Napoleon Sandoval: I Need You...

By SiGrasyaAko

7.3K 188 0

Kendall Ashanti Patremor, A fierce and Beautiful lady. Palaban at ayaw na ayaw niya ang may kung sino ang pwe... More

I N E E D Y O U R L O V E
O N E
T W O
C A S T S F U L L N A ME S
T H R E E
F O U R
F I V E
S I X
S E V E N
E I G H T
N I N E
E L E V E N
T W E L V E
T H I R T E E N
F O U R T E E N
F I F T E E N
S I X T E E N
H A L L O W E E N (G I R L S)
S E V E N T E E N
H A L L O W E E N (B O Y S)
E I G H T E E N
N I N E T E E N
T W E N T Y
T W E N T Y - O N E
T W E N T Y - T W O
T W E N T Y - T H R E E
T W E N T Y - F O U R
T W E N T Y - F I V E
T W E N T Y - S I X
T W E N T Y - S E V E N
T W E N T Y - E I G H T
T W E N T Y - N I N E
T H I R T Y
E P I L O U G E
S P E C I A L C H A P T E R
K E N D A L L
N A P O L E O N
Kendall And Kassy
Kendall And Athena
Napoleon And Riguel
N A P O L E O N A N D K E N D A L L
N E X T
Happy 1K reads🤍💗

T E N

130 4 0
By SiGrasyaAko


Kendall's Point Of View

"Ano!? Magpapalibre ka na naman sa akin? Eh kung tadyakan kita diyan sa kinatatayuan mo!?" Binatukan ko si Chase.

"Aray naman.. Naiwan ko nga kasi sa bahay yung wallet ko." Nakangusong sabi niya.

Inirapan ko siya.

"Sige na, Ken. Burger lang naman at saka milktea." Anas pa niya. 

"Oo na! Tumahimik ka na diyan!" Natahimik naman siya.

Pagkatapos kong bilhin ang order namin ni Chase ay pinuntahan ko na siya sa table at naabutan kong nakatitig siya sa pagkaing dala-dala ko. Padabog ko itong binigay sa kanya kaya nagulat siya.

"Galit na galit lang?" Asar niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at dinuro ng tinidor. "Tumahimik ka at kumain na diyan."

Kinamot niya ang kilay niya. "Oo na, kakain na. Sungit-sungit."

Tahimik lang kaming kumakain ng lunch ni Chase ng may dalawang asungot ang sumulpot at tinabihan kami.

"Ayos ka 'din, Chase. Nagpapalibre ka na naman kay Kendall? Mahiya ka naman." Saad ni Hendrix.

"Gago! 'Wag mo 'kong isturbohin!" Pinisikan ni Chase ng milktea ang mukha ni Hendrix.

Nagulat kami doon ni Tobi.

"Shit! Bakit mo ko pinisikan ng milktea!? Are you out of your mind?" Bulyaw ni Hendrix.

At nagsimula na silang magsakalan. Sumasakit ang ulo ko sa sight nilang dalawa. Hindi na tuloy ako makapag-concentrate sa pagkain dahil sa mga hangal na 'to.

Tinaasan ko ng kilay si Tobi na kanina na pang mukhang tanga na tawa ng tawa. Nahinto siya sa pagtawa at patanong akong tiningnan.

"Awatin mo sila." Utos ko. 

"Ayoko nga. Baka ako pa ang masakal ng dalawang 'yan." Iling niya at umismid.

Gago 'to. Napaikot ako ng mata at walang sabi-sabing lumabas ng cafeteria. Nakasalubong ko pa sina Candice at Mika.

Napahinto ako ng lumapit silang dalawa sa akin at nginitian ako.

"Bakit ganyan na naman ang mukha mo? Sino bang nakaaway mo?" Kunot-noong tanong ni Candice.

"Wala akong nakaaway, may kina-iinisan lang." Saad ko. "Saan ba kayo pupunta?"

"Ah, Bibili lang kami ng lunch. Nagugutom na kami eh. Ikaw, nag lunch ka na ba?" Si Mika.

"Tapos na. Nilibre ko pa nga ang hangal na si Chase eh, nabawasan pa tuloy ang pera ko." Inis na utas ko. 

Napailing naman sila.

"Kaya naman pala lukot ang mukha mo, Nagpapalibre na naman pala iyang si Chase." Natatawang sabi ni Mika.

Napangiwi lang ako.

Astang magsasalita na sana si Candice ng may biglang bumangga sa likuran nilang dalawa kaya inis itong napatingin doon.

"Well, Look who's here.." Taas-kilay na saad ni Jasmine.

Kasama pa nito ang mga kaibigan niyang hito. Ano na naman kaya ang kailangan ng mga lecheng 'to!? Naiinis ako sa mga pagmumukha nila.

"Hoy! Ano na naman ba ang kailangan niyo ha!? Naghahanap ba kayo ng sakit ng katawan o sakit ng mukha!?" Matalim ko silang tiningnan.

Maarte naman akong tiningnan ni Jasmine. Ang plastic na 'to, mapapatay ko 'to eh.

"What are you saying–"

"Shut up!" Candice snapped.

Natahimik naman silang tatlo. Humakbang si Mika at tiningnan si Jasmine mula ulo hanggang paa ang raised her brow.

"W-What are you looking at ha!?" Sigaw nito sa kanya.

"Huwag na huwag mo akong masigawan! Dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo!" Madiin na wika ni Mika.

Napaatras naman ang mga ito.

"Anong nangyayari dito!?"

Dumating ang ibang girls ng barkada kasama sina Leon. Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Leon sa beywang ko at ang paghalik niya sa pisngi ko.

"Hi babe." Malambing na bulong niya sa tenga ko, at alam kong nakangiti siya.

Nilingon ko siya at nginitian.

"Teka! Diba ikaw si Jasmine Roxas? Pero bakit parang nag-iba ang mukha mo?" Nagtatakang tanong ni Isla.

Naglikot naman ang mga mata ni Jasmine halatang natataranta. Oh, Natatakot sigurong mabulgar ang kanyang sekreto.

"Psh! Hindi niyo ba alam na retokada ang babaeng 'to? Mula ulo hanggang paa, retokada." Nakangising wika ni Lucas.

"Hay naku, Miss. Nagsasayang ka lang ng pera mo, tingnan mo nga itsura mo.. Wala paring pinagbago." Tawa-tawang wika ni Cross at nakipag high-five pa kay Lucas.

What a bully..

Naiiyak naman na tumingin sa paligid si Jasmine. Naaawa ako sa babaeng 'to. Ang sama kasi ng ugali, tingnan niya ang nangyari.

"Kaya bago ka manglait ng iba, tingnan mo muna ang sarili mo sa salamin, okay!?" Asik ni Tori.

"Alis na!" Taboy ni Knoxx.

Dali-dali namang umalis ang mga ito kaya nagtawanan kami. Pagkatapos ng nangyari ay nag-antay kaming matapos ang klase.

Nang mag ring ang bell, hudyat na uwian na kaya nagsitayuan na kami at lumabas ng campus.

"Let's go, Babe." Hinawakan ni Leon ang kamay ko.

Naghiyawan naman ang mga ulol kaya nilingon ko ang mga ito.

"Babe daw oh!" Kantyaw ni Yohan.

"Alam niyo ba kung ano ang ibig-sabihin ng Babe?" Si Jandrix.

"Ano?" Tanong nila.

"Edi baboy! So, Baboy si Kendall–Biro lang Kendall! 'To naman! Aray!" Binato ko siya ng bato.

Sira-ulong 'to!

"Hindi ako baboy! Tarantado!" Mura ko.

"Hindi ka nga baboy.. Biik naman!" At saka siya tumakbo palayo sa amin.

"Punyeta ka, Jandrix!"

Nagtawanan ang buong barkada. Si Leon naman ay hinawakan ako sa chin kaya nagkatitigan kami.

"Don't curse. Baka mahalikan kita niyan." Bulong niya kaya napalayo ako sa kanya.

Matalim ko siyang tiningnan. "Sira! Subukan mo lang at bubugbogin kita!"

He Tsked.

"Bakit naman? Eh boyfriend mo naman ako kaya pwede kitang halikan sa labi." Aniya.

"Hahalikan mo lang ako sa oras o sa araw na sasabihin ko sayo. Kung hindi ka naman makapaghintay, maghanap ka na lang ng babaeng mahahalikan mo." Saad ko.

Sumimangot siya. "Ayoko nga! Bakit naman ako maghahanap ng iba kung nandiyan ka naman?"

Pinisil ko ang ilong niya.

"Mabuti naman." Nilingon ko ang iba na kanina pa pala nakatingin sa amin. "Oh ano!?"

"Grabe, sa sobrang sweet niyo.. Nilalanggam na kami dito." Busangot ang mukha ni Mocha.

"Oo nga naman, Sa condo niyo na lang ituloy ang moments niyo dahil uulan na." Nakangiwing usal ni Athena.  

Inalalayan ako ni Leon habang papasok sa loob ng van saka siya tumabi sa akin. Si Hellion ang driver namin at katabi niya si Mocha. Kasama naman namin sina Vince, Vivoree at Gladeon dito sa likod.

"Hala!" Biglang sigaw ni Vivoree.

Napalingon naman kami sa kanya at binigyan siya ng nagtatakang tingin. She just smiled. "Sorry."

"Anong nangyari sayo?" Vince asked.

"May nakita lang kasi ako sa IG." Sagot niya. "Babalik daw dito si Blake ayon sa caption niya sa post." Kabadong dagdag niya.

Natigilan naman kami. Nilingon nila si Leon na ngayon ay sobrang higpit na nakahawak sa kamay ko. Galit ba siya?

Nagulat 'rin naman ako. Babalik si Blake dito? Pero wala naman dito ang pamilya niya, nasa thailand na ang mga ito kaya ano pa ang babalikan niya dito?

Nang makarating kami ng condo ay hindi parin nagsasalita si Leon kaya nagtataka na ako. What's wrong with him?

"Bakit nagkaganun ang isang 'yon? Narinig lang ang pangalan ni Blake, natahimik na." Umupo ako sa tabi ni Kaori.

"Natatakot lang 'yon." Ani Archer.

"Natatakot? Bakit naman siya matatakot kay Blake? Sa pagkaka-alala ko naman ay hindi naman sila nag-away." Utas ko.

"Hayaan mo na si Kuya. Kakausapin ka 'din naman 'nun." Wika ni Gladeon.

Dapat lang. Dahil 'pag hindi niya ako kinausap ng walang dahilan ay magagalit talaga ako sa kanya.

"Maghahanda lang kami ng kakainin natin ng hapunan." Sabi ni Ningning.

Sumunod sa kanya sina Entice at Kassy sa kusina.

"Magpupunas lang ako." Tugon ni Elle saka tumayo.

"Samahan na kita." Nakangising saad ni Cross kaya napahinto siya at matalim itong tiningnan.

"Gusto mong patayin kita?" Malamig na tanong nito kaya napaupo siya ulit.

"Dito na lang pala ako." Hindi na siya pinansin ni Elle at nagdiretso lang itong umakyat sa itaas ng kwarto niya.

Napailing na lamang ako bago tumayo at naglakad patungong veranda. Natigilan ako ng mag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko at chineck, baka kasi si Leon pero mali ako.

Unknown Number:

I miss you, Ken.

To be continued. . .♡♡♡

Continue Reading

You'll Also Like

160K 959 31
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
3.8K 150 9
a satosai fanfic, duh. in all honesty I am making it as I go, and out of complete boredom. meaning it's shitty. and dumb. and has no plot so far. but...
24.4K 350 11
When the restaurant David's Foodplace is at stake, it's up to Gordon to change the restaurant into a better place, but on of the workers falls in lov...
207K 10K 56
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...