Un-tie (R-18)

By Sha_sha0808

477K 19.7K 2.7K

Un-tie (R-18) Ordinaryong estudyante lang ako sa harap ng mga kakilala ko pero nawalan Ng kalayaan mula nang... More

prologue
1
chapter 3
chapter 4
5
6(R-18)
chapter 7
chapter 8
chapter 9
10
11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
15
chapter 16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
tanong
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
Finale

chapter 2

12.8K 301 12
By Sha_sha0808


A/n:





Sa baguhan, nasa ilang series na ito ng Bautista. Lahat naman can stand alone pero ang pinanggalingan talaga nitong story ng pamilya nila ay sa mga nauna kong stories na wala na rito sa Wattpad dahil sa ginawang "mass report" ng mga magagandang grupo sa mundo ng wattpad😅.

Bautista series ay nabuo dahil sa kalibugan ko at hilig sa psych. As you can read, rom-com o humor talaga ang genre ko kaya nabuo ang Villafuerte series pero dahil tao lang ako, may side talaga na malibog ako kaya nabuo ang mga Bautista. At dahil minsan trip ko rin ang action, nabuo ang Lacson at Angeles series. Na wala sa plano kong gumawa ng series kasi ayaw ko sa series! Hahahahaha! Pag hindi kasi maganda ang pundasyon, hindi na susundan ng readers ang next generation e.

Kung may aral man ang mga sinusulat ko, hindi ko rin masasabi.

Wag kayong mag-alala, ang pag-report ng story ng iba ay hindi ko ugali kung hindi naman talaga kinopya. Mind your own business 'ika nga!

Minsan talaga need din natin ng freedom sa pagsusulat para maihayag ang gusto natin. Sabi ko nga sa mga nauna konb author's note, "If you can imagine it, write it!" 😂😂😂













Unedited....





Todo aral na sya. Kahit na nasa jeep, nagbabasa sya at kahit na maglilinis ng opisina ay naka-earphone siya at pinapakinggan ang lahat ng lesson nila na ni-record niya.

"Zia? Pwede mo bang madala ang folder na ito kay Mr. Arnold?" pakiusap ng secretary ng boss niya.

"Yes po," sabi niya at inilagay ang mop sa gilid saka kinuha ang folder saka lumabas ng opisina. Nasa fourth floor pa ang opisina nito kaya nag-elevator na siya. Pagkapindot niya ng 4th floor, pumasok si Reon kasama ang dalawa nitong bodyguard kaya nataranta ang dalaga. Lalabas na sana siya nang pigilan siya ng binata sa kanang kamay. Saktong tuluyan nang nagsara ang pinto. Pinindot ng isang bodyguard ang first floor.

Nang bumukas, pumagilid ang dalaga.

"Mauna na kayo, pupunta lang ako kay Mr.Arnold," bilin ni Reon sa dalawa matapos makita ang pangalan sa folder na dala ni Zia.

"Copy, sir!" sagot ng isa kaya muling sumara ang pinto ng elevator.

"Hindi ba malayo ito sa Westbridge?" tanong ni Reon sa dalagang nakayuko.

"Saturday at Sunday lang naman ho ako nagtatrabaho rito," sagot niya.

"Walang office kapag Sunday, Miss Mendez."

"Naglilinis ako ng office at ayos ng papers," sagot niya na nahihirapang huminga dahil nakaka-intimidate ang kasama niya tapos ang liit pa ng space.

"I see," ani Reon, "guard lang pala ang nandito every Sunday."

Tumigil ang elevator saka bumukas.

"Mauna ka na," sabi ni Reon nang walang kumilos sa kanila.

"Thank you," ani Zia saka lumabas. Naramdaman niyang nakasunod sa kanya ang binata. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago pumasok. Sumunod sa loob si Reon saka ito na ang nagsara ng pinto.

"Mr.Arnold?" tawag niya at lumapit sa table ng boss.

"He's not here," wika ng binatang nakasandal sa likod ng pintuan. "Nasa labas siya nagkape kasama ang asawa."

"G—Ganoon ba?" aniya na nagtataka kung bakit nandito ito gayong alam namang wala si Mr.Arnold.

"Gusto ko lang makita ang opisina niya," ani Reon na mukhang nabasa ang isipan ng dalaga at nilapitan ito.

"Iwan ko na lang 'to sa table niya," wika no Zia at inilapag sa table. Napasinghap siya nang pag-ikot niya ay nasa harapan na niya ang binata. "S—Sir," aniya na biglang sumibol ang kaba sa dibdib. Yumuko ang binata habang nakatitig sa mukha niya. Napaatras siya nang isang hakbang nang iangat nito ang kanang kamay at tinanggal ang suot niyang salamin. Isinuot ng binata pero agad namang inalis sa mga mata.

"May grado ho," aniya. Muling ibinalik ni Reon sa kanya ang salamin.

"Kaya pa bang maayos na hindi ka na magsalamin?"

"Sabi ho ng optha noon, kailangan ko pong ipa-laser."

"Pero hindi mo ginawa. Why?"

"Wala ho akong pambayad. forty to sixty thousand po ang hinihingi para sa lasik noon," magalang na sagot niya. "dahil kailangan daw i-reshape ang cornea ko."

"Oh," ani Reon at tumango.

"L—Labas na ho ako," paalam ng dalaga pero hinarangan siya ng binata. "M—May kailangan pa ho ba kayo sa akin?"

"Natatakot ka ba sa  akin, Miss Mendez?"

"H—Hindi naman ho," sagot niya at tiningala ang boss. "N—Naiilang lang po ako kasi boss kita."

"Ganoon ba? Ano ba ang gagawin ko para hindi ka mailang sa akin?" tanong ni Reon.

"Wala ho," sagot ng dalaga na nanigas nang hawakan ni Reon ang magkabilang balikat niya saka yumuko para magpantay ang mukha nila. Inilapit ni Reon ang labi sa kanang tainga ng dalaga.

"Don't worry, Zia, hindi kita kakainin hangga't walang pahintulot mo," bulong ni Reon kaya napatitig ang dalaga sa mukha ng binatang lumayo na sa kanya at umayos ng tayo.

"A—Ano ang ibig mong sabihin?" clueless na tanong niya kaya natawa si Reon.

"Maiwan na kita, Zia. May gagawin pa ako," paalam ni Reon at lumabas na ng silid ni Mr.Arnold. Nanghihinang napaupo si Zia sa silya. Naguguluhan siya sa mga ikinikilos ni Reon. Ganito rin ba ito sa ibang working student?

Nang makabawi sa sarili, tumayo siya at lumabas saka bumalik sa opisinang nililinis niya.














---------------



Kinabukasan, maaga pa siyang nagising kahit na kaunti lang ang tulog kagabi dahil sa kakaisip kay Reon.

"Aalis ka na?" tanong ni Petra nang bumangon ito.

"Oo, kailangan kong matapos ang lahat ng office sa second floor," sagot niya.

"Sino ang kasama mo?"

"Ako lang," sagot niya dahil nagpaalam ang kasamang maglilinis na uuwi sa Lucena.

"Ganoon ba? Sige, ingat ka. Magsisimba ako mamayang hapon," sabi ni Petra. Si Petra ang isa sa doormate niya. Apat sila sa kwarto rito sa dorm at pareho silang working students pero ang mga ito ay working student ng mismong Westbridge university.

"Thanks."

Kinuha niya ang itim na backpack at lumabas ng dorm saka nag-abang ng jeep patungo sa gusaling pinagtatrabahuhan.

"Morning!" bati niya sa security guard. "Wala pa ang kapalitan mo?"

"OT ako ngayon hanggang mamayang alas diyes," sagot ng guard na anim na taon nang nagtatrabaho rito.

"Okay po. Kape ka muna, Kuya," aniya saka pumasok na sa ikalawang palapag saka nagsimulang maglinis. Bintana ang una niyang nilinis.

Napalingon siya sa dalawang lalaking pumasok na parehong malalaki ang katawan.

"S—Sino ho kayo?" kinakabahang tanong niya nang makita ang baril na nakasukbit sa tagiliran ng isa.

"Miss Mendez," ani ng isa.

"Y—Yes po? Ako po iyon, may kailangan kayo sa akin?" natatakot na tanong niya nang lumapit sila sa kanya. "T—Teka ho."

"Sumama ka ho sa amin, ma'am."

"A—Ako?" sabay turo niya sa sarili. "A—Ano ho ang kasalanan ko? Mga kuya, wala akong ginawang kasalanan."

"Pinapakuha ka ho ni Sir Reon sa amin," sagot ng isa.

"S—Sir Reon?" ulit niya. "H—Hindi ako sasama."

"Ma'am—"

"Kuya, hindi ho talaga ako sasama sa inyo! T—Tinatakot ninyo ako!" giit niya.

Kinuha ng isa ang cellphone at parang may tinawagan.

"Sir, ayaw niyang sumama," sumbong ng isa kaya umatras si Zia palayo sa mga ito at naghanap ng daan para takbuhan kapag nakahanap ng tiyempo. "Ma'am, gusto kamg makausap ni Sir Reon." Inabot nito ang cellphone pero napansin nito ang takot sa mukha ng dalaga kaya inilapag niya ang cellphone sa mesa. "Kausapin ka lang ni sir Reon saglit."

Tumango si Zia saka dinampot ang cellphone.

"H—Hello."

"Yah! Reon here. Don't worry, Zia, harmless 'yan sila kaya ligtas ka naman kapag sumama ka sa kanila."

"Saan ho ako pupunta."

"Malalaman mo mamaya. Bye!"

"Teka—" Gusto pa sana niyang magtanong pero tinapos na nito ang tawag. "S—Sasama ako sa inyo," sabi niya at ibinalik sa lalaki ang cellphone tapos sumamang lumabas. "Pero ang kailangan ko pong bumalik para sa trabaho ko."

"Magpapadala ho si sir ng papalit sa 'yo kaya don't worry," sabi ng isa.

Nang makasakay sa mamahaling sasakyan, hindi siya mapakali. Ayaw naman niyang kausapin ang dalawa dahil natatakot siya.

After fifteen minutes na biyahe, tumigil sila. Naunang bumaba ang isang lalaki at pinagbuksan siya.

"Salamat," pasalamat niya at napatingin sa harapan, optha clinic.

"Dito tayo, ma'am," sabi ng guwardiya at iginiya siya sa fire exit. Umakyat sila sa second floor. Pagpasok sa silid, may tatlong taong naghihintay sa kanya.

"Miss Mendez?" tanong ng babaeng naka-white coat.

"Y—Yes po."

"Good. I am Dr.Reyes. Halika, i-examine muna kita tapos tingnan natin kung kaya pang i-laser o ano ang pwedeng gawin sa mga mata mo," sabi nito kaya.

"W—Wala ho akong pera," alanganing sabi niya.

"Don't worry, wala kang babayaran, shoulder lahat ni Mister Reon."

"Ho?" hindi makapaniwalang wika niya. "S—Sorry pero hindi ho ako papayag," sabi niya at tumalikod pero humarang sa pinto ang dalawang lalaking kasama at ang isa ay napahawak pa sa baril kaya napalunok siya ng laway at humarap sa doktora. "H—Hindi niyo naman ho siguro ako papatayin, di ba?"

Tumawa ang kaharap. "Of course, not! Aayusin ko lang ang mga mata mo kasama ng nurse at assistant ko."

Tumango siya at sinunod ang sinabi ng doktor kahit na wala siyang idea sa mga susunod na mangyayari.

Ang bilis ng naging kilos ng doktor. Lahat ay nakahanda na sa gagawin sa kanya na para bang matagal na siyang nagpa-appointment. May dumating din na dalawa pang optha para tumulong kay Dr.Reyes.

Pagkatapos ay sinabi sa kanya ang dapat na gawin.

"P—Pwede na ho ba akong umuwi?" tanong niya.

"Sige, pwede na," sagot ng mga ito kaya sumama ulit siya sa dalawang lalaki na matiyagang naghintay sa kanya.

"Gusto ko siyang makausap!" sabi ni Zia.

"Busy siya ngayon," sagot ng nagmamaneho.

"Gusto ko siyang makausap!" ulit ng dalaga.

"Sige, tawagan mo siya, Mario," utos ng nasa frontseat.

Kinuha ni Mario ang cellphone at ibinigay sa kasama. "Ikaw na ang kumausap."

Tinawagan nito si Reon.

"Nang personal!" ani Zia kaya nagkatinginan ang dalawa. "Gusto ko siyang makausap nang personal ngayon!"












-----------------------









"Hindi ba magagalit ang boyfriend mo oras na malaman niyang nakipagtalik ka sa akin?" tanong ni Reon sa dalagang umiinom ng mamahaling alak.

"Magagalit kapag malaman niya pero mapagkatiwalaan naman yata ang mga bodyguard mo, right?"

"Walang problema sa mga tao ko, Eli!" sagot ng binata kay Eli. Si Eli ang sikat ngayon na sexy star sa soc-med at nali-link sa action star na kakahiwalay lang sa asawa.

"Shall we start now?" tanong ng binata na topless at naka-boxer shorts lang.

"Kanina pa kita hinihintay, Mr.Billionaire!" natatawang sabi ng dalaga at tumayo sa harapan ng lalaki saka isa-isang hinubad ang saplot. Nagpatugtog si Reon ng malamyos na musika para pandagdag sa kalibugan niya kung mayroon man siya ngayon. Wala siyang gana kaso napag-usapan na nila ito. Isa pa, big catch ang sikat na sexy star. Napatingin siya sa magandang kurbada ng katawan nito. Malusog ang magkabilang dibdib, maliit ang bewang at malapad ang balakang. Naupo ang dalaga sa lap niya saka pinaghahalikan siya sa leeg habang gumagalaw ang bewang para sabayan ang musika.

Napatingin si Reon sa tumutunog na cellphone na nasa tabi niya.

"Later, Reon! They can wait, right?" malambing na wika ng dalaga saka masuyong hinalikan sa mga labi ang binata.

"Wait a second," ani Reon nang makitang ang bodyguard na pinasama niya kay Zia ang tumawag. Dinampot niya ang cellphone at sinagot pero nanatiling nakaupo sa kanya si Eli habang pinupugpog siya ng halik sa leeg. "Oh?"

"Sir, gusto ka niyang makausap," wika ng nasa kabilang linya.

"Bigay mo ang cellphone sa kanya."

"Personal, sir!"

"Now?"

"Yes, sir."

"Malayo ba kayo?" tanong niya dahil nasa malapit lang ang optha clinic.

"Three minutes, sir."

"Okay, dalhin nyo siya rito!" pagpayag niya at tinapos ang tawag.

"Sino 'yon?" tanong ni Eli.

"Put your clothes on," utos ng binata.

"Now?"

"Yes."

"Wait, akala ko ba—something's wrong?"

"No. Get dress."

"Pero—" Pinatayo siya ng binata. "Ano ang problema, Reon?"

"Magbihis ka na, bago pa makarating ang bodyguards ko. You have two minutes left."

"Gosh!" ani Eli saka pinulot ang mga damit at muling isinuot. Napasulyap si Reon sa CCTV. Nasa loob na ng elevator ang tatlo kaya pinindot niya ang green button para ma-unlock ang pinto.

Kumatok ng dalawang beses si Mario.

"Let her in," ani Reon matapos pindutin ang speaker na nakakonekta sa labas.

Bumukas ang pinto at pinapasok ng dalawa si Zia.

"Who is she?" nagtatakang tanong ni Eli at pinagmasdan mula ulo hanggang paa ang napaka-ordinaryong babaeng pumasok. "Tigalinis mo?"

Medyo naasiwa ang dalaga sa titig ng kaharap. Idol niya ito. Sa katunayan ay hanga siya sa ganda ng katawan nito at mas lalo pa siyang humanga ngayong nasa harapan na niya ang sexy star pero hindi lang niya gusto ang tinging panlalait sa kanya.

"She's nobody," tugon ni Reon. "Mario, pakihatid siya sa bahay nila," utos niya na ang tinutukoy ay si Eli.

"What?" bulalas ni Eli. "Hindi pa tayo tapos."

"We're done. Mamaya, nasa account mo na ang pera," sabi ni Reon.

"What? Hindi ko kailangan ng pera!"

"That's my rule!" sabi ng binata. Ang pinakaayaw niya ay magkaroon ng issue at hanggat may recibo siya, ligtas siya sa eskandalo. Bago pa siya makipagkita sa mga babae, alam na niya ang bank account ng mga ito.

"Pero—" Eli.

"Mario, pakihatid na siya sa bahay nila at Marvin, maiwan ka sa waiting room," utos niya.

"Yes, sir!" sagot ni Mario at lumapit kay Eli. "Ma'am? Tara na ho."

"Damn! I hate this!" inis na sabi ni Eli at lumabas na.

"Wanna drink?" tanong ni Reon kay Zia nang silang dalawa na lang.

"Pasensya na sa istorbo," paumanhin ni Zia.

"Champagne?" tanong ni Reon.

"H—Hindi ako umiinom," sagot ng dalaga na parang nagsising nagpahatid pa rito.

"Bakit ka nandito, Zia?" seryosong tanong ni Reon.

"P—Pwede ho bang magsuot ka muna ng damit, sir?" pakiusap ng dalaga na hindi makatingin sa kaharap.

"Nasa pamamahay kita, Miss Mendez. Hindi kita in-invite kaya wala kang karapatang makiusap sa akin kung ano ang ayos ko!"

"S—Sorry," paumanhin niya na sinusubukang huwag mapatingin sa halos hubad na katawan ng binata.

"Ano ang kailangan mo, Zia? Tell me now or else—" ani Reon at pinasadahan ng tingin ang kaharap. "Nevermind! May kailangan ka?"

"Wala ho akong perang pambayad sa pagpa-laser mo ng mga mata ko," ani Zia.

"I know," sagot ng binata at kinuha ang wine glass na may martini saka ininom.

"Bakit mo ginawa iyon, sir?"

"Dahil gusto ko."

"Businessman ka," ani Zia.

Ngumisi si Reon saka nilapitan ang dalaga. "Hindi ko po hiniling na ipa-laser mo ang mga mata ko dahil wala akong pambayad sa 'yo."

"I want you, Zia!" wika ng binata kaya napatingin ang dalaga sa mukha ng binata.

"H—Hindi ho kita maintindihan."

"Wala kang perang pambayad kaya katawan, pwede na."

"W—Wala ho tayong usapan at hindi po ako papayag! Babayaran kita, sir! Mag-iipon ako pero babayaran kita!" aniya.

"Saan ka kukuha?"

"Pagkatapos kong mag-aral, magtatrabaho ako. Kahit na lagyan mo ng interes!"

"Wow!" ani Reon. "Babayaran mo ng kakarampot na pera ang bilyonaryo?"

"Pera ang hiniram ko."

"Pero iba ang gusto kong ibayad mo."

"Wala akong—" Napaatras siya nang lumapit ang binata sa kanya saka hinawakan siya sa magkabilang balikat. "S—Sir, hindi ho talaga, pwede!" natatakot na sabi niya.

"Hindi ako namimilit, Zia," ani Reon saka lumayo sa dalaga. "Kung hindi mo kayang magbayad, huwag mong pilitin. Wala akong pinipilit o pinipwersang babae."

"S—Sorry ho pero hindi kasi laruan ang feelings ng mga babae."

"Hindi feelings kundi katawan mo ang binibili ko, Miss Mendez!" pagtatama ni Reon. "Name your price! Ilang milyon?"

"H—Hindi ho ako for sale, sir," mahinahong sagot niya kahit na deep inside, sobrang nainsulto siya. Sabi nito, she's nobody pero bakit milyon ang offer nito sa kanya? Dahil ba virgin pa siya? Eh ang layo niya kumpara sa mga babae nito. Halimbawa si Eli.

"Makakaalis ka na," ani Reon saka tinawagan si Marvin. "Pasok ka, ihatid mo na si Zia sa bahay niya."

"G—Galit ka?" mahinang tanong ni Zia matapos ibaba ng binata ang telepono.

"Hindi," sagot ng binata. "Upset, yes. But don't worry, hindi mawawala ang scholarship mo."

"Babayaran kita," sabi ni Zia.

"Hindi ako naniningil kaya huwag mong sabihing magbabayad ka kung hindi lang din katawan ang pambayad mo," prangkang sabi ni Reon at napatingin kay Marvin na pumasok. "Bring her home."

"Yes, sir!" sabi ni Marvin at inakay na palabas ang dalaga sa bahay niya.

Napatingin siya kay Zia sa CCTV na ngayon ay nasa elevator na. Hindi niya alam kung may mali ba sa ginawa niya at hindi niya ito napapayag o sadyang nakipaglaro lang sa kanya ang dalaga? Wala pang mahirap na babaeng tumatanggi sa kanya mula nang maging bilyonaryo siya but this time, Zia is an exception!

"Fuck!" gigil na pagmumura niya at itinapon sa dingding ang wine glass para mailabas ang labis na pagkainis. Gusto niya itong parusahan but how? Hindi siya ganoon kasamang tao para manakit ng babae!



















Continue Reading

You'll Also Like

Surrender By Aria

General Fiction

5.9M 124K 53
Challenges, pains, heartbreaks. These are inescapable things that every person would experience in reality. Sinusubok tayo ng iba't-ibang uri ng saki...
85.9K 1.5K 18
Nicholas Billientes aka nick, was a famous painter slash photographer. He's also an active adventurer. Mountain climbing and hiking anywhere. Cave an...
16.3K 522 46
Shane, A very conservative, modest and soft boy found his life changed after he got partnered with a stranger to play 7 minutes of Heaven That 7 min...
166K 3K 11
A love that isn't seem to be fair, regrets and pain have surrounded everything will chander be able to be happy? Or will her story end up with sadnes...