STILL OWNED BY HIS ARMS

By myshaki

272 18 1

TAMARA LOUISSE CUANTRILLO is the daughter of one of the country's most successful businessman. She was born... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15

CHAPTER 13

11 0 0
By myshaki

Chapter 13 - CONFESSION


Every step Tamara takes toward the unit of the person she wants to see is utter loneliness engulfing her being.

Her mind is so confused now. There were so many questions and things running through her mind. She didn't know why it all came to this. She felt that she was being played by the people around her.

Nang makarating sya sa tapat ng pinto ng condo unit nito ay naka tatlong katok lang sya bago may mag bukas nito.

Gulat ang nakitang expression ni Tamara sa lalaking nasa harapan nya. Mukhang kagigising lang nito. At doon nya naalalang madaling araw na pala.

Muling bumuhos ang luha nya ng makita ang nagbukas ng pinto.

"Tamara." said the man who opened the door. There were wondering and worried eyes that greeted her, the reason why she got even weaker.

"Kuya" iyon lamang ang nasambit ni Tamara bago sya muling umiyak. Agad naman syang pinapasok ni Liam sa condo nito at niyakap sya na tila isang batang pinatatahan.

Sanay si Liam na lagi nyang inaasar si Tamara. Ngunit alam nya na sa sitwasyon nito ngayon ay kailangan sya nito hindi bilang kaibigan kung hindi bilang isang kinikilalang nakakatandang kapatid.

Niyaya ni Liam si Tamara sa salas ng unit nya at doon sila naupo. Yakap yakap nya ang umiiyak na si Tamara. Wala syang magawa kung hindi ang haplusin ang likod ni Tamara.

Wala syang alam sa kung anong nangyari kay Tamara. Ngunit isang rason lang ang naiisip nya para umiyak ang dalaga ng ganito. Ang pamilya nito.

Halos isang oras umiiyak si Tamara. Naikuha na din sya ni Liam ng tubig upang mabawi ang mga nailuha nya.

Now they are in the room and they are both sitting while Liam is leaning on the headboard and Tamara is leaning on Liam's shoulder. Both are quiet and sympathetic to each other.

Later Liam spoke. "You should sleep. I'm sure pagod ka." 

Umayos naman ng upo si Tamara at hinarap si Liam. "Hindi ka ba magtatanong?" tanong ni Tamara kay Liam.

Umiling si Liam. "You need to rest. Let's talk tomorrow." nginitian ni Liam si Tamara.

Tumango lamang si Tamara at nahiga na. Ilang minuto lamang at nakatulog na din ito. Marahil ay dahil sa pagod sa kaiiyak.

Pinakatitigan ni Liam si Tamara. Hinahamplos haplos nito ang buhok ni Tamara.

"I don't deserve the trust your giving me, Tamara. I know, you're about to hate me too by the time you find out the truth. But I hope you understand us." Bulong ni Liam sa natutulog na si Tamara. Liam's eyes filled with pain before arranging the blanket that covered the girl's body before he left the room.

When he came out of the room, someone was calling on his cell phone. He answered it immediately.

"She's sleeping." tipid nyang saad sa kausap sa cellphone.

"Thanks, Bud." sagot ng kausap nito.

"Should I prepare for her anger, too?" Tanong ni Liam sa kausap.

"I will tell her everything." the voice of the person answering from the other line was hoarse.

"If you had told her everything before, it might not have come to this. She's in so much pain, Zach. She doesn't deserve this." Saad ni Liam sa kausap sa kabilang linya bago ito pinatay.

Yes, Tamara and I have only known each other for more than a year, but she really considers her as her own younger sister. He is happy every time he is approached when the girl has a problem but this time, isa sya sa magiging dahilan ng ikasasakit ni Tamara.

"I'm sorry, Tamara." mahinang saad ni Liam sa sarili.

-

Nagising si Tamara na namumugto ang kanyang mga mata, halos 12pm na din nang magising sya. Naabutan pa nya sa kusina si Liam na naghahanda ng tanghalian.

Agad naman sya nitong pinaupo sa dinner table.

"Good Morning, how's your sleep?" Si Liam habang nag aayos ng mga plato at pagkain sa lamesa.

Wala syang nakuhang sagot kay Tamara dahil mistulan itong lantang gulay. Napabuntong hininga na lamang si Liam bago naupo sa katapat na upuan ni Tamara.

"What do you want? May sinigang dito may adobo din tsaka nag fried chicken din ako. Pang breakfast sana kaso tulog ka pa kaya iniinit ko na lang. Anong juice pala ang gu—"

"Uuwi na 'ko." Putol na saad ni Tamara kay Liam. After that, she took her belongings straight away and was about to leave Liam's condo.

"Wait." pigil ni Liam kay Tamara. "I'll drive you home." pumasok si Liam sa kwarto nya at nagpalit ng damit at kinuha ang susi ng sasakyan nya. In his hope, Tamara waited for him but Tamara didn't wait for him anymore. Tamara left. Liam immediately followed Tamara but it was no longer in the condominium building.

-

Maaga pa ay nasa mansion na ng mga Cuantrillo si Zach. Iniintay nya ang pag uwi ni Tamara. Ngunit tanghali na ay wala pa din ito. Lalo pa silang nag-alala nang dumating sa mansion si Liam na hindi kasama si Tamara.

Dahil doon ay nagpasya na sila na hanapin si Tamara. Kahit ang kambal na sina Denn at Jenn ay nag aalala na din dahil alas singko na ng hapon ay hindi pa din nila mahanap si Tamara. Sinubukan nila sa mga paborito nitong lugar ngunit wala si Tamara doon. Maging sa puntod ng Mommy nito ay wala si Tamara.

Lahat ay natataranta sa paghahanap kay Tamara.

"Shit, dapat hindi ko sya hinayaang makaalis." inis na saad ni Liam sa sarili. Habang pabalik sila  mansion ng mga Cuantrillo.

"Mahahanap din natin si Tamara. Uuwi din sya." pagpapagaan ng loob ni Mellisa kay Liam. Habang si Zach naman ay tahimik na nag didrive.

"Ate Bianca texted, nasa bahay na daw si Tamara." Biglang saad ni Denniva. Agad namang pinabilis ni Zach ang pagmamaneho para mabilis na makarating sa Mansion.

-

"Hi po!" Tamara had just come out of her room when she saw Mellisa's child. She ignored it but walked down the stairs. She had reached the kitchen but the little girl still followed her. Kumuha sya ng maiinom at kahit matapos na sya sa pagkuha ng inumin ay nakasunod pa din ang batang babae. Natatandaan nya ito. Ito yung bata sa mall, yung nawawala.

Hinarap nya ito. "Stop following me. What are you, a dog?" she growled angrily at the girl.

"Don't heap your frustrations on the child, Tamara. She's just a kid." Saan ng Lola ni Tamara. "Come here, sweetheart." Pagtawag nito sa bata.

Pagkaalis ni Tamara sa Condo ni Liam ay nagpalipas sya ng oras sa isang coffee shop na malapit sa Condo nito.

Umuwi lang sya nang mawalan na ang sikat ng araw. Gabi na nang makarating sya sa bahay at napag-alaman nya wala sa bahay ang Lolo at Daddy nya dahil sa isang business trip, hindi na nagtaka pa si Tamara doon.

Si Tamara naman ay inis na lumabas sa kusina dala dala ang isang basong tubig. Nasa kalagitnaan sya ng salas ng bumukas ang main door at iniluwa nito si Mellisa, ang kambal at si Zach.

Mellisa immediately ran to Tamara's position to hug her. While Tamara looked like a statue as Mellisa hugged her but her eyes were on Zach.

"Mommy!" sigaw ng anak ni Mellisa nang makita nito ang ina. Dahil doon ay napabitaw si Mellisa kay Tamara bago pinalapit ang anak. Akmang nagpapabuhat ang batang babae nang pumasok si Liam sa pinto. Isa sa ipinagtataka ni Tamara kung bakit nandito si Liam.

But her forehead furrowed more than she heard the child's word. 

"Daddy!" sabay takbo nito kay Liam. Si Liam naman ay agad na sinalibong ang batang babae at binuhat ito.

Tila nanlambot at nabingi si Tamara sa narinig at nakita kaya nabitawan nya ang basong may lamang tubig na dala dala nya na nagdulot ng malakas na ingay.

"Oh my gosh"

"Tamara!"

"Are you okay?"

"Don't move baka mabubog ka."

Unti-unting lumalakad patalikod ni Tamara. Nais nyang makaalis sa harap ng lahat ng taong nasa salas. Hindi sya tanga at inutil para hindi mapagtagni tagni ang lahat.

Bago pa man sya makalayo ay nahawakan na sya ni Zach. Gusto nyang kumawala sa hawak ni Zach pero nanghihina sya. Inalalayan sya ni Zach na maupo sa sofa sa salas.

Walang nagsasalita, walang gustong magsimulang magsalita. Ngayon ay magkakaharap na silang lahat sa salas. Wala ang batang babae dahil pinaakyat ito ni Mellisa sa kwarto kasama ang yaya. 

"Tamara, I'm sorry." Pagbabasag ng katahimikan ni Liam.

Tamara seemed to have only come back to reality after that. She took a slow glance in Liam's direction. "Why are you saying sorry? for what?" mapait na saad ni Tamara kay Liam.

"Sa nagawa ko. I didn't mean— "

"really?" mabilis na putol ni Tamara sa sasabihin ni Liam.  "Didn't meant? Alin don? Yung pagsisinungaling sa akin? Yung pagtatago sa akin na si Mellisa yung sinasabi mong Ex? Yung  pagbabait baitan mo sa akin? O yung pagpapaikot mo sa akin? Alin don Liam!?" gustong umiyak ni Tamara pero wala nang lumabas na luha sa mga mata nya. "Pinagkatiwalaan kita, Liam. Lahat sinasabi ko sayo kasi akala ko kakampi kita!" mahinang saad ni Tamara ngunit may diin at puno ng sakit na pagsasaad. "I trusted you because I thought kakampi kita but still, you betrayed me." humingang malalim si Tamara bago muling nagsalita. "The care, advice and concern. Is that all not true? Is that just a game? Am I happy to be play with, KUYA?" may diing salita ni Tamara sa huling binigkas nya. 

Umiling ng sunod sunod si Liam. "No, I really cared for you. Yes, noong una pinakiusapan ako ni Zach na bantayan ka at sya naman ang magbabantay sa mag ina ko sa USA. But when I heard all your pain, alam ko kailangan mo ng karamay at sinamahan kita hindi dahil sa pinakiusap sa akin."

"So you're saying na naawa ka lang sa akin kaya mo 'ko sinasamahan. Wow, just wow!" hindi makapaniwalang sambit ni Tamara na syang nakapagpatayo sa kanya.

Tumayo rin si Liam at lumapit kay Tamara. "Hindi ganon yun, Tamara. Kapatid ka ng babaeng mahal ko, kaya alam ko mahalaga ka sa kanya. Binantayan kita dahil yun ang gusto ni Mellisa at yun ang pakiusap ni Zach pero Tamara I really treated you as my little sister." pagpapaliwanag ni Liam. Ngunit para kay Tamara ay dahil lang sa awa lahat.

"Talagang pinaikot nyo 'ko. Niloko nyo 'ko!" madiin na salita ni Tamara. TIningnan sya ang lahat nang nasa salas doon sya nakita na tahimik na lumuluha ang kambal nyang pinsan. "Pati kayo?" mapait nasaad ni Tamara nang magtama ang kanilang mga mata. 

She was about to leave when her Lola came into the living room.

"I need your answer now, Tamara. Are you going with me?" saad ng matanda na agad namang inalmahan ni Mellisa.

"Lola please, let her stay here. We're trying to fix our family." pakiusap ni Mellisa.

Hindi pinansin ng matandang babae ang sinabi ni Mellisa. Diretso lang ang tingin nito kay Tamara. Habang si Tamara naman ay nakapagpasya na. Malalim syang huminga bago ibinigay ang sagot sa kanya Lola.

"Gusto ko pong umalis sa mas lalong madaling panahon." with that umalis si Tamara sa harap ng lahat.

Umakyat papunta sa kanyang kwarto si Tamara upang mag ayos na nang gamit. Pagkadating nya sa kwarto nya ay agad nyang kinuha ang kanyang maleta tsaka naglabas ng mga damit na dadalhin para sa pag alis nila ng Lola nya.

Lumabas mula sa walk in closet si Tamara at nakita nya si Zach na nakatitig sa maletang may mga laman ng damit nya sa ibabaw ng kama.

"What are doing here? Get out!" ani Tamara at nilagay muli ang mga damit na dala dala nya sa maleta.

Tamara's forehead furrowed as Zach removed the clothes he had put in the suitcase.

"Ano bang ginagawa mo? Hindi ba sinabi ko get out. Ano ba Zach, don't touch my things!" kahit anong sabi ni Tamara ay tila walang naririnig si Zach. He returns each of her clothes to Tamara's walk in closet. Para silang tanga dalawa dahil kada balik ni Zach sa cabinet ni Tamara ay sya namang pagkuha muli ni Tamara nito ay pilit na binabalik sa maleta nya.

Nang mapagod ay tinigilan ni Tamara ang ginagawang pag iimpake hanggang sa maibalik lahat ni Zach ang gamit sya sa closet nya.

Tamara looked lifeless at Zach who had just come out from her Walk-in Closet.

"Why are you doing this?" tanong ni Tamara kay Zach.

"Hindi ka aalis. You're not going anywhere."

"At sino ka para sabihin sa akin yan?"

"Amara, wag mong takbuhan ang problema natin."

Isang sampal ang iginawad ni Tamara kay Zach. Ngayon na muling nangilid ang luha nya na kanina ay tila ayaw lumabas.

"Wag kong takbuhan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tamara kay Zach.  "Weren't you the first who did that. What right do you have to tell me that. Hindi lang ikaw ang gusto kong layuan Zach, lahat kayo. You all make me look stupid. You played with me, Zach. Alam mo ba kung ano ang tumatakbo sa isip ko araw araw mula nang sabihin mong hindi mo 'ko mahal at susundan mo si Mellisa sa US dahil sya ang mahal mo. Every day I ask myself what is wrong with me. Why did you love Mellisa even though I was the first one you met and the first one you were with?" umiiyak na saad ni Tamara sa harap ni Zach. "You know Zach what's more painful there? Huh? You were the first to give me motive. I wouldn't hope if I knew I wouldn't expect anything from you. But you gave me a reason to expect! Hanggang sa nahulog ako sa mga bagay na ginagawa mo para sa akin then suddenly noong umamin ako sayo sinabi mo na nakababatang kapatid lang ang turing mo sa akin. Ang unfair mo Zach e. Hindi naman ako ang naunang magkagusto pero ako yung naghabol sayo." paulit-ulit na pinupunasan ni Tamara ang luhang pumapatak sa mga mata nya. Ayaw nito huminto. "Ayoko nang umiyak, pagod na 'ko."

Inisang hakbang ni Zach ang pagitan nila ni Tamara at niyakap ito. Hindi nagpumiglas ni Tamara dahil alam nya kapag ginawa nya yun ay hindi na kakayanin ng tuhod nya dahil sa panlalambot nito. Walang salitang namagitan tanging paghikbi lang nilang dalawa ang nagiging ingay sa loob ng kwarto.

"We were too young when we met. We are young but I know I feel differently about you. Especially when I'm with you. I promised myself that I would protect you. I will not let others make you cry. I promise to myself that I will always be there for you. But when Tita Rose accident happened, I ask myself kung karapat dapat pa ba ako para sayo. Natakot ako sa tiwala na binigay mo sa akin. I can't stand the times I'm the one you run to every time you cry because of what happened to Tita Rose because I know I'm one of the reasons why Tita's accident happened. Also, you're so young that time and ayoko na ikulong mo ang sarili mo sa akin. Akala ko yung ginawa kong paglayo ang makakapagparealize sayo na hindi ako ang para sayo." yakap yakap pa din ni Zach si Tamara habang nagkukwento habang si Tamara naman ay tahimik na nakikinig. "Sa tuwing nagmemessage sa akin sina Cadxus at Cole, hindi ko na ginugustong makita at mabasa pa iyon dahil pictures mo yun na may kasamang iba lalaki. Akala ko makakaya ko na makita kang hawak ng iba dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit ka nawala sa akin. I really want to go home just to punch the men who are taking advantage of you. I really hate myself kasi hindi kita magawang ilayo sa kanila. I want to go home and have you back but mom needs me. Mom said I can go home at kaya na nya ang sarili nya pero hindi ko sya magawang iwan, that's why I begged Liam to watch over you."

"You could have called me but you didn't!" Kasabay ng pagbitaw ng salitang iyon ni Tamara ay ang pagbitaw nya sa yakap ni Zach. Parehong puno na ng luha ang mga mukha nila. Parehong may sakit at pangungulila na mababatid.

"I can't" mahinang saad ni Zach. "I can't because I know if I heard your voice ay uuwi ako. Isang sabi mo lang, uuwi ako para bumalik sayo, but mom still needs me." Gusto muling lapitan ni Zach si Tamara pero humakbang ito palayo.

"Noong bumalik ka, hinabol kita diba. Binaba ko yung sarili ko para habulin ka. Kinalimutan ko yung mga sinabi mo noon kasi mahal na mahal kita pero pinagtabuyan mo lang ako. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin ang ibaba ang sarili ko para lang habulin ka."

"I got scared, nung time na binisita mo si Tita for her death anniversary I was there. I heard everything that you said. You're still mad at Mellisa. You still hate her because of what happened. I saw the pain and anger in your eyes. Hindi ko pa din kayang sabihin non sayo ang kinalaman ko sa accident ni Tita Rose dahil natatakot ako na kamuhian mo ako sa paraan kung paano mo kamuhian ni Mellisa. I know it was a jerk move. I'm sorry, Tamara." tunay na nagsisisi si Zach dahil pinairal nya ang takot nya. Madaming nadamay at nasayang na panahon dahil sa takot na yun.

Lumabas si Tamara sa veranda ng kwarto nya. Patuloy pa din na ang mga mata nya sa pagluha. Ramdam nya na sumunod sa kanya si Zach.

Pilit nyang pinakakalma ang sarili. Gusto na nyang tapusin ang lahat ngayong gabi. Kilala nya ang lola nya. Hindi impossible sa Lola nya na makakuha ng flight para bukas. Ayaw nyang umalis na hindi natatapos ang lahat.

Tahimik ang dalawa ni Tamara at Zach na nakatanaw sa malayong city lights. Humupa na din ang kanilang kaninang mataas na emosyon.

"I know that you're the one who told mom where was Mellisa that night." saad ni Tamara habang nakatanaw pa din sa malayo.

Habang si Zach naman ay napatingin kay Tamara na naguguluhan.

"Who told you?" mahinang saad ni Zach.

Hinarap ni Tamara si Zach. "No one."

"T-then how?"

"I was there when you called mom. Narinig ko ang pag uusap nyo. Dapat kasama nya 'ko that night pero hindi sya pumayag." muling bumalik ang tingin ni Tamara sa malayo. "Iniisip ko, what if isinama ako ni Mommy? Maaksidente pa din kaya sya?... Ang dami kong what if's. Naisip ko din na sana hindi mo na lang sinabi kay Mommy kung nasaan si Mellisa. Maybe kahit ipinagpabukas mo na lang, baka buhay pa si Mommy." pekeng tawa pa ang iginawad ni Mellisa ng banggitin ang huling salita.

"I'm sorry." yun lang ang tanging nasabi ni Zach. Mula nang aksidente, yun din ang what if nya.

"I was blindsided by the fact that you were one of the reasons why Mommy had an accident but I don't know, I love you so much kaya nakita ko yung point na you just want to help that time kaya mo sinabi kay Mommy ang Location ni Mellisa." Hindi namalayan ni Zach at Tamara na dumating si Mellisa. Aalis na sana si Mellisa nang makitang mahinahom namang nag-uusap ang dalawa pero narinig nya na binanggit ni Tamara ang pangalan nya "And for Mellisa, alam ko naman sa sarili ko na walang kasalanan si Mellisa e. Si Mommy ang nagdesisyon na puntahan si Mellisa that night. I know my Mom, sa sobrang bait nya kahit anak ni Dad sa iba tinanggap nya. Tinuring nyang sarili nyang anak. Sadyang naghanap lang ako ng taong masisisi sa nangyari." Hindi na namalayan ni Mellisa na unti unting pumapatak ang mga luha nya sa naririnig nya sa kapatid nya.

"You're not mad at her?" tanong ni Zach kay Tamara. Lalo pang napaluha si Mellisa nang dahang dahang umiling si Tamara. Muling naging tahimik si Zach at Tamara kaya nagpasya si mellisa na hayaan na ang dalawa na mag-usap, sapat na sa kanya ang naging sagot ng kapatid sa tanong ni Zach. 

Tamara took a deep breath before answering Zach. "Mad? Maybe. Tampo, oo, kasi iniwan nya 'ko nung kailangan ko ng pamilya. I'm mad at myself. Alam mo naman na hindi ako ganon katalino noon diba. Habang si Mellisa...." humingang malalim si Tamara bago nagpatuloy. ".....laging top student. Kaya nang dumating si Mellisa pakiramdam ko noon ay nawalan na ako ng lugar sa sarili kong pamilya. Pakiramdam ko mas mahal ni Daddy si Mellisa kaysa sa akin." 

Umiling si Zach. "You know it's not true. Tito loves both of you, maybe not in the same way but he loves both of you equally." 

"I don't know, Zach. Hindi ko alam sino papaniwalaan ko." mahinang sabi ni Tamara. Bumalik si Tamara sa loob ng kwarto nya. Tinungo nya ang pinto ng kwarto nya at binuksan ito.

Tiningnan ni Tamara si Zach na kasunod lang sa mga galaw niya. "Masyado nang maraming nangyari, kailangan ko na magpahinga. Mag-aayos ka ako ng mga gamit ko." Tila walang narinig si Zach. Nakatingin lang si kay Tamara na may nagungusap na mga mata. 

Iniiwas ni Tamara ang kanyang mga mata kay Zach. Hindi nya kayang tagalan ang ganoong titig ng lalaki. 

"Don't leave me." napapikit lalo si Tamara sa narinig mula kay Zach. Lumapit si Zach kay Tamara, muling isinarado nang binata ang pinto saka niyakap ang dalaga. 

"I missed you so much. Five years Tamara, almost five years. Ayoko na malayo sayo." Isiniksik ng binata ang kanyang mukha sa leeg ng dalaga habang tahimik na lumuluha. 

"Nakapagbitaw na 'ko ng salita kay Lola. Hindi ko na pwedeng bawiin yun." pinipilit na alisin ni Tamara ang pagkakayapos sa kanya ng binata ngunit sadyang parang bata itong nakayapos sa kanya na tila ayaw na muling mawalay sa kanya. 

Kusang bumitaw sa pagkakayakap si Zach sa dalaga nang maramdaman nyang wala itong balak na yumakap pabalik. Sa haba ng panahon na nakayakap lamang sya rito ay wala itong ginawa kundi ang itulak sya. Binitawan nya ang dalaga tsaka ito tinitigan muli. 

Iniiwas naman ni Tamara ang kanyang mga mata sa tingin ni Zach. Ngunit hinuli ito ni Zach nang hawakan nito ang magkabilang pisngi ng dalaga at iniharap sa kanya. 

Tila sasabog ang puso ni Tamara nang unti-unting inilalapit ni Zach ang mukha nito sa kanya. Nakita nya kung paano ipikit ng binata ang mga mata nito sa paglapit sa mukha nya. Gustong umiwas ni Tamara ngunit tila kinakalaban sya ng puso at katawan nya. 

Kusang pumikit ang mga mata ng dalaga nang maramdaman nito ang malambot na labi ng binata. Nanatiling magkalapat ang mga labi nila, hindi ito gumagalaw ngunit kahit ganon ay parang tatakasan ng ulirat si Tamara sa nararamdaman nya. Damang dama nya ang pag-iingat, pagpapahalaga at pagmamahal na ipinaparating ng halik na iyon. Madami na syang nahalikan na mga lalaki. Hindi lang basta dampi ang mga nagagawa nya noon, ngunit ang halik na iginawad ni Zach ang pinaka nakakapagpakarera sa kanyang dibdib. 



- inyong lingkod, misha💐

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...