Breathe With Me (COMPLETED) ✔

By kuyaebzkie1025

1K 153 7

Nalunod si Johnson Villahermosa sa dagat habang nag-swimming kasama ng kanyang mga classmates. Niligtas siya... More

PAALALA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30

CHAPTER 26

12 4 0
By kuyaebzkie1025

(Third POV)

Pagkatapos ng meet-up ni Johnson at ng kanyang ama ay pumunta siya sa flower shop ni Richard. Hindi na sumama si Hansel kay Johnson dahil doon na siya makitulog sa bahay ng papa ni Johnson. Gabi na nang dumating si Johnson sa flower shop.

"Mine, buti nga lang at pimuntahan mo ako dito." salubong ni Richard

"Gusto ko sana makitulog sa bahay niyo." nahihiyang sabi ni Johnson

"Mine, huwag kang mahiya dahil hindi tutol si mama at Tito Steven sa relasyon natin." tugon ni Richard

"Puwede ba na sa loob na lang tayo ng flower shop matutulog?" paalam ni Johnson

"Sure, may unan, kumot, at kutson naman doon sa loob." sagot ni Richard

Niyakap ko si Richard nang mahigpit at niyakap niya rin ako. Hinahagod ni Richard ang likod ko.

"Puwede ba tayo magyakapan kahit na fifteen minutes lang?" paalam ni Johnson at di na sumagot si Richard dahil hinalikan niya ang noo ni Johnson.

Ngunit biglang may nanghagis ng tsinelas sa likuran ni Johnson at malakas pa ang pagkahagis nito.

"Hoy! Di mo na ba ako mahal?" naririnig kong sumigaw si Ford. Kumalas kami ni Richard sa pagkakayakap namin sa isa't isa at humarap kami kay Ford.

"Di mo naman shinabi sha akin na may boyfriend ka na!" sabi ni Ford

Nakonsensya si Johnson dahil sa ginawa niya. Di niya akalain na malalasing siya nang dahil sa kanua. Lumapit si Ford kay Richard at muntikan na sana silang magsuntukan pero umawat ako para pigilan silang dalawa.

"Guys, tama na!" pag-awat ko

Biglang napadaan si Gerald sa harapan nila at hininto niya ang kanyang motorsiklo.

"Anong nangyari sa inyong tatlo?" tanong ni Gerald

"Biglang dumating si Ford at hinagisan pa niya ako ng tsinelas. Lasing siya nang pumunta siya dito." paliwanag ni Johnson

"Ford, puwede bang umalis ka na lang muna at huwag kang manggulo?" pakiusap ni Richard

"Hindi ako aalish dito hanggang di mapashakin si paps!" matigas ang ulo ni Ford at di siya umalis.

Biglang hinila ni Ford ang kuwelyo ni Richard at muntikan nang masakal si Richard sa leeg.

"Wala kang pakialam kung gushto mong agawin sha akin si Johnshon dahil akin lang siya!" sigaw ni Ford at tinulak niya si Richard.

Nagsimula nang magsuntukan sina Richard at Ford. Pupuntahan na sana sila ng barangay tanod pero buti nga lang at naagapan dahil pinigilan nila kaagad sina Ford at Richard.

"Johnson, sino ba talaga ang mahal mo? Sino ba talaga ang pipiliin mo? Si Ford ba o si Richard?" tanong ni Gerald

"Hindi ko alam!" sagot ni Johnson at nagsimula na siyang umiyak

"Johnson, aaminin ko na gusto pa rin kita hanggang ngayon pero mas pinili ko na maghanap ng iba dahil alam ko na wala akong pag-asa sa'yo kasi mahal mo si Ford at mahal ka niya! Sana magdesisyon ka na kung sinong pipiliin mo!" sabi ni Gerald

Medyo naguguluhan na ang isip ni Johnson. Ginawa niyang panakip-butas si Richard para makalimutan niya si Ford pero nahuhulog na ang damdamin niya kay Richard. Nakonsensya si Johnson dahil naghiwalay silang dalawa ni Ford at nagbago si Ford dahil sa kanya.

"Chard, sorry kung ginawa kitang panakip-butas dahil mahal ko pa rin si Ford!" mangiyak-ngiyak na nag-sorry si Johnson kay Richard at sinampal pa niya ito sa mukha.

"Gusto kita noon pero wala akong pag-asa dahil boyfriend mo si Ford! Noong naghiwalay kayo ay umaasa ako na maging tayo! Masaya ako dahil naging syota kita! Pagkatapos, ginawa mo akong panakip-butas?" galit na galit siya sa akin at sinigawan pa niya ako bago niya tapusin ang kanyang pagsasalita.

Lumuhod si Johnson sa harapan ni Richard para humingi ng tawad at hinawakan niya pa ang mga kamay bi Richard habang nakayuko ang kanyang ulo pero binitawan kaagad ni Richard ang kanyang mga kamay at umalis siya sa harapan ni Johnson.

"Johnson, tahan na!" ani Gerald habang inalalayan niya akong tumayo.

Nakita nilang nakahandusay na si Ford sa semento pero buhay pa siya. Sadyang nakatulog lang si Ford dahil sa sobrang kalasingan.

"Anong gagawin natin kay Ford?" tanong ni Gerald

"Kakargahin ko na lang siguro siya at malapit lang dito sa flower shop ang bahay ni Garret." sagot ni Johnson

Inalalayan muna nila si Ford tsaka ko siya kinarga habang nasa likod ito ni Johnson. Habang si Gerald ay nagmaneho na siya sa kanyang motorsiklo pauwi. Masyadong nabigatan si Johnson sa kanya at nahirapang maglakad. Buti nga lang at sinalubong siya kaagad ni Garret sa daan.

"Johnson, tulungan na kita diyan." saad ni Garret

Binaba muna ni Johnson si Ford at inilagay ni Garret ang kaliwang braso ni Ford sa kaliwang balikat ko habang inilagay ni Garret ang kanang braso ni Ford sa kanyang kanang balikat. Dahan-dahan kaming naglalakad papuntang bahay nila at di na umabot ng tatlong minuto nang makarating na kami.

"Buti nga lang at kami lang ni Mark ang tao sa bahay at wala sina nanay at tatay ngayon." sabi ni Garret tsaka niya binuksan ang pinto.

Umakyat kami ni Garret sa itaas at pumasok kami sa isang bakanteng kuwarto na katabi lang ng kuwarto ni Garret. Hiniga namin si Ford at kama at kinumutan ko siya.

"Sige, pupunta muna ako ng sala para patayin ang ilaw. Kapag may kailangan ka, kumatok ka lang sa kuwarto ko." paalam ni Garret.

"Pakikuha na lang ng planggana at lagyan mo lang ng tubig at bimpo. Pahingi na rin ng damit para susuotin naming dalawa ni Ford." bilin ni Johnson tsaka umalis si Garret

Bumalik si Garret sa kuwarto na may dalang planggana, bimpo, at mga damit.

"Kung gusto mong maligo, nasa kanan lang ang banyo ng kuwarto." bilin ni Garret tsaka umalis ulit.

Naligo muna si Johnson at mahimbing pa rin na natutulog si Ford. Pagkatapos ay nagbihis siya ng damit na hiniram niya galing kay Garret. Hinubad muna ni Johnson ang buong damit ni Ford tsaka niya ipinahid ang buong katawan nito. Tanging boxer short na lang ang natira sa katawan ni Ford pero biglang napalunok si Johnson sa katawan ni Ford.

"Papsh, huwag mo akong iiwan!" pakiusap ni Ford habang nakapikit ang kanyang mga mata.

Binihisan ni Johnson si Ford at inilagay niya ang planggana at bimpo sa harapan ng pinto sa labas ng kuwarto.

"Paps, sorry kung sumuko ako sa relasyon nating dalawa! Sorry kung ginawa kong panakip-butas si Richard para kalimutan ka! Sorry kung naghiwalay tayo at nagbago ka nang dahil sa akin! Alam ko naman na maraming babae ang naka-date mo pero di mo sila shinota dahil mahal mo pa rin ako sabi ni Gerald sa akin kanina." sabi ko habang umiiyak

Nakasubsub ang mukha ni Johnson sa katawan ni Ford na parang namatayan ng mahal sa buhay. Naramdaman niya na kinamot ni Ford ang kanyang ulo.

"Papsh, huwag ka nang umiyak dahil nandito pa rin ako!" saad ni Ford

Humiga si Johnson at ginawa niyang unan ang chest ni Ford habang yakap niya ito hanggang sa nakatulog na si Johnson.

Hindi na umuwi si Richard sa kanilang bahay at sa halip ay uminom siya sa gilid ng daan. Umiyak siya nang umiyak dahil nasasaktan siya na ginawa lamang siyang panakip-butas. Biglang may lumapit kay Richard na isang lalaki na kasing-edad lang niya pero bigla niya itong sinuntok dahil akala niya bumalik si Johnson sa kanyang harapan.

"Ba't mo ako sinuntok?" tanong ng lalaki

"Johnshon, di mo ba ako kilala? Si Richard ito na mahal ka pero shinaktan mo ako!" ani Richard

"Brad, hindi ako si Johnson! Cedric ang pangalan ko." sabi ng lalaki

"Bakit si Johnshon ang nakikita ko sha'yo?" tanong ni Richard at bigla siyang sumuka sa daan hanggang sa na-out of balance na siya pero buti nga lang at sinalo ni Cedric si Richard.

Inalalayan ni Cedric si Richard pero buti nga lang at malapit lang ang bahay ni Cedric mula sa lugar kung saan uminom si Richard ng beer kanina. Nagkataon na mag-isa lang si Cedric sa kanyang bahay at di siya pagagalitan kung may kasama siyang lasing.

Nang makapasok na sila sa kuwarto ay hiniga ni Cedric si Richard sa kama at hinubad niya ang damit ni Richard. Tanging boxer brief na lang ang natira sa katawan nito. Pinunasan ni Cedric ang katawan ni Richard pero bigla siyang napalunok nang makita niya ang abs ni Richard. Nanginginig si Cedric nang hinawakan niya ang abs nito. Biglang bumangon si Richard at tinulak niya si Cedric sa kama.

"Brad, anong ginawa mo?" tanong ni Cedric habang nagtataka.

Inilapit ni Richard ang kanyang mukha sa mukha ni Cedric. Nang hinalikan ni Richard si Cedric ay biglang naramdaman ni Cedric na tumibok ang puso niya. Naglaplapan silang dalawa at pareho silang napaungol nang malakas.

"Papatayin kita sha sharap!" sabi ni Richard habang nanggigigil.

Hinubad ni Cedric ang kanyang buong damit at brief na lang ang natira sa kanyang katawan. Nagpatuloy sila sa kanilang laplapan hanggang sa gumawa sila ng milagro sa kama. 

Continue Reading

You'll Also Like

95.5K 4.1K 41
Love, Drama, Bully, Secrets, Sex..... I'm Alex Monterozo, your typical guy, ahmm to be more specific, gay guy. Naghahanap ng love sa mundong pun...
17.9K 1.1K 45
Isang beses nagmahal ako at ipinangako kong hindi ko na siya muling mamahalin pa pero tila traydor ang puso ko at kahit paulit-ulit akong sinasaktan...
7.6K 374 22
NO BOOK 2 AS OF THE MOMENT. [COMPLETED] Si Ian o kilala bilang Kristian ay naghihintay lamang sa Waiting Shed. Pero di naman niya inakala na ang h...