Years of Wait

De shadyazure

2.6K 394 166

COMPLETE | unedited Maria Gandrielle (Marga) Roja, was a rough, tough and stubborn woman. She would do whate... Mai multe

HLS1: YEARS OF WAIT
SIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
WAKAS
NOTE

CHAPTER 18

41 9 2
De shadyazure

HOPEDEEPLY




Nakauwi na ako sa amin. Pumasok agad ako sa gate pagkatapos kong magpaalam kay Dean. Hihintayin kona sana siyang makaalis ngunit hindi ko na magagawa dahil bukas ang ilaw sa loob ng bahay.

Dali-dali akong naglakad patungong pintuan ng bahay. Malakas ang kabog ng aking dibdib dahil sa sobrang kaba. Nasisiguro kung hindi si yaya Mina ang sesermon sa akin ngayon, kundi si Mommy na. Naalala ko pala na nag over time siya kagabi, kaya ngayon, ay hindi na. Alas otso y medya ng gabi ay nakauwi na si Mommy sa bahay ngayon.

Kasesermon lang sa 'kin ni yaya Mina kaninang umaga dahil pinaghintay ko siya ng matagal kagabi. Kaya sana ngayon, huwag nang madagdagan pa. Lalo na't kapag si Mommy ang sesermon sa akin.

Dahan-dahan kong pinihit ang door knob ng pinto at dahan-dahan din binuksan ito. Napatigil ako nang may marinig akong nag-uusap sa loob. Ang isa ay boses ni Mommy… ang isa nama'y kaboses ni Daddy.

Tuluyan na akong pumasok sa loob para kumpirmahin iyon. Nakita ko agad ang dalawang maleta sa paanan ng hagdan, at sa paglingon ko naman sa sala ay nakita kong nakaupo sila Mommy at Daddy doon habang nag-uusap.

“Daddy?” tawag ko habang papalapit sa kanila.

Tumayo silang dalawa at lumingon sa akin. Nangingiti si Daddy habang tiningnan ako na papalapit sa kanya. Nangingilid naman ang luha ko sa aking mga mata. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang luhang nagbabadyang bumuhos.

“Marga. My princess!” he said as I hugged him tightly.

Hindi ko na mapigilang umiyak sa sobrang pananabik sa kanya. Ang tagal kong naghintay na makauwi siya upang maging kompleto na kami. Ngayon ay nakauwi na siya, kasama namin ni Mommy. Sobrang saya ko dahil tinupad niya ang pangako niya sa 'kin. Uuwi siya dahil malapit na ang birthday ko.

“Dad, you're here because of my birthday, aren't you?” I subtly asked, almost whispered.

Napasinghap siya at nagkatinginan sila ni Mommy. With my teary eyes, I looked at him. Hinintay ko ang sagot niya habang hinahagod niya naman ang ulo ko at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi. Tumango siya at ngumiti ng tipid sa 'kin.

“Yes, of course! I came back here because of your birthday.” he said and gently kissed my forehead.

Ngumiti ako dahil sa sinabi niya. Pilit na binalewala ang kakaibang naramdaman.

“Thank you Dad for fulfilling your promise to me,” I subtly said.

Alam kong tutupad si Daddy sa kanyang pangako. Kaya masayang masaya ako na umuwi na siya ngayon, na magiging kompleto na kami sa birthday ko.

Nagkwentuhan kami saglit nina Daddy at Mommy bago nagpasyang matulog, dahil malalim na ang gabi at pareho din kaming pagod, lalo na si Daddy. Nasabi sa 'kin ni Mommy na tumawag siya kina Sheena para tanungin kung nandoon ba ako sa bahay nila, at buti na lang sinabi ni Sheena na doon ako nanggaling sa kanila. Kaya nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon.

Alam kasi ni Sheena na boyfriend kona si Dean. Naikwento ko sa kanya nung araw na sinabi niya ang problema niya. Kaya alam na alam niya na kasama ko si Dean kanina.

Hinatid ako ni Daddy sa aking kwarto. Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya ulit.

“Good night, Dad.” I subtly said while looking at him.

Tiningnan niya rin ako gamit ang pagod at namumungay niyang mga mata, na parang inaantok na. He gently kissed my forehead.

“Good night my princess. You need to take a rest now. It's already late.” he said in a low tone of voice.

I nodded. “You too. I know your tired,” I said.

Humiwalay na ako ng yakap sa kanya at ngumiti. Pagkatapos ay pumunta na rin siya sa kwarto nila Mommy at pumasok na rin ako sa aking kwarto.

Mabilisan ang ginawa kong paglilinis ng aking katawan, at nakapagbihis na rin. Humiga na ako sa aking kama matapos kong mabasa ang mensahe ni Dean at ni Sheena.

Una kong binasa ang mensahe ni Dean bago kay Sheena. Naka-silent nga pala 'to kanina ang cellphone ko, kaya hindi ko napansin ang mga mensahe ni Sheena kanina. Napangiti ako. Pinalitan niya talaga ang pangalan niya sa contact ko.

Dean:

Nakauwi na ako. Matulog ka na.

BFF>.<:

Marga!!!

Saan ka ngayon? Kasama mo pa ba si kuya Dean?

Hoy, Mare! Tumawag Mommy mo dito sa bahay. Saan kana? Ano'ng sasabihin ko dito?

At marami pa siyang na hindi ko na mabasa dahil inaantok na ako. Hindi ko alam kung saan ako makokonsensya. Sa pagtatago ba kay Dean sa mga magulang ko… o sa hindi pagsasabi ng totoo sa aking mga magulang.

Isa sa palaging paalala sa akin ni Daddy, ay bawal ako magka-boyfriend, aral daw muna. Kaya wala akong magagawa kundi ang itago sa mga magulang ko ang tungkol kay Dean.

At the end of night. Nakatulog naman ako ng mahimbing… siguro, dahil sa pagod sa nangyari buong araw.

Days passed by, today is February 14, day of hearts. Our js prom was removed on February twenty. Ngayon sana iyon, ngunit dahil sa mga activities ng school ay niremove nila ng February twenty. The day I was born.

Ang sabi ni Daddy, huwag lang daw akong mag-alala dahil maghahanda pa rin kami sa kaarawan ko. Tsaka maaga naman matapos ang JS prom namin kaya walang kaso iyon. At sabi rin ni Mommy, pwede ko namang imbitahan ang mga kaklase at mga guro ko sa bahay, at doon na lang ipagpatuloy ang party. Aapila na sana ako na pwede naman 'yong mga kakilala ko lang ang imbitahan ko kaso hindi pumapayag si Mommy. Kaya wala na rin akong magagawa. Ang mahalaga ay kompleto kami.


Pagpasok ko pa lang ay kitang-kita kona ang mga iba't-ibang kulay ng tent na nakahilera sa ground area. Lahat ng year level ay may sariling booth,

Sa lahat ng booth ay agaw pansin ang kulay itim na tent ng mga senior high. Mas malaki ang tent nila kaysa sa amin, horror booth kasi ang sa kanila kaya malaki ito. Wedding booth naman ang sa grade ten, sa aming grade nine ay love letter reading, sa grade eight ay 'yung blind date, at holding hands naman sa grade seven, kung saan tinatali nila na magkahawak kamay ang dalawang tao na nahuli nila at 'yung couple na 'yon, ay lilibot sa buong Campus ng isang oras habang magkahawak kamay.

Naglalakad ako sa hallway ng unang building, habang ang mga mata ng estudyante ay nakatuon sa akin. Kumunot ang noo ko. May dumi ba ang mukha ko? Tiningnan ko naman ang repleksyon ko sa window glass ng classroom na madadaanan ko lang. Tiningnan ko ang itsura ko kung may dumi ba o buhaghag ba ang buhok ko ngunit hindi naman.

Umismid ako bago nagpatuloy sa paglalakad at binalewala lang sila. Baka masyado lang ako maganda ngayon sa paningin nila.

Malapit na ako sa building namin nang makita kong lumabas si Sheena sa classroom namin. Sinalubong niya ako na puno ng pag-alala. Mas lalong kumunot ang noo ko sa kanya.

“Mare!” Sabay hila niya sa kamay ko.

“Ano ba, Sheena!” reklamo ko sa kanya habang hinila-hila niya ako.

Saan naman ako dadalhin nito?

“Aray ko!” daing ko nang tumama ang tuhod ko sa hagdanan.

Paakyat kasi kami sa second floor ng building ngayon, at patuloy pa rin ang paghila ni Sheena sa akin. Sa bilis niyang lumakad hindi ko nasabayan ito at hindi ko napansin na paakyat na pala kami sa hagdan. Huminto siya saka ako tiningnan na may pag-aalala. Pumikit ako nang mariin dahil sa sakit na nararamdaman sa tuhod ko.

“Oh no! I'm sorry, best! Hindi ko sinasadya. May sasabihin lang kasi ako na importante sa 'yo…” nataranta niyang sabi.

“Edi sabihin mona! Hindi 'yung hinila-hila mo pa ako.” inis kong sabi sa kanya.

Tiningnan ko ang aking tuhod. Medyo namula ito. Mahina lang naman ang pagkabangga nito, pero sa buto ito tumama kaya masakit.

“Pwede ba sa itaas na lang, baka kasi may makarinig sa atin dito.” bulong niya.

I immediately rolled my eyes on her. Gaano ba 'yan kaimportante para hilain niya pa ako at kailangan pang walang makarinig sa kanyang sasabihin.

Inaalalayan niya ako paakyat ng hagdan. Nang nasa second floor na kami ay agad naman siyang humarap sa 'kin.

“Ano ba 'yan?” tanong ko agad sa kanya.

“God! Kalat na kalat sa buong Campus na may girlfriend na naman si Dean!” sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko at kumirot ang puso ko sa sinabi niya. May girlfriend si Dean? Sino naman kaya 'yon? Ba't hindi ko alam?

“S-sino?” utal kong sabi.

Kumunot ang noo ni Sheena sa tanong ko.

“What?” nagtataka niyang tanong sa 'kin.

“Sino ang girlfriend ni Dean? Ba't hindi ko alam na may nililigawan siya? Sino siya She— Aray naman! Ba't mo ko binatukan?!” Sabay himas ko sa aking batok.

“Sira ka ba? E ikaw nga 'yung girlfriend niya, e.” mariin niyang sabi. “Ikaw ang kumakalat na girlfriend ni Dean at hina-hunting kana ngayon!” dagdag niya pa.

Napanganga na lamang ako sa kanyang sinabi. What? Hina-hunting ako ngayon? Ano na'ng gagawin ko ngayon? Natataranta akong luminga-linga sa paligid kung may naghahanap na ba sa 'kin… o hina-hunting na ako. Damn! Nawala sa isip ko ang hyper na fans ni Dean.

'Yung huling kinuyog ako ng mga fans ni Dean ay 'yong inaway ko ang girlfriend niyang maldita noon. At dahil matalino at laging representative ng school iyon, naging Campus Queen pa. Kaya marami rin ang humahanga sa ex niyang iyon.

Inaway ko ang ex niya dahil narinig ko ang masamang sinasabi nito sa 'kin habang kausap ang kaibigan niya. 'Sipsip at masyado raw akong papansin kay Dean', kaya balak nila sanang siraan ako. Kaya nang marinig ko sila at agad na sinugod ko ang babae na 'yon.

Sa sobrang galit ko, muntik ko na 'yon makalbo. Kaya lahat ng fans nila Dean at ng ex niya ay sinugod ako. Buti na lang agad akong natulungan nila Dean at Sion.

“Jusko naman! Baka gawin ka na naman nilang scramble egg.” sabi ni Sheena nang maalala ang nangyari noon.

Naalala ko ang uniporme ko noon na puno ng itlog, kamatis at ketchup. Kulang na lang ilagay ako sa kawali na may mainit na mantika. OH MY GOD! Can't imagine that again! At ayaw ko ng mangyari ulit iyon ngayon.

“What should I do now?” tanong ko saka kinagat ang aking pang-ibabang labi dahil sa kaba.

“But don't worry, mukang busy ang lahat ng estudyante ngayon dahil sa mga booth,” pambawi niya sa sinabi kanina.

“At paano ka naman nakakasiguro doon na babalewalain ako ng fans ni Dean?” tanong ko.

Ngumisi siya. “SSG officer lang naman ang boyfriend mo, kaya nakakasiguro ako na hindi ka niya hahayaan.” sabi niya.

Gusto ko sana mag-inarte pero gumuhit na ang ngiti sa aking labi dahil sa kiliti ng mga bulateng nagsasayawan sa aking tiyan. Oo nga naman, SSG officers pala ang boyfriend ko… ngunit mukang busy rin iyon dahil sa event ngayon.

Ngumisi si Sheena sa 'kin. Walang sinabing sinundot-sundot niya ang tagiliran ko kaya mas lalong nadepina ang kilig sa aking mukha at katawan.

“Stop it… Sheena…” natatawa kong sabi.

“Sus! Kinikilig ka naman masyado diyan!” sabi niya habang kinikiliti pa rin ako.

“Sheena! Stop!” sabi ko habang pinipigilan ang kanyang mga kamay na sundutin ako.

At dahil alam ni Sheena na may kiliti ako kahit saan sa aking katawan, hindi ko magawang hawakan ang kamay niya para pigilan ito. Pinagpatuloy niya ang pagkiliti sa akin hanggang sa mapagod siya at muntikan na ako malagutan ng hininga dahil sa katatawa.

Habol-habol ko ang aking hininga nang may marinig kaming estudyante na papaakyat dito. Nagkatinginan kami ni Sheena. Shit! Ng dahil sa kiliti ni Sheena ay nawala sa isip ko na hina-hunting pala ako ngayon.

“Nasa itaas sila!” dinig kong sabi sa ibaba.

I groaned. Napahilamos ako ng aking kamay at agad na inaayos ang pagtayo. Nagkatinginan ulit kami ni Sheena at hinintay na lang ang papaakyat ng mga estudyante. Handa na akong saluin ang mga ipangbabato nila sa 'kin.

Ngunit, sabay kaming nakahinga ng maluwag ni Sheena nang makita kung sino ang umakyat dito. Agad, napaupo na lamang ako sa semento ng second floor, tila nawalan ng diwa sa katawan.

Akala ko may susugod na sa akin.

“Hay! Kayo lang pala 'yan Sheera! Pinakaba mo naman kami!” sabi ni Sheena.

“Oh bakit? Ano ba'ng ginagawa niyo rito? Nagtatago?” inosenteng tanong ni Sheera.

“Hindi—”

“Suss! Nandito kayo para magtago dahil ayaw n'yong tumulong sa booth nin'yo.” pang-aasar ni Sheera.

“Tumahimik ka nga diyan. Hindi, no! Ano ba kasi ginagawa n'yo rito?” iritableng sabi ni Sheena sa kanyang kapatid.

“Well, tatlong kulay na lang kasi ang natira.” nakangiting sabi ni Sheera saka ipinakita ang garapon na hawak niya. May laman itong coins na may iba't-ibang kulay.

“Ano'ng gagawin namin diyan, kakainin?” sarkastikong sabi ko na nakataas ang isang kilay.

Umiling si Sheera at nagsalita.

“Kung ano ang kulay na mabunot niniyo ay 'yun din ang kulay na nabunot ng makakaholding hands nin'yo,” pag-eexplain ng kaklase ni Sheera.

“Talaga? Akin na nga 'yan, pipili na ako.” excited na kinuha ni Sheena ang garapon na hawak ng kanyang kapatid.

Napairap na lamang ako nang tinanong niya pa kung sino ang nakabunot ng kulay na nabunot niya. At dahil ayaw sabihin ng kapatid niya kung sino iyon o hindi talaga nila alam dahil sa dami ng estudyante rito, at marami na rin sila nabigyan kaya hindi nila masabi kung sino.

“Ikaw, ate Marga? Pili ka na,”

Iiling na sana ako nang kunin ni Sheena ang garapon at pumili doon ng isa pang kulay. Inaabot niya sa akin ito.

“Ayaw kong sumali diyan,” mariin kong sabi.

“Ang kj mo talaga, Mare! Sumali ka na!” sabi ni Sheena.

Tumayo na ako para ayusin ang sarili. Kinuha naman agad ni Sheena ang kamay ko at nilagay doon ang yellow coin na napili niya.

“Huwag kang mag-alala, ate Marga. Pwede ka naman po magtago kung ayaw nin'yo magpatali,” sabi ni Sheera. “Basta po huwag ka lang magpakita o magpahuli sa amin dahil itatali ka talaga namin sa kapartner niniyo,” dagdag niya pa.

“'Yun naman pala, Mare. Kaya tanggapin mona.” Kinuyom ni Sheena ang palad ko para siguraduhin na hindi kona ibabalik ang coin sa kanya. “Well, make sure 'yung sa 'kin Sizzy ay isang guwapo, a! Para hindi na kayo mahirapan sa paghuli sa 'kin, dahil ako mismo ang lalapit at magpatali sa kanya.” Sheena said with actions and gestures while she daydreamed.

“Don't you worry, Ate. Sisiguraduhin kong magugustuhan mo siya,” Sheera assured her Ate.

“Good. I'm looking forward on that.”

Umirap ako sa kanilang dalawa at napapailing na lamang. Bumaba na kami at pumunta nasa mga booth namin. Kailangan namin tumulong doon para makapag-attendance dahil mahigpit ang bilin sa amin ng guro namin, ang hindi tumulong ay bagsak sa isang subject.

Ready na ang lahat ng booths. Nagsisimula na ang event. Kaya nang mag-announce na kami para sa may gustong basahin ang love letters nila para kanilang jowa o crush. Marami naman ang nagbigay para basahin ang sulat nila, at kadalasan para sa kanilang crush.

Ang ibang booth nama'y nagsimula nang manghuli ng dalawang pares para sa blind date at holding hands, kaya ang ibang estudyante ay nagtatago at naghahabulan na. Ayaw makipag-blind date at holding hands.

“Akala ko ba guwapo ang magiging ka-holding hands ko, huh! E bakit 'yang lalaki na 'yan ang makakaholding hands ko!” narinig kong sigaw ni Sheena sa labas ng tent namin kaya lumabas naman ako.

“Hindi naman 'yan guwapo!” sigaw ni Sheena habang tinuro-turo si Rafael na nasa kanyang harapan.

Hawak-hawak si Rafael ng dalawang grade seven students na may dalang pantali. Halata sa mga mukha ng freshmen ang takot nila kay Sheena, kaya napaatras na lamang sila at hindi na lumapit lalo kay Sheena. Nakahawak din si Sheera sa kanyang Ate para pigilan ito sa pagtakbo at hindi makawala.

“Ate, pumayag ka na lang. Isang oras lang naman, e.” pagkukumbinsi ni Sheera kay Sheena.

“No! Not that guy, Sheera! Hindi siya guwapo! Kita mo ba iyon?!” sigaw ulit ni Sheena, na naiirita.

“Hindi, Ate,” sagot naman ni Sheera.

“Ba't ba puro kana lang guwapo?” iritableng pagtatanong ni Rafael kay Sheena.

Nagkatitigan ang dalawa na parang naghahamon kung sino sa kanila ang unang bibigay. Ramdam ko na ang nag-aalab na galit ni Rafael ngayon, dahil siguro sa sinabi ni Sheena o may iba pang dahilan.

Wala pa kasing sinabi si Sheena sa issues nila ni Rafael. Kung bakit sila laging nag-aaway na dalawa. Actually, si Sheena ang unang nangangaway lagi kay Rafael. Ngayon, pinakita na ni Rafael ang galit niya, natahimik naman si Sheena. Hindi nakasagot sa tanong ni Rafael.

“Nag-aaway na naman ang dalawa na 'yan. Ano ba talagang problema nila?”

Napatingin ako sa nagsasalita sa aking tabi. Si Lester. Naka red v-neck shirt siya tapos naka-itim na pantalon at puting sapatos. Tumaas ang isang kilay niya nang mapansin niyang nakatitig lang ako sa kanya.

“Wow! Red na red.” pang-aasar ko sa kanya.

“Syempre, Valentine's day ngayon. Hindi kasi ako katulad mo na mas bitter pa sa ampalaya.” sabi niya habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Napatingin naman ako sa aking suot. Naka-black t-shirt, black jeans and black shoes, daig ko pa ang nagpunta sa lamay ngayon. Bakit, ano'ng problema sa itim? Porket ba naka-itim ay bitter na sa love.

“So, ano naman ngayon?” tanong ko sa kanya.

Ngumisi siya. “Napaghalataan kasi na wala kang ka-date ngayon,” nanunuya niyang sabi.

Umirap ako sa kanya. Ano naman kung wala akong ka-date ngayon? Pumasok lang naman ako para may points at para hindi bumagsak sa isang subject.

“By the way, ano'ng kulay ng sa 'yo?” sabay pakita niya sa 'kin ng coin na nabunot niya.

Kinuha ko naman sa bulsa ko 'yong coin at pinakita sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang pareho pala kami ng kulay ng coins. Tumingin ako sa kanya at nakitang nagulat din siya sa nakita niya.

“Magka… kulay tayo…” gulat niyang sabi.

Ibabalik kona sana sa aking bulsa ang coin para hindi makita ng iba. Ngunit huli na ang lahat nang lapitan kami ng grade seven students at agad na tinali ang aming kamay.

Continuă lectura

O să-ți placă și

296K 3.4K 31
Bet... that's how every love game starts. But will it also end by just a simple love game? ---- Cover Photo Credit: https://www.pinterest.com.au/m/pi...
591K 3K 6
Kataleya Sylvie Armenteros is a young bartender who works in a high-class club and a mysterious girl raised in an orphanage since she was just an inf...
404K 26.8K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
438K 5.3K 21
Trixie Clarisse Reyes is a beautiful, rich and smart woman. She has everything any girl would dream of. Kuntento na siya sa buhay niya, she's happy p...