I'm Inlove With My Bodyguard...

By _DareKim

10.3K 289 26

Penny's dream is simple; it is to live a quiet and peaceful life. Until her father hires Rocky Yzmael Aragon... More

CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60 (FINAL CHAPTER)
CHAPTER 15 MISSING PART.

CHAPTER 16

166 3 0
By _DareKim

Kinabukasan ay hindi maipinta ang mukha ni Penny. Ewan ba niya kung bakit siya naiinis. Parang ayaw niyang makita si Rocky ngayon. Actually ay may dalaw siya kaya rin siguro mainitin ang ulo niya agad. Halos lahat na lang yata ng babae sa campus eh binabati si Rocky, napaka-babaero talaga ng lalaking iyon. Mas mabuti pa na wag na lang siya nitong bantayan ngayon.

6:30 pa lang ng umaga pero nakabihis na siya at handa ng magtungo sa eskwelahan. Hinihintay na lang niya ang Daddy niya. Lumabas siya ng bahay at agad na natanaw ng mga mata niya ang lalaking ayaw sana niyang makita ngayong araw.

Si Rocky.

Nakatayo ito habang nanginginain ng tsokolate sa labas ng kabilang bahay na tinutuluyan nito. Agad na sumimangot ang mukha niya pagkakita sa lalaki. Nguya ito ng nguya ng tsokolate at pagkatapos ay tinikman pa nito ang nasa daliri nito at dinilaan iyon. Napalunok siya pagkakita sa ginawa nito. Bahagya rin na nanlaki ang mga mata niya. Biglang lumingon sa kaniya si Rocky at agad itong napangiti nang makita siya.

"Penny!" sigaw nito sa pangalan niya. Siya naman ay humalukipkip at umiba ng direksyon na wari ay hindi niya ito nakita.

Hays nakakainis!

Bahagya niyang naipadyak ang paa. Naramdaman niya na lumakad si Rocky palapit sa kinatatayuan niya.

"Nasaan na si Mr. Crisostomo? Akina na yang bag mo," sabi nito sa kaniya at pilit na inagaw sa kaniya ang bag niya upang bitbitin na nito. Hindi niya ibinigay dito ang bag niya. Kaya naman kasi niyang dalhin ito. Hindi na nito kailangan pa na bitbitin iyon.

"Oh ayaw mong bitbitin ko ang bag mo? Bakit?" nagtatakang tanong nito sa kaniya. Hindi pa rin niya ito tinitingnan pero sinagot naman niya ang sinabi nito.

"Kaya ko naman eh!" sagot niya. Naningkit ang mga mata nito nang mapagmasdan ang mukha niya.

"Teka lang, may kasalanan ba ako sayo? Bakit ba ang sungit mo na naman sa akin. Kahapon ka pa ah?" puna nito sa kaniya.
Doon ay tiningnan niya ito.

"Huwag ka ng sumama sa school, ihatid mo na lang kami ni Daddy at pagkatapos ay huwag mo na akong bantayan," wika niya dito. Nangunot ang kilay nito dahil sa sinabi niya.

"Ano? Bakit ko naman gagawin yan eh ang trabaho ko ay bantayan ka," sabi nito sa kaniya.

"Ayaw ko lang. Wag mo na kasi akong bantayan dahil naiinis lang ako kapag nakikita ko ang mukha mo," diretsang sabi niya dito. Mas lalong nangunot ang noo ni Rocky dahil sa sinabi niya. Tila ba gulong-gulo na ito sa kaniya at hindi siya nito maintindihan.

"Wala naman akong ginagawang masama sayo ah? Isa pa ay hindi papayag ang Daddy mo na hindi ka bantayan," sabi nito.

"Kakausapin ko siya para pumayag siya," sagot niya. Napahimas naman sa sentido si Rocky at parang stress na stress na hinawakan nito ang kamay braso niya.

"Penny, ano ba talaga ang problema ha?" naguguluhang tanong nito.

"May nagawa ba ako?" dagdag pa nito. Umiling siya.

"Wala. Naiinis lang ako sa mukha mo!" supladang sabi niya.

"Ano? Naknamputik! Napaka-imposible mo naman Penny. Iyan lang ang rason mo? Bahala ka, pero hindi kita susundin dahil hindi ikaw ang amo ko. Sa ayaw at sa gusto mo eh babantayan pa rin kita kaya halika na sa sasakyan," sabi nito. Lumabas na rin ang Daddy niya at nakabihis na ito.

"Nag-aaway ba kayong dalawa?" tanong nito sa kanila. Narinig pa yata nito ang pag-uusap nila.

"Hindi po Sir. Nagkukwentuhan lang kami ni Ma'am Penny," agad naman na sagot ni Rocky at ngumiting aso pa sa kaniya.

"Mabuti naman kung ganoon. Akala ko eh nagtatalo na naman kayong dalawa," sabi ng Daddy niya.

"Ay hindi ho ser! Napakabait po nitong anak niyo eh. Sobra!" ani Rocky at muling bumaling ng tingin sa kaniya na nakakainsulto.

"Oh siya, tayo na at baka mahuli pa kami ni Penny," sabi ng Daddy niya kaya sumakay na sila pareho sa sasakyan. Pinagbuksan siya ni Rocky ng pintuan pero inirapan lang niya ito. Nainis siya dahil nakangiti pa ito kahit na inirapan niya ito. Nang-aasar ba talaga ang isang ito? Well, wala pa nga itong ginagawa kanina ay naaasar na talaga siya at kumukulo na ang dugo niya dito.

Nang makarating sila sa eskwelahan ay hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ni Rocky ng pintuan. Nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan upang magtungo sa classroom niya. Si Rocky naman ay agad siyang sinundan. Naiinis na naman siya.

Maya-maya ay narinig niya na may kumpulan ng kababaihang pinagbubulungan si Rocky.

"Ayan yung bodyguard ni Ms. Crisostomo na magaling mag-basketball, totoo nga pala na ang gwapo niya!" sabi ng isang babae.

"Oo nga, may girlfriend na kaya siya?" tanong pa ng isa.

"Sa tingin ko wala pa. Mukhang suplado pero gwapo!" bulong pa ng isa. Hindi pala bulong iyon dahil dinig na dinig niya.
Napabuga na lang siya ng hangin at napailing. Wala pa bang klase ang mga haliparot na ito at nakakalat dito sa hallway? Tsk!
Narinig niya na nag Hi si Rocky sa mga babae.
Ang yabang talaga ng lalaking ito. Siguro ay proud na proud ito sa sarili porket pinag-uusapan ito ng mga kababaihan sa campus.

Nilagpasan na niya ang mga ito at tuloy-tuloy siyang nagtungo sa classroom niya. Binuksan niya iyon at pumasok sa loob saka naupo sa upuan niya.

"Hay, saan kaya ako mauupo today?" nakangising sabi ni Rocky nang makapasok sila sa loob ng room.

"Pwede ba Rocky? Ayaw kong masira ang araw ko kaya wag kang mauupo dito sa loob," inis na wika niya.

"Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin? Sige, sabihin mo muna sakin kung anong nagawa ko," sabi nito sa kaniya at humila ng upuan sa harap ng table niya saka kumalumbaba. Ngayon ay magkaharap silang dalawa at magkalapit ang mukha nila.

"Kasi nakaka-distract 'yang mukha mo," inis na wika niya. Bigla naman itong ngumisi. Kumunot ang noo niya. Baliw na yata ang lalaking ito. Natutuwa pa sa sinabi niya.

"Talaga? Nadi-distract ka sa mukha ko? Alam mo bang iba ang dating sa akin niyan?" anito sa kaniya.

"H-huh? Anong pinagsasasabi mo?"

"Nagu-gwapuhan ka sakin," sagot nito at ngumiti.
Sumimangot siya at umirap.

"Kaya hindi ka makapag-focus kapag nandito ako sa loob ng classroom mo ay dahil nagugwapuhan ka talaga sakin. Hay! Sabi ko na nga ba eh! May lihim kang pagnanasa sakin," nakangising sabi nito. Pinamulahanan siya ng mukha dahil sa sinabi nito.
Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito!

"What? Ang kapal talaga ng mukha mo no? Hindi ako nagugwapuhan sayo, excuse me!" inis na wika niya.

"Hmm talaga? Mamatay?"

"Ka!"

"Hahaha! Nagugwapuhan ka sakin. Wag kang mag-alala Penny, nagagandahan din naman ako sayo..."

Natigilan siya sa sinabi nito. Akala niya ay may kasunod na pang-aalaska ang sinabi nito pero wala na itong sumunod pang sinabi. Tama ba yung narinig niya? Nagagandahan ito sa kaniya? Sa isang mataba at baduy na katulad niya?

Natigil ang pag-uusap nilang dalawa nang pumasok ang mga estudyante niya. Tumayo si Rocky sa harapan ng table niya at nakipag-high five pa sa mga estudyante niya na kasundo na nito.

Parang may mga kabayong naghahabulan sa dibdib niya sa mga oras na ito.

Bakit ganito ang epekto ni Rocky sa kaniya? Alam naman niya na malamang sa nantitrip lang ito. Baka hindi lang talaga nito nasabi ang dapat ay sasabihin pa nito na joke lang talaga iyon at hindi ito totoong nagagandahan sa kaniya.
Nagsimula na siyang magklase at si Rocky naman ay tumayo sa labas ng classroom niya. Hindi na niya ito pinansin. Malamang ay magha-hunting na naman ito ng magagandang chicks na dadaan. Tss! Halata namang playboy eh.

———

Nakatayo si Rocky sa labas ng silid aralan ni Penny. Pinapanood lang niya ito habang seryoso itong nagtuturo sa mga estudyante nito. Ang sungit nito ngayong araw. Umagang-umaga pa lang kanina ay sinusungitan na siya nito. Wala naman siyang natatandaan na may nagawa siyang masama dito. Bukod sa pananahimik nito kahapon ay bigla na rin itong naging masungit sa kaniya ngayon. Ang hirap talagang intindihin ng mga babae.

Sumapit ang recess at tinawag niya si Kurt, isa sa mga kasundo niyang estudyante ni Penny. Halos lahat naman ng estudyante ni Penny ay kasundo na niya. Ilang linggo na rin kasi siyang nagbabantay dito.

"Psst!" tawag niya dito at sinenyasan ito na lumapit sa kaniya. Hindi pa lumalabas si Penny upang mag-recess. Nakaupo pa ito sa harap ng table nito habang ang mga estudyante naman nito ay naglabasan na. Hindi niya alam kung may balak ba itong magtungo sa canteen.

"Bakit po Kuya Rocky?" tanong sa kaniya ni Kurt.
Dinukot niya ang tsokolate sa bulsa niya at inutusan ito na iabot iyon kay Penny.

"Pakibigay mo naman ito kay Ma'am Penny, sige na," aniya sa bata.

"Sige po Kuya Rocky!" sagot naman nito sa kaniya. Napakadaling kausap ng batang ito. Nagtatakbo na ito agad patungo kay Penny dala ang tsokolate na pinaabot niya dito. Nakita niyang inabot ni Kurt kay Penny ang tsokolate at si Penny naman ay nagtanong sa bata kung kanino iyon galing. Tinuro siya ni Kurt kaya naman lumingon sa kaniya si Penny. Kumaway siya dito at nagpuppy-eyes. Napailing si Penny at umirap pero tinanggap naman nito ang tsokolate kaya napangiti siya.

"Ano to peace offering?" tanong sa kaniya ni Penny at binuksan ang tsokolate.

"Pasalamat ka at paborito ko to," dagdag pa nito saka kinain iyon.

"Peace offering ka diyan. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong kasalanan sayo. Pero parang ganoon na rin, para hindi mainit ang ulo mo sa akin," sabi niya dito at pumamulsa habang nakatayo pa rin sa labas ng classroom nito.

"Ewan ko sayo," inis pa rin na wika nito sa kaniya.

"Hindi ka ba lalabas para bumili ng miryenda? Gusto mo ibili kita?" pag-iiba niya ng usapan.

"Okay na ako dito," sagot naman nito. Nakita niyang tumayo ito at kinuha ang eraser sa pisara, nagulat siya nang may mapansin siya sa suot nitong uniporme na kulay berde.

May dugo ito sa likod.

Napaiwas siya ng tingin pero agad din siyang nag-alala na baka may ibang makakita dito at mapahiya ito.

"Penny!" tawag niya sa pangalan nito. Nagbubura na ito ngayon sa pisara habang kumakain ng tsokolate.

"Ano?" pasuplada pang tanong nito sa kaniya. Humarang siya sa pintuan upang walang makakita dito na dumadaan.

"Ano kasi..."

"Ano? Nanti-trip ka naman ba? Tumahimik ka na lang Rocky," anito sa kaniya.

"Hindi! Ano yung likod mo, may ano. M-may dalaw ka ba ngayon?"

Natigilan si Penny sa ginagawa nito nang mapagtanto nito ang sinabi niya. Nanlaki ang mga mata nito at agad na tumalikod sa kaniya.

"M-may tagos ako?" nanlalaki ang mga matang tanong nito sa kaniya. Tumango naman siya dito.

"Oo," nakangiwing sagot niya.

"Oh my god!" anito at napatakip sa sariling bibig.

Mabilis itong nagtungo sa cr ng classroom. Siya naman ay nakahinga ng maluwag nang mapatingin siya sa paligid. Walang dumaan kanina.

Napailing na lang siya. Ngayon niya na-realize na kaya mainit ang ulo nito sa kaniya ngayon ay dahil baka sa dalaw nito. Pati siya ay napag-iinitan nito. Ganoon ba talaga ang mga babae? Mabuti na lang at hindi siya naging babae.
Maya-maya ay narinig niya na sumigaw si Penny.

"Rocky!" rinig niyang sigaw nito  mula sa cr. Napatingin siya doon.

Mabilis siyang lumapit sa pintuang nakasarado.
Bigla siyang kinabahan. Baka may nangyaring masama dito.

"Bakit? Anong nangyari sayo? Okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong. Kinatok-katok pa niya ang pintuan ng cr.

"W-wala akong extra pants at underwear. Pwede bang umuwi ka sa bahay at magsabi kay Mommy. Dalhan mo ako please!" nag-aalangan na sabi nito sa kaniya. Parang nahihiya pa itong sabihin iyon.

"Alam kong nakakahiya pero please, ayokong mas mapahiya sa mga tao dito," sabi pa nito sa kaniya. Natigagal siya sa kinatatayuan pero agad din naman siyang tumango.

"O-oo sige uuwi ako sa inyo," mabilis naman niyang sagot upang hindi na ito mag-alala pa. Ayaw rin naman niyang mapahiya ito sa mga tao.

"Thanks Rocky!" sigaw ni Penny. Wala siyang sinayang na sandali, dali-dali siyang lumabas ng classroom ni Penny at nagtungo sa sasakyan nilang dala. Pinaharurot niya iyon pauwi sa bahay ng mga ito.

Continue Reading

You'll Also Like

258K 14.2K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
813K 27.6K 37
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.8M 61.5K 56
UDMC Boys Series #1 Published under Summit Media's Pop Fiction! "Huling taon na ni Sedric sa kolehiyo at pakiramdam niya ay ito na rin ang huli...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...