Napoleon Sandoval: I Need You...

By SiGrasyaAko

8.1K 189 0

Kendall Ashanti Patremor, A fierce and Beautiful lady. Palaban at ayaw na ayaw niya ang may kung sino ang pwe... More

I N E E D Y O U R L O V E
O N E
T W O
C A S T S F U L L N A ME S
T H R E E
F O U R
F I V E
S I X
S E V E N
E I G H T
N I N E
T E N
E L E V E N
T W E L V E
T H I R T E E N
F O U R T E E N
F I F T E E N
S I X T E E N
H A L L O W E E N (G I R L S)
S E V E N T E E N
H A L L O W E E N (B O Y S)
E I G H T E E N
N I N E T E E N
T W E N T Y
T W E N T Y - O N E
T W E N T Y - T W O
T W E N T Y - T H R E E
T W E N T Y - F I V E
T W E N T Y - S I X
T W E N T Y - S E V E N
T W E N T Y - E I G H T
T W E N T Y - N I N E
T H I R T Y
E P I L O U G E
S P E C I A L C H A P T E R
K E N D A L L
N A P O L E O N
Kendall And Kassy
Kendall And Athena
Napoleon And Riguel
N A P O L E O N A N D K E N D A L L
N E X T
Happy 1K readsπŸ€πŸ’—

T W E N T Y - F O U R

105 3 0
By SiGrasyaAko


Kendall's Point Of View

HINDI PARIN Nagigising si Vivoree hanggang ngayon. It's been two days since she fainted pero hindi parin siya nagigising kaya sobra na kaming nag-aalala para sa kaniya. I hope na walang mangyaring masama sa kaniya dahil hindi talaga namin kakayaning mawala siya sa amin.

Sabado ngayon at nasa kuwarto lang ako. Si Kassy naman ay mahimbing na natutulog sa kuwarto niya habang nasa ospital naman ang parents namin para bisitahin si Ree. Hindi na ako sumama sa kanila dahil pupunta naman kami mamaya doon kapag nandito na sina Leon.

Lumabas akong kuwarto at bumaba sa sala at tumungo sa kusina para tingnan kung ano ang breakfast namin ngayon.

"Ate, sila Mama?"

Napalingon ako kay Kassy ng marinig ko ang boses niya. Napangiwi ako sa itsura niya.

"Nasa ospital, dinalaw si Vivoree." sabi ko. "Ayusin mo nga yang buhok mo bago ka kumain."

Napahawak naman siya sa mukha niya bago tingnan ang sarili sa salamin.

"Sinong nagluto?" aniya.

"Malamang si mama, wala dito si manang Ara eh." saad ko.

Umupo naman siya sa tapat ko bago kumuha ng ulam at kanin. Napatingin ako sa kaniya ng may naalala ako bigla.

"Kassy..." ani ko.

"Hmmm?"

"Saan kayo nanggaling ni Gladeon kagabi? May sinabi ba akong umalis ka ng hindi ko alam?" seryosong wika ko.

"Ate kasi–"

"Huwag na huwag kang magsisinungaling sa akin dahil malalagot kang bata ka."

She sighed. "Eh pinilit niya lang naman akong isama eh, wala naman akong nagawa dahil naging mabilis ang pangyayari."

Bumuntong-hininga ako.

"Sorry na ate..." paglalambing niya sabay hawak sa kamay ko.

Inirapan ko siya at nagsimula ng kumain. Matapos naming mag-agahan ay siya na ang nag hugas tutal siya naman ang nahuling natapos kumain.

Naligo na rin ako pagkatapos kong manood ng movie. Nag suot ako ng blue t-shirt na may nakalagay na Happy Face na letra sa gitna at jeans naman sa pang-ibaba ko.

Napatingin ako sa pintuan ng kumatok doon si Kassy. "Ate, tapos ka na ba?"

"Hmmm!"

"Bumaba ka na...nandito na sila Leon, kararating lang."

"Antayin niyo lang ako sa baba, lalabas na rin naman ako."

"Sige." aniya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa mesa bago lumabas ng kuwarto at bumaba. Naabutan ko sila Leon na nasa sala at nag-uusap.

Nagliwanag ang mukha ng Liyon ng makita ako at sinalubong agad ako ng mahigpit na yakap.

"Good Morning, babe!"

"Morning din." maikli kong tugon sa kanya at bumaling kina Kassy. "Hindi pa ba tayo aalis?"

"Let's go." anas ni Vince.

Ni lock ko na muna ang bahay bago sumakay sa kotse ni Leon. Si Kassy naman ay kay Vince sumabay, ayaw daw niya kaming istorbohin.

Gaga siya.

Napalingon ako kay Leon ng hawakan niya ang kamay ko habang ang isa namang kamay niya ay nasa manibela.

"Malapit na ang graduation babe,'no?" sabi niya. "Malapit ka na 'ring maging Mrs. Sandoval."

Matunog naman akong ngumisi. "Bakit, nakakasiguro ka bang sisiputin kita?"

"B-Babe naman...huwag naman. Magpapakamatay talaga ako!"

Natawa ako. "I love you."

Nagulat ako ng bigla siyang bumungisngis. "Kinikilig ako, babe! Hehehehe..."

Napailing na lamang ako.

Magkahawak-kamay kaming pumasok ng ospital. Nauna kaming naglakad kina Kassy at Vince dahil panay tawa silang dalawa. Parang mga tanga.

"Hahaha! Bwisit ka, Vince!"

"Totoo naman ah! Hahaha!"

I rolled my eyes.

Pagkapasok namin sa loob ay naabutan namin sina Mama na kausap sina Tita Ash. Napalingon naman sila sa amin.

I kissed my parent's cheeks. Nagmano naman sa kanila si Leon, as usual, umasim na naman ang mukha ni Papa.

"Hello po tita, tito."

Nagmano kami sa kanila. "Hello din sa inyo lovely couples." nakangiting sabi ni Tita. "Invited ba kami sa kasal?"

Nakangiti kaming nagtinginan ni Leon. "Of course, tita. Hindi naman po pwedeng mawala ang mga bestfriends ng parents namin." inakbayan ako ni Leon.

They chuckled.

"Don't worry, sasabihan namin ang Tita Kimmy at Tito Harvi ninyo." Tito Kalix said.

Tumango naman kami.

Ilang oras din kaming nanatili sa ospital habang nakikipag-usap kina Tita. Sina Mama naman ay umuwi na dahil masama daw ang pakiramdam ni Papa kaya nag-alala kami. Puro kasi trabaho ang inaatupag eh, hindi man lang nagpapahinga kaya ayon, sinermonan na naman ni Mama.

Dito na rin kami sa ospital nag lunch ng dumating sina Athena kasama ang mga hangal.

"Oh, ba't ngayon lang kayo?" tanong ni Vince sa mga bagong dating. "Kanina pa kami nandito."

"Eh, ito kasi!" binatukan ni Knoxx si Jandrix. "Nagwala dahil ayaw naming bilihan ng ice cream! Anak ng putakte!"

Binatukan naman siya ni Drix. "Bakit, may sinabi ba akong hintayin niyo ako?! Anak ng!"

Nag-iwasan sila ng tingin.

Natampal na lang namin ang noo namin habang nakatingin sa dalawang ito.

"Tumahimik nga kayong dalawa, lagi na lang kayong nag-aasaran eh!" saway ni Chase.

Inirapan lang siya ng dalawa.

"Pag-usapan na muna natin ang nalalapit na kasal ng ating couple of the year ngayon." anas ni Yohan. "Excited na excited ang ating Liyon oh!"

Inasar naman nila kami ng inasar. Napailing na lamang ako sa kalokohan nila.

"Siyempre naman...ikaw ba naman, ikasal sa babaeng matagal mo nang pinangarap." Leon smiled at me and pinched my cheeks kaya sinamaan ko siya ng tingin. "At ang ganda pa talaga." he added.

"PDA na naman–Hmmm!"

"Shut up!"

Nilagyan ni Hellion ng donut ang buong bibig ni Jandrix. "So noisy."

Nakasimangot na tiningnan ni Jandrix si Hellion na nakatagilid sa kaniya at astang babatukan ng lingunin siya nito kaya si Knoxx ang nabatukan niya.

"Fuck you, Jandrix!"

"Gago! Nasa ospital tayo!"

Nagtawanan na naman kami.

"Guys, gising na si Ree!"

Nataranta naman kami sa sinigaw ni Hobi kaya mabilis kaming tumakbo papasok sa loob ng kuwarto ni Ree. At tama nga, she's awake and she's crying while hugging her parents.

Sa kabilang banda naman ay nakayakap si Patch kay Knight at umiiyak na rin. Napasandal naman ako sa dibdib ni Leon ng yakapin niya ang beywang ko.

"Thank god, you're awake. Sobra-sobra ang pag-aalala namin sayo...akala namin kung ano na ang nangyari. Bakit hindi mo sinabi sa amin na may...na may sakit ka pala? W-Why did you keep it from us?" maluha-luhang wika ni Tita.

Humikbi si Ree. "A-Ayoko lang maging sagabal sa inyo, Mom."

"At kailan ka pa naging sagabal sa amin?! Kahit kailan hindi ka naging sagabal sa amin, Ate! Mahal ka namin! Kung sana sinabi mo agad edi sana ayos ka na ngayon! Hindi na sana lumala ang sakit mo!"

Umiiyak na lumabas si Patch kaya agad namang tumayo si Hobi para sundan ito.

Nagkatinginan naman kami. Lumapit kami kay Ree at binigyan ito ng yakap.

"Im sorry..." hikbi niya.

"Sshh...stop crying, makakasama sayo ang umiiyak. Tahan na." hinaplos ni Entice ang likuran niya upang pakalmahin.

Napatingin kami kina Tita ng tumayo sila. "Kayo na muna ang bahala kay Ree, ha Knight? Kakausapin lang namin si Cherie." sabi ni Tita.

We instantly nodded.

Nang makalabas sila ay nilingon namin si Ree na nakatulog na pala sa bisig ni Lucas.

"Sana makayanan niya ito." mahinang wika ni Gorya.

"She will." ani Lucas.

Napabuntong-hininga kami.




Napoleon's Point Of View

MONTHS LATER....

"AYUSIN NIYO naman yan! Puro na lang kayo kalokohan eh! Baka hindi magustuhan ni Ken tapos i-reject pa ako!" pagmamaktol ko kina Jandrix at Knoxx.

Sinamaan nila ako ng tingin.

"Ikaw na nga 'tong humihingi ng tulong, ikaw pa ang demanding! Eh kung iwan naman 'to?!"

Astang babatuhin ko ng bato si Knoxx ng mabilis itong nagtago sa likod ni Drix. 

"Ayusin niyo na sabi eh!" asik ko.

"Oo na! Oo na!" singhal nilang dalawa. "Sakalin ko kaya 'to?"

"Ano?!"

"Wala!"

Lumapit sina Tobi sa akin habang nakatingin sa paligid ba ako tingnan at sabay na ngumisi.

"Wow, pinaghandaan ah." mahinang pinalo ni Archer ang dibdib ko.

"Anong pinaghandaan? Tingnan niyo nga kung anong ginawa ng dalawang yan!" duro ko sa dalawang hangal.

Natawa naman sila. "Kung bakit pa kasi sila ang kinuha mo? Available naman kami." si Cross.

"Pinagsisihan ko na nga eh,"

Nagtawanan naman sila.

"Okay. Tutulong na lang kami para naman hindi ka mapahiya kay Kendall." kinindatan ako ni Knight kay nagsitayuan ang balahibo ko.

"Stop it! Kadiri ka." utas ko.

Inirapan lang ako nito. Laking pasasalamat ko nga at tumulong na rin sila sa preparation para sa proposal ko kay Kendall.

I hope she say yes. Gustong-gusto ko nang makagraduate hindi dahil para maging malaya na kundi ang maikasal sa babaeng pinakamamahal ko.

"BAKIT NGAYON Ka lang?" tanong sa akin ng mahal ko.

I grinned at her. "May pinuntahan lang kami ng barkada. Namiss mo naman kaagad ako."

"Gago ka ba?"

Nagtawanan naman ang lahat. Napangiwi naman ako at hinalikan na lang siya sa pisngi.

"Where did you go? Kanina pa kita hinahanap." aniya.

I smiled.

"Malalaman mo rin mamaya."

"Bahala ka nga diyan." tumalikod siya. "Athena, samahan mo ako."

Hinawakan ko ang siko niya. "Saan naman kayo pupunta?"

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Malalaman mo rin mamaya."

Napakamot na lang ako sa batok ko at nagtungo sa kusina. Naabutan kong nagluluto doon sina Riguel at Entice pero mukhang distracted ang loko.

"Anong niluluto niyo?"

"Oh Shit!"

Humagalpak ako ng tawa dahil sa naging reaksyon ni Rig. Sa sobrang titig niya kasi ay Entice ay nagulat siya ng magsalita ako, unlike Entice, she's chill.

"Damn you, Sandoval!" binato niya ako ng kamatis buti na lang at nasalo ko ito.

I chuckled. "Titig na titig ah?"

"Shut up!" he glared at me.

I mentally laughed.

"What's with the both of you? Anong nakakatawa ha, Leon? At bakit ka ba nagmumura, Riguel?" nakapaywang na sabi ni Entice.

"I-I didn't cursed!" depensa nito.

I pursed my lips.

"Hindi ako bingi." sabi ni Entice at iniwanan kami sa kusina.

Tumawa na naman ako. Masama akong nilingon ni Riguel at dinuro. "Panira ka talaga!"

I just smiled at him.

"Hindi sana um-oo si Kendall!"

Napawi ang ngiti ko.

"Ha-Ha-Ha-Ha-Ha." sarkastikong tawa niya at nilagpasan ako.

Bwisit!

To be continued. . .♡♡♡

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 106K 142
Soon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's province. S...
541K 6.6K 93
"Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal tersebut me...
22.1K 528 29
WILD SERIES #1 She's a girl who became independent at a young age, but still grateful because she knows that everything happens for a reason and she...
4K 163 34
Sa lahat ng taong pwede kong pagka-gustuhan ... bakit sa isang kalaban pa ng batas! Love is blind nga tangina!!!