Un-tie (R-18)

By Sha_sha0808

478K 19.7K 2.7K

Un-tie (R-18) Ordinaryong estudyante lang ako sa harap ng mga kakilala ko pero nawalan Ng kalayaan mula nang... More

prologue
1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
5
6(R-18)
chapter 8
chapter 9
10
11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
15
chapter 16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
tanong
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
Finale

chapter 7

10.7K 314 27
By Sha_sha0808


Unedited....

"Ma'am?" tawag ni Marvin nang lumabas siya sa dormitory. "Sakay na po." Binuksan nito ang pintuan sa backseat.

"Salamat." pasalamat niya matapos sumakay. Mabuti at maaga pa kaya walang gaanong tao sa kalsada. Nakiusap siya na maaga pa siyang sunduin dahil alam niyang magtataka ang kakilala niya kung may makakita sa kanyang sumakay sa mamahaling sasakyan.

"May pagkain ho riyan, ma'am. Mag-breakfast ka muna dahil medyo malayo pa tayo."

"Huwag na ho kayong mag-ma'am sa akin," sabi niya at napatingin sa table katabi ng inuupuan niya. Improvised ang lahat ng sasakyan ni Reon. Lahat ay sinadyang ipagawa sa loob. Kagaya ng pwedeng gawing higaan ang upuan, pwedeng isarado sa pagitan ng sa likod at front seat. "Libre lang ho ba ito?"

"Oo naman," sagot ni Marvin.

"Okay, salamat po," pasalamat niya at sinimulang kainin ang pancake at omelete.  May hot choco at kape rin na nakahanda.

Saktong paubos na ang hot choco niya nang makarating sila sa mataas na gusali.

"Tapos ka na ba? Dito na tayo, ma'am."

"Opo, tapos na po," sagot niya at inayos ang tshirt. Binuksan ni Marvin ang sasakyan kaya lumabas na siya.

"Ano ho ba ang gagawin ko rito?" tanong niya na medyo naasiwa sa suot nang makasabay ang dalawang babaeng da hula niya ay parehong empleyado ng company dahil nakaternong palda at blusa. Parehong maganda pa at parang mga modelo dahil sa height.

"Dito ka na magtatrabaho every weekends," sabi ni Marvin habang nakabuntot siya. Kinuha nito ang key card para buksan ang pinto papasok.

"Ho?" hindi makapaniwalang tanong niya. Pumasok sila sa kumpanya. Nalulula siya sa ganda at laki lalo na't sobrang linis ng paligid. Lahat ata ng gamit ay libo ang halaga.

"Oo," sagot ni Marvin at tumigil sa tapat ng elevator saka nakisabay sa mga empleyado.

"Pero—paano si Mr.Arnold? Hindi po ako nakapagpaalam," tanong niya. Napayuko siya nang mapansing napalingon ang ilang empleyado. Hindi siya sinagot ni Marvin kaya hindi na rin siya nangulit pa.

"Si Sir Reon na lang ang kausapin mo mamaya," sabi ni Reon nang silang dalawa na lang ang nasa elevator dahil lumabas na ang kasabayan nila. Hindi na kasi sila pwedeng umakyat pa sa last floor kung wala rin namang mahalagang pag-usapan.

Lumabas sila sa elevator. May isa pang pinto kaya ginamit na ni Marvin ang keycard dahil nagkakape ang guard at ayaw niya itong maistorbo. Maayos at malaking floor ang sumalubong sa kanila na may mga pinto.

"Morning, Marvin!" bati ni Jason at napasulyap kay Zia. "May I know your name?"

"Z—Zia ho," sagot ng dalaga.

"I see," ani Jason at napatingin si kay Marvin na para bang nagtatanong kung ano ang ginagawa ni Zia sa floor na ito. "May appointment ka rito?"

"Mabuti at nandito ka na."

Napalingon si Zia sa nagsalita sa likuran niya.

"Kailangan mo siya?" tanong ni Jason.

"Siya ang papalit kay Aleng Kareng na maglilinis dito," sagot ni Reon. "Nasa bakasyon siya kaya kailangan niya ng pansamantalang kapalitan."

"Pero—" ani Jason at tumango na lang at tinapik sa balikat si Zia, "good luck!"

"What do you mean?" salubong ang kilay ni Reon.

"Wala. Good luck kasi firstime niya rito. Sige, kain na muna ako," paalam ni Jason.

"Marvin, pakidala siya kay Mary para siya na ang magturo ng gagawin niya," utos ni Reon kaya dinala ni Marvin ang dalaga kay Mary na kakarating lang din.

"Hi, Mary. Ikaw na muna ang bahala sa kanya," bilin ni Marvin.

"Who's she?"

"Papalit muna kay Aleng Kareng," sagot ni Marvin kaya pinasadahan siya ng tingin ni Mary.

"Are you sure, Marvin?" nagdududang tanong ni Mary. Firstime kasing magkaroon ng bagong mukha ang tigalinis. Sa tuwing magbakasyon si Aleng Kareng, ang lumang janitor ang kinukuha nila.

"Oo naman," sagot ni Marvin.

Kinakabahan si Zia dahil mukhang hindi siya welcome rito dahil mukhang nagdududa pa sila kung dito ba talaga siya nakatalaga.

"Approved ba siya kay Reon?" usisa ni Mary.

"Actually, siya ang nag-hire kay Zia kaya don't worry," nakangiting sagot ni Marvin. "Kape muna ako. Ikaw na ang bahala sa kanya."

"Ow!" ani Mary at muling tinitigan si Zia mula ulo hanggang paa. "I see."

Gusto sanang habulin ni Zia si Marvin at sumama na lang dito pero pinigilan niya ang sarili.

"Hmm? Paano kayo nagkakilala ni Reon?" panimula ni Mary habang nakasandal sa mesa.

"Isa akong working student sa Westbridge," magalang na sagot ng dalaga.

"Firstime niyang kumuha ng working huh?" ani Mary. "What's your name again?"

"Zia ho," sagot ng dalaga.

"Zia?" ani Mary at napaisip. "Familiar. Anong apelyido mo?"

"Mendez po. Zia Mendez," sagot ng dalaga.

"Zia Mendez," napakunot ang noo ni Mary at inalala kung saan niya narinig ang pangalan nito pero agad na lumiwanag nang maalala niya.

Napayuko si Zia sa titig ni Mary sa kanya. Para kasi siyang makasalanang tao kung titigan nito.

"So!" masiglang wika ni Mary. "Shall we start? Tara, ituro ko sa 'yo ang gagawin mo. Medyo mahirap sa umpisa pero kapag nakabisado mo na, magiging madali na lang ang lahat. Isang silid lang naman ang maselan na galawin kaya don't worry."

"Okay po."

Sumama siya kay Mary at itinuro nito kung paano linisin ang mga gamit at kung saan magsisimula.

"Hayaan mo, isulat ko mamaya sa papel ang pagkakasunod para hindi ka malito. Sa opisina naman ni Reon, mas mainam na ang secretary niya ang tanungin mo kung kailan nila ipalinis," sabi ni Mary.

"Sige po, maraming salamat, ma'am."

"Iwan na kita rito. Kapag may kailangan ka, magpasabi ka lang, okay? Nasa office lang ako. O 'di kaya magtanong ka sa mga nandito. Remember, kailangan mong magtanong kapag hindi mo alam. Huwag magkunwaring alam mo na hindi naman pala, okay?"

"Yes po, salamat, Ma'am."

"No worries," sabi ni Mary at iniwan na siya kaya nagsimula siyang maglinis sa cafeteria matapos ayusin ang panlinis. Nasa pintuan na siya nang lapitan siya ni Jessica.

"Oh, hi!" bati ni Jessica. "Are you done, here?"

"Malapit na po."

"Good. After dito, sa office ka na maglinis, okay?"

"Saan po 'yon?"

"Oh. Doon lang sa office ni sir Reon. May nakalagay naman na pangalan sa bawat door. By the way, I'm Jessica, secretary ni Sir Reon," pagpakilala nito na medyo tumaas ang kanang kilay.

"Sige po, puntahan ko pagkatapos dito," magalang na sagot ng dalaga sabay sulyap sa magandang babaeng kaharap. Hapit ang suot nitong white tshirt at maong pants kaya lumalabas ang magandang kurbada ng katawan. Manghang-mangha siya dahil para itong barbie lalo na't sinadyang ipa-blonde ang buhok.  Tinalikuran siya ni Jessica at bumalik na ito sa opisina kaya tinapos niya ang ginagawa. Nilagyan niya ng warning sign saka pinalitan ang tubig sa panlinis at tumungo sa opisina ni Reon. Kumatok muna siya ng ilang beses bago binuksan ang pintuan.

"Hello po, maglilinis na po ako, ma'am?" tanong niya.

Tumayo si Jessica at nilapitan siya.

"Nextime, pakigamit ng doorbell at hintayin mong pagbuksan kita," medyo may pagkastrikto ang boses ni Jessica. "Hindi ka ba tinuruan ni Aleng Kareng ng mga do's at don'ts?"

"S—Sorry po, hindi ko po alam," hinging paumanhin niya. "Hindi po kasi kami nagkita ni Aleng Kareng."

"May problema ba?" tanong ni Reon na lumabas sa pintuan.

"Wala ho," sagot ni Jessica saka binalaan ng tingin si Zia. "Sir, siya raw ang papalit kay—"

"I know," sabat ni Reon. "Jessica, paki-order na lang ng lunch natin mamaya. Tamad akong magpaluto," ani Reon.

"Yes, sir," ani Jessica at sinundan ng tingin si Reon na bumalik na sa kwarto.

"Pasensya na po," mahinang paumanhin ni Zia.

"It's okay," ani Jessica. "Nextime, huwag mo nang uulitin iyon dahil maiksi lang ang pasensya ni Sir, ayaw kong mapagalitan ka niya. Kapag may hindi ka alam o gusto mo pang malaman, lumapit ka kaagad sa akin para magtanong."

"Okay po," sagot ni Zia. Mukhang lahat ng nandito ay alam na alam ang ugali ni Reon. Ganito ba talaga ito ka strikto? Parang ayaw na niyang bumalik pa rito.

Nagsimula siyang maglinis ng sahig. Nasa kalagitnaan na siya nang lumabas si Reon at lumapit kay Jessica.

"Pakidala nito kay Mary. Sabihin mong basahin niya muna ang lahat bago niya pirmahan," utos ni Reon. "Huwag kang bumalik hanggat hindi niya napirmahan ang lahat tapos pakisabi ring i-photocopy niya 'to lahat at ang ibalik ay ang original."

"Okay, sir," sabi ni Jessica at kinuha ang mga nasa isang dangkal kakapal ng mga papel. "Gosh! Ang dami nito ah. Lahat ba talaga, pirmahan niya?"

"Yes," sagot ni Reon saka bumalik sa bahay.

"Bahay pala ng boss 'yang nasa pinto," sabi ni Jessica. "May doorbell din 'yan pero huwag na huwag kang papasok kapag hindi niya sinabi, maliwanag?"

"Okay po."

"Alis muna ako. Mag-ingat ka sa paglilinis," bilin ni Jessica saka lumabas kaya ipinagpatuloy ng dalaga ang pagma-mop ng sahig. Ingat na ingat siya sa paggalaw ng mga gamit dahil baka mabasag niya.

"Tapos ka na?" tanong ni Reon nang lumabas.

"Malapit na po," sagot niya na kinabahan nang palapit ang binata sa kanya.

"Ayusin mo ang paglilinis mo," ani Reon na sumandal sa table ni Jessica. "Ito ang office ko tapos bahay na rin. Kapag busy sa trabaho o nasa mood ako, dito ako natutulog. Sa loob ay bahay ko, same lang din sa hotel."

Tumango ang dalaga saka iniligpit ang mga gamit.

"Hindi mo pa ginagamit ang cellphone mo," sabi ni Reon.

"Gumagana pa rin ho ang cellphone ko."

"Binilhan kita kaya ba't ka magtatiyaga sa luma?"

"Hindi ko ho kailangan ang cellphone."

"Talaga bang ganyan ka?" tanong ng binata at lumapit sa kanya. "Sira na nga ang cellphone mo, pinagtatiyagaan mo pa?"

"Kaya pa naman."

"May bago ka na. Ano pa ba ang gusto mo? Wala pang latest na iPhone ngayon."

"Iyon nga po, sir. Hindi ako mayaman at working student lang ho ako. Kapag gamitin ko ang iPhone, magtataka ang mga kakilala ko. Saan naman ako kukuha ng perang pambili? Eh, pobre lang po ako. Ito ngang pagpaayos ko ng mata ko, nagtatanong pa sila kaya kailangan ko pang magpaliwanag."

"So? Ano naman ang pakialam nila sa buhay mo? Masama bang gumamit ng iPhone ang working student?"

"Sir, mahal ho ang iPhone!" aniya. "Magtataka talaga ang mga tao kung bakit sa halip na gastusin sa mahalagang bagay ang pera, bakit iPhone pa ang binili ko e marami namang mas mura diyan!"

"Kailangan mo ba talagang ipaliwanag sa kanila ang lahat?" ani Reon.
Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Zia saka tinitigan. "Ayaw kong sinusuway ako, Zia! Ano nga pala ang ginawa mo sa perang binigay ko?"

"Hindi ko po matatanggap, sir," ani Zia. Tutal nandito na lang din, isasauli na niya ito. "Ano ho ba ang bank account ninyo at ibabalik ko."

"Sa 'yo 'yun!" ani Reon na sumalubong ang kilay.

"Hindi ko po—kyaah!" tili niya nang tabigin ni Reon ang pencil box na nasa ibabaw ng mesa ni Jessica kaya nahulog ito at kumalat sa sahig ang mga ballpen.

"Bakit ba pinapahirapan mo ako, Zia?" gigil na tanong ng binata saka mahigpit na hinawakan sa kanang braso si Zia saka hinila palapit sa katawan niya. "Pinakaayaw ko ay ang babaeng matigas ang ulo!" Hinuli niya ang mga mata ni Zia pero nang mabasa ang takot sa mga mata nito ay paunti-unting lumuwag ang pagkahawak niya.

"H—Hindi na po ako babalik dito," pautal-utal na sabi ng dalaga saka tiningala ang binata at nilabanan ang takot.

"What do you mean?" Bagamat maluwag man ang pagkakahawak pero hindi pa rin niya binitiwan ang braso ni Zia.

"Sir, pasensya na po pero hindi ko na po kaya. H—Hindi ko po naiintindihan ang mag nangyayari. Naguguluhan po ako at pakiusap, tama na po. K—Kung i-kickout mo po ako sa scholarship, okay lang po. Tatanggapin ko po pero wala ho akong naalalang mali ko para mangyari ito sa akin," buong tapang na wika ng dalaga. "Sana po mapatawad mo po ako kung bumaba ang grades ko pero hindi naman po tama ang mga nangyayari."

"Maglilinis ka rito!" ani Reon saka binitiwan ang dalaga.

"Pero sir, hindi po ako kumportableng magtrabaho rito," pag-amin niya.

"Why? May nasabi ba sina Jessica o Mary sa 'yo? Sabihin mo!"

"Wala ho. H—Hindi lang ako kumportableng magtrabaho sa 'yo," pag-amin niya kaya naningkit ang mga mata ni Reon at hinatak siya sabay tulak para mapasandal sa dingding.

"Alam mo ba kung ilang tao ang nangarap na makatrabaho rito?" gigil na sabi ni Reon. "At hindi ikaw ang magsasabing ayaw mong makasama ako sa trabaho dahil isa ka lamang na working student ko!"

"Sir kasi—" naputol ang sasabihin niya nang mariing hinalikan siya ni Reon sa mga labi. Bago pa man niya ito itulak palayo, nagkadikit na ang kanilang mga katawan kaya mas lalong nanlambot ang mga tuhod niya. Ang bilis din ng mga kamay ni Reon na pumasok sa loob ng kanyang blusa kaya napasinghap siya. Bago pa man siya mawalan ng hangin, lumayo na si Reon sa kanya.

"Sa ayaw at sa gusto mo, magtatrabaho ka rito, Zia! Huwag mo akong kalabanin dahil alam ko kung saan ang probinsya ninyo ng tita mo!" madiing sabi ni Reon sabay hila ng laylayan ng blusa ng dalaga para maayos ito. "Damn you! Ako pa rin ang magsasabi kung magkikita pa rin tayo o hindi!"

Pareho silang napatingin nang bumukas ang pinto at iniluwa si Jessica.

"Oh my! Anong nangyari?" tanong ni Jessica nang makita ang nagkalat na ballpen. Agad siyang napatingin kay Reon. Nag-aalalang tumingin siya may Zia nang makita ang galit na mukha ni Reon.

"Tapusin mo ang trabaho mo at ipapahatid kita kay Marvin mamaya! Huwag ka nang maglinis sa ibang opisina!" madiing sabi ni Reon  na may pagbabanta ang titig bago niya tinalikuran si Zia.

"Okay ka lang? Ano ba kasi ang nangyari?" inis pero may awang tanong ni Jessica. "Natabig mo ba? Sabing maging maingat ka e. Sira na tuloy ang araw ni Sir."

"Pasensya na po," paumanhin ni Zia saka isa-isang pinulot ang ballpen.

"Nasaan na ang mga papel, Jessica?" galit na tanong ni Reon kaya nataranta ang sekretary.

"Kukuha lang po ako ng ink, naubusan si Mary, sir," ani Jessica saka kinuha ang ink at lumabas bago pa masigawan ng boss.




















Continue Reading

You'll Also Like

106K 2K 49
3 years. Sa loob ng 3 taon na iyon namuhay si Jared na punong-puno ng galit sa kanyang asawa or should I say dating asawa na si Scorpio. Because of c...
2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
7.8M 302K 54
DDMS BOOK VERSION IS COMING! Highest Rankings: #1 Suspense, #1 Crime, #1 Detective, #1 Plottwist, #1 Investigation PUBLISHED: 10/05/22 COMPLETED: 08...