Monasterio Series #6: Trapped...

By Warranj

1.7M 74.4K 13K

Being kept in the province of Santa Fe Nueva Vizcaya all throughout his life, Reon Alexis Monasterio had to l... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Reon Alexis
ANIA
Kabanata 43
Adrianna Grace
Kabanata 44
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 68 ll
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas Access

Kabanata 45

20.8K 1K 60
By Warranj

Kabanata 45

Hinintay

Umalis rin si Nero nung gabi. Hindi ko nga lang inaasahan na pagsapit ng umaga ay babalik kaagad siya rito. Kakasikat pa lang ng araw pero heto at siya na kaagad ang nabungaran ko pagbukas ng pinto.

"Morning." he greeted with a little smile on his lips. May paper bag sa kama niya at sa aroma pa lang ng kape, nasisiguro ko nang almusal.

Literal na magulo pa ang buhok ko. Ni hindi ko pa nakakapa ang mga mata ko kung may muta. Basta na lang ako bumangon nang marinig ang sunod-sunod na katok sa labas. Marahil ay nagluluto si Nay Shirley ng pagkain sa kusina kaya hindi niya rin naririnig ang katok.

"Uh, g-good morning rin. Maaga ka ata?" sabi ko at pasimpleng dinala ang mga daliri sa mata para linisin ito.

Nakakahiya naman. Preskong presko itong si Nero sa kulay sky blue na polo shirt at pantalon pagkatapos ako ay mukhang nanglilimahid. Amoy na amoy ko pa ang pabango niya. Kung bakit naman kasi ang aga-aga niya dito.

"Sorry. Did I wake you up?" he asked. The tone of his voice sounded like he's worried that I might get angry that he's here too early. "Gusto ko lang sana makita ang anak natin."

Umiling ako. "Ayos lang. Gigising na rin naman talaga ako dahil mag-aayos ako ng tindahan. Si Skyler... tulog pa kasi siya."

He bit his lower lip and nodded his head. "Can I go inside his room? I just want to be in front of him when he wakes up."

Tumango ako. "Pasok ka."

Kaagad rin akong tumalikod dahil hindi ko pa rin kaya ang makipagtitigan sa kaniya. Masasabi ko na ayos naman na kami ni Nero pero hanggang magkaibigan lang. Kaswal lang para kay Skyler. Marahil ay hindi na kailangan pa ungkatin ang nakaraan. Ang importante na lang ay ang bata.

"Pasensiya ka na. Mantika talaga matulog ang batang iyan. Kung magiging man nang maaga, bihira." sabi ko nang huminto sa harapan ng kama.

He let out a soft chuckle as he sat on the edge of the bed while staring at Skyler.

"Mana sa'yo. Mahirap ka rin gisingin lalo na sa umaga."

Natahimik ako. May kung anong kiliti ang gumapang sa puso ko. Naalala niya ba ang bagay na 'yon? Maliit na detalye pero... naaalala niya pa rin?

Hilaw akong natawa. "Hindi na ngayon. Maaga na ako palagi gumigising dahil nagbubukas pa ako ng tindahan."

Nilingon niya ako saka tinitigan. Nag iwas ako ng tingin at ibinaling ang mga mata ko aking paanan. Ganoon pa man ay ramdam ko ang bigat ng mga tingin niya sa akin.

"Matagal mo nang negosyo ang tindahan mo?"

I raised my head only to meet his eyes. Tipid akong ngumiti.

"Mahigit isang taon na rin. Pagkatapos ko mag resign sa trabaho sa isang kumpanya, nagpundar ako ng pagkakakitaan. Kumikita naman kahit papaano."

Muli siyang tumango. "Did you... have a hard time finding decent job before? Hindi ka sanay sa hirap."

Kinagat ko ang ibabang labi nang maalala kung ilang beses akong pumalya sa paghahanap ng trabaho noon. I faced a lot of rejections but still went on. Mga panahon na hindi ako dapat panghinaan ng loob dahil mayroon na akong Skyler na umaasa sa akin.

"Ilang beses akong hindi natanggap sa ina-apply-an ko. Ewan ko ba. Nakatapos naman ako ng kolehiyo pero parang laging may mali sa akin. Ayaw nila akong tanggapin..." natatawang sabi ko nang muli ko siyang tingnan.

Napansin ko ang pag-igting ng panga niya bago ako iniwasan ng tingin. Tila ba nagmukha siyang iritado pero baka nagkakamali lang ako ng interpretasyon. Ganoon naman kadalasan ang ekpresyon ng mukha niya.

"Pero laban lang. Sa tuwing naiisip ko nang sumuko, pinapaalaa niya sa akin na hindi madaling maghanap ng trabaho. Na kailangan ko magsipag kasi mayroon akong anak na bubuhayin."

He glanced at me. His dark eyes from being merciless became soft.

"Hindi na mauulit, Isha. Hayaan mong saluhin ko ang lahat ng responsibilidad ko sa inyo na hindi ko nagawa noon-"

"Wala kang responsibilidad sa akin, Nero. Hindi rin naman kita inoobliga pagdating sa anak mo."

Ayokong dumating sa punto na malaman ng Mama niya na gumagastos siya ng pera para sa amin kahit pa sabihin na anak niya ang pinaglalaanan niya ng pera. Hindi ko na gusto pang dagdagan ang galit at panghuhusga ni Ma'am Adrianna sa akin.

Tumayo siya saka nagbuntonghininga. He ambled towards me without removing his eyes off me. Lumunok ako, hindi gusto ang nararamdamang kaba lalo na at papalapit na siya sa akin. Hangga't maaari... mas gusto kong mag-usap kami nang magkalayo. Dahil aaminin ko, masiyado pa rin matindi ang epekto niya sa akin.

Huminto siya sa harapan ko. Bahagya ko siyang tiningala habang mataman na nakatitig sa isa't isa.

"Please let me have this part, Isha. Hayaan mo akong maging ama sa anak natin..." aniya, nakikkiusap ang mga mata. "Let me be the man you can lean on in times you feel weak. The man I wasn't able to be when you need me the most."

No words. I was just eyeing him as I feel my eyes getting warm because of his heartfelt words.

Hanggang ngayon, Nero, iniiyakan pa rin kita. Wala namang masakit sa mga sinabi mo pero pakiramdam ko ay nasasaktan ako. Nakakainis kasi hindi ko magawang mapagod sa'yo.

"Mama?"

Parehas kaming napalingon ni Nero sa kama nang marinig ang tawag na 'yon. Nakaupo habang humihikab, palipat lipat ng tingin si Skyler sa akin at kay Nero.

Nagkatinginan kami ni Nero. Ako ang unang nagbawi at pinuntahan si Skyler.

"Good morning! Kumusta ang tulog mo?" malawak ang ngiti na bati ko at niyakap siya.

Muling sumulyap si Skyler kay Nero. I slightly glanced at him and found him staring at our son.

"Okay naman po, Mama. Nanaginip po ako..." ani Skyler na pumukaw ng atensyon ko.

"Talaga? Ano'ng napanaginipan mo?"

Naupo ako sa tabi niya. Nero was still standing to where he is while staring at us.

"Kasama ko raw po si Papa kagabi."

Natigilan ako sa naging sagot niya. I turned my head to Nero and saw him staring at Skyler with love and longing.

Mariin kong kinagat ang labi nang balingan si Skyler. I smiled at him and caressed his cheek.

"Mukhang hindi lang panagip 'yon, anak. Totoong kasama mo ang Papa mo kagabi."

Namilog ang mga mata niya. Maging ang mga labi ay bahagyang umawang.

"Po? Imposible po ata 'yon, Mama. Hindi naman po ako kilala ni Papa, hindi ba?"

Natapon ang pait sa puso ko nang sabihin ni Skyler 'yon. Tumungo ako, pigil ang sariling umiyak sa harapan niya dahil maguguluhan lang siya sa iaasta ko.

"At saka, Mama, hindi po ba at siya iyong lalaki na yumakap po sa'yo nung kumain po tayo sa labas kasama si Kuya Jeremy? Bakit po siya narito?"

Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Skyler at tinitigan siya sa mga mata.

"Hindi ba at palagi mong hinihiling kay Papa Jesus na sana ay makilala mo na ang Papa mo? At ang sabi ko sa'yo, tutuparin Niya iyon sa tamang panahon?"

Kahit pa ang totoo ay hindi na ako umasa sa bagay na 'yon. Mabait pa rin talaga ang Diyos sa akin dahil sa kabila ng mga pagkakamali ko noon lalo na sa pamilya nila, heto at nagtagpo pa rin kami ni Nero para na rin kay Skyler.

Nanglaki ang mga mata ni Skyler. "Tinupad Niya na po?"

Ngumiti ako sa kaniya at nilingon si Nero. Tinanguan ko siya. He took that sign to step forward until he reached us. Wala pa man ay nagtutubig na ang mga mata niya habang titig na titig kay Skyler. Binalingan ko ang anak.

"Skyler, hindi ito ang una n'yong pagkikita pero ito ang unang beses na ipapakilala ko kayo sa isa't isa..."

Tuluyan nang nabasag ang boses ko. I lowered my face, pursed my lips as I tried to stop myself from breaking down.

I felt Nero squat in front of us. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko at buong tapang na nag angat ng tingin sa mag... ama ko.

"Skyler, anak, siya ang P-Papa mo."

Lumipat ng tingin si Skyler kay Nero. Tinitigan niya ito nang matagal, nanghaba ang nguso kalaunan.

"Hi, Skyler. It's my pleasure to finally meet you." napapaos ang boses na sabi ni Nero, puno ng pag-iingat. Tila ba nag-aalala siya na baka hindi siya magustuhan ng anak niya.

Sumimangot si Skyler. Wala sa sariling napatingjn si Nero sa akin, napapalunok.

"English speaking ka rin po kagaya ng mama na nagpunta dito. Sabi niya, tito ko daw po siya."

Natawa ako nang maalala si Zadriel. Nagkatinginan kami ni Nero. He was clueless at first but soon realized that it's his brother.

"Pero Papa ko po talaga kayo? Hindi po issaprank!" ani Skyler at itinaas pa ang dalawang kamay na tila ba pina-prank nga siya.

I almost made a facepalm. Kakapanood nila ni Nay Shirley ng tv ay nakukuha niya ang mga ganoong salita.

Nero chuckled huskily as if he found him really adorable.

"No, son. This isn't a prank."

Bumuntonghininga si Skyler na tila ba napapagod na.

"Nosebleed naman po ako sa'yo, e."

Muling natawa si Nero. "Magta-tagalog ako para sa'yo..." Sinulyapan niya ako, ang makapal na kilay ay bahagyang umangat. "He got your personality, huh?"

Ngumuso ako. "Hindi, ah. Tahimik kaya ako."

Umangat ang gilid ng labi niya. "Kunyari naniniwala ako."

Natawa ako. Alam na alam niya na sa buong relasyon namin, ni minsan ay hindi ako tumahimik kapag magkasama kami. He always wanted to hear my voice, talk even if it's already nonsense. Ayaw niyang tumatahimik ako. He said that being talkative was one of the reasons why he fell for me.

Sabay namin nilingon si Skyler. Titig na titig siya kay Nero. He suddenly brought his hand to his cheek and caressed it gently. Para bang sinisiguro niya kung totoo bang nasa harapan niya ang ama.

"May Papa na po ako?" mahinang bulong niya, seryoso ang ekpresyon nang maamong mukha.

Tumango si Nero. "Hindi kailanman nawala. Nagkahiwalay lang ng ilang taon pero hindi ka nawalan ng ama, Skyler."

"Hindi mo na po kami iiwan ni Mama?"

Nag iwas ako ng tingin. Ayaw kong makita nang harap harapan ang magiging sagot ni Nero. Alam kong sa kabila ng pagkikita nila ay hindi pa rin maiaalis ang katotohanan na hanggang dito na lang kami.

"Hindi na." sagot ni Nero na nagpabigat sa dibdib ko.

"Kung ganoon, p-puwede ko po kayo yakapin?"

Saka lang ako nag angat ng tingin nang itanong iyon ni Skyler. Nero smiled at him and pulled him gently closer to him. He wrapped his arms around Skyler's body. As soon as he felt him, he shut his eyes making the tears slowly roll down his cheeks.

Maging si Skyler ay nagsimula na rin magpakawala ng magkakasunod na hikbi.

"Ang tagal po kitang hinintay P-Papa ko... "

Continue Reading

You'll Also Like

103K 4.9K 27
Alecxandra was broken-hearted from her past relationships. Nang magbakasyon sila ng kaniyang best friend sa isang island resort, ang Villa Martinez...
2.3M 91K 44
Adrestia Lucinda Dela Cruz is a very hardworking young lady from Cebu. At a young age, she already knows what she wants to do and how she can achieve...
416K 14.8K 66
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
1.6M 70.3K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...