Phoebian

By cultrue

175K 3.5K 63

Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at ma... More

Phoebian
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Bonus Chapter
NOTICE

Chapter 07

4.2K 120 4
By cultrue

Bawat patak ng ulan ay sinusundan ko ng tingin. Hindi ko mabilang kung ilan na yung bumagsak. Mga daan? Libo? Milyon? Hindi ako sigurado. Ang iniisip ko ay kung paano ko maitatawid ang sarili ko mula kay Phoebian.

Kanina ko pa sinisisi yung timing ng panahon. Hindi sa ayaw ko siyang makita kaya lang ay hindi ako komportable na kausapin siya. Parang nangungulit siya na dapat bilhin ko ang ganito, ganyan. Mabuti kung marami akong pera, kahit gumastos ako ng fifty thousand araw-araw ay game ako.

"The rain is pretty but I hate wet road. It's slippery." Dagdag niya. Kanina pa siya nagsasalita. Nakikinig lang ako. Nag-aalangan ako kung sasagot ba ako o hindi. Baka mahiya lang ako at hindi pala ako kinakausap niya. Baka may kasama pa siyang iba na hindi ko lang napansin.

Hindi ako lumingon sa banda niya dahil magtatagpo lang ang mga mata namin. Kaya ko naman siyang pantayan ng tingin pero hindi ako handa na titigan siya ng matagal.

Mas lalong lumakas ang ulan. Tumingin ako sa likod, sa entrance ng mall. Nagtatalo ang aking isipan kung papasok pa ba ako ulit o hindi. Nais kong bumili ng payong para makauwi. Bakit kasi hindi ko agad naisipan yun kanina na hindi masyadong lumalakas ang ulan.

Bumuntong hininga ako. Sa susunod, kahit umulan man o umaraw ay hindi ako magdadalawang-isip na magdala ng payong kahit saan ako magpunta.

Nahuli ni Phoebian ang braso ko mula sa malalim kong pag-iisip. Natameme ako saglit pero natanto kong kinabig niya pala ako para makaiwas sa tilasik ng ulan. Napahanga ako sa lambot ng kamay niya. Ineexpect ko sa mga lalaki ay magaspang yung kamay nila, kasing gaspang ng boses nila.

Lumayo kami sa maraming tao. Pumasok kami sa loob ng mall. Yung kamay niya ay nakadikit pa rin sa kamay ko.

"Teka, saan mo ako dadalhin?" Nang mapansin ko na papasok kami sa loob ng Phoebians ay nagtanong na ako.

Hindi mahigpit ang hawak niya sa akin pero kinakabahan ako. Normal lang naman sa isang babae na kabahan dahil bitbit siya ng estranghero papunta sa lungga nito. Kaya ko ang sarili ko sa isang tao lang. Pero hindi ko kayang lumaban kung marami na ang humahabol sa akin.

"Don't ask. I cannot hear you clearly." Sabi niya. Hindi niya daw ako naririnig pero sumagot siya.

Pagpasok namin sa Phoebians ay nasabit sa ere ang pagbati ng mga emplayado niya nang makita nila ang amo nila na may dinadalang babae sa loob ng store. Binaba ko ang tingin ko at sa sahig nalang tumingin para makaiwas sa mapanuring tingin nila. May binuksan na si Phoebian na pinto. Pagbukas nun ay tumambad sa akin ang napakalinis na opisina. Para sa akin ay opisina yun dahil hindi yun mukhang bodega o ano pa man.

Habang hawak pa rin ang kamay ko ay dinala niya ako sa harap ng kanyang mesa. May dalawang upuan do'n sa harap ng mesa at pinaupo niya ako. Nagtataka man ay ginawa ko nalang ang sinabi niya.

"Just stay here for a quick time. The rain is still pouring outside. It is impossible for you to go out. Saan ka na ba pagkatapos mo dito? Do you have another job aside from being my personal cleaning lady, Abuela's cleaning lady and the convenience store lady?" Nagtatanong niyang sabi. Hinaluan pa ng ngisi sa labi.

Napatanga ako. Tumingin ako sa suot niyang relo na nasa bisig niya. Maganda yun at mukhang mamahalin. Hindi ako naiinggit dahil wala ako nun. Talagang wala lang akong mahanap na sagot sa tanong niyang ayaw kong sagutin.

Umiling ako para sa tanong niya. Nagtaas siya ng kilay at pinagkrus ang kanyang braso. Unti-unti akong nag-iwas ng tingin.

Pinalibot ko ang mga mata ko sa buong opisina niya. Maganda ito at ang manly tignan. Beige ang kulay ng pintura sa wall. Sa kisame ay puti at may nakasabit na chandelier. Nasa anim o pito ang bilugan na ilaw na siyang nagpapadepina sa ganda ng chandelier. Sa labas ay beige din ang kulay. Feeling ko ay paborito niya ang kulay na beige. Yung hindi ko lang matignan ng maayos ay yung mesa niya dahil nandun siya.

"How's my office? You like it?"

Napataas ang kilay ko nang magsalita ulit siya. Talaga ba?

Ano ba ang gusto niyang iparating sa akin? Tinutudyo niya ba ako dahil wala akong bagay na yung mayayaman lang ang mayroon? Nakakainis pero di bale na. Ayokong mainis buong araw dahil hindi yun nasa plano ko.

"Oo, maganda naman." Mahina kong sagot. Mabuting sinagot ko siya ng ganun kaysa sa sagot na tiyak kong hindi niya magugustuhan.

Umupo siya sa swivel chair niya. "I'm glad you like it. I am actually picky when it comes for choosing colors and designs for my own place. I don't have a favorite color but I like the warmth vibe of beige."

So nasagot na ang tanong ko. Wala siyang paborito na kulay. Nakursunadahan lang niya ang beige na kulay kaya pinili niya yun. Kahit naman sino ay magagandahan sa beige. Para sa akin ay maganda yung peach. Peach ang paborito kong kulay dahil hindi siya masyadong girly tignan hindi kagaya dun sa pink. Marami ang may gusto sa pink pero hindi ko gusto.

"Tell me about your job in that convenience store, miss Gascon."

Humarap ako sa kanya. Ano naman ang sasabihin ko sa kanya tungkol sa pagtratrabaho ko sa convenience store. Hindi naman yun masyadong mahirap at bakit siya agad nagka-interes?

"Bakit?" Sa halip na sagutin ko siya ay ako ang nagtanong sa kanya.

Nagtaas ulit siya ng kilay. Kalaunan ay ngumisi siya. Hindi ko maintindihan kung anong klaseng tao itong si Phoebian.

"What why?"

"Bakit mo natanong sa akin yan?"

Isang malutong na tawa ang pinakawalan niya. Napasuklay siya sa kanyang buhok. Nginisian niya ako. Hindi ko inaasahan yung tawa niya. Yun ang unang pagkakataon na marinig yung mukhang imposibleng mangyari.

"Hindi naman masamang magtanong diba? You work for me and I think I can ask you questions regarding to you. I won't ask too much personal miss Gascon. Don't want to make you feel bad." Saad niya.

Sumandal siya sa kanyang swivel chair habang naka-krus pa rin ang dalawang braso.

"Hindi naman sa ganun sir. Pero... hindi lang ako sanay na... ganyan ka." Marahan kong sagot sa kanya.

"You mean asking questions like I fucking care about you? Well that's because I'm your boss. You are working for me and I am paying you. And it's also boring if we are just staying here without having chit-chats until the rain stops. That's probably after two hours."

Tama ba yun? Okay naman kahit tanungin niya ako pero hindi lang ako sanay na maging parang concern siya. Sa tingin ko ay hindi niya forte ang ganun. Para sa akin ay isa siyang seryosong tao na hindi marunong ngumiti sa kahit sino na makakasalubong niya. Yun ang tingin ko sa kanya.

Hindi naman siya masama. Kapag nagkukwento sina Lola Gracia at Aling Lupe ay pareho nilang sinasabi ay mabait naman daw si Phoebian. Hindi ko pa nakikita kung saang banda siya mabait.

"Uh... okay naman sa convenience store. Medyo hectic lang pero kaya ko naman." Umpisa ko. Nakausisa siya sa akin at sinusuri akong maayos. Sinagot ko na ang tanong niya kaya sana ay tumahimik na siya.

"Why hectic? For me hindi naman yun palaging dinadagsa ng customers. No offense but there are a lot of convenience store nearby. Marami kayong kakompitensya."

"Marami pa rin naman ang pumapasok." At isa ka dun. Dagdag ko sa isip ko. Siguro ay kung hindi siya bumibili sa convenience store namin ay sa iba siya bumibili. Malayo ang penthouse niya sa convenience store namin. At ganun din sa mansyon ni Lola Gracia.

Gusto ko siyang tanungin kung bakit napadpad siya do'n noong unang pagkakataon na nakita ko siya. Yung nagbanggaan kami, pero kasalanan niya rin yun dati dahil hindi rin siya tumitingin ng maayos.

Napatango siya. Naglakas loob akong tignan siya dahil hindi na siya nakatingin sa akin. Nagbaba ako ng tingin sa kanyang leeg. Sinundan ko ang pagtaas-baba ng kanyang lalagukan. Para akong sinapian ng itim na mahika. Yun ang unang pagkakataon na makakita ako ng isang nakakamanghang pagtaas-baba ng Adam's apple niya.

Sa ibang lalaki ay hindi ganun ako ka-attract sa Adam's apple. Maraming ibang nakakaattract sa ibang lalaki pero ito ata yung asset ni Phoebian.

Agad akong nag-iwas ng tingin nang bumalik ang kanyang tingin sa akin. Nahihiya akong nagbaba ng tingin sa carpeted floor niya. Nag-iinit ang buong mukha ko.

"That's good. I heard you're a student too. How do you handle both of your time at school and at work?"

"Pumapasok ako sa skwela sa araw at sa gabi naman ay sa trabaho."

Kumunot ang kanyang noo. Inabante niya ang kanyang katawan. Umawang ang kanyang labi. "You're working at night? What about your studies? Mabuti at hindi ka bumabagsak sa courses mo."

"Hindi naman. Nakakaraos din naman ako." Hindi ako matalino pero kinaya ko lang ang pag-aaral ko. Kahit napapahiya, umiiyak nalang ako para gumaan ang loob ko.

Minsan nga ay napahiya ako sa reporting ko noong third year ako. Alam ko na may kasalanan din ako minsan pero tama bang ipahiya ako? Isa yung bangungot sa akin. Ayoko na yung maalala pa. Magkikita pa naman kami ng prof ko na yun. May edad na siyang babae pero supistikada siya na magtuturo pero parang hindi nag-aral dahil sa sama ng ugali. Mayaman daw yun na propesor namin. Kahit passion niya ang pagtuturo ay dapat marunong siyang humawak ng estudyante.

Napaismid ako sa mapait na alaala na yun. Napansin yun ni Phoebian pero hindi siya nagtanong kung ano ang problema.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas. Tiyak kong tama siya na matatagalan pa bago humupa yung ulan. Kaya lang ay hindi sana umabot ng dalawang oras. Gusto kong magpahinga. Gusto kong matulog para bukas ay may lakas na naman ako na ilalabas.

"Miss Gascon." Tinawag niya. Ako naman ay napatingin ulit sa mukha niya.

"Sir?"

Hindi mapirme ang mga mata ko sa mga mata niya dahil ibang uri ng tingin ang binibigay niya sa akin. Yung tingin na mahihiptonismo at mapaparilasado. Malamig ang kanyang tingin pero nakakaakit. Walang babae ang hindi mag-aamin na nakakaakit siya. Ganun kasi ang tingin niya. Para siyang modelo na nasa cover ng isang magazine na may nakakaakit na tingin.

"Why don't you work for me then? I will pay you triple the payment you are receiving from that convenience store. At makakapag-aral ka pa ng maayos."

Napaawang ang labi ko. Hindi ako makapagsalita dahil sa offer niya. Oo maganda nga yun pero hindi ba siya nag-aalinlangan na bayaran ako ng ganun? Subagay mayaman siya pero hindi ko pa kasi siya kabisado. Babae lang ako at mukhang... wala akong laban sa kanya.

"Sir. Bakit po?" Kalaunan ay nagtanong ako mula sa pagkagulat.

Nagkibit siya ng balikat at sumandal muli sa inuupuan niya. "I'm giving you this offer because grandma said you are a very responsible student. You only work for me thrice a week. Then after your work, babayaran kita."

Pinag-isipan ko yung offer niya. Hanggang sa humupa ang ulan ay speechless pa rin ako. Sinamahan niya ako sa labas ng mall. Para siyang may-ari dahil ang confident niyang lumakad na parang sa kanya lahat ng bagay na nasa kapaligiran.

Paglabas ko ng mall na kasama siya ay naging distansya ako sa kanya. Napansin niya yun pero alam ko na alam niya ang rason kung bakit.

"Just think about my offer, miss Gascon. It'll still be open until you decide to work for me." Sabi niya bago siya magtawag ng taxi para sa akin. Nagpasalamat ako sa kanya dahil sa ginawa niyang yun.

Naging tulala ako sa sumunod na araw. Kagabi ay hindi ako makatulog ng maayos dahil iniisip ko yung offer ni Phoebian. Nag-stand out yun sa utak ko. Kahit sa panaginip ko ay hindi ko yun nalilimutan. Kung madali lang ang magdesisyon ng ganun ay tatanggapin ko agad ang offer niya. Pero hindi madali para sa akin dahil iniisip ko yung mga trabaho ko sa convenience store.

Naging sanay naman ako na magpuyat para lang sa kinabukasan ko. At matagal na ako sa trabahong ito kaya nahihirapan akong iwan ito. Dahil naging matamlay ang araw ko ay napansin yun nina ate Layla at Donna. Napansin nila na matamlay ako. Tinanong nila ako at naging tapat naman ako sa kanila. Hindi ko lang sinabi na si Phoebian Santini ang isa kong amo.

"Alam mo Maia. Maganda yung trabaho mo na yun. Maglilinis ka lang naman at hindi ka rin mahilig gumastos. Okay na yun sayo dahil fourth year ka na sa susunod na pasukan. Ilang araw nalang ineng at pasukan na alalahin mo yun. On-the-job training ka na rin. Yung sahod mo ay sapat na yun para sayo." Sabi ni Donna.

"Atsaka hindi sa pinapaalis ka namin huh, baka kasi iba ang interpretasyon mo. Maganda yun para sayo. Sabi nga ni Donna ay pasukan na ulit at nasa ika-apat at huling taon ka na. Hindi ka dapat nagpupuyat at dapat pokus ka lang sa pag-aaral. Makakatulong yung trabaho na yun Maia. Maglilinis ka lang naman ng penthouse at hindi rin araw-araw. Kaysa dito, alam mo makakastigo talaga ang katawan mo." Sabi naman ni ate Layla.

"Oo Maia." Si Donna.

Napaisip ako sa sinabi nila. Makakabubuti daw yun para sa akin. Iniisip ko palang na hindi na ako makakapagtrabaho dito sa convenience store ay nalulungkot na ako. Maganda ang pagtrato sa akin ng boss ko pati na rin ang mga katrabaho ko. Nakakalungkot talaga at kung sakali man na may desisyon na ako. Hindi ko ito makakalimutan.

Sa araw ng Sabado ay pumasok ulit ako sa penthouse ni Phoebian. Dala ko yung desisyon ko na hindi ko pag-sisisihan dahil choice ko ito. Para rin sa akin ito.

Pagpasok ko ay agad akong nagtrabaho. As usual ay nasa living area siya at nagbabasa ng isang sikat na magazine. Nakakamangha siyang tignan at ilang ulit din akong napapanakaw ng tingin dahil sa kaastigan niyang tignan. Naka-dekwatro ang kanyang mahahabang hita. Nakasuot siya ng itim na slacks at itim na turtleneck long sleeves. Nagkakalat ang kanyang buhok pero ang astig niya pa ring tignan.

Natapos ako sa paglilinis. Hindi manlang siya tumabi nang maglinis ako sa living area niya.

"Sir. Aalis na po ako." tawag ko nang pansin sa kanya.

Hindi pa rin naging magaan ang loob ko sa kanya. Nahihiya pa rin ako sa kanya kapag nakakaharap ko siya.

Mula sa binabasang magazine ay umangat ang kanyang mga mata papunta sa akin. Napaayos naman ako sa kinatutuyuan ko. Binaba niya ang magazine at tumayo.

"Well, the envelope is on the top of the table. Kunin mo nalang." Utos niya sa akin. Tumango ako. Aalis na sana ako papunta sa kusina niya nang tawagin niya ako.

"Wait..." Napalingon ako at tinanong ko siya kung ano ang kailangan niya pa. "Well, what's your decision?"

Napaawang ulit ang labi ko.

Napatigil ako. Ito na siguro yung pagkakataon para masabi ko sa kanya kung ano ang desisyon ko.

"Uh..."

"Well."

"Okay lang po ba?"

Muli siyang nagtaas ng kilay. Alam niya na agad ang ibig kung sabihin. Tipid siyang ngumiti at napatango.

"That's good then. Starting on next week. Magtrabaho ka na dito. Monday, Wednesday and Saturday, that's the schedule."

Agad akong tumango bilang pagsang-ayon. Bago ako umalis ay natigil ako dahil may inabot siya sa akin na payong. Nagtataka kong inabot.

"Para saan po ito sir?" Tanong ko habang nakatingin sa payong.

"The weather forecast says it'll rain  tonight. Bring it. You need it more than I do." sabi niya na may ngiti sa labi.

Continue Reading

You'll Also Like

26.3K 724 53
R-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She t...
3.1K 152 12
Katarungan ay kapalit ng pera. Paano kaya makakalaya sa kasalanang hindi mo ginawa? Batas ay nagbubulag-bulagan, Hukom ay kailangan pang bayaran. Hu...
997K 14.7K 33
Six years ago, I married the most wonderful man my eyes ever laid on. He's a tycoon. A businessman that everyone wants to work with. A man that every...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...