Dance The Pain Away (Social M...

By pensleigh

39.6K 1.5K 890

SOCIAL MEDIA SERIES #1 Completed Have you ever experienced smiling and pretending to be happy even when your... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Final Chapter
Epilogue Part I
Epilogue Part II
Special Chapter

Chapter 24

739 24 4
By pensleigh

Chapter 24

Nasa harapan ako ngayon ng salamin. I am wearing a red backless dress na mas nagpalitaw sa kaputian ko. Hinayaan ko lang na nakabagsak ang mahaba kong buhok na curly sa dulo.

Disappointed man sa nangyari pero hindi naman p'wedeng magtapos ang araw ko dahil doon. My family are still here. With me.

N hasn't responded to my texts yet. I'm at a loss for words right now.

Yesterday we're okay and I don't know what happened next. Funny, right?

I'm worried and hurt at the same time. Hindi ko akalaing makakalimutan niya akong i-update sa mga gagawin niya. Well, hindi naman kailangang i-update niya ako sa lahat pero 'yong hindi siya nagparamdam magdamag ay ibang usapan na 'yon.

Maiintindihan ko naman kung magpapaalam siya o kahit magsabi man lang para alam ko kung nasaan siya. Hindi 'yong para akong tangang naghihintay ng text niya. O, kung mayroon pa ba siyang balak mag-text?

Baka kinalimutan na ako.

I looked at the clock. It's already 5pm. But I'm still waiting for him, kahit alam kong malabo na—dahil nagbabakasakali pa rin ako na kaya siya walang text ay mayroon siyang hinandang surpresa para sa'kin.

Mayroon pang natitirang oras, umaasa pa rin akong hahabol siya.

I know N. Sa lahat ng tao, kilala ko siya at hindi niya magagawa 'to  He can't do this to me. Not on my special day.

Zelle, Claire, Jairo and Kevin are already on their way to our house. 

I already message his friends earlier but they also had no idea. Mukhang wala ni isa sa amin ang kinausap ni N.

Ngayong araw din sana makikilala ni Daddy si N, pero mukhang malabo na.

Hindi ko na rin ma-imagine kung ano'ng sasabihin nila Daddy at Mommy kapag nalaman nilang hindi makakarating si N.

I saw myself in the mirror—smiling but crying inside. 

My parents would be disappointed at me...again. What's new, Kia? 

Pretending to be happy is not that easy, huh. 'Yung tipong kailangan mong ipakita sa kanilang maayos ka kahit gusto nang mag-unahang tumulo ng mga luha mo.

Mabuti na lang at sanay akong ipakitang okay ako sa harap ng ibang tao.

N, why did you do this to me?

I'm hoping he has a valid reason for doing this.

Kia:
April 1 is my birthday—April fools day. Answer me, N. Is this some kind of joke? Promise, hindi na nakakatuwa.

Kia:
But still, I'll wait for you.

Kia:
Sana ayos ka lang kung nasaan ka. Pero tangina. Pasuntok, ha?

Bumaba na rin ako nang mag-text sila Zelle na malapit na sila.

I smiled when I saw the decorations we made yesterday.

Sila Conah at Kuya Ian naman daw ay parehong busy kaya hindi sila makakapunta and I understand.

Nang tuluyang makababa ako ay nandoon sina Mommy at ang kaibigan niya, I think she's Zayd's mom. But Zayd is not here. Baka mamaya pa. 

"Nandito na pala si Kia. Kia come here." tawag ni mommy nang makita ako.

I smiled at them.

"This is Kia, my daughter. Kia, this is Clarisse, Zayd's mom." 

"Hi, Kia. You're so beautiful. Manang-mana ka sa mommy mo. Anyways, this is my gift. Happy birthday!" bati niya sabay abot ng regalo.

"Kayo po pala 'yan, Tita Clarisse. Thank you so much po," magalang kong sinabi at niyakap siya. Humiwalay din ako agad at tumingin kay Mommy.

"Mom, labas lang po ako dahil parating na sila Zelle. Tita Clarisse, enjoy this night din po."

Ngumiti at tumango naman sila.

I opened the gate and two cars were coming.

Our friends are here. How about you, N?

Nang makababa sila ay yakap ang sinalubong sa akin nila Zelle at Claire.

"Happy birthday, Kia! Ang ganda mo ngayon te, syempre birthday mo sige mas maganda ka na sa'kin!" Zelle greeted me. I looked at her dress. She's wearing a black dress. Hilig talaga niya sa black. Malapit na yatang sumali sa kulto.

"Thank you, Chrizelle! Pero bakit nakaitim ka na naman?"

"I'm not Chrizelle if I'm not wearing black, okay?"

I rolled my eyes at her. "Yeah, I forget."

"Happy birthday, Kia," mahinhing bati ni Claire sa 'kin.

I smiled at her. "Thank you and Thanks for coming, Claire." I hugged her.

"Ay wow, sapaw. Bakit siya niyakap mo?" Zelle joked. We all just laughed at her.

Lumapit sa 'kin si Jairo at nginitian niya ako.

"Jairo, umayos ka diyan." sambit ni Zelle kaya tinawanan namin siya. Oh, I think they're already close. That's nice.

"Happy birthday, Kia." He hugged me and whispered, "I really don't know where Nathaniel is. I'm sorry."

I hugged him back and tapped his shoulder. "It's okay. Thanks for coming, Jairo."

Bumitaw din agad siya at nilapitan si Zelle. Kinawit naman agad ni Zelle ang kamay niya sa braso ng lalaki.

Sunod namang lumapit sa 'kin si Kevin. Isa ring mahiyain.

"Happiest birthday, Kia," he simply greeted me.

"Thank you, Kev."

Tiningnan ko silang lahat at nginitian.

"Ayan, kumpleto na. Let's go inside, guys."

Pagkapasok namin ay naroon na sina Daddy. Pinuntahan namin sila.

"Dad and mom, mga kaibigan ko po, si Claire, Zelle, Kevin and Jairo," pakilala ko sakanila at tinuro sila isa-isa.

Ngumiti naman sina Daddy.

"Guys, this is my dad and mom. My sister is still on her room."

Agad naman lumapit ang girls at yumakap kina Mommy.

"Nice to meet you po, Tita. Ako po 'to si Chrizelle, 'yong pinakamagandang kaibigan ni Kia." pagbibiro na naman ni Zelle at nagtawanan naman sila mommy.

"Hi po, Tita and Tito. I'm Claire po." mahinhing bati ni Claire.

Bumati rin sila Jairo at Kevin.

"Nice to meet you all, please have fun and thanks for coming," my mom said.

Pagkatapos nang batian at pagpapakilala ay pinaupo ko na ang mga kaibigan ko.

"Kia, napansin ko lang. Bakit wala si Nathaniel?" bulong ni Zelle sa'kin. Magkatabi kami sa upuan.

I shrugged. "I don't know, Zelle. I had no idea."

"Ha? Bakit? Jowa mo 'yon. Bakit hindi mo alam?"

'Yun na nga, e.

"Are you okay?"

"I have to," I whispered. Nakita ko ang lungkot sa mukha niya.

"Guys, shot!" biglang sigaw niya sabay taas ng soft drinks na hawak niya.

"Anong shot? Eh, soft drinks lang naman 'yang hawak mo," banat naman ni Jairo.

"Panira ka, pasalamat ka—"

"Gusto mo 'ko?"  

Umirap lang si Zelle. Huh, she didn't deny it.

Lumapit ako ng kaunti sa kanya para makabulong. Kumunot naman ang noo niya.

"Anong mayroon sa inyo ni Jairo, ha?"

Tsismosa ka, Kia."

"Ah, gano'n."

Tumawa siya. "Joke lang teh, we're just friends ano ka ba."

"Friends, huh?"

"Oo, friends."

I nodded and smirked. "Okay, if you say so."

Sinamaan niya naman ako ng tingin.

Umalis muna ako sa pwesto nila at pinuntahan si Mommy para kausapin.

"Mom, he wasn't able to come po."

"Why? What happened?"

Bumaba ang tingin ko. "M-May emergency po yata," dahilan ko kahit hindi ko alam kung ano'ng nangyari.

She arched her eyebrow. "Really? Sa birthday mo pa, Kia?"

"Y-yes Mom. I'm sorry."

"But your Dad is expecting to meet your boyfriend tonight! Ano ka ba naman, Kia?"

Pinigilan kong maluha. Baka mas lalo lang siyang magalit.

"I'm sorry, Mom. Biglaan po kasi."

"Sana hindi kayo nagsabi kung hindi naman pala matutuloy!"

Napakagat ako sa labi at nagbaba ako ng tingin.

"Papunta sa'tin ang Daddy mo, explain that to him. I'm so disappointed," istriktang saad niya at iniwan ako.

Malungkot man ay pinilit kong ngumiti bago nilingon si Daddy.

"Kia, where's your boyfriend? Ngayon siya pupunta 'di ba? I want to meet him. Gusto kong makilala ang napupusuan ng panganay ko."

"Dad, I'm sorry, but N wasn't able to come here po."

"Hmm? Why?"

"May emergency po kasi kaya hindi po siya makakapunta." mahinang saad ko. Nagbaba ako ng tingin. "I'm sorry, Dad."

"Hey, Kia. It's okay. There's still next time." saad niya na muntik nang magpaiyak sa'kin. Tumingin ako sa kan'ya at nakangiti lang siya sa akin.

"Hindi ka po galit?"

Humalakhak siya. "Bakit naman ako magagalit?"

I hugged him. "Thank you, Daddy. I love you po."

He caressed my hair and kissed my forehead.

"Just enjoy your night, okay?"

I nodded and smiled at him. A genuine smile.

Disappointed na naman sa akin si mommy. I want to cry but I don't wanna ruin my birthday.

Kahit alam ko namang sira na simula nang hindi nakarating si N.

Papalabas na ako para puntahan sina Zelle nang makasalubong ko si Zayd.

He's wearing a white polo partnered with pants and a leather shoes. He smiled when he saw me. I stopped in front of him.

Magkaharap na kami ngayon. Mas matangkad siya sa akin pero dahil naka high heels ako, magkatapat na ang mukha namin.

"Leanna."

"Hey." 

"Happy birthday, Leanna." he sweetly said and leaned towards me as he hugged me gently.

I tapped his back. "Thank you. Thank you for coming."

"This is my gift, I hope you like it," sabay abot niya sa akin ng maliit na kahon.

"Nag-abala ka pa. But thank you," I smiled at him.

Medyo napatagal ang titig niya sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Narinig ko naman ang bahagya niyang pagtawa kaya tumingin ulit ako sa kan'ya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Are you laughing at me?"

He chuckled. "Nah."

Tumango ako.

"You're so pretty, Leanna."

"Whatever. Nasa loob sina Mommy kasama ang mommy mo, Zayd."

"Yeah, pupuntahan ko muna sila," saad niya at ngumiti lang ako.

Pagkarating ko sa pwesto nila Zelle ay napansin kong titig na titig siya sa'kin.

Tinaasan ko siya ng kilay. Ano na namang problema nito?

"Why are you staring at me?"

"Who's that guy?" tanong niya sanay nguso niya kay Zayd.

"Ah, si Zayd. Why?"

"Ano mo siya?"

I laughed at her question. "Anong klaseng tanong iyan, Zelle? He's just a friend. Issue ka na naman."

Lumaki ang mata niya at tumawa.

"Teh, ang gwapo. Sa'kin na lang?"

Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya lang. "Shut up, Zelle. May Jairo ka na. "

"Akala ko friend lang? Bakit parang ayaw mong ipamigay?"

"Baliw."

Napansin kong papunta si Zayd sa pwesto namin kaya tumayo ako.

"Zayd! Here." sabay turo ko sa upuang katabi ko.

Mahirap naman kasi kung walang upuan 'yong bwisita namin.

Pinanood ko siyang lumapit sa pwesto namin. Nakapamulsa pa at may bitbit na wine.

"You sure?"

"Yeah."

"Where's your boyfriend?"

Inirapan ko siya. Lagi niyang hinahanap si N. Kaunti na lang naniniwala na akong bakla ito.

"'Wag mong hanapin ang wala." mataray kong saad.

"Kaya nga hinahanap ko dahil wala."

"Pilosopo ka ba?"

He chuckled. "Sungit."

"Just eat," saad ko sabay nguso sa mga pagkain sa harapan namin.

"I'm not a dog, Leanna."

Hinawakan ko ang bibig ko. Umaarteng nagulat.

"Oh? You look like a dog for me, e."

"Ang gwapo ko namang aso."

I laughed. "So, inaamin mong aso ka?"

Hindi niya ako pinansin at tumingin lang sa mukha ko. Feeling ko tuloy namumula na ako dahil sa tingin niya. Problema na naman nito?

"Leanna..."

"What?"

"You look so pretty tonight."

"I know. Kung hindi mo naitatanong may salamin kasi kami."

"Pretty but masungit."

Tinapat ko ang kamay ko sa mukha niya na parang bibig na nagsasalita.

"Talk to my hand." at tumalikod sa kan'ya. Pero hinigit niya ako sa bewang kaya bigla akong napaharap sa kanya.

"Ano ba! Lumayo ka nga-" hindi ko na natapos ang sinasabi dahil ngulat ako nang sobrang lapit niya na sa 'kin. Kumawala ako at tinampal ang kamay niyang nakahawak sa akin kaya binitawan niya ako agad.

"Bakit ka ba nanghihigit diyan? Kumain ka na lang diyan, huwag mo akong pagtripan."

"Bakit ang ganda mo?"

I rolled my eyes. "Itanong mo 'yan sa nanay ko."

"Na sana maging nanay ko rin..." bulong niya na hindi ko na masyadong narinig.

"Ano?"

"Sabi ko, bingi ka."

"Love..."

Medyo dumistansya ako kay Zayd nang marinig ko ang boses ni N. Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses. And I saw N. He's looking at me with his tired eyes. Para siyang sobrang pagod hindi lang ang mga mata niya, I can feel that he's also physically tired.

Napatayo ako dahil sa gulat. Naalarma din si Zelle sa biglaang pagtayo ko. Ramdam ko ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Kulang na lang ay lumabas ito.

Napalunok ako at dahan-dahang lumapit sa kan'ya.

Pero bakit ba ako kinakabahan, e, siya nga itong may kasalanan?

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 139K 60
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
1.3M 84.7K 37
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
1.7M 110K 200
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. 🔥** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...
1.6M 90.5K 86
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...