Phoebian

By cultrue

175K 3.5K 63

Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at ma... More

Phoebian
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Bonus Chapter
NOTICE

Chapter 20

3.3K 66 0
By cultrue

Kasing ganda ng sikat ng araw ang ganda ng gising ko ngayon. Umaga palang ay ang gaan na agad ng loob ko. Pagpasok ko sa trabaho ay kunti lang ang gagawin ko. At pagpasok ko ay hindi masyadong madami ang papel na babasahin at gagawan ng report. Okay din dahil wala akong maiuuwi na trabaho sa bahay. Dati ay tambak ako ng gawain. Hectic yung schedule namin dahil palaging may hinahabol na deadline. Pero ngayon ay okay na. Mabuti nalang noong nakaraang Linggo na busy ako ay wala si Phoebian sa bansa. Mabuti at nasa LA siya.

Half day lang at natapos ang gawain ko. Pwede na sana akong umuwi pero hindi yun maari. Eight to five kami sa trabaho. Kung umuwi kami ng maaga ay makakaltasan ang sahod namin. Ganun ka strict yung boss namin. Pero mas mabuting hanggang hapon kami dahil kung sa bahay lang ako ay boring parin. Nakakasawa kasing manuod ng palabas at kumain.

Masaya kong binigay yung last report ko sa head namin. Nang macheck niya  at inaprobahan ang gawa ko ay bumalik na ako sa partitions ko. Sumandal ako sa swivel chair at bumundong hininga. Malalim ang hinugot kong hininga. Tumingin ako sa wall clock malapit sa entrance door ng station namin. Seven minutes nalang before lunch. Humugot uli ako ng malalim na hininga bago ko inayos ang work table ko. Pagkatapon ko sa scratch papers sa trash bin sa ilalim ng work table ko ay napatingin ako sa cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko yung pangalan ni Phoebian. May mensahe siya sakin. Binuksan ko ang kanyang mensahe.

Phoebian:
Cannot call you. I'm inside the conference room. Better eat your lunch before work. Don't worry of me my sweet, I'll take my lunch later after this fucking meeting.

Napangiwi ako sa letrang f sa mensahe niya. Okay na sana yung message kaya lang ay may mura pang halo. Nagtipa ako para replayan siya.

Maia:
Okay lang. Kakain narin ako. Kumain ka para hindi ka gutumin.

Phoebian:
I take note of it. Now take your lunch. I cannot reply you again because some asses keep pestering me.

Mabilis siyang nagreply sakin. Pagkatapos ng kanyang reply ay hindi na ako nagreply dahil baka maistorbo ko yung meeting niya. Mamaya ay tatanungin ko siya kung sino yung sinasabi niyang asses.

Bumaba na ako at lumabas ng building. Tumawid ako sa pedestrian lane at pumunta sa maliit na restaurant sa harap lang ng building namin. Nag-order ako ng dalawang ulam. Puro seafood lang at dalawang scoop ng kanin.

Bumili din ako ng ice cream at chocolate bar para sa dessert ko. Sa opisina ko kinain yun. Nang pumasado alas singko na ay dahan-dahan akong lumabas ng building. Buong hapon ay nanuod lang ako sa Facebook ng mga random videos para malibang. Wala na akong trabaho kaya yun nalang ang ginugol ko. Hindi naman ako sinisita dahil malayo ako sa head namin at syempre may personal space naman kami. At di rin malakas yung volume yung phone ko. Malakas pa nga yung ingay ng air-condition.

Paglabas ko ulit ng building ay nakita ko yung Maybach ni Phoebian. Napataas ako ng kilay at napangisi. Marahan akong naglakad papunta sa kanya. Patagilid siyang nakasandal sa sasakyan niya habang nakatingin sakin.

"Kanina ka pa?" Bungad ko agad sa kanya nang makalapit ako.

Tumango siya. "Twenty minutes. Did you eat your lunch?"

Tumango din ako. "Oo. Hindi pwedeng hindi."

"Good. Shall we in?" Tanong niya at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan niya.

Pumasok ako sa shotgun seat. Umikot siya para pumasok din at magmaneho. Bago kami tuluyang makauwi ay dumaan muna kami sa drive thru. Dinner na namin yun. Habang nasa byahe ay tinanong ko siya kung sino yung sinasabi niyang asses. Gusto ko lang malaman kung sino yung gumugulo sa kanya kanina sa gitna ng meeting niya.

"It's my friends. We discussed about businesses. And it's our mini reunion too. We just celebrated our success throughout the years we've been through."

"Friends? Akala ko cold-blooded ka since birth? Kaugali mo rin ba sila?" Hindi naman yun insulto sa kanya dahil tinawanan niya naman ako. Ang sakin lang ay... nagtatanong lang naman ako.

"Of course I have friends my sweet. We're actually many but I have nine closest friends in my life. And my brother is one of them. He's also part our circle."

"Wow." Bulong ko sabay tingin sa labas ng salamin ng Maybach.

Paniguradong puro mayaman ang mga kaibigan niya. Kung pagbabasihan ay mayaman silang magkakapatid, yung mga kaibigan pa kaya niya?

Bilyonaryo, ultimate riches, gold, men in black suits. Yun ang nasa isip ko sa kwento ni Phoebian sa mga kaibigan niya. Ni isa sa kanila ay wala pa akong nakikilala. Ano kaya kung makilala ko sila? Pero di bale na. Baka hindi yun mahilig makipagkaibigan sa kagaya ko.

Hinatid ako ni Phoebian sa apartment. Hindi daw siya makikitulog sa apartment dahil makikipagkita daw siya kay Phinneas. Nagpaalam na ako sa kanya saka pumasok sa apartment ko. Hindi mo na siya umalis nang hindi niya nakikita na settled na ako sa apartment ko.

Nang araw ng Sabado off ko ay magkasama kami ni Phoebian. Dinala niya ako sa penthouse niya. Sumama ako dahil wala akong magawa sa apartment. Tumulong lang ako sa kanya na tapusin yung naiwan niyang trabaho sa opisina. Dinala niya kasi yung iba niyang gawain. Parang assistant lang niya ako. Pagbabasa lang ng report yung ginawa ko. Habang nagbabasa ako ay nakikinig naman siya kung may mali sa report ng iba niyang departamento.

Dalawang oras yung ginugol namin sa loob ng study room niya. Nag-volunteer ako na gumawa ng meryenda. Sakto naman pagtayo ko sa silya ay may nag-doorbell. Napatingin ako kay Phoebian na ngayon ay nakatingin din sakin.

"May inaasahan ka bang bisita?" Tanong ko na nalilito.

Umiling siya bilang pagsakot. "No, nothing. Can you open the door for me please pretty? Susunod ako."

"Okay."

Nalilito akong sumunod sa sinabi niya. Bigla akong kinabahan, baka parents niya yun. O di kaya si Phinneas. Pero ang sabi ni Phoebian ay alam daw ni Phinneas na girlfriend niya ako. Paano kung parents niya yun? Hindi pa ako handa na harapin sila.

Kahit kinakabahan ako ay hinawakan ko parin yung seradura. Wala akong tao na nakita sa screen. May camera kasi sa labas ni Phoebian. Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang matapang na amoy ng Tom Ford. Mayroon ding pabango na ganun si Phoebian kaya lang ay hindi na niya ginagamit. Ewan ko kung tinapon na niya dahil hindi ko nakita nung naglinis ako noong isang buwan.

Pumasok ang dalawang matatangkad at makikinis na mga lalaki. Akala ko ay dalawa lang sila. Kaya pala ako kinakabahan dahil si Phinneas ang sumunod. Parang tumigil yung oras. Dumoble ang kaba ko dahil napatingin sila sakin na may pagsusuri. Yung isang lalaki ay nakangisi. Yung isa naman na may hikaw sa kaliwang tenga ay nanunuri at si Phinneas naman ay blanko ang ekspresyon.

"Well, well, well, what do we have here?" Aniya ng lalaking nakangisi.

Si Phinneas ay tinampal yung sikmura ng lalaki at inikotan ang mata. Ganun din si Phoebian kapag naiinis.

"Not with this girl East. She's kuya Phoebian's girlfriend."

"Oh what a lovely surprise! And how that fucktard hide this to us? Doesn't he trusted us anymore?" Kunwaring concern ng tao.

Sumagot yung lalaki na may hikaw. "Not to you ass. Hindi ka kasi mapagkakatiwalaan."

"You hurt my feelings man. You're such a sweetheart." Sarkasmong bawi nung East na sinasabi ni Phinneas.

Kapag susuriin ng mabuti ay parang magkasing-tangkad lang sila pero hindi. Pinakamatangkad yung lalaking may hikaw. Ang astig nilang pumurma. Bagay sa kanila yung corporate attire nila. Ito na yata yung sinasabi ni Phoebian na mga kaibigan niya. Pero dalawa lang ang nakikita maliban kay Phinneas. Ang sabi ni Phoebian ay may siyam siyang mga kaibigan. Wala yung anim. Pero di bale. Wala din naman akong pakialam.

"What are you three doing here? Did I already told you to stay away from me for a long time? I don't have foods right now so shoo."

Kaming apat ay napatingin kay Phoebian na kabababa palang galing sa study room niya. Nakasalubong ang dalawang kilay at hindi maipinta ang mukha. Lumapit ako sa kanya at tipid siyang nginitian. Inakbayan naman niya ako.

"Dude you're so mean." Sabi ni East.

"You got yourself a girlfriend now huh. Mind if yah introduce her to us?" Sabi ng lalaking may hikaw.

"It's not important. Hindi naman kayo importante."

Nagreklamo ang dalawang kasama ni Phinneas. Si Phinneas naman ay nakangisi lang habang prenteng nakaupo sa malambot na couch at binuklat ang latest issue ng ELLE.

Umikot ang mata ni Phoebian. Umupo yung dalawang kaibigan nila. Parehong nagrereklamo parin.

"This is my girlfriend, Maia. No need to know her surname because I'm too selfish to give much info about her—"

"Ang sabihin mo, seloso ka lang. You ass, I got a lot of girlfriends." Pagyayabang ni East.

Napatawa ako. Hindi ko namalayan na nakalapit yung may hikaw na lalaki at kinuha ang kamay ko.

"A pleasant day to meet you miss Maia. The name is Ullyseus Augustus Montevar Cantallejo but you can call me Uggo." At pahapyaw niyang dinampian ng halik ang liyabe ko bago pa naagaw ni Phoebian ang kamay ko.

Si Uggo ay nagtaas ng kamay na parang sumusuko at bumalik sa tabi ni East.

"It's just a knuckle, dude. I didn't even kissed her knuckle. I mean, literally." Nakangising sabi ni Uggo.

Nakipag-high five si East kay Uggo at inasar nila si Phoebian na kanina pa naaasar sa kanila.

"I'm Easton by the way. East for short."

Tumango lang ako sa kanilang dalawa ni Uggo. Pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng meryenda para sa kanila. Doon ay napahinga ako ng malalim. Nandito yung dalawang kaibigan ni Phoebian kasama pa si Phinneas. Mukhang walang pakialam si Phinneas sa kung ano ang ginagawa ng kuya niya. Nagkibit-balikat ako. Meaning, walang problema sa kanya. Yung problema ko nalang ay parents nila.

"Are you okay?"

Napaigtad ako sa gulat nang magsalita si Phoebian sa likod ko.

Napahawak ako sa dibdib ko. "Ginulat mo ako Phoebian."

Kumunot ang kanyang noo. "I didn't mean to." Kinuha niya yung tray na may tatlong baso ng juice mula sakin.

"May gagawin ba kayo ngayon? Baka may gagawin kayo, uuwi nalang ako."

"Don't. Wala kaming gagawin today because it's our day off. You can stay in my room or in my study room."

Napahinto ako nang may mapansin ako sa sinabi niya.

"Teka. Ano naman ang gagawin ko sa kwarto mo?" Nagtataka kong tanong.

Nagkibit-balikat siya. "You can sleep or watch some movies. Just do whatever you want inside. Maybe it's better if you stay there rather than to my study room because sometimes... those assholes has this called audacity to roam in my study room. So better stay in my room just in case. Will visit you from time to time."

Sumunod ako sa kanya habang palabas kami ng kusina. May dala akong isang tray ng chicken sandwiches para sa kanila na para sana sa amin ni Phoebian kung hindi lang sila dumating.

Pumasok ako sa kwarto ni Phoebian. Naka-on ang air-con. Pinatay ko yun. Nagsasayang siya ng kuryente. Binuksan ko nalang yung sliding door sa para pumasok yung natural na hangin galing sa labas. Huminga muna ako ng malalim. Tinanaw ko kung gaano kataas yung building. Parang hiniwa ng talim ang puso ko pagkakita sa baba. Bumalik ako sa loob bago pa ako himatayin sa balkonahe.

Malaki ang kwarto ni Phoebian. Sanay na ako sa tanawin sa loob ng kwarto niya pero hindi parin ako nagsasawang pagmasdan ang kabuuan nito. May malaking abstract painting sa itaas ng headboard ng kama niya. Mamahalin yun. Ang dinig ko sa kanya ay umaabot ng two million dollars yung painting. Sa Massachusetts niya binili yun nang bumakasyon siya do'n.

Kahit saan ako tumingin sa buong penthouse ni Phoebian. Nagsusumigaw ang lahat ng bagay ng kayamanan. Nasa bilyon na yata ang ginastos niya sa lahat ng gamit niya. Hindi pa kasama yung mga sinusuot niya kada araw. Kung ako yung may ganun halaga, yung bilyon, ay baka hinandogan ko na yung ilang sirang simbahan o di kaya orphanage.

Umupo ako sa paanan ng kama. Tinignan ko lang yung ibang gamit ni Phoebian. Yung isang picture frame na may larawan niya na naka-graduation gown siya. Highschool palang yata siya dahil batang bersyon ni Phoebian ang nasa larawan. Iisa lang ang picture frame na display niya. May nakita ako dating larawan nila ni Phinneas kasama ang parents nila. Nasa mansyon yun.

Walang ni isa akong ginalaw sa mga gamit ni Phoebian. Ayaw kong mangialam sa gamit ng iba kahit boyfriend ko siya at may permisyon niya ako. Hindi ko gagawin yun dahil nirerespeto ko siya. Buti sana kung asawa ko siya dahil okay yun pero hindi. May limit parin.

Narinig ko yung mahinang pagkatok galing sa labas. Umawang ng bahagya ang pinto at sumilip si Phoebian. Tumayo ako para salubungin siya.

"Hey, I brought you your snacks. I think you're hungry. Sorry for them by the way. Hindi pa sila umuuwi kahit pinapauwi ko na sila."

"Hayaan mo na. Baka ano pa ang isipin nila. Harapin mo nalang sila." Sabi ko at kinuha yung tray mula sa kanya. May isang basong juice at chicken sandwich.

Ngumiti si Phoebian sakin. Inipit niya ang takas na buhok ko sa tenga ko.

"I love you."

Natawa ulit ako. "Alam mo na yung sagot ko. Bawal kang maglambing sakin ngayon dahil nandito sila. Nakakahiya. Lalo pa't nandito yung kapatid mo."

"Who cares? Mahal naman kita at alam nila yun. They can't do anything about it because you're my girlfriend and my future wife."

Tinago ko yung panunukso ng dibdib ko para hindi niya mahalata na nagsasaya yung loob ko. Nagpaparinig siya palagi na ako na talaga ang para sa kanya. Syempre pinapalipasan ko muna dahil hindi pa kami nangangalahati sa tagal ng relasyon namin. Syempre... may iba kasi na isang taon na yung relasyon nila ay nagsasawa na. Yung iba ay buwan lang hahanap na agad ng iba.

First boyfriend ko si Phoebian. First time kong sumabak sa relasyan na'to. Sa limang buwan namin ay wala pa kaming naging problema. Who knows? Baka may darating pa na pagsubok. Sa buhay ng tao kasi ay palaging may kaakibat na problema. Hindi ako naghihintay pero kung ano man ang mangyari... kailangan ay handa ako. Dapat alam ko na kung ano ang gagawin ko.

"Alam ko. Sige na, lumabas ka na. Tawagin mo nalang ako kapag tapos na yung meeting niyo." Biro ko.

Hinalikan niya ang noo ko. Nang humiwalay ay tinignan muna ako at pinisil ang pisngi ko.

"You can watch any movies you want to watch. Feel free." Paalala niya.

"Okay."

Bago siya lumabas ay pinatakan muna ulit ng halik ang pisngi ko. Hindi talaga siya nagsasawa na halikan ako. Umupo ulit ako sa kama nang makalabas siya at napailing sa sarili. Mahal ko si Phoebian. Kung ano man ang maging kapalaran namin ay susundin ko... dahil mahal ko siya bilang lalaki, kapareha, o kung ano siya.

Continue Reading

You'll Also Like

179K 3K 23
From "I love you" to "Sino ka?" real quick. Posible nga ba ang magkagusto ka sa taong hindi mo pa naman lubos na kilala?
789K 19.3K 33
Rated 18+ Matured Content. This is a Self-Publish book. MBBC #1 (Mondragon Billionaires Boys Club 1) Story of Drew James Mondragon and Beauty Acuesta...
568K 13.3K 27
"She was raped and blackmailed to marry her rapist." ****** "Pakakasalan Kita," walang emosyong mababakas sa boses...
1.6M 43.3K 50
Si Aitana ay simpleng guro na nagtuturo sa pampublikong paaralan. Hindi naman talaga nya pangarap ang maging guro. Naging guro sya dahil sa tiyahin n...