Monasterio Series #6: Trapped...

Από Warranj

1.8M 76.8K 13.1K

Being kept in the province of Santa Fe Nueva Vizcaya all throughout his life, Reon Alexis Monasterio had to l... Περισσότερα

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Reon Alexis
ANIA
Kabanata 43
Adrianna Grace
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 68 ll
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas Access

Kabanata 51

20.2K 783 59
Από Warranj

Kabanata 51

Mabigat na nga ang sitwasyon dahil sa nangyayari kay Skyler, idagdag pa itong presensiya ni Gwyneth. At ano? Nagkabalikan na sila ni Nero? Well then, I'm happy for them! Sa wakas, nakaabante na si Nero. Finally he's now happy and already out of being miserable. Si Gwyneth lang pala ang magpapasaya sa kaniya ulit.

Masaya ako para sa kaniya! Masayang masaya ako!

I flatly leaned my palms against the marbled sink while trying to calm my breathing. Nag angat ako ng mga mata sa repleksyon ko sa salamin at halos matawa nang makita kung gaano kagulo ang itsura ko.

Nagpaalam ako kay Nay Shirley na magbabanyo matapos ng pag-uusap namin ni Gwyneth. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa pinaghalo halong emosyon na nararamdaman at hindi niya ako puwede makitang apektado.

"Mabuti naman kung ganoon. He needs to be in a relationship again to cope up from another heartbreak. He's too stuck with me." I said after she just told me that they're back to each other again.

Kinailangan ko magmukhang matapang. I had to mop my emotions away and hide it under the rug to make her see that her revelations won't affect me.

Gwyneth chuckled mockingly. "Wait. Are you telling me that I'm just a second choice? A cover up because he's still not done with you?" medyo napataas na ang boses niya. "If you really knew him, alam mo dapat na kapag ginusto niya, ipipilit niya. If he truly wanted you back, he would force you to be in a relationship again-"

"Pinilit ka ba niya na huwag siyang hiwalayan no'n? Hindi siguro. Tumuloy ka pa rin. Naghiwalay pa rin kayo."

Nanatili akong kalmado. I saw how her expression suddenly change. Mula sa pagiging maangas ay tila siya naging maamong tupa.

"Mukhang magkaiba tayo ng pagkakakilala sa kaniya, Gwyneth. Throughout our relationship, and even after we broke up, he respected me and my decisions. Kahit sa huling beses na sinabi niyang mahal niya pa rin ako, nirespeto niya pa rin ang kagustuhan kong huwag na bumalik pa sa dating kami. Hindi kailanman ako pinilit ni Nero... hindi dahil sa hindi niya ako totoong minahal. He let me go because he also thought that's the best for the two of us. Kaya magpasalamat ka sa akin..."

Natawa siya, tila naasar sa sinabi ko. Ibang iba na siya sa dating kaibigan ko noon na ilang taon kong nakasama. Pakiramdam ko ay may galit siya sa akin kahit na maayos naman ang naging paghihiwalay namin noon. O, baka ngayon na lang siya nagalit dahil nalaman niyang nagkaroon kami ng relasyon ni Nero.

Pero... may karapatan ba siyang magalit? Matagal na silang tapos nang maging kami.

"At bakit ako magpapasalamat sa'yo?"

Huminga ako nang malalim at hilaw siyang nginitian.

"Kung nagdesisyon akong ipagpatuloy ang relasyon namin ni Nero, wala ka nang babalikan pa sa kaniya."

Pumikit ako nang mariin nang bumalik sa ala-ala ko ang usapan namin ni Gwyneth kanina lang.

Bakit mo kailangan maapektuhan, Isha? Hindi ba't ginusto mo naman ang itulak si Nero? Kasi para sa'yo, iyon ang tama. Para sa ikatatahimik ng lahat.

Wala akong matandaan na ginusto ko ang bawat desisyon ko na pakawalan siya. I had to do it because that's what I thought was right. Ni minsan, hindi ko ginusto ang itulak siya dahil alam ko sa sarili ko na siya lang naman ang hiling ko sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin.

Pero hindi ako puwede maging makasarili.

Sinikap kong magmukhang normal. Lumabas na ako ng banyo para bumalik na sa emergency room. Sandali akong napahinto nang matanaw si Nero na nakaupo sa bench na naroon. Gwyneth was sitting beside him. Nagsasalita ito habang si Nero, nakatitig lang sa sahig.

"Isha, mabuti at nariyan ka na. Binilhan kita nang maiinom mo." sabi ni Jeremy nang huminto ako sa harapan nila ni Nay Shirley.

Nakita ko ang pag angat ng tingin ni Nero sa akin. His eyes were menacing and cold. Una akong nagbawi ng tingin sa kaniya it itinuon ito sa styrofoam cup na hawak ni Jeremy.

"Thank you. Nag-abala ka pa."

"Ayos lang! Kanina pa tayo narito at madaling araw na. Siguradong nagugutom ka na."

Tipid na ngiti lang ang isinagot ko. Iminwestra niya sa akin ang bakanteng pwesto sa tabi niya. Bago ako maupo doon ay palihim ko pang sinulyapan si Nero. Naabutan ko siyang nakatitig sa gawi ko, madilim ang mga mata. Habang si Gwyneth ay sa kaniya mismo nakatuon ang atensyon.

"Ang tagal nang naninirahan ni Skyler sa Benguet pero ngayon lang siya dinapuan ng dengue. Mas mabuti pa siguro, Isha, na huwag mo na muna siyang paalisin dito sa atin. Napapahamak ang bata, e."

Umawang ang labi ko sa sinabi ni Jeremy. Nagkatingin kami ni Nay Shirley at napapailing ito. Sigurado akong pinaparinggan niya si Nero dahil ito lang naman ang dahilan kung bakit umaalis si Skyler ng Benguet.

"Jeremy, walang may gusto na nagkaganoon si Skyler." nagpapaintiding sabi ni Nay Shirley.

"Nakakalungkot lang po na makita si Skyler sa ganiyang sitwasyon, Nay Shirley. Hindi po ako sanay dahil sa ilang taon na nagkasama kami ay palagi siyang masigla..." sabi niya saka huminga nang malalim. "May alam po akong herbal na puwede niyang inumin para lumakas ulit ang resistensya niya-"

"Huwag kang umasta na wala ako rito at na sa'yo ang lahat ng karapatan magdesisyon para sa anak ko."

Natigilan ako nang marinig ang malamig na boses na 'yon ni Nero. Pumihit si Jeremy sa gawi niya. Maging ako ay hindi na rin napigilan mapatingin sa gawi niya. Nakatuon ang mga siko niya sa ibabaw ng kaniyang hita habang matalim na nakatitig sa kawalan. Pansin ang naggagalawang buto sa panga niya. Habang si Gwyneth, matalim na nakatitig sa akin.

Mapang asar na natawa si Jeremy. "Bakit? May masama ba sa sinabi ko? Gusto ko lang tumulong dahil hindi na rin iba sa akin-"

"Tumulong o magpaka-tatay?" ani Nero at walang emosyon na binalingan si Jeremy. "May I just remind you that I am the father of the child you're trying-"

"Nero, gusto lang naman tumulong ni Jeremy kay Skyler. Huwag mo sanang masamain." putol ko sa kung ano mang sasabihin niya.

I don't get why he is suddenly being mad. Wala namang mali sa sinabi ni Jeremy. Kahit noon pa man ay may pag-aalala na siya kay Skyler at alam kong hindi na 'yon maiaalis pa.

Mas lalong dumilim ang mga mata niya matapos ko sabihin 'yon.

"Kahit sino ay puwedeng maging ama ng anak mo. Napalapit na rin sa akin si Skyler at hindi namin kailangan maging magkadugo para magkaroon ako ng karapatan na mag-alala para sa kaniya," katwiran ni Jeremy. "Magpasalamat ka na lang na may nagbibigay kalinga sa anak mo habang nasa malayo ka."

This time, I am on Jeremy's side. Tama lang naman ang mga sinabi niya at si Nero lang ang nagbibigay kahulugan sa ipinapakita niya sa bata. He even needs to be grateful that Jeremy arrived at the same time we needed to bring Skyler here.

Mabuti na lang at may lumabas nang nurse mula sa emergency room para sabihin na gising na si Skyler. Marahil ay nauwi na sa tensyon ang pag-uusap ng dalawa kung tumagal pa at iyon ang iniiwasan kong mangyari.

"Titingnan ko muna si Skyler, Nay Shirley. Sumunod na lang po kayo sa akin." sabi ko saka tumayo at nilingon si Jeremy. "Sabay na lang kayo ni Nay Shirley.

Tumango siya saka tipid na ngumiti.

"Sige, Isha."

Nagsimula na akong maglakad patungo sa emergency room. Sana ay maayos na si Skyler at puwede nang ilipat sa recovery room. Ang sabi naman ng nurse kanina ay bumaba na ang lagnat nito.

"I'm coming with you."

Mabilis akong napatingin sa gilid nang marinig ang boses ni Nero. Diretso sng tingin niya sa nilalakaran namin at blanko pa rin ang ekpresyon ng mukha.

Imbes na sagutin ay hinayaan ko na lang siya na sabayan ako at hindi na nagsalita pa.

"Reon!"

Kusa akong napatigil sa paglalakad nang tawagin siya ni Gwyneth. Isang pagkakamali na ginawa ko 'yon pero huli na para maisip ko pa.

"Puwede akong sumama?" dinig kong tanong niya.

I continued walking as I scoffed at her question. Para ano at sasama ka sa amin? Magulang ka ba? Hindi ko nga alam kung bakit narito ka. Maaaring nobya ka nga ulit ni Nero pero nakakairita sa punto na kailangan ka pa niyang isama dito. Ano na lang ang iisipin ni Skyler?

"Kami muna ni Isha, Gwyneth." sabi ni Nero bago mo tuluyang binuksan ang pintuan.

Nagawa nang iharang ni Nero ang mga kamay niya sa pintuan bago pa man ito magsara. Nagkatinginan kami ngunit ako rin ang unang nagbawi.

"Did the two of you already talk?" he asked that made me stop from walking towards Skyler. "Nagtanong siya kung puwede siyang sumama patungo dito dahil gusto ka raw niyang makita at makausap."

Makausap? Para ano? Para ipaalam sa akin ang pagbabalikan n'yong dalawa?

"Wala akong panahon para sa ibang bagay, Nero. Ang anak ko lang ang gusto kong intindihin ngayon." sabi ko at kinain na ang daan patungo kay Skyler.

"M-Mama... Papa..." namamaos ang boses na tawag niya nang makita kami at bahagya lang na nakamulat.

Tama si Jeremy. Mahirap tingnan si Skyler sa ganitong sitwasyon lalo pa at ito ang unang beses na na-ospital siya.

Lumaki ang bawat hakbang ko palapit sa kaniya. Mabilis ko siyang inatake ng yakap kasabay ng pag alpas ng mga luha sa pisngi ko.

"Kumusta ang pakiramdam mo, anak?" tanong ko, humihikbi.

"Medyo m-masakit po ang ulo at n-nahihilo ako, Mama."

"You'll be fine anytime soon." Si Nero ang sumagot saka hinawakan ang kamay ni Skyler.

Hindi ko siya tiningnan at nanatili lang sa anak ang atensyon.

"Magpalakas ka kaagad para makauwi na tayo. Ipagluluto ulit kita ng mga paborito mong pagkain."

Matipid siyang ngumiti, pansin pa ang panghihina. Ramdam ko ang pait sa puso ko habang pinagmamasdan siya. Kahit na sinong ina ay hindi gugustuhin na makita sa ganitong sitwasyon ang anak nila. Kung puwede lang sana hilingin na ako na lang ang nakaratay sa kama na iyan at hindi siya.

Ilang sandali pa at nakatulog na ulit si Skyler. Ililipat na siya sa recovery room maya maya lang. Lumabas na muna kami ni Nero. Tahimik lang ako, sa daan lang nakatuon ang mga mata.

"I'm planning to take Skyler to Santa Fe and let him stay there for the mean time, Isha."

Mabilis akong napahinto sa paglalakad at napalingon sa gawi niya. Maging siya ay tumigil rin para harapin ako at mariin akong tinitigan sa mga mata. His expression was too hard as if he won't be taking any bullshits from around.

"I don't think it's your turn already, Nero. Kakauwi lang ng bata mula sa'yo-"

"You and Nay Shirley will come with him. Sa akin muna kayo tumigil."

Nagsalubong ang mga kilay ko, hilaw na natawa hindi kalaunan.

"At bakit ko naman gagawin 'yon? May sarili kaming bahay na uuwian."

"This isn't about you having your own house. It is about me wanting to make sure I am around whenever incident like this happen to our son. Gusto kong mas mabantayan ang anak natin, Isha..." malamig ang tono na aniya na para bang kahit pa anong sabihin ko ay buo na ang desisyon niya. "Hindi ako natutuwa na limang oras pa ang kailangan ko itagal sa biyahe bago madaluhan ang bata."

May punto siya kung tutuusin. Pero sa bagay na kailangan pa akong kasama, kami ni Nay Shirley, gusto kong umalma. Alam naman niyang may relasyon na sila ulit ni Gwyneth pagkatapos ay isasama pa ako.

Torture ba, Nero?

"Hiramin mo na si Skyler pero huwag mo na akong isama. Ayos na ako dito sa Benguet-"

"Malapit na ang kaarawan ni Nay Martha. Gusto niyang naroon ka."

Hindi ako nakasagot. Bakit gusto ni Nay Martha na naroon ako? Alam ko naman na hindi siya nagalit sa akin noon pero nahihiya pa rin akong harapin siya.

Isa pa, paano kung naroon rin ang mga Monasterio dahil malapit si Nay Martha sa mga ito? Partikular kay Ma'am Adrianna? Hindi pa ako handa na makita ulit siya.

Pero hindi ba at sinabi ni Dreya na tinalikuran na ni Nero ang pamilya niya? Kaya posible rin na wala sila.

"I am not asking you to come for me, Isha..." putol ni Nero sa paglalakbay ng isip ko. Mas lalong nanaig ang dilim sa kulay kahoy niyang mga mata at lamig sa kaniyang boses. "Si Skyler at Nay Martha ang magiging dahilan mo para pumunta doon. Hindi ako."

Nilagpasan niya na ako pagkasabi noon. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating sa tabi ni Gwyneth. Naiwan ako sa kinatatayuan ko, magulo ang isip habang pinagmamasdan sila.

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

4.5M 112K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
2.3K 849 36
[COMPLETED]-UNEDITED LOVESICK GIRLS SERIES # 1 Ania is intrigued by a previous circumstances that occurred and had something to do with her mother's...
Way Back Home Από Warranj

Ρομαντική

45.1K 1.4K 18
Becoming a successful supermodel internationally is what Zarinna's only dream in her life. Everyone in the family supports her. Even her long time bo...
Game Over Από beeyotch

Ρομαντική

792K 27K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...