Monasterio Series #6: Trapped...

By Warranj

1.7M 74.9K 13K

Being kept in the province of Santa Fe Nueva Vizcaya all throughout his life, Reon Alexis Monasterio had to l... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Reon Alexis
ANIA
Kabanata 43
Adrianna Grace
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 68 ll
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas Access

Kabanata 18

19.7K 1K 193
By Warranj

Kabanata 18

Home

Gusto kong bawiin ang kamay mula sa pagkakahawak ni Nero. Ngunit nang subukan ko, mas lalo niyang hinigpitan ‘yon. Titig na titig ang mama niya sa kaniya. Tila ba mayroon silang pinag-uusapan sa isip nila. Iyong sila lang ang puwedeng makaalam.

Maganda siya. Magandang maganda at hindi halatang may edad na. Kung hindi ko lang alam na anak niya si Nero, iisipin ko na hindi lalagpas ng kwarenta ang edad niya.

Nga lang, mukha siyang mataray. Iyong tipo ng itsura na hindi basta-basta nakikipag usap kahit pa kilala niya ang isang tao. Iyong klase ng ina na sinusuri ang babaeng matitipuhan ng anak niya.

Ramdam kong... hindi ako papasa sa kaniya.

Kumalabog ang pintuan mula sa kabila. Hindi nagtagal at lumabas doon ang isang matangkad na lalaki. Natatandaan ko na siya ‘yong Papa ni Nero.

Lumapit ito sa gawi namin. Gustong magtaasan ng mga balahibo ko nang makita kung gaano kadilim ang mga mata niya lalo pa nang tumingin ito sa akin.

Kamukhang kamukha ni Nero. Hindi ipagkakaila na mag-ama sila. Walang hindi nakuha sa kaniya. Parang pinagbiyak na bunga.

Ma-awtoridad. Makapangyarihan. Iyon ang dating nila sa akin.

“Son...”

Yumakap ang papa ni Nero sa kaniya. Sandali niyang binitawan ang kamay ko. Hindi sinasadyang nagtama ang mga mata namin ni mama... este ng mama ni Nero.

“Magandang hapon po.” Ngumiti ako sa kaniya.

Tipid rin siyang ngumiti sa akin ngunit hindi bumati pabalik.

Ayos na rin. At least hindi niya ako inignora. One point na rin sa soon to be mother in law ko.

Nagkalas ng yakap si Nero at ang papa niya. Tiningnan ako ni Nero, ang kamay ay mabilis na gumapang sa bewang ko. Tumungo ako nang makita ang pagbaba ng mga mata ng mga magulang niya sa mismong bewang ko.

“Please meet my girlfriend. Her name is Isha.”

Ano ba naman itong si Nero. Agad-agad pakilala? Hindi man lang ako hinayaan ang ayusin ang sarili ko bago ipinakilala. Mukha na akong batang hamog sa ayos ko.

Kung sa bagay. Naabutan na nga kaming magkahawak kamay kanina.

Nag-angat ako ng tingin sa mga magulang niya. Parehas silang nakatitig sa akin, seryoso ang ekpresyon ng mga mukha.

“Isha, these are my parents — Zion and Adrianna Monasterio.”

Muli akong ngumiti sa kanila kahit pa mukhang hindi nila ako gusto.

“Hello po. Ako po si Isha Dela Cruz. Ikinagagalak ko po kayong makilala.”

Tipid na ngumiti ‘yong papa niya sa akin at tumango.

“Where do you live, Isha?” tanong ng mother in law ko.

Itinuro ko ang bahay namin ni auntie. “Taga rito lang rin po. Iyon po ang bahay namin.”

“Since when? Are you a local here-”

“Adrianna...” putol nung papa ni Nero sa mama niya.

Kumunot ang noo ko nang makita ang pagtitinginan nila.

“Dati po akong taga Maynila pero nasunugan po kami kaya kinailangan po lumipat dito. B-Bakit po?”

Nilingon ko si Nero. Napansin ko ang pagbuntonghininga niya bago ako tiningnan. Kumurap kurap ako, nagtatanong. Imbes na sagutin ay hinapit niya ako sa bewang at inilapit pa lalo sa kaniya.

“She doesn’t know anything yet aside from my real name, Mama.”

“Would you tell her?”

“Definitely. I trust her.”

Ah, ano ‘yon? Ako ang pinag-uusapan nila, hindi ba? Alin ang hindi ko pa alam? At ano ang sasabihin sa akin ni Nero?

Nakakanerbyos naman ang pamilyang ito.

Muli akong napatingin sa mga magulang ni Nero. Gusto kong lumubog sa klase ng tingin na ipinupukol sa akin ng mama niya. Hindi pa man lubos na kilala ay para niya na akong hinuhusgahan.

“I’m sorry, Isha. It was just a question. Don’t mind me.” sabi niya sa kalmadong boses.

Tumango ako kahit pa nagtataka. Hindi ko maintindihan kung bakit tila nag-aalala siya.

Mukha ba akong may gagawing masama kay Nero? Hindi naman. Gusto ko lang naman dumapa.

“Ayos lang po, ma’am.” magalang na sagot ko.

Tumango siya bago sinulyapan muli ang anak niya. “Can we get inside? Marami nang tao sa paligid.”

Ako ang tumingin sa paligid na para bang ako ang kausap. Medyo marami na ngang tao at ang iba ay nakatingin sa gawi namin. Pasimple kong sinulyapan ang tindahan. Natanaw ko si auntie, seryosong nakatitig sa akin.

“Pumasok na po tayo.” pukaw ni Nero sa atensyon ko.

“Ah, sige. Uwi na muna ako, Nero. Baka kailangan ninyo mag-usap ng kayo-”

“It’s alright, Isha. You can come with us inside. Wala naman kaming pag-uusapan na importante. Besides, my son trusts you so... I think I should do the same.”

Alanganin akong ngumiti. “Sigurado po kayo?”

Yumuko si Nero sa tainga ko. “Stop asking and just come with me. Hindi rin naman kita hahayaan umuwi.”

Ngumuso ako at tiningnan siya. “Mamiss mo ako kaagad?”

“Lagi naman.”

Humagikhik ako. Narinig ko ang pagtikhim ng papa niya. Pilit akong ngumiti sa kanila. Ang mama ni Nero ay nakatingin lang sa kung saan na para bang iniiwasan niya kaming tingnan.

“Halika na. Pasok na tayo.” mahinang sabi ko kay Nero.

Tumango ito. Una kaming pumasok, sa likod namin ay ang mga magulang niya. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng pagkailang. Baka kasi mamaya ay madumi na pala ang puwetan ng short ko. Kung saan-saan pa naman ako umupo kanina.

Naupo kami sa sala. Sa harapan namin ay sina Mama at Papa. Para na talaga kaming mag-asawa ni Nero. Ilang araw pa lang kaming mag-nobyo pero heto at meet the parents na kaagad.

Lakas mo, Isha.

“Nasaan po sina Nanay Martha at Tita Choleng?” magalang na tanong ni Nero.

Ipinagkrus ni Papa ang mga binti niya habang ang kamay ay nasa bewang ni Mama. Nasa lahi ata nila ang gano’ng galaw dahil madalas rin gano’n si Nero sa akin.

“Nagpaiwan na sa bahay.” sagot ni Papa.

“Bakit po?”

“Our wedding anniversary is already approaching, son. Maybe you can attend this time?” Si Mama, may pakikiusap sa tono ng boses niya.

Bumuntonghininga si Nero. Sinulyapan ko siya at naabutan siyang nakatungo. Umiling siya at muling nag angat ng tingin sa mga magulang niya.

“It might be dangerous for all of us if I go back-”

“No. Not anymore. Matagal na silang nanahimik, anak. They already gave up. I guess it’s time for you to show up and meet your siblings.”

Ano’ng nangyayari? Bakit parang ayaw umuwi ni Nero sa kanila? At sino ang nanahimik na?

Gusto ko sanang magtanong pero baka isipin nila ay Marites ako. Ayaw ko ma-bad shot.

“I’ll think about it. Just in case... can I bring my girl with me?” sagot ni Nero matapos ang ilang sandaling pananahimik.

Huh? Saan ako sasama? Itong si Nero isinasama na kaagad ako, hindi pa nga nagpapaalam sa akin.

Sabagay. Kahit saan mo ako dalhin, Nero. Sasama ako. Kahit sa biglang liko pa ‘yan.

Tiningnan ko si Nero pero nasa mga magulang niya ang mga mata niya. Nang tingnan ko naman ang mga ito ay sa akin sila nakatingin. Matipid na ngumiti si Mama Adrianna sa akin.

Naks, feel na feel, Isha.

“Whatever your want, son. Just please go back home...” nanginig ang boses ni Mama. “It’s time for you to meet Zadriel and Ania.”

Continue Reading

You'll Also Like

388K 15K 53
That rainy afternoon when Angelique shared her umbrella with him, Gabriel already knew that she's the one. But with her priority to become one of the...
941K 32.8K 19
ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDARA. ZWCS#1: Blame it on Tequila
6K 166 28
"Is it really possible to embrace someone's poison, the poison that can make me fall again." Amstel Jacob Bandiala is the guy who badly wants to move...