Cherish You

By AyhenPey

45.9K 856 370

Serah Cristobal is not your typical girl. She devoted all her life in serving God. Until a turn of events, ha... More

Cherish You
Chapter 1: Transfer
Chapter 2: 3rd Building
Chapter 3: Zachary
Chapter 4: TMI
Chapter 5: Journalism Club
Chapter 6: Bethina
Chapter 7: Please
Chapter 8: Dare
Chapter 9: I do (Cherish You)
Chapter 10: Acquiantance
Chapter 11: Flirt
Chapter 12: Demon's child
Chapter 13: Travis
Chapter 14: Iba ka na ngayon
Chapter 15: Serah
Chapter 16: Panget ba ako?
Chapter 17: A, M, & Z
Chapter 18: Bato
Chapter 19: Baby
Chapter 20: Kiniss sa lips
Chapter 21: Stay with me
Chapter 22: Ferris Wheel
Chapter 23: Do something
Chapter 24: Inaabangan kita
Chapter 25: Selos
Chapter 26: Why you can't hug me?
Chapter 28: Hindi ko naman siya gusto
Chapter 29: Papel
Chapter 30: End-of-the-world
Chapter 31: Harana
Chapter 32: Small world
Chapter 33: Pustahan
Chapter 34: I'm sorry
Chapter 35: Snob, Jealous
Chapter 36: Hinahanap ko siya
Chapter 37: Partner
Chapter 38: Problem
Chapter 39: Holding hands
Chapter 40: Pulis at Kriminal
Chapter 41: Zarah
Chapter 42: His face, hug & kiss
Chapter 43: Friend-zoned
Epilogue
S P E C I A L Chapter
Special Chapter

Chapter 27: Kenn

768 13 10
By AyhenPey

Chapter 27

"Serah!!!"

"Anong nangyari sayo?! Buksan mo itong pinto!"

Hindi ko pinansin si kuya na kumakatok sa pinto ko. Nandito ako sa kama ko nakahiga at pinipigilan ang sarili ko na humagulgol. Tulo ng tulo ang luha ko, para akong bata na inaway at inagawan ng Candy. Gusto kong umiyak ng malakas para mawala naman ng konti ang sakit pero ayaw ko lalo na ngayon kumakatok si Kuya sa pintuan. Nahalata pala niya akong umiiyak paakyat dito.

Naiiyak ako dahil sa nalaman ko, hindi ko alam kung bakit. Siguro sasabihin ng iba ang babaw ng dahilan ko pero bakit kasi magkasama silang dalawa? Ang sakit naman kasi eh! Iniisip ko pa lang na magkasama sila pakiramdam ko pinupunit ang puso ko. Isabay ko pa yung thought na iniwan niya ako sa may rooftop dahil mag c-cutting daw siya. Tapos ngayon nalaman ko si Mara pala ang kasama niya.. Zac naman eh! Hindi ko na talaga alam kung magtitiwala pa ako sa'yo.. Pakiramdam ko ang dami-dami mong secrets, and how dare you to say you like me and to court me. Kung hindi pa naman kita lubos na kilala.

At ang mas masakit pa doon, iniiwasan mo ang usapan lalong lalo na kay God. Bakit?

Lord naman eh, bakit sa dami ng lalaking dadating sa buhay ko bakit si Zac pa? Madami din naman dyan na faithful, bakit si Zac pa ang dumating sa buhay ko at hindi ko lubos na kahuhulugan ko ng loob.Oo, sikat siya, mayaman, matalino, gwapo pero wala sa kanya yung isa sa pinakahahanap ko. Pero nakakaasar naman itong puso ko!

"Serah!!!" nagulat ako ng biglang pumasok si Kuya sa kwarto ko at dali-daling sinarado ang pinto ng makita niya ako. Lumapit siya sa akin at agad akong niyakap. Bumagsak na naman ang mga luha ko.Hanggang sa napahagulgol na ako dahil hindi ko na kaya pang pigilan..

"Anong nangyari? Shhh, nandito na si Kuya.." niyakap ko ng mahigpit ang Kuya ko. Humagulgol ako habang binubrush niya ang kamay niya sa buhok ko.

"Kuya!!!"

"What happened ba?" still nakayakap pa din ako sa kanya. Inayos ko ang sarili ko at humarap sa kanya. Huminga ako ng malalim kahit ngayon lang.. Mag oopen up ako ng nararamdaman ko. Wala namang masama, Kuya ko naman siya.

"Si Zac," hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang tumayo si Kuya at humarap sa akin.

"ANONG GINAWA SAYO NUNG LALAKING IYON?! BABANGASAN KO SIYA!!! KAHIT NA MADAMI SIYANG FANS! DI KO SIYA SASANTUHIN!!! SAAN ANG BAHAY NO--"

Tumayo ako bigla ay niyakap ang Kuya, natawa ako sa expression ni Kuya. Ngayon lang kasi siya naging ganito sa akin. Feeling ko concern siya sa akin. Si kuya talaga..

"Kuya, hindi pa ako tapos mag salita. Pati wag mo naman siyang sasaktan.." naramdaman ko naman nag calm ang kuya ko kaya umupo na ulit ako sa kama ganun din siya.

"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ni Kuya

"Kasi, nililigawan niya ako kaso nalaman ko may sinasamahan siyang ibang babae.." napatingin ako sa kamay ng Kuya ko at nakita kong nag clenched ito. Tinignan ko siya at nakakagat labi siya.. Hayss,..

"Serah, wag ka ng mag kwento alam ko na. Pigilan mo na lang ako bubugbugin ko yang Zac na iyan! Mabuti na lang hindi mo pa siya sinasagot kung hindi!! Aish! Wag mo ng sagutin yan! May papakilala ako sa'yo mas type mo yun!" bigla na lang akong hinila ng Kuya palabas ng kwarto.

Tapos nakita kami ni Mama..

"San kayo pupunta?" bigla nya kaming hinarang sa pintuan. Napatingin sa akin si Mama at nanlaki ang mata. Oo na po, sabog ang mata ko.

"Daniel, anong ginawa mo sa kapatid mo?"

"Aish, Ma! Padaanin mo kami, bibili ko lang siya ng Ice Cream. Inaway ko kasi.." nag lighten up naman ang mukha ni Mama at lugod na pinadaan kami. Bago kami makalabas ng gate sumigaw pa si Mama.

"Ayieeh, close na silang mag kapatid!" nag 'Tch' na lang si Kuya at naglakad na kaming dalawa. Hawak niya ang wrist ko, kaya naman yung mga taong nadadaanan namin nakatingin sa aming dalawa. Akala siguro nila boyfriend ko si Kuya.

"Kuya pinagtitinginan tayo oh.. San ba tayo pupunta?"

"Pogi kasi ako.. Sa may park tayo pupunta"

"Eh bakit?" tanong ko

"May papakilala nga ako sa'yo. Kulit!"

Siguro 10 minutes kami naglakad ni Kuya bago makarating sa Park. Mabuti na lang magpapasko na ngayon kaya yung Park maliwanag puro Christmas Lights. Nagpunta kami malapit sa may Swing at may nakita akong lalaki na nakaupo doon. Mukha siyang familiar.. Bigla siyang lumingon sa amin at kinawayan si Kuya.

"Pare!" lumapit si Kuya doon at as usual may tapik balikat silang ginawa. Tapos lumingon sa akin yung kausap ni Kuya. Nagulat ako kung sino siya..

"Kapatid mo?" tanong niya sa Kuya ko.

"Yep, ikaw muna bahala dyan. Mag d-dota muna ako" mag sasalita pa sana siya pero bigla na lang tumakbo si Kuya. At naiwan kaming dalawa...Awkward.

Lumapit siya sa akin..

"Bakit di mo kasama si Zac?" pagkarinig na pagkarinig ko noon, feeling ko tutulo na naman ang luha ko iniwas ko ang tingin ko sa kanya..

"Tch.." sagot ko sa kanya, napagaya na din ako sa Kuya ko.

"LQ ba? HAHAH.. I can't believe this.. Kasama kita at kinakausap ko ang pinaka weirdo sa school." umupo na siya sa swing. Sumunod ako sa kanya at umupo naman sa kabila. Bahala siya kung ayaw niya akong kasama, eh sa lagay iniwan ako ni Kuya dito eh.

Hindi pa rin siya nagbabago.. Well, hindi naman talaga. Siya lang naman si Kenn de Vera. Classmate ko, kabarkada ni Jerome (see Chapter 7). Isa sa mga bully sa klase namin. Hindi ko naman siya nakakausap dahil wala naman akong sasabihin. At ngayon ito lang ang unang beses na nakausap ko siya.

Tumingin ako sa kanya at nakatingin lang siya sa malayo. Tinignan ko kung saan siya nakatingin at doon lang pala sa mga Christmas Lights. Tumingin ulit ako sa kanya.. Nang bigla siyang lumingon sa akin.

"May gusto ka ba sa akin?" bigla kong iniwas ang tingin ko

"Uy hindi ha"

"Hahah, alam ko. Si Zac lang naman ang gusto mo eh" napatingin ako sa kanya at nag smirk sa akin "--kaso nga lang mas type ata noon si Maradee Kim ang babaeng kinakababaliwan namin" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Alam niya ang nangyayari? At teka, may gusto siya kay Mara?

"May gusto ka ba kay Mara?"

"Wala..Ang panget kaya noon.."

"Eh bakit sabi mo kinababaliwan?"

"Pag ba sinabing kinababaliwan, gusto agad? Di ba pwedeng kinababaliwan lang matalo sa Dota?"

Napa EH ang mukha ko sa sinabi niya. Nag D-Dota si Mara? Eh mukhang girly yun ah! Napaka imposible naman ata ng sinasabi nito..

"Don't get me wrong, magaling mag Dota iyon. Barkada lang ni Zac ang nakakatalo doon. Hayss, bakit ko ba sinasabi ito sa'yo? Wala ka namang alam sa mga ganito.. Aish! Makaalis na nga! Ma-issue pa ako bukas na nakikipag usap sayo.. Sige bye!" tumayo na siya kaagad at iniwan ako..

Kahit papaano nakatulong sa akin si Kenn, nakalimutan ko yung nararamdaman ko. Pero nung sinabi niyang barkada lang ni Zac ang nakakatalo kay Mara. Napaisip ako..

Tapos dumating na si Kuya.. Ang bilis naman ata?

"Nasan na si Kenntot? Joke lang naman na mag dodota ako eh."

"Wala na, umalis na.."

"Ah sayang, katulad mo din iyon eh.. Masyadong Religious"

Ano daw?!

- - - - -

December na ngayon.. Todo aral na ako ngayon mag P-Periodical na kasi kami next week after noon Christmas Party na. Aral lang ako ng aral, nakikinig na ako kay Ma'am, at minsan kapag napapansin kong wala sa mood ang mga classmate ko makinig sa klase. Nag t-take advantage ako at sumasagot ako para magka recitation naman ako. At least kapag nag-aaral ako nakakalimutan kong may katabi ako.

Hindi pa rin kami nag papansinan. Wala naman kaming dapat pag usapan eh. Papasok ako sa room, mag gagawa ng pinapagawa ni Ma'am mamaya Recess na tapos ganoon ulit tapos Lunch at maya-maya Dismissal. Madali naman palang mabuhay eh. Basta mag-aral lang, matutuwa pa si Papa nito.

Physics kami ngayon..

"Class what is the carrier of energy?" tanong ni Ma'am sa amin..

"Wave.." sabay sabay naming sagot tapos biglang tumingin si Ma'am sa side namin. Nag ehem muna siya..

"Class, I know hindi ako ang Adviser niyo. Pero gusto kong ibahin ang proper seat niyo, dumadami na kasi ang mga nagdaldalan. Okay lang ba?"

"Yes Ma'am" in chorus na sagot ng iba kong classmate.. Yung iba naman sinasabi ' Wag na Ma'am' Napa phew ako dapat masaya ako! Tama, dapat maging masaya ako malilipat na ang upuan ko. Hindi ko na siya makakatabi.. Lumingon ako sa kanya at nakakunot lang ang noo niya.

"Class stand up, I will arrange you according to your Surname" kaya iyon yung mga A ang apelydido napunta sa harapan tapos yung B naman sa kabila tapos sumunod na yung C. Kaya ako naman pumunta na ako sa respective seat ko. Nasa 2nd Row ako, ako lang pala ang C ang apelyido kaya naman sumunod na yung letter D. Nagulat na lang ako ng tumabi sa akin si Kenn. Nag smirk lang siya sa akin.

At pagkatapos ng matagal na pag aayos ng seating arrangement ok na.. Tumingin ako sa likuran, malayo na sa akin si Zac at malapit lapit sa kanya si Bethina. Hayaan ko na lang.. Ang importante nakalayo na ako sa kanya.

Nagklase na ulit kami.. Ang tahimik ng katabi ko.. May gusto akong itanong sa kanya eh. Kapalan ko na nga lang ang mukha ko.

"Bakit mo ako iniwan kagabi?" mahina lang yung tanong ko pero alam kong narinig niya yun. Tumingin siya sa akin at iba yung tingin niya. Hala, na misinterpret niya ata yung tanong ko!

"Why? Gusto mo ba akong kasama?" nag smirk na naman siya

"Pwede din.." mabilis na sagot ko, namula naman siya at iniwas ang tingin sa akin. Hahaha, natawa ako sa expression niya. Hindi pa ako tapos eh.. "--kasi balita ko Christian ka din daw."

At pagkasabing pagkasabi ko noon, napatayo siya at tumingin sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya, bigla niyang hinawakan yung wrist ko at hinigit patayo, hanggang sa kinaladkad niya ako palabas ng room. Pero bago kami lumubas ng room napatingin ako sa mga classmate ko, lahat sila naka ganito :O. Pati si Ma'am..

Kinakaladkad pa din niya ako hanggang sa nakarating na kami sa may Rooftop. Binitawan niya din ako sa wakas. Naisip ko lang nangyari na rin sa akin iyon ah... Kinaladkad ako palabas ng room.. Aish!! Forget it. Naalala ko na naman siya.

"What did you say?" tanong niya sa akin..

"Christian ka di ba?"

"Yes" tapos bigla siyang tumungo

"Hey, bakit ganyan ka? You should be proud" pag ch-cheer up ko sa kanya

"Yeah dapat nga ganoon pero hindi ko kaya.." sabi niya pakiramdam ko ibang Kenn ang nasa harapan ko ngayon. Ito pala ang other side niya.. Kaya ko nalaman na Christian siya kasi kinuwento siya sa akin ni Kuya, kaya pala gusto niya akong ipakilala dito.

"Bakit?" tanong ko

"Kasi kapag sinabi ko sa mga kaibigan ko iyon pagtatawanan nila ako. Iiwanan ako. Kaya mabuti ng maging katulad nila ako, maging Bully, adik sa Dota , machicks at kung ano ano pa. Kuya mo lang nakakaalam nito, di ko alam sinabi niya din pala sayo. Hayss.." nakatungo pa din siya. At hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Bigla ko na lang hinawakan ang kamay niya. Tumingin siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. At sinabing..

"Be YOU." pagkatapos noon iniwan ko na siya doon, gusto ko sanang bumalik sa room pero mukhang issue lang ang dadatnan ko doon kaya tumungo na lang ako sa Club Room namin. Naiintindihan ko si Kenn, kaya pala siya Bully ginagawa niya iyon para magkaroon ng kaibigan dito. Kasi kung magiging katulad ko siya mawawalan siya ng kaibigan. At iyon ang pinakamahirap kung mayroon kang ganoong kaibigan.. Hindi ka nila kayang tanggapin.

Pumunta ako sa Club Room pero hindi ko feel ata ngayon kaya ang ginawa ko pumunta na lang ako sa Canteen. Ilang minuto na lang din naman Lunch na din namin. Maya-maya nakita ko na yung mga classmate ko na nagdatingan. Nagulat na lang ako umupo sa harapan ko si Bethina.

"May nangyari anoh?"

"Ha?"

"I mean sa inyong dalawa ni Zac.."

"Anong nangyari? Wala ha.."

"Loka! Hindi iyon ang ibig sabihin ko. I mean LQ kayo."

"LQ ka dyan, di kami no." sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin.

"Hay ewan ko ba sayo.. Dapat kasi maging possesive ka na din naaagaw tuloy sayo. Di mo ako gayahin, lumalovelife na!" napatingin ako sa kanya at tuwang tuwa naman siya

"Do you mean.." di ko na natapos ang sasabihin ko..

"Oo kami na.. " sabi niya ng nakangiti, napangiti na din ako sa kanya. WOW! At last, sinasabi na nga ba eh.. Tapos may nag ehem sa likuran niya kinindatan lang niya ako tapos si Bethina naman humarap sa kanya.

Maiyak iyak si Bethina ng binigyan siya ni Travis ng Bouquet.

"Happy Weeksary sa atin" kinuha ni Bethina yung Bouquet at niyakap si Travis. Yung mga tao sa Canteen nag AYIEEEH ng malakas. Nakatingin sa akin si Travis at nakangiting wagas.

"Serah, alis na muna kami ha?" sabi sa akin ni Bethina

"Sige lang.." sagot ko nung nakaalis na sila tumayo na ako sa upuan ko at bago pa lang ako lalakad. Napahinto na ako sa nakita ko..

Si Mara at Zac magkasama naglalakad papunta ditong Canteen. Napatingin ako sa paligid ko, wala na akong iba pang pwedeng daanan. Isa lang ang daan para makabalik ako sa room namin ang daan kung saan ko sila makakasalubong.

Mukhang ang saya saya nilang dalawa. Nag-uusap kasi sila at kitang kita ko na enjoy na enjoy silang dalawa. Heto na naman ang pakiramdam ko, parang sinasaksak na naman. Tinungo ko na lang ulo ko at lumakad.. Bahala na.. Nung malapit na sila sa akin katska ako tumakbo ng mabilis..

Hayss, salamat! Nakalampas na din ako sa kanila at pagkatapos noon lumakad na ako papuntang room. Pinunasan ko ang luha ko, ang sakit!

- - - - -

Imagine me without you

I'd be lost and so confused

I wouldn't last a day I'd be afraid

Without you there to see me through

Imagine me without you

Lord, you know its just impossible

Because of you it's all brand new

My life is now worthwhile

I can't imagine me without you

Kasama ko sila Hannah ngayon, uwian na namin pero naisipan nilang mag meeting kuno daw kami. Kaya ngayon magkakasama kami, na ikwento ko na din sa kanila yung nangyari..

"Carla, patayin mo nga yang MP3 mo. Sinasapol mo naman si Ate Serah eh"

"Oo na.." instop na din niya sa wakas yung kanta. Tama nga si Hannah, nasasapol ako. Imagine ko na wala siya? Masakit! Sinabi ko na sa kanila yung tunay kong nararamdaman. Nakinig naman sila, at ang sabi pa nila..

"Hindi na bago sa amin yan, alam na namin dyan ka dadating" nagulat nga ako sa sagot nila dahil sabay sabay sila. Ano yun? Pinag-uusapan nila ito? Mga kaibigan ko nga naman talaga. Tapos si Carla pinatugtugan pa ako ng kanta. Binabasag talaga niya ang puso ko..

"Ate Serah, lumilipad na naman ang utak mo" sita sa akin ni Paula

"Kaya nga, gusto mo ba kalbuhin na namin si Maradee Kim?" suggest ni Carla

"Wag, wala namang ginagawang masama sa akin yung tao." sagot ko

"ANONG WALA?! She's only stealing your soon-to-be-boyfriend!" galit na sigaw sa akin Carla nagulat naman ako doon. Kaya napaatras ako sa pagkakaupo ko.

"Carla, ano ka ba. Calm down!" pigil ni Hannah kay Carla

"How could I calm down?! Kung yung kaibigan ko sikretong nagdurusa dahil dyan sa Mara na iyan? Kapal ng mukha niya! Mang-aagaw siya!!!" --Carla

"Carla, let's go" -Irish

"Yeah, come on.. Ihanda mo na yung gunting, kakalbuhin na natin iyon" -Paula

At nagulat na lang ako ng lalakad na sila palabas ng room. Bigla na lang akong napatakbo doon at hinarang sila sa pagdaan.

"Padaan kami Ate Serah" sabay nilang sabi sa akin. Hindi naman sila mahilig mag say in chorus anoh?

"San kayo pupunta?"

"Kakalbuhin si Mara"

"Wag!!! Ako na lang, wag siya!" nagulat sila sa sinabi ko pati ako. Anong sinabi ko? Kalbuhin ako?! Hala...

"Hindi namin kayang gawin sayo yun, kasi mabait ka at kaibigan ka namin" sabi ni Paula nag nod naman yung dalawa sa kanya. Hindi ko alam sa sarili ko bigla na lang tumulo ang luha ko. Bigla kong niyakap si Carla.

"Ate Serah bakit ka umiiyak?"

"Kasi, na appreciate ko kayo.." lumapit na din si Paula at Irish sa amin at nag group hug kami.

"Pasali kami!" sita ni Hannah at Abby at iyon nag group hug kami. Lord, thank you sa mga kaibigan ko.

"Wag ka ngang umiyak dyan, what friends are for.." sabi ni Hannah sa akin, nag nod ako sa kanya. At nung okay na ako lumabas na din kami ng club room.

"Punta tayo sa Café?" suggest ni Abby

"Sure!!!" in-chorus na sagot nila.. Kaya iyon bumaba na kami at lumakad papunta sa gate. Grabe, ang iingay nila! Di ko maintindihan yung pinag-uusapan nila basta alam ko may nilalait sila na classmate daw nila na uber maglagay ng lipstick. Naisip ko lang sasama na lang ako sa kanila kahit wala akong pera. Okay lang naman sa akin iyon.

Nakalabas na kami ng gate ng may nakita akong lalaki na nakasandal doon.

"Kenn!" tawag ko sa kanya lumingon siya sa akin at nginitian ako. Sila Carla naman tuloy lang sa lakad nila..

"Anong ginagawa mo dito?"

"Inaan-- Wala! Napaistambay lang.. Ikaw bakit ngayon ka lang lumabas?" tanong niya sa akin

"Ah, nag meeting kami sa Club eh"

"Ka-club mo ba iyon?" tinuro niya sila Carla na patalon talon na lumakad papunta sa Café. Nag nod ako sa kanya

"Club pala kayo, akala ko barkada lang ng mga weirdo at nerd eh"

"Hindi sila weirdo noh! Laitin mo na ako, wag lang sila!" sigaw ko sa kanya, nagulat naman siya sa sinabi ko. Pero nag smirk din naman after.. Bakit ba ang hilig nitong ngumiti ng ganoon ang creepy!

"Serah," sumeryoso naman ang mukha niya.. "--uhmm, pwede ka ba sa Sunday?"

"Ha? Bakit?"

"Invite kita sa Church namin.." sabay tungo pagkatapos niyang sabihin iyon. Natawa naman ako doon..

"Bakit ka tumatawa?" nainis ata siya sa ginawa ko..

"Eh kasi mukhang nahihiya ka eh.."

"Hindi ha.."

"Eh bakit tumutungo ka?"tanong ko sa kanya na ngayon iba na naman ang aura.

"Maniarism ko na 'yun.."

"Talaga lang ha? Sige punta ako sa Church niyo.. Saa--"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla akong niyakap ni Kenn at di lang iyon niyakap niya ako na buhat buhat tapos umikot siya ng umikot kaya ako napapaikot din habang nakayakap siya.

"Thank you!"

"Waah, Kenn! Nahihilo na ako!!" binaba din naman niya ako at tinanggal yung yakap nya. Pagkatingin ko sa kanya namumula yung tenga nya.

"Kenn, bakit namumula yang tenga mo?!" hahawakan ko na sana yung tenga niya ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Napatingin ako sa kanya at naramdaman kong kumabog ang dibdib ko. Ano yun?

Lumapit sa akin yung mukha niya.. Na sobrang kinagulat ko. Napapikit na lang ako ng naramdaman kong may binulong siya.

"Wag kang lilingon nasa likuran natin siya.."

"Sino?"

"Si Zac.."

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pagkasabing pagkasabi niya noon pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at niyakap siya. Naisip ko na lang kung nasa likuran namin siya ngayon, nakikita niya ito. Bahala siya sa buhay niya.. Ang gusto ko lang iparealize sa kanya.. Isipin mo ang sarili mo na wala ako.

Pero asa naman ako na maapektuhan siya.

"You can use me against him.." sabi sa akin ni Kenn na hanggang ngayon ay nakayakap sa akin.

"Thank you Kenn.."

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
449 125 36
Peterson Gachalian Hernandez, is a famous male model and he's from a known wealthy family 'anong magagawa niya kong sa isang babaeng hindi niya dapat...
7.5K 426 51
Isang pag-ibig na di mo inaasahang mararamdaman sa isang taong kinaayawan mo. Nagsimula ang lahat sa pambubully at saan nga ba ito hahantong? Halina'...
1.2M 54.2K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...