Knock, Knock, Professor

By irshwndy

24.7M 919K 1.1M

The Wattys 2022 Winner PUBLISHED UNDER PSICOM Highest Rankings: #1 Mystery, #1 Genius, #1 Psychological, #1 D... More

READ THIS FIRST
CHARACTERS & SETTING
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
KKP AFTER-PARTY šŸŽ‰
Dr. Xalvien Vouganville
HUSH LOUDER
XV SERIES IS COMPLETE!
#TripleXposed
NOW on Spotify!
Wattys 2022 Winner!
NOW A PUBLISHED BOOK!
Available at National Book Store!
#MIBF2023
Special Edition at MIBF 2023!
Special Edition ON SHOPEE!

CHAPTER 23

525K 21.9K 33.8K
By irshwndy


NAGPAALAM ako kay Professor XV na uuwi muna ako sa'min ngayong araw at magpapagabi na rito. Kailangan ko kasing dalawin ang kapatid kong may sakit.

Ang kuya ko ay nakahiga na lamang sa kama at hindi na makakatayo pa kahit kailan dahilan ng isang masaklap na disgrasya. Mga ilang buwan na rin na sa bahay lang siya namamalagi. Nasa kuwarto lamang siya at may nag-aalaga sa kaniyang nurse.

"Kuya, kumusta?" pagbati ko pagkarating sa kaniyang silid.

Pagkayakap sa kaniya ay sinuklian niya ako ng malambing na halik sa ulo. Mapapansing hindi pa rin gumagaling ang kaniyang kondisyon. Maputla ang kaniyang mukha at nanunuyot ang mga labi.

"Ito, Fift... Kinakaya naman. Lumalaban naman sa araw-araw," sagot nito kasabay ng pagngiti. "Kaso lang..."

Yumuko siya't sinulyapan ang nurse na siya namang bumati sa'kin. Alam ko na agad na ang ibig sabihin noon ay kailangan na naming magbayad para sa mga serbisyo ng private nurse.

Ngumiti ako't hinaplos ang pisngi ng aking kapatid. "Huwag kang mag-alala, kuya. Maganda ang trabaho ko ngayon at may kalakihan ang sahod. Ako na ang bahala sa mga bayarin!"

Hinawakan niya ang kamay ko at mariin itong pinisil. "Pasensya ka na, Fift, ha. Ako ang mas nakakatanda, pero... ako pa ang umaasa sa bunso."

I shook my head to reassure him that it's okay. Hindi kailangang mag-alala ng kapatid ko dahil handa akong gawin ang lahat para makatulong sa kalagayan niya. Ito ang dahilan kaya pinatulan ko ang misteryosong flyer na pinakita sa'kin ni Calfie.

"Miss Fifteen, ayos lang ba kung kausapin muna kita saglit?" magalang na pagsingit ng nurse.

Lumayo muna kami sa'king kapatid para mag-usap. Nahihiyang naglabas siya ng papel na naglalaman ng listahan ng mga kailangan naming bayaran. Hindi ko napigilang mapasinghap nang makita ang kalakihan ng presyo.

"Pasensya ka na, Miss Fifteen. Pero puwede namang mapag-usapan ang—"

"O-Okay lang! Naku, Ate Wenny. Malaki ang pasasalamat ko sa pag-aalaga niyo kay Kuya March," singit ko sa kaniyang sasabihin. "Ayos lang sa'kin na magbayad ng..."

Bumalik ang tingin ko sa presyong nakasulat doon. "F-Five hundred thousand... Teka, susuriin ko lang ulit ang listahan, hehe."

Mahal ang serbisyo ni Ate Wenny dahil maliban sa pagiging private nurse ni Kuya March, siya na rin ang nag-aasikaso sa mga pambahay na gawain tulad ng pagluluto ng pagkain, pagpapaligo, at pagpapakain sa kaniya.

"Ate Wenny, ito pong laundry fee... Puwede bang ako na lang ang maglaba ng mga damit ni kuya ngayong buwan? Para makabawas kahit papaano hehe," nahihiya kong suhestiyon.

"Oo naman, Fift! Walang kaso. Naroon sa may labahan ang marurumi niyang mga damit," sagot sa'kin ng mabait na nars.

Pinuntahan ko ang laundry area namin sa bahay at nagulat sa bumungad sa'kin na malaking bundok ng mga labahin. Napabuntong-hininga ako dahil sa dami nito.

Kaya mo 'to, Fift. You've seen worse.

***

DAHIL sa sobrang dami ng mga labahin, hindi ko napansin na lumalim na pala ang gabi. Ang pinaalam ko sa propesor ay aabutin lamang ako ng mga alas siyete. Pagtingin ko sa orasan ay halos alas diyes na pala.

Sakto ay nag-ring nang malakas ang telepono. Hindi pa 'ko tapos maglaba pero pinuntahan ko na ito para sagutin, kahit na basang-basa at may bula pa sa mga braso ko.

"Sino po sila?" aking bungad.

Halos isang minuto na ang nakalipas ngunit wala pa ring nagsasalita. Ibababa ko na sana ang telepono nang biglang may boses na akong narinig.

"Salustiana."

"XV?" Bigla akong napahawak sa telepono. Pilit kong ikinukubli ang aking kilig.

Holy shit, XV fucking called me! Puwede na akong humimlay.

"Masiyado ka yatang nalilibang sa bakasyon mo, Fift. Baka nakakalimutan mong kailangan mo nang bumalik agad," paalala ng masungit nitong boses.

"Professor, mayroon kasing—"

"May naghihintay sa'yo... na mga kaso," his voice uttered with slight hesitation. "Medyo marami. Tambak na ang mga request sa mansyon kaya bumalik ka agad."

"Professor, marami pa kasi akong mga labahin..." pagtutol ko.

"Dito mo na lang ituloy 'yan."

Binaba niya na ang tawag para hindi na ako makaangal pa. Hindi ko alam na one-sided lang pala ang tawag na iyon.

Tsk. 'Yong kilig ko kanina, napalitan agad ng inis.

***

HABANG nasa biyahe kinaumagahan ay may babaeng panay tingin sa'kin. Hindi ko alam kung nawiwirduhan ba siya dahil may dala akong malaking bag ng mga labahin.

"Uy, nagtatrabaho ka ba sa ilalim ni Professor XV?" biglaang usal nito habang nakaturo sa maleta kong hiniram sa propesor. Nakaukit kasi rito ang pangalang Xildius Vouganville.

"O-Oo. Ako ang bago niyang assistant."

"OMG!" May kilig sa kaniyang tono habang nagsasalita. "Sobrang fan ako ni XV! Crush na crush ko ang professor! Alam mo bang marami ang pumipila para magpakonsulta sa kaniya, pero ang totoo ay gusto lang siyang masilayan!"

Kinuyom ko ang aking kamao para mapigilan ang sarili kong manuntok. "Ah, gano'n ba?"

"Oh, and did you know?" pahabol nito.

"What?" May bahid na ng pagkairita sa boses ko pero pilit ko itong tinatago.

"Balita ko, single daw ang propesor!"

Naningkit ang mga mata ko kasabay ng pagpanting ng aking tainga. "Hindi siya single, miss. Itinakda na siyang ikasal."

"Talaga, kanino?"

Ngumiti lamang ako at napakamot ng ilong gamit ang likuran ng aking daliri. Imbes na sagutin siya nang diretsahan ay iba ang aking binilin.

"Pakisabi sa mga nakapilang babae para magpakonsulta sa kaniya, dadaan muna sila kay Fifteen Salustiana."

I gave her a cheeky smile and left her looking very confused. May katotohanan naman sa sinabi ko dahil ako naman talaga ang humaharap sa mga kliyente.

***

PAGPASOK sa loob ng Villa Vouganville ay nakita ko agad ang propesor na tahimik na nagbabasa ng libro habang umiinom ng kape.

"Professor, I'm back. Handa na po akong magtrabaho," bungad ko habang ibinababa ang aking mga gamit. "Alin ang uumpisahan ko? Saan ang maraming kasong kailangang asikasuhin?"

"Natapos ko na lahat."

Naramdaman ko ang pag-igting ng aking sentido. Nagmadali pala ako sa wala!

"What took you so long?" Bahagyang umangat ang kaniyang paningin para sulyapan ako.

"I needed to take care of my brother, professor." Umupo ako sa katapat niyang sofa at ikinuwento ang tungkol sa'king kapatid.

"Dati kasi siyang siklista. Matagal niya nang pinapangarap na makasali sa paligsahan ng Tour de France, kaya naman tuwang-tuwa kami nang mabalitaang napili siyang kalahok noong nakaraang taon!"

Ang aking masiglang pagsalaysay ay napalitan ng malungkot na paglalahad ng naging pangyayari.

"Kaya lang... nadisgrasya siya sa mismong laban at napilay. He was diagnosed with complete paraplegia and the doctor said he wouldn't be able to ride his bike ever again... Hindi na rin siya makakalakad o makakatayo. Kaya ako nag-iipon ng maraming pera ay para sa kaniya."

"Fifteen..." Huminga nang malalim ang propesor bago itinuloy ang kaniyang sasabihin. "Tinanong ko lamang kung bakit ka nagtagal, pero kinuwento mo na ang talambuhay ng kapatid mo."

I scrunched my nose due to his cold response. Bakit ba ako umaasang concerned ang nilalang na 'to?

"Tse! O sige na, maglalaba na 'ko!" Binuhat ko na ang mga labahan nang bigla akong pinigilan ng propesor.

"Sa kapatid mo ba ang lahat ng ito?" Dinukot ng kaniyang pilyong kamay ang ilang mga damit mula sa dala kong bag. Inangat niya ang isang pirasong medyas at ibinalik ulit ito para maghanap pa ng ibang madudukot.

Pinalo ko agad ang kaniyang malikot na kamay. "O-Oo! Sa kuya ko lahat 'yan! Ano ba'ng hinahanap mo? Manyak! Bastos!"

Nilayo ko na sa kaniya ang mga damit at tumakbo na agad ako papunta sa labahan nang may namumulang mukha.

***

NAPAPAPIKIT na 'ko sa sobrang pagod habang naglalaba. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Naramdaman ko na lamang na may nagbuhat sa'kin at kinarga ako papunta sa'king kama.

Pagdilat ko ay gabi na pala. Agad akong naalarma at bumalik sa labahan.

Sigurado akong hindi pa ako natatapos sa paglalaba, ngunit nakahilera na nang maayos ang mga damit at natapos na ang lahat ng mga labahin.

I was amazed by how organized the clothes were. Lahat ng mga de-kolor ay nakahiwalay sa mga puti. Magkakasama pa pati ang mga magkakasing liit at laki. Naka-arrange pa ang mga ito ayon sa hugis at sukat.

Napangiti ako, dahil parang alam ko na kung sino ang tumulong sa'kin. The perfectionist manner of how everything is organized gave it away. Isa lang naman ang kilala kong ganito kastrikto.

Hinanap ko agad ang propesor upang magpasalamat, kaya lang ay nagulat ako dahil hindi ko siya makita kahit saan. Pinuntahan ko na ang kuwarto niya ngunit wala siya rito.

Saan nagpunta ang propesor?

Tumawag ako kay Xalvien at baka may nalalaman siya.

"Xalvien! Nawawala si XV! Nasabi niya ba sa'yo kung saan siya pumunta?"

"O, Fift! Hmm..." Nag-alinlangan muna ang doktor bago ibinahagi ang kaniyang nalalaman. "Kanina lang ay natanong niya sa'kin ang address ng bahay niyo."

Sa bahay namin? Bakit naman pupunta si XV sa'min nang ganito kagabi?

Naalala ko agad ang aking kinuwento. Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng hinala na baka pinuntahan niya ang kapatid ko.

"Salamat, Xalvien!"

***

NAGMADALI akong lumuwas pabalik sa'min. Pagkarating sa bahay ay naabutan kong nag-uusap si XV at ang kapatid kong lalaki. Pinagmasdan ko ang paligid—bukas ang bintana, patay ang ilaw, at madilim ang kuwarto.

Papasok na dapat ako sa silid nang matigilan ako bigla sa'king narinig.

"Saan napupunta ang mga pinapadalang pera ni Fift sa'yo? Sa inyo ba ng babae mo?" akusa ng propesor habang minamata ang mamahaling kuwintas na suot ng nurse.

"Sino ka? Bakit ka narito sa bahay namin?!" natatakot na bulyaw ng kapatid ko.

"Complete paraplegia... A condition wherein the connections of the brain and the legs are completely cut off. It means that nerve signals can't get through your muscles," salaysay ni XV habang naglalakad nang nakapamulsa sa loob ng silid. "Patients suffering from this condition can no longer feel any sensation from their legs."

May dinukot si XV mula sa kaniyang bulsa at nilabas ang piraso ng medyas na nakuha niya mula sa labahan. "Kung talagang tuluyan ka nang napilay, para saan pa ang medyas na ito? Hindi ka na dapat nakakaramdam ng panlalamig o anomang sensasyon sa paa."

Napansin kong biglang pinagpapawisan na ang kuya ko. "Sino ka ba? Tatawag ako ng pulis!"

"Sige, tumawag ka. Tiyak na ikaw ang makukulong dahil sa iyong pagsisinungaling at pananamantala sa kabaitan ng kapatid mo at hindi ako," mariing pahayag ng propesor. "Hindi mo ba alam ang sakripisyong ginagawa ni Fift para lamang sumahod at makapagpadala ng pera?"

Tumataas na ang boses ni XV at kapansin-pansin ang galit sa kaniyang mga mata. "She's risking her life every day! She can't fucking sleep properly because of the cases she handles. She's crying every night in her room..."

Lumapit ang propesor sa'king kapatid na nakahiga sa kama at bigla siyang naglabas ng matalas na gunting. "Kung talagang wala ka nang nararamdaman sa mga binti mo, wala lang dapat sa'yo ang matusok nito sa paa!"

"XV, huwag!" agad akong pumasok para pigilan siya, ngunit nanlaki ang mga mata ko sa'king nasaksihan.

Pag-atake ng propesor ay agad na umiwas ang mga binti ng aking kapatid at napatayo siya sa sobrang takot. Naglakad siya papunta kay Ate Wenny para yakapin ito.

Sakto ay nakita nila akong kakapasok lamang sa silid. Nagkatinginan kaming dalawa ng kapatid ko at tila siya nakakita ng multo.

"K-Kuya? H-Hindi ba, pilay ka?" naiiyak kong tanong.

"Fift... Bakit ka narito?" nanginginig na sambit ng kuya ko.

Itinago na muli ng propesor ang kaniyang gunting. "Lagi akong nagbabasa ng dyaryo, kung saan isa-isang inaanunsyo ang mga kalahok sa paligsahan ng Tour de France. Wala akong nabasang Salustiana sa mga pangalan ng mga kasali noong nakaraang taon."

Nagpamulsa ulit si XV at humarap sa'king kapatid.

"You probably hated the fact that no matter how hard you tried, you were never selected to compete. Kaya nilulong mo na lamang ang sarili mo sa kasinungalingang napilay ka para paniwalain ang kapatid mong may dahilan ka para tumigil sa pagbibisikleta."

Professor XV's voice became deeper and angrier. "Kaso lang, naging sakim ka at ginatasan mo na siya sa mga perang pinapadala niya."

Lumuhod si Kuya March at humingi ng patawad. "Fifteen... I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry..."

"Kuya..." Lumuhod din ako at niyakap siya. "Hindi mo kailangang magsinungaling sa'kin, matatanggap ko naman ang katotohanan. I will always be proud of you, kuya. Hindi mo kailangang makasali sa anomang paligsahan para lamang mapatunayan sa'kin ang husay mo..."

"Fifteen, I'm so sorry..."

Lumabas na muna si XV sa silid para bigyan kaming magkapatid ng panahon para makapag-usap at makapagbati.

***

NAKASAKAY kaming dalawa ng propesor sa isang taxi pabalik sa mansyon. Sinuot niya ang kaniyang espesyal na salamin para makalabas ng Villa Vouganville. Sobrang lalim na ng gabi kaya nagmamadali na rin kaming umuwi.

Tahimik lamang kaming parehas sa buong biyahe kaya nagpasya na rin akong magsalita.

"S-Salamat pala sa pagtulong sa'kin sa paglalaba..."

"Hindi ako 'yon," agad niyang tanggi.

"Ha? Eh sino?" kunot-noo kong tugon.

"Si Vivi."

Ngumuso ako at umiwas na lamang ng tingin. Bahagya siyang napapangiti habang pinagmamasdan ako na tahimik na naiiyak.

"Gosh, you're such a crybaby," he remarked.

"Eh i-ikaw ba naman, malaman mong niloloko ka pala ng kapatid mo sa loob ng maraming buwan," malungkot na sagot ko habang pinupunasan ang aking pisngi.

"Pero pinatawad mo pa rin siya. Iyon ang hindi ko maintindihan," usal ni XV habang sapo-sapo ng palad niya ang kaniyang matulis na panga.

"Gano'n talaga, kapag mahal mo, papatawarin mo."

Bigla niyang tinusok ang pisngi ko gamit ang kaniyang daliri.

"P-Para saan 'yon?!"

"Sorry." Ngumiti ang propesor at nagsabing, "Papatawarin mo rin ba 'ko?"

Agad akong namula dahil tila sinusubukan niya ang sinabi ko kanina. 'Kapag mahal mo, papatawarin mo.'

"L-Lagi naman kitang pinapatawad eh. Lagi rin kitang... papatawarin. Araw-araw kitang papatawarin," kinakabahan kong sagot sa kaniya.

My heart started palpitating due to extreme nervousness. Is this counted as a confession?

"Why are you still so pretty even when you're crying?" mahinang bulong niya na may namumungay na mga mata.

Isang matipid na ngiti ang tinugon ni XV kasabay ng marahang paghaplos sa'king buhok. "Ako lang ang dapat na magpapaiyak sa'yo, Salustiana."

Humaba ang nguso ko dahil sa sinabi niya. "Ha? 'Yong ibang mga lalaki, pinapangako nilang hindi nila papaiyakin ang babae. Samantalang ikaw—"

"Hindi pa kasi ako tapos, Fift." Bumulong siya sa'kin na may kahalong pang-aakit, "Papaiyakin kita sa . . ."

Nag-init ang buong katawan ko sa kaniyang sinabi. Nagkatitigan tuloy kami nang matagal at hindi ko mapigilang mapalunok dahil sa sobrang kaba.

"Ma'am, sir? Narito na po tayo sa Villa Vouganville. Sa bahay niyo na lang po ituloy 'yan," singit ng taxi driver.

Paglingon ko ay napansin kong ito pala ang parehas na driver na nasakyan ko noong umuulan at lumayas ako sa mansyon.

Napahiyaw ako nang kargahin ako ng propesor kasabay ng pagbukas sa pintuan ng taxi. Nag-iwan siya ng bayad mula sa bintana at buhat-buhat akong ipinasok sa mansyon.

"P-Professor, put me down!"

"Yes, I'll put you down." His husky voice assured me, "I'll put you down in bed, Salustiana."

I swear, my whole world melted away under his touch during that night.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 148K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.4M 48.4K 66
Silhouette Montevero stepped down from her position as a secret agent to achieve a normal life. She's already living a peaceful life when a powerful...
28 4 2
Veronica Singson, the daughter of a well-known business owner in Ilocos Norte and Manila meets the son of the senator marcos, Alexander Marcos.