Monasterio Series #6: Trapped...

By Warranj

1.7M 74.7K 13K

Being kept in the province of Santa Fe Nueva Vizcaya all throughout his life, Reon Alexis Monasterio had to l... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Reon Alexis
ANIA
Kabanata 43
Adrianna Grace
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 68 ll
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas Access

Kabanata 27

18.7K 1K 199
By Warranj

Kabanata 27

Evil

Kahit sinabi ko kay Mommy na wala akong pakialam kung sabihin niya man sa mga Monasterio ang tungkol sa plano namin, matinding takot pa rin ang namayani sa puso ko lalo pa at tuluyan na akong lumihis.

Hindi sa ganoong paraan ko ipagtatapat kay Nero ang totoo. Ako mismo ang magsasabi sa kaniya at hindi na kailangan pa humarap ni Mommy. It would only fuel the anger of the Monasterios towards our family.

Wala pa akong ideya sa kung paanong paraan ko kakausapin si Nero. Kung magagawa ko ba siyang kausapin nang kalmado. Malakas ang pakiramdam ko na hindi ganoon ang kahihinatnan oras na malaman niya ang totoo. Siguradong magwawala siya lalo pa at alam kong minahal niya ako.

It’s a successful plan, I must say. Pero sa planong ito, ako ang naging talunan. This is not what I imagined when I was just starting. Aalis akong matigas at walang nararamdaman para sa kaniya. Pero sandaling panahon lang ang lumipas, heto ako at ayaw na siyang iwanan.

“Umuwi na po si Mommy?” mahina ang boses na bulong ko habang nasa hapagkainan kami ni Yaya Shirley.

Tumango siya habang sinasandukan ako ng ulam sa pinggan. Wala akong gana kumain. Ni hindi ako nakakaramdam ng gutom. Masiyadong abala ang isip ko sa paraan kung paano ipagtatapat kay Nero ang totoo.

“Oo. Magaang bumiyahe dahil paparating na ang Daddy mo.”

Tumango ako at hindi na nagsalita pa. Naupo na siya sa harapan ko pero hindi ko pa rin magawang gumalaw sa pwesto ko para kumain. Maging ang paningin ko ay nakatuon lang sa pagkain sa aking plato.

“Ano’ng plano mo, anak?” tanong niya.

“Sasabihin ko po sa kaniya ang totoo. Wala na po akong balak pa patagalin ang pagsisinungaling.”

Bumuntonghininga siya. “Kaya mo ba?”

“Kailangan ko po kayanin kahit na mahirap para sa akin...”

Kinagat ko ang ibabang labi lalo na nang maramdaman ang bikig sa aking lalamunan. Kumuyom ang kamao ko, ang sulok ng mga mata ay nag-iinit na.

“Mahal ko na po si Nero, yaya. M-Mahirap po para sa akin ang sitwasyon ko pero kasalanan ko naman po ito.”

Tinakpan ko ng mga palad ang aking mukha at humagulgol. Naramdaman ko ang kamay ni Yaya Shirley na humahaplos sa aking likod na tila ba inaalo ako.

“Naging sunud-sunuran po ako kay Mommy kasi akala ko, titigil na siya oras na mahulog na sa akin si Nero. Hindi ko po akalain na maging sa pagpapakasal ay magagawa niya akong itulak.”

Hindi ko rin maintindihan. Ang sabi niya ay gusto niya lang makaganti kay Nero kahit man lang emosyonal na sakit. Bakit ngayon ay hinahabol niya na rin ang yaman ng mga Monasterio? She even wants me to marry him! Kung ipagtulakan niya ako, para bang hindi niya ako anak.

“Gawin mo lang ang alam mong tama, Isha. Huwag mo nang dagdagan pa ang pagkakamali mo kay Nero. Alam kong masasaktan ka oras na malaman niya na ang totoo pero kailangan mo tanggapin ‘yon. Kung nasasaktan ka, isipin mong mas doble ang sakit na nararamdaman niya kapag sinabi mo na ang lahat.”

Nakakaramdam man ng takot at pagkaduwag, alam kong wala akong pagpipilian kung hindi ang kausapin siya at sabihin ang totoo. Hindi ko na puwede pang patagalin ang pagsisinungaling dahil lalo lang ako kinakain ng kunsensya ko.

“Susubukan ko pong makipag usap sa kaniya. Sa mismong pamilya po niya, yaya. Hihingi po ako ng tawad. Mag impake na rin po kayo dahil aalis na tayo pagbalik ko.”

Pagkatapos kumain at maligo ay nagbihis na ako. Paulit ulit kong binibisita ang cell phone ko para makita kung may text o tawag si Nero pero mula pa kagabi pagkahatid sa akin ay hindi na siya nagparamdam.

It’s unusual. Palagi siyang nagtetext sa akin tuwing umaga. Kung sabagay. Nariyan ang buong pamilya niya kaya baka abala.

Susubukan kong puntahan siya sa bahay nila.

Paglabas pa lang ng bahay ay nakita ko na si Ate Choleng na nagwawalis sa hardin nila. Ngumiti ako.

“Ate Choleng!” tawag ko.

Nag angat siya ng mga mata sa gawi ko. Her brows slightly slanted in a frown upon seeing me. Tumingin siya sa bandang likuran ko bago ko ibinalik sa akin ang tingin.

“Isha, ikaw pala.” sabi niya, tila wala sa mood.

Hindi siguro maganda ang gising.

“Nariyan po ba si Nero?”

Tumango siya. Naglakad siya patungo sa gate at binuksan ito.

“Pasok ka. Nag-aalmusal sila.”

“Ah, gano’n po ba? Hindi po ba ako makakaabala?”

“Hindi naman. Sige na, tumuloy ka na sa dining area.” seryoso pa rin na sabi niya.

Tumango ako at nagpatuloy na sa pagpasok sa loob. Sa entrada pa lang ay naririnig ko na ang ingay at mga tawanan. Napangiti ako nang marinig ang malakas na boses ni Tate.

Malayo pa lang ay natanaw ko na si Nero na nakaupo sa tabi ni Ania. Nakatalikod siya sa gawi ko at tila kumakain. Si Ma’am Adrianna ang unang nakakita sa akin. She didn’t smile. Nasanay na ako doon. Sunod na tumingin sa akin si Sir Zion. His menacing gaze towards me suddenly made me feel uncomfortable. It’s cold and laced with venom.

“Hi, Isha! Buti at narito ka na. Nagyayaya si Nero sa bukid at doon magtatanghalian! Ready ka na ba?” si Tate, hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kanila.

May plano sila? Hindi ata nabanggit sa akin ni Nero?

Alanganin akong ngumiti. Zadriel avoided my eyes. Dreya smiled at me. Si Dashiel ay isang tango lang ang iginawad sa akin. Si Ma’am Cheska at Sir Daniel ay nakatingin lang rin sa gawi ko.

Huminto ako sa gilid nila. Sunod kong tiningnan si Nero na umiinom ng tubig at pagkatapos ay nag-angat ng tingin sa akin. Gusto kong mangliit sa paraan ng tingin niya sa akin, para bang ibang tao ako. Kung sa bagay... gano’n naman na talaga siya kahit na noon pa man. 

“Magandang umaga po sa lahat.” sabi ko at ngumiti nang malawak.

Ania suddenly scoffed. Ipinaypay niya ang kamay sa tabi ng ilong na tila ba nababahuan.

“What’s that smell? Medyo malansa!”

“Hala, baka si Alas! Siya naman katabi mo, e. Puwede rin ikaw pala ‘yon.” humagikhik si Tate. Sinamaan siya ng tingin ni Ania. She only gave her a peace sign.

Itinuon ko ang mga mata kay Nero. He was already staring at me, his expression didn’t change. It’s still stoic.

“Kumain ka na?” malamig ang boses na  tanong niya sa akin.

Tumango ako. “Kanina sa bahay.”

He nodded his head and bore his eyes on his parents. Bumuntonghininga siya at pagkatapos ay kinuha ang bakanteng upuan sa gilid at itinabi sa kaniya.

“Have a seat.”

Naupo ako doon sa kabila ng kakaibang tensyon na nararamdaman ko mula sa kaniya. Tumingin ako sa lahat. Bukod kina Ma’am Adrianna at Sir Zion na seryoso lang, gusto kong panindigan ng balahibo lalo pa at tahimik lang si Nero.

“Kain ka, Isha.” mahinhin ang boses na alok ni Dreya sa akin.

Umiling ako sabay ngiti. “Ayos lang. Kumain na ako. Salamat.”

Sinulyapan ko si Nero. Mataman lang siyang nakatitig sa akin, walang kahit na anong emosyon sa kaniyang mukha.

“Uh, tungkol pala sa k-kasal natin-”

“It won’t happen anymore.” putol niya sa akin nang hindi inaalis ang titig sa mga mata ko.

Mabilis na sumibol ang katahimikan sa paligid. Nang igala ko ang mga mata ay nakita kong nakatingin sina Tate kay Nero, bahagyang nakaawang ang labi.

“Ay, LQ kayo-”

“Tate...” sita ni Zadriel sa asawa.

Takang tiningnan ni Dreya si Dashiel. Nakatitig lang ito sa plato at umiigting ang panga. At nang balingan ko si Ania, may ngisi na ito sa labi habang si Alas ay nagmamasid lang sa akin.

Hilaw akong natawa. Hindi ko inaasahan na ‘yon ang isasagot sa akin ni Nero. Ako sana ang magsasabi noon — na gusto ko siyang makausap nang maayos at kaming dalawa lang. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi na matutuloy ang kasal pero bakit mas nauna pa siya?

At bakit mukhang galit siya?

Imbes na isatinig ang mga naisip ko ay peke akong natawa at umastang nagulat.

“B-Bakit? Ayaw mo na kaagad sa akin? Ang bilis namang magbago ng isip mo!” muli ay humalakhak ako.

“The nerve—”

“Ania...” sita sa kaniya ni Nero nang hindi siya tinitingnan.

Bumuntonghininga lang si Ania.

Pilit kong nilulunok ang bikig sa aking lalamunan. Isa sa pinakamahirap na gawin ay ang tumawa sa kabila ng katotohanan na gusto mo nang umiyak.

Nero’s jaw clenched tightly. The veins on his hand were already showing as if he’s gripping the glass too tight. Nag-iwas siya ng tingin. Umangat ang sulok ng labi niya na tila ba dismayado bago muli akong tinitigan; ang mga mata ay puno ng sarkasmo.

“Give me one good fucking reason why I’ll marry a liar like you, Visha...” he said those words that made my heart race. His teeth obviously gritting. “Congratulations on your plan. Loving the success, baby?”

Tila bumaba lahat ng dugo ko sa aking talampakan nang marinig ang sinabing ‘yon ni Nero. Wala sa sarili akong tumingin sa pamilya niya. Ang matatalim na mga mata ni Ma’am Adrianna ang siyang sumalubong sa akin.

Ibinalik ko ang tingin kay Nero. His dark and ruthless eyes were laced with rage.

“N-Nero...”

Umiling siya, puno ng disgusto ang ekpresyon ng gwapong mukha.

“Didn’t know that I fell in love with an evil woman like you.”

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 94.8K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
23.8K 903 32
[Los Herederos Series: Eleov Montez] But I got nothing here without you. [January 2020-]
104K 4.9K 27
Alecxandra was broken-hearted from her past relationships. Nang magbakasyon sila ng kaniyang best friend sa isang island resort, ang Villa Martinez...
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...