Years of Wait

By shadyazure

2.6K 394 166

COMPLETE | unedited Maria Gandrielle (Marga) Roja, was a rough, tough and stubborn woman. She would do whate... More

HLS1: YEARS OF WAIT
SIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
WAKAS
NOTE

CHAPTER 25

40 7 0
By shadyazure

HOPEDEEPLY







The next day, I woke up early. I instantly checked my phone to see if Dean had sent me a text, but there was nothing. Kaya naligo at nag-ayos na lang ako para makaalis ng bahay. Pupunta ako sa kanila para makatulong doon sa pag-aayos kay Dean. And I'm too excited.

Pababa na ako ng hagdan nang tumunog naman ang aking cellphone. Agad ko itong kinuha sa aking bag dahil baka si Dean na ang nagtext, at hindi nga ako nagkakamali.


Dean:

Huwag ka munang pumunta rito. Kami nang bahala ni Mama sa pag-aayos.


Kumunot ang noo ko. Nagtaka ako kung bakit. Akala ko ba magpapatulong sila sa 'kin? Nireplyan ko agad siya.


Ako:

Bakit? Pupunta na lang ako diyan kahit hindi na tutulong.

Dean:

Hindi na. May lakad kami ni Mama ngayon.


Mas lalong kumunot ang noo ko, at humaba na rin ang aking nguso.


Ako:

Saan naman kayo pupunta ni Tita?


Nakatitig lang ako sa aking cellphone habang hinihintay siya magreply. Kaso umabot pa ng tatlong minuto hindi pa siya naka-reply kaya naisipan kong tawagan siya.

“Marga!”

Agad kong binaba ang aking cellphone nang nabigla ako sa pagtawag ni Daddy sa akin. Nasa baba siya ng hagdan ngayon. Nakatingala habang masusing tinitingnan ako rito.

Pilit akong ngumiti sa kanya habang bumababa ng hagdan. Nang makalapit sa kanya ay agad ko siyang niyakap.

“Good morning, Dad!” bati ko sabay hiwalay ng yakap sa kanya.

Maririin niya akong tinitingnan mula ulo hanggang paa. Na para bang may mali sa suot ko ngayon.

“Good morning din. Where are you going?” kalmadong tanong niya sa akin.

“Sa classmate ko sana, Dad,” I said and then swallowed hard.

His eyes narrowed at me. He didn't seem to believe what I said. I took a deep breath.

“Kaso hindi naman natuloy kasi may lakad raw sila ng Mama niya ngayon,” I added.

“So… wala kanang lakad ngayon?” tanong niya sa akin.

Agad naman akong umiling kay Daddy.

“Mabuti naman kung ganoon… pwede ko ba makasama ang anak ko  sa pamamasyal ngayon?” sabi niya.

My eyes widened in shock at what he said. Umusbong ang excitement sa aking puso ngayon. Mabilis akong tumango kay Daddy, habang malaki na ang ngiti sa aking labi.

Umakyat na muna siya sa itaas para makapag bihis. Aniya'y pupunta kami sa mall para bumili ng kahit anong gusto. Siya na raw ang bahala.

Ayun nga, kumain muna kami sa isang sikat na restaurant bago kami pumunta sa mall para mag-shopping. Hinayaan niya ako bilhin ang kahit na anong gusto ko. Kaya hindi mawawala ang ngiti ko habang pumipili ng damit.

Nakasunod lang sa akin si Daddy habang dala niya ang mga paper bags na may tatak na brand ng mga sapatos, damit, at opkors make-ups. Hindi ko alam kung bakit walang imik si Daddy habang nakasunod sa akin.

Tahimik lang siya at hindi man lang nagreklamo sa mga pinamili ko.

“Dad, I like this one. Tignan mo,” Sabay harap ko sa kanya at pinakita ang necklace na nasa leeg kona.

It's a silver necklace with a key pendant on it. At may nakaukit pa na ‘LOVE’ sa mismong susi. Ngumiti ako kay Daddy habang pinakita sa kanya ang kwintas. Naniningkit naman ang mga mata niya habang tinitingnan ang pendant ng kwintas. Umiling siya.

“Naah… hindi 'yan bagay sa 'yo.” sabi niya.

Nawala ang ngiti sa aking labi. Ngumuso ako at tiningnan ang kwintas.

“Uhh…”

“Okay… pipili na lang ako ng iba. 'Yung babagay sa gown na isusuot ko bukas.” sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Tumango naman siya. Kaya tumalikod muna ako sa kanya para makapag pili ng iba. Narinig kong tumunog ang cellphone ni Daddy kaya nagpaalam muna siya sa akin na sagutin iyon. Lumabas siya agad sa jewelry shop pagkatapos kong tumango sa kanya.

“Ahh… miss, patingin naman 'yun,” Sabay turo ko sa isang pares na hikaw. Kinuha naman ito ng sales lady na kanina ko pa kausap.

“Ito po ba, Mam?” sabi niya.

Kinuha ko naman ito. It's a sapphire diamond earring. Sure ako bagay na bagay ito sa gown na susuotin ko bukas. Tinanggal ko ang aking hikaw sa tainga para masuot ko ang napili kong hikaw. Titingnan ko kung bagay ba ito sa akin. Hinubad ko rin ang necklace na suot ko at ibinalik sa lalagyan nito.

“Bagay na bagay sa 'yo, Mam,” sabi ng sales lady nang maisuot ko na ang hikaw.

Ngumiti ako sa kanya habang tinitingnan ang sarili sa bilog na salamin nila dito.

“Birthday mo ba bukas, Mam?” tanong niya.

Lumaki ang ngiti ko sa kanyang tanong. Narinig niya siguro ang pag-uusap namin ni Daddy kanina kaya tumango tumango ako sa kanya.

“Wow! Sure ako! Enggrande iyan, Mam!” tuwang-tuwa na sabi niya.

“Welcome to our shop, Mam! What do we offer you, Mam?” dinig kong pag-we-welcome ng saleslady sa kanilang costumer.

“I want to buy bracelet for my mum,”

Napalingon ako sa aking likod nang marinig ang boses na iyon. Pagharap ko pa lang sa kanya. Nakita kong nanlalaki ang mga mata ni Erin nang makita ako dito.

“Oh. Marga, nandito ka pala…” sabi niya habang nilibot ang kanyang mga mata sa buong shop.

I wanted to roll my eyes at her, when I saw Dean enter the shop. What is he doing here? Akala ko ba may lakad sila ni tita Karen ngayon? 

“Dean…” I whispered.

Inangat niya ang kanyang mga tingin sa akin. Nakita ko kung paano siya natigilan nang makita niya ako. Umawang ang kanyang labi, tila may sasabihin siya pero walang lumabas na salita doon.

“Marga? Ano'ng ginagawa—”

Pinutol ko agad ang sasabihin niya.

“Akala ko ba… may lakad kayo ni tita Karen kaya hindi moko pinapapunta sa inyo ngayon.” I said confusedly.

“No. May lakad sila tita Karen at tito Daniel ngayon kaya niyaya kona si Dean na sumama sa akin dito.” Erin said. “Saka ayaw rin kasi ni Tito na maisturbo sila ni tita Karen kaya nag-request s'ya na isama ko na si Dean sa pamamasyal ko, tutal mamaya ay sabay kaming dalawa pupunta sa party.” she added.

Nanginig ang mga tuhod ko dahil sa sinabi ni Erin. Bakit parang close sila ng ama ni Dean? Bakit sa bawat bigkas niya ng ‘tito’ at sa sinasabi niya ngayon ay parang matagal na sila magkakilala? Ni request pa nga ni ‘tito’ Daniel na isama si Dean ni Erin dito.

Hindi ko alam kung bakit iba ang naramdaman ko ngayon. Ayaw kong isipin na may tinatago si Dean sa akin. Pero bakit 'yon ang nararamdaman ko ngayon. Pinaghalong pagkabigo at pagtataksil ang naramdaman ko. Pagkabigo, dahil hindi man lang sinabi ni Dean sa akin na kasama niya si Erin ngayon. Ni hindi niya man lang ako ni-message, para naman alam ko kung sino ang kasama niya at kung saan siya pupunta ngayon. O hindi man lang niya nabanggit sa akin na palagi sila pinapuntahan ng ama niya.

Pagtataksil. Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko 'yan ngayon. Kung nakaligtaan man niya sabihin sa 'kin na magkasama sila ni Erin ngayon. Sana hanggang doon lang. Pero kung meron pang iba. Hindi ko alam kung ano dapat kong gagawin o maramdaman.

Ngumiti ako nang mapait sa kanila. Hindi ko lang talaga mapigilan ang aking naramdaman ngayon.

“Well, kasama ko naman si Daddy ngayon…” sabi ko. Gusto ko pa sana dugtungan ang sasabihin pero hindi kona magawa. I feel so much upset, kaya gusto kona lang tumahimik.

“Excuse me,” sabi ko pa saka tumalikod sa kanila at humarap ulit sa saleslady na kanina pa naghihintay sa akin. Ngumiti ako sa babae, pero alam kong sobrang peke na 'yon.

“Kukunin ko na 'tong hikaw,” malamig kong sinabi. 

“E, itong necklace, Mam? Kukunin n'yo rin po?” tanong ng saleslady sa 'kin.

Umiling ako agad. “Hindi na. Itong hikaw na lang.” Sabay tanggal ko sa hikaw na nasa aking tainga.

Tumango ang saleslady sa 'kin. Saka kinuha ang hikaw at ang kwintas.

“Marga…” Ramdam ko mula sa aking likod ang paglapit ni Dean sa akin. Umusog ako nang kaonti.

Hindi ko siya nilingon. Nakatingin lang ako sa labas ng shop. Baka kasi bumalik dito si Daddy tapos makita kami dito ni Dean. Pumikit ako nang mariin. Dahil naramdaman ko ang paghawak ni Dean sa braso ko.

“Marga, hindi ko kasi alam—”

“Ito na po, Mam,” Sabay abot sa akin ng saleslady sa paper bag.

Agad ko naman ito kinuha. Kaya natanggal ang pagkakahawak ni Dean sa aking braso. Ngumiti ako sa babae habang palipat-lipat ang kanyang mga mata sa amin dalawa ni Dean. 

“Maraming salamat, Miss.” sabi ko.

“You're welcome, Mam. Ano'ng kailangan n'yo, Sir?” tanong niya kay Dean.

“Labas na ako. Baka naghihintay na si Daddy sa labas,” pagpapaalam ko kay Dean.

Dumilim ang mga mata ni Dean. Pero hindi nakatakas sa akin ang pagdaan ng lungkot doon. Tumalikod na ako sa kanya at hinayaan na lang 'yung nakita ko. 

Deretso ako sa paglabas ng shop. Kilala naman ng pamilya namin ang may-ari ng shop kaya si Daddy na ang bahala magbayad. Pagkalabas ko pa lang sa shop ay nakita ko agad si Daddy na pabalik na sana dito. Kaya sinalubong kona siya agad.

“Oh, nakapili kana?” tanong niya sa 'kin.

Tumango naman ako.

“Okay. Let's go home then,” he said.

Ngumiti naman ako at mabilis na tumango agad. Sumunod na ako kay Daddy sa parking lot. Deretso lang ang aking paglalakad nang hindi lumilingon sa likod.

Kung hindi kami makapag-usap dahil kasama niya si Erin, mas lalong hindi kami pwede magsama ngayon dahil kasama ko naman si Daddy. Pwede naman kami mag-usap sa susunod na araw o magkita kami bukas.

“Saan kayo galing?” tanong ni Mommy mula sa itaas ng hagdan. Pababa na siya nang pumasok kami ni Daddy sa pintuan.

“And what is that?” Sabay turo ni Mommy sa mga paper bags na dala ni Daddy.

Lumapit ako sa kanya at agad humalik sa pisngi. Nakita ko ang pagtaas ng balikat ni Daddy sa tanong ni Mommy. Ngumisi si Daddy sa kanya.

“These are my gifts for her,” he said.

“What? Bakit hindi n'yo 'ko sinama? Bakit kayo lang?” tanong ni Mommy sa amin.

“Dahil ito ang bond namin ng anak ko,” sagot ni Daddy.

Inirapan ni Mommy si Daddy na ikinalalag naman ng panga ko.

“Anak ko rin siya, Darell. So bakit hindi n'yo ako sinama?” galit na galit na sabi ni Mommy.

Akala ko nagagalit siya dahil sa dami ng pinamili ko. 'Yun pala galit dahil hindi namin siya sinama ni Daddy. Umiling na lamang ako sa pagtatalo ng dalawa. Lumapit ako kay Daddy para kunin ang paper bags. Dahil mukang wala siyang balak bitawan ito.

Nagtataka naman na lumapit sa amin si yaya Mina. Maingay kasi sila Mommy at Daddy kaya agad siyang lumapit sa akin at nagtanong.

“Ano'ng nangyari sa mga magulang mo?”

“Hayaan mo na sila, Ya. Tulungan mo na lang ako dalhin ito sa itaas.” sabi ko sa kanya.

Hindi na nagtanong ulit si Yaya. Tinulongan niya lang ako iakyat ang mga paper bags sa aking kwarto. Hinayaan na lang namin sila Daddy at Mommy sa baba habang nagtatalo. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa dahilan ng pagtatalo nila.

“Naku, kanina pa kasi naghihintay 'yung Mommy mo rito kaya siguro nagtatampo siya,” sabi ni Yaya sa akin.

Nagkuwentuhan pa kami ni Yaya Mina hanggang sa tinawag na kami para kumain ng hapunan. Mabilis lang natapos ang hapunan. Pinag-usapan lang namin ang party bukas. At kung anong oras ako uuwi pagkatapos ng js promenade dahil may sariling party pa ako dito sa bahay.

Nang matapos ang dinner ay nagpaalam na ako sa kanila para umakyat na sa aking kwarto. Naiintindihan naman nila agad iyon, dahil sa party bukas.

“Good night, anak. Have a beauty rest.” Sabay halik ni Mommy sa aking pisngi.

Umakyat na ako para matulog na. Pero lumipas ang isang oras ay hindi pa rin ako makatulog. Dahil iniisip ko pa rin sina Erin at Dean na magkasama kanina. At simula nung nakauwi na kami ni Daddy sa bahay. Hinihintay kong tumawag si Dean pero kahit isang text ay walang dumating.

Mas lalo akong nanlumo dahil doon. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa busy siya sa party nila ngayon o ano, kaya hindi niya magawa iyon.



Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng aking cellphone. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa dami ng iniisip ko. Kinuha ko ang cellphone sa side table at sinagot agad ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino.

“Marga…”

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa boses ng aking narinig. It's Dean. But there's something on his voice. I frowned at pinakinggan ang background sa kabilang linya. Maingay ito, puro hiyawan ng mga taong naroon ang aking narinig. Tila nagsasayawan sila o ano.

Tiningnan ko ang screen sa ibabaw ng cellphone para alamin ang oras ngayon. It's ten o'clock in the evening. Hindi pa rin sila tapos! Anong oras ba sila matatapos?

“Dean?” 

“Yes, my love?” I tightly closed my eyes when I heard his husky voice.

“I missed you… and… I'm sorry…”

Nag-init ang puso ko dahil sa sinabi niya. Bumangon ako at sumandal sa head board ng aking kama. Pumikit pa ako ng mariin bago magsalita.

“Anong oras kayo matatapos?” tanong ko. Binalewala ang mga sinabi niya.

“Hmmm… bakit? Gusto mo na akong umuwi? Uuwi ako agad…” Kahit malambing ay nahimigan ko sa tono ng kanyang boses na parang nakainom siya.

“Lasing ka ba, Dean?” Nakakunot ang noo ko habang nagtatanong sa kanya, kahit hindi niya naman ako nakita.

“Naah, nakainom lang—”

“Dean! Tara! Inom pa tayo!”

“Tsk!”

“Dean! Ano ba! Naghihintay sa 'yo si Erin, o!”

“Susunod ako! May kausap pa ako sa phone, e!” 

“Sus! Mamaya na 'yan!”

Bumuntong-hininga ako. Sa sobrang ingay nila ay hindi kona nasundan pa ang mga sinasabi nila. Halo-halo na kasi.

“Ah, Dean. Bukas na lang tayo mag-usap.”

“S-Saglit lang—”

Ni off ko agad ang tawag. Para namang makapag enjoy siya roon kasama ang mga klasmeyt at kaibigan niya. Huling taon na nila ngayon sa highschool kaya kailangan nila iyon. At hindi ko maiwasang malungkot doon.

Isang buwan na lang graduate na si Dean. Hindi na kami magkikita palagi. Hindi na rin kami makapagsabay ng lunch. At hindi na rin kami makapagsabay sa pag-uwi. Minsan na rin kami makapagmasyal na dalawa.

I shifted to the other side of my bed to avoid the harsh sunlight striking my face. Nakapikit pa ang mga mata ko nang may biglang humablot sa kumot. Agad ko naman ito hinila pabalik sa aking katawan.

“Yaya! Inaantok pa ako!” sabi ko.

“Tanghali na, anak! May party kapa mamaya! Tapos heto kapa hindi pa nag-aayos!” Sabay hila niya ulit ng kumot ko. “Sige na! Bumangon kana riyan! Nasa baba na ang magme-make-up sa 'yo!”

Wala na akong magawa. Bumangon na ako at wala sa sariling pumunta ng banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako para kumain muna. Nasa baba na nga ang mga artist na mag-aayos sa 'kin para sa JS prom at birthday ko. Hinayaan nila ako kumain muna saka aayusan.

Pagkatapos kong kumain ay inayusan agad nila ako. Mag-aalas dos na kasi, mabilis tumakbo ang oras. Tapos alas sais ako aalis ng bahay dahil alas syete-traynta magsisimula ang event. Kaya habang inaayos nila ang aking buhok, isinasabay din nila ang pagme-make up.

They slightly curled the down part of my hair. Then, they also braided the other part of my hair and then wrapped around my head like a headband. The make-ups they put on my face was very light. Siguro binagay lang nila sa kulay ng balat ko.

Nang matapos nila ang pag-aayos sa akin, ay nagbihis na ako. Sinuot ko ang black backless halter dress, dahil ito ang pinili ni Sheena para sa prom. Hinayaan kona siya ang pumili para sa akin, dahil wala ako sa wisyo na pumili noon.

Hinati nila ang buhok ko na nakalugay para ilagay sa harap, nang sa gayon lantad na lantad ang aking likod.

“Miss Roja, you are so beautiful!” puri sa akin ng bakla, isa sa mga nag-aayos sa akin.

Huminga ako nang malalim. Pagkatapos, tipid akong ngumiti sa kanila sa repleksyon ng salamin.

“Of course. She's my daughter!” sabi ni Mommy nang pumasok siya sa kwarto.

Kasunod niyang pumasok ay si Daddy. Nagsitabihan ang mga make up artist. Binigyan nila ng daan sila Mommy at Daddy. Dahan-dahan akong humarap sa kanila. Ngumiti si Mommy sa akin, habang si Daddy ay seryoso lang nakatitig sa akin.

“Our daughter grown like a lady,” sabi ni Mommy habang inaayos ang aking buhok.

“Nah, she's still our young little princess, hon,” sabi ni Daddy na may ibang kahulugan sa kanyang sinabi. “She just turned seventeenth now but not eighteenth. Still, eighteenth is too young for me to have boyfriends.” he added.

Ngumuso ako. Doon pa lang sa huling sinabi ni Daddy, ay parang pinaalala niya sa akin na bawal talaga akong mag-boyfriend. So, eighteenth is not enough to him for having boyfriends. Kailan pala pwede?

“Ahmm, the time is running. Ihahatid kana namin sa hotel. Baka ma-late ka pa.” sabi ni Mommy.

Bago kami lumabas ng kwarto ay nagpasalamat pa si Mommy sa mga make-up artist na ni-hired niya. Nang matapos ay lumabas agad kami ng bahay. Nakahanda na ang sasakyan namin sa labas.

Tinulungan ako ni Yaya sa pagpasok ng sasakyan. Inayos niya ang dress ko pagkatapos kong umupo nang maayos sa loob ng sasakyan.

“Ang ganda talaga ng alaga ko,” sabi niya.

Natawa na ako dahil kanina pa niya sinasabi iyan. 

“Yaya naman,”

“Basta, galingan mo ha. Nasisiguro kong magiging prom queen ka,” sabi niya pa.

Mas lalong natawa pa ako sa sinabi niya ngayon. Sa dami ng issue ko, at halos lahat ng estudyante sa eskwelahan ay hindi ako gusto, kaya imposible na magiging prom queen ako.

Tumungo na kami sa isang hotel, kung saan gaganapin ang JS prom namin. Alas sais trenta nang dumating kami sa hotel. Nakalabas na ako sa sasakyan namin. Niyakap ako ni Mommy.

“Enjoy the party, anak. We'll be back soon, para sa bahay naman tayo mag-party para sa birthday mo,” sabi niya sabay hiwalay ng yakap sa akin.

Tumango ako kay Mommy. Napagkasunduan kasi namin ay pagkatapos ng sayawan, uuwi ako agad. Sa bahay na ako dahil may bisita rin kami roon. Wala namang problema dahil nakapagpaalam na ako sa mga guro namin. At pinayagan naman ako.

Hinintay ko muna makaalis sila Mommy at Daddy bago ako naglakad papasok sa entrance ng venue. Malapit na ako sa grand entrance nang may biglang humila sa aking braso kaya napalingon ako rito.

“Ssshhh!” Sheena said when I'm ready to shout out on her.

Marahan niya akong hinila habang nakanganga pa ang bibig ko. Sumunod na ako sa kanya dahil akala ko dito lamang kami sa malapit. Ngunit natanto ko na papunta pala kami sa exit ng holel. Huminto ako bigla at kumunot ang noo ko sa pagtataka.

 “Bakit tayo nandito? Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.

“Basta. Sumunod ka na lang sa akin.” sabi niya na ikina kunot ng noo ko lalo.

“May JS prom tayo, Sheena!” sabi ko.

Sinipat ko siya mula ulo hanggang paa. She's wearing a violet cocktail dress with four inches high heels.

“Oh, akala ko ba ayaw mong sumali sa prom?” taas kilay niya akong tiningnan.

“E bakit ikaw? 'Di ba gustong-gusto mong sumali?” balik kong tanong sa kanya.

She shrugged her shoulders. “Well, nawalan na ako ng gana,” she said.

“Ba't ba buset na buset ka kay Rafael? E, tingin ko wala naman siyang ginagawang masama sa 'yo!” I said, dahil tingin ko, iyon ang dahilan kung bakit gusto niya ng tumakas doon.

She immediately rolled her eyes at me, and then pulled me again.

“Tingin mo lang 'yun! At pwede ba, h'wag na natin siyang pag-usapan pa. Lumabas na lang tayo rito!” she said.

“Malalagot tayo sa mga guro natin, Sheena!” sabi ko habang nakasunod sa kanya.

“Don't worry about that, nakapagpaalam na ako sa kanila. At pumayag naman sila dahil sinabi ko maaga ang party mo sa bahay nin'yo kaya hindi ka makakapunta sa JS prom natin.” paliwanag niya.

“Saan ba kasi tayo pupunta?” tanong ko ulit nang makalabas na kami ng hotel.

Nandito na kami sa parking lot. Nananakit na ang mga paa ko sa six inches high heels na suot ko ngayon. Kanina pa kasi kami palakad-lakad rito. Saan ba talaga kami pupunta?

“Wait lang!” sabi niya bigla.

Huminto siya sa paglalakad at gano'n din ako. Inis ko siya binalingan dahil kanina pa ako nagtatanong sa kanya, hindi naman niya sinasagot.

May narinig akong bumukas ng pinto ng sasakyan sa mismong likod ko. Lilingon na sana ako nang pigilan ako ng tao na nasa likod ko lang.

“Don't move.” Boses pa lang alam ko na kung sino.

Continue Reading

You'll Also Like

49.6K 2.4K 30
A story about a girl with so many dreams in life but became a victim of bullying because of her teeth which led her to lose confidence-widening her d...
21.7K 431 26
"Cheska, madali na lang yan, aamin ka o mag isa akong pupunta sa hongkong ?" tanong ni ela sa bestfriend na si cheska, may halong pang iingit, anyway...
11.3M 140K 34
If you're new to Wattpad or started reading Wattpad 2016 onwards, PLEASE DON'T READ THIS I reposted this because some of my readers were asking why i...
985 60 14
"There are better things ahead than any we leave behind" But what if, What if those things we leave behind are the better things? What if they are t...