Chapter 38

5.6K 273 30
                                    

Walang nakakaalam ng mga nangyari sa akin noon. Kung paano ako nagkaganito kundi si kuya at si Felix lang. Hindi na ako nagtataka kung bakit minsan pinipili ko na dumistansiya sa mga ka klase ko.

Mahirap. Sobrang hirap ang pinagdadaanan ko emotionally at physically sa mga nagdaang taon. Ang tanging naging aliwan ko lang ay ang pag-aaral.

Tama nga ang sinabi noon ni kuya sa akin na walang boring na bagay kung minamahal mo ang bagay na iyon.

Minahal ko ang pag-aaral ko kaya naging aktibo ako. Maraming nagsubok manligaw sa akin ngunit hindi ko pinaunlakan.

Ngayon ay isa na patunay na kaya kong lagpasan ang lahat ang aking diploma. Kahit na mag isa ako ay tiniis ko lahat. Ang mga mapapait na nangyari ay ginawa kong inspirasyon para hindi lumugmok.

Ang bahay nila Chito ay nasa isang village dito sa Probinsya ng Samar. Ngayon lang ako nakapunta sa kanila sa mga nagdaang taon ko sa college ay hindi ko naisip na  magkapatid si Chito at Felix!

Siguro nga parte ng mga alaala ko na hindi na bumalik ang alaala ko na may kapatid si Felix.

Hindi man bumalik ang mga alaala ko ay alam ko kung ano ang gusto ko sa buhay. Hindi na ako umaasa sa pagmamahal ng kung sinoman. Ang importante sa akin ay maayos si kuya at makamit ang pangarap ko maging teacher dito sa Samar.

Hindi ko na yata kayang iwanan pa ang lugar na ito.

"Addelyn! Natulala kana diyan? Kain kana!" si Claire habang binibigay sa akin ang pinggan.

Malawak ang lupain kung nasaan ang bahay nila Chito. Ang barangay kapitan dito sa amin ay ang ama sa papel ni Chito. Siguro nang dahil sa nangyari noon ay inadopt si Chito.

"Doon tayo sa mesang iyon!" tinitigan ko ang tinuro ni Klara at nakita kong marami-raming tao ang nandito.

"Sige " umiwas ako ng maramdaman ang pagkabanas dahil sa rami ng tao. Pumikit ako ng mariin at inisip na kung sa bahay ako ay mas komportable pa ako pero ayoko rin namang huminde lalo na at selebrasyon narin namin.

Huminga ako ng malalim at pumili ng pagkain. Narinig ko rin ang pag bati ng nagtayong ama ni Chito sa aming lahat.

Naghiyawan ang lahat ng may pumasok na kakantang banda. Dito sa Samar ay usong uso talaga ito. Pagkatapos kaming batiin ng kapitan ay nagsimula na ang selebrasyon.

"Tara na!" hinila ako sa siko ni Klara para sa mesang target nila dahil baka maunahan pa kami. Sa paghila nila sa akin ay maraming bumati sa amin na mga ka batch mates rin namin at ibang course.

"Addelyn, gusto mo ng lechon? Gusto kong kumuha kaso nahihiya ako! Tignan mo. Pinag aagawan talaga!"

Nang makaupo ay tinignan ko ang tinuro niya ngunit dumapo ang tingin ko ng hindi sadya kay Felix. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming nakakakilala sa kanya dito. Minahal niya ang Samar dahil narin dito namatay ang kanyang ina at dito siya lumaki.

Kausap niya ang kapitan at nagulat ako dahil nakatingin siya sa akin. Napansin ko na humaba ang kanyang buhok at mas naging makisig siya lalo. Nakahalukipkip siya habang may pinag uusapan sila ng kapitan.

"Hayaan mo na Klara. Okay na sakin mga ito." tinikman ko ang macaroni salad at leche flan.

"Ang sarap!" sabi ko at mas kumain pa.

Habang papalalim na ang gabi ay ramdam ko na ang paglamig ng paligid. Hindi rin ako masyadong tumitingin sa mga tao dahil pakiramdam ko ay nahihilo ako sa dami nila.

Sa mga nagdaang oras ay palagi ko nakikita si Felix na nakatingin lang sakin. Tinitignan niya ang mga kakilala na lumalapit sa akin na tila ba sinisigurado niyang safe ako.

Heart Of Bullets ( Mafia Series 4)Where stories live. Discover now