I'm Inlove With My Bodyguard...

By _DareKim

10.4K 289 26

Penny's dream is simple; it is to live a quiet and peaceful life. Until her father hires Rocky Yzmael Aragon... More

CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60 (FINAL CHAPTER)
CHAPTER 15 MISSING PART.

CHAPTER 12

174 3 0
By _DareKim

Alas diyes na ng gabi pero hindi pa rin makatulog si Penny. Hindi man lang siya dalawin ng antok. Kanina pa siya biling-baliktad sa higaan niya pero hindi talaga siya makatulog. Masyado yata niyang iniisip yung nangyari sa school kanina. Ganito ba talaga kapag in love?

Ipinilig niya ang ulo.

Asa pa siya. Sa isang katulad niya na mataba at baduy ay malabong may magkagusto sa kaniya lalo na kung katulad ni Zyron. Hindi yung tipo niya ang magugustuhan nito. Ang daming magagandang babae nga ang nagkakandarapa dito pero hindi rin naman nito pinapansin ang mga iyon, siya pa kaya na pangit at mataba?

Napabuntong-hininga siya. Ipinasya niyang bumangon upang magtimpla ng gatas. Malamig ang panahon kaya naman naka-terno siya ng pantulog na peppa pig ang design.

Nang makapagtimpla siya ng gatas sa ibaba ay lumabas siya sa malaking terasa ng kanilang bahay. Doon ay naupo muli siya habang tahimik na nakatanaw sa kalangitan. Napangiti siya pagkakita sa mga bituin. Ang dami kasi niyon at parang isinabog na naman sa langit.

Ilang minuto siyang nasa ganoong ayos habang iniinom ang gatas nang bigla na lang may lumabas sa kabilang bahay na pag-aari din nila. Natanaw niya si Rocky. Sa lamig ng gabi ay nakuha pa nitong maghubad. Bakit gising pa rin ang gunggong na ito? Talaga bang gusto rin nitong sirain pati ang gabi niya? Nasira na nga ang araw niya dito kanina.

Mabilis na sumimangot ang mukha niya at waring hindi ito napansin. Nakatingin pa rin siya sa langit.

"Hindi ka na naman makatulog?" tanong nito sa kaniya. Alam niyang siya ang kinakausap nito pero hindi niya ito pinansin. Wari ay wala siyang narinig.

"Ang sungit mo naman. Galit ka ba sakin?" tanong pa ulit nito sa kaniya.

Sino ba naman ang hindi magagalit dito eh sinisiraan nito si Zyron sa ama niya? Ang lalaking pinakamamahal niya. Tsk!

"Ang cute ng damit mo ha? Bagay sayo," bigla ay sabi nito at tila may pang-aasar ang tinig ng pananalita nito. Napatingin siya sa damit niya. Alam niyang baboy ang design nito at sinasadya nito na asarin siya.

Tatalikod na sana siya upang mag-walk out pero muli itong nagsalita.

"Kung kailangan mo ng kausap puwede mo akong kausapin. Marunong din naman akong magseryoso sa buhay," anito sa kaniya. Natigilan tuloy siya. Naging seryoso kasi ang tono ng pananalita nito. Sa buong buhay niya ay ngayon lang may taong parang nagkainteres na makausap siya. Oo nga at may mga kaibigan siyang nakakasalamuha sa school nila pero wala siyang naituturing na best friend. Iyon bang masasabihan niya ng mga bagay-bagay sa buhay niya. Wala siyang ganoon dahil pakiramdam niya lahat ng tao ay naiinis sa kaniya at pinagtatawanan lang siya. Baka nga kung hindi sila ang may-ari ng school ay baka wala talagang kakausap sa kaniya doon.

Nakita niyang tumalon si Rocky sa pasimano ng terasa ng bahay na tinutuluyan nito at saka ito nagtungo sa kinaroroonan niya.

Napatitig siya sa hubad at burdadong katawan nito. Agad siyang umiwas ng tingin.

"M-magbihis ka nga," naiilang niyang sabi.

"Ah sorry," sabi naman nito at agad na nagbihis ng damit.

"Anong ginagawa mo dito? Matutulog na ako," sabi niya.

"Alam ko naman na kaya ka nandito ay dahil hindi ka makatulog," anito sa kaniya. Tama naman ito.

"Magkwentuhan muna tayo," dagdag pa nito.
Seryoso na ang mukha nito nang tingnan niya.

"Ano naman ang pagkukwentuhan natin aber?" mataray na tanong niya. Naupo ito sa pasimano ng bahay na kinatatayuan niya ngayon. Nagulat siya nang bigla siya nitong hinila sa braso.

"Upo," anito sa kaniya at tinapik pa ang pasimano. Pinatatabi siya nito habang nakaupo rin ito doon.

"Kung makahila ka naman! Masakit ha?" aniya dito.

"Sorry," sagot naman nito sa kaniya. Namalayan na lang niya na nakaupo na siya sa tabi nito habang parehas silang nakatingin sa kalangitan.

"Akala ko ba magkukwentuhan tayo?" tanong niya.

"Ano bang gusto mong malaman tungkol sa akin?" balik na tanong nito sa kaniya.

"Ikaw ang bahala kung ano ang gusto mong ikuwento tungkol sa sarili mo," sabi naman niya.

"Uhm sige. Wala na akong mga magulang. Galing ako sa bahay-ampunan. Tumakas ako doon nung binata na ako kasi ayaw ko sa masikip na mundo nila. Palagi lang nakakulong. Gusto kong maging malaya. Namumuhay akong mag-isa sa sarili ko. Hindi ako nakapag-aral ng kolehiyo pero nakapagtapos naman ako ng high school kahit na puro palakol ang marka ko."

Natawa siya sa sinabi nito.

"Hindi naman nakapagtataka," putol niya.

"Wow grabe ka naman," anito sa kaniya.

"Bakit wala ka ng mga magulang?"

"Hindi ko na sila nakilala dahil sa bahay-ampunan na nga ako lumaki at iniwan daw ako sa pintuan noong baby pa lang ako."

Bigla siyang natahimik. Hindi pala nito nakilala ang mga magulang nito.

"So paano kayo nagkakilala ni Daddy?"

"Tulad ng sinabi niya sayo tinulungan ko siya noong may holdaper na lumapit sa kaniya noong palabas na siya sa isang restaurant."

"At bakit mo naman ginawa iyon?" tanong niya. Nawawala ang inis niya dito kapag naaalala niya na tinulungan nito ang kaniyang ama. It means, kahit na ganito ang itsura nito ay alam niyang may kabutihan ito sa puso nito.

"Kung hindi ko gagawin iyon eh ang sama ko naman. Evil triumphs when good men do nothing," sabi nito na ikinanganga niya.

Totoo ba ang narinig niya dito? Bigla siyang namangha.

"Oh napanganga ka no? Nabasa ko lang yan dati," natatawang sabi nito.

"Buti hindi kayo napahamak ni Daddy sa holdaper na iyon noong tinulungan mo siya?" tanong niya dito.

Nagsindi muna ito ng yosi tapos tumingin ito sa kaniya.

"Alam mo Pennys, batang Tondo ako. Sanay ako sa away at gulo. Sanay ako makipagbasag-ulo. Pero hindi ako nananakit ng walang malalim na dahilan. Tinulungan ko yung Daddy mo kasi kung matinong tao ka, iyon naman talaga ang dapat mong gawin. So ngayon, matinong tao na ba ang tingin mo sa akin?" bigla ay tanong nito sa kaniya. Pinigilan niya ang mapangiti. Actually, kahit madalas itong makulit at pasaway eh mukhang matino rin naman ito. Malaki pala talaga ang utang na loob nila dito. Baka kung hindi nito tinulungan ang ama niya ay baka may nangyari ng masama dito. Hindi na niya kakayanin na mawalan pa ulit ng mahal sa buhay.

"Well, medyo nagbago na ang tingin ko sayo," sabi niya dito. Tumaas ang isang kilay nito.

"Medyo lang? Grabe naman. Kailan kaya mabubuo ang loob mo na matinong tao ako?"

Natawa siya.

"Hmm, kapag tuluyan ka ng naging mabait. Pero salamat sa pagliligtas mo kay Daddy ha?" aniya dito. Napatingin naman ito sa kaniya.

"Himala yata na nagpasalamat ka sa akin ngayon. Pero hindi ako tumatanggap ng salamat lang," bigla ay sabi nito na ikina-kaba naman niya.

"A-ano?" ulit niya sa binata.

"Hindi mo narinig? Magtutuli ka nga," anito sa kaniya.

"Narinig ko. Pero anong ibig mong sabihin na hindi ka tumatanggap ng salamat? What do you want?" tanong niya dito.

"Bukas sabay tayong magla-lunch sa canteen ng school niyo," seryosong sabi nito. Nangunot ang noo niya.

"A-ano? Bakit naman?"

"Anong bakit naman? Hindi ba puwede? Ang simple nga lang ng hinihingi ko sayo eh," sabi nito.

Sabay silang magla-lunch? Bakit naman iyon ang gusto nitong kapalit? Naguguluhan siya sa lalaking ito. Ayaw niyang pag-chismisan sila sa canteen. Baka mamaya ay kung ano pa ang sabihin ng mga tao.

"Bakit iyon ang gusto mo? Hindi ka ba natatakot na baka pagtawanan ka nila kapag may kasabay kang pangit na mataba?"

Nangunot ang noo nito sa kaniya at tinitigan siya sa mga mata. Hindi niya alam kung bakit parang biglang bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa tingin nito. Napagmasdan niya ang kabuuan ng mukha ni Rocky. Narealize niya na halos ang perfect pala ng mukha nito. Ang tangos ng ilong. Ang ganda ng labi. Pati mga mata at pilikmata ay ang ganda rin.

"Bakit anong problema? Wala namang mali sayo ah," sabi nito kaya napakurap siya.

"H-huh?"

Humithit ito ng sigarilyo saka bumuga ng usok. Bahagya itong lumayo sa kaniya.

"Basta bukas sabay tayong magla-lunch. Kapag hindi ka pumayag manggugulo ako sa buong oras ng klase mo," banta nito sa kaniya kaya namilog ang dalawang mata niya.

"T-teka—"

"Wag ka na magsalita. Matulog ka na. Maaga pa tayo bukas," putol nito sa sasabihin niya. Naiwan siyang nakatanga dahil bumalik na si Rocky sa kabilang bahay. Nang nasa tapat na ito ng pintuan ng bahay ay lumingon pa muna ito sa kaniya saka kumindat.

"Goodnight Pennys," anito saka tuluyan ng pumasok sa loob ng kabilang bahay.

Continue Reading

You'll Also Like

983K 33.8K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
854K 42.8K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
1.9M 24.4K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...