Dance The Pain Away (Social M...

By pensleigh

39.6K 1.5K 890

SOCIAL MEDIA SERIES #1 Completed Have you ever experienced smiling and pretending to be happy even when your... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Final Chapter
Epilogue Part I
Epilogue Part II
Special Chapter

Chapter 18

593 30 10
By pensleigh

Chapter 18

"I'm sorry. Nakiusap ako pero ayaw ka na raw bigyan ng second chance dahil hindi na rin kaya ng schedule at malapit na rin mag-end ang semester. She told me that... she'll give you a tres."

"Pero mas okay na 'yon, hindi ba?" agap niya bago pa ako mag-react. "Dahil hindi mo na kailangang ulitin 'yong subject."

"Love," tawag niya pero nakayuko lang ako.

Dahil hindi okay 'yon. Major namin 'yon at tres pa. Mommy will get mad, I'm sure. At natatakot akong baka idamay niya si N sa pagkakamali ko.

Tiningnan ko siya habang patuloy na pumapatak ang luha. Inis kong pinahid ang luha ko pero ayaw pa rin huminto sa pagpatak.

"Kung sa'yo okay 'yon, sa'kin hindi. Naiintindihan mo ba?"

Kahit kailan hindi naging okay ang magkaroon ng tres. Lalo na sa parents ko.

Hindi siya sumagot. He just smiled painfully.

"I-I'm sorry. I'll talk to her again. Wait me here," saad niya at biglang tumayo na nagpagulat sakin.

"Hindi na kailangan," sagot ko na nagpatigil sa kan'ya sa paglalakad palabas.

"Wala nang magbabago do'n." mahinang dagdag ko at tumingin sa bintana ng kwarto ko.

It's raining outside. Ang lakas ng buhos ng ulan. Mukhang nakikisama sa nararamdaman ko.

I sighed. I wiped my own tears.

I'm such a failure.

They would be disappointed in me again.

Naramdaman kong umuga ang kama at sumunod ay ang pagyakap ni N mula sa likuran.

"I'm sorry," he whispered in my ear.

I didn't respond. I was just crying silently.

"Tell your mom that it was my fault."

Inis ko siyang nilingon, ngumuso naman siya sa'kin. Nakayakap pa rin sa'kin at ang mga kamay niya ay nasa bandang tiyan ko. Nakikiliti ako sa paraan niya nang paghawak. Pinatong ko ang kamay ko sa kamay niyang nasa tiyan ko. Kahit naman naiinis ako ay alam kong wala siyang kasalanan doon.

"Kung hindi lang sumama ang pakiramdam ko sana nagising ako ng maaga, it was my fault."

"Hindi mo naman kasalanang magkaroon ng sakit at sakto pa sa presentation mo, love. Don't stress yourself to much, okay? I'll explain this to your mom para hindi ka mapagalitan."

"Am I a failure?" halos bulong na tanong ko. Humarap ako sa kan'ya.

"No, no. Of course not, love. You're not a failure, you're just being pressured by the people around you."

He kissed the side of my head. "It's okay to make mistakes. It doesn't mean you're a failure when you made a mistake, hmm?"

I closed my eyes and hot tears started to flow from my eyes.

"Be gentle with yourself, K."

Pinaharap niya ako sa kan'ya at hinalikan niya ang tungki ng ilong ko ng tatlong beses.

"Listen to me. I'm proud of you, love. I'm so so proud of you. I witnessed how much you pour of your heart and soul into everything you do —you've come this far, please appreciate yourself too."

After he said those words I immediately hugged him.

"I'm sorry," sambit ko at sumubsob sa dibdib niya.

Sa kan'ya lang ako nakakaiyak, sa kan'ya ko lang nailalabas ang totoong ako. Sa kan'ya ko lang naipapakitang ang pagiging mahina ko.

At siya lang din ang nagpapakalma sa 'kin.

"Hush now. It's okay, wala kang kasalanan."

Nilayo niya ako sa kaniya at tinuyo niya ang mga luha ko.

"Did you drink your medicine, hmm?"

I shook my head. He tsked softly.

Binitawan niya ako at kinuha niya ang gamot at inabot sa'kin.

"Go, drink this for you to get better."

Inabot ko ang gamot at isang basong tubig.

"Teka, nag-absent ka ba?" tanong ko rito nang mapansing naka-uniform pa siya.

Natigilan siya saglit pero agad ding tumawa ng mahina. "Uh, no'ng sinabi nilang absent ka, nagtaka na ako because I know that you have a presentation and it was unusual for you to be absent without an explanation. So, I went straight here."

Sinimangutan ko siya.

"So, absent ka nga?"

He nodded.

"But don't worry love, nagpaalam ako sa prof ko. Ikaw muna bago ang lahat."

"Siguraduhin mo lang."

Tumawa lang siya sa sinabi ko. "How are you feeling, love?"

"Sobrang sakit ng ulo ko, parang mabibiyak na," reklamo ko. Hinilot naman niya agad 'yong sintido ko.

"Teka, sino pala ang nagpapasok sa 'yo xito?" takang tanong ko dahil wala naman si mommy sa bahay

"'Yung sister in law ko."

"Sure ka?" pang-aasar ko sa kan'ya.

"May sakit ka na nga, nakukuha mo pang mang-asar."

Tumawa ako. Susulitin ko na 'to dahil hindi ko alam kung makakatawa pa ako kapag malaman ni mommy na magkakaroon ako ng tres.

"Uwi ka na kaya? Baka hinahanap ka na sa inyo, at baka may school works ka pa. Kaya ko na 'to." saad ko dahil ayokong pati ang pag-aaral niya ay mapabayaan dahil sa'kin.

"I'll wait Tita Russel, ako na ang bahalang mag-explain sa kanya, love."

"Ako na bahala kay mommy. Sige na, umuwi ka na. Text mo na lang ako, okay?"

Tatanggi pa sana siya pero hinawakan ko na ang kamay niya at mahinang pinisil ito.

Ngumiti ako sa kan'ya. "Go, mag-te-text na lang ako sa 'yo para hindi ka mag-alala."

He sighed. "Are you sure? Wala naman akong gagawin sa bahay."

"Oo nga. Umuwi ka na at magpahinga. Masyado na kitang naabala ngayong araw."

"Never kang magiging abala sa akin."

I pouted. "Please?"

"Okay, update mo ako. Drink your meds too, huwag makulit," saad niya at hinalikan ako sa noo.

"Hmm. I love you."

He kissed me on my forehead again.

"I love you more, alis na ako."

Nginitian ko na lang siya at hinintay makalabas.

Bumuntong-hininga ako at hinilot ang sariling sintido.

Kaya mo 'yan, Kia.

Hapon na nang mapatingin ako sa orasan. Malapit na rin dumating si mommy at ngayon pa lang ay kinakabahan na ako sa maaari niyang sabihin. Will she get disappointed again? Of course. Will she get mad again? Of course, Kia. Natawa na lang ako dahil sinasagot ko ang sarili kong tanong.

Bumaba na ako kahit masama pa rin ang pakiramdam ko. Nadatnan kong nasa sofa si Gwy, maybe she's waiting for mom.

"Wala pa si mommy?" tanong ko rito nang makalapit

She shook her head and examined me from head to toe.

"You look so pale, Ate. Are you sick?" tanong niya nang nakakunot ang noo.

I forced a smile and tapped her head.. "No, Gwy, I'm okay."

Narinig ko ang ingay ng pagbukas sa pintuan. Nilingon ko ito at bumungad si mommy.

"Hi mom, can we talk?"

Tinapunan niya ako ng tingin habang nilalapag ang mga gamit sa sofa.

"Hindi ba p'wedeng mamaya na 'yan?"

Napalunok ako. "P'wede naman po. Sige, mom. After dinner na lang po."

Tumango lang siya at pumunta na sa dining table. Nilingon ko naman si Gwy at tinawag na para kumain.

Tahimik lang kaming kumakain when mom cracked the silence.

"How's school, Kia? Fourth year ka na next school year, inayos mo naman ba ang third year mo?"

Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa tanong ni mommy. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Ramdam ko bigla ang pamamawis ng mga kamay ko. I need to answer her questions kung 'di malalagot ako!

"Uh, mom. Okay naman po, and we will talk about that later po after dinner."

Tiningnan niya ako ng nagtataka na lalong nagpakaba sa'kin.

"How about you, Gwy?"

Ngumiti si Gwy. "Top 3 po ako sa klase, mommy."

Ngumiti naman si mommy at kita ang tuwa sa mukha niya.

"Wow. Very good, Gwy. Ituloy mo lang 'yan habang bata ka pa."

Pagkatapos naming kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan at nilingon si Gwy.

"Gwy, go to your room now. Gawin mo na ang assignment mo, okay?" utos ko rito dahil ayokong marinig niya ang pag-uusapan namin ni mommy.

Tumango lang si Gwy at naglakad na papunta sa kwarto. Pinanood ko siya hanggang sa tuluyang makaakyat.

Pinunasan ko ang kamay ko tsaka pinuntahan si mommy sa sofa kung saan siya nakaupo.

"What do you want to tell me?" tanong niya habang nakatingin sa phone.

Tahip-tahip na kaba ang nararamdaman ko.

"Uh, mom. This morning I wasn't able to attend class, mom," pagkatapos kong sabihin 'yon ay tumingin na siya sa'kin. Nakakunot ang mga mata at mariing naglapat ang mga labi. Mukhang alam na niyang may mali akong nagawa.

"I was supposed to be in school by 8 am in the morning po but I woke up late and..." napatigil ako nang medyo sumama ang tingin niya sa 'kin.

"May presentation po sana ako kanina pero hindi po ako nakapasok kaya hindi ko po nagawa and..." napayuko na ako sa sobrang kaba.

"Continue," saad niya at tumingin ulit ako sa kanya. Seryoso lang siyang nakaabang sa susunod kong sasabihin.

"My professor said that...s-she'll give me a t-tres po," I stammered because I was so nervous. Nakita ko ang pagbabago ng tingin sa akin ni mommy. Mas tumalim ang tingin niya kaya hinanda ko na ang sarili ko sa sasabihin niya.

"At talagang kina-career mo na 'yan, Kia? Third year ka na, nagawa mo pang mag-pasaway!"

I didn't even told her I'm sick! Dahil natatakot akong sabihan niya akong nag-da-drama lang. Kaya napapikit na lang ako sa kaba at handang tanggapin ang lahat ng sasabihin niya.

Nahihilo na rin ako dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Parang gusto ko na lang humiga at matulog. Pero kailangan kong tapusin ang pag-uusap namin ni mommy.

"Dahil ba 'yan kay Nathaniel? Pinayagan kitang mag-boyfriend pero sinabihan din kitang ayusin mo ang pag-aaral mo, hindi ba? Nakalimutan mo na ba agad, Kia?"

Tahimik lang ako. Nasasaktan pero hindi ako umiiyak.

"If you keep doing that, you'd better stay away from Nathaniel," she harshly said and walked away.

"Mom..." I called her once but she just continued walking.  Pinanood ko ang likod niyang papalayo at doon na ako napaiyak. Napaupo na lang ako sa sahig at tumingin sa labas ng bintana.

Nahihilo na rin ako kaya nagpasya na akong umakyat.

I wiped my tears.

I hugged myself.

Pilit tinatahan ang sarili...

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 93.2K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
1.9K 219 14
မြန်မာသိုင်းရာဇဝင် စိတ်ကူးယဥ်သက်သက်သာ
772 85 7
ပျာတိပျာယာ Kim Sunoo နဲ့ သူ့အလိုအကုန်ဖြည့်စည်းမယ့် Park Sunghoon ကိုယ့်အတွက်က ချစ်ခြင်းတရားက အရှုံးများတယ်ထင်ပေမယ့် မင်းကပြောင်းလဲပေးခဲ့တာပဲ (Park Su...
1.1M 26.9K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...