Knock, Knock, Professor

By irshwndy

24.1M 909K 1M

The Wattys 2022 Winner PUBLISHED UNDER PSICOM Highest Rankings: #1 Mystery, #1 Genius, #1 Psychological, #1 D... More

ABOUT
CHARACTERS & SETTING
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
EPILOGUE
KKP AFTER-PARTY šŸŽ‰
Dr. Xalvien Vouganville
HUSH LOUDER
XV SERIES IS COMPLETE!
#TripleXposed
NOW on Spotify!
Wattys 2022 Winner!
NOW A PUBLISHED BOOK!
Available at National Book Store!
#MIBF2023
Special Edition at MIBF 2023!
Special Edition ON SHOPEE!

CHAPTER 35

433K 21.4K 12.4K
By irshwndy


HALOS madapa ako sa sobrang bilis ng pagtakbo papunta sa pintuan. "Baby, come with me! We need to go somewhere, this is important," pagyaya ko sa'king anak.

Pumara ako ng taxi at nagulat nang makilala ang driver nito. "Manong, doon po tayo sa—"

"Yes, ma'am. Kabisado ko na po ang ruta niyo. Siya ba ang anak niyo ni sir?" magiliw na saad ng taxi driver na palagi kong nasasakyan. "Ilang taon na rin pala ang nakalipas..."

Aba, hindi na siya masungit ngayon.

"P-Paano mo nalaman na anak namin siya?" tanong ko habang pinipilit itago ang kilig.

Tumingin ang driver sa rearview mirror at nakangiting sinabing, "Siyempre. Kamukhang-kamukha siya ni sir, eh. Hindi maikakaila na ang kalambingan mo diyan sa likod noon ay ang kaniyang ama. Tila pinaliit na version nga lang, eh."

Ngumuso ako't tumingin sa bintana para hindi mahalata ang pamumula ng mga pisngi ko.

Yes, and we're on our way to save his dad.

***

"SAGLIT!" pagpara ko sa sasakyang taxi pagkarating namin sa palengke. "Dito niyo na lang po pala kami ibaba."

Mula sa bintana ay nakita kong may mga tindahang nagbebenta ng iba't ibang uri ng mga suncatcher. Nagkaroon ako ng mabilisang plano sa'king utak.

Bago tuluyang bumaba sa sasakyan ay kinausap ko ang driver. "Alam mo, lulubusin ko na. Tutal ay mabait ka na ngayon, what if ihatid mo na rin ako sa mga pupuntahan ko?"

"Ilan ba ang balak mong daanan, Miss?"

Ngumisi na lamang ako bilang sagot.

Inalalayan ko ang aking anak pababa sa taxi at sinama siya sa palengke. "Baby, I want you to choose the suncatchers that we will buy. Which ones do you want?"

My son pursed his lips and squinted his eyes. "Mommy, if we are going to follow basic psychology, we should base our choice on the person we will give it to. Kanino po ba natin ibibigay ang mga suncatchers?"

My heart smiled when I heard Little Vougan's words. Isa sa mga rason kaya nakapagpatuloy ako kahit nami-miss ko si XV ay dahil sa kaniya. He has within him the smart remarks and the kind heart of his dad.

"They're for your daddy, baby. That's why I want you to choose."

Buhat-buhat ang maraming suncatchers, sumakay na ulit kami sa taxi at sinabi sa driver ang susunod naming destinasyon.

***

"OH, LAVENDERS!" nakangangang wika ni Vougan pagkarating namin sa mansyon ng tiyuhin niyang doktor. "Ninong Xalvien, do you feel stressed often?"

Napanganga rin si Xalvien sa sinabi ng aking anak. Ngumiti siya at sinabing, "I'm amazed that you recognized the scent, Baby Vougan. You're also intelligent when it comes to odor recognition. You're a very smart little boy."

Habang naglalaro sa sofa si Vougan ay kinausap ko nang masinsinan ang aming binisita.

"Xalvien, can you tell me more about the professor's condition? Ano ang mga nagagawa ng sakit niya sa kaniyang memorya?"

"Well, delusional psychosis can alter your memories. You can misinterpret certain events from the past," paliwanag niya. "Bakit, Fift? Ano'ng meron at bigla mo 'yang natanong?"

"K-Kung gano'n, puwede itong makagawa ng maling memorya, 'di ba?"

Tumango ang nagtatakang doktor. "Yes, that is possible."

"XV told me before that he has two memories of the past, and that one of them is fake..." Huminga ako nang malalim at bumuga nang marahan upang magpakalma para sa aking susunod na sasabihin.

"Xalvien... what if I tell you, that both of those memories are fake?"

Nanlaki ang mga mata ng doktor nang marinig ang aking nakakabiglang teorya. "T-That's indeed possible, Fifteen. Hindi ako makapaniwala sa sinabi mo ngunit hindi rin ito imposible. How did you arrive at that idea?"

Pinakita ko sa kaniya ang artikulong nahanap ko sa internet. Habang binabasa niya ito ay lalong lumalaki ang pagkakadilat ng kaniyang mga mata.

"Lixidus might just be the professor," I said in a nervous tone. "I'm not one hundred percent sure, but..."

"But all the details make sense," dugtong ni Xalvien. "The Suncatcher Garden is an installation made up of several mirrors that are designed to reflect the sunlight. It is similar to the Morning Reaper's method of using mirrors to bounce the light."

I was only relying on gut feel at first, but hearing Xalvien's words gave me courage and hope.

"Delusional psychosis may come from trauma. Maaaring ang matinding shock sa pagkakasaksi sa pagkamatay ng kaniyang mga magulang ang naging sanhi ng pagkasira ng memorya ng propesor," saad nito. "During our psychiatric sessions, he keeps on repeating that he killed his parents. Maybe that's how he interpreted the events. In his mind, it was him who killed them because he created the Suncatcher Garden which caused their death."

Napatingin ako saglit sa'king anak na naglalaro. Ayoko sanang malaman niya ang mga ganitong kakila-kilabot na impormasyon sa murang edad, kaya naman para akong natanggalan ng tinik nang masiguradong hindi niya kami naririnig.

Nagpatuloy si Xalien sa pagsalaysay ng kaniyang iniisip. "It is possible that the professor blamed himself for his parents' death so much... to the point that he believed he actually killed them."

"The professor's parents were never killed... It was an accident," naiiyak kong konklusyon.

Kasunod nito ay ang pagkuwento ko sa kaniya na naroon ako mismo sa insidenteng iyon noong mga panahong 'yon. Kaso lamang ay hindi ko na maalala ang lahat. "Nabanggit sa'kin ng nanay ko na nagtrabaho siya sa ilalim ng pamilyang Guivellnova. At nakilala ko ang anak nilang si Lixidus."

Mula sa bag ay nilabas ko ang dalawang pirasong papel—ang luma kong drawing at ang anagram ng pangalan ni Lixidus—para ipakita kay Xalvien.

"Wow, Fift. This means that you may be the one that the professor has been looking for all along," kaniyang namamanghang reaksyon.

Nang mapansin ang aking malungkot na mukha ay napangiti siya. "Fift, don't be too hard on yourself. Normal lamang na hindi mo iyon naalala agad. It's called childhood amnesia, which refers to how most people can't remember events that happened to them when they were 7 years old and below."

"Xalvien... if we showed all these papers and facts to the professor, do you think that XV will believe us?"

Napaisip saglit ang doktor. Alam niyang hindi ito magiging ganoon kadali. Ngunit parehas kaming hindi susuko hanggang sa ang propesor na mismo ang makaalala sa mga nangyari.

"We need reinforcements," he said with a fierce, confident smile.

***

"HELLO, Ninong Xanti!"

"Uy, it's my favorite pamangkin! Kasi ikaw pa lang naman," sigaw ni Xantiel habang ginugulo ang buhok ni Vougan. "Hahaha ang cute mo! Para ka talagang pinaliit na Xildius!"

Nabitin ang pagngiti ni Xanti nang makita ang mga seryosong mukha namin ni Xalvien. Hindi na namin pinatagal at dinukot na lamang namin siya para sumama sa'min.

Apat kami ngayong nakasakay sa kotse ni kuya taxi driver. Dalawa kami ni Xantiel sa likod habang kalong-kalong ko si Vougan at nasa harapan naman si Xalvien.

"Alam mo, ma'am. Nakakaraming stops na po kayo at mahaba-haba na ang metro," sabi ng nagmamaneho.

Ang kaniyang masungit na mukha ay napalitan ng masayang ekspresyon nang sabihin niyang, "Pero dahil suki ko na kayo, balato ko na 'to! Mukhang may importanteng misyon kayo kaya libre ko na ang pamasahe!"

Lahat kami ay nagdiwang sa loob ng maliit na kotseng iyon na parang mga bata.

Habang nasa biyahe ay sinalaysay namin kay Xantiel ang aming teorya ni Xalvien. Pinagsuot ko ng earphones si Baby Vougan at pinahiram siya ng cellphone para hindi niya kami marinig.

Pagkatapos ng mga tatlumpung minuto ay nakarating na kami sa wakas sa aming huling destinasyon.

After three years, I finally found myself standing in front of the gates of Villa Vouganville once again.

The place where I first met the professor. The place where we solved different cases together. The place where we argued, laughed, cried, and slept together. The place where the man I love has lived all his life. The place which holds both his fears and his hopes.

Dahil may susi sina Xalvien, nakapasok na kami sa loob. Natagpuan kong parehong-pareho pa rin ang puwesto ng mga gamit simula noong umalis ako rito.

An overwhelming sense of familiarity and nostalgia came rushing towards my chest. My heart overflowed with an uncontrollable surge of mixed feelings.

I held my son's small hand tightly as we went to the left side of the stairs, towards the third to the last door. I raised my fist, held my breath, and uttered the words that I longed to say once again for so long.

"Knock, knock, professor."

Continue Reading

You'll Also Like

7.1M 284K 54
DDMS BOOK VERSION IS COMING! Highest Rankings: #1 Suspense, #1 Crime, #1 Detective, #1 Plottwist, #1 Investigation PUBLISHED: 10/05/22 COMPLETED: 08...
136K 3.6K 50
Madalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo...
754K 6.8K 108
Paano kung nakita mo na ang taong nakatadhana sayo? Ang problema nga lang, siya ay nasa katauhan ng taong lubos mong kinaiinisan?