Chapter 39

7.7K 228 55
                                    

Hindi ko nabalitaan na mayroong bagyong parating pero mabuti nalang at may naimbak akong pagkain sa ref. Dahil nga umuulan ay bahagya nang malamig ang paligid. Talagang malamig dito banda sa bahay namin dahil nasa itaas pa ng burol. Hindi gaanong malakas kaya pinili kong umupo sa aming balkonahe.

Ang iilang puno sa aking harapan ay nagsasayawan. Ang iilang bunga ng mangga ay nagbagsakan sa lupa.

Nakasuot ako ng malaking T-shirt at cotton pants.

Hindi ko maiwasan isipin ang nangyari kahapon. Gustong gusto kong kalimutan ang mga nangyari ngunit alam ko sa sarili ko na nakaukit na iyon mismo sa aking sarili at sa isipan ko.

I can't undo things that already happened. Ang tanging magagawa ko lang ay ang magpatuloy sa buhay at tulungan ang sarili ko.

Naninikip ang dibdib ko habang nakatingin sa mahamog na paligid. Kahit anong lungkot ay ayaw dumaloy ng aking mga luha.

Si kuya nalang ang mayroon ako at pinanghuhugutan ko ng lakas ng loob. Alam ko na buhay siya at hindi niya hahayaang mawala na alam niyang siya nalang ang mayron ako.

Umaga palang at hindi pa ako nakakaluto ng pagkain kaya napag isipan ko na pumasok at makapagluto.

Nagluto ako ng konting bulalo. Mabuti nalang at nakapagpapainit na ako ng baka kaya malambot na. Nilagyan ko narin ng cabbage at mais.

Nang matapos ay naglagay ako sa mangkok ng bulalo at kanin. Dinala ko ang mga iyon sa mesa na nasa balkonahe at doon ako kumain.

Ewan ko pero ang mumunting ingay ng ulan, hamog, at malamig na ihip ng hangin ay nagbigay kagaanan ng loob sa akin. Kahit na mag isa ako ay alam kong safe ako dito.

Sarap na sarap ako sa pagkain sa sariling niluluto. Busog na ako kaya naghugas na ako ng pinggan.

Gustong gusto ko maging guro at masaya akong graduate ako sa kursong aking gusto. Habang ng bar exam ay gusto ko munang mag apply ng kahit anong trabaho.

Habang naghuhugas ng pinggan ay naalala ko si Armando. Kung hindi siya busy ay naglalaan siya ng oras para tumawag sa akin. Sa lahat na nakilala ko siya na yata ang pinakamabait na tao. Hindi dahil sa mabait siya sa akin dahil kundi nagparaya siya dahil alam niyang kahit na bumalik ang mga alaaala ko noon ay hindi na siya ang pipiliin ko ngayon.

May pipiliin pa ba ako?

Mapait akong napangiti.

Kung ang mga taong nakagawa ng kasalanan ay may masayang katapusan, ako kaya?

Mayroon kaya ako? Deserve ko ba o deserve ng makakasama ko sa habang buhay?

Hindi ko alam. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako banda. Kung sa pinakauna, gitna o huli.

Sa mga lumipas na panahon ay hindi na ako nag isip pa ng pag ibig. Na pag ibig ang sagot sa akin. Na pag ibig ang aking kahahantungan.

Hindi tumila ang ulan kahit minuto man lang. Napag isipan ko na sa labas nalang kumain ng aking hapunan kaya alas singko palang ay umalis na ako.

Magkikita kami nila Klara at Claire sa isang mall. Pag uusapan namin kung ano ang plano namin habang nag aantay ng bar exam schedule.

Nagsuot ako ng T shirt at pinatungan iyon ng jacket. Pinaresan ko ang mga iyon ng skinny jeans. Ang lamig talaga ngayon kaya balot na balot ako.

Nilock ko ng mabuti ang bahay pate ang gate nang lumabas at sumakay sa traysikel.

Sa entrance palang ng Mall ay nandoon na agad ang dalawa. Kumaway agad sa akin si Claire.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Heart Of Bullets ( Mafia Series 4)Where stories live. Discover now