Phoebian

De cultrue

175K 3.5K 63

Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at ma... Mais

Phoebian
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Bonus Chapter
NOTICE

Chapter 21

3.1K 64 0
De cultrue

Napakurap ako nang kumatok ulit si Phoebian sa pinto ng kwarto niya. Umayos ako ng upo. Sinalubong ko siya ng ngiti nang tuluyan na siyang makapasok. May dala siyang pagkain na nasa tray. Puno yung dala niya, sa tingin ko ay hindi sakto sa aming dalawa kaya nagtanong ako kung para kanino yung pagkain pero ang sabi niya ay para sa akin daw, yung sa kanya ay kukunin pa niya sa kusina.

"I just get my food, wait for me."

Tumango ako sa paalala niya.

Lumipat ako dito sa library niya dahil mas malakas ang internet connection. Kahit anong gusto kong panuorin sa Facebook ay napapanuod. Mga video clips lang naman, mas gusto ko sa Facebook dahil ang daming nakakatawa. Nanuubos ang oras ko dito. Pagdating ni Phoebian saka ko lang binaba ang phone ko.

"What are you watching?" Nagtataka niyang tanong.

"Ah, sa Facebook lang. Hinihintay kasi kita."

Binaba niya ang tray niya. Wala na siyang suot pa na apron. Kanina, unang pagpasok niya nang dalhin yung tray ko ay may suot siyang puting apron.

"Let's dig in."

Ngumiti ako at excited na kumain. Una kong hiniwa ang steak. Masarap magluto si Phoebian. Hanga talaga ako kapag siya ang kumikilos sa kusina dahil para siyang expert nito. Nakakamangha siya dahil minsan lang ang lalaking nagiging prime minister sa kusina. Yung iba, marunong ngang magluto pero tamad naman.

"Do you like it?"

Tumango ulit ako. I don't doubt it. Masarap siya.

"Masarap."

"I added some wine on that steak para mas malasa. I just saw it from TikTok. I never cook this before but I'm flattered that you like it."

"Totoo naman na masarap. Siguro kapag magpractice ka pang magluto nito magiging perfect na'to." Nakangiti kong sagot.

Ngumisi siya. "You mean to say hindi talaga masarap?"

Nanlaki ang mga mata ko. Mahina ko siyang sinuntok sa braso. "Hindi, totoo talaga na masarap. Pero magluto ka pa para mahasa yung skills mo sa kusina."

Hindi ko sinabing magaling din ako magluto. Hindi ako marunong magluto ng mga engrandeng dishes pero kapag magtry ako ay matututo ako. Madali lang naman magluto kung kompleto yung ingredients.

Ngumiti si Phoebian at tumango na tila naintindihan ang sinabi ko. Nagpatuloy na siya sa pagkain. Nangalahati lang ako sa kanin ko dahil ko maubos. Binigyan niya din kasi ako ng snacks bago maglunch at hindi pa yun natutunaw sa tiyan ko.

Narealize ko saglit na mahilig palang manuod ng TikTok si Phoebian. Hindi ko maiwasan na hindi mapailing habang nakangiti ng palihim. Hindi nakatingin sakin si Phoebian kaya malaya ko siyang napapanuod. Kahit palagi siyang busy sa trabaho niya bilang CEO sa kompanya niya ay hindi ko maiwasang hindi maappreciate yung pagkumusta sakin. Kahit saan ako magpunta ay kailangan alam niya.

Yung side ni Phoebian na yun ay yung pinakagusto ko. Ayoko yung nakakunot ang noo niya, ayokong nagagalit siya kahit kanino. Gusto ko ay tratuhin niya yung mga tao niya na pantay lang. Kasi kapag demonyo ang tingin sa kanya ng mga tao ay baka masira ang reputasyon niya.

"I make a deal with Phinneas later. You wanna come with me at Abuela's?"

Paalis na kami sa penthouse niya. Gusto ko sanang sa bahay nalang ako dahil gusto kong magising ng maaga bukas. Gusto ko lang magising ng maaga para maumpisahan na ang plano ko sa susunod na araw sa pagpasok ko sa trabaho.

"Ikaw nalang. Ihatid mo nalang ako sa apartment. Inaantok na kasi ako."

Ngumiti siya sakin at dahan-dahang tumango. Zinip niya ang suot na Saint Laurent jacket na binili niya kahapon. Kahapon ko pa siya gustong tanungin kung bakit siya bili ng bili ng damit e ang dami pa naman do'n sa walk in closet niya. Pero naisip ko din na fashion icon din ang boyfriend ko kaya mas pinatilihin ko nalang na tumahimik kaysa mag-abog sa kanya.

Kahit minsan napapapikit ako sa kapretsyuhan niya, hinahayaan ko nalang. Para siyang babae. Ako na babae nga ay hindi mahilig magshop na ngayong okay ng gumastos kahit ano pa ang gusto kong bilhin. Iba din yung savings ko kaysa sa perang natatago ko sa pagbili ng kahit anong matipuhan ko. Pero minsan lang akong pumunta sa mall dahil may pagkakataon na pagkagising ko ng umaga, may mga suprisa na akong natatanggap galing kay Phoebian. Minsan damit na milyones ang presyo, groceries, bulaklak, alahas, o kahit ano pa na maiisipan niyang ibigay sa akin.

Hiyang-hiya ako minsan sa mga kapitbahay ko dahil para akong mall mismo. Marami na akong naisstore na mga pwedeng ibenta. Yung mga pinaglumaan ko na mga damit ay binibigay ko sa orphanage. Wala na kasi akong ibang mapapagbigyan nun kundi yung ibang mga bata na kasya lang sa mga damit ko. Pinag-aagawan pa nga yun do'n. Kaysa sa squatter area na sayang lang. Nanhihinayang ako na magbigay do'n ng mga gamit ko sa dati kong mga kapitbahay dahil ang tatamad nun maglaba. At baka ibasura lang.

"Okay. Just make sure to call me when you need me. I'll come for you no matter what." Kinindatan niya ako.

Lumapit siya sakin at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng penthouse. Mahina lang ang pagpatakbo ni Phoebian sa sasakyan niya. Hindi siya mukhang nagmamadali kaya walang problema. At wala ding traffic.

Binilin niya ulit sakin na tawagan ko siya kung kailangan ko siya. Sabi ko na oo bago lumabas ng kotse. Kung hindi ko pa siya nakumbensi na umalis ay baka hindi yun umalis dahil mukhang walang balak umalis papunta sa mansyon ng Abuela niya.

Napaalis ko din naman siya kahit parang ayaw niya. Ayokong magpaka-importante. Malaya siyang gawin kung ano man ang gusto niyang gawin. Hindi ako clingy na girlfriend na palaging kumakapit sa kanya.

Pagpasok ko ulit sa opisina ay nakasalubong ko agad ang mga mukhang parang namatayan. Hindi naman madami ang trabaho pero palaging stress ang mga coworkers ko. Nalaman ko lang na may ibang problema sa bahay. Hindi ko ginustong makinig ng usapan ng iba pero hindi ko naman kayang ilock ang tenga ko para hindi sila marinig.

"How's work?" Nakangiting bungad ni Phoebian sakin nang makasakay ako sa kotse.

Nagkibit-balikat ako. "As usual. Hindi madami ang trabaho ngayon."

"That's good."

"Bakit?" Nakakunot noo kong tanong, hindi alam ang ibig niyang sabihin.

"It means that you're not too tired to have a late night date with me tonight."

Napangiti ako.

"Late night date? Alas syete palang ah." Sabi ko sabay tingin sa orasan sa phone.

"Yeah. But I wanted to have date with you at the restaurant so I'd probably send you home late."

"Ewan ko sayo. Bahala ka. Kapag mahuli ako bukas ikaw ang sisisihin ko."

"That's not gonna happen sweetheart. I'm your boyfriend and you love me." Confident niyang sabi na hinaluan niya ng pagyayabang.

Nakataas ang kilay ko. Masyado na ba akong mabait para hindi niya katakutan?

"Bahala ka basta kapag mahuli ako sa trabaho ko bukas Phoebian. Ikaw talaga ang sisisihin ko."

"My offer to work in my company is still on the line sweetheart. If you just accept it with your whole heart then it's much appreciated." Bulong niya.

Napasinghot lang ako ng hangin dahil sa sinabi niya. Kapag tumagal kami ng sampung taon saka ko lang tatanggapin ang offer niya na magtrabaho sa puder niya. Gusto ko sa iba magtrabaho hindi do'n lilimitahan ang trabaho ko. Kung kay Phoebian ako magtrabaho, baka yung maging trabaho ko lang do'n ay tumingin sa kanya hanggang sa uwian.

"Bye. Ingat sa pagmaneho."

"Yeah, thanks." Tamad niyang sagot, hinintay niya muna ako na makapasok bago niya binuhay uli ang kotse para makaalis.

Pagpatak ng alas otso ay nakakando na ang buong apartment at nasa kwarto na ako at nakakulong. Nakahiga na ako sa kama at nakaharap sa kisame. Hindi ako makatulog kahit pilit kong sinasara ang mga talukap ko. Kumakatok ang isip ko kaya hindi ko maiwasan na mag-isip ng kung ano-ano. Nandun yung pangamba. Nakapatay na nga ang bulb sa kisame hindi parin ako makatulog. Parang may dumadagan din sa dibdib ko. Ang bigat.

Inangat ko ang katawan ko at kinuha ang cellphone sa ibabaw ng lamesita sa paanan ko. Binuhay ko ito at chineck kung may message ba si Phoebian sa akin pero wala naman akong nakita. Okay lang kaya siguro si Phoebian? Para masiguro ko kung okay si Phoebian ay nag-iwan ako ng mensahe. Sa mensahe ko ay parang tinatawag ko lang ang pangalan niya.

Nagpadala din ako ng mensahe kina itay kung ayos lang sila sa probinsya. Hindi yun magtataka dahil alas otso palang ng gabi. Magtataka lang yun kung magpadala ako ng mensahe sa kalagitnaan ng gabi.

Bumalik ulit ako sa paghiga. Inayos ko na ang unan ko para maging komportable ang pagtulog ko. Bumangon ulit ako saka uminom ng tubig sa kusina. Pagbalik ko sa kwarto ay sakto ding umilaw ang cellphone ko.

Phoebian:
Babe?

Phoebian:
You okay? Tell me ASAP.

Dalawang messages ang iniwan ni Phoebian. Nagtipa ako nireplayan ang mensahe niya na ayos lang ako at gusto ko lang icheck kung okay lang siya.

Phoebian:
Yeah I'm fine. Gonna go there. Wait for me before you get sleep.

Kinagat ko ang ilalim ng labi ko. Nakakunot ang noo at nakatingin sa screen. Kumilos ang dalawang hinalalaki ko para sana magtipa pero napatigil ulit ako dahil hindi ko alam kung nakatingin pa ba si Phoebian sa cellphone niya.

Naghintay nalang ako sa labas. May monoblock chair do'n at do'n ako naupo hanggang pumara kotse ni Phoebian sa harap ng maliit na gate ng apartment ko. Paglabas niya ay kunot din ang noo gaya ko.

"Anong nangyari sayo?"

Magulo na ang kanyang buhok at nakabukas narin ang dalawang butones sa kanyang dibdib. Kanina bago siya umalis nang maihatid niya ako ay maayos pa ang suot niya. Hindi gumok ang kanyang long sleeves at malinis din ang ayos ng kanyang buhok. Naamoy ko rin ang amoy ng sigarilyo sa kanya.

"Phinneas invited me to go to that fucking club. I didn't know what's the fucking wrong with that fucker until I saw his fiancee dancing with the other guy. He said that that woman just needed a break."

Nakapamewang siya habang nakatingala sa langit na parang galit siya sa langit dahil sa sama ng tingin nito.

Hinawakan ko siya sa braso at hinila papasok ng apartment. "Magkape ka muna bago ka umuwi sa penthouse mo."

"Can I just sleep here? I'm not sure if I could drive straight home." Suhestyon niya.

Bumuntong hininga ako. "Sige. Pero sa sahig ka lang ha." Tukoy ko sa kwarto ko.

"Sure." Bulong niya.

Nauna akong pumasok dahil siya ang magsasara ng pinto. Naglakad ako sa kusina at kumuha ng tasa sa kabinet at nagbrew ng kape. Hindi ko nilagyan ng asukal ang kape niya dahil gusto niya ay matapang ang lasa. Black coffee din yung sakin pero nilagyan ko ng asukal dahil hindi ko kaya yung matapang na lasa.

"Nasaan si Phinneas? Ba't hindi mo siya kasama-"

"Babe can you get me some wet towelette? May bukol yata ako sa ulo."

Nagtataka man pero sinunod ko ang sinabi niya. Mukha nga siyang nasasaktan dahil hawak-hawak niya ang kanyang ulo. Kumuha ako ng towelette sa aparador sa kwarto ko. Pagbalik ko sa kusina ay binasa ko yun gamit ang tubig sa gripo. Piniga ko yun bago ibigay sa kanya.

Umupo ako sa harap niya. Linagay niya ang basang towelette sa ibabaw ng ulo niya. "Hindi mo sinasagot ang tanong ko. Nasaan si Phi-"

"Babe my lips are aching. I can't talk too much."

"Nagtatanong lang ako sa kapatid mo. Iniwan mo ba siya sa bar? Baka magalit ang abuela mo kung malaman niya na hindi mo manlang tinulungan ang kapatid mo."

Mariin siyang napapikit at hinilot ang kanyang noo. Malamlam siyang tumingin sa akin. "He's fine. He's gonna be fine without my help. That idiot! Kung hindi sana niya ako dinala sa bar na yun baka hindi ako nagkabukol! Damn I hate this lump on my head." Madiin niyang mura.

Umirap ako sa hangin. Sumandal ako sa silya at pinagkrus ang aking braso. "Mukha ka ngang nag-enjoy do'n sa bar na yun. Amuyin mo nga ang sarili mo, amoy pambabaeng cologne ka!"

"What?!"

Inamoy niya ang kanyang sarili.

"Babe hindi naman ah. Amoy usok lang ako at alak pero hindi ako amoy babae- jeez I hate that fucker!" Bulong niya na mukhang sinisisi pa ang kapatid niya.

"Huwag kang magmura dito sa puder ko! Ubusin mo nalang ang kape mo at maligo ka. Kapag ako ang makapunta sa bar na yan sisiguraduhin ko na mag-aamoy lalaki din ako."

Nanlaki ang dalawa niyang mata. Mabuti nalang at hindi niya iniinom yung kape niya kundi ay baka pati ako ay mabuhusan din. "That's! That's not gonna happen! Maiarie hindi ka makakaapak sa loob ng bar!" Malakas niyang sabi. Nakakuyom ang dalawa niyang kamao at nagpipigil siya.

Gusto kong sumigaw sa tuwa. Nakakatawa ang itsura niya. Hindi maiguhit ang kanyang mukha dahil ang sama ng tingin.

Inubos ko ang kape ko. Tumayo ako at hinugasan yun bago ako humarap sa kanya. "Make sure na mahuhugasan mo yan bago ka umakyat. Yung mga damit mo nandun naman sa aparador. Maligo ka ha para mawala yang 'mabahong' amoy sa katawan mo." Inemphasis ko pa ang mabahong amoy.

Tumango siya pero nahawakan niya ang palapulsuhan ko. Dinala niya ako sa harap niya, ilang pulgada nalang ang layo namin nang paupuin niya ako sa hita niya. Kumapit ang isang braso ko paikot sa kanyang leeg.

"I know you're not the type of person who easily get jealous. I love you and I didn't flirt earlier at the bar. I didn't go there to find someone else. I went there because of my stupid brother."

Natawa ako dahil nasa dibdib niya parin ang inis sa kapatid. "Okay lang. Pero kapag may lumapit sayong babae at himashimasin ka. Huwag kang manghimas pabalik, itulak mo."

Lumundag ang dibdib niya dahil sa lakas ng tawa na pinalabas niya.

"I didn't know you're that funny jealous philosopher. I don't know what's the exact word I would express on you. You're half scary but at the same time a loving girl."

Proud akong ngumisi sa kanya. Napailing din ako. Napatingin ulit ako sa kanya nang hapitin niya pa ako, yung mukha ko ay didikit na sa kanya.

"But I love the way you are. I love this scary loving girl. Tahimik ka lang, pero nakakatakot ka rin pala. You won't leave me right?"

Linagay ko rin ang isa kong braso paikot sa kanyang leeg. "Ba't naman kita iiwan? Ikaw ang unang lumapit sa akin, kaya dapat ay ikaw din ang lumayo sakin."

Umiling siya. "No. Never."

Hinalikan ko ang tungki ng ilong niya bago ako humiwalay para makaligo siya. "Maligo ka na. Sanay ka naman sa malamig na tubig diba? Sakto yun dahil mainit ang ulo mo. Ligo ka na." Tinapik ko ang balikat niya.

"Yeah. I'll just finish my coffee. Hindi na masyadong mainit."

"K."

Umakyat na ako sa taas. Kumuha ako ng towel at tinawag siya para gamitin niya yun. Linagay ko lang sa barandilyas ng hagdan para makita niya agad.

Nahiga na ako sa kama. Maya-maya lang ay narinig kong pumasok siya. Dinilat ko ang mga mata ko. Nakapasok na siya sa kwarto ko at tanging towel lang ang kanyang suot. Naglakad siya sa harap ng aparador at kinuha ang mga damit niya. Pinikit ko ulit ang mga mata ko. May pasok pa ako bukas. Bago pa ako tuluyang makatulog ay naramdaman ko pa na pinatakan ako ng halik sa labi ni Phoebian at inayos ang kumot ko. Narinig ko pa siyang nag-good night sa akin.

Continue lendo

Você também vai gostar

179K 3K 23
From "I love you" to "Sino ka?" real quick. Posible nga ba ang magkagusto ka sa taong hindi mo pa naman lubos na kilala?
2.1M 36.6K 40
Si Pierre ay isang lalaking matikas, gwapo at mahusay na mekaniko. Sa edad na trentay uno ay single pa sya, at wala pa sa planong pumasok sa usaping...
3.1K 152 12
Katarungan ay kapalit ng pera. Paano kaya makakalaya sa kasalanang hindi mo ginawa? Batas ay nagbubulag-bulagan, Hukom ay kailangan pang bayaran. Hu...
1.6M 43.3K 50
Si Aitana ay simpleng guro na nagtuturo sa pampublikong paaralan. Hindi naman talaga nya pangarap ang maging guro. Naging guro sya dahil sa tiyahin n...