Monasterio Series #6: Trapped...

By Warranj

1.7M 74.6K 13K

Being kept in the province of Santa Fe Nueva Vizcaya all throughout his life, Reon Alexis Monasterio had to l... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Reon Alexis
ANIA
Kabanata 43
Adrianna Grace
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 68 ll
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas Access

Kabanata 44

20.8K 1K 125
By Warranj

Kabanata 44

Cruel

Magaan sa kalooban isipin ang katotohanan na kahit papaano ay maayos na kami ni Sir Zion at Zadriel. Ni sa hinagap ay hindi ko inasahan na makakaharap ko ang kahit na sino sa kanila matapos ang ilang taon.

I can still remember how mad Zadriel was when he found out that I fooled them before. Hindi ba at nag-away pa silang dalawa ni Nero? Maging si Sir Zion, wala mang kibo ay ramdam ko kung gaano katindi ang naging galit niya sa akin noon. I can never forget how ruthless he is. A silent but deadly kind of man. Isang pitik lang ng mga daliri, kaya niyang pabagsakin ang lahat.

Kagaya ng ginawa niya sa pamilya ko.

Kaya naman mahirap rin talaga paniwalaan na sila ang unang lumapit sa akin para kilalanin si Skyler. Kung tutuusin, puwede nilang baliwalain ang anak ko lalo na at inakala kong hindi ito kawalan sa kanila.

Kabaliktaran lahat. They wholeheartedly accepted my son. Sir Zion even tried to give me a huge amount of money to buy all of Skyler's needs but I refused.

Hindi kailanman ako... tatanggap ng pera o materyal na bagay mula sa kanila. Sapat na sa akin na tinanggap nila si Skyler bilang parte ng pamilya nila.

Hindi rin ako umaasa na lalapit sa akin si Ma'am Adrianna para tanggapin ang apo niya sa akin. It will take a long time for her to forgive me.

O, baka hindi rin mangyari.

Pinagmamasdan ang madilim na kalangitan sa terasa, hindi ko maiwasan ang hindi maalala ang Santa Fe kapag sasapit ang ganitong oras. Tuwing gabi ay gustong gusto ko pinagmamasdan ang langit doon. Litaw na litaw ang mga bituin at para bang kaya ko itong abutin sa pamamagitan lang ng pagtingkayad.

Tama si Nero noong magkita kami sa Rose Garden. Hanggang ngayon, hilig ko pa rin ang pagmamasid sa mga bituin. Hindi pa rin ako nagbabago kahit ilang taon na ang lumipas. Maging sa kaniya.

Hanggang ngayon... siya pa rin.

Wala sa sarili akong napalingon sa bakuran nang makita ang liwanag mula sa headlight ng isang sasakyan. Napatuwid ako mula sa pagkakaupo, hindi maintindihan kung bakit kailangan makaramdam ng kaba. Siguro ay dahil kahapon lang, narito sina Sir Zion at nakakotse rin.

Hindi kaya isa ito sa mga kamag anak niya? Ni minsan ay walang nagtungo dito nang nakakotse. Wala rin akong ibang kaibigan bukod kay Jeremy. At kagaya ng sinabi ni Skyler, wala naman kotse 'yon.

Awtomatiko akong napatayo mula sa kahoy na upuan nang maaninag si Nero na lumabas mula sa driver's seat. Nagwala ang tibok ng puso ko, tila hinahabol lalo pa nang pumihit siya sa gawi ko.

Kahit pa malayo ang distansya niya ay malinaw kong nakita ang mga mata niyang nakapako sa akin.

Ano'ng ginagawa niya dito? Paano niya nalamang dito ako nakatira? Kung sa bagay. Sina Sir Zion at Zadriel nga alam kung nasaan ako. Siya pa kaya? Palaging walang imposible sa mga Monasterio.

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko hanggang sa huminto siya sa aking harapan. Ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib dahil sa presensya niya. Alam ko naman na magkikita pa ulit kami matapos niya malaman ang tungkol kay Skyler mula sa akin. Imposibleng baliwalain niya ito dahil alam akong hindi siya ganoong klase lalaki.

Hindi na lang talaga ako sanay na nakikita siya sa harapan ko. Palagi akong nasasabik. Pero aaminin ko na naroon rin ang pangamba.

"Hi." he greeted and let out a little smile that's already close to smirk. That's him. He actually doesn't know how to smile. Pag ngisi lang ang alam niyang gawin. "I'm sorry if I came here late."

Act casual, Isha. Hindi mo puwedeng ipakita sa kaniya na ganoon pa rin ang epekto niya sa'yo katulad nung nasa Santa Fe pa kayo.

"Nero..." sabi ko at tipid lang rin na ngumiti. "Pasok ka."

Tumango siya. He bit his lower lip and looked down. Pansin ang matinding lungkot sa mga mata niya. Sa ilang buwan na nagkaroon kami ng relasyon noon, madali ko siyang nakilala. Alam ko kapag may dinadala siya hindi man siya magsabi sa akin.

Naglakad siya palapit sa gawi ko. Naupo ako habang siya ay pumwesto sa upuan sa harapan ko. He casually sat down, his thighs slightly spread apart. He leaned his elbows above his knees and clasped his hands.

Naglakas loob akong tingnan siya sa mga mata. I noticed his five o'clock shadow that made him even more attractive. Sa Santa Fe ay hindi ko kailanman siya nakitang may balbas o bigote. Ngayong may kaunti na ay aaminin ko na mas lalo siyang nagmukhang gwapo.

"You don't look surprise that I'm here." he said. "Or how I found out your place."

Paano nga ba? Sina Sir Zion kaya? Pero ang sabi niya sa akin ay huwag kong sasabihin kay Nero na nagtungo sila dito. Si Dreya at Dashiel? I told them not to tell him that they knew the truth since the very beginning. Ayaw kong madamay sila.

"Ikaw pa ba? Madali na para sa'yo ang makita ako."

"It's not. I didn't find you for the past years I was looking for you, remember?"

Oo nga pala. Paano niya pala nalaman kung ganoon?

"I knew that my father went here with Zadriel. I just want to ask if... they did anything rude to you?"

Alam niya na kung ganoon. Sila rin mismo ang nagsabi?

"Wala silang ginawa o sinabing masama sa akin. They were here to meet Skyler."

He nodded his head like he already knew it. Malamang nga ay nasabi na sa kaniya ang tungkol doon.

Tumungo siya, huminga nang malalim at ilang sandali na nanatili ang mga mata sa sahig.

"I'm glad they accepted my son."

My son.

Ang tagal kong inasam na marinig mula sa kaniya ang mga salitang 'yon. Akala ko ay magiging imposible na. Mabait pa rin ang langit sa akin sa kabila ng pagkakamali ko sa kaniya at sa pamilya niya noon.

Magkakaroon na ng ama si Skyler.

Sa wakas.

Wala akong naisagot kung hindi matipid na ngiti lang. I had to anchor my eyes somewhere for he's staring intently at me. It's as if he's trying to memorize every feature of my face.

"Can I meet him, Isha?" tanong niya sa napapaos na boses dahilan para lingunin ko siya. "Baka puwede ko nang makilala ang anak natin?"

Tila may kumurot sa puso ko nang marinig ang pagmamakakaawa sa boses niya. Sa mga sandaling ito, gusto kong sisihin at makaramdam ng galit para kay Ania na inilihim niya sa kapatid niya ang tungkol kay Skyler. Hindi lang ang anak ko ang inalisan niya ng karapatan makilala ang ama nito, maging si Nero rin.

Ina rin siya. Dapat ay alam niya ang pakiramdam ng isang anak kung mamulat ito nang walang kinagisnang ama. She's lucky she has a perfect life with her family. Pero sige. Ayos lang. Naiintindihan ko. Galit siya at ayaw niya sa akin kaya niya nagawa 'yon.

"N-Natutulog na siya. Ayos lang sa'yo?"

Tumango siya. "Just wanna see him."

Isang tango lang ang isinagot ko bago huminga nang malalim at tumayo.

"Sundan mo na lang ako."

Bago ako tumalikod ay nakita ko pa ang pagtayo niya. Mabilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad papasok sa bahay lalo pa at alam kong kasunod ko lang siya sa likuran.

I can even smell his perfume as we walk. Nanglalamig rin ang mga palad ko dahil sa tensyon. Medyo mantika kung matulog si Skyler kaya duda akong magkakausap sila nito.

Hindi bale. Nasisiguro ko na hindi ito ang huling pagkakataon na dadalawin ni Nero si Skyler.

Alam kong may susunod pa.

Binuksan ko ang kwarto ni Skyler. Lampshade na lang ang nakabukas pero maliwanag pa rin naman. Nakatagilid si Skyler, nasa amin ang direksyon ng mukha. Ipit na ipit ang pisngi nito dahil sa posisyon. Pansin kung gaano ito kalaman.

I slowly turned my head to Nero who's already standing beside me. His eyes were on Skyler. Titig na titig siya dito. Kulang na lang ay hindi na kumurap.

"Can I sit beside him?" he asked softly.

"Sige lang."

Marahan at puno ng ingat siyang humakbang palapit sa anak. Inakala kong mauupo siya sa tabi nito kagaya ng paalam niya. Instead, he squatted in front of Skyler that made him level his face.

Pain crept on my chest when I saw him gently hold his hand. Dinala niya ito sa labi niya at marahang pinatakan ng halik.

Umigting ang panga niya habang nakatitig kay Skyler. Hindi nagtagal at tumungo siya, nananatili pa rin nakahawak sa kamay ng anak na ngayon ay nakatuon sa kaniyang noo.

I saw him close his eyes tightly. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib nang makita ang paggapang at pagkinang ng luha pababa sa pisngi niya.

Nag angat siya ng tingin kay Skyler hindi kalaunan. Tipid siyang ngumiti, mahigpit pa rin hawak ang kamay nito.

"Dada is here, son..." Nero's voice broke into tears. Muli siyang tumungo habang nakatuon pa rin ang magkahawak nilang kamay ni Skyler sa kaniyang noo. "Jesus. I have a son."

Huminga ako nang malalim habang pigil ang luha na gustong umalpas mula sa mga mata ko.

I realized, his parents had to hide him for so long just to protect him from their enemies... from us. He didn't have the chance to be with his family, bond with his siblings while growing up and I know it's one of the hardest phases of his life.

Ngayon, maging sa anak niya ay naranasan niya ang mapagkaitan ng karapatan na makilala ito at makasama sa ilang taon na nakalipas.

Pinagmamasdan ko si Nero na titigan mabuti ang anak namin. Seeing him this way hurt me. Hindi ko alam kung bakit ang sakit-sakit niya makita sa ganitong paraan. Lalo pa nang walang malay na ikawit ni Skyler ang isang kamay niya sa leeg ni Nero at tila ba nananaginip.

Mabilis kong pinalis ang luha na naglandas sa mga pisngi ko nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.

I won't ever deprive you the chance to be with our son, Nero. Umpisa pa lang naman ay hindi na kita pinagkaitan ng karapatan.

It's just that... life has been cruel to us ever since we both fell in love with each other.

"Papa..." malambing na bulong ni Skyler habang natutulog pa rin.

Continue Reading

You'll Also Like

511K 19.1K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.2K 288 16
Calem Imperial's story. -Some chapters contain mature content.
420K 14.8K 66
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
104K 4.9K 27
Alecxandra was broken-hearted from her past relationships. Nang magbakasyon sila ng kaniyang best friend sa isang island resort, ang Villa Martinez...