STILL OWNED BY HIS ARMS

By myshaki

268 18 1

TAMARA LOUISSE CUANTRILLO is the daughter of one of the country's most successful businessman. She was born... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15

CHAPTER 14

10 0 0
By myshaki

Chapter 14 - WISH 

Maya maya pa ay naramdaman nyang dahan dahan na gumagalaw ang mga labi ni Zach, dahan dahan nitong sinisiil ang pang-ibabang labi ng dalaga. Nanatiling nakatikom lang ang mga labi ng dalaga ngunit nang ibaba ni Zach ang isang kamay nya sa baywang ng dalaga at hapitin ito lalo palapit sa kanya. Ikinagulat iyon ni Tamara kaya't kusang naghiwalay ang mga labi nya at dahil doon ay mas lalong lumalim ang paghalik ni Zach sa dalaga. Patuloy na nanghina si Tamara lalo na ng umakyat naman ang isang kamay ni Zach sa kanyang batok at pilit syang idinidiin.

Palitan na sinisiil ni Zach ng halik ang itaas at ibabang labi ni Tamara. Hindi na namalayan ni Tamara na unti-unti na syang nadadala sa mga halik na ginagawa ni Zach.

Nakita na lang nya ang sarili na tumutugon sa halik ng binata at nakayapos na ng dalawang braso nya sa leeg ng binata.

Habang lumalalim ang kanilang halikan ay lumilikot na din ang kamay ni Zach. Paulit ulit nito hinahaplos ang baywang at batok ng dalaga na nakakapagpadagdag ng init sa pareho nilang katawan.

Bumaba ang halik ni Zach, mula labi nito papunta sa pisnge hanggang sa makababa ito sa leeg ng dalaga.

Natuwa si Zach nang kusang bigyang daan ang kanyang mga halik sa leeg ng dalaga.

"Ahhh..." ungol ni Tamara nang maramdaman ang dila ni Zach sa kanyang tenga.

At doon din sya napabalik sa sarili. Naitulak nya si Zach dahil doon. Nakita nya kung paanong nagulat din si Zach sa ginawa ni Tamara.

Walang salitang tumakbo papasok si Tamara sa kanyang walk-in-closet. Ngunit bago nya saraduhan ang pinto nito ay may isinigaw ang dalaga.

"M-makakaalis ka na, Z-zach." utal-utal na saad ng dalaga. Habang si Zach naman ay bagsak balikat na lumabas ng kwarto ng dalaga na kinakastigo ang sarili sa nagawang kapusukan.

Habang si Tamara naman ay nakaharap sa salamin nya sa banyo na naka konekta sa walk-in-closet nya. Kitang kita nya kung gaano kapula ang mukha nya maging ang tenga nya.

Napapikit sya sa frustration na nararamdaman, sinisisi nya ang sarili sa nangyari sa kanila ni Zach.

"Napakabilis mo talagang bumigay sa kanya." Pagkausap ni Tamara sa sarili na nakikita nya sa salamin. 

-

"Pero Lola, ayoko ko pong pumasok." nakasunod si Tamara sa Lola nya.

Hinarap ni Donya Esmeralda ang apo na nagmamaktol. "Aba, sino ang gusto mong mag asikaso ng mga bagay na iyon?" ganting saad ng matanda sa apo.

Napanguso si Tamara. "Si Manong Fred o di kaya si Bianca." Turo nito sa matandang driver na dumaan sa salas at kay Bianca na kabuntot ng Lola nya.

"Hindi. Ikaw ang mag-asikaso. Tsaka next week pa ang alis natin." walang maang na saad ng matanda.

Nangunot ang noo ng dalaga. "Akala ko po ba this week ang alis natin?"

"May aasikasuhin pa din ako kaya ipinagpaliban ko muna."

"Pero kasi Lola —"

"Hihintayin din natin na makauwi ang Lolo at Daddy mo."

"Pero Lola —"

"Tamara, fix yourself at pumasok ka na sa skwelahan. Ayusin mo ang dapat ayusin sa paglipat mo ng Univeristy. Malaki ka na kaya ikaw ang gumawa nyan." matigas na saad ni Donya Esmeralda.

Wala nang nagawa si Tamara kundi ang umakyat sa kwarto nya at magbihis para pumasok sa Univeristy.

Walang buhay syang pumasok sa second subject nya para sa araw na iyon. Nasa kalagitnaan na ng klase ang professor nya nang dumating sya.

Sanay na ang mga professor nya sa ganitong ugali nya kaya't hindi na sya nito pinansin pa.

Nang makaupo sa kanyang pwesto ay tumitig lang sya sa white board na nasa harapan nya.

Habang sina Jenniva, Denniva at Cazzy naman ay nakasunod lang sa kanya. Gusto nilang kausapin ang dalaga ngunit oras pa ng klase at tila wala naman ito sa sarili.

Tulala pa din sa kawalan si Tamara ng matapos ang klase kaya naman agad na nilapitan sya ni Cazzy, habang si Jenniva at Denniva naman ay nagtutulakan sa unang lalapit sa pinsan na wala sa sarili.

"Miss Tamara, okay lang ka lang ba?" tanong nang nag-aalala na si Cazzy.

Doon napabalik sa reyalidad si Tamara. Sobrang lapit ng mukha ni Cazzy sa mukha nya kaya naman napatayo sya.

"C-cazzandra ano ba!?" nagulat na sigaw ni Tamara kay Cazzy, agad namang humingi ng paumanhin si Cazzy.

"Sorry Miss Tamara. Ang layo kasi ng tingin mo. Okay ka na ba? Nabalitaan ko na naaksidente ka tapos dalawang linggo ka pa absent."

Tiningnan ni Tamara si Cazzy na parang batang iiyak na.

"Cazzandra, umayos ka nga. Hindi pa ako mamamatay." inis na saad nya dito.

"Nag-aalala lang talaga ako sayo Miss Tamara."

"Pwede ba, drop the miss. Just Tamara, ilang beses ko na ba nasabi yan sayo."

"Sige, Mi— Tamara." nakayukong saad nito.

Dinampot nya ang bag nya tsaka lumabas ng classroom. Lunch time na kaya hindi din sya maaaring makapunta sa Registrar para sa mga files na kailangan nya.

Tahimik lang syang naglalakad papunta sa cafeteria. Dalawang linggo syang nawala kaya naman bawat nadaanan nya ay nakatingin sa kanya.

Ramdam nya na nakabuntot sa kanya si Cazzy, Jenniva at Denniva.

"Miss Tamara —" nakita ni Cazzy ang matalim na tingin ni Tamara kaya napatigil sya sa pagsasalita. "I mean Tamara, sure ka bang okay ka na?"

"May nakikita ka bang kulang sa akin, Cazzy?"

Umiling ito. "Wala."

"So?" taas kilay nyang tanong.

"Sabi ko nga okay ka, physically." nangunot ang noo nya sa huling sinabi ni Cazzy. Agad namang hinampas ni Denniva ang kamay ni Cazzy na nasa ibabaw ng table dahil sa huling sinabi nito.

Doon nya nabigyan ng pansin ang mga pinsan nya. "Kayo, wala ba kayong sasabihin?" napatingin ang kambal sa kanya habang si Cazzy naman ay nakamasid lang sa kanila.

"Sorry" mahinang sabay na sabi ng dalawa.

"Kailan pa humina ang boses nyo? Lalo ka na Denniva."

"I'm sorry" sabay muling saad ng dalawa na may kalakasan na.

"Kailan nyo pa nalaman lahat yun?" seryosong saad ni Tamara na syang nakapag paayos ng ng upo ng kambal.

Si Jenniva ang unang nagsalita. "After your accident. Bumisita non si Zach sa hospital. Nang malaman ko na sya ang dahilan bakit ka naaksidente pinaalis namin sya."

"Pero inintay nya lang pala kami sa labas ng room mo. Hanggang sa dumating si Mellisa. Hindi namin sya hinayaang magtagal sa hospital room mo kasi kilala ka namin, baka kung ano gawin mo kapag nagising ka na nandoon sya. Parehong inintay ni Mellisa at Zach ang paglabas namin. Doon nila sinabi ang lahat. Noong una ay about lang sa nakita mo sa Condo ni Zach ang sinabi nila. Pero nagwala 'tong si Jenniva." pagpapatuloy ni Denniva at tinuro pa ni Denniva ang kakambal.

Tinampal naman ni Jenniva and hintuturo ng kakambal na nakaturo sa kanya bago muling nagkwento. "Pati kasi kami naguguluhan na, alam namin ang huling pag-uusap nyo ni Zach kaya nagtaka ako kung bakit kailangan pa ka pa nilang i-misinterpret sa totoong relasyon nila. Doon na nila sinabi yung kinalaman ni Zach about sa accident ni Tita. Humingi sila ng tulong sa aming dalawa ni Denniva para makausap ka."

"Pero si Lola kasi ang lakas ng trip, kakaladkarin ka sa America kaya ayun nataranta na kami. Ang sabi namin ay ihahanda ka namin bago sabihin sayo lahat kaso nahuli mo kami." mahinang saad ni Denniva sa huling mga salita.

Hindi pa din makatingin kay Tamara ng diretso ang kambal.

"Sigurado kayong nito nyo lang nalaman yun lahat?" Paninigurado pa ni Tamara sa mga pinsan. Sabay naman na tumango ang dalawa.

Naging tahimik muli silang apat. Maya maya ay sumusulyap si Jenniva at Denniva sa pinsan hanggang sa magsalita si Jenniva.

"Galit ka ba sa amin?" mahina at maingat na saad nito.

Tiningnan ni Tamara ang mga pinsan at dahan dahang umiling. Tila nagkabuhay ang mukha ng kambal na dalaga tsaka tumayo sa upuan nila at nilapitan ang pinsan upang yakapin ito.

Natawa lamang si Tamara sa naging reaksyon ng dalawa. Tila mga batang napagbigyan na makakain ng ice cream.

"Sobrang unti lang ng lamang ni Cazzy kay Troy. Akala nga namin matatalo si Cazzy." Pagkukwento ni Denniva sa nangyaring botohan ng bagong Counsil Officers for College Department.

She is no longer the Miss President of VEU. Si Cazzy ang nanalo sa botohan kaya naman ito na ang bagong President.

"So ikaw na pala ang bagong Miss President." saad nya kay Cazzy, habang si Cazzy naman ay nahihiyang tumungo.

"Sa totoo lang Tamara natatakot ako." sabi nito na nakapag pakunot ng noo nya.

"Huh? Bakit naman?"

"Hindi kita kayang pantayan, secretary lang ako dati pero pumapalpak pa din ako. Natatakot ako na baka hindi ko magawa ng maayos yung responsibility ko."

"Cazzandra, tingin mo ba irerecommend kita as president if nakita kong hindi mo kaya?"

Napatunghay si Cazzy sa sinabi ni Tamara.

"At saka please lang, wag ka nga laging naka tungo. Hindi kita pinamake over para lang itago mo ang ganda mo." sabi ni Tamara bago inayos ang buhok ni Cazzy na humaharang sa mukha nito. "Kaya mo yan, nandito naman sina Jenniva at Denniva para iguide ka." Nakangiting saad nya nang sabihin iyon. Ang kaninang nakangiting mukha nina Jenniva at Denniva ay napalitan ng takot at pagtataka. Maging si Cazzy ay nangunot ang noo.

"Sila lang? Bakit hindi mo 'ko igaguide?" parang batang saad ni Cazzy. Umiwas naman ng tingin si Tamara kay Cazzy.

"Tamara, tutuloy ka ba?" Tanong ni Jenniva.

Umiwas din sya ng tingin dito. Tiningnan nya ang relos nya. Nakita nyang tapos na ang lunch break pero wala pa din silang klase kaya naman tumayo sya at tumingin sa tatlo.

"Pupunta lang akong registrar, dadaan na din sa cafeteria. May gusto ba kayong ipabili?" nakangiting tanong nya pero nakakunot lang ang noo ng tatlo.

Tumayo si Denniva. "Sasamahan ka namin pero sa cafeteria lang tayo pupunta." Matigas na saad nito.

"Don't." Mas matigas nyang sabi. Napahinto naman sa pagtayo si Jenniva at Cazzy. "Nakapag decide na 'ko. So stay here." sabi ni Tamara bago tuluyang umalis. Susundan na sana ng tatlo ang papalayong si Tamara ngunit nakita nila na may sumunod na dito.

Napabuntong hininga na lang sila at umaasa na mapigilan ni Zach ang pursigidong dalaga.

"Sana kayanin ng powers nya." malungkot na sabi ni Denniva habang nakatanaw kay Zach na nakasunod ng Tamara.

"Tutuloy ba talaga si Queen sa America?" naluluhang sambit naman ni Cazzy.

Nagkibit balikat na lang si Jenniva. Hindi nya alam ang isasagot kay Cazzy. Umaasa na lang din sya sa magagawa ni Zach.

Malapit na si Tamara sa hallway kung saan matatagpuan ang Registrar Office. May iilan syang studyante na nakakasalubong at nakakasabay. Pasado ala una na kaya iilan na lang ang dumaraan. Madalas kasi ay may klase na ng ganitong oras sa department nila.

Nagulat na lang si Tamara nang biglang may humila sa kanya papasok sa music room na nadaanan nya.

Hihiyaw sana sya kaya lang ay natakpan agad nito ang bibig nya. Madilim sa kwartong iyon kaya hindi nya maaninag ang humila sa kanya.

Malapit sa kanya ang taong ito kaya naamoy nya ito. Pamilyar sa kanya ang amoy. Hindi nya masabi ang pangalan nito dahil sa kamay nitong nakatakip sa bibig nya, kaya kinagat nya ito. Napa aray naman ang lalaki.

"What the hell, Zach?" galit na anas nya sa lalaki ngunit mayroon pagkailang dahil na din sa nangyari sa kanila ng nakaraang gabi.

Sobra sobra ang kabog na nararamdaman ni Tamara. Pakiramdam nya ay tatakasan sya ng puso nya sa sobrang pagkakabog nito. 

Hindi pinansin ng lalaki ang sinabi nya. Lalabas na sana sya ng pinto nang makarinig sya ng biglang paglock nito.

Nagpanic sya kaya agad syang lumapit doon at pilit na binibuksan pero nakalock sa na ito sa labas. Dinig pa nya ang tawanan ng nakikilala nyang boses.

"Hey open the door." Sigaw nya pero nanatiling naka lock ang pinto. Tiningnan nya si Zach nang biglang mabuhay ang ilaw sa buong music room.

"Can you tell to your stupid friends to open the door." sigaw nya dito.

"Good luck, bro."

"Suyo well." sabi nina Cole at Cadxus na syang naglock ng music room.

Walang gaanong dumadaan sa parteng ito lalo na sa oras ng klase kaya alam nya na kahit magsisigaw sya ay mababa ang porsyento na may magbukas ng pinto. Lalo pa't hinala nya ay nakina Cadxus at Cole ang susi.

Nagpupuyos ang damdaming nilapitan nya si Zach na ngayon prisentableng nakaupo sa may piano.

"What kind of prank is this, Zach? Can you please tell to them to open the door, nagmamadali ako kaya wala akong time sa mga pang gogood time nyo." inis na talagang saad ng dalaga.

Ngunit parang walang naririnig si Zach. Nakaupo ito sa may piano ngunit ang tinutugtog nito ay gitara na nasa tabi ng piano kanina.

"Zach ano ba, kailangan kong pumunta sa registrar. Malalagot ako kay Lola kapag hindi ko pa naasikaso ang papers ko."

Ngunit hindi na naman sya nito pinansin. Inaayos ng binata ang bawat cord ng gitara na hawak nito.

Naiinis na tinalikuran ni Tamara si Zach at muling lumapit sa pinto.

"Cole! Cadxus! Wag nyong hintayin na ako pa ang makagawa ng paraan para makalabas dito kundi malalagot talaga kayo sa akin!" sigaw na pag kausap nya sa dalawa na alam nyang hindi umaalis doon.

Hindi nabahiran ng takot ang dalawa sa banta ng dalaga. Natawa na lamang ang mga ito sa pagbabanta ni Tamara. Sapagkat hindi lang sina Cole at Cadxus ang nasa labas. Maging sina Jenniva, Denniva at Cazzy ay naroroon din.

Sometimes i feel like i'm all alone
Wondering of what have i done wrong.
Maybe i'm just missing you all along
When will you be coming home
Back to me?

Napatigil sa pagbabanta si Tamara sa dalawang lalaki na nasa labas nang marinig nya ang pagstrum ni Zach ng gitara at sa pagkanta nito.

Nanatili syang nakatalikod dito nang magpatuloy ito sa pag kanta.

There were times i felt like giving up.
Haunted by memories i can't give up.
Wish that i never let you go and slip away,
Had enough reasons for you to stay.

Hindi man nakikita ni Tamara ang binata na kumanta ngunit nadarama nya ang nais iparating ng kanta nito. Hindi nya mawari ang nangyayari ngunit tila tumatatak sa kanya ang bawat lyrics na binibitawan ng binata.

Doon muling bumalik sa alaala nya ang pagkakataong nagmamakaawa sya kay Zach na wag sya nitong iwan. Masakit, masakit na alaala ngunit dahil sa paraan kung paano kumanta si Zach ay nararamdaman nya na hindi lang sya ang nasaktan sa nangyaring iyon.

Can you feel me,
See me falling away.
Did you hear me,
I'm calling out your name.
'cause i'm barely hanging on
Baby, you need to come home
Back to me.

Ang huling phrase na sinaad ng binata ay tila isang hangin na nakapag paharap sa kanya sa kumakantang binata.

Dahan dahan syang humarap dito. Doon nya lang nakita na nakatingin sa kanya ang binata habang kumakanta.

Hindi nakatakas sa paningin nya ang mga mata ni Zach na may pagsusumamo at pangungulila.

Sleepless nights,
'cause you're not here by my side
Cold as ice,
I feel deep down inside.
Maybe i'm just missing you all along
When will you be coming home
Can you feel me,

Habang sinasambit ni Zach ang mga katagang nasa lyriko ng kanya ay diretso ito nakatingin sa mga mata ni Tamara.

Can you feel me,
See me falling away
Did you hear me,
I'm calling out your name.
'cause i'm barely hanging on
Baby, you need to come home
When will you be coming home
Back to me.

Baby, you need to come home
When will you be coming home
Back to me....

Kasabay ng pagbigkas ni Zach sa huling kataga ng kanta ay nakita nyang isa isang bumagsak ang mga luha mula sa mata ng dalang si Tamara. 

Matapos ang kanta ay ibinaba ni Zach ang gitara bago nilapitan ang lumuluhang si Tamara. Pinunasan nya ang mga luhang pumapatak mula sa mata nito bago nya ito hinalikan sa noo at bumulong.

"Back to me, Amara. I love you." saad ng binata na syang nakapagpaluhang lalo sa dalaga.

Itinaas ni Tamara ang kanyang mga braso upang yumakap kay Zach. Ganon din ang ginawa ni Zach.

Parehong isiniksik nina Tamara at Zach ang kanilang mukha sa leeg ng isa't isa. Rinig na rinig ni Zach ang hikbi ng dalaga kaya mas lalo nya pa itong niyakap.

Samu't sari ang nararamdaman ni Tamara sa pagkakataong iyon. Ngunit isa lang ang sigurado sya.

She feels safe. 'Cause, she's still owned by Zach's arms.




- inyong lingkod, misha💐

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...