Heart Of Bullets ( Mafia Seri...

By frezbae

314K 15.8K 1.7K

Addelyn's live her life in a province of Samar peacefully not until she became involved in a fraternity. To... More

Guidance
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39

Chapter 16

6.5K 381 48
By frezbae

"J-Joke lang naman iyon." sabay irap ko kay Felix.

Napilitan akong sabihin iyon lalo na at nanunuya ang titig niya sa akin. Kinabahan rin ako dahil nasa bahay niya ako.

Kahit maliit ang bahay na ito pero malinis. Masasabi kong masinop siyang lalaki.

"Hmmm." Aniya. sobrang lapit naming dalawa kaya nilagay ko sa kanyang dibdib ang kamay upang itulak siya.

Ngumiwi ako ng maalala ang kahalikan niyang babae sa hideout nila.

"Teka nga! Bakit mo ba ako dinala dito? Doon kana sa kahalikan mo noong kelan! Kadiri ka!"

Nagpatianod siya sa pagtulak ko pero nakangisi.

"Nagseselos kaba?"

Umawang ang aking labi sa sinabi niya. Ang hambog na ito.

"Excuse me Felix huh? Kung anuman ang gawin mo ay wala na ako doon. Di'ba, ikaw naman ang nagyaya sa akin. Baka nakakalimutan mo ang proposal mo?"

Tinikom niya ang bibig at namulsa sa aking harapan. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Isang buwan o dalawa lang naman di'ba? Tapos ngayon dinukot mo ako sa school at dinala dito sa bahay mo? Sino ngayon ang mukhang hindi makatulog kung gabi? Ikaw o ako?"

"Shut up." galit niyang ani sa akin. Kinain ng hakbang niya ang distansiya naming dalawa at hinawakan niya ako sa panga. Namilog ang aking mga mata sa pag aakala na baka saktan niya ako.

"Hindi ko alam na hahalikan ako ng babaeng iyon, basta basta niya nalang akong hinalikan."

Taas baba ang aking dibdib sa kaba. Umiwas ako sa mga titig niya. Hindi dapat ganito. Hindi dapat ako nagpapadala sa mga ganito niyang salita. Kailangan ko parin aalahanin ang mga sinabi sa akin ni Karen.

Sa mga nagdaang araw ay sinabi sa akin ni Karen kung anong klaseng tao si Felix. He's a Mondragon.

Sa totoo lang, hindi talaga ako noon naniniwala sa mga mafia, mafia na iyan. Kasi, dito lang naman ako sa probinsiya ng Samar lumaki at namulat. Noong nakita nila ako tatay at nanay sa gubat ay hindi pa ako ganon ka mulat sa mundo.

Kaya kailanman kahit masaya ako sa pagpapalaki sakin nila nanay at tatay ay alam ko sa sarili ko na parang kulang. Isang puwang ang buong pagkatao ko.

Lumayo siya sa akin para tunguhin ang kusina niya. Nakita ko siyang may kinuha sa ref niya at doon ko nalaman na magluluto siya!

Marunong siyang magluto?

Hindi niya ako pinapansin. Kahit na ano ano na ang ginawa ko dito sa sala niya at wala man lang kahit pictures dito.

Nakahalukipkip ako at nakanguso na tinignan siya muli. Mukhang masarap ang niluluto niya.

Ngayon ko lang natanto na ang galing niya magluto. Masinop siya sa kanyang galaw. Wala pa nga talaga akong alam sa kanya talaga. Kung ano lang ang naririnig ko about sa kanya ay iyon lang. Tsaka itong nakikita ko sa kanya bukod sa panghahalik niya sa akin.

Naging advantage iyon kina Karen ang offer niya sakin. Karen is a family. Magkasama na kami noon pa. Si Felix ay marami nang pinaglaruan na babae dito sa amin.

Maraming nababaliw sa kanya. Sino ba naman ang hindi? Kung pisikal na anyo, mababaliw kang lubos. Wala siyang kasing guwapo at kisig. Pero...manyak lang siya.

Ganon naman siguro siya sa iba niyang napaglaruan noon. Manyak at palahalik.

Ngayon, ako naman ang laruan niya at hindi dapat ako maging isa sa mga baliw na babaeng obssess sa kanya. Isipin ko ang kapakanan ni Karen. Iyon lang dapat.

Nilapitan ko siya sa kusina at nilingon niya ako.

"Seat, patapos na ako."

Nakita ko ang niluluto niyang sinigang na hipon at may bistek rin. Ang sarap ng amoy nun'.

Kinagat ko ang labi dahil sa pagkamangha na magaling siyang magluto.

"Ang galing mong magluto. Ang dami mong pera pero wala kang' katulong dito?" tanong ko at kumuha ng plato para ilapag sa mesa.

"You think I need a maid? " malamig niyang sagot at nilapag sa mesa ang bistek at sinigang na hipon.

Nakakatakam.

Siya mismo ang ang arrange ng pinggan sa harapan ko at nilagyan ng mangkok na may hipon. Hindi ako sanay na pinagsisilbihan ng ganito lalo na at ako mismo kumikilos ng para sa sarili ko sa bahay. Ako nag aasikaso ng mga ibang bagay nila nanay at tatay.

May kung ano akong naramdaman sa aking puso ng makita siyang inaasikaso ako.

Sinapo ko ang aking dibdib.

"What's wrong?" biglang tanong niya at umupo sa aking harapan.

Natauhan ako bigla. "W-Wala. M-Magaling ka pala magluto ano?" sabay tikim ko sa sabaw ng sinigang na hipon, para sana mabawasan ang kabog ng aking dibdib.

"Aw!" subalit napasigaw ako dahil sa sobrang init pala nun! Halos sapuin ko ang noo dahil hindi ko man lang hinipan!

Nagmura siya ng ilang beses at agad na lumuhod sa aking harapan para hawakan ang labi ko na napaso.

Kinagat ko ang labi na napaso at pumikit.

"A-Ang s-sakit!"reklamo ko at hinawakan ang braso niya habang kanyang hinahaplos ang labi ko at hinihipan.

"Don't bite your lips. Sasakit lalo iyan."

Tumango ako sa kanya at natanto na sobrang lapit namin sa isa't-isa. Iniwas ko ang tingin sa lalo na naaamoy ko ang kanyang bango. Nakakadik!

Tumango ako sa kanya.

"Damn, your lips is sexy." anas niya, nagkatitigan kaming dalawa. Napakurap kurap ako sa kanyang sinabi at iiwas sana ngunit hinawakan niya ang panga ko.

"Let me cure your lip." he whispered.

Humigpit ang hawak ko sa kanyang braso ng hinalikan niya ako. Isang patak lamang iyon at tinignan niya ba ang aking labi kung namumula pa at hinalikan niya ulit at inenspeksyon.

Napapikit ako dahil sa pagalaw ng kanyang labi.

Yawa ka Addelyn! Nagpapadala ka na naman! Paano ba kasi nakaluhod siya sa harapan ko at hinahalikan ako.

"T-Tama na. Maayos naman ito."

Dinilaan niya ang kanyang labi at tila ba hindi parin sang ayon.

"Are you sure?"

Nanlalambot ako na tumango sa kanya.

Tahimik kaming kumain at di ako makakain ng maayos dahil panay ang tingin niya sa akin.

Peke akong umubo. "Um, iyong lalaki pala na nagpahiram sakin ng jacket, si Armando..b-bakit kayo magkakilala?"

Matagal kaming nagkatitigan, tila ba tinatantiya niya ang pagtanong ko sa kanya.

Sumimsim muna siya sa tubig bago nagsalita.

"You like him?"

Ngumuso ako dahil nakakaatract naman talaga na lalaki si Armando.

"Hmm..Gwapo naman siya talaga-"

Umayos siya ng pagkakaupo at nagmura ng mahina.

" -pero hindi naman tungkol doon. Kasi kilala niya ako kaya nakakapagtaka."


"I know him coz' of our business."

"Ganon ba." tumango tango ako at biglang may kumalabog sa pintuan kaya napamulagat ako at napatili ng may pumasok na lalaki at nakatutok ang baril kay Felix! Nakita kong natanggal ang doorknob ng pintuan dahil sa pagsipa ng lalaki!

Si Felix naman ay napapikit nalang at nagmura!

"Long time no see cuz." aniya ng lalaking pumasok.

"Pasasabugin ko ang bungo mong hayop ka. Ano ang ginawa mo sa kapatid ko?!Sabi ko hanapin-" gitil ng isa pang lalaki at kinuwelyuhan si Felix kaya dun na ako napatayo. Natumba ang upuan sa biglaan kong pagtayo!

"F-Felix!" sabay takip ko sa aking bibig ng napatingin ang dalawang lalaking bagong dating.

Ang lalaking nagtutok ng baril kay Felix ay namutla at tinapon ang baril.

"Oh, here you are little girl." sabi naman ng isa na nagtawag na "couz'" kay Felix!

Mas dumagdag ang kaba ko dahil pakiramdam ko napapalibutan ako ng mga taong masasama pwera nalang sa laki ng kanilang katawan at kagwapuhan.

Continue Reading

You'll Also Like

281K 9.4K 34
My back was pressed against the wall, and our faces were merely inches away. He gently placed a finger below my chin and tilted my face upward. I tri...
2.6M 215K 94
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
1M 67.5K 61
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
1.5M 104K 198
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. 🔥** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...