STILL OWNED BY HIS ARMS

myshaki द्वारा

272 18 1

TAMARA LOUISSE CUANTRILLO is the daughter of one of the country's most successful businessman. She was born... अधिक

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14

CHAPTER 15

13 0 0
myshaki द्वारा

Chapter 15 - Way back then

Tamara's POV

Sobrang pagkamangha ang mababatid sa mukha ko nang makita ko ang kabuuan ng Hotel. Hawak ni Mommy ang kaliwang kamay ko at si Daddy naman sa kanang kamay ko. Halos mabali ang leeg ko sa pagtingin sa bawat detalye ng event hall ng hotel na pinuntahan namin

Ang alam ko ay isang birthday party ito ng kaibigan ni Daddy. Lumapit sila sa isang table na puno ng mga bisita.

"I'm glad you made it." sambit ng isang ginang saka humalik sa pisngi ni Mommy.

Ngiti lamang ang isinagot ni Mommy sa kanya. Maya maya pa ay may lumapit na isang lalaki na kasing tanda ni Daddy, that's what I think.

"Happy Birthday, Paul." bati nina Mommy at Daddy sa lalaking lumapit.

Habang nagkukwentuhan ang mga magulang ko at iba pa nilang kakilala sa party ay nagpaalam ako na maglilibot lang ako sa loob ng hotel. Pinayagan naman ako nina Mommy at Daddy, basta wag lang daw akong lalayo ng sobra.

Sa sobrang pagkamangha ko sa ganda ng hotel ay nakaabot ako sa garden nito. Paano ako nakarating doon? Ay hindi ko na namalayan, basta alam ko nanonood lang ako ng mga paintings na nakikita ko sa hallway.

Sa gitna ng garden ay may nakita akong fountain, lumapit ako dito upang mas mapagmasdan. Nadala sa sobrang tuwa sa nakita ko kaya nagmamadali akong lumapit sa fountain.

Nakasuot ako ng isang sandals na may two inch na heels, hindi ako ganon kasanay sa pag susuot ng heels dahil pinag susuot lang naman ako ni Mommy ng ganon kapag may mga event kami na pupuntahan. Hindi ko napansin na totoong mga bato pala ang nakapalibot sa fountain at dahil may heels ang suot kong sapatos ay na out of balance ako.

Handa na akong bumagsak sa nga bato pero may humigit sa kamay kamy para mapigilan ang pagkabagsak ko.

Ibinukas ko ang aking mga mata ng maramdaman ko na may braso na nakapalibot sa baywang ko.

Isang batang lalaki na tingin ko' ka edad ko lang din. Naka suot ito ng itim na tuxedo.

"Are you okay?" sabi ng batang lalaki kasabay ng pagbitaw nito sa akin. Tila kahit sya ang nagulat sa nangyari.

Humakbang ako paatras at inayos ang suot kong dress na nagusot bago tumango bilang sagot sa tanong ng batang lalaki. Tumalikod na ang batang lalaki para umalis.

Magpapasalamat pa sana ako sa batang lalaki na nagligtas sa akin sa muntik na pagkabagsak ng bigla itong tumakbo pabalik sa loob ng Hotel.

Sinundan ko din naman ito agad pero hindi na ko na ito nakita pa. Natapos ang party at ilang linggo pa at hindi ko na talaga nakitang tuluyan batang lalaki.

"Mommy, it's saturday tomorrow. Can I go with Daddy sa office?" tanong ko kay Mommy habang inaayusan ako ng buhok para sa pagpasok sa school.

"Hindi papasok sa office bukas ang Daddy mo anak. May pupuntahan tayo bukas. Kaya go home early para maayos natin ang mga gamit mo. We'll have our weekend sa beach." agad ko  namang ikinatuwa ang sinabi ni Mommy. I love beach!

"Lumalabas ka pa pala sa opisina mo." Biro ng lalaking nagpakilalang si Paul Valdazer sa kanyang ama. Ang ginoo na may birthday noon sa hotel. Nasa isang beach resort sila ng mag-asawang Valdazer. Napag alaman ko din na Yvette ang pangalan ng asawa nito. At nais nitong tawagin ko syang Tita Yvette.

Mabait ang mag asawang Valdazer. Magbest friend si Daddy at si Tito Paul. Kaya naging magkaibigan din si Mommy at si Tita Yvette.

Magkaka schoolmate daw sila noong college. Kung saan sila nagkakilakilala. Hanggang sa maging couples. At the age of 10 ngayon nya lang nakilala ang mga ito dahil sa States daw sila tumira mula nang ipagbuntis ni Tita Yvette ang nag iisa nilang anak.

"Let's go inside, nagpahanda ako ng masarap na tanghalian." yaya sa amin ni Tita Yvette.

Pumasok kami sa loob ng rest house ng mga Valdazer. Nang makarating sila sa dinning area ng bahay ipinatawang ni Tita Yvette ang kanyang anak para makasabay sa pagkain. Nabanggit ni Tita Yvette na halos ka age ko lang daw ang anak nila kaya magkakasundo daw kami. Excited naman ako kasi magkakaroon ako ng bagong kaibigan.

"Mom, I'm here." napalingon ako sa nagsalita. Paglingon ko at bahangyang nanlaki ang mata ko.

Sya yung batang lalaki na tumulong sa akin sa Hotel. Walang emosyon ang mukha nya pero dahil sa buhok nya ay mahahalata na kagigising nya lang.

Lumapit si Tita Yvette sa anak at ipinakilala ito sa amin. "It's my baby, Zach."

Hindi ko alam na lalaki pala ang anak nina Tita Yvette at Tito Paul. Isa pa dito ay ito ang nagligtas sa kanya sa may fountain.

Wala akong imik hanggang sa kumain kami at natapos. Malapit ng mag sunset kaya nagpaalam ako kina Mommy na papanoodin ko lang ang sunset.

Payapa akong naglalakad sa may seashore ng may nakita akong lata. Wala sa sarili ko itong nasipa.

"Ouch" napatunghay ako ng may dumaing. Nakita ko ang isang batang lalaki pero mukhang mas matanda sya sa akin ng ilang taon dahil ang tangkad nya.

Hawak hawak nito ang noo nya na natamaan ng sinipa kong lata. Galit syang tumingin sa akin at nilapitan ako.

Nagsimula akong manginig sa takot ng bigla nyang hablutin ang collar ng suot kong damit.

"S-sorry hindi k-ko sinasadya." Hirap at takot na sabi ko.

"Look what you have done to my forehead. Look it's bleeding." gigil na sigaw nito sa mukha ko. Pilot kong inaalis ang kamay nya sa damit ko habang unti-unting pumapatak ang mga luha ko.

"S-sorry, p-please let me g-go." umiiyak na sabi ko pero lalong hinihigpitan nito ang pagkahawak sa damit ko, halos nakatiyad na ako para lang hindi masakal.

Wala halos tao sa part ng beach na ito kaya wala akong mahihingian ng tulong. Nawawalan na 'ko ng pag-asa ng biglang may sumuntok sa lalaking nakahawak sa akin.

Napaupo ako sa buhangin dahil sa biglang pagbitaw sa akin ng lalaki. Napaubo ako habang umiiyak ng mabitawan ako ng lalaki.

Nakatanggap ng tatlong suntok ang lalaki kay Zach. Magkasingtangkad si Zach at ang lalaki pero walang nagawa ang lalaki kay Zach.

Pagkatapos pakawalan ni Zach ang patatlong suntok ay may dumating ng mga staff ng resort para awatin ito.

Nalaman nina Mommy at Daddy ang nangyari pati na rin nina Tito at Tita ang nangyari. Isa ding guest sa resort ang batang nangharrass sa akin. Agad namang naging maayos ang sitwasyon ng mag usap usap ang magulang ko, magulang ni Zach at magulang ng lalaki.

Nagsorry sa akin yung lalaki pero alam ko labag pa din yun sa loob nya. Hinayaan ko na lang dahil ayaw kong humaba pa ang usapan, nakakahiya din kasi kina Tita at Tito Paul.

Nagdinner kami na magkakasama pero hindi pa din kami umiimik ni Zach. Pareho kaming tahimik pagkatapos ng nangyari sa seashore.

Dalawang beses na nya ako inililigtas pero ni isang beses ay hindi pa ako nakakapagpasalamat.

Kinabukasan ng umaga ay hinanap ko sya. Wala sina Mommy dahil kasama sila nina Tita Yvette dahil may titingnan daw itong mga ito na rest house din sa part ng island na ito.

Pareho kaming nalate na gumising kaya naman sabay kami ngayon na kumakain ng umagahan. Magkatapat kami pero hindi kami nag uusap.

Nahihiya ako sa mga nangyari, hindi ko alam paano sisimulan ang pagsasalita.

"Hi" maliit na boses na sabi ko. Nag angat sya ng ulo sa akin. Ngumiti ako sa kanya pero sumimangot lang sya.

"Wipe that smile off your face if that's not genuine." malalim na boses na saad nya. Maybe dahil ito sa bagong gising sya.

"Sorry" bumagsak ang ngiti ko at napapahiyang saad ko. "I just want to say thank you."

Tumango lang sya sa sinabi ko at nagpatuloy na kumain.

"Masungit ka ba talaga?" hindi ko na napigilan. Ang tipis kasi umimik, akala mo bayad mga salita nya. "Sabi ni Tita Yvette magkakasundo daw tayo pero mukhang hindi naman."

Tumigil sya sa pagsubo at tiningnan ako. "If masungit ang tingin mo sa taong tahimik, then yes masungit ako." uminom sya ng tubig after that.

Nakatapos kami ng pagkain ng matiwasay. Gusto kong mag ikot sa resort mag isa pero hindi ako hiniwalayan ni Zach. Teka, ang sabi ni Tita he's eleven already so mas matanda sya sa akin. Maybe I need to give some respect.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ang taong nasa likuran ko. Nangunot ang noo nya ng tumigil ako maglakad at hinarap sya.

"Kuya Zach, may alam ka bang bilihan ng ice cream dito?" nangunot lalo ang noo nya sa itinawag ko sa kanya.

"What did you just call me?"

"Kuya Zach?"

Napatawa sya.

Napanguso ako. "E sabi kasi ni Tita you're already eleven, a year older than me. I thought nga nung sa party magka age lang tayo. Oh shit... Yeah the party!" bahagyang napataas ang boses ko sa sinabi kong huli. "Thank you sa ginawa mo that night, yung sa fountain. Magte thank you pa lang ako pero umalis ka na. Thank you din dun sa nangyari kahapon. Napagalitan ka ba?"

Umiling sya. "You're Welcome."

"Let's swim" yaya ko sa dahil nakakainggit yung mga nakikita kong nag suswimming.

"Do you know how to swim?" He asked.

I nodded.

"It's too hot." he said while pointing at the sun.

I rolled my eyes. "Sunblock exists."

Natawa sya. Niyaya nya muna ako na bumalik sa rest house nila para magpalit ng damit pang swimming. Pagbalik namin ay nakabalik na din sina Mommy, pinayagan din nila kami na mag swimming basta sabi ni Daddy wag lang daw sa masyadong malayo at malalim then si Mommy naman halos paliguan ako ng sunblock.

Kasama ko si Kuya Zach, nakabantay lang sya sa akin. Pakiramdam ko tuloy isa akong batang hindi marunong maglangoy. Tinatry ko na lumayo sa kanya pero hihilahin nya lang ako pabalik sa mababaw na part.

"Paano naman ako mag suswimming kung hanggang tuhod ko lang yung tubig?" nagtatakang tanong ko. Sa huli hinayaan nya na lang din ako na pumunta sa medyo malalim, but as usual nakabantay sya sa akin. Kung hanggang leeg ko ang tubig, sa kanya naman ay hanggang dibdib nya lang dahil nga matangkad sya.

After an hour na pagbababad sa tubig ay umahon na din kami para sa late lunch. After namin mag late lunch ay nagprepare na kami na umuwi, may pasok na kasi ako bukas sa school.

Habang nag aayos ng gamit si Mommy sa taas ay bumaba ako sa may garden ng rest house nina Tita Yvette. Hanggang maramdaman ko na may nakasunod sa akin.

Nilingon ko ito at nakita kong si Kuya Zach. Naupo ito sa isang bench kaya naman sumunod at tumabi ako sa kanya.

"Thanks ulit ha, sa pagligtas mo sa akin twice." pagbubukas ko ng usapan.

"Hmm" yan lang sagot nya.

Tumikhim ako. Tumayo sa harapan nya tsaka inialok ang kamay ko. "We haven't been able to properly introduce each other yet. I'm Tamara Louisse Cuantrillo, 10 years old and wants to be friends with you." nakangiting pakilala ko sa kanya.

Ang kaninang nakakunot na noo ay nawala. Napalitan ng maliit na ngiti pero agad din naman nyang inalis yun bago abutin ang kamay ko.

"Zacharious Timothy Valdazer, 11 and.... don't want to be friends with you."

That's the last words I heard from him and that was almost two years ago. Madalas ko makita sina Tita Yvette and Tito Paul dahil naging mag business partner sila pero si Zach, hindi ko sya nakikita.

I always ask Tita Yvette where was he, but Tita didn't know also. Lagi daw kasi itong wala sa bahay. Madalas nasa mga kaibigan or nasa school.

Hindi ko nga alam kung busy lang ba talaga sya or ayaw nya lang talaga ako makita kasi pakiramdam ko tinataguan nya ako.

One time na bumisita ako kina Tita Yvette ay nakita ko syang nagmamadaling umalis, sa likod bahay pa talaga sya dumaan para lang hindi nya ako makita.

So I guess he meant what he said. After that hindi ko na sya tinanong pa sa parents nya. Even sa mga events na parehas invited ang parents namin ay hindi ako sumasama.

I'm already in highschool at sa Valdazer University ako papasok. I guess tapos na ang taguan naming dalawa ni Zach. Ang school na ito ay pagmamay ari nila kaya I'm pretty sure na dito din sya nag aaral.

"Hi, I'm Tamara Louisse Cuantrillo, 11." maikling pakilala ko sa harapan ng mga bagong kaklase at teacher ko. Sumunod naman sa akin ang mga pinsan ko na sina Jenniva at Denniva.

Malaki ang university na ito dahil elementary hanggang college ay mayroon dito. Ayoko sana dito mag aral pero sina Mommy ang nag enroll sa akin dito dahil na din sa hiling nina Tita Yvette.

"See you tomorrow class, bye." Wala naman masyadong gunawa dahil first day kaya naman maaga din na dismissed ang klase namin.

Based sa schedule namin ay 5pm pa talaga ang end ng classes but it's only 4pm pero uwian na.

Habang palabas kami ng classroom ay nagtext ako sa driver namin na si Manong Fred na tapos na ang klase ko kaya pwede na nya akong sunduin.

Dahil maaga nga nadismissed ang klase namin ay plinano namin na kumain muna sa labas ng campus habang nag iintay kay Manong Fred at sa driver din nila.

Pero bago pa man kami makalayo sa school ay dumating na ang sundo ng kambal kaya naman nauna na sila, bumalik na lang ako sa school para kung sakaling dumating na si Mang Fred ay makita ko agad sya. Sasamahan pa sana muna ako ng kambay pero sinabi kong parating na din naman si Manong Fred.

Sa parking lot ng campus ako nag iintay. Maya maya pa ay may natanggap akong message.

'I'm with Mang Fred anak, hindi ka nya masusundo pero may ibang susundo sayo. Let's meet na lang sa resto. I love you. Take care, anak.'

Message ni Mommy. Now I'm clueless kung sino ang susundo sa akin. After 5 mins may dumating din na kotse. Bumaba mula sa backseat si Zach.

Nangunot ang noo ko sa nakita ko.

"Get in," he said.

"Ikaw ang susundo sa akin?" I'm so clueless, tagal nya ako pinagtaguan tas ngayon bigla na lang sya susulpot sa harapan ko. Akala ko pa naman ako ang susulpot sa harap nya mga isang araw.

"Our parents will be having dinner together. Kasama daw ng Mommy mo ang driver nyo kaya sa akin ka na pinasasabay."

After I heard his reason ay napatango na lang ako sa sarili ko.

"So napilitan ka lang." bulong ko habang sumasakay sa kotse.

"Schoolmate na pala ang mga anak natin, parang tayo lang dati." Natutuwang sambit ni Tita Selena, ang Mommy ng kambal. Kasama din pala sila sa dinner na 'to. Hindi alam ng kambal na sa dinner ang diretso nila kaya hindi nila ako naisabay.

"Zach, ikaw nang bahala sa aming mga dalaga ha." Napaangat naman ako ng tingin sa sinabi ni Mommy. Nakita ko namang nakatingin sa akin Zach bago dahan dahang tumango kay Mommy.

At hindi ko naman akalain na seseryosohin ni Zach ang sinabi ni Mommy dahil mula non ay kasama na lagi namin si Zach, tuwing break time, lunch time, vacant time at kahit after class. Hindi lang si Zach ang sunod ng sunod sa amin dahil may mga kaibigan ito na nakasunod din sa amin, si Cadxus at Cole.

Hanggang sa maging 2nd year kami ay kabuntot pa din lagi namin sila. Kagaya ngayon, lunch break, magkakasama kami ngayon na kumakain dito sa cafeteria. Boys ang umoorder ng pagkain at kami namang girls ang hahanap ng pwesto.

Nang makahanap kami ng pwesto ay inilabas ko ang reviewer ko para sa exam namin kinabukasan. Hanggang sa makabalik ang boys sa table ay hawak ko pa din ang reviewer ko. Nagulat na lang ako nang may kumuha non mula sa kamay ko at naupo ito sa tabi ko. Iniabot sa akin ni Zach ang pagkain na inorder nya para sa akin.

"Thank you." sabi ko tsaka inabot sa kanya ang utensils.

"Having a hard time again? Do you want me to teach you again?" Tukoy nya sa lessons namin. Hindi ko naman kasi maitatanggi na mahina din talaga ang utak ko. Kaya bukod sa bantay ay tutor ko din si Zach. Kung minsan ay sya ang nasa bahay or ako ang nasa kanila para magpaturo.

"No, it's fine. Kaya ko na 'to." tanggi ko.

"Your birthday is coming Tamara. Two week na lang diba? So what's your plan?" tanong ni Denniva.

"I don't know, alam mo naman na si Mommy ang nagpaplano non diba." Sagot ko tsaka nagsimulang kumain.

"Anong gusto mong regalo, Tamara?" tanong ni Cole.

Tinapik ni Cadxus si Cole. "Ano ka ba, diba ibabalot natin si Zach tas sya nating regalo kay Tamara." pang aasar ni Cadxus. At sinakyan naman ito ng kambal at ni Cole at kami na naman ang nakita nila.

Since 1st year ay inaasar na nila ako kay Zach. Kung noong una ay halos mamula ang buong katawan ko sa hiya ngayon ay parang wala na lang ito sa akin. Maging si Zach ay hindi din nagpapadala sa pang aasar ng apat.

"Yes, finally tapos na ang exams, next month ulit." saad ni Denniva na pabagsak na nahiga sa kama ko. Habang ako naman ay pumasok sa CR para makapag freshen up.

Dito matutulog ang kambal dahil ilang araw na lang ay birthday ko na and Mommy wants their opinion about the party. Alam kasi ni Mommy na wala akong hilig sa mga ganon. And anything is fine with me.

"My baby girl is turning 13, time flies." natawa lang ako sa sinabi ni Daddy.

"Dad, even though I'm 30 I will still be your baby girl." Lumapit ako kay Daddy bago sya niyakap mula sa likod. "The  one in only." Habol na saad ko, ramdam ko na natigilan sya pero hindi ko na yun masyado pinagtuunan ng pansin.

Nag sscroll lang ako sa phone ko nang tumabi sa akin si Jenniva.

"Kailan mo sasabihin sa kanya?" napatigil ako sa sinabi nya.

Ilang sandali ang lumipas bago ko binaba ang phone ko at sinagot sya. "Isn't too early? I mean I'm just 12, turning 13. Normal lang naman sa atin na magkagusto sa opposite sex diba, it's just crushes, puppy love. You know teenager things."

"Yeah you're right." after that ay bumalik sya sa paghiga.

I like Zach. I don't know when, where, or why? All I know is I'm happy with him. The kind of happiness na kahit ako ay hindi ko maipaliwanag.




- inyong lingkod, misha💐

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...