Dear Cupid

By candiicrush

2.9K 52 5

"Chase dreams, not boys. Really? Oh c'mon. Hindi na 'yan uso ngayon. Kung hindi ka gagawa ng paraan para mapa... More

Paalala
Sulat #1
Sulat #2
Sulat #3
Sulat #4
Sulat #6
Sulat #7
Sulat #8
Sulat #9
Conversation
Sulat #10
Sulat #11
Sulat #12
Sulat #13
Sulat #14
Sulat #15
Sulat #16
Sulat #17
Sulat #18
Sulat #19
Sulat #20
Sulat #21
Luhan
Sulat #22
Shin
Sulat #23
Shin
Shin
Luhan
Interview
Interview

Sulat #5

134 3 0
By candiicrush

Dear Cupid,

"Wait for the perfect and right time." Aba! Cupid alam mo bang iyon ang sinabi sakin ni Luhan na bestfriend ko.


Sikat pala 'yang bestfriend ko, Cupid. As in sikat na sikat. Kasama kasi siya sa boy group na EXO. Naku kilala 'yong grupo ng ugok na lalaking iyon. Malay ko nga ba at paano nakakapagdisguise ito ng hindi namumukhaan at paano ito nakakahanap ng oras para makipagkwentuhan sa akin. Alam ko namang busy siya.You know! Celebrity.


Back to reality na tayo, Cupid. Gusto ko lang sabihing pak-shet namang perfect time 'yan bakit ang tagal. Atat na atat na akong makaboyfriend. Bakit naman kasi walang nanliligaw sa akin. Ganda ko naman. Bakit kaya? Bulag na ba ang mga lalaki ngayon? O kaya naman naging bading na sila lahat? Haler! Andito ako. Isang dyosa tapos walang manliligaw? Chos diba? Unbelievable!


Oo nga pala, chossy ako Cupid. May hinahanap ako kapag pinagtagpo mo na kami Mr. Right ko. Iyon bang spark. Iyong bang slow motion ang mangyayari sa paligid mo kapag nakita mo na ang lalaking nakatadhana sa iyo. Iyong kapag nakikita mo siya bumibilis ang tibok ng puso mo. Iyon bang kapag ngumiti siya sayo para kang naiihi sa kilig. 'Yun yun Cupid. Gusto ko ng ganoon.


"Aba ang tagal naman iyang right time na 'yan. Matitigang na ako tapos hihintayin ko pa iyang right time na sinasabi mo. Hay! Kaistress ka rin. Gusto ko ng makaboyfriend. Gusto ko ng magka-asawa at magkaroon ng maraming anak. Mamaya niyan matigok na ako hindi ko pa maranasan ang makipagchukchakan. Di virgin na ako forever? Aba sana naman bago ako mawala dito sa lupa maranasan ko muna ang mga makamundong bagay. " sabi ko habang nakasimangot.


Alam mo bang namula siya sa huling sinabi ko Cupid. Asus! Pa demure pa itong isang ito.


"La Shin iyang sinasabi mo nga. Kung ano anong kalokohan iyang mga lumalabas sa bibig mo e." Umiwas siya ng tingin sa akin at napakamot siya sa likod niya. Kyut naman si Luhan, Cupid. Kung standards lang naman pala ng lalaking mga gugustuhin ko pasado na siya. Kaso nga lang hanggang bestfriend lang ang kaya kong ituring sa kanya at alam kong ganoon din siya sa akin. Pagbestfriend lang talaga kami.


"Heh! Parang hindi ka na nasanay sa akin." Singhal ko sakanya. "Tara na nga kain nalang tayo tapos libre mo."


Hay! Cupid ano bang ginagawa mo? May ginagawa ka ba talaga? Ang tagal naman ni Mr. Right kong dumating. Tigang na tigang na ako kakahintay sakanya. Ano na bang ginagawa niya? Baka naman hinahayaan mo pa siyang lumandi sa iba Cupid? Ay sinasabi ko sayo matatamaan ka sakin kapag hinayaan mo iyon.


P.S. Wala rin pala akong first kiss. Sana bukas o sa susunod magkaroon na ako. Hihi . Ang landi ko lang.


Shin



A/N: Luhan ->

Continue Reading

You'll Also Like

19.8K 606 8
"Ace belongs to me." Spade thought. There's nothing she could do or say about it. She needs to take responsibility for her actions. Hindi pwedeng bas...
817K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
86.8K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
35.5K 801 10
Being an ex-nun turned romance novel writer, Lanlan became so much attached with the attitude of her characters. May pagka-childish but cute in her o...