Monasterio Series #6: Trapped...

By Warranj

1.7M 74.8K 13K

Being kept in the province of Santa Fe Nueva Vizcaya all throughout his life, Reon Alexis Monasterio had to l... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Reon Alexis
ANIA
Kabanata 43
Adrianna Grace
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 68 ll
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas Access

Kabanata 58

20.9K 852 81
By Warranj

Kabanata 58

Ngumiti ako, nahihiya habang pinagmamasdan si Nay Martha na paglagyan ako ng fried rice sa aking plato. Sinabi ko naman sa kaniya na ayos lang kahit ako na lang pero mapilit siya. Si Nero ay abala sa pagtitimpla ng kape naming dalawa. Feeling ko tuloy, spoiled ako sa kanila.

Sa bahay na sana kami ni Nero mag-aalmusal pero kumain na lang daw ulit kami doon. Ang sabi ni Nay Shirley sa text ay gising na si Skyler at pinapakain na rin niya ng almusal.

"Dadalo ang buong pamilya mo sa kaarawan ko, Reon. Nabanggit ba nila sa'yo?"

Mabilis na na nawala ang ngiti sa aking labi nang sabihin iyon ni Nay Martha. Sinulyapan ko si Nero, pansin ang pagkakatigil nito sa ginagawang pagtitimpla.

"Wala na po akong komunikasyon sa kanila."

Napatingin sa akin si Nay Martha, huminga nang malalim hindi kalaunan. Ibinaba niya ang bowl ng kanin sa gitna. The ambiance suddenly became awkward.

Alam ko naman na may posibilidad na magtungo dito ang mga Monasterio dahil pamilya nila si Nay Martha. Pero aaminin ko na umaasa rin ako na hindi sila dadalo, lalo na si Ma'am Adrianna. Ang sabi ni Nero, ang ama niya lang ang nakakausap niya. Pagdating sa mga kapatid, hindi niya sinasagot kahit pa paulit ulit na ang pangungumusta ng mga ito sa kaniya.

"Hindi ninyo puwedeng talikuran ang buong pamilya mo, Reon. Alam kong masama ang loob mo sa kanila dahil sa ginawa nila sa inyo pero ano pa man ang nangyari, pamilya mo pa rin sila... at magiging pamilya mo rin, Isha. Tandaan n'yong ang isang relasyon at pagsasama ay lubos na magiging masaya kung may basbas ng mga magulang mo."

May punto si Nay Martha. Hindi kami habang buhay puwede tumalikod sa pamilya ni Nero. Pinakiramdaman ko ang sarili kung may nakakapa pa ba akong galit para kay Ma'am Adrianna dahil sa ginawa niya noon sa akin.

Siguro ay mayroon pa. Hindi ko alam. Iyon ang totoo. Pakiramdam ko, masasagot lang ang bagay na 'yan kapag nagharap na kami at nag-usap nang masinsinan. With that being said, I won't have a choice but to face them.

To face Adrianna Monasterio.

Tahimik kaming kumain. Nang matapos ay nagpaalam si Nay Martha na papasok sa loob ng kusina. Si Ate Choleng naman ay nasa palengke daw mula pa kanina.

Nakaupo na kami sa couch. Nero was silent while looking at the television. Mukhang nanonood sa balita pero ramdam ko na lagpasan ang tingin niya roon. Malalim ang iniisip.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng hita ko.

"Iniisip mo sila?" panimula ko.

Bumuntonghininga siya at nilingon ako. He brought my hand to his lips and placed a soft kiss there.

"You will meet them again especially my mother. Nag-aalala ako na may masabi siyang hindi mo magustuhan at magdesisyon ka biglang umatras sa relasyon nating dalawa."

Tipid akong ngumiti sa kaniya. "Bago pa man ako pumayag na makipagbalikan sa'yo, naisip ko nang magkakaharap kami ng Mama mo umiwas man ako. Tama si Nay Martha, hindi mo siya puwedeng talikuran dahil ina mo pa rin siya. Narito ka sa mundong ito dahil sa kaniya..."

He sighed and shook his head. "I just can't accept what she did to you. What she did that made your life miserable."

"Alam kong mabigat sa kalooban alalahanin ang mga nagawa niya noon. Maging ako, Nero. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing maalala ang hirap na dinanas ko dahil sa kaniya pero wala na tayong magagawa doon. Nangyari na. What important is that we're finally back to each other again..." I placed my other hand on his cheek and softly caressed it. "Ito na 'yung balang araw natin, Nero. Hindi na tayo maghihiwalay pa ulit."

No words. He was just staring at me as if he's trying to memorize all the words that I have said. Na para bang nag-aalala siya na babawiin ko 'yon kapag may dumating na unos ulit sa relasyon naming dalawa.

"I don't want to just hold on to your words, Isha. I need a proof." seryosong sabi niya hindi kalaunan.

"Okay? So what proof do you still want from me aside from my words?" I was blinking my eyes when I suddenly thought about something. Mas lumapit pa ako lalo sa kaniya at parang kuting na isiniksik ang labi sa leeg niya. "You want my virginity?"

He chuckled. "You still have that? I thought I already had it years ago."

Humagikhik ako. "Araw-araw akong virgin."

"Hmm. Masikip ka pa rin hanggang ngayon."

Alam kong brutal si Nero. Minsan ay nagagawa kong sabayan iyon. Pero kadalasan, hindi. Kagaya na lang ngayon. Parang gusto ko na lang magtago sa ilalim ng couch huwag lang niya makita ang reaksyon ng mukha ko. Lalo pa at ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko at alam kong namumula ito ngayon.

Humalakhak siya, marahil ay napansin ang biglaan kong pananahimik.

"Wala ka pala, e."

Nag angat ako ng mukha at sinamaan siya ng tingin. Mariin niyang kagat ang ibabang labi dahilan para mas lalo itong mamula. Maging ang ngisi niya sa labi ay nakakaloko rin at halatang nang-aasar.

He snaked his arm around my shoulder and tugged me closer. Hinalikan niya ako sa gilid ng tainga ko dahilan para magtaasan ang balahibo ko sa batok.

"About the proof I need from you, you'll find it out very soon. Make sure you're gonna give it to me..." he whispered huskily. "Won't even give you a damn choice."

Ano naman kaya 'yon? Bakit hindi pa sabihin ngayon? Pa suspense rin talaga itong si Nero.

Tumunog ang iPhone niya na nasa ibabaw ng center table. Dumapo ang mga mata ko doon.

"May nagtext ata sa'yo."

"Could you please read the message for me?" malambing na aniya habang ang ilong ay nakasandal sa pisngi ko.

"Oh, okay."

Bahagya niya akong pinakawalan sa pagkakayakap nang yumuko ako at kunin ang phone niya. My brows immediately slanted into a frown when I saw Gwyneth's name.

Gwyneth:

Hi, Nero! Are you busy? Nagkaroon kasi ng problem yung stove ko sa kitchen. Can you please go here and try to check it?

Sinulyapan ko si Nero. Tamad itong nakatitig sa screen ng cell phone niya. He shrugged his shoulders like he has no idea why his ex girlfriend texted that.

"Alam niya bang tayo na ulit?" iritadong tanong ko.

"I don't know. Not my responsibility to inform her everything about my life."

Ibinalik ko ang tingin sa screen at binasa ulit ang text message niya.

Huling kita namin ay noong nagpunta siya dito para makitanghalian. Hindi pa kami nagkakabalikan ni Nero noon. Marahil ay iniisip niyang hindi pa kami kaya ganito na lang siya kung mangharot kay Nero.

"Ano namang pakialam mo sa stove niya? At bakit ikaw pa talaga?"

"Ask her." he lazily commanded.

Nagbuga ako ng hangin, humigpit ang hawak sa cell phone niya.

"I don't know why you're not in good terms. I just hope it's not about me."

"Nang isama mo siya noon sa Benguet, aaminin kong nasaktan ako dahil inisip kong nagkabalikan na kayo. Lalo pa at kinumpirma niyang totoo ang hinala ko. Pero nagtataka ako-"

"Kinumpirma niya? Ang alin?"

Nilingon ko siya. Pansin ang iritasyon sa mukha niya base na rin sa pagsasalubong ng mga kilay niya.

"Na kayo na ulit. Pero naisip ko rin kung bakit hindi kayo sweet noon kahit sinabi niya sa akin na kayo na. Naaalala ko hindi ka pala showy kahit nung tayo pa-"

"Nakalimutan mo na ata na sa ating dalawa, ako palagi ang dumidikit sa'yo kahit pa nasa publiko tayo. Kaya paanong hindi ako showy nung tayo pa?" nakasimangot na sabi niya.

Sumimangot ako pabalik. "Bakit nagagalit ka? Base lang naman 'yon sa interpretasyon kong pang malawakan!"

"I just don't like the sound of you comparing our relationship with my relationship with her before. I didn't even kiss your friend whenever we're in public!"

"Kumalma ka!" asik ko sa kaniya habang natatawa. "G na G?"

"What?"

Lalo akong humalakhak dahil ramdam ko na talagang to the highest level na ang iritasyon niya para sa akin. Imbes na patulan pa siya ay isiniksik kong muli ang sarili sa katawan niya.

"Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa kaniya, Isha. Hindi ko siya minahal nang mas higit pa sa pagmamahal ko sa'yo ngayon. Masiyadong malaki ang lamang."

Pasimple akong ngumiti, ramdam ang kiliti sa aking sikmura. Maging ang puso ko ay tuma-tumbling na sa tuwa.

"My ass is bigger than hers, too."

"Have to agree with that, baby."

I giggled and softly slapped his hand that was on my leg, drawing circles on it.

"Pero maitanong ko lang. Reon ang tawag sa'yo ni Gwyneth. Ibig sabihin ba ay alam niya ang tungkol sa pagkatao mo? Kilala rin ba siya ng mga magulang mo?"

"Hindi. Ikaw lang ang ipinakilala ko sa pamilya ko. Maging sa lihim ko noon ay ikaw lang rin ang nakakaalam. Gwyneth just knew my real name but it only ends with that."

Ngumisi ako. "So mas lamang pala talaga ako sa kaniya?"

"Wala sa kalingkingan mo."

Yumakap ako sa kaniya. "Pupuntahan natin si Gwyneth."

Natawa siya. "Are you for serious?"

"Oo, seryoso ako. Isasama natin si Ruben. Hindi ba at marunong mag-ayos ng mga ganoon iyon?"

"Then let him go there alone. Bakit kasama pa tayo?"

"Well, it's to personally tell her that she can't just text you and ask you to be there just for that matter! If I know, may binabalak siyang akitin ka."

"At iniisip mong magpapaakit ako sa kaniya?"

"Malay mo naman! Hindi ko masabi!" nakangiwing sagot ko.

Nag angat ako ng tingin sa kaniya. Pinisil niya ang tungki ng ilong ko habang seryosong nakatitig sa mga mata ko.

"Sa'yo lang ako papaakit," napapaos ang boses na bulong niya. "Sa'yo lang rin lalab-"

"Nero!" mabilis na awat ko sa kaniya dahil may ideya na ako sa maaari niyang sabihin sa akin. "Iyang bibig mo!"

Humalakhak siya. "What? Lalapit, Isha. Sa'yo lang ako lalapit. May mali doon?"

I scoffed while suppressing my smile. Ang bilis niyang nakaisip ng ipapalit. If I know, kabulgaran na naman ang lalabas sa bibig niya.

Huminga nang malalim si Nero. "But seriously, Isha, I think you and Gwyneth should talk properly. You two are friends after all-"

"Noon iyon, Nero. Karibal na ang turing niya sa akin."

"Even so. You both have to act mature and talk things in a nice way. Make her understand the situation, Isha. About us."

Just like before, this man always makes me admire his maturity and how he tries to solve problems and serious situations with calmness. Na hindi palaging galit at pagiging agresibo ang kailangan pairalin.

"And what if she freaked out? Paano kung hindi niya maintindihan?" tanong ko makalipas ang ilang segundo ng pananahimik.

"Then that's not our problem anymore." matigas na sabi niya.

Nang sandali din iyon, nagdesisyon kaming huwag na sagutin ang text ni Gywneth tungkol doon. Nagpaalam ako kay Nero na ako na lang ang tutungo doon para kausapin ng personal ang dating kaibigan.

Hindi makikipag-away.

"Isha! Where you going right now?"

Habang naglalakad ay napalingon ako sa likod nang marinig ang boses na 'yon. Natanaw ko si Minerva na naglalakad. Kumikinang siya sa suot na dilaw na bestida at sangkaterbang gintong alahas. Hapit na hapit ang damit sa kaniya, bakat ang ilang layer ng bilbil sa tiyan.

"Diyan lang."

Tumabi siya sa akin, hinihingal. Pansin na pansin ang kulay gold niyang eye shadow na sampung patong ata.

"Where nga?" nagpapaypay na tanong niya. "It's so hot here! Pinapawisan kili-kili ko. Amoy suka na ba ako, Isha?"

Umiling ako. "Hindi naman. Amoy araw lang."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Pasmado 'yang bibig mo. Saan ka nga pupunta!"

Natawa ako. "Kay Gwyneth. Kakausapin ko lang."

Nanglaki ang mga mata niya. "Naku! Susugod ka sa kuta ng kaaway ng mag-isa lang? Sasamahan kita!"

"Hindi ako pupunta doon para makipag-away, Minerva."

"Ikaw hindi! Eh siya? Basta sasama ako. We're Wonder Pets and I'll help you!"

Bumagsak ang panga ko sa pinagsasabi ni Minerva. Wala na akong nagawa pa nang i-angkla niya ang kamay mula sa braso ko at sabay naming tinunton ang daan papunta sa bahay ni Gwyneth.

Naging Wonder Pets pa nga nang wala sa oras.

Completed on Facebook VIP Group.

Continue Reading

You'll Also Like

104K 4.9K 27
Alecxandra was broken-hearted from her past relationships. Nang magbakasyon sila ng kaniyang best friend sa isang island resort, ang Villa Martinez...
4.5M 54K 20
Yza Consunji had always had choices. She grew up having everything even if she didn't ask for it. She had a perfect life although she just wanted to...
4.3M 110K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...