BABYSITTING THE MAFIA'S KID

By VictoriaGie

480K 23.1K 6.1K

May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta... More

PROLOGUE 💋
CHAPTER 1 - KNOCK KNOCK
CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION
CHAPTER 3 - THE HIERARCHY
CHAPTER 4 - LOST TREASURE
CHAPTER 5 - FULLY LOADED
CHAPTER 6 - VINTAGIO MUSEUM
CHAPTER 7 - MEET AND GREET
CHAPTER 8 - MONEY DROP
CHAPTER 9 - GUNS AND STARES
CHAPTER 10 - STAY
CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER
CHAPTER 12 - A LITTLE WORRIED
CHAPTER 13 - ZOOLOGY
CHAPTER 14 - THE MASTER MIND
CHAPTER 15 - A FATHER'S LOVE
CHAPTER 16 - ORGANIZATION OF PEACEMAKER
CHAPTER 17 - BUSTED
CHAPTER 18 - AGREED
CHAPTER 19- CONTRACT AND CONDITIONS
CHAPTER 20 - THE WORLD HE BELONGS
CHAPTER 21 - WELCOME PHONE
CHAPTER 22 - KEEP LIVING
CHAPTER 23 - LUCID
CHAPTER 24 - BEAUTY IN BLACK
CHAPTER 25- JELOUS
CHAPTER 26 - UNDER THE GLASSES
CHAPTER 27- HYDRATED
CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES
CHAPTER 29- SNEAK OUT
CHAPTER 30 - SEASON FINALE
SPECIAL CHAPTER - DYTHER ICEXEL QUIGLEY ELCANO
CHAPTER 31- SEASON 2
CHAPTER 32 - ABDUCTED
CHAPTER 33 - THE OFFER
CHAPTER 34 - ONCE AN ANGEL
CHAPTER 35 - HOME
CHAPTER 36 - VERNIX
CHAPTER 37 - PARTNERS IN CRIME
CHAPTER 38 - PROJECT EXTERMINATION
CHAPTER 39- THE TRIAL
CHAPTER 40 - RUMORS UNLEASHED
CHAPTER 41 - SOMEONE'S FRUSTRATED
CHAPTER 42 - LEAVE HER ALONE
CHAPTER 43 - ADIOS
CHAPTER 44 - DO THEY BELIEVE ?
CHAPTER 45 - HEADACHE
CHAPTER 45.2 - HEADACHE AGAIN
CHAPTER 46 - BROTHERS
CHAPTER 47 - RAIN HARD
CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD
CHAPTER 48 - CONFRONTATION
CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION
CHAPTER 50 - CANDLE
CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS
CHAPTER 53 - BEHIND THE WHITE MASK
CHAPTER 54 - THE GLOOM THAT BLOOMS
CHAPTER 55 - BEFORE THE AUCTION
CHAPTER 56 - SIMPLE PLAN
SHORT CHAPTER - GALILEO ARTHFAEL MARCHESE
CHAPTER 57 - SMOKE
CHAPTER 58 - UNDER THE SHADOW
CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB
CHAPTER 60 - FORMAL VISIT
CHAPTER 61 - BATTLE GROUND
CHAPTER 62 - COMMUNITY WAR II
CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT
CHAPTER 64 - A PROMISE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 65 - HOMELESS
CHAPTER 66 - ONCE A TRUCK DRIVER
CHAPTER 67 - STABBED
CHAPTER 68 - WITH A KNIFE

CHAPTER 51 - STRANGE

5.7K 320 165
By VictoriaGie


THIRD PERSON'S POV

"Vo skol'ko ty uydesh'?"

Dyther sipped a tea and answered the 'Russian' question confidently.

"Zavisit ot togo, chem zakonchitsya eta igra."

Oh ano, patuloy ba tayong magiging alien sa mga pinag-uusapan nila? HAHAHA! Oh ito na ang translation para di tayo nanghuhula, malay ba natin kung nagmumurahan na pala sila.

"What time will you leave?" tanong ng isa sa apat na kalaro ni Dyther.

Naglalaro sila ngayon ng SPYFALL, (isearch niyo nalang kung ano 'yon Hahaha!) pamatay oras lang nila.

Ganon talaga pag mayayaman, hindi lang tao ang tinetegi nila, oras din.

Hinigop ni Dyther ang tsaa niya bago sumagot sa tanong na naisipang itanong sa kaniya ng Ruso.

Ps, parte ng laro ang magtanong ng kahit ano para mahulaan nila kung sino ang nakakuha ng card na spy!

Ito naman ang sagot ni Dyther :

"Depends upon how this game will end."

Sa mga oras na ito, alam na ni Dyther kung sino ang spy. May tatlong minuto na lamang na natitira. Nais niyang ubusin ang oras bago magpabibo na maging accuser.

Nagpatuloy pa ng isang minuto ang laro. Dalawang minuto nalamang ang natitira sa orasan ng biglaang may pumasok sa kwarto.

Nakuha nito ang atensyon ng limang manlalaro. Ng makita nila na isa lamang itong messenger, nagpatuloy na din sila at tila walang nakita.

Lumapit ang messenger kay Dyther at bumulong dito.

"Galileo otpravitsya iz Italii v shest'." (Galileo will depart from Italy at six) isang mahinang pagtango ang isinagot ni Dyther. Ok, he still has time para tapusin ang laro.

"Yest' novosti iz osobnyaka." (there's a news from the mansion). Miski lengwahe ng mensahero russian, paano tayo magkaka-intindihan niyan. Akala ni Dyther ay aalis na ito, anong balita kaya mula sa mansion ang matatanggap niya?

"Chto eto takoye?" (What is it?)

"Vernulas' devushka po imeni Ashari." (a girl named Ashari came back yesterday). "Novosti ot tvoyey materi." (The message is from your mother.)

Panandaliang natigilan si Dyther sa narinig. "Khorosho, spasibo." (Ok, thank you.) kalmadong ani nito. "Ty mozhesh' uyti." (You can leave.)

Umalis na ang mensahero saktong isang minuto bago matapos ang laro.

"Doctor Slech, I accuse of being the spy. Anyone please agree as I have to end this game and leave soon as possible."

Everyone agreed as whom Dyther accused and fortunately, Slech really got the spy card, unfortunately he hasn't able to guess the other's location. The points go to the Non-spy plus an addition of 1 point to the accuser.

Dyther accumulated the highest point throughout their game. He left Russia bringing with him the information he gathered for one month and a sly smile of being this game's victor.

__________

Ilang oras lamang ang lumipas, ang eroplanong sinasakyan ni Dyther ay lumapag na sa bansa.

He is welcomed by none other than...

"It's been a month Cannabeth." nakangiting ani ni Dyther ng salubungin ang nakahalukipkip na dalaga. Hindi na talaga mawawala sa aura nito ang dignidad na para bang sinasampal sa'yo na respetuhin mo siya!

"Next time, will you please give me a proper notice a day prior bago ka dumating. I had no time to prepare for your coming back." maganda pa din talaga si Cannabeth kahit may bahid ng inis sa tono nito.

"Sure, next time." Dyther gave Cannabeth a lil wink.

Hindi na huminto si Dyther sa harapan ni Cannabeth. Nagtuloy siyang maglakad na sinundan naman ng dalaga at ng sekretaryang kasama nito.

Tila wala silang oras na dapat sayangin.

Tumingin si Dyther sa orasan niya. "Ten minutes before Gali's arrival, is everything set Cannabeth?"

Naglalakad sa gilid ni Dyther si Cannabeth, nasa likod ang sekretarya. Halos lahat ng madadaanan nilang tao ay talagang napapatingin sa dalawa.

'Luh, saang langit kaya nanggaling ang dalawang iyon? Bakit nandito ang mga anghel sa lupa?'

'May shooting ba na nagaganap?'

'Model ba sila? Instant runway ang airport?'

Hindi naman pinansin ng dalawa ang tingin at bulungan ng mga tao sa paligid. Huh, sanay na sila sa ganyan, hindi na sila na-f-flustered o naaapektuhan manlang.

"Yes, everything is well prepared." sagot ni Cannabeth, chin held high.

"It is you the great Cannabeth, I shouldn't expect less." pagpuri naman ni Dyther. Si Cannabeth naman wapakels, wala na ding epekto sa kaniya ang mga ganyang salitaan.

"Dyther..." ani ni Cannabeth sa gitna ng paglalakad.

"Hm?"

"Are you sure about this? About your plan?"

"Yes." walang pagdadalawang isip na sagot ni Dyther.

Wala namang nagbago sa ekspresyon ni Cannabeth, ine-expect na din niya naman na ito ang matatanggap na sagot mula kay Dyther.

"You know you will anger Easton, worst, the whole Marchese."

"I am fully aware."

Yes, siya si Dyther. Si Dyther na hindi gagawa ng kahit anong aksyon ng hindi tinitimbang ang mga mangyayari. Cannabeth knows him well...it's just...

He's going to betray all of the Marchese...all the mafian communities with the plan of his.

Cannabeth is worried for Dyther, that's it!

"For the second time around, I will ask, are you sure about this?"

"Cannabeth, why did you help Ashari in her case?"

At ibinalik nga ni Dyther ang walang ka sense-sense na tanong kay Cannabeth.

"I'll contact Rebel after you get to Gali." tanging nawika nalamang ni Cannabeth.

Alam niya na hindi na mababago ang isip ni Dyther. Well, in the first place naman kasi, the moment she agreed to Dyther's plan, she's already an accomplice.

How's that, she will be betraying the Marchese, she will be branded again as a traitor for the second time. And this time she will be at full guilt kapag mali ang mga naging desisyon nila ni Dyther.

Pero, betrayal nga bang matatawag ang mga gagawin nila?

Isn't it for the good of the majority?

"Please do..." contact Rebel. "And the mask that I asked?"

Oh right, Cannabeth almost forgot that important thing!

"Sadie, the mask."

Sana tanda niyo pa si Sadie, siya 'yung assistant ni Cannabeth HAHA!

Mabilis na kinuha ni Sadie ang kahon sa suitcase na dala nito.

She handed it to her boss, Cannabeth.

"Here. I hope it fits you well." na ibinigay naman ni Cannabeth kay Dyther.

Panandalian silang huminto sa gitna ng airport. Mabilis na binuksan ni Dyther ang kahon.

Doon tumambad sa kaniya ang puting puting maskara.

Isang ngiting aso ang lumabas sa bibig niya. Iyan yung mga ngiti na ayaw nakikita ni Cannabeth e, ngiti na nahawa niya kay Rebel.

"Thank you Cannabeth." ani nito bago kinuha ang puting mask sa kahon at walang pagdadalawang isip na isinuot iyon.

"Time, Sadie." Utos ni Cannabeth sa assistant.

"Galileo's plane will arrive at 4, minutes. Please make your way Sir Dyther or you will miss him."

Sa ilalim ng puting maskara ay ang pagtango ni Dyther. Hindi na ito sumagot pa, naglakad na ito papunta kay Galileo.

Naiwan si Cannabeth at Sadie sa gitna.

"You know what to do with the surveillance, Sadie."

"Yes Madame," tumango ng bahagya ang assistant bago umalis para asikasuhin ang mga dapat asikasuhin.

Naiwan mag-isa si Cannabeth. She tightly looked at one of the surveillance camera. She knows Sadie well, kayang kaya na iyon ng assistant niya.

All Cannabeth has to do now is to call Rebel.

"Hello---"

"It's the voice of my lovely traitor ex-girlfriend, i missed your voice. How's the plan going?"

Cannabeth rolled her eyes in her most graceful way.

"Doing good, ready yourself Rebel. Tomorrow will be the start of chaos."

Tomorrow, the anniversary of MPO, of Vernix, the twin's birthday and also the spark of a war between the MPOs and the Mafian communities. All will happen at once.

Tomorrow will be exciting.

_______

Samantala, sa mansion ng mga Marchese, abala ang lahat...

Unang kinakaabalahan nila ay syempre ang pagdating ni Galileo. Aba dapat lang, favorite ni Lord si Gali e kaya may special treatment siya dito sa earth ahahaha!

Pangalawang pinagkaka-abalahan ng mga tao dito ay ang simpleng birthday surprise nila para kay Ashari. O diba, sa sinama ng ugali ni Ashari nagawa pa nilang isurprise sa birthday nito bukas. Kung hindi ba naman sa may pagka martyr ang mga Marchese.

Pangatlo at panghuli...

Abala ang mga marites at cardo dalisay ng Marchese sa chismisan. Oo, ultimo mga Caporegime na kay mamacho at kay lalaki ng katawan e mga chismoso ng taon! Sila pa ang nangunguna sa chismis!

"Narinig niyo na ba ang chismis? Bumalik dito si Ashari dahil nabuntis siya ni Sir Easton." ani ng isang Capo na maskulado kaya tumumba sampong toro.

"At hindi lang 'yon, bumalik siya dito para kumuha ng sustento, o diba mukhang pera talaga! Kasagsagan ng ulan hindi nagpapigil ang dalagita!" dagdag ng isang maid na certified marites.

"Hala talaga ba? Base naman sa source ko, si Rebel ng Silvia ang ama ng pinagbubuntis ni Ashari. Hindi siya pinanagutan nito kaya ninakaw niya ang kotse ni Rebel para makapunta siya dito sa Marchese." At lalo na ngang nadagdagan ang kwento ng maskuladong caporegime

"Aha, kaya pala dala niya ang pulang kotse! Kaya din siguro maghapon siyang hindi nagpakita, masama siguro ang pakiramdam dahil nga sa siya ay buntis."

Tumango bilang pagsang-ayon ang limang echoserang Marchese.

May dalawang nilalang pa ang dumating para dumagdag sa chismisan nila.

"Naku, sino kaya talaga ang ama ng pinagbubuntis ni Ashari?"

"Hindi naman kaya si Sir Dyther? Kanina ay nagpunta si Ashari kay Madam Helen, balita ko hinahanap niya si Sir Dyther kay madam."

"Talaga ba? Ang dami naman yatang ama?" Ani ng isa sa bagong kadadating na chismosa.

"Hays kaya nga! Tsktsk, lalabas din ang katotohanan. Malalaman din natin kapag lumaki na ang bata at makita natin kung sino ang kamukha."

Hinawakan sa magkabilang balikat ng isa sa kadarating na chismoso ang dalawang malapit sa kaniya.

"Baka naman si Chef Nate ang ama?" ani nito sa mga nagchichismisan.

"Nako, baka nga tama ka Chef Nate, baka ikaw talaga ang ama ng---" literal na natigilan ng makasampo ang maskuladong chismosong caporegime ng marealize niya na si Chef Nate at si Ma'am Angel ang dalawang chismaxer na dumating.

"Ama ng?" taas kilay na tanong ng mala uranggu na si Angel

"A-a-a-ama...." ayan, kalalaki kasing tao chismoso. "A-hehe, Ma'am Angel, Chef Nate--"

"Magsimula ka na mag Ama namin ng mabawas bawasan mga kasalanan mo!" pinandilatan ng mata ni Angel ang mga chismosa't chismoso! "At kayo! Kayo!" turo isa isa sa mga echoserang frog... "Oo buntis si Ashari! Buntis siya ng tae! Pagkain ang ama ng dinadala niya sa tiyan. O ano, iyan ang ipagkalat niyong chismis! Huwag puro fake news! Ama kayo ng ama diyan, tapusin niyo nga muna ang mga inuutos sa inyo bago kayo magpakalat ng maling impormasyon. Daig niyo pa si Rappler e."

O buntis naman pala kasi ng tae! Kayo namang mga chismosa't chismoso kasi, hindi muna mag fact check! Huwag niyong tutularan si Daryl Yap ha. Patola!

Akala mo naman mga lantang gulay at luging tindero sa palengke na bagsak balikat na bumalik ang mga nagchichismisan sa gagawin sana nila kaso may isang malakas ang kapit sa gobyerno ang naglakas ng loob na magtanong kay Ma'am Angel...

"Pero Ma'am matanong ko lang ha." ayan linyahan ng mga certified marites e. Kunyari may itatanong tas pag sinagot nadadagdagan na ang kwento kapag ipinasa sa iba.

"O ano? Subukan mong magtanong kung ilang buwan na ang ipinagdadalang tae ni Ashari, isang bigwas sa mukha ang ibibigay ko sa'yo."

"Grabe ka Ma'am, wala pa nga e. Huwag po kayo mag-alala, hindi po ito tungkol kay Ashari, tungkol po ito kay Sir Easton."

Ah ok, tungkol naman pala sa Sir nila. Lahat tuloy ng nasa lugar ay nakatuon ang atensyon sa kanila. Hindi na natapos ang pag-aayos dito sa garden. "Oh ano nga iyon?" Humalukipkip ang Madam Angel niyo. "Ayus ayusin mo 'yang tanong mo." banta pa ni Madam Helen.

"Madam, may something ba si Sir Easton kay Ashari?"

Agad na nagkunot ng noo si Angel. Saglit pa silang nagkatinginan ni Nate na wala ding idea sa tanong ng Capo.

"Something? Anong something?"

"Something, madam. Alam niyo na, kung may gusto ba si Sir Easton kay Ashari o kaya kung mahal na ba niya ito?"

"Ahhhhhh!" nagkatinginan ulit sila ni Nate. "'Yun pala ang ibig sabihin mo sa something."

Isang maaliwalas at malawak na ngiti naman ang ibinigay ng capo. Buti naman at nagka-intindihan sila ng Madam. "Opo, opo 'yun nga po."

Isang ngiting matamis din ang ibinigay ni Angel dito. Naglakad siya palapit sa capo at mabilis na piningot ito sa tenga. "Araaayyy Madam!"

"Sa chismoso mong 'yan, tingin mo sasagutin ko tanong mo? Hindi ba sabi ko ayusin mo tanong mo!"

"Arayy ko po, masakit na Madam, yung tenga ko po! Maayos naman po ang tanong ko---araaayy!"

"Maayos nga! E hindi ko din naman alam ang sagot! Si Sir Easton sana ang tinanong mo ng diretsyahan! Echoserong 'to." binitawan ni Angel ang tenga ng capo.

Sa totoo lang kasi talaga, kung pagbabasehan lang ni Angel ang kilos ni Easton, malalaman na kaagad ang sagot.

Haler, never nag care sa kahit sinong babae si Easton. Never in his entire existence!

Unang beses palang noong sinabi ni Easton na papatayin niya si Ashari pero hindi nito itinuloy, alam na ni Angel na may 'something' na ang boss niya sa dalaga. Hindi si Easton 'yung tipo ng tao na umuurong sa sinasabi nito.

Hindi alam ni Angel kung kaylan nagsimula, kung sa una bang nakita ni Easton si Ashari? Love at first sight? Hindi talaga niya alam.

Pero isa lang ang alam ni Angel, alam niya na may special something si Easton kay Ashari. Hindi man nito sabihin sa labi, kitang kita naman sa kilos.

"Sa susunod na mahuli namin kayong nagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa kahit sinog tao dito sa Mansion, ulo niyo ang magiging kapalit." pananakot ni Angel  "Magsibalik na kayo sa ginagawa niyo! Bukas na iyan gaganapin pero tignan niyo, wala pa sa kalahati ang natatapos. Kakachismis niyo yan e!"

Bukas na ang birthday ni Ashari. Bukas na din ang Anniversary. Hays, sobrang busy naman nila kakainis!

Nilayasan na ni Nate at Angel ang mga chismosa't chismoso!

And speaking of their boss Easton...

Nakita nila ito sa gilid ng garden, nakaupo sa isang bench at nakatitig sa fountain. Seryoso at parang ang lalim ng inisiip.

"First time kong nakitang hindi busy si Sir Easton." Bulong ni Nate kay Angel, e totoo naman kasi ngayon lang nila nakitang walang hawak na papel ang Sir nila o kung hindi man e walang agenda itong ginagawa na related sa mafian works.

"Oo nga, pero mukhang busy pa din ang utak niya. Parang nasa ibang demensyon e oh. Kita mo naman napapabuntong hininga pa." imagination lang talaga ni Angel ang pagbuntong hininga ni Easton.

Dahil nahawa ng pagkachismosa't chismoso ang dalawa, nilapitan nila ang Sir Easton para malaman kung bakit parang ang lalim ng iniisip nito.

"Sir Easton?" Pasimpleng tawag ni Angel sa boss nila.

Agad namang nag-angat ng tingin si Easton. Attentive pa din naman ang lolo niyo hahaha.

"How's the preparation?" o diba, work work work agad ang ibinungad sa kanilang tanong.

Nagthumbs up lang ng sabay si Nate at Angel. "Good." at bumalik na nga ulit sa malalim na iniisip ang Sir Easton nila.

Siniko ni Angel si Nate. Dapat yata muna ay iwan nila si Easton mukhang nakaka-istorbo lang sila sa pag-iisip nito.

"Ah Sir, una na muna kami." paalam ni Nate.

Akmang aalis na ang dalawa ng biglang magsalita sa kawalan ang kanilang boss.

"Is six years age gap a big deal these days?"

Six years age gap? Ha?

Hindi magsink in sa utak ng dalawa ang biglaang tanong ng kanilang boss. Saang planeta ba ito nanggaling para bigyan sila ng ganoong palaisipan.

"Age gap, Sir?" confirm ni Angel kung tama ba ang narinig niya. Tumango si Easton. "Kung big deal ang age gap sa panahon ngayon?" tumango ulit si Easton pero may kasama ng pagkunot ng noo. Paulit-ulit naman, hindi ba siya maintindihan ng mga ito?

Si Nate naman na walang utak ang sumagot.

"Ahhh, ganito lang 'yan Sir, imagine mo ha, grade 1 ka na tapos 'yung ka age gap mo kakapanganak palang. Ikaw naglolollipop na pero siya sa gatas sa suso pa din ng nanay umaasa. Sir, ganoon ka big deal ang six year age gap." ano ba pinagsasasabi ng isang 'to?

"What?" lalong nabwisit ang mukha ni Easton. Hindi iyon ang gusto niyang marinig na paliwanag.

Si Angel naman, naninimbang. Ano ba ang gustong malaman ng Sir nila? Bakit at para saan ba ang tanong nito?

"Sir, in short, big deal ang six year age gap. Ano 'yan, child abuse?"

At nadagdagan ang pagkabwisit ni Easton.

"What if she's not a minor anymore? Is it still child abuse?"

She?

Minor?

Sandali, parang napagtatagpi tagpi na ni Angel kung bakit malalim ang iniisip ng Sir Easton niya at kung bakit ito ang tanong nito sa kanila.

"Kung isip bata pa din Sir, child abuse pa din 'yon! Lalo na Sir kung nag-aaral pa siya." Nate manahimik ka nalang, o kaya ipalupot mo nalang 'yang bigote mo sa bibig mo. "Imagine mo Sir, kunwari ikaw yun ha tapos yung babae si Ashari." Hanep, nag gawa pa nga ng kwento, kunwari pang nalalaman HAHAHA! "Six years ang tanda mo kay Ashari, si Ashari nag-aaral pa tapos ikaw matagal ng graduate. Sir, pag pinatulan mo si Ashari edi hindi na nakapag tapos ng pag-aaral 'yung tao. Ikaw stable na, siya hindi pa. Sige Sir, sabihin nating kunwari mapilit ka talaga. Iintayin mo siya makapagtapos ng pag-aaral, e ilang taon pa 'yon. Apat pa. 23 years old na si Ashari noon tapos ikaw Sir, 29 na. Tapos di pa sure kung on time siya gagraduate, lam mo na Sir, medyo absenera si Ashari at mukhang panay kopya lang ang alam."

Unti unti parang gustong lamunin si Angel ng kaba ng makita ang unti unting pagdilim ng aura sa paligid ni Sir Easton.

Si Nate naman tuloy tuloy pa din ang bunganga.

"Syempre hindi lang sa pag tatapos ng pag-aaral ang buhay ni Ashari, mag tatrabaho muna siya at hahanapin ang tamang career na para sa kaniya talaga. Mga five years siguro 'yon. Plus two years kasi panigurado tambay muna si Ashari at magiging palamunin muna. 30 na siya non, tapos ikaw Sir 36 na. Sir ang tanda mo na masyado."

Kinurot ng mahina ni Angel si Nate para matauhan ito pero ang Nate, tinampal lang si Angel, feeling may hawak pa din siyang sandok.

"Tapos Sir, hindi naman agad agad e papabor sa inyo ang tadhana, syempre magkakaproblema pa kayo, mga isang taon kayong magtataguan ng feelings para sa isa't isa, tapos may mga dadating na second lead o third lead pa na magpapagulo sa relasyon niyo. Mga 32 na si Ashari non at ikaw Sir 39. Pagtungtong mo ng 40 Sir, ayun baka pwede na kayo ni Ashari kaso hindi na kasing tikas di gaya ngayong kabataan mo si junjun mo Sir kaya baka mahirapan kayo mag-kaanak ni Ashari. Sir, gets niyo ba? In short, big deal ang six years age gap sa panahon ngayon."

Kulang nalang magpalamon sa lupa si Angel. Kung idedescribe lang kasi ang mukha ni Easton, hindi mo ito gugustuhing makita.

"Nate..." madilim na tawag ni Easton sa Chef.

"Ano Sir, hindi ba tama ako." sabay himas pa sa bigote niyang kulot. Isang pasimpleng tapik sa braso ang ibinigay ni Angel kay Nate. Leche, makiramdam kang kulot salot ka! "Bakit Angel ko? May problema ba?"

"Nate, if I fire you today, where will you go?"

"Sir alam ko namang hindi mo ako i-f-fire."

Di ka sure Nate, sa mukhang yan ni Easton e hindi malabong ngayon din mismo e matanggalan ka trabaho!

Kaylangan ng gumawa ng aksyon ni Angel bago pa magkanda leche ang lahat.

"Ahehehehehe." sinadyang lakasan ni Angel ang tawa niya. "Ilang oras nalang susunduin na ninyo ni Ashari si Gali sa airport hindi ba Sir Easton? Bakit hindi mo muna puntahan si Ashari para sabihan na bilisan ng gumayak." kung hindi iibahin ni Angel ang usapan nila, si Nate ang mag-iiba ang tungo ng buhay.

Buti nalang talaga at umaliwalas ng very light ang mukha ni Easton. Panigurado naalala nito na malapit na sila magkita ng anak kaya gumaan ang pakiramdam.

"I'll go to Ashari." haysss, nakahinga ng maluwah si Angel. "And you Nate, go to your kitchen and start packing your things! You are fired!"

Walang ka-abog abog, nilayasan sila ni Easton.

Naiwan ang dalawa na nakatulala.

"Ano sabi ni Sir Easton?"

"Fired ka na daw."

"Ako?"

"Oo, ikaw daw Nate ko---- HA???? FIRED KA? HINDI PWEDE!!!!"

At doon lang narealize ng dalawa na seryoso si Easton sa pag fire kay Nate.

Ayan, mano kasing itinikom nalang ang bibig. Kitang frustrated nga si Easton sa age gap nila ni Ashari e HAHAHAHA!

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.7K 49
"Hey let's get married, don't assume I don't have a choice okay?" "Huh? Anong sininghot mo Ms Monster?" Alam kong gas gas na yung mag papanggap si...
1.1M 51.5K 66
[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...