Monasterio Series #6: Trapped...

By Warranj

1.7M 74.8K 13K

Being kept in the province of Santa Fe Nueva Vizcaya all throughout his life, Reon Alexis Monasterio had to l... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Reon Alexis
ANIA
Kabanata 43
Adrianna Grace
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 68 ll
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas Access

Kabanata 39

22.8K 806 62
By Warranj


Kabanata 39

Bittersweet

"Wala na tayong dapat pag usapan." diretsong sagot ko kay Nero habang titig na titig sa kaniya.

Kanina ko pa gustong magbawi ng mga mata dahil aaminin ko na habang mas tumatagal ako na nakatingin sa kaniya, mas lalo kong nararamdaman ang pagkawala sa sarili.

Hindi pa rin talaga ako nagbago. I am still the same Isha who admires him a lot. I'm still head over heels in love with him even after of everything that happened between us before. Kahit nagkasakitan kaming dalawa, mahal ko pa rin siya.

Hindi man lang nabawasan.

"Just five minutes. That's what I'm only asking." sabi niya, marahan ang boses na akala mong wala kaming mapait na nakaraan.

"Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?"

He sighed and leaned his back against the chair. Malaking tao siya at literal na nagmukhang maliit ang silya dahil sa kaniya. I've noticed that his body became even more firm and attracted way better than before. Maganda na ang katawan niya noon pero iba ang dating ngayon.

Is he spending most of his time at the gym? Maybe.

Nero suddenly licked his lower lip. Kusang bumaba ang mga mata ko doon lalo pa at mas lalo 'yong namula. His jaw was clenching while looking outside the wall glass. Pansin na pansin ko tuloy kung gaano ka-perpekto at kaganda ang pagkakadepina ng panga niya.

"How are you?"

He suddenly bore his eyes on my direction that made me look away! My throat ran dry for I know I am too obvious about staring at him.

Isha naman kasi! Huwag kang masiyado magpahalata na patay na patay ka pa rin sa kaniya hanggang ngayon!

Kung bakit naman kasi ang hirap kalimutang ng Monasterio na ito.

"Ayos naman ako. Matagal na akong ayos..." sagot ko, huli na nang maisip na masiyadong defensive ang sagot ko na 'yon. "Iyon lang ba ang itatanong mo?"

Tumango tango siya. "That's good. How long have you been staying here?"

"Simula nung umalis ako ng Sante Fe, dito na kami nanirahan ni Nay Shirley."

"How is she?"

"Ayos lang rin."

Sinasadya kong iksian ang sagot ko para na rin mawalan siya ng gana na magtanong pa sa akin. Pero iyon lang ba talaga ang mga itatanong niya? Kung kumusta na ako? Wala na talaga? Sure na?

Silence lingered in the air for the next couple of seconds. Hindi na ako muling tumingin sa kaniya at sa labas na lang itinuon ang mga mata. Ganoon pa man ay ramdam ko pa rin ang bigat ng mga titig niya sa akin.

I breathed a heavy sigh and looked down my pinky wrist watch.

"Lagpas ka na ng limang minut-"

"Aren't you going to ask me how I was throughout the past years?" he suddenly cut me off.

Hindi ako nakasagot o nakagawa man lang ng kahit anong reaksyon. I didn't expect that question from him. Gusto ko siyang kumustahin kahit pa hindi niya na sabihin. Pero ayaw kong isatinig. I want him to think that I don't care about him anymore. That I don't care how he went through for the past years.

Pero malabo.

Huminga ako nang malalim, dismayado sa sarili.

"K-Kumusta ka na?" tanong ko, nananatili pa rin nakakatitig sa relo ko.

"Miserable..."

My eyes automatically raised when I heard his answer. Sa paraan ng sagot niya, para bang hindi na pinag isipan dahil iyon naman talaga ang nakaplanong bitawan ng bibig niya.

Hilaw akong natawa. Kung hindi ko magawang iparamdam sa kaniya na wala na akong pakialam, ang itrato siguro siya ng sibil ay hindi na masama.

"Bakit? Sa Santa Fe ka pa rin ba nakatira?"

Sa gitna ng paninitig niya sa akin ay umiling siya.

"I already left after we... broke up."

Kaya ba hindi na rin kita nakausap pa nung bumalik ako mula Maynila para kausapin ka at sabihin sa'yo na buntis ako?

Sinabi kaya sa kaniya ni Ate Choleng na nagtungo ako doon? Maaaring hindi. Malakas ang pakiramdam ko na lahat sila doon ay kinalimutan na ang katotohanang nagkaroon siya ng relasyon sa isang kaaway.

Like a Visha Seraphine Montezor never really existed in their world.

Pakiramdam ko, wala pa siyang alam na nagkaroon kami ng anak kahit pa nakita niya na si Skyler kahapon. Mukhang hindi nga sinabi ni Ania.

Hindi ba siya nagduda?

"Ah, so sa Maynila ka na nakatira?" tanong ko, nagsisikap na huwag lagyan ng interes ang tono ng aking boses.

He nodded his head.

"Mabuti naman kung ganoon. Mas bagay sa'yo ang manirahan doon dahil marami kayong negosyo na doon rin nakabase, hindi ba?"

Muli siyang tumango. His face was stern and dark. He was even silent as if I was the one who initiated this conversation! Siya nga itong may gusto na kausapin ako, hindi ba? Mukhang mas madaldal pa nga ako kesa sa kaniya.

"Can I drive you home?"

Mabilis na nagwala ang puso ko nang marinig ang sinabing iyon ni Nero. Napatuwid ako mula sa pagkakaupo, hindi alam ang sunod na magiging reaksyon. Ang simple lang naman ng tanong niya kung tutuusin pero para na naman akong bulate na inasinan dito.

Ano ba, Isha?! Huwag kang magpapadala sa mga ganiyan ng lalaking iyan! Baka nakakalimutan mong hindi na kayo puwede dahil sa nakaraan n'yong dalawa. Isa pa, hindi ba at nobya niya na ulit si Gwyneth? Hindi ako sigurado kung siya man ang tinutukoy ni Nero na dati niyang nobya pero malakas ang pakiramdam ko.

"No, thank you. Kung wala ka nang sasabihin pa, mauuna na ako."

Tumayo na ako at kinuha ang dalaw sako bag na puno ng mga souvenir na binili ko. Medyo malagkit pa ang mga kamay ko dahil sa ginawang pagkakamay kanina. Magbabanyo pa sana ako para maghugas pero mukhang wala nang pagkakataon.

Iaangat ko na sana ang hawak na sack bag nang biglang maputol ang tali nito mula sa pinagkakapitan.

Sa dami ng pagkakataon na puwede akong masiraan ng gamit, ngayon pa talaga kung kailan nagmamadali ako para maiwasan siya.

"No choice?" dinig kong tanong ni Nero habang nakayuko pa rin ako sa mga bitbitin ko. Ramdam ko ang pang-aasar sa boses niya. "Ihahatid na kita pauwi-"

"Alam mo, Nero, hindi ko maintindihan kung bakit nasa harapan kita ngayon na para bang wala tayong pangit nakaraan. Stop acting like we're fine! Like we are already civil to each other because clearly, we're not!" hindi na napigilan pang sabi ko matapos mag-angat ng tingin sa kaniya.

He arched his brow up while staring at me. He looks to chill and relax! He even leaned his back against the chair and crossed his arms against his chest.

"And there you were telling me that you have already moved on. Bakit galit na galit ka ngayon sa akin?"

"Hindi ako galit! Ang sinasabi ko lang, huwag na tayong mag-usap! Why are you even here in Baguio?"

Mabuti na lang talaga at wala masiyadong tao dito sa loob ng McDonald's. Kung mayroon man, malayo sa gawi namin at hindi dinig ang kung ano mang sinasabi ko dito ngayon.

"Bawal? The city is not yours."

"Wala naman ako sinabing sa akin ang Baguio! Bakit kasi narito ka rin sa lugar kung nasaan ako?" Humalukipkip ako sa harapan niya. "Sinusundan mo ba ako?"

The corner of his lips raised into a god-like smirk. I had to swallow to put moisture in my throat for it suddenly became dry.

Ang gwapo niya pa rin talaga! Mas lalong naging gwapo ngayon. Iyong tipo ng itsura na panghihinayangan mo kapag naghiwalay kayo.

"If yes, would you do something about it?"

Huminga ako nang malalim. "Kung tungkol pa rin ito sa nakaraan natin at sa ginawa kong pangloloko sa inyo, hindi pa rin ba tapos?"

I'm not buying his words that he followed me here. Ang totoo niyan, maaaring aksidente lang na nagkita kaming dalawa. He might be with Gwyneth. Baka namasyal sila dito at pagkatapos ay naghiwalay sandali dahilan para makita ko siyang mag-isa.

Ang isipin pa lang na sabay silang nagtungo dito para mamasyal ay tila may mapait na natapon sa dibdib ko.

At kung totoo man na sinusundan niya ako, nasisiguro kong tungkol pa rin sa ginawa kong pangloloko sa kanila ang dahilan.

Ano pa ba ang kailangan nila? Nanahimik na nga ako. Sigurado na maging si Mommy ay ganoon rin. Wala siyang kakayahan na labanan mag-isa ang mga Monasterio. Baka nga bagsak na bagsak na sila kasama si Daddy. Hindi ko alam dahil wala naman na kaming komunikasyon mula nung itakwil ako ni Mommy.

Bumuntonghininga ako.

"Tama ka. Narito ako sa harapan mo ngayon dahil sa nakaraan natin. Our past is still haunting me even until now, Isha..." sabi niya habang malamlam ang mga mata na nakatitig sa akin. Tumaas-baba ang dibdib niya tanda ng paghinga niya nang malalim. "My bittersweet memories with you keeps on haunting me and it's already fucking me up. I really got it so bad, huh?"

—•—

The last chapter of The Last Monasterio (Kabanata 70) will be posted on Patreon and Facebook VIP group later tonight! To those who want to read the advance chapters, this is the perfect time to avail the membership for only ₱150!

For inquiries, you can message me on my Facebook: Warranj Monasterio

Thank you! ❤️

Continue Reading

You'll Also Like

7.2K 288 16
Calem Imperial's story. -Some chapters contain mature content.
4.5M 54K 20
Yza Consunji had always had choices. She grew up having everything even if she didn't ask for it. She had a perfect life although she just wanted to...
66.9K 3.9K 16
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
427K 14.9K 66
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022