakapag-asawa ito ng Swiss.

Sumilip ako mula sa tinted na salamin ng Porsche. Lula ako sa ganda ng mansyon. Parang mansyon lang ni Lola Gracia pero may pagkabago ito.

"Shall we?" Nag-abot ng kamay si Phoebian sakin.

Mainit ko yung tinanggap. Naglakad kami papasok sa loob. Pagpasok namin ay narinig ko ang mahinang tunog ng jazz. Nasa loob ang mga bisita. Yung mga nakita kong sasakyan sa labas ay hindi bababa sa labing dalawa kaya tantya ko na kunti lang ang bisita. Ang sabi ni Phoebian ay anniversary daw ito ng Oxford jewelry. Mga kamag-anak lang at 'ibang' kakilala.

Pagpasok namin ay napakislot ang noo ko sa liwanag mula sa higanteng chandelier na nakasabit sa ceiling. Parang nasa beauty and the beast lang ako. Animo'y bago tignan sa labas pero ang interior ay makaluma. Pero ang ganda. Kulay ginto ang halos nakikita ko sa paligid. Mga mayayamang tao, at ang mansyon.

"My son."

Parehas kaming napalingon ni Phoebian nang may tumawag sa kanya. Isang matangkad at glamorosang babae ang naglakad palapit sa amin.

"Good evening Mom. How's Dad?" Humalik si Phoebian sa pisngi ng kanyang mama. Pero sa akin ang tingin ng ginang at sa kamay naming magkahawak. Binalik niya lang ang tingin nang makalayo si Phoebian mula sa kanya.

"He's fine. He's just a little bit stress over work but he's fine. Although he's now playing poker with Uncle and their amigos." Mahina pero malamig na sagot ni ma'am Lucille.

"That's good. By the way I'm with my girlfriend. You already knew her Mom." Sabi ni Phoebian.

"Good evening po." Nagbow ako ng kunti para magbigay galang.

Isang tango lang ang sinagot ng nanay ni Phoebian. "Yeah. It's Maiarie right? I don't really remember your face but  Mama said you're a good woman." Nanlamig ako sa lamig ng tono niya. Nasabi na sa akin ni Lola Gracia na ganito lang daw magsalita ang nanay ni Phoebian, lalo na ang asawa nito. Kaya pala ganun ang mga anak dahil may pinagmanahan pala.

Tumango ako at tipid na ngumiti.

Si Phoebian naman ang tinignan ni ma'am Lucille.

"Your grandmother is in Library. She's waiting for you two at hindi pa yun kumain dahil hinihintay kayong dalawa."

"Okay. We're heading there. Thanks Mom." Ani Phoebian.

Tumango ang Mommy niya. Tinanguan ko din siya at yun din ang ginawa niya sakin. Sa gilid ng mga mata ko ay yung ilang tao ay napapatingin sa amin. Sigurado ako na kami ang pag-uusapan nun lalo na ako, kung saan ako napulot ni Phoebian, namamalimos ba ako ng atensyon, at kung ano-ano pa. Yun lang naman kasi ang palagi kong naririnig nung unang beses niya akong dinala sa party. Kaya hindi na ako sumama dahil yun ang magiging resulta. At ako palagi ang pag-uusapan.

Binaba ng kunti ni Phoebian ang mukha para bulungan ako.

"Don't mind the stares. Just chin up and never look at them. I'm with you."

Sumang-ayon ako sa binulong niya. Hinigpitan ang kapit sa kamay ko. Tinahak namin ang hallway papunta sa kung saang library man yan. Huminto kami sa isang higanteng pinto. Kumatok muna si Phoebian bago pinihit ang seradura para buksan.

"Phoebian? Is that you?"

Ngumiti ako nang makita si Lola Gracia. Palabas siya mula sa isang shelf at may hawak pa na libro na mukhang kakukuha palang niya.

"Abuela. Good evening." Do'n lang humiwalay si Phoebian sa akin at lumapit sa Abuela niya.

Lumamig ang palad ko dahil sa pagkatanggal ng hawak niya.

"I thought hindi ka na makakadalo. I'm so tired kaya ako nagpunta dito." Ani ng matanda.

"This is the best opportunity to show to everyone about my girlfriend's existence Abuela. I won't fail this opportunity. Next time na makikita nila ulit ako na kasama si Maia ay sa simbahan na." Pagmamalaki ng apo sa kanyang lola. Napakagat ako sa ilalim ng pisngi dahil sa liksi ng dila niya.

Napansin ako ni Lola Gracia. Lumapit siya sa akin at masaya akong binati. Nagmano ako sa kanya.

"Magandang gabi Lola. Pasensya na po kayo sa apo niyo. Ang talas talaga ng dila." Hingi ko ng tawad. Napahagikhik si Lola Gracia.

Ang apo niya ay nakakunot na ang noo. "Why, you're not gonna marry me? Gusto mo bang gamitan kita ng santong paspasan?" Pagbabanta niya.

"Hoy!" Pinanlakihan ko siya ng mata.

Hagikhik ni Lola Gracia ang pumaibabaw kalaunan. Siraulo talaga si Phoebian. Gagamitan daw niya ako ng santong paspasan, kung magamit nga niya.

"Abuela, huwag ka munang mamamatay kapag hindi pa ako pinakasalan ni Maiarie. You'd be my key to her. Ayaw yata akong pakasalan nito." Problema ng lalaking 'to?

Umiling-iling si Lola Gracia habang natatawa.

"You look cute together. I will never forget this night. Ngayon ko palang kayo nakita na parang bata na nagsasagutan. Pero tandaan niyo." Tinaas niya ang hintuturo. "Huwag kayong mag-aaway kapag kayong dalawa nalang ang magkaharap. Palaging may pasensya sa gitna okay?"

Hindi na ako nakapagsalita. Hindi naman kami nag-aaway ni Phoebian. Hindi pa kami nag-away. At ayaw kong nag-aaway kami dahil masama yun.

Humugot ng hininga si Phoebian. Pumagitna siya sa amin ni Lola Gracia at pareho kaming inakbayan. "She's an angel Abuela. She has a lot of patience more than I do but whenever I'm with her, nahahawa narin ako sa kabaitan niya. She never failed to amaze me."

"Yes, ganyan si Maia simula noong nakilala ko siya. Sayang at hindi kayo nagkita noong umpisa palang. Edi may apo na sana ako sa inyo."

Napasinghap ako sa gulat. Malakas na tumawa si Phoebian. Nahawa din si Lola Gracia sa tawa ng apo niya. Pinagkakaisahan ako ng mag-Lola. Napailing nalang ako. Talo ako sa dalawang 'to.

Nagpatawag ng kasambahay si Lola Gracia para padalhan kami ng pagkain. Kapag matapos kaming kumain ay lalabas din kami para pormal akong ipakilala ni Phoebian sa lahat ng tao na nasa labas. Nagtataka man sila pero makikilala din nila ako.

Marami akong nakain dahil gutom na rin ako. Ganun din si Phoebian dahil pareho kaming hindi nakakain nang makaalis kami.

"Kapag maging mag-asawa na kayo. Dapat tripleng kayod ka sa trabaho apo." Basag ni Lola Gracia sa katahimikan.

Nagtataka kaming tumingin sa kanya.

"Why?" Si Phoebian.

Ngumisi si Lola Gracia. "Because... ang lakas niyong kumain. Itong si Maiarie akala mong hindi babaeng tao. Pero okay lang yan apo dahil mayaman ang mapapangasawa mo. Marami din kayong iimbakin."

Muntik pa akong mabulunan sa sinabi ni Lola Gracia. Natatawang kinuha ni Phoebian ang isang baso at linagyan ng tubig.

"I take note of that Abuela." Dagdag na biro ni Phoebian.

Hindi ako nakakasagot dahil dalawa silang nagtatapatan ng tukso sa akin. Mabuti nalang at hindi ako namumula kapag tinutukso ako. Kundi ay baka maging kulay pulang mansanas na ako sa mga biro nila.

Nagpahinga muna kami sa library. Hindi kami kumain sa labas dahil ayaw ni Lola Gracia do'n pero hinintay niya kami para may kasalo siya.

"I just don't want to stretch my lips and make a fake smile. Nakakapagod ang ganun. Lalo na sa mga bisita ng pamangkin ko. I know Oxford will understands me."

Yun ang sinabi ni Lola Gracia nang tinanong ko siya kung bakit ayaw niya sa labas. Hindi siya napipilit kaya nandito siya. Pero lalabas din siya at uuwi din pagkatapos magpaalam. Ang mahalaga daw ay nakadalo siya sa imbetasyon ni Oxford.

Lumabas din kaming tatlo mula sa library. Si Phoebian ay nasa gitna. Dalawang kamay ay parehong sa amin nakahawak. Yung kanang kamay niya ay nakasuporta kay Lola Gracia. Yung kaliwang kamay naman ay mahigpit na nakapako sa daliri ko.

Nasa parlour na kami nang mapansin kami ng mga tao. Karamihan ay mga babae ang nandun. Ang ibang kalalakihan ay nasa play room.

"Good evening everyone." Unang pagbati ni Lola Gracia na walang kangiti-ngiti. "I'm with my grandson and his girlfriend. We're sorry to keep you waiting for us. We're sincerely sorry for it. Hindi rin ako magtatagal at aalis na din ako. Hindi na ako gaya ng dati na malakas pa. I'm actually tired."

"It's okay Auntie. May isa pang sasakyan na sasama sa paghatid sayo pauwi." Ang sabi ng babae na kagaya din ni ma'am Lucille na maganda ang postura. Tinawag niya si Lola Gracia na Auntie. Sa isip ko ay baka ito yung nanay ni Oxford.

"And here's the girlfriend. Anong trabaho mo hija?" May isang ginang ang lumapit sa amin ni Phoebian. Hindi ko siya kilala pero nagsalita si Phoebian.

"She's working at Ox's company." Si Phoebian ang sumagot para sa akin. Ako na sana ang sasagot pero naunahan niya ako.

Nagtaas lang ng kilay ang middle age na babae. "Ganun ba. She looks pretty. How old are you?" Tanong niya pa.

"Twenty three po." Magalang kong sabi.

"She's young."

"And she's a great woman." Sabi pa ni Phoebian. Parang naghahamon ng away itong boyfriend ko. Parang hindi lalaki.

Umalis ang babae sa harap namin. Habang nag-uusap sandali sina Lola Gracia at ni ma'am Lucille. Lumapit ang ibang kaanak ni Phoebian sa akin at ibang kakilala. Pero do'n ko lang napansin sa gilid na hindi lang pala ako ang pinakabata sa loob ng parlour room.

Matalim ang tingin ng babaeng nasa gilid, may hawak na high glass at umiinom. Parang kasing edad lang kami, o mas matanda siya o mas bata sakin. Sa amin siya nakatingin at parang galit na tigre. Hindi ko alam pero ganun ang uri ng tingin niya. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at inabala ang sarili sa pagtingin sa iba.

Continue Reading

You'll Also Like

26.4K 724 53
R-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She t...
3.1K 152 12
Katarungan ay kapalit ng pera. Paano kaya makakalaya sa kasalanang hindi mo ginawa? Batas ay nagbubulag-bulagan, Hukom ay kailangan pang bayaran. Hu...
103K 3.1K 60
Jen Salas has always kept her head down, working hard to support her struggling family in the bustling town of Cebu. When she meets Jacques Almerino...
789K 19.3K 33
Rated 18+ Matured Content. This is a Self-Publish book. MBBC #1 (Mondragon Billionaires Boys Club 1) Story of Drew James Mondragon and Beauty Acuesta...