BABYSITTING THE MAFIA'S KID

By VictoriaGie

478K 23K 6.1K

May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta... More

PROLOGUE 💋
CHAPTER 1 - KNOCK KNOCK
CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION
CHAPTER 3 - THE HIERARCHY
CHAPTER 4 - LOST TREASURE
CHAPTER 5 - FULLY LOADED
CHAPTER 6 - VINTAGIO MUSEUM
CHAPTER 7 - MEET AND GREET
CHAPTER 8 - MONEY DROP
CHAPTER 9 - GUNS AND STARES
CHAPTER 10 - STAY
CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER
CHAPTER 12 - A LITTLE WORRIED
CHAPTER 13 - ZOOLOGY
CHAPTER 14 - THE MASTER MIND
CHAPTER 15 - A FATHER'S LOVE
CHAPTER 16 - ORGANIZATION OF PEACEMAKER
CHAPTER 17 - BUSTED
CHAPTER 18 - AGREED
CHAPTER 19- CONTRACT AND CONDITIONS
CHAPTER 20 - THE WORLD HE BELONGS
CHAPTER 21 - WELCOME PHONE
CHAPTER 22 - KEEP LIVING
CHAPTER 23 - LUCID
CHAPTER 24 - BEAUTY IN BLACK
CHAPTER 25- JELOUS
CHAPTER 26 - UNDER THE GLASSES
CHAPTER 27- HYDRATED
CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES
CHAPTER 29- SNEAK OUT
CHAPTER 30 - SEASON FINALE
SPECIAL CHAPTER - DYTHER ICEXEL QUIGLEY ELCANO
CHAPTER 31- SEASON 2
CHAPTER 32 - ABDUCTED
CHAPTER 33 - THE OFFER
CHAPTER 34 - ONCE AN ANGEL
CHAPTER 35 - HOME
CHAPTER 36 - VERNIX
CHAPTER 37 - PARTNERS IN CRIME
CHAPTER 38 - PROJECT EXTERMINATION
CHAPTER 39- THE TRIAL
CHAPTER 40 - RUMORS UNLEASHED
CHAPTER 41 - SOMEONE'S FRUSTRATED
CHAPTER 42 - LEAVE HER ALONE
CHAPTER 43 - ADIOS
CHAPTER 44 - DO THEY BELIEVE ?
CHAPTER 45 - HEADACHE
CHAPTER 45.2 - HEADACHE AGAIN
CHAPTER 46 - BROTHERS
CHAPTER 47 - RAIN HARD
CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD
CHAPTER 48 - CONFRONTATION
CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION
CHAPTER 50 - CANDLE
CHAPTER 51 - STRANGE
CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS
CHAPTER 53 - BEHIND THE WHITE MASK
CHAPTER 55 - BEFORE THE AUCTION
CHAPTER 56 - SIMPLE PLAN
SHORT CHAPTER - GALILEO ARTHFAEL MARCHESE
CHAPTER 57 - SMOKE
CHAPTER 58 - UNDER THE SHADOW
CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB
CHAPTER 60 - FORMAL VISIT
CHAPTER 61 - BATTLE GROUND
CHAPTER 62 - COMMUNITY WAR II
CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT
CHAPTER 64 - A PROMISE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 65 - HOMELESS
CHAPTER 66 - ONCE A TRUCK DRIVER
CHAPTER 67 - STABBED
CHAPTER 68 - WITH A KNIFE

CHAPTER 54 - THE GLOOM THAT BLOOMS

3.9K 260 99
By VictoriaGie


Third Person's POV

Sa buhay ni Ashari, hindi mabilang sa daliri ang beses na cinelebrate niya ang kaniyang birthday.

Hindi mabilang sa daliri kasi walang bibilangin. In short, hindi siya nagce-celebrate ng birthday.

Masamang nilalang siya kaya walang bumabati sa kaniya sa klase. Kuripot naman si Aling Marites na kapitbahay nila kaya hindi siya maipaghanda.

Si Tony na ex niya, nakipag break sa kaniya a day before ng kaniyang birthday kaya ilang taon din siyang masama ang loob kapag sasapit ang kaarawan.

Ang tatay niya, palaging may byahe. Never nag leave 'yon sa byahe niya para magcelebrate ng birthday ni Ashari. Panget nga kabonding eh, byahe is lifer. Mas mahal ng tatay ni Ashari ang manubela ng truck at ang kalsada kaysa sa kaniya.

Sinong gaganahan mag celebrate ng birthday sa ganon?

Ilang taong pinapalampas ni Ashari ang birthday niya na tila isa lang itong normal na araw.

Sa katunayan nga, nakalimutan na niya ang edad niya sa tagal niyang hindi nagb-birthday.

Kaya naman ngayong nakatayo siya sa gilid ng malaking living room ng mga Marchese, hindi mag-sink-in sa isip ni Ashari ang mga nangyayari.

Magulo ang paligid. Lahat aligaga sa biglaang pagkuha ng MPO kay Gali. Lahat tensyonado. Wala halos ang nasa matino at rasyonal na pag-iisip.

Blanko ang utak ng ating bida.

Kasi naman bhie, dati mukhang pera lang siya tapos ngayon may iba na siyang pinoproblema.

Hindi sanay si Ashari sa ganitong mga pangyayari.

"Ganito din ba sila noong unang beses na nawala si Gali?" pabulong niyang tanong sa sarili habang pinagmamasdan ang magulong mansion ng Marchese.

Bigla siyang na-guilty noong naalala niya na chinilde abuse niya si Gali noon unang beses itong kumatok sa bahay niya.

E kasi naman, bukod sa mukha talagang maligno si Gali noon e wala naman siya alam talaga sa pag-aalaga ng bata.

Siya ang bida dito pero na-e-etsapwera na siya at wala ng pumapansin sa kaniya.

Kung dati magpapa bibo na si Ashari, ngayon daig pa niya ang lantang gulay sa dami ng tanong na tumatakbo sa isip niya.

Halo halong emosyon din ang nararamdaman ng ating bida na dating mukhang pera.

Nakakaramdam si Ashari ng takot...

Takot na baka hindi na niya makita si Gali

Ng pangamba... na baka may mangyaring masama

Pagkabalisa... para bukas at sa mga susunod na mangyayari

May mga nararamdaman pa siya na hindi niya maipaliwanag. Para siyang lumulutang.

Dahil gulong gulo, tumalikod si Ashari at naglakad palayo sa mansion! Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig niya.

Naglakad lamang siya sa pinakamalayo na kaya niyang marating.

Habang binabaybay niya ang daan ay siya niyang niriring ang number ng ama.

"Sumagot ka..." nanginginig na boses na pagmamakaawa ni Ashari sa cellphone na hawak. "Tay..."

Idinako si Ashari ng kaniyang mga paa sa back garden ng mansion. Hindi niya alintana ang madilim na paligid at ang malamok na lugar.

Niring niya sa pang limang beses ang cellphone number ng tatay niya.

"Gabing gabi na tumatawag ka pa! Natutulog na ako e."

Sa wakas sumagot ang tatay niya.

"Bakit ngayon ka lang sumagot?" singhal niya bago napa-upo sa damuhan ng garden. Hindi na kinaya ng tuhod niya ang panghihina.

"Aba wala ka pa din talagang galang! Bakit mo ako sinisigawan? Natutulog nga ako e. Napapanaginipan ko na ang Nanay mo napurnada pa sa tawag mo." natahimik si Ashari. She felt really relieved ng sumagot ang tatay niya. "Anong oras na hindi ka pa natutulog."

"May tanong ako kaya ako tumawag." Hindi niya pinansin ang sinabi ng ama.

"Pwede bang bukas na'yan? Matulog ka na muna."

Hindi pwede! Mukha bang makakatulog si Ashari sa mga nangyayari?

"Tay, kapag ba nawala 'yung anak nung kapitbahay natin mag-aalala ka?"

Sandaling tumahimik sa kabilang linya. "Ha? Lasing ka ba Ashari? Ano ba'tong ipinagtatatanong mo sa akin?"

"Sagutin mo nalang kasi. Oo o hindi lang e."

"Depende sa kapitbahay 'yan Ashari. Kapag palaging nagbibigay ng ulam, baka mag-alala pa ako."

"Kapanget mo naman sumagot. 'Yung seryoso kasi."

"Mas panget ka! Ginising mo ang mahimbing kong tulog para tanungin kung mag-aalala ba ako sa anak ng kapitbahay natin kapag nawala? Ilang turnilyo nakalas sa'yo? Pagbalik ko pipihitin ko ng mahigpit para magtino ka."

Bilang isang anak ng isang walang kwentang ama, pamilyar na pamilyar na si Ashari sa pakiramdam na walang magulang. Kinulang nga siya sa aruga at pagmamahal, remember?

Ok na ok na siya don. Sanay na sanay na siya sa ganoong sistema.

Ang hindi siya sanay ay ang pakiramdam ng isang magulang kapag nawawalay sa kanila ang anak nila.

Si Gali....

May karapatan ba siya para makaramdam ng ganito? Na magfeeling magulang siya kahit hindi naman?

"May nakilala kasi akong bata, kumatok siya sa pinto ng bahay natin." kwento niya sa ama sa pagitan ng nag-aalangang boses.

"Bata? Sinong bata 'yan? Ashari sinasabi ko sa'yo ha, madaming sindikato ngayon. Modus operandi nila ang paggamit ng mga bata para mangbiktima."

Natawa sa kawalan si Ashari.

Sindikato?

"Sana nga sindikato nalang." bulong niya na hindi na umabot sa pandinig ng ama.

Mafia! Sangkina mafiahan ang bata!

"O tapos ano nangyari sa bata? Nanghingi ng limos sa'yo?"

Umiling si Ashari kahit hindi naman siya nakikita ng tatay. "Hindi, wala siyang nilimos." nagbigay pa nga ng 500M sa kaniya. "Madumi lang siya at gustong magpaligo." nahulog sa imbornal e. "Naawa ako kaya pinatuloy ko siya sa bahay."

"Weh? Ikaw naawa? Sa bata?"

Leche naman 'tong tatay niya! Kilalang kilala talaga siya e.

"Oo nga naawa nga kasi ako. Umuulan kasi ng malakas non, ayokong may makidlatan na bata sa labas tapos pagtila ng ulan e ako pang unang makakakita sa chugi niyang katawan. Pinakain, inaruga ko kahit wala akong alam sa pag-a-alaga ng bata, at pinaliguan para magmukha naman siyang malinis. Naging babysitter ako ng wala sa oras." pag-amin ni Ashari. Habang nagk-kwento, hindi niya mapigilang maalala ang lahat. Napangiti si Ashari ng alalahanin niya ang mga nangyari dati.

"Nasaan 'yung magulang ng bata?"

Bumuntong hininga si Ashari. "Nasa puso ko yieeh."

"Walang hiya kang bata ka! Nag-i-imbento ka lang e. Sinasayang mo tulog ko!"

"Joke lang, kapanget mo naman kabonding hindi mabiro." pinapalubag lang ni Ashari ang sarili niya. Ayaw niyang malugmok sa pag-iisip kay Gali. "Mayaman ang magulang nung bata, single dad. Out of order ang mamabear. Dito pala ako sa pamilya ng bata nakatira for tonight's vidyow. Kasama ko dito buong kamag-anakan. Hinire nila ako para mag babysit sa bata."

"Aha! Kaya pala tuwing hahanapin kita kay Aling Marites at Tony ang sagot nila palagi ay wala ka sa bahay. Tsktsktsk. Dapat ay mag-ingat sa'yo ang mga amo mo! Ang malas nila at ikaw pa ang nakuhang tagapag-alaga ng anak."

'Yung mga ugat ni Ashari sa ulo e nagsisimula ng pumintig dahil sa bwisit niya sa ama.

"Hoy tatay, palibhasa kasi kulang ang allowance na ibinibigay mo kaya kaylangan kong sumideline sa buhay. Nagmukha tuloy akong pera ng wala sa oras."

"E bakit hindi ba? Mukha ka naman talagang pera Ashari. Huwag kang plastik anak. Kulang na nga lang ipangalandakan mo sa akin na kapag yumaman ka ay iiwan mo ako at mamumuhay ka mag-isa, malayo sa akin."

Natahimik si Ashari.

"Wow, ang galing talaga ng ama kong walang kwenta. Alam ang mga plano ko sa buhay." Side comment niya.

"Hinuhuli lang kita, nagpahuli ka naman! Plano mo talaga noh? Hula ko pineperahan mo ang mga amo mo ngayon!"

Napataas ng kilay si Ashari. "The best ka talaga tay." si Ashari na ang sumuko sa ama. Itinuloy niya ang kaniyang Dear Charo na kwento. "Tapos ito nga tay, umalis 'yung bata, nag-ibang bansa. Pagbalik niya, imbis na 'yung tatay nung bata at ako na babysitter ang sumundo sa kaniya, ibang tao 'yung kumuha. Wala manlang pasabi. Wala manlang abiso."

Parang nagke-kwento lang si Ashari sa pagong. Hindi niya maikwento ng buong buo ang mga pangyayari dahil baka makapaghinala pa ang tatay niya na hindi basta bastang bata ang bineybysit niya.

Humugot si Ashari ng hangin at pinilit na tumayo sa kaniyang pagkakatalungko sa lawn ng garden.


"Sino 'yung kumuha? Kamag-anak din o kidnapper?"

Nahilot ni Ashari ang sintido niya. Paano ba niya ikukwento sa tatay na hindi kamag-anak at hindi din naman kidnapper 'yung kumuha. Leche, mas mahirap pa lumusot sa tatay niya kaysa sa pag c-cutting classes niya e.

"Malayong malayong kamag-anak. Parang kamag-anak yata sa kulangot ng kuko." Paliwanag ni Ashari.


"Nako, baka naman ganti sa kinamkam na yaman. Check mo family history nila baka may hidwaan sa lupa ang mga ninuno."

Hindi alam ni Ashari kung tama ba na tinawagan pa niya ang ama.

"Wala ka talagang kwentang kausap tay." Sa truth lang tayiz.



"E ano ba kasing problema Ashari? Ginising mo ako para ikwento sa akin na yung inaalagaan mo e kinuha ng kamag-anak sa malayong talampakan? 'Yon ba?"

Napangiti ng mapait si Ashari. Itong mga bardagulan moments nila ng ama ang nagpapa wala ng mga alalahanin niya. Kahit papaano ay unti unting kumakalma ang naguguluhang sistema ni Ashari.

"Tingin mo may karapatan ba akong mag-alala para sa batang inaalagaan ko? Hindi naman ako ang tunay na nanay, hindi ako kamag-anak kahit sa malayong kulangot ng talampakan, hindi din ako kadugo, lalong hindi din naman ako ang midwife na nagpaanak. Babysitter lang ako na binabayaran, minsan palamunin pa sa bahay ng amo ko." ngumuso si Ashari ng maalala ang mga pangyayari sa loob ng mansion kanina. "Kanina nagkakagulo sa loob ng bahay. Lahat sila aligaga, 'yung tatay ng bata halos kulang nalang pumatay maibalik lang 'yung bata sa kaniya. Pinagmamasdan ko lang sila. Gusto kong makisali at maki-epal pero pakiramdam ko wala naman akong karapatan. Nakatayo lang tuloy ako sa gilid, para akong kawawa don."

Tumahimik ang buong paligid. Iniintay ni Ashari ang tatay niya kung mags-side comment ba ito. Ang tatay naman niya e nag-iintay pa sa katuloynng kwento ni Ashari.

In short nag-iintayan silang dalawa.

"Mahal mo ba ang batang inaalagaan mo?" Walang halong kemikal na tanong ng ama.

"Paanong mahal?" Bakit parang ang cringe naman pakinggan.



"Itinuturing mo ba siya na parang sarili mong anak?" dagdag pa ng tatay niya.

Hindi nakasagot agad si Ashari. Para siyang na-ambush. Para siyang pinagrecite ng mathematical equation ng terror na teacher.

"Hindi ko alam ang isasagot ko." pag-amin naman niya. Kung parecitation 'to, bagsak na agad siya. "Basta ang alam ko, ayaw kong malayo sa kaniya. Gusto ko na siyang makita tapos maglalaro kami hanggang sa mapagod kaming parehas. Tuturuan ko siya magsalita ng matatas na tagalog para hindi na siya bulol. Aasarin namin 'yung mga tao dito hanggang sa manawa sila sa amin. Gusto ko araw araw nakabantay ako sa kaniya, ayaw ko siyang masasaktan. Ayaw kong mat-take for granted siya ng iba. Ayaw kong gagamitin siya ng iba para sa selfish gain nila." natawa si Ashari sa sarili niya habang ine-enumerate lahat ng ayaw at gusto niya para kay Gali. "Tay, mahal ko siya bilang itinuturing kong sariling anak."


Sa wakas!


Sa wakas naamin din niya!


Sa wakas nasabi din ni Ashari.




Gali, ang Mamha mo ohhhh!



"Oh, anong pinoproblema mo ngayon? Itinuturing mong anak? Mahalaga ang bata sa'yo? Edi normal lang na mag-alala ka! May karapatan ka para mag-alala. Alam mo ang dapat mong gawin Ashari? Bumalik ka sa loob ng bahay ng amo mo at pagkatapos sabayan mo silang magwala. Kung dapat mukha ka ding makakapatay ng ferson, gawin mo! May karapatan ka! Valid ang nararamdaman mo anak."

Nang narinig ni Ashari ng tatay, parang isang liwanag ang umilaw sa madilim niyang paligid. Those are the words she needed. At sinabi lang iyon ng tatay niya na parang nag-uutos lang ito na magluto siya ng sinigang.

Gusto niyang magthankyou sa tatay niya pero baka magyabang lang ito at mabwisit pa siya kaya no thanks napang.

"Tay nag-alala ka din ba sa akin noong nawala ako nung bata ako?" nakangiting tanong ni Ashari sa tatay.

"Aba malamang nag-alala ako. Kulang nalang suyudin ko pati ang buong anit ng aso ng kapitbahay para lang mahanap ka."

Tama.

Anak siya nito.

His father was worried when she got lost.


Ang nararamdaman niya ngayon ay paniguradog naramdaman din ng tatay niya dati.

"Tay..."

"Hmm? Bakit?"

"Kapag nakita ko 'yung mga taong kumuha kay Gali, jojombagin ko silang lahat hanggang sa mamaga nguso nila. Nakakagigil! Paano kung hindi ko na siya makita ulit? Natatakot ako baka kung anong masama ang gawin nila sa kaniya. Paano kung bukas mabalitaan ko na may masama palang nangyari. Argghh! Ang mas nakaka-inis pa, wala akong magawa!" Pumadyak siya ng isa sa gigil. "Normal lang ba 'tong ganito? Bakit napapraning ako?" tanong niya sa sarili.


Isang maliit na tawa na parang nakakarelate ang pumagak sa kabilanh linya.



"Huwag kang mag-alala, ganyan din ako sa'yo Ashari. Hindi lang halata pero araw araw na hindi kita nakikita, ganyan ang nararamdaman ko. Palagi akong gumigising na may takot na pwedeng isang araw, hindi na kita makita. Na pwedeng isang araw, may masamang mangyari. Pero nilalabanan ko, anak. Ginagawa ko lahat ng paraan para labanan 'tong takot na'to." humigpit ang hawak ni Ashari sa cellphone ng marinig ang paliwanag ng ama. "Malapit na. Ilang araw nalang anak, magkakasama na tayo palagi. Hindi na natin kaylangang magkalayo ng maraming araw, linggo o buwan." isang maliit na tawa muli ang pumagak sa kabilang linya. "Kaya ikaw anak, tamang mag drama ka muna diyan. Ok lang mapraning, normal 'yan. Ibig sabihin, mahal mo 'yung bata. Itinuring mo siyang anak mo talaga. Pero lagi mong tatandaan, lalong wala kang magagawa kung matatakot ka." akmang magsasalita si Ashari ng sumingit pa ang ama. "Kung sino man ang bata na'yan, malas niya ah. Isang Ashari Ferrel ang nakatagpo niya. Ang anak kong walang kwenta."

Panira ng momentum palagi ang ama niya sa mga makabagbag damdaming usapan. Bwisit talaga kahit kaylan.

"Mana lang ako sa'yo, wala ka din kwenta e." pasaring niya naman.

Pakiramdam ni Ashari e ok na siya kahit papaano kaya walang babye babye na pinatayan na niya ng tawag ang tatay.

Pagkapatay niya ng tawag, humugot siya ng hangin at ibinuga ito.

Sandali siyang tumulala ng mapansin siya ang paligid.



Madilim ang lugar at maliwanag na buwan lang ang nagbibigay ng ilaw dito kaya hindi niya napansin kaagad.


Dali daling ibinulsa ni Ashari ang phone at naglakad siya sa switch ng garden lights.

Binuksan niya ito at unti-uting lumiwanag ang buong lugar.


"Wow!" hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.


Naka-ayos ang buong garden na parang pang debut.

May isle papunta sa center kung saan may mala rustic motif na stage at may nakalagay na happy birthday Ashari.

May mga pangyayamaning table sa gilid para sa mga makikichismax na bisita siguro. May photobooth din sa gilid.

Lahat naka-ayos sa rustic, autumn theme na motif.

Iniintay nalang talaga ng lugar na ito 'yung mga bisita at yung may birthday.

Nilibot ni Ashari ang lugar. Naglakad siya papunta sa center at umupo sa mala pang-prinsesang upuan na naka set doon.


"Siguro naman e para sa akin talaga ang upuan na ito noh?"

Di naman tanga si Ashari para di niya magets na itong pabirthday sa garden ay isang surprise para sana sa kaniya.

Nasurprise naman siya e, saktong sariling bisto nga lang HAHA!


Pinagmasdan niya ang buong paligid. Dahil assumera si Ashari, inimagine niya kung ano sana ang mangyayari dito.

Mula sa kung paano siya nasurprise. Tadah, 'yung dating hinuhuthutan lang niya ng pera, ngayon nagpa surprise birthday pa. Si Gali na may jetlag pero walang effort na inaagaw ang spotlight sa kaniya. Ang mga feeling bida na si Angel at Nate. Ang kagwapuhan ni Easton at Dyther. Ang nakakasawang mukha ni Kumareng Helen. At ang mga extra na pang puno lang sa scene.

Lahat sana 'yon e nangyayari na ngayon kaso pabibo ang MPO kaya feelingerang malungkot nanaman si Ashari sa birthday niya.

"Hays." pagbuntong hininga ni Ashari bago isinandal ang likod sa upuan. Sa buwan naman siya nakatingin ngayon.


Kinapa ni Ashari ang phone niya. Una niyang tinignan ang oras. Happy! 11:56 na.


Ilang minuto nalang ay birthday na niya.






Ilang minuto pa ang inintay ni Ashari. Blanko pa din ang isip niya. Gusto muna niyang pumayapa.



Hanggang sa nag-alarm na ang phone na nasa bulsa niya.



Walang buhay na kinuha niya iyon at pinatay.




"Happy birthday." bulong niya sa sarili. Taon taon ay ganito ang ginagawa niya. Mag-a-alarm siya pagpatak ng alas dose at babatiin ang sarili.



Extra lonely nga lang for tonight's vidyow kasi namimiss niya na ng sobra si Gali.



"Gali, miss ka na ni Mamha." Tumayo siya sa kinakaupuan at naglakad paalis.


Nagdesisyon siya sa sarili na babalik na siya sa mansion. Tama ang tatay niya, dapat nakikisali siya sa gulo don. Hindi pwede na nandito siya mag-isa at nagsesenti. Ano yarn, emo lang? Dapat damayan niya si Easton. Dapat magsama sila sa hirap at ginhawa.






Tamang naglalakad si Ashari sa gitna ng isle paalis ng biglang sumulpot si Easton sa dulo. Hinihingal pa ito at halatang malayo ang tinakbo.

Mas binilisan ni Ashari ang paglalakad para malapitan niya agad si Easton.

"Si Gali? May balita na kay Gali?" tanong niya kaagad dito. Bastos na Ashari, hindi manlang tinanong si Easton kung ok ba ito. Mukhang pagod pa naman.






Hinabol ni Easton ang hininga niya bago nagsalita. "Ha--" isang hinga pa. "Happy birthday!" Wika nito bago siya hinila at niyakap ng mahigpit.


Natameme si Ashari.

Parang anytime maiiyak siya.




"Bakit?" Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang luha. "Bakit mo ako binati? Joke ka ba? Si Gali, si Gali dapat 'yung inaalala mo. Hindi ka na dapat pumunta dito para batiin lang ako."

Walang keme si Easton. Lalong humigpit lang ang yakap niya kay Ashari.


"H-hoy hindi ako makahinga."

Legit, ito yata ang modern way ni Easton para tegiin siya.

Lumuwag naman ng very light ang yakap pero mahigpit pa din sapat para madama niya ang abs nito. Hahahahaha eme.



"Gali would be very mad at me if he knew that I didn't greet you first on your special day." Bulong ni Easton sa pagitan ng yakap.

Natakasan nanaman ng bardagulang salita si Ashari.

Palagi nalang siyang pinapatameme ni Easton e.

Doon na ibinalik ni Ashari ang yakap. Yumakap din siya kay Easton na kasing higpit ng yakap nito sa kaniya.

"T-t-tha" ang hirap sabihin. Sa lagay kasi ni Ashari na may pagkasama ang budhi, simpleng 'thank you' lang hindi niya masabi. "S-sa-sal-"


"You're welcome." pagsagot na ni Easton sa hindi masabi masabing salita ni Ashari.


Kumalas si Easton sa yakap at matiim na pinagmasdan si Ashari sa mata.


Si Ashari naman akala mong kumakalembang na mani. Ang kalooban niya ay nagwawala ng makita ang gwapong gwapong mukha ni Easton.

Kaysa kung ano pa magawa niyang kahalayan, nag-iwas na agad ng tingin si Ashari.

Ilang segundong tumahimik sa paligid.

"I'm sorry...." muling natuon ang tingin ni Ashari kay Easton. Bakit ito nagsosorry sa kaniya? "This isn't how the surprise should be."



Atsaka narealize ni Ashari na nasa gitna sila ng isle. Napapaligiran ng magandang ayos ng garden.



"Binati mo na ako ng happy birthday, sapat na'yon. Hindi mo na kaylangan mag sorry." ngumiti ng banayad si Ashari.


Natulala sandali si Easton. Unang beses niyang nakita ang ganoong ngiti ni Ashari.

Panandali ay nakalimutan niya ang problema sa anak.



"You can tell your birthday wish, I'll be the candle in your missing cake."

Required ba na sumagot din si Ashari ng english? Kanina pa niya napapansin na si Easton english spokening, tapos siya ang reply e tagalog.




"Bumalik lang si Gali, 'yun lang ang hiling ko." Pagsagot niya in tagalog pa din. Baka mawrong grammaring lang siya, mabash pa. Worst, baka maiba pa 'yung content e mapanis pa storya.


Si Easton naman ang ngumiti ng banayad.



"He will." Paniguradong sagot nito.


Naaalala ni Ashari ang mukha ni Gali kay Easton. Kung bakit kasi magkamukha silang mag-ama.


"Lalo kong namimiss si Gali." Ani ni Ashari habang nakatitig sa mukha ni Easton.



"And I know he surely misses you too. A lot."

Kung alam lang ni Ashari kung gaano kamukhang Mamha si Gali. Walang oras na hindi siya inisip ng bata noong magkahiwalay pa sila.




"Sugudin natin 'yung MPO mamaya sa anniversary. Kalbuhin natin 'yung presidente nila. Kuhanin natin si Gali. Easton hindi tayo uuwi dito ng hindi natin siya kasama."



Natawa ng bahagya si Easton.




"Of course we will." determinado din si Easton. "Get yourself ready Ashari. We will be hunters entering the lion's den later. We will get our son and bring him home."




Tumango si Ashari pangkumpirma. "Bet ko 'yan maging hunters e." figures of speech sana 'yon noh Ashari.






________









Lahat ay handa na para sa anniversary ng MPO.

Ashari wearing her long red silky gown na backless at v neck, with slit sa left part ng leg na pinartneran pa niya ng red gloves na abot hanggang siko. At white na shining shimmering splendid na high heels.


Girl on fire para sunog mga MPO!

Pak na pak din ang makeup ng auntie niyo. Kung di pa ba naman niya makavoug ang beauty ni Cannabeth niyan ay e ewan ko nalang.




"Everyone ready?" -Easton



Ang ama naman ng taon. Naka-itim na tuxedo na may panloob na puting polo with matching trench coat na itim. Leche ang kagwapuhan. Bumabakat ang abs niya sa suot e.




'Yung ibang extra, basta kaniya kaniyang design na sila ng mga isusuot nila.


Formal, elegant at alluring. Iyan ang tatlong salita na pwede mong gamitin para idescribe ang buong Marchese ngayong pupunta sila sa anniversary.





For today's vidyow, poporma sila hindi para magpacute kundi para ipamukha sa MPO na darating sila sa anniversary para kunin ang batang kinuha nila ng walang paalam.



















______






Note:




Hi there readers.

Gusto ko lang ipapaalala na hindi na ako nagre-re-read. Tuloy tuloy lang ako sa pagsusulat at hindi ko na nachecheck kung may errors, typos, at wrong placement/use of words ako. Paumanhin sa part na'yon.



Ps. Sa tagal ko mag-update, nakakalimutan ko na name ng ibang characters kaya minsan naiiba ang spelling/naiiba talaga mismo ang pangalan.

Ex. Ang name ng tatay ni Rebel sa unang mga chapters ay Rondrad. Nitong last last chapters, Roland na ang nagagamit ko. Sorry na hahahaha! Don't worry sisiguraduhin ko naman na malapit sa tunay na pangalan HAHAHA!



Anyways, happy reading! Chat niyo ako sa ig, nagrereply ako HAHAHA!

Continue Reading

You'll Also Like

189K 7K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
27.1K 56 3
III (TRILOGY) : GERALDINO 01 - DREAMING OF FOREVER: THE NERD's BEAUTIFUL TARGET GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits...
127K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...
1.9M 79.4K 45
Alluring Series #1 Eris Julian Monterico Started: March 30, 2020 Finished: June 30, 2020 All rights reserved 2020 Credits to Voltage Inc for the back...