Years of Wait

By shadyazure

2.6K 394 166

COMPLETE | unedited Maria Gandrielle (Marga) Roja, was a rough, tough and stubborn woman. She would do whate... More

HLS1: YEARS OF WAIT
SIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
WAKAS
NOTE

CHAPTER 23

41 7 0
By shadyazure

HOPEDEEPLY






“Ano'ng ibig sabihin nung nakita ko, Tristan Deanelle?!”galit na tanong ni tita Karen sa kanyang anak.

Nasa sala kami ngayon. Nasa harapan ko ang dalawa na nag-uusap. Pagkatapos nung nakita kami ni Tita ay agad niya akong inilayo sa kanyang anak. Galit na galit ang kanyang mga mata habang tiningnan ang kanyang anak, saka niya sinabing bumaba kami dito sa sala. 

I sat on their couch while they conversed in front of me. I'm nervous since this is the first time I've seen Tita become upset. I was just crouched while listening to them.

“Ma, calm down—”

“Paano ako maging kalmado, ha? Dean? Kung nakita ko kayong dalawa sa loob ng kwarto na muntik na maghalikan!” sigaw ni Tita sa kanyang anak.

Napapikit na lamang ako ng mariin nang sinabi iyon kay Tita.

“Kung hindi ako bumalik. Ano'ng mangyayari, ha?”

“Ma! Walang mangyayari. Alam po namin ang ginagawa namin.” malumanay na sabi ni Dean ngunit nahimigan ko frustration sa tono ng boses niya.

“Ang bata n'yo pa! Ang bata pa ni Marga, Dean. Pa'no kung—”

“Ma. Alam ko po.” kalmadong sabi ni Dean.

Natahimik ang dalawa. Habang ako dito ay nilalaro ang aking mga daliri dahil sa kaba at kahihiyan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Tita kung sakaling kausapin niya ako tungkol sa relasyon namin ni Dean. Nahihiya ako magkwento sa kanya dahil ako lang naman ang unang umamin kay Dean.

“Pa'no ang mga magulang ni Marga, Dean?”

When I heard Aunt Karen's query, I raised my eyes to them. 

Dean had already locked his gaze on me.

“Magpapaalam naman talaga ako, Ma…” he trailed off. “Pero kailangan ko munang maghanda… lalo na si Marga.”

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Kumirot ang bahagi ng aking puso kahit nanginginit ito dahil sa sinabi ni Dean. Hindi ko maiwasang alalahanin ang sinabi nina Mommy at Daddy kagabi sa akin. 'Pag nalaman nilang hindi ko pa hinihiwalayan si Dean, mas lalo silang magagalit.

Gusto ko sanang itago kay Dean ang nangyari sa akin kahapon para hindi na siya mag-alala pa sa akin. Pero napag-isip-isip ko na kailangan pala niya malaman iyon, para makapaghanda naman kami. 'Tsaka ayoko na rin maraming tinatago sa kanya.

Hindi naman nagbago ang pakikitungo ni tita Karen sa akin. Naging mas maalaga pa siya sa akin kaysa sa sarili niyang anak… o mas anak niya ako kung ituring kaysa kay Dean.

Kaya nung nagpaalam kami para mamasyal ay maraming bilin si tita Karen sa kanyang anak.

“Dean, ingatan mo 'to si Marga. Lagot ka sa akin kapag hindi mo siya naiuwi ng buo.” Tita Karen issued a warning to her son.

Napapakamot na lamang sa batok si Dean pagkatapos sabihin iyon sa kanya ni tita Karen.

“Si Mama talaga, parang hindi niya ako anak.” nakasimangot niyang sabi sa akin.

“Sabi ko naman sa 'yo, e, mas mahal talaga ako ng mama mo.” biro ko sa kanya.

Mas lalo siyang sumimangot dahil sa sinabi ko. Pero ngumisi rin siya kalaunan.

“Mas mahal kita…” sabi niya at kumindat pa.

Nagpunta kami sa lagi namin tinatambayan. Sa tabing dagat, pagkatapos namin bumili ng inihaw kina Aling Nora ay dumeretso agad kami rito. Para may kakainin kami habang hinihintay ang papalubog na araw.

Naikwento ko na sa kanya ang nangyari kahapon. Pero parang wala lang sa kanya iyon. Pursigido pa rin siya magpaalam kina Mommy at Daddy.

“Itutuloy ko pa rin 'yon kahit anong mangyari,” marahan niyang sabi.

“Talaga? Kahit alam mong… ayaw nila sa 'yo, itutuloy mo pa rin?” sabi ko habang humihina ang aking boses.

I leaned my back on him while I faced the sea. From behind, he hugged me. We were both staring out at the sea as he fiddled with my fingers.

Alam kong medyo nakaka-offend ang tanong ko na 'yon. Pero gusto ko lang kasi malaman kung sigurado na ba siya sa gagawin niya. Para sa 'kin, mas okay kung hindi na siya magpaalam. Kilalang-kilala ko kasi si Daddy, ayaw na ayaw niya sa mga taong sumusuway sa gusto niya.

Dinungaw niya ako. Nakatingin pa rin ako sa dagat. Alam kong sinusubukan niyang basahin ang nasa isip ko ngayon. Kaya pinilit ko talaga ang mga mata ko sa dagat.

“Mga magulang mo lang 'yan, Marga. Hindi naman buong mundo.” sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin.

Kahit may kurot sa puso ko ay nagawa ko pa rin ngumiti sa kanya. Tumingin ako sa kanya. How can I fell this man, again and again. Mahirap man ang sitwasyon namin ngayon, nagiging magaan ito dahil sa positibo niyang pananaw.

"And I'm ready to wait, Marga.

I'll wait... until you're legal at your age... until your parents allow you... I'll wait."

Ngayon, parang tinutusok na ng karayom ang puso ko. Ako yata ang hindi makapaghintay sa kanya. Ako yata ang hindi makapaghintay sa mga magulang ko kung kailan ako payagan. Bakit ganito? Ang hirap na maghintay kahit nagawa ko na 'to noon.

Naghintay ako kung kailan ako mahalin ni Dean, tapos ngayon hihintayin ko naman kung kailan ako payagan nila Daddy at Mommy na pumasok sa isang relasyon.

Sabi nila, ang lahat ng bagay ay nasa tamang proseso. Maghintay ka lang ng tamang pagkakataon... at tamang panahon. Pero nasa tao pa rin ang desisyon kung handa ba siya maghintay ng matagal.

Dumidilim na, kaya nagpasya na kaming umuwi. At saktong pagdating sa bahay nila Dean ay sinalubong agad ako ni Manong Edgar. Aniya'y, hinahanap na raw ako ni Daddy sa bahay. Kaya kailangan na namin umuwi. 

Nagpaalam agad ako kina tita Karen at Dean bago sumakay sa sasakyan namin. Laking pasasalamat ko kay tita Karen na tumulong sa pagkukumbinsi kay Manong Edgar na manatili rito sa bahay nila para hayaan kami mapag-isa na dalawa ni Dean. Ang alam ko lang binigyan ni tita Karen si Manong Edgar na turon at juice, pagkatapos ay pumayag na rin siya. 

Patungo na kami sa bahay. Narinig ko ang pag-uusap nina Manong Edgar at Daddy sa cellphone habang abala sa pagda-drive si Manong Edgar. Binalewala ko lang ang pag-uusap nila. Dahil tungkol na naman iyon sa 'kin.

Sumandal ako sa aking kinauupuan habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Ngunit, napabangon agad ako at napalapit sa bintana nang makita ko si Dean na nagmomotor, habang nakasunod sa aming sasakyan.

Tinaas niya ang salamin ng kanyang helmet at agad na nagtama ang mga mata. At dahil hindi naman tinted ang sasakyan namin, nakita niya ako.

Warmth enveloped my heart. Hindi ko akalaing susundan niya ang sasakyan namin. Hindi niya ako maihatid kaya para siguraduhin na safe ako sa pag-uwi ko, sinundan niya ang sasakyan namin.

Tinitigan ko siya habang siya'y nakapukos sa daan. Hindi na ako nag-abala pang buksan ang bintana dahil kontento na ako sa pagsunod niya.

Ngumiti ako sa kanya nang sinulyapan niya ako, habang tinaasan niya naman ako ng kilay. Ang sungit naman ng napakagwapong lalaki na 'to!

He saluted at me saka tinigil ang kanyang motor sa unahan ng bahay namin. Nawala agad ang aking ngiti. Titingin pa sana ako sa aking likod nang mapansin ko ang pagpasok namin sa aming gate. Huminto agad ang sasakyan namin sa tapat ng bahay. Kaya binuksan ko agad ang pintuan at lumabas agad.

Tumingin ako sa labas ng gate. Nakita kong kumaway-kaway pa sa akin si Dean bago niya minaniobra ang kanyang motor. Tipid naman akong napangiti habang pinapanood siyang sinasarhan ng gate namin. Inangat ko ang aking sarili para makita ang pag-alis niya.

Nang makaalis na siya ay huminga naman ako ng malalim. May biglang tumikhim sa likod ko kaya napalingon naman ako dito.

“Nandito ka?” nagtatakang tanong ko.

Tinaasan niya ako ng kilay tsaka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. I immediately rolled my eyes at her. Ano'ng ginagawa ng babae na 'to dito?

“Nandito ako para tulongan ka sa pagpili ng susuotin mo para sa prom night at birthday mo. Kadadating lang daw?” sabi niya habang nakasunod sa akin sa loob ng bahay.

I just shrugged my shoulders. Hindi ako masyadong excited sa prom night… lalo na't sa birthday ko. Dahil siguro sa nangyari kahapon at sa sinabi ni Dean kanina. Paano ako sasaya kung madami naman akong problema?

“Marga, where have you been, huh?” Sumalubong sa akin si Daddy habang papaakyat ako ng hagdan, at s'ya naman ay pababa.

Inangat ko ang aking sarili para halikan sa pisngi si Daddy. Kahit madilim ang awra niya at nagkasalubong ang kilay ay buong tapang ko pa rin ginawa iyon.

“Sa classmate lang, Dad,” I answered. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa mapanuri niyang titig sa akin. “May ginagawang projects.” I totally lied.

Dinungaw ko si Sheena sa baba ng hagdan para makaiwas sa mapanuring titig ni Daddy. Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumuso naman siya na parang pinipigilan ang kanyang ngisi.

“Ahm… Dad? I heard nandiyan na raw ang mga gown ko? Titingnan lang namin iyon ni Sheena,”

Tumango si Daddy, “sure,” he said.

Umakyat naman agad ako at bumuntot naman sa 'kin si Sheena.

“Classmate, huh...” mapanuyang sabi ni Sheena habang nakasunod sa akin. “Project, huh…” dagdag niya pa.

I just rolled my eyes while walking towards to my room's door. Pagkapasok namin sa aking kwarto ay tumambad sa amin ang apat na manikin na nakasuot ng gowns at dresses.

“Oh my ghaaad!” sabi ni Sheena habang nakanganga sa harapan ng mga manikin.

“Fabulous! Bonggacious! Elegante!” sabi niya na may tili habang sinusuri ang mga gown ko.

Napapa-iling na lang ako sa ginawa niya. Bored akong humiga sa aking kama saka huminga ng malalim. Pinasadahan ko ng tingin celling ng aking kwarto, naghahanap kung may nakadikit ba na Tiki rito, pero wala naman. Kaya ipinikit ko na lang ang aking mga mata.

Kahit saang banda o anggulo ko iisipin, hindi ako magiging masaya kung wala si Dean sa espesyal na araw na iyon. Kung hindi siya makakapasok prom night namin dahil bawal doon ang mga senior high. Paano pa kaya dito sa bahay? Gusto ko nandito siya sa birthday ko, kasama ng mga espesyal na tao sa buhay ko. Gusto ko... kasama ko silang dalawa ni tita Karen. Pero paano naman?

“Huy! Ano ba! Nag-eemote ka na naman diyan!” Sabay hampas ni Sheena sa aking braso. Napadilat ako.

“Hali kana! Mamili ka na ng susuotin mo!” Ngayon, hinila niya na ang kamay ko para bumangon.

Masama ko siyang tiningnan, pati ang mga gown at dress sa likod niya. Isang black backless halter dress, navy blue off shoulder dress, Black off shoulder long gown, and a royal blue gown. Alam kong ang mga gown na ito nanggaling pa sa Manila. Sa kakilalang fashion designer ni Mommy. At halata sa tila at desenyo ang presyo nito. Napakamahal!

I rolled my eyes and then shook my head.

“May bukas pa naman, Sheena.” pagod kong sabi sa kanya.

Sumimangot siya.

“Ewan ko sa 'yo! Ang eelegante at ang gaganda pa naman ng gowns at dresses tapos ganyan ka. Hmmm… by the way, sino ang mag-aayos sa 'yo sa araw na 'yon?” tanong sa akin ni Sheena.

Tinabihan niya ako sa paghiga sa aking kama.

“Magha-hire yata si Mommy ng artist,”

“Sabagay, madaming kakilala ang Mommy mo…” Tumingin siya sa 'kin.

“Pagkatapos ba ng js prom ay dito sa bahay n'yo lang ang birthday party mo?” 

Our conversation went on and on on that topic. Hanggang sa pumasok si Yaya Mina na may dalang pagkain. Tuloy-tuloy lang ang kwentuhan namin ni Sheena. Nagpaalam na rin siya sa kanyang mga magulang na dito na matutulog. Kaya mas lalong humaba pa ang kwentuhan namin.

“Ano'ng wish mo sa birthday mo?” tanong niya pagkatapos namin kumain.

“Gusto kong tumanda na.”

Her mouth dropped open. Gulat na gulat sa naging sagot ko. Pero kalaunan, bumuhakhak din siya. Hawak na hawak niya na ang kanyang tiyan habang nakahiga na sa aking kama. Sumimangot ang mukha ko habang tiningnan siya. 

“Sheena. Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo. Seryoso ako.” mariin kong sabi.

“Oh. Pfft… Oh my god, Marga…” Hindi pa rin siya tapos sa pagtawa niya.

Umirap ako at hinampas siya ng unan dahil sa inis ko. Ang babaeng 'to! Sarap itapon sa labas ng bintana, kung pwede lang. Nakakairita! Ano'ng problema niya sa gusto kong mangyari, huh?

“Ano ba, Sheena!” pikon na pikon na sabi ko sa kanya nang hindi pa siya tapos sa pagtawa. Nakapamewang na ako ngayon sa kanyang harapan.

“O-okay-okay… wait lang…” sabi niya habang inaayos pa ang kanyang sarili at kumukuha ng hangin.

Dahan-dahan siyang bumangon sa aking kama habang tinatakpan ng unan ang kanyang mukha. Aba, hindi pa siya tapos tumawa. Unti-unti niyang tinanggal ang unan sa kanyang mukha. Pigil pa rin ang pagtawa niya nang tiningnan ako. Tinaasan ko siya ng isang kilay.

“Ano ba namang klaseng hiling iyon, Marga? Gusto mong tumanda? Really?” hindi makapaniwalang sabi niya, may humor iyon.

“Ano naman ngayon kung iyon ang gusto ko?!” Habang pabagsak akong umupo sa aking kama.

Alam kong hindi dapat iyon ang sinabi ko. Kaya na-misinterpret niya iyon. Hindi naman sa sinabi kong 'gusto kong tumanda' ay matanda talaga literal. Gusto kong tumanda, 'yung legal age na. Gusto ko wala ng kumukontrol sa akin, wala ng bawal. At lahat kaya kona'ng gawin.

“Gusto kong malaya kona'ng gawin ang lahat,” I subtly said.

“But be careful with what your wishing for. Baka tumanda ka talaga ng literal niyan!” sabi niya, na may kaunting humor pa rin sa kanyang sinasabi pero alam kong naiintindihan niya na ako ngayon.

Nagpatuloy lang kami sa pagkukuwento hanggang sa tinamaan na kami ng antok. 


Sa sumunod na araw, inanunsyo na ng guro namin ang kahuli-hulihang praktis namin ng sayaw, dahil bukas na ang Acquaintance party ng mga senior high. Wala kaming pasok bukas, pati ang mga lower years. At para sa aming mag-jjs prom ay kailangan namin mag-beauty rest.

Gaya ng sabi nila Mommy at Daddy sa 'kin. Hatid-sundo ako ni Manong Edgar sa eskwelahan, at ang ayos lang 'yon kay Dean. Aniya'y mas mabuti daw yun kasi safe na ang pag-uwi ko, hindi na mababasa ng ulan o maiinitan dahil nakatago na ako sa loob ng sasakyan namin.

'Tsaka susundan niya ulit ang sasakyan namin tuwing uwian para makita niya na safe ako makakauwi ng bahay.

“Para ka naman may masamang binabalak niyan, bro,” kantyaw ni Sion kay Dean nang marinig niya ang gagawin ni Dean tuwing uwian.

“Siraulo! Inggit ka lang! Hindi mo kasi maihatid ang girlfriend mo sa pag-uwi. Kahit ang pagsunod lang sa kanilang sasakyan ay hindi mo magawa.” sabi ni ate Tala.

Nandito kami sa cafeteria. Kasama sina Sheena, ate Tala at Sion. Himala kasi nagawi rito si ate Tala. E, madalas naman siya sa library kumakain. Kaya nang makita namin siya rito ay tinawag siya agad ni Sion para sumabay sa amin dito. Bumuntong-hininga si Sion dahil sa sinabi ni ate Tala.

“Pa'no ko naman magagawa 'yan? E laging may nakabuntot na unggoy sa pinakamamahal kong si Febby. Kulang na lang barilin ako ng mga bodyguards niya tuwing lalapit ako kay Febby.”

“Ayan! Bakit ka pa kasi nag-girlfriend ng anak ng isang Governor?” pang-aasar ni ate Tala.

“E, sinong gusto mong jowain ko? Ikaw?” Sion snorted.

Natigilan si ate Tala at bahagyang namula ang kanyang pisngi dahil sa inis. Binangga ni Sion ang kanyang braso sa braso ni ate Tala.

“Hindi tayo talo!”

Binatukan agad ni ate Tala si Sion. Kaya sumimangot na ito ngayon.

“Gago! Hindi kita papatulan!” bulyaw naman ni ate Tala kay Sion.

Binalewala lang namin ang bangayan ng dalawa. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Pagkatapos kumain ay hinintay na namin mag-ring ang bell. Pinuntahan naman si ate Tala ng boyfriend niya para sabay na raw sila pumasok sa kanilang classroom pero umayaw si Ate at pinauna niya ang kanyang boyfriend sa classroom nila. Wala tuloy nagawa ang boyfriend niya kaya umalis na lang.

“Nag-away na naman kayo?” pagtatanong ni Sion sa kanyang matalik na kaibigan.

Hindi sinagot ni ate Tala si Sion. Nagpatuloy lang siya sa pagbabasa ng libro niya.

“Sabihin mo lang sa 'kin na sinaktan ka ng lalaki na 'yon. Handa ako makipagbasag bay*g, maigante lang kita.” rinig kong sabi ni Sion.

Nag-ring na ang bell. Kaya naman nag-uunahan na sa pagpasok ang mga estudyante sa kanilang classroom. Hinatid naman kami ni Dean sa classroom namin ni Sheena, habang si Sion ay hinatid si ate Tala. Pagdating namin sa classroom ay nauna nang pumasok si Sheena sa loob. Habang ako ay hinarap pa si Dean.

Nakakunot ang noo nitong habang pinagmasdan akong nakatayo pa sa kanyang harap.

“Salamat sa paghatid,” malumanay kong sabi.

He nodded. “Pumasok kana,” he said with a smile.

Tumango naman ako, “Hihintayin pa rin kita mamaya.” As I smiled back at him.

Continue Reading

You'll Also Like

6.7K 200 11
Warning: Mature Content (sensitive topic ahead) At the age of nine, Frose Dankworth was adopted by his elder cousin after his parents were murdered...
925K 30K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
11.3M 140K 34
If you're new to Wattpad or started reading Wattpad 2016 onwards, PLEASE DON'T READ THIS I reposted this because some of my readers were asking why i...
13.7K 241 22
[Published under IMMAC] Different personalities... Different stories... One island. Six individuals went to a secluded island to move on from their p...