Game Over (EndMira: Ice -- bo...

By alyloony

28.9M 742K 198K

Five years have passed and finally, Timi is back in the Philippines. Being away and studying culinary abroad... More

Intro
chapter 1 (01/05/15)
Chapter 2 (01/08/15)
Chapter 3
Chapter 4 (2/2/15)
Chapter 5 (2/9/15)
Chapter 6 (2/17/15)
Chapter 7 (2/24/14)
Chapter 8 (03/13/15)
Chapter 9 (3/19/15)
Chapter 10 (3/28/15)
Chapter 12 (4/15/15)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16 [6/16/15]
Chapter 17 (6/20/15)
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 (Last Chapter)

Chapter 11 (4/6/15)

677K 17.6K 3.1K
By alyloony

Chapter 11

 

[Timi’s POV]

 

Timi, kalma.

            Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin ng comfort room dito sa mall. Nag smudge na ang eyeliner ko at nagkaroon ng dalawang itim na guhit sa gilid ng mata ko. Mukha akong lumuha ng tintang itim

            KASALANAN MO ‘TO MONASTERIO!

            Nag hilamos ako. Binura ang marka ng luha sa gilid ng mata ko. Nag-retouch ako ng bongga. Yung magandang-maganda. Yung blooming. Yung mukhang masaya.

            Kahit deep inside mukha na akong pinagsakluban ng langit at lupa.

            Matapos kong magpaganda ay taas noo akong lumabas sa restroom. Oonti na lang ang tao sa mall. Halos pasara na kasi ito.

            Tumingin ako sa kaliwa’t-kanan ko. Ewan. Nagbabakasakali na nandoon si Ice? Na baka sinundan niya talaga ako? Na magpapaliwanag siya sa akin at gagawin niya ang lahat pakinggan ko lang siya?

            Alam kong hindi na ako makikinig sa kanya. Hindi ko na kayang maniwala sa mga sasabihin niya.  

            Pero nakakainis. Yung hindi ko siya nakita, I feel disappointed.

            Timi, tama na.

            Napa-hinga na lang ako ng malalim at naglakad na ako papunta sa parking lot.

            Ang bigat sa dibdib.

            Nag e-echo ang boses ni Ice sa tenga ko.

            “I love you.”

            Five years ago, sinabi rin niya sa akin ‘yan. Hindi ko na matandaan ang pakiramdam ko nang banggitin niya yun. Hindi ko na matandaan kung gaano ako kasaya nun.

            Pero tandang-tanda ko pa kung gaano ako nasaktan.

            Nakakabaliw na sakit.

            Yung tipong gabi-gabi ako nagdarasal na sana panaginip lang ang lahat. Yung tipong pag gising ko, walang Ice na nag e-exist sa mundo ko. Na nasa panaginip ko lang siya.

            Naranasan ko nung panahon nay un ang kung paano magsisi ng husto na nakilala mo ang isang tao.

            Bakit ba siya nag transfer sa eskwelahan namin? Bakit ko ba siya nilapitan at sinubukang maging akin?

            Ang dami kong pinagsisisihan.

            Game over.

            Natalo ako noon.

            Noon.

            Ayoko nang maulit yun ngayon.

            Gustong gusto kong maniwala sakanya. Pero wag na. Nakakatakot.

            Ayoko nang matalo ulit.

            Pagkabalik ko sa apartment, nakita ko si Rika na nakasalampak sa sofa habang nanunuod ng movie at kumakain ng ice cream.

            Naupo ako sa tabi niya at tinignan ang pinapanuod niya. Doon sa movie, may isang multong nasa ibabaw ng cabinet habang nagtitilian yung mga nakakita.

            “Anong palabas ‘yan?” tanong ko sa kanya.

            “The Conjuring,” sagot niya na parang wala-wala lang.

            “Nakakatakot?”

            She shrugged her shoulders.

            “Penge nga,” inagaw ko yung ice cream na kinakain niya. Hinayaan niya lang ako. Nakatitig lang siya sa tv screen. Nakakatakot na ang eksena pero pareho lang kaming poker face ni Rika.

            “May mas nakakatakot pa kesa sa mga multo,” sabi ko.

            Nilingon ako ni Rika.

            “Ano?”

            “Boys,” I said with full of disgust.

            Napatawa si Rika.

            “Nga pala, may naghahanap sa’yo kani-kanina lang.”

            “Hmm? Sino?” nagtataka kong tanong.

            “Si Ice.”

            Napa-ayos ako ng upo at ibinaba ko yung ice cream na hawak ko.

            “Anong oras?”

            “Fifteen minutes ago.”

            Fifteen minutes ago? Ibig sabihin sinundan niya nga ako.

            My heart fluttered.

            Leche ka heart! Ba’t ka nag f-flutter!

            “Ano sabi mo sa kanya?” tanong ko kay Rike while trying my best not to show my curiosity.

            “Sabi ko hindi ka rito uuwi ngayon. Doon ka sa bahay ng parents mo.”

            “Naniwala naman siya?”

            “Oo naman. Ako ang nagsabi eh. Kelan ba nagsinungaling si Rika?”

            Pareho kaming napangiti sa isa’t-isa.

            “Disappointed?” pahabol na tanong niya.

            “Hindi ah! Ba’t naman. Wala akong paki ‘no. Ayoko siyang makausap.”

            “Talaga lang huh.”

            Binato ko ng unan si Rika.

            “Kaibigan ba talaga kita? Ba’t ayaw mo akong paniwalaan!”

            “Bakit? Wala naman akong sinabi ah!” natatawa-tawa niyang sabi sabay bato pabalik nung unan sa akin.

            “Eh kasi ikaw eh! Inaasar mo talaga ako!” at binato ko ulit yung unan sa kanya.

            “Hindi kaya! Tinatanong ko lang kung disappointed ka! Bigla ka kasing sumimangot nung sinabi kong pinaalis ko si Ice! Palibhasa mahal mo pa!” sapul ako sa mukha nung binato ulit sa akin ni Rika ang unan.

            “Hoy! Masakit ka na magsalita ah! Grabe ka na ha!”

            Tumawa ng malakas si Rika, “kaya nasasaktan kasi totoo.”

            “Ewan ko talaga sa’yo! Mag-sama kayo niyang multong pinanunuod mo!”

            Binalik ni Rika ang tingin niya sa multo.

            “Mas pipiliin ko pa ang multo kesa sa boys. Sakit sila sa ulo,” malungkot na sabi nito.

            Napangiti ako ng malawak at ibinato ko sa kanya yung unan. Sapul ang gilid ng ulo niya.

            “Drama mo!” natatawa-tawa kong sabi sa kanya.

            At sabay kaming nagtawanan.

            Thank you God dahil ibinigay mo sa akin ang isang Rika.

            Biglang nag ring ang phone ko at agad kong tinignan kung sino ang tumatawag.

            It’s Ayen.

            Ano naman ang kailangan ng glutton na ‘to?

            Sinagot ko yung call.

            “Problema mo?!” pambungad ko sa kanya.

            “Wow ang ganda mo mag hello ah!” dinig kong sabi niya mula sa kabilang linya.

            “Ba’t ka napatawag?”

            “Gusto lang kita i-congrats.”

            “Huh? Saan?”

            “Sikat ka na!”

            “Hay naku Ayen. Lasing ka ba ha?”

            “Ayaw mo maniwala? Open your facebook. May tinag ako sa’yo.”

            I ended the call at dali-dali kong inopen ang facebook account ko. At nang makita ko ang tinag sa akin ni Ayen, samu’t-saring mura ang namutawi sa labi ko.

            “Bakit? Anong meron?” tanong ni Rika.

            Hindi ako nakapag-salita. Nanlalambot kong inabot ang phone ko sa kanya.

            “Oh my god,” napatakip ng bibig si Rika nang mapanuod niya ang viral video namin ni Ice---naglalakad sa mall at nakaakbay siya sa akin.

            “I will kill that guy!” nanggagalaiti kong  sabi.

            “Girl, bago mo mapatay si Ice, mukhang ikaw ang mauuna. Grabe oh, katakot-takot na death threats ang i-kino-comment ng mga obsessed fans sa video! At wait. Wow trending ka rin sa twitter! Number one pa! Sikat ka na!”

            Napatakip na lang ako ng mukha.

            Kanina lang kinunan yun ah? Bakit ang bilis kumalat?

            Tsaka ano ba! NAkita lang naman ako na naglalakad sa mall kasama si Ice. Naka-akbay siya sa akin oo. Mukha bang may malisya yon? Hindi naman kami nag sex sa gitna ng mall para ipakalat nila ang video na yun ah!

            NAGLALAKAD LANG KAMI.

            ANONG BIG DEAL DOON AT PARA MAG TRENDING ‘YON?!

            Biglang tumunog ulit ang phone ko.

            “Kung isa sa mga EndMira ‘yan pakisabi ayoko silang makausap!” sabi ko kay Rika na hawak-hawak pa rin ang phone ko.

            “Ah Timi, it’s your dad.”

            Agad kong kinuha ang phone kay Rika at nakita ko ngang si daddy ang tumatawag.

            Holy crap.

            Sinagot ko yung call.

            “H-hello? Daddy! How are you? Kamusta ang pinaka-gwapong tatay ko?” pangbungad ko sa kanya. Syempre dapat bolahin. Mamaya nakita niya yung video edi lagot ako.

            “Anak,” dinig kong sabi niya mula sa kabilang linya.

            Napalunok ako.

            Ang seryoso ng boses niya.

            “D-dad?”

            “Kung mag b-boyfriend ka, sana dinadala mo sa bahay at ipinapakilala sa amin hindi yung malalaman pa namin sa internet.”

            Oh my god. Oh my god.

            “D-daddy, ano kasi—“

            “Bukas dalhin mo siya dito.”

            “Dad kasi ano—“

            “Wag ka nang mag dahilan. Wag mong pasamain ang loob namin ng mommy mo. Basta bukas. Dito kayo mag dinner!”

            At bago pa ako maka-angal, he ended the call.

            WHAT THE HELL.

To be continued…

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
28.4M 853K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
3.4M 94.5K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
7.3M 190K 35
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...