Glistening Lantern (Gazellian...

By VentreCanard

1.9M 150K 59.2K

Anna Merliz Callista is a wizard from Fevia Attero. To be born into a prominent wizarding clan should have ma... More

Glistening Lantern
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 18

33.2K 3.1K 1.2K
By VentreCanard

Chapter 18: Warmth

Naniningkit ang mga mata sa akin ni Howl nang sandaling lumabas ako ng silid kung saan kami nag-usap ng babae. Nawala lang ang nanunuri niyang mga mata sa akin nang tumabi na sa akin si Caleb at tipid nitong hawakan ang balikat ko.

Sa halip na ako ang makipagsagutan ng titig sa kanya'y si Caleb ang sumagot niyon kay Howl.

"What?" asik na tanong ni Caleb.

Muli kong tinanaw ang pintuan ng silid ng babae, kung tutuusin ay isa lamang siyang hamak na taong walang kapangyarihan, mahina at madaling mamanipula ng isang Attero, kung katulad lang ako ng ibang Attero na may sariling mana, hindi na higit na mgiging komlikado ang lahat.

I could easily get the information from her with my power, but life hasn't been convenient for me.

Tinanggal ko ang nakahawak na kamay ni Caleb sa aking balikat. Huminga muna ako ng malalim bago muling pakiharapan si Howl.

I need to send Caleb home as soon as possible.

"We're ready to enter the forbidden ruins," nagliwanag ang mukha ni Howl na narinig niya sa akin.

"Alright."

Hindi na siya nagpaliwanag pa at nag-aksaya pa ng oras, agad inangat ni Howl ang dalawa niyang mga kamay at pinagliwanag iyon. Tila nagkaroon ng hangin sa posisyon niya dahilan kung bakit bahagyang nilipad niyon ang kanyang mahabang buhok at ang suot niyang balabal sa kanyang balikat.

"But I can't send you straight inside the ruins. It's a place near it," sabi niya.

Hindi na ako nagulat sa impormasyong iyon. The ruin is a place filled with so much mana, that's why an unfamiliar mana inside it might not do something good. Isa pa, hindi ba't iyon ang matinding dahilan kung bakit kami ang ipinadala niya sa lugar na iyon?

A manaless witch and a vampire without magic.

Mauuna na sana ako kay Caleb humakbang sa nagliliwanag na lagusan nang mauna siya sa akin. Nagkibit balikat lang si Howl at nagawa pang pormal na ilahad ang kanyang isang kamay upang ituro sa akin ang lagusan na parang hindi ko nakikita.

Unlike the other portals I used before, the feeling of the circling path didn't bring any intense heat, but chills and shivers to my whole body.

At nang sandaling tuluyan na kaming nakatawid at tanawin kong muli ang lagusang dinaanan namin, ang liwanag na tila ginto ay naging asul na tila yelo. It made me realize that the Howl made the same portal, and it was the ruin— the location of the ruin overpowered the presence and warmth of the portal.

"What the hell is wrong with this place's climate?" tanong ni Caleb habang yakap ang sarili.

One of the information I've read about the vampires is their high tolerance to climate. Kaya nang makita ko si Caleb na nilalamig, isa lang ang ibig sabihin niyon, ikamamatay ko na ang lamig na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Hindi lang si Caleb ang siyang yakap ang sarili dahil maging ako'y ganoon din. Ramdam ko na rin ang pangangatal ng mga labi at tuhod ko.

"Ang lamig, Caleb..."

Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako.

"Y-Your lips..."

Sa nangangatal kong mga daliri ay kinapa ko ang mga labi ko. Nararamdaman ko pa naman iyon pero halos hindi na mapakali si Caleb kung yayakapin ba ako o maghuhubad upang ibigay ang kasuotan niya.

"Nawawalan ka na ng kulay, Anna..."

Hindi na ako nakaalma pa nang kabigin ni Caleb ang buong katawan ko at sapuhin ng mga palad niya ang mukha ko. Dahil sa tindi ng lamig halos wala na akong maramdaman kundi unti-unting panghihina.

"That fucking magician! Why didn't he inform us about the climate in this place?!"

"C-Caleb, we need to enter the ruins..."

Mas lalong nanlaki ang mga mata niya sa akin at tinanaw niya ang daan patungo sa aming pupuntahan.

"I could even see the frosty fog, Anna... higit na malamig sa lugar na iyon. We can't go there with your state."

Pinilit ko siyang itulak at tumayo sa sarili kong mga paa, ngunit hindi ko magawang panindigan iyon, kaiba ang lamig na dulot ng lugar na ito, dahil tila inaagaw nito ang lakas ng isang nilalang. Maging si Caleb ay nakikita ko rin ang tindi ng panlalamig.

"Let's go," usal ni Caleb. Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko sa kanya dahil binuhat niya na ako.

"C-Caleb..."

"How could be this place colder than my empire that has the famous ice prince? I thought I am already immune with the cold. It's not even snowing!"

I weakly smiled at his remark. "It's magic, Caleb. Magic..."

"I hate magic."

Habang naglalakad si Caleb papalayo sa dapat ay patutunguhan namin ay unti-unti na rin bumabagal ang paggalaw niya. Kapwa na umuusok ang mga bibig namin sa tindi ng lamig at halos pilit ko nang isinasiksik ang sarili ko sa dibdib niya.

"It's cold... it's cold, Caleb."

I tried to call my pixies to ask for their assistance, but I couldn't feel their existence. Hanggang sa maalala ko na ang mga katulad nga pala nila'y hindi maaaring lumagi malapit sa lugar na pupuntahan namin.

The forbidden ruins will harm Vera and Sierra.

"Don't sleep, Anna," pilit iginagalaw ni Caleb ang kanyang mga braso para gisingin ako.

"Hindi ako natutulog, Caleb," halos bulong na sabi ko.

"Then open your eyes! You can't sleep. I will find a place for us to stay."

When I've a book and a portion of a map about the forbidden ruins of Fevia Attero, I never discovered about its unexpected cold weather.

Ito ba'y ngayon lamang at isa itong paraan ng abandondong lugar na iyon para ilayo kami ni Caleb mula sa kanya?

The forbidden ruin is located in the middle of a huge forest filled with different wild elemental beasts, and this huge forest is being surrounded by series of mountains.

Natatandaan ko pa ang litratong nakita ko nito sa isang librong binasa ko na may kasamang ilang impormasyon tungkol dito.

"A cave!"

Hindi na ako sumagot pa kay Caleb at hinayaan ko na siyang maglakad patungo sa kuweba. At habang tumatagal ay mas lalong nanunuot ang lamig sa katawan ko.

Nang sandaling makapasok na si Caleb sa kuweba, ramdam kong muntik na rin siyang matumba dahil na rin siguro sa tindi ng lamig. Dahan-dahan niya akong ibinaba at inalalayan niya akong sumandal.

Sinubukan kong ibuka ang bibig ko at sabihin sa kanya na nais kong buksan ang bag ko para kumuha ng talisman, ngunit hindi na ako makagalaw at maging ang paningin ko'y unti-unti nang nanlalabo, isama pa na ang tanging liwanag lamang namin ay ang kaunting silay mula sa buwan.

"Anna..."

Lumuhod na sa harapan ko si Caleb. Hindi ko man nagawang sabihin sa kanya ang nasa isip ko, siya na mismo ang kumuha ng mga talisman doon at inilagay niya na iyon sa kamay ko.

But I couldn't even lift a damn finger!

Bakit parang hindi lang lamig ang dulot ng lugar na ito? I suddenly felt like I was poisoned!

"Shit! Shit!"

Kahit nanghihina na rin siya sa lamig ay pilit siyang naghanap ng mga bato. Caleb kneeled in front of me and he desperately rubbed the stones to make a fire. Habang ginagawa niya iyon ay halinhinan ang mga mata niya sa akin at sa dalawang batong hawak niya.

Unti-unti nang bumababa ang talukap ng mga mata ko. Sobrang lamig...

"No..."

Itinapon na ni Caleb ang mga bato mula sa kamay niya at agad niya akong kinabig. Mariin ang yakap sa akin ng isa niyang braso habang ang isa'y pilit hinuhubad ang kanyang kasuotan.

I gathered all my strength to stop him. Ngunit haplos lang sa braso niya ang nagawa ko. Pilit akong umiling sa kanya. Alam kong katulad ko'y higit din siyang nilalamig.

This isn't normal...

Habang nasa kandungan niya ako at yakap ng bisig niya, ang isang kamay niya'y ginagap ang dalawang kamay ko. Dinala iyon ni Caleb sa mga labi niya at ilang beses niya iyong hinipan para makaramdam ako ng init.

Hindi na nawala ang mga mata niya sa akin.

"I'm sorry..."

"I'm sorry, Anna..."

Pagkatapos niyang ilang beses hipan ang dalawang kamay ko, pilit niya akong inangat at idinikit niya sa pisngi niya ang pisngi ko.

Caleb's trying to warm me.

"You'll never experience this if I wasn't selfish. If I wasn't fool enough to see you. I'm sorry, Anna. It's not your blood..."

Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya.

"I even pushed you to do this..."

Isinandal niya na ang kanyang noo sa noo ko. Kung may lakas lang ako, siguro'y kanina ko pa siyang itinulak. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. At lalong hindi ko maipaliwanag kung bakit ganoon na lang ang ekspresyon ng kanyang mga mata.

I've met Caleb as an arrogant vampire, who only knew how to play and ridicule someone. Iyon ang mga karakter na ipinakikita niya sa akin simula nang magsama kami sa paglalakbay. Ang tanging mahalaga lang sa kanya'y ang makabalik sa sarili niyang mundo at makapiling ang babaeng ilang beses niyang sinabing siyang itinakda sa kanya.

Pero nang sandaling makatawid na kami sa lagusang ginawa ni Howl.

Hindi... dahil bago pa man kami makatawid sa lagusan patungo rito, kaiba na ang mga ikinikilos niya.

Even the mixture of fear, desperation, and tenderness in his eyes were unusual to me, as if something was off and I couldn't even name it.

Parang may mali... kulang? No. This closeness is wrong.

Hindi kami dapat ganito, hindi siya dapat ganito sa akin. He could have pushed me to manipulate the talismans to make a fire for us, ngunit ibang paraan ang ngayon ay ginagawa niya.

He's sharing his warmth. Mariin niya akong niyayakap habang walang tigil sa pag-usal ng paghingi ng tawad.

"I'm sorry, Anna... tell me what to do. We can leave this place. Let's end our deal with Howl. I will not seek for the map anymore, because I already have the lantern."

Wala akong nasagot sa kanya at hinayaan ko siyang yakapin ako nang mahigpit. He could feel how my whole body trembled with the continuous dropping of temperature.

The ruin was trying to kill us! I could feel the swarming frosty fog as if it was alive! Hinahabol niya kami ni Caleb at hindi siya tumitigil hangga't kapwa kami hindi namamatay sa lamig.

"I...did something, right?"

Halos hindi ko na marinig ang sarili kong mga salita nang ibulong ko iyon sa tainga ni Caleb.

"I'm sorry..."

"S-Show me..."

"W-What?" namamaos na rin ang boses ni Caleb.

"Talisman..."

Habang yakap pa rin ako ng isa niyang bisig ay inisa-isa niyang ipinakita sa mukha ko ang mga papel na may iba't ibang klase ng guhit at letra. Pag-iling lang ang ginagawa ko habang ipinakikita niya ang mga iyon sa akin. Hanggang sa tumigil na nga iyon sa talisman na kailangan namin.

Ang ilang pagkurap ko ang siyang nagpatigil sa kanya sa paglipat niyon, mas inilapit niya pa iyon sa akin. Wala na akong lakas pa para magsalita, kaya hinayaan ko na lang iyong ilapit sa akin ni Caleb na halos lumapat na sa mga labi ko ang papel.

I uttered a spell inside my mind.

Ilang beses kong sinubukan ngunit walang nangyari.

"Anna..."

Napahawak na ako sa dibdib ni Caleb habang paulit-ulit akong umuusal na orasyon sa isip ko.

We need a damn fire!

Hawak na niya ang kamay kong nasa dibdib niya at ramdam kong katulad ko'y unti-unti nang humihina ang tibok ng puso niya.

We will die here!

Muli kong sinubukan, ramdam ko na ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko dahil sa takot... hindi sa ganitong paraan ako mamamatay. Hindi lang dahil sa buhay na abandonadong lugar!

"We can't die here, Anna."

Marahas kumuyom ang kamay kong nakahawak sa dibdib niya at nang sandaling pilit akong pagbukas ng mga mata, hindi na ang liwanag mula sa buwan ang siyang matinding nagliliwanag sa mga oras na iyon.

But Caleb's glistening red eyes...

Hindi lang ang mga mata niya, kundi pati na rin ang kagamitan ko. My magical bag with my lantern inside! Sa pagliliwanag na iyon ay higit na ipinakita ang kabuuan ng kuweba.

There were some remnants that some creatures stayed here for survival. May mga naglalakihang mga dahon, mga dayami, at maging lumang mga balabal.

Dahil tila may init na hatid ang lampara, nakaramdam ako ng saglit na ginhawa, ngunit alam kong pansamantala lamang iyon dahil panay pa rin ang pagsunod ng malamig na usok sa amin.

These were not enough to warm us.

"Maybe I was hurting...an Attero's spell to oneself is a desperate move, Caleb."

"Now, I'm desperate to claim you back. To stop acting like a fool, an asshole. Allow me to warm you. Tell me to warm you."

Ginagap niyang muli ang dalawa kong kamay at ilang beses niya iyong hinalikan at hinapan sa harapan ko. "Callista, please command me to warm you..."

Continue Reading

You'll Also Like

11.4M 570K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...
9.2M 474K 63
In fairy tale, it is the prince who would go all the way with all his might to fight against the enchanted apple. And his kiss will awaken the sleepi...
1.3M 57K 42
Kingdom University Series, Book #4 || Learning from this guy is not as easy as I thought it would be.
999K 76.5K 53
Iris Evangeline Daverionne is a white werewolf who hates vampires. She vowed to herself that she would never be entangled with them or that's what sh...