One More Time (Ghost Series #...

By Justt_Stranger

442 76 33

[ON-GOING] Greg Clark Sy, the only soul under the power of Regina who survived from the killing mission. He... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 3

14 3 0
By Justt_Stranger

"Anong nangyari?!" Bungad naming lahat pagdating namin sa clinic nang sabihin samin ni Chloe na nahanap na nya si Jom.

"Oh my gosh, Chloe! How did you find him at 4 am?! Gosh!"

"Hindi lang ikaw ang tao dito, Kim. Lower down your voice." Saway nya sakin imbes na sagutin ang tanong ko.

"Pwede ko bang gamitin ang isa sa mga kama dito? Tutal eh nakita na din naman si Jom, tulog muna ko.." Naghihikab na bulong ni Sean at dire-diretsong humiga doon sa katabing kama ng kay Jom.

"Did you sleep?" Alex asked her.

"No, obviously. I can't sleep knowing that he's with my sis---" Natigilan sya sa sinasabi, kumunot naman ang noo ko. "k-knowing that he's m-missing, I mean.."

"Sis? Sis what?" Mukang bahagya pa syang nagulat nang panliitan ko sya ng mga mata. "Sister?"

"A-ahh... Kim, I---"

"Charot lang! Hahahaha! 'to naman kabado agad eh. Itulog mo na lang yan!"

Bumagsak ang mga balikat nya na tila nakahinga ng maluwag. Mukang inaantok na rin talaga sya.

Nilabas ko ang cellphone ko at nagsend ng message.

To Alex:
I think there's something she doesn't want to tell us.

Nagnotif naman agad 'yon sa cellphone ni Alex. Ni hindi manlang sya nag-abalang kunin ang cellphone nya.

"I know." Sagot nya sa akin kahit hindi pa nya tinitignan ang message ko. Humarap sya kay Chloe. "We're staying here so you can sleep na rin. We'll take care of him."

"Pero---"

"Ikaw na ang naghanap. Let us do something for him this time. Kaibigan din namin si Jom."

Napabuntong hininga na lamang sya at dumiretso sa pinto. Akala ko dito sya matutulog.

"Where are you going?"

"You can sleep here if you want. There's no other patient naman ah!"

"Meron, Kim. Kaya wag kang masyadong maingay at hindi lang kayo ang tao dito. Besides, I don't want to sleep here with them."

Tumabi sya sa gilid ng pinto. Nagulat ako nang bigla na lamang iyong bumukas at sunod sunod na pumasok sina Greg, Gray, at Jayne. Nakakunot ang noo at gulat na tumingin ako kay Chloe.

"You called them?" Turo ko doon sa tatlo.

Dire-diretso silang pumasok sa loob at parang hindi man lang kami napansin samantalang nandito lang din naman kaming tatlo sa pinto.

"No. Why would I call them? Sabi ko naman sayo hindi lang tayo ang tao dito."

"Anong nangyari?!" Muli akong lumingon doon sa tatlo nang sumigaw si Gray. Si Zhack ay kanina pa nandito.

"Bakit parang hindi ko naman sya nakita kanina?" Tanong ko kay Chloe.

"Hindi naman kasi sya maingay."

"Kamusta na sya, Kuya?"

They look really worried.

"Saan mo sya nakita? Bakit pati sya nawala? Tsaka bakit wala syang malay? Hala! May sakit sya?!"

"Nagkakasakit ba si Rein?"

"Anong sabi ng Nurse? Gagaling pa ba sya?!"

"Ang lamig ng katawan nya! May sakit ba 'to?"

"Oo nga! Halos kasing lamig na sya ni Jayne oh.. Oh! Oo nga! Kasing lamig na sya ni Jayne! Bakit ganon?"

"W-wag mong sabihing..."

"Kuya, ano ba?!"

"What?" Nakakaisang word pa lang ang isinasagot nya ay mukang naiirita na sya.

"Wala ka bang balak sumagot sa mga tanong namin?!"

"May matino na ba kayong naitanong sakin?"

"Anong nangyari kay Rein, Zhack?" Tanong din ni Jayne.

"I saw her in the library so I bring her here." Hinawakan nya ang braso ni Rein. "Her temperature is fine."

"Do we really have to watch that?" Hindi namin pinansin si Chloe at nantiling nanonood.

"Talaga?" Hinawakan din ni Gray ang kaninang hinawakan nya. "Oo nga.. Hindi naman malamig ah!"

"Sabi mo kanina malamig," ani Jayne.

"Sabi kasi ni Greg malamig! Nagaya lang ako."

Hinawakan din ni Greg si Rein. Kumunot lamang ang noo nya at hindi nagsalita.

"Ikaw ang mainit. I can feel you from here. You're sick?" tanong ni Zhack kay Greg.

"How did he feel him from there?!" Tanong ko kina Chloe at Alex. Halos isang ruler ang pagitan nila ni Greg! Ano yon? Umaabot sa kanya yung init ng katawan nya?

"He's looking at you now. Ask him." Inis na sagot sakin ni Chloe.

Naglakad ako palapit sa kanila tutal ay nakita na din naman nila ko. Parang ngayon nga lang nila kami nakita.

"Lumapit nga.." I heared her whisper.

Dumiretso ako kay Greg at dinikitan ang braso nya gamit ang likod ng palad ko.

"You're hot."

Nginisian nya 'ko. "I'm always hot, Kim."

"Ganon talaga pag galing sa impyerno."

"Kamag-anak ka daw ni satanas! Hahahahahahaha!" Sinabayan ko si Gray sa pagtawa.

"Doon na lang kaya kayo sa labas magtawanan?" Nakasimangot na ani Greg. Nagulat ako nang kumuha sya ng gunting sa gilid at ibato yon kay Gray.

"What the fuck?"

Tumatawang sinalo iyon ni Gray bago pa man tumama sa balikat nya. Halos takpan ko na lamang ang mata ko nang ibato nya iyon pabalik kay Greg.

"Gray, hindi nya kayang sumalo!" Mabilis na sigaw ni Jayne dahilan para gumalaw ang kamay ko papunta sa gunting.

"He can't," bulong ni Zhack. "But she can."

"Tanginang yan." Inis kong inalis ang kamay ko sa tapat ng muka ni Greg na may hawak na gunting. "Magpapatayan ba kayo?"

"Uy, hindi ah. Ang tawag don bonding!" At tumawa nanaman sya. "Ganon sakin sina Rein at Kuya eh! Nakalimutan kong hindi nga pala sya kasali. Ang lakas ng loob mambato."

"Papatayin mo ba 'ko?!" Nakasimagot na tanong Greg kay Gray.

"Nakalimutan ko nga!"

"Kung makabato naman kasi akala mo marunong sumalo! Alam mo namang babalik din sayo yan!" Sigaw ko din kay Greg.

"Pano ko naman malalaman?!"

"Aba kaibigan mo yan! Wag mong sabihing hindi mo alam ang ugali nyan?!"

"Ay wow! Parang kasalanan ko pang binato ako ng gunting ah! Binalik ko lang naman!"

"Rein is just sleeping. Can you three shut the fuck up?" Mahinahong saway samin ni Zhack.

"Can't you just say please be quiet instead of shut the fuck up?"

"Nope."

"Just be quiet, kayong tatlo. The others are also sleeping." Si Chloe.

"Hindi naman ako yung unang nagingay.." Nakayukong bulong ni Gray.

"Duh. Ikaw kaya. Pagpasok mo pa lang dito sumigaw ka na ng anong nangyari."

"Eh bakit parang kasalanan ko pa? Si Greg kaya nambabato ng gunting! Nasa gitna pa namin si Rein oh! Pano kung sa kanya bumagsak yan? Hindi pa naman yan marunong bumato!"

"Ah kaya pala napunta sayo?"

"Okay, all of you, leave." Itinuro ni Zhack ang pinto pero sinundan lang namin ng tingin 'yon. "Hindi kayo aalis?"

"Kakarating nga lang namin dito eh."

"I don't care. You can visit later when she's awake. You know Rein doesn't want visitors."

"Kaya nga ngayon na kami pumunta kase hindi na namin sya madadalaw mamaya."

"As if magtatagal sya dyan. She'll get up immediately pagbukas pa lang ng mga mata nya."

Nilingon ko si Chloe. "And how did you know that?"

"She's here because of Jom so for sure sya din ang unang hahanapin nya paggising nya."

"Zhack, don't tell me buong magdamag ka ding naghanap?"

He sighed out of frustration. "Can't we just talk outside?"

"Bakit ba atat na atat kang lumabas? Mahina naman ang boses ko ah."

"Mahina ang boses mo---sa ngayon. Mayamaya lang magsisigawan nanaman kayo."

"Eh---"

"God.. Where's Sean?"

"Eh bakit naman sya ang hahanapin mo?"

"He's here?"

"Sleeping," sagot ni Chloe.

"Here?"

"Yes."

"Okay, let's eat."

Lumingon kaming lahat sa gawi nina Jom nang may marinig kaming gumalaw mula doon. Hinawi ni Sean ang kurtina at lumabas. Lumapit sya sa amin.

"Tara!"

Kumunot ang noo naming dalawa ni Chloe kay Zhack. Of course we know na ganyan talaga si Sean 'pag nakadinig ng pagkain. But how did he know that?

"But we're not going until everyone agreed to join us."

Nagtatakang tinignan kami ni Sean. "Ayaw nyo kumain?"

"Hindi parin naman sya titigil hanggat hindi nasusunod ang gusto nya, diba?" Bulong ni Greg.

"Hanggat hindi sya nakakakain." Sagot ko. "Alright, let's go! Balik na lang tayo mamaya."

"You know, you don't have to---"

"We'll be back, Zhack." Putol ni Alex sa sinasabi nya. "Our friend is also here. Hindi lang si Rein ang pupuntahan namin dito."

"Kanina pa talaga sya atat na atat paalisin tayo oh! Gusto mo lang solohin si Rein eh!" Si Gray.

"Oo nga naman, Zhack! Ayaw mo ba kaming makita?! Ikaw gusto kitang makita kahapon pa." Nakangising bulong ko. Siniguro ko naman hindi nya 'yon maririnig.

"At bakit ka naman nya gugustuhing makita?" Yumuko sa akin si Greg.

"At bakit naman hindi? Sino ang ayaw makakita ng maganda?"

"Oh, please.." Natatawang ipinatong nya ang siko sa balikat ko. "He's always surrounded by beautiful people. Diba, Gray?" Pinapungay nya ang kanyang mga mata, nasobrahan pa ang pilantik ng mga daliri.

Plastic na ngumiti naman sa kanya si Gray at tumingin sa Kuya nya.

"Seems like someone doesn't need to pretend to look gay.." Nakangising pang aasar ni Chloe kay Gray.

"But I know someone pretending in front of her friends for acceptance."

Nawala ang ngiti ni Chloe sa isinagot ni Gray. Matalim nyang tinitigan ito at inirapan nang ngisian din sya nito.

"Foul." Nabaling kay Zhack ang paningin ni Chloe. "But aren't we gonna eat?"

Humarap ulit samin si Sean, humaharap kasi sya kay Zhack tuwing nagsasalita sya. "Kain na ta---"

"Eto na, eto na, tara na. Kakain na tayo." Kinapitan ko si Sean hanggang makalabas kami.

Around 6am na nang matapos kami at makabalik sa clinic. Aaminin kong nag-enjoy naman ako kasama sila at mas natuwa ako nang mapikon namin sina Zhack, Chloe, at Alex.

Dumiretso kami kay Rein nang makitang nakatayo si Jom sa gilid noon at nakatingin sa kanya.

"Jom, you're awake.." Agad na dumiretso sa kanya si Chloe.

"Anong ginagawa mo dyan? Kanina ka pa gising? Bakit tumayo ka agad?" Sunod sunod na tanong ko.

"Wag mo muna syang kausapin, Kim. Nakakahilo ang boses mo." Kinapitan ako ni Greg sa dalawang balikat at hinila paatras sa likod nila.

"Ano ba? Wag mo nga 'kong hawakan!"

"Wag nga kayong magulo dyan." Saway samin ni Gray. Lumapit din sya kay Jom at sinulyapan si Rein. "Anong ginawa mo sa kanya?"

"Kasama ko sya kagabi, diba?"

"What?" Kumunot ang noo ni Chloe at tumingin din kay Rein. "No. You were alone when I found you."

"Pero naalala kong sinamahan nya 'ko kagabi.. doon sa library."

"Don kita nakita sa library. Pero mag-isa lang talaga kitang nakita don, Jom."

Humarap ako kay Zhack. "You said you also found her inside the library, diba? Are they together?"

"No."

"Talaga?" Pinanlitan ko sya ng mata. Ngunit ngumuso na lang ako nang titigan nya lang din ako.

"I swear.. Kung nakita ko man si Rein don na kasama mo, hindi ko naman sya papabayaan don lalo na't umuulan."

"No, it's not." Nakakunot ang noong sagot ni Zhack kay Chloe.

"Not what?"

"Hindi umulan kanina."

Kumunot din ang noo ni Chloe. "Pero umuulan nang makita ko sya."

"I was looking for her since yesterday. I know what's happening around me."

"Kung ganon edi baka naghahanap ka sa mga loob nung umulan?"

"Makikita ko paring basa sa labas pag labas ko kung umulan."

"But I know what I saw."

"Maybe your just hallucin---"

"Naaalala ko ding umuulan kagabi. Umuulan nung magising ako at nakita ko syang lumapit sakin." Sabad ni jom na na'kay Rein parin ang paningin.

"It makes no sense." Lumapit na din si Zhack kay Rein.

"Kung ganon, edi paniguradong may isa sa inyong nagsisinungaling." Si Gray.

"May nakaramdam ba sa inyo ng ulan kanina?" Chloe asked.

We all just look at each other, no one answered. Maybe non of us knows what really happened.

"See? No one felt it."

"Pero dalawa silang nakakita na umuulan kagabi. At kung umuulan nga, hindi naman nila papabayaan si Rein don." Pagsang-ayon ko don sa dalawa.

"Wala kaming pakealam sa opinyon ng walang alam sa nakaraan." Seryoso ang mga tingin sa akin ni Gray, sinamaan ko na lamang sya ng tingin dahil maski ako ay nagugulahan na rin.

"Pero nandon din si Jom. Hindi naman siguro nya papabayaan si Rein kahit papano diba?" Si Jayne.

"Yon ay kung sya nga ba talaga yan. Kilala natin si Jom, hindi nya kayang saktan si Rein kahit pitik lang! Kahit pa wala sya sa memorya nya." Si Greg.

"At paano naman ako magiging hindi si Jom eh ako nga si Jom. Ano bang pangalan ko? Ako si Jom. Hindi nga lang yung Jom na kilala nyo pero ako si Jom."

"Mas kilala namin si Chloe kaysa sa inyo---"

"Talaga?" Pinutol ni Greg ang sinasabi ni Alex. "Nakita nyo na ba ang ina nyan? Nakausap nyo na? Natikman nyo na yung luto nung babaeng yon? Nakita nyo na ba kung ano pang mga kayang gawin nyang kaibigan nyo? Ng pamilya nya? Nakita nyo na yung dating kwarto nya? Alam nyo ba kung anong mga dating pinaggagagawa---"

"Greg." Kumunot ang noo sa kanya ni Zhack.

"Well, sorry! Sorry, Chloe. Hindi ko sinasadyang ibalik pa yon pero nakakainis kasi eh! Para bang para sa kanila ay kami pa ang walang alam sa nangyayari."

"Hindi naman makakatulong yang pagpipilit mo, Greg. Walang pumilit kay Rein dati, naalala nya nang kusa. Sa tingin ko ay mas mabilis na paraan yon." Si Jayne.

"Stop forcing them to believe us, Greg. You're just wasting your time."

"Talagang nag-aaksaya lang kayo ng panahon." Hinila ko na sina Chloe mula don sa side nila. "Kung ano anong pinagsasasabi nyo mga baliw yata kayo eh! Tara na nga!"

Nauna pang lumabas sa akin sina Chloe at Jom samantalang ako ang nagyaya. Hindi na rin naman sumagot pa ang apat doon at pinanood na lang kaming lumabas.

"Hoy," tinabihan ko si Sean. "Bakit parang hindi ka nagsasalita? Hindi ka man lang nakikisagot. May sakit ka ba?"

"Pano naman akong sasagot eh wala naman akong naiintindihan?"

Lalapitan ko na sana si Chloe para magtanong nang harangin ako ni Alex.

"Not now, Kim. Whatever your question was, I'm sure she's not yet ready to tell us the truth."

Tinignan ko si Chloe. Diretso lang syang naglalakad at kahit si Jom ay hindi nya pinapansin.

"His questions are too personal." Tukoy ko sa sinasabi ni Greg kanina. "What if they really know Chloe more than we know her? And what did they know about her that made them act like that? Bakit hindi nya sinasabi satin?"

"That's exactly what I'm thinking right now, Kim. Sa totoo lang..." Bagsak ang mga balikat nyang pinanood si Chloe. "Mas naniniwala pa ko sa sinasabi nila kaysa kay Chloe ngayon."

"Ako din." Nilingon naming pareho si Sean nang tumabi sya sakin habang naglalakad, na'kay Chloe din ang paningin nya. "Her reactions are so obvious. Affected sya kaya ibig sabihin tinatamaan sya. Edi totoo nga ang mga sinasabi nila kung ganon."

"Akala ko ba wala kang naiintindihan?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Hindi rin naman ako sigurado kanina. Sinabi ko lang ngayon kasi sinabi nya! Malay ko ba kung tama ang pagkakaintindi ko, diba?"

Tumigil kami sa pagbubulungan nang biglang lumingon sa amin si Jom. Nasa tapat na kami ng girl's building. Nauna nang pumasok si Chloe sa loob nang hindi manlang kami nililingon.

"Alam nyo ba kung anong nangyari?" Nagtinginan kaming tatlo, hindi alam ang isasagot. "Kanina. Habang tulog ako."

"Aba syempre naman alam namin ang nangyari. Nandon kami eh, diba? Ikaw, alam mo ba kung anong nangyari?"

"Seryoso, Kim. Anong nangyari at bakit nagkaganon si Chloe?"

"Why are you asking us? Nandon ka din naman ah! Katabi ka pa nga nya eh. Wag mong sabihing hindi mo alam ang nangyayari sa paligid mo?!"

"Actually..." Nagbaba sya ng tingin at napakamot. "Sumasakit yung ulo ko sa kanila kanina eh. Iilan lang ang naintindihan ko."

"At hindi mo na kailangang intindihin pa." Inakbayan sya ni Sean at isinamang maglakad palayo. "Kulang ka lang sa tulog---"

"Sobra na nga ko sa tulog eh."

"Hindi, kulang pa yan. Damihan mo pa. The more, the merrier..." Yon na lamang ang nadinig ko sa usapan nila bago kami pumasok sa building ni Alex.

Wala na kaming panahong matulog pa ulit at malapit na din naman ang klase. Naligo na lang ako at hihintayin na lang ang mga kaibigan ko sa labas. Pero paglabas ko, ako na lang ang hinihintay.

Hindi na namin pinagusapan pa yung mga naging usapan namin kaninang madaling araw dahil halata namang naapektohan talaga si Chloe. Hindi talaga sya nagsasalita kahit na kung ano ano nang pinagsasasabi namin.

Bago kami makapasok sa classroom ay natigilan kami nang bigla na lamang sumulpot si Greg sa gilid namin. Tumakbo sya kaya naman hinihingal pa nang harapin kami... or should I say, nang harapin nya si Chloe.

Tumigil naman kaming lahat sa paglalakad at hinintay ang sasabihin nya. Ngunit mukang pati sya ay hindi alam ang sasabihin nya kaya pinangunahan na ni Chloe ang pagpapatuloy sa pagpasok. He immediately grabbed her pulse before she entered.

"Sorry talaga... Chloe." Nag-aalinlangan pa syang banggitin ang pangalan nito.

Bumaba ang paningin ko sa kamay nyang nakahawak kay Chloe. My head starts to ache when a scene suddenly comes to my memory.



"Babalik ka, diba? Hihintayin kita.."

"G-greg.."

"Kapag hindi ka bumalik, sasama ako sayo."

"Greg, naman!"

"Kapag hindi ka bumalik, maghahanap ako ng ibang babae.."

"Ayos lang."

"Hindi. Dapat babalik ka."



Dumilat ako nang bahagyang banggain ni Sean ang balikat ko. "Ano meron?"

"Huh?"

"Anong pinipikit pikit mo dyan? Tulog ka ba?"

"At bakit naman ako matutulog nang nakatayo?"

Sabay kaming lumingon kay Greg nang muli syang magsalita. Hindi sya sinagot ni Chloe kanina.

"Alam kong mali yon.. H-hindi ko naman sinasadyang sabihin---"

"Wala akong alam sa sinasabi nyo." Tumingin sya sa amin. "Mauna na kayong pumasok."

"Pero---"

"Sige na, Jom. Sandali lang ako."

Ayaw pa sanang pumasok ni Jom nang itulak sya ni Sean sa loob. Nilingon ko pa muna yung dalawa bago tuluyang pumasok sa loob. At nang makaupo kami sa mga upuan namin ay wala na silang pareho sa labas.

Inalala ko ang mga boses na narinig ko kanina. Sigurado akong ako ang isang nagsasalita. May ideya ako kung sino ang kausap kong lalaki doon pero hindi naman ako sigurado.

Maya maya lang din ay bumalik na si Chloe at tahimik na umupo sa tabi ko. Ni hindi manlang nya kami tinapunan ng tingin.

Nang malapit nang matapos ang klase ay napalingon kaming lahat sa pinto nang bigla itong bumukas at pumasok si Rein.

"I'm sorry. Hihiramin ko lang sya." Diretsong sabi nya kay Ma'am at hinila na si jom palabas. Natawa ako nang makita ang mga muka ng guro at mga kaklase ko.

Sinundan namin ng tingin yung dalawang lumabas, pati ang teacher ay nakinood na lang din dahil mukang nagulat din sya.

"Parang siga ampota." Natatawang bulong din ni Sean.

Pinanood ko silang mag-usap kahit hindi naman naririnig sa loob ang pinag-uusapan nila. At biglang nanlaki ang mga mata ko nang makitang bigla silang nagkiss!

"Oh my gosh!"

Agad kong nilingon si Chloe dahil alam ko na ang gagawin nya. Ngunit bago ko pa sya magawang hawakan ay nakatayo na sya at tumakbo palabas. Agad din kaming tumayo nina Sean at Chloe para sundan sya. Ngunit ang naabutan na lang namin sa ibaba ay si Chloe, wala yung dalawa.

"Oh tapos anong nangyari?" Interesadong tanong ni Gray nang sabihin namin sa kanila ang nangyari habang naglulunch.

"Ayon nga. Bigla na lang daw silang nawala tapos si Chloe naman nagswimming don sa fountain!" Tumatawa kong tinignan si Chloe na ngayon ay nagpapatuyo pa ng buhok.

"Eh bakit ka naman nagswimming don?" Tanong sa kanya ni Greg. "Alam mo bang ayaw pahawakan ni Rein sa iba yon---"

"At bakit naman ako magsuswimming don? Tanga ba 'ko?"

"Ay hindi ba?"

"Oh! Ayon si Jom oh!" Agad kong itinuro si Jom nang makita ko sya. Tumingin din naman sya sa amin pero muli syang naglakad palayo. "Saan yon pupunta?"

Lumingon din doon si Chloe at akmang tatayo nang hawakan ni Alex ang kamay nya.

"Saan ka pupunta?"

"Pupuntahan sya."

"Sama ko!" Agad na prisinta ko at tatayo na sana nang muli syang magsalita.

"Stay there."

Napabalik tuloy ulit ako sa upuan ko.

I stared at Zhack when he stands up and followed Chloe.

"At anong karapatan nyang utusan ako?" Tumayo ako ulit pero si Jayne naman ang pumigil sakin. Wag na daw kaming makigulo kaya umupo nalang ulit ako. Hindi naman ako magulo ah?

"Sila ba?" Nilingon ko si greg nang magtanong sya. "Sina Jom at Chloe, sila na ba?"

"Hindi pa---sa ngayon. Well, naaamoy ko na. Malapit lapit na din."

"How about Zhack and Rein?" Tanong din ni Alex.

"Hindi naman. Tanong ba yan? Hahahaha! Psh! Hindi papatulan ni Kuya si Rein at lalong hindi sya papatulan ni Rein, 'no! Nakikita nyo naman. Obsessed ang isang yon!"

Maya maya lamang ay bigla na lang napunta sa gilid namin si Jom. Kasunod nya si Chloe.

"Get out." Nakatingin sya doon sa tatlo.

"Jom---"

"Get the fuck out!!!" Halos mapatalon kaming lahat sa gulat nang hampasin nya nang malakas ang lamesa

Hinila ni Jayne patayo ang kanyang dalawang kasama.

"B-bakit ako ang aalis? Baka hindi mo kilala kung sino---" Halata ang takot sa boses ni Gray.

"Kilala kita! Kilala na kita dahil paulit ulit nyong ipinagmamalaki ang mga katungkulan nyo dito! Ikaw ang vice president, hindi ba? Kilala na kita kaya makakaalis ka na!"

What happened?! Bakit galit sya?! Oh my gosh! Ngayon na nga lang sya nagpakita pagkatapos nyang mawala, galit pa sya!

"Kilala mo naman pala 'ko eh! Edi goods! Eh, bakit galit ka? Nasaan si Rein, nga pala? Magkasama kayo kanina, dib---"

"Nandon!" Jom pointed outside. "Lumayas kayo sa harap ko at puntahan nyo sya don! Magsama-sama kayo ng presidente nyong sira-ulo---"

"Anong sabi mo?"

Napakapit na lamang ako kay Alex nang makitang kwelyohan sya ni Greg. Mukang galit na din silang pareho!

Pero nang matauhan ako ay agad akong lumapit kay Jom at inilayo sa kanya si Greg.

Muntik ko na silang murahin nang balak pang pumalit ni Gray. Ngunit naunahan din agad sya ni Sean at hinawakan ang dibdib nito para hindi tuluyang makalapit.

"Wala kang alam, Jom. Wala kang alam!" Sigaw ni Greg.

"Bakit? Wala din naman kayong alam ah! Wala kayong alam pero nakikialam kayo---"

"Kumpara sayo, alam namin ang lahat! Wag na wag mong pagsasalitaan ng ganyan si Rein dahil baka magsisi ka kapag nalaman mo ang mga pinagdaanan nya noong nawala ka! Baka mabaliw ka kapag bumalik yang lintek na mem---"

"Greg." Natigilan ang lahat nang may magsalita sa likod. Nahati sa dalawa ang mga taong nanonood. Binigyan nila ng daan si Rein papunta sa amin.

Cool.

"Stop it." Baling nya sa mga kaibigan.

"What are you doing here?" Galit na tanong sa kanya ni Jom.

Siguro ay silang dalawa ang nag away. Well, obvious naman.

"Akin ang paaralang ito. Itatak mo yan sa utak mo. I can do whatever I want, and I can go everywhere. Wala kang pakealam at wala kang magagawa."

"Kung ganon ay kami ang aalis." Hinila nya si Alex pero agad din silang napigilan.

"Wait.. Before you go, I want to make an announcement."

"Lahat ng shineshare nyo sa facebook about kay Jom, that's not true. It's all fake news. Hindi totoong bumalik sya dahil wala na sya. Jom is dead. Ito.." Hinawakan nya ang panga ni Jom na agad din naman nyang inalis. "Maaaring kapangalan at kamuka lang sya ni Jom, pero sinasabi ko sa inyo, hindi sya ang dating Jom na nakilala at nakasama nyo. Hindi sya ang dating leader nyo. Kaya wag nyo syang itrato na kagaya ng samin. No special treatments. You can do whatever you want to do with them. Naiintindihan nyo?!" Muling bumalik ang mga bulungan nila. "You may leave."

Hindi na ako pumalag pa nang hilahin kami ni jom palabas. I already want to go out na din naman.

"Hala! Gago ka! Anong ginawa mo?!" Gulat at hindi makapaniwalang tanong ko kay Jom nang huminto kami sa hindi masyadong mataong lugar.

"What happened, Jom?" Tanong din ni Alex.

"Wag mong sabihin na nag away nanaman kayo?! Bakit nanaman?!" I asked again. "Sa dinami dami ba naman ng kakalabanin, yung mga yon pa talaga? Alam mo bang kaya nasa clinic din si Rein kani---"

"Let's hear them out first, Kim."

"Ang dalas mo yatang pag-initan non?" Nakangising ani Sean. "Tsaka bakit nga pala kayo nagkiss kanina?"

"Kaya nga. Tsaka mukang ayos naman kayo kanina ah? Ano ngang nangyari? Bakit kayo biglang nawala?"

"Sinaktan nya si Chloe." Mahinahong sagot nya, halatang nagpipigil. "Anong gusto nyong gawin ko?"

"Eh anong ginawa mo?" Si Sean

"Naitulak ko sya ng malakas." Nakatungong sagot nya.

"Naitulak?" Tanong ko ulit. "Hindi sinasadya?"

"Tinulak ko sya para bitawan nya si Chloe. Yung malakas ang hindi ko sinasadya. At hindi ko rin naman pinagsisisihan ang ginawa ko dahil sa lakas ng sapak sakin nung kasama nya."

"Si Zhack?" Gulat na tanong ko. "Sinapak ka ni Zhack?!"

"Sino pa bang ibang kasama? Kasama natin yung mga kaibigan nya at silang dalawa lang naman ni Chloe ang sumunod. Alangan namang sinapak sya ni Chloe, diba?"

"Lalabas na tayo sa sabado."

"What?!" Gulat na sigaw ko sa sinabing iyon ni Jom.

"Lalabas na tayo. Aalis na tayo dito."

"Jom naman.." Reklamo din ni Alex.

"Bakit? Ano pang gagawin natin dito? Ano pang hahabulin natin dito? Yung ganyan? Laging may gulo? First day na first day natin dito, iba na ang trato nila satin. Kay Chloe. Anong gusto nyo?"

"May reason naman yon eh.." Nakangusong bulong ko. "I'm sure hindi naman nila gagawin yon nang wala lang, diba?"

"Gets ko naman eh. Yung ex nya, kamuka at kapangalan ni Jom. Kaya sila nagkakaganyan ay siguro mahal talaga nya, diba?" Si Sean. "Mukang kilala din sya ng lahat. Sikat.."

"We don't have to go out naman eh.. Maybe we just need to talk to them about our issues. Baka maintindihan naman nila." Katwiran ko pa.

"Kim." Kumunot sa akin ang noo ni Chloe. "Do you want to stay here?"

Napakamot ako sa ulo ko bago sumagot. "Medyo.."

"Why?"

"I don't know."

"Kim, no one wants us to be here."

"No, they all want us to be here. Cant you see how welcoming they are to us? Sa lahat ng bago sa school na 'to, tayo ang nilalapitan nila."

"I agree with her." Parang may nagdiwang sa loob ko nang sabihin iyon ni Alex. May kakampi ako! "Jom, we don't have to leave. Hindi naman sila ganon kasama. Baka mainit lang ang ulo.."

"Mainit ang ulo? Kaming dalawa lang ang magkasama mula kanina at okay pa sya non. Tapos may alam pa sya sa... ano--- ewan ko! Hindi ko alam kung ano yon! Basta ang alam ko, abnormal sya!"

"Jom, relax.."

"Were leaving tomorrow." He ended the conversation and walk away with Chloe. Habang kaming tatlo ay naiwan dito, pare parehong nakatayo at nakikipagtitigan lamang sa isa't isa.

"So, what now?" Nakasimangot na tanong ko. "Ayokong umalis."

"Nakapag-decide na si Jom." Walang ganang sagot ni Alex. "And I'm sure that we can't do anything about it."

Yeah.. I know.

Napabuntong hininga na lamang ako at ipinatong ang aking dalawang kamay sa sariling bewang. I look around, finding an object or a place that can enlighten my mood.

At sa paglalakbay ng mga mata 'ko'y meron din akong nakitang mga matang nakasubaybay sa amin. Tumayo ako nang tuwid paharap sa kanya at nang mabaling sa akin ang paningin nya'y tinaasan ko sya ng kilay. Nanlaki naman ang kanyang mga mata at agad na umiwas ng tingin. Nagtago na din sya sa pader na kanina pa nya pinagtataguan

Bwisit na lalaking 'to. Napakachismoso.

"Wait lang ha.." Paalam ko sa mga kasama ko bago maglakad papunta sa pader na pinagtataguan ni Gray. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sya umaalis at kitang kita rin ang sleeves ng uniform nya.

Agad akong dumiretso sa kanya at hinila ang kanyang braso papasok sa pinagtataguan nya dahil ayokong makita sya ng dalawa doon. Napamura pa sya sa gulat nang makita ako.

"A-anong ginagawa mo dito?!" Nanlalaki ang mga matang tanong nya.

"I should be the one who's asking that. What are you doing here? Nakita mo naman kaninang hinila kami ni Jom dito, diba? My friends are here and we are talking here that's why I'm here. Eh ikaw?"

"Napadaan lang. Bakit?! Bawal?! Pake mo ba?"

"May pake alam ako dahil nakikichismis ka sa usapan namin don!"

"Hoy, hindi ah! Grabe ka!"

"Weh? You know what? Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung sinungaling."

"Oh, pake ko? Sinabi ko bang gusto ko na magustuhan mo ko? Huh.. Asa ka."

"Alam mo? Masyado kang maraming sinasabi. Isusumbong na lang kita kay Jom. Takot ka naman don eh, diba?" Pananakot ko at kunyaring tatalikod na ngunit agad din naman nyang hinawakan ang kamay ko. Mabilis ko din naman iyong pinagpag at bumitaw naman sya.

"Napakaarte naman nito. Hindi naman ako nakinig ah!"

"Hindi ako naniniwala. Bakit ka nakikinig sa usapan ng may usapan? Ha? Mamatay na sinungaling, Gray."

Ngumuso pa sya at masamang tumingin sakin. "Aalis na kayo sa sabado?" He whispered.

Natahimik din ako nang maalala ang naging usapan namin kani-kanina lamang.

"I really don't want to go but I can't stay here without them either." Pag amin ko.

"Hindi kayo aalis.. Hindi kayo makakaalis."

My brows furrowed. "Huh?"

"Ayaw mong umalis, diba?" I nodded. "Sasabihin ko kay Rein. Siguradong hindi rin naman nya gustong umalis kayo kaya gagawa yon ng paraan."

"Talaga?!" Parang nagliwanag na muli ang mundo ko sa sinabi nya!

"Oo. Kaya kung ako sayo, manahimik ka na lang kundi ay puputulin ko ang dila mo."

"Eh pano kapag wala syang nagawang paraan?"

"Suuus! Yun pa! Hanggat hindi kayo nakakalabas ng GU, wag kang mawalan ng pag asa." Mayabang pang sabi nya.

"Weh? Sure yan ha?"

"Oo nga! Sus. Wala ka bang tiwala sakin?"

"Sino naman ang magtitiwala sa pagmumukang yan?"

"Ito?" Pasinghal syang tumawa at idinikit sa baba nya ang likod ng palad nya. "Itong mukang 'to?! Hindi kapanipaniwala ang mukang 'to?! Hahahahahaha!" At nakakaloko syang tumawa. "Baka hindi mo alam kung gaano kadami nang babae ang hinimatay sa muka pa lang na 'to. Partida, muka pa lang yan ah!

"Psh! Ewan ko sayo." Inirapan ko na lang sya dahil hindi ko naman maitatanggi ang sinasabi nya.

"Pero alam mo? May naghihintay sayo don?" May nginuso sya sa likod ko kaya agad ko itong nilingon.

"Huh? Saan?"

"Doon nga. Dumiretso ka don. Makikita mo ang matagal nang naghahanap sayo."

Hinanap ko pa ang kung sino mang taong pwedeng maghintay sakin doon sa itinuturo nya ng labi nya pero wala naman akong makitang kakilala don. Hindi ko din makita doon ang taong nasa isip ko na tinutukoy nya.

"Wala naman---"

Natigilan ako sa pananalita nang paglingon ko ay wala na si Gray sa harap ko. Tinakasan lang yata ako eh.

Pero dahil mukang uto uto talaga 'ko, pinuntahan ko parin yung tinuro nya at nagbakasakaling nandon nga si Greg. I also didn't know kung bakit sya ang nasa isip ko. Pero mukang hindi naman ako nagkakamali.

Paghawi ko ng isang malaking dahon na nakatabing sa gilid ay ang mga mata nya ang sumalubong sa akin. Mukang inaasahan nya nga talaga ako.

"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko nang makitang nakasandal lang sya sa pader habang nakapamulsa at nakatingin lang sa kung saan ako nagmula. "Hinahanap mo nanaman ang ganda ko?"

"Hindi naman siguro bawal diba?" Umalis sya sa pagkakasandal at tumayo ng tuwid sa harap ko. "Sumunod ka sakin."

"Why would I do that?" Tanong ko ngunit nagsimula na syang maglakad palayo nang hindi manlang ako sinasagot. Sumunod naman nga ako.

Pumasok kami sa building ng mga kwarto nila at tumapat sa isang pinto.

"Ito ang kwarto ko."

Nagtataka akong tinignan sya. "Oh tapos?" Bakit kailangan kong malaman kung nasaan ang kwarto nya? Duh. I'm not interested.

Binuksan nya ang pinto at sinenyasan akong pumasok.

"Ha! Ayoko nga. Anong tingin mo sak---" ngunit bago pa matapos ang pag-iinarte ko ay ipinasok na nya ko sa loob. "Oh my gosh! Ano ba?!"

"Wag ka ngang feeling. May ipapakita lang ako. Ang arte naman nito."

"Aba malay ko ba! Hindi mo naman sinasabi agad eh." Walang pasabi akong umupo sa dulo ng kama nya. "Ano ba yon?"

Binuksan nya ang cabinet sa isang sulok at may kinuhang box sa ilalim. Tinabi nya yon sakin at binuksan. Nang tignan ko ay puro pictures ang laman. Kumuha ako ng ilan.

"Ang pangit ng mga kuha, diba?" He asked.

"Hindi naman na 'ko magtataka. Ikaw ang nasa picture oh." Tinignan ko isa isa ang mga pictures. "Why are you showing me this?"

"Gusto ko lang ipaalala sayo kung gaano ka kapangit magpicture."

"Bakit? Ganto ba ko kapangit magpicture?" Tumaas ang kilay ko at tinignan ulit ang litrato. Ganito nga. "Pero hindi naman mga tao ang pinipicturan ko."

Ngumisi sya sakin. "Kasi hindi mo pa naman nakikita ang taong gusto mong picturan."

"Well, maybe.. Pero may tanong ako." Tutal ay kaming dalawa na lang naman, itatanong ko na ang kanina ko pa gustong itanong?

Tinaasan nya ko ng kilay.

"Kayo ba talaga ni Jayne?"

Nawala ang kaninang ngisi nya at unti unti ring naglayo ng tingin sa akin. Umupo sya sa tabi ko.

"Kami pa naman.."

"Kayo pa naman?" My brows furrowed. "Pa.. That means there's a chance na mawala na? Bakit naman ganon ka sumagot?"

"Hindi ko rin alam eh. Parang... sa totoo lang, parang hindi na."

My lips parted in shock. "How dare y---"

"May mahal akong iba." At mas lalo pa 'kong nagulat sa isinunod nya.

"Oh my gosh.." Hindi makapaniwalang bulong ko. "Okay, I won't judge muna." Kahit na sa kung ano ano nang masasamang pumapasok sa isip ko tungkol sa kanya. "Can you tell me your story? Anong nangyari? Bakit naman ganon ka?"

"Ayoko namang iwan si Jayne, hindi ko inasahan yung mga nangyari. Hindi ko talaga sinasadya."

Tumahimik na lang ako at hinihintay ang buong sasabihin nya kahit pa ang dami dami ko na agad gustong sabihin. Kawawa naman sya, baka hindi nya 'to nailalabas sa mga kaibigan nya. Takot pa naman sya sa dalawa don at madaldal naman yung isa, mahirap pagkatiwalaan.

"Mahigit kalahating taon na din kami, ilang buwan ko syang niligawan. Akala ko, mahihigitan nya yung pagmamahal ko dun sa una.."

"Una? May naging girlfriend ka na bukod sa kanya?"

"Wala pa. Sya yung unang naging girlfriend ko."

"Pero hindi ang unang minahal mo?" Natahimik sya. "Eh kasalanan mo naman pala eh. Bakit kasi nagjowa-jowa ka nang hindi ka pa pala nakaka-move on sa una?"

"Alam ko. Alam kong kasalanan ko. Hindi ko nga sinasadya eh."

"Eh pano yan?" Problemadong tanong ko. Feeling jowa ako eh.

"Hindi ko alam. Bumalik sya eh."

"Talaga? Sino? Yung una?" Tumingin sya sakin at tumango. "Omg! Talaga?"

"Oo nga."

"Nandito?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko.

"Nandito."

"Shocks.." Napatakip ako sa bibig. "Kilala ba sya ni Jayne? Nako, isipin mo na lang kung gaano kasakit sa kanya kapag nalaman nya. Hala ka.. Ikaw kasi eh."

"Alam na nya. At hindi naman siguro sya manhid para hindi maramdaman yung pagbabago ko."

Sabi na nga ba hindi sila okay eh. Nung unang araw pa lang, ramdam ko nang may kakaiba kahit hindi ko pa sila kilala non.

"Ano bang nangyari don sa una mo?"

"Iniwan nya ko.. Alam kong mahal nya 'ko, pero hindi ganon yung nararamdaman ko sa kanya dati. Hindi ganon sa pagkakaalam ko."

"Ang kapal naman ng face mo."

"Oo nga. Pero narealize ko naman na mali ako. Yon nga lang, nalaman ko na lang yon nung wala na sya. Nung naging kami ni Jayne, akala ko okay na sakin yon. Pero nung nakita ko sya ulit dito, nalaman kong hanggang ngayon mahal ko parin pala talaga sya."













Kinabukasan, pagmulat ng mga mata ko ay agad kong ipinalibot ang paningin ko sa buong kwarto. Katulad na katulad ito ng dating kwartong ginawa ko. Bakit ito ay nagawa kong ulitin?

Bakit nawala ang memorya ko?

Paano ko nagawang kalimutan ang mga kaibigan ko?

Paano ko nagawang limutin ang lalaking mahal ko?

Ligtas sya. Buhay si Greg. Nailigtas ko sya nang gabing yon..

Continue Reading

You'll Also Like

858K 29.6K 106
When Grace returns home from college, it doesn't go like she thought it would. With her past still haunting her everyday choices, she discovers a sid...
199K 9.5K 53
My name is Alex Cruz, I'm a omega, so I'm just a punching bag to my pack. But Emma, Queen of werewolves Sam, queen of dragons Winter, queen of vampi...
3.2M 110K 52
Being reborn into a completely different timeline seems a bit impossible, isn't it? but things aren't always as it seems. [cringe warning] [james po...
101K 1.2K 13
warning‼️‼️ married life πŸ–€ intersex 18+ α€‘α€žα€¬α€Έα€•α€±α€Έα€™α€­α€―α€· α€™α€€α€Όα€­α€―α€€α€Ία€α€²α€·α€žα€°α€α€½α€± α€™α€œα€¬α€•α€«α€”α€²α€· please βœ–οΈβœ–οΈ