The Sound of Gunfire

By RGFilipina

32.7K 1.7K 204

Matagal nang tinalikuran ni Annika Faustino ang buhay sa lalawigan ng Elena dahil sa tatlong dahilan: gyera... More

The Sound of Gunfire
Annika
Andrus
Thank You
Girlfriend
Flowers
Cold Compress
Playboy
First Day of Campaign
Luneta
Gunshot
Protect
Fear
The Governor
Busy
Family
Indenial
Basement
Fall
I Like You
Intention
Guard
Help
Need
Explosion
Confused
Dream
Promise
Left
Pain
Truth
Desperate
Priority
Yes
Secret
Kiss
Anger
Trust
Arrested
Choice
Impossible
Realize
Greater
Work
Eyes
Remember
Storm
Home
Caught
Black
Sound
Wakas

Battle

425 20 3
By RGFilipina

ANDRUS

SA SOBRANG galit, tuluyan nang humigpit ang hawak ko sa cellphone. Nasa tainga ko pa ito kanina ngunit nang marinig ang sinabi ni Ate Lisa, agad ko itong nilayo sa pandinig dahil sa galit.

Kaya pala hindi ko mahanap si Annika sa kahit saang lugar dito sa building kung nasaan ang opisina ni Tito Alvaro dahil umalis sila ni Finian. Ang mas malala pa, hindi sila nagsabi kung saan pupunta!

"Ano raw ang sabi?" tanong ni Dajani na nakisabay lang sa akin pauwi dahil madadaanan namin ang bayan. Pumayag na rin ako para hindi siya mag-commute. Pero bago namin gawin 'yon, nagkasundo kami na sunduin na muna sina Annika at Finian. Kaya lang, ito ang nadatnan namin. "Bakit daw wala ang magkapatid dito?"

Umigting ang bagang ko sa tanong na 'yon. Narinig ko ang pagsinghap niya dahil sa naging reaksyon ko.

"Hoy! Ano ba 'yon?" Matapang ang tono ng pananalita niya pero ramdam ko ang takot. "Bakit galit ka na naman? Ano'ng nangyari kay Miss Annika?"

"Umalis sila," maiksing tugon ko bago muling harapin ang cellphone at manipulahin ito para hanapin ang number ni Annika. "Hindi raw nagsabi kung saan pupunta kaya hindi maganda ang kutob ni Ate Lisa."

"Saan naman kaya sila pupunta?"

Hindi muna ako sumagot dahil binabantayan ko ang pag-ring ng cellphone ni Annika. Kaya lang, ilang beses ko nang ginawa 'yon pero hindi niya talaga sinasagot.

Ilang sandali pa'y biglang tumunog ang cellphone ko para sa tawag ni Spencer. Dulot ng matinding iritasyon dahil sa pagkabigo na pangalan niya ang sumulpot  , madiin ang naging pagpindot ko sa screen.

"Andrus, nasaan ka?"

Kumunot ang noo ko dahil kanina lang ay magkasama kami. Nagpaalam lang ako sandali dahil iuuwi ko dapat si Annika.

"Nasa city hall. Bakit?"

"Tinawagan ako ng isang officer mula sa nagbabantay sa isa sa mga saradong kalsada malapit sa Santa Lila. Ang sabi nila, namataan daw nila na dumaan malapit doon ang sasakyan ni Finian."

Nanlaki ang mata ko. Napatingin pa ako kay Dajani na nag-aabang sa bawat reaksyong ibibigay ko.

"Pero huwag mo na silang habulin," pahabol ni Spencer na nagpakunot sa noo ko. "Malakas ang kutob ko na may pupuntahan sila. Hindi sila dadaan sa lugar na 'yon nang basta-basta para sa wala. Huwag kang mag-alala, hinahanap na sila ngayon ng mga pulis."

Muli na naman akong nairita dahil sa sinabi niya. "Ano ang gusto mong gawin ko rito? Tumunganga? Ngayon pa kung kailan hindi makita si Tito Alvaro—"

"Dahil gusto kong pasukin mo ang opisina ni Alvaro Faustino ngayon, Andrus," putol niya. "Sigurado akong may clue ka na makikita riyan kung saan natin siya matatagpuan. Diyan galing ang magkapatid, 'di ba? Tingin ko may nalaman sila kaya sila umalis."

Kung kanina'y iritado pa ako, ngayon ay litong-lito na ako. Gusto ko sana magtanong pero walang salitang lumabas sa bibig ko.

Naguguluhan ako sa sinabi ni Spencer. Paano naman niya nasabi na may nalaman sina Annika at Finian na relevant sa kaso ng kanilang ama? Hindi ba puwedeng umalis lang ang magkapatid dahil gustong mag-unwind?

'Yon lang sana ang gusto kong isipin ngunit may isa pang sinabi si Spencer na kumalabit sa pang-unawa ko.

Dumaan daw ang sasakyan nina Finian at Annika malapit sa saradong kalsada. Bakit kaya?

Alam ni Annika na delikado iyon. Alam kong hindi rin siya papayag na dumaan doon. Matatakutin si Annika, at may matinding disgusto sa mga kumplikadong bagay. Ayaw niya nang nahihirapan. At isa pa, kasama niya ang kapatid kaya mas lalong hindi niya ilalagay sa alanganin ang sitwasyon nila. Bukod doon, umalis din sila nang hindi nagsasabi.

Baka nga tama si Spencer. Umalis sina Annika at Finian dahil may gusto silang gawin na siguradong may kinalaman sa nangyari sa kanilang ama.

Iyon ang naging motibasyon ko para pasukin ang opisina ni Tito Alvaro. Pinayagan ako ng sekretarya dahil malapit ako sa mga Faustino. Kasama ko pa rin si Dajani na ngayon ay gulong-gulo sa kinikilos ko.

"Uy! Wala nga rito 'yong dalawa! Saan mo sila hahanapin? Sa loob ng mga kahon?" aniya sabay turo sa mga naglalakihang kahon na naglalaman ng donasyon galing sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. "Umalis na tayo rito! Hindi mo ba nakita 'yong itsura ng sekretarya? Pakiramdam ko nagdududa na 'yon! Bawal nga malaman ng publiko na nawawala si mayor, 'di ba?"

Tinigil ko ang pagsuri sa bawat sulok ng opisina upang harapin si Dajani. "Malakas ang kutob ni Spencer na may nalaman sina Annika at Finian kaya sila umalis. Galing sila rito sa opisina kaya siguradong dito nila nalaman 'yon."

Natigilan si Dajani at bahagyang sumeryoso ang mukha. Binalik ko naman ang atensyon sa paghahanap sa isang bagay na hindi ko alam.

Ano nga kaya ang puwedeng makita nina Annika at Finian dito? Mga papel, donasyon, at libro lang naman ang nagkalat sa opisinang ito.

Nilapitan ko ang lamesa ni Tito Alvaro. Isa-isa kong sinuri ang mga 'yon ngunit kahit ano'ng gawin ko, wala talaga akong makita na clue.

"Alam mo, bawal 'to." Napatingin ako kay Dajani na isa-isang sinisilip ang bawat kahon. "Hindi dapat tayo nang-i-invade ng privacy. Kapag may nawala rito, siguradong tayo ang sisisihin."

"Wala naman tayong kukunin dito kaya walang mawawala," simpleng sagot ko bago muling ibaba ang tingin sa mga papel.

Hindi siya tumugon ngunit ramdam ko ang matinding disgusto niya sa ginagawa naming ito.

Ilang oras yata kaming naghanap ng kung ano sa opisina ngunit wala kaming napala. Hanggang sa pumasok na ang sekretarya, wala kaming nakuhang impormasyon.

"Hindi na yata papasok si Mayor Alvaro ngayon, Sir Andrus," nakangiting wika niya. Ni hindi manlang siya nagtaka kung bakit hindi nagparamdam sa kanya ang mayor buong araw.

"Alam mo ba kung bakit?" si Dajani na nakatitig nang mariin sa sekretarya, tila nagtataka rin kung bakit parang hindi ito nababahala.

Umiling ang sekretarya. "Wala po siyang sinabi, eh. Buong araw ko nga po siyang hindi nakausap."

"Talaga?" Tumaas ang kilay ni Dajani.

Tinawanan ng sekretarya ang reaksyon ng kasama ko. "Huwag po kayong mag-alala, gano'n talaga si mayor. Minsan nga tatlong araw siyang walang paramdam sa amin. Ang alam ko lang, may pinupuntahan siya kapag gano'n. Ayaw magpaistorbo."

Nagkatinginan kami ni Dajani. Ramdam kong gusto niyang magtanong ngunit mas pinili niyang ibigay sa akin ang pagkakataon na 'yon.

"Alam mo ba kung saan siya pumupunta? May nasabi ba siya sa 'yo?"

"Wala naman, sir," sagot ng sekretarya. "Hindi niya sinasabi pero alam kong sa Elena lang 'yon. Alam pa rin kasi niya ang mga nangyayari rito kahit wala siya. Iniisip na nga lang namin na baka nagtatrabaho siya kahit wala siya rito sa opisina. Medyo low-key rin kasi si Mayor Alvaro. Alam mo 'yan, Sir Andrus."

Tumawa siya ulit na hindi ko masabayan dahil sa maraming iniisip.

Iyon kaya ang nalaman ng magkapatid? Na-diskubre kaya nila ang ginagawa ni Tito Alvaro? Nalaman kaya nila kung saan ito nagpupunta?

Sa kalagitnaan ng pag-iisip, muling tumunog ang cellphone ko. Ang akala ko'y si Spencer na naman ang tumawag ngunit nang makita ang ibang pangalan, mahinahon ko itong sinagot.

"Tito Marcel..."

"Andrus," baritonong boses niya. "Puwede ba tayong mag-usap?"

Mula sa nakangiting sekretarya, nalipat ang tingin ko kay Dajani na nakatitig sa akin.

"Sige po. Saan?"

"Dito na lang sa bahay."

Naiintindihan ko dahil sa mga oras na 'to, walang magandang lugar na puwedeng puntahan dala ng malalang pinsala galing sa bagyo.

"Sige po. Pupunta ako riyan."

Pagbaba ng tawag, agad akong nagpaalam sa sekretarya. Gabi na rin kaya tapos na ang trabaho niya. Pumasok lang siya rito para sabihin sa amin na hindi na darating si Tito Alvaro. Kailangan na rin niyang i-lock ang opisina.

"Ihahatid kita sa bayan," sabi ko kay Dajani habang naglalakad kami patungo sa sasakyan. "Madadaanan natin 'yon papunta sa bahay ni Tito Marcel."

"Bakit ka pinapupunta ni Sir Marcel sa kanila?" Nahimigan ko ang magkahalong pagtataka at pagbabanta sa boses ni Dajani na para bang gusto niya akong pigilan sa gagawin kong masama.

"Hindi ko alam," sagot ko bago pumasok sa loob ng sasakyan. Pumasok na rin siya at agad na kinabit ang seatbelt. "Pero hindi mo na kailangang sumama sa akin. Ibababa lang kita sa bayan gaya ng usapan."

"Sasama na ako sa 'yo," tugon niya na nagpatigil sa ginagawa ko. Napaangat tuloy ako ng tingin sa kanya. "Kinakabahan ako sa 'yo, eh. Sasabihan ko na lang si Ravena na hindi ako makasisipot sa usapan—"

Binuhay ko muna ang makina ng sasakyan bago siya sinagot, "Wala kang dapat ikabahala. At isa pa, mag-uusap lang kami."

Punong-puno ng sarkasmo ang ginawa niyang pagtawa. "Mag-uusap lang? Ang lang na 'yan ay siguradong may kinalaman sa nangyari kay Mayor Alvaro. Alam kong 'yan ang iniisip mo kaya kahit nawawala si Annika, pupunta ka roon."

Gusto kong tumanggi ngunit tama siya.

Sa boses pa lang ni Tito Marcel, alam kong may mahalaga siyang sasabihin. Kilala ko siya. Kung hindi iyon importante, kaya niyang sabihin iyon sa telepono lalo't alam niyang abala ako sa rescue operation.

"Kaya huwag mo akong pigilan. Sasama na ako sa 'yo," dagdag pa ni Dajani kaya napabuntong-hininga na lang ako. "Huwag kang mag-alala, dito lang naman ako sa sasakyan. Hindi ako papasok sa loob."

Hindi na ako umimik dahil sa paraan ng pagkakasabi niya, alam kong walang kahit anong magpapatibag sa desisyon niya.

Tss. Bahala siya.

At dahil hindi natuloy ang pagpunta niya sa bayan, sunud-sunod ang tawag na natanggap niya. Ayaw niyang sagutin ito noong una ngunit dahil naubos na yata ang kanyang pasensya...

"Oh, ano?" iritado niyang bungad sa katawagan. "Kasama ko si Andrus ngayon, Gio. Magkita na lang tayo sa ibang araw... Huh? Susunod ka?"

Nagkatinginan kami ni Dajani. Umiling ako para pigilan niya si Ravena. Nakuha naman niya agad ang ibig kong sabihin.

"Huwag na! Ang kulit mo! Magkita na nga lang tayo sa ibang araw!" mariin niyang sambit bago ibaba ang tawag. Pinatay rin niya ang kanyang cellphone. "Ang kulit.."

Sandali akong tumitig sa iritado niyang mukha bago binalik ang mata sa kalsada.

Hindi ako manhid para hindi maramdaman ang kung ano'ng mayroon sa kanila. Hindi ko lang pinapansin dahil wala naman akong pakialam. At isa pa, abala ako sa ibang bagay para isipin pa sila.

Ngunit ngayon, hindi ko maiwasan.

Sa bawat araw na nakasasama ko sila, napapansin ko ang mga kilos ni Ravena. Alam kong matalik niyang kaibigan si Dajani kaya normal lang kung kumilos siya sa paraan na mas higit sa kung paano kami magtratuhan ni Dajani.

Pero gaya niya, lalaki rin ako. Naiintindihan ko ang bawat salita, sulyap, at kilos niya.

Hindi ko maiwasang ngumisi sa mga naiisip. Ayaw kong makita ni Dajani iyon ngunit nahuli pa rin niya ako.

"Ano'ng nginingisi-ngisi mo riyan?"

Hindi ako umimik. Umiling lang ako at pilit na nagseryoso.

"Nawawala ang mga Faustino tapos nagagawa mo pang ngumisi! Tss." Umirap siya at tinuon na lang ang atensyon sa katabing bintana.

Dahil sa sinabi niya, muling nanumbalik ang galit sa dibdib ko.

Nawawala ang mga Faustino...

"Andrus!" biglang sigaw ni Dajani sabay turo sa sasakyang bigla na lang tumabi sa amin. Mabilis ang takbo nito kaya naunahan niya kami. Tumapak agad ako sa preno nang huminto ito sa harap namin. "Aray!"

Matindi ang puwersa ng pagpreno ko kaya matindi rin ang pagpigil ng seatbelt sa katawan ni Dajani. Gusto ko pa sana siyang tanungin kung okay lang siya ngunit masyadong napukaw ang atensyon ko sa sasakyang humarang sa amin.

Kaya nang makitang ayos naman ang lagay ni Dajani, lumabas agad ako upang harapin ang sasakyan. Natigilan nga lang ako sa paglalakad nang makita ang bumaba mula roon.

"Ivonne?"

Ano ang ginagawa niya rito? At bakit niya kami hinahabol?

"Where's dad?" pagalit niyang sambit bago padabog na isara ang pinto ng kanyang kotse. "Ang sabi sa station, kasama mo raw siya kanina!"

"Ano ang ginagawa mo rito?" Ginala ko ang paningin sa madilim at malamig na kalsada. Ang alam ko'y nasa Maynila siya kaya ano ang ginagawa niya rito? Paano siya nakauwi?

"Don't change the topic, Andrus! Alam ko ang nangyari kay Mayor Alvaro!"

Nanlaki ang mata ko. Paano niya nalaman 'yon? Siguradong hindi galing kay Spencer ang impormasyong iyon dahil alam niyang ganito ang magiging reaksyon ng kanyang anak.

"Kaya ako umuwi rito dahil nilagay mo na naman sa kapahamakan ang tatay ko!"

"S-Sandali, Ivonne. Paano mo nalaman—"

"It doesn't matter!" sigaw niyang umalingawngaw sa tahimik na kalsada. "Actually, nagpapasalamat pa ako sa taong 'yon dahil sinabi niya sa akin ang ginagawa n'yo! Bakit ba palaging tatay ko ang nilalapitan mo, ha? You're a soldier! Bakit hindi ikaw ang gumawa ng mga delikadong misyon n'yo? Nilalagay mo pa sa alanganin ang buhay ng tatay ko, eh!"

Pumikit ako nang mariin upang mag-isip. Paano kaya niya nalaman ito? At... teka!

"Sino ang nagsabi sa 'yo tungkol sa nangyari kay Tito Alvaro?" desperado kong tanong dahil kung sino man iyon, siguradong may kinalaman siya sa lahat ng ito!

Mahigpit ang utos ni Spencer sa kanyang mga kasamahan na hindi ito puwedeng malaman ng kahit na sino. Kung may makaalam man sa mga kasamahan ko, siguradong natimbrehan na sila ni Captain Cervantes na huwag din ipagkalat iyon.

"Ang tanong ko rito, nasaan si Papa!" singhal ni Ivonne. "Just answer my d*mn question—"

Humakbang pa lalo ako palapit sa kanya kaya natigilan siya. Kitang-kita ang gulat sa mukha niya habang nakatingin sa distansya namin. Kung tingnan niya ako'y parang wala akong karapatan na lumapit sa kanya nang ganito.

"Ivonne, please. Kailangan kong malaman kung sino ang nagsabi sa 'yo nito."

Kinunot niya ang kanyang noo upang pagtakpan ang pagtataka sa kinikilos ko. Nanatili namang mapungay ang mata ko, nagmamakaawa para sa impormasyong alam niya.

"Bakit? Tell me." Mahinahon na iyon ngunit ramdam ko pa rin ang tinitimping galit.

Gusto ko mang sagutin ang tanong niya ngunit mas pinili kong itikom ang aking bibig.

Alam ko ang iniisip niya. Siguradong manghihimasok pa siya lalo sa ginagawa namin ng ama niya kapag may nalaman siya. Ayaw ni Spencer mangyari 'yon kaya ayaw ko rin.

"You don't want to tell me?" Nagtaas siya ng kilay at mas lalong tumalim ang tingin sa akin. "Fine. Kung ayaw mong sabihin sa akin, susundan ko kayo. Kanina pa ako nakasunod sa 'yo, Andrus. You can't just—"

"Andrus!" biglang tawag ni Dajani na kalalabas lang ng sasakyan. Naglakad siya palapit sa amin ni Ivonne. Noong una'y naniningkit pa ang mata niya at parang gusto itong pagsabihan; ngunit nang tuluyang makalapit... "Miss Ivonne?"

Hindi nagsalita si Ivonne. Tumingin lang siya kay Dajani na para bang may malaki itong atraso sa kanya.

"Ano ang ginagawa n'yo rito?" tanong pa ni Dajani.

"I want to come with you," tipid na sagot ni Ivonne.

"Huh? Kay Sir Marcel po kami pupunta—"

Siniko ko sa tagiliran si Dajani kaya napahinto siya. Pagbalik ko ng tingin kay Ivonne, mas lalo lamang bumalot ang kadiliman sa mukha niya.

"I'll go with you," pinal niyang sambit bago kami talikuran upang pumasok sa kanyang kotse.

Nagkatinginan kami ni Dajani. Punong-puno ng pagtataka ang mukha niya para sa akin. Umiling na lang ako at tahimik na bumalik sa sasakyan.

Labag man sa loob, hinayaan ko na lang sumunod si Ivonne. Panay naman ang tanong ni Dajani kung bakit bawal daw malaman ni Ivonne ang ginagawa namin. Tatay naman daw nito si Spencer kaya puwedeng pagkatiwalaan. Mahirap ipaliwanag 'yon kaya hindi ko na sinagot.

Katahimikan ang sumalubong sa amin pagdating sa bahay ni Tito Marcel. Dalawa kami ni Ivonne na g-in-uide ng kasambahay papasok sa loob hanggang sa makaakyat sa study room.

Nadatnan namin doon si Tito Marcel na nakatalikod mula sa amin upang pagmasdan ang madilim at malamig na tanawin sa labas.

Sumara ang pinto ng study room para sa paglabas ng kasambahay. Kasabay no'n ang pagharap sa amin ni Tito Marcel. Ni hindi manlang siya nagulat na may kasama ako ngayon.

"Bakit n'yo po ako gustong makausap?" tanong ko.

"What the hell is happening here? And where's my father?" iritadong tanong naman ni Ivonne.

Yumuko si Tito Marcel na para bang nagdadalawang-isip magsalita. Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil doon.

Ayaw kong mag-isip ng kung ano pero hindi ko maiwasan. May... nalalaman kaya siya tungkol sa nangyari kay Tito Alvaro?

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Andrus."

Kumunot ang noo ko at mas lalo lamang kinabahan.

"Pagkatapos makulong ni Lorenzo, nagkita sina Alvaro at Hugo..." mahina at malamig na sambit ni Tito Marcel. "Andrus, gusto ni Hugo na iurong ni Alvaro ang pagsampa ng kaso kay Lorenzo."

Umawang ang bibig ko, hindi makapaniwala sa mga narinig. Para akong sumabak sa isang examination na hindi handa kaya nalilito at nagugulantang ako.

"Ano po ang ibig n'yong sabihin?"

Sinalubong niya ang mga mata ko bago nagsalita, "Kinumbinsi ni Hugo si Alvaro na iurong ang kaso at hayaan siyang ilagay sa kamay ang magiging kapalaran ni Lorenzo. Ngunit hindi pumayag si Alvaro."

Naglakad siya palapit pa lalo sa akin dahilan upang mas maging malinaw ang magkakahalong emosyon sa mga mata niya. Punong-puno 'yon ng takot, konsensya, at galit.

"Sinabi sa akin ni Alvaro lahat ng ito kaya pinaimbestigahan ko si Hugo. Nalaman ko na dahil ayaw pumayag ni Alvaro sa kanya, b-in-lackmail niya si Damian upang kumbinsihin si Alvaro. Inisip ni Hugo na kapag isang Hilario na ang lumapit kay Alvaro, siguradong papayag na ito. Ngunit nagkamali siya dahil matindi ang paninindigan ni Alvaro."

Suminghap sa tabi ko si Ivonne ngunit parehas kaming hindi natinag ni Tito Marcel. Mariin pa rin ang titig namin sa isa't isa.

"At dahil hindi effective ang ginawa niya kay Damian, dinaan niya sa marahas na paraan ang lahat. Pinakuha niya si Alvaro upang sapilitang kumbinsihin na iurong ang kaso kay Lorenzo."

"Pero bakit?" Sa wakas ay nagkaroon na ako ng lakas para tanungin 'yon. "Hindi ba't galit si Hugo kay Lorenzo? Bakit gusto niyang makalaya ito?"

"Naaalala mo ba ang sinabi ni Lorenzo noon tungkol sa ginawa sa kanya ng pamilyang Ceja?"

Natahimik ako at napayuko na lamang habang unti-unting kinukuha ang ibig niyang sabihin.

"Dahil sa sinabing iyon ni Lorenzo, maraming nagduda sa pamilyang Ceja. Nakulong nga si Lorenzo pero narumihan naman ang pangalan ng mga Ceja. Hindi matanggap ni Hugo 'yon kaya gusto niyang makalaya si Lorenzo para makaganti siya. Ayaw mangyari ni Alvaro 'yon dahil bukod sa mali, gusto niyang protektahan ang mga Ceja. Ayaw niyang madagdagan pa lalo ang rason para kaayawan ang pamilyang ito ng mga tao."

Kung gano'n, totoo ngang may tinatago ang mga Ceja. Totoo lahat ang mga sinabi ni Lorenzo. Na kaya siya naghiganti noon dahil biktima sila ng kalupitan ng mga Ceja.

At gusto itong tapusin ni Tito Alvaro. Gusto niyang matapos na ang hidwaan sa pagitan ng dalawang pamilyang may dahilan kung bakit namatay si Tita Alicia. Gusto niyang itigil na ang mahabang panahong galit sa puso ng magkabilang panig.

Ito ang dahilan kung bakit ayaw ni Tito Alvaro na mangyari ang gusto ni Hugo. Ayaw niyang makalaya si Lorenzo hindi lang dahil sa malaki ang atraso nito sa kanya, kundi para na rin hindi makagawa nang masama si Hugo Ceja.

"Si Norman..." biglang sambit ni Ivonne kaya napatingin kami sa kanya. "Siya ang nagsabi sa akin na nawawala si Mayor Alvaro, at kayo ni Papa ang naghahanap sa kanya. Delikado raw iyon kaya dapat ko raw kayong pigilan. Sila na lang daw ang bahalang maghanap kay Mayor Alvaro dahil may kilala silang magagaling na pulis galing sa Maynila."

Nanlaki ang mata ko. Pati ba naman si Ivonne, gagamitin nila?! Ayaw nilang mahuli namin sila kaya ginamit din nila si Ivonne para pigilan kami ni Spencer!

"Kailan kayo nag-usap ni Norman?" tanong ni Tito Marcel.

"Kahapon lang. He's my friend here in Elena dahil naging magkaklase kami noon. Hindi naging mahirap ang communication namin dahil doon. At hindi ko akalaing..."

Napuno ng magkahalong takot at galit ang mukha niya. Bigla tuloy sumagi sa isipan ko si Spencer. Ayaw niyang nai-involve ang anak niya rito kaya kapag nalaman niya ito, siguradong yari ako.

Huminga nang malalim si Tito Marcel kaya sa kanya naman napunta ang atensyon ko.

Kung pagmamasdang maigi, parang ilang araw siyang hindi natulog. Hindi ko siya masisisi dahil naging abala rin siya nitong mga nakaraang araw sa pagtulong sa mga nasalanta. Nagkasama kami isang beses sa evacuation center kaya alam kong tumutulong din siya.

Ngunit hindi lang 'yon ang dahilan kung bakit ganito ang itsura niya. Bukod sa rescue operation, bumagabag din si Hugo Ceja sa isipan niya.

Ilang sandali pa'y naistorbo ang tahimik na study room dahil sa dalawang cellphone na tumunog. Ang isa sa akin at ang isa nama'y kay Tito Marcel.

Tumatawag si Spencer sa akin kaya awtomatikong bumagsak ang tingin ko kay Ivonne. Tulala nga lang siya at malalim ang iniisip kaya wala pakialam sa nangyayari sa kanyang paligid.

"Hello..."

"Andrus! Natagpuan namin ang sasakyan nina Annika at Finian sa tapat ng bahay ng mga Ceja!"

Nanlaki ang mata ko. Napatingin na rin ako kay Tito Marcel na nanlalaki rin ang mata habang may kausap sa kanyang cellphone.

"Pero, Andrus, walang tao sa bahay ng mga Ceja!"

Magsasalita pa lang sana ako ngunit natigilan ako dahil biglang naging mabilis ang kilos ni Tito Marcel. Matulin ang pagbaba niya ng tawag hanggang sa pagharap sa akin.

"Andrus, alam na ng mga tauhan ko kung saan dinala ni Hugo si Alvaro. We need to go there!" nagmamadaling sambit ni Tito Marcel na siguradong narinig ni Spencer na ngayo'y buhay pa sa kabilang linya.

"I'll go with you!" biglang sambit ni Ivonne. "Kasama n'yo si Papa, right? Sasama ako kung gano'n!"

Aangal sana ako ngunit biglang nagsalita si Spencer sa tainga ko.

"Si Ivonne ba ang narinig ko, Andrus?"

Pumikit ako nang mariin at walang nagawa kundi umiling. Hindi pa ako nakababawi nang magsalita naman si Tito Marcel.

"Hindi ka sasama. Delikado!" aniya kay Ivonne.

"No! Sasama ako!"

"Andrus, hindi puwedeng sumama si Ivonne—"

Naputol ang sinasabi ni Spencer sa kabilang linya dahil nagsalita na ako.

"Ako lang ang pupunta roon! Wala akong isasama ni isa sa inyo!" malamig at pinal kong sambit dahilan upang matahimik sila. "Tito Marcel, ibigay mo sa akin ang address. Ako ang pupunta mag-isa."

"Pero, Andrus—"

"Wala kang gagawin doon," putol ko. "Mapapahamak ka lang dahil hindi mo alam kung paano dedepensahan ang sarili kung sakaling magkaroon ng aberya. Ayaw kong mangyari ulit ang nangyari noon sa bus kaya please, makipag-cooperate na lang po kayo sa akin."

Walang nagawa si Tito Marcel kundi tumitig sa akin. Ilang sandaling namayani ang katahimikan bago siya nagsalita.

"Sige, sasabihin ko sa 'yo ang address..."

Bago niya tuluyang masabi, pinatay ko na ang tawag ni Spencer na kanina pa sumisigaw sa kabilang linya para pigilan ako.

Ayaw kong malaman ni Spencer ang sasabihin ni Tito Marcel dahil siguradong sasama si Ivonne. Kailangan ko silang protektahan lahat, at ito lang ang nakikita kong paraan para magtagumpay ako roon.

Kailangan ko silang protektahan habang nililigtas ko si Annika. Kung kinakailangang ako lang ang sasabak mag-isa sa gyera, gagawin ko. I'll face this battle alone.

Continue Reading

You'll Also Like

364K 7K 54
He's a doctor, and so is she but then, he has the broken scalpel in his hands. Book 2 Volume 1
102K 7.4K 31
(Finished) A King without a Queen is weak. The country will be in chaos. Book 2 of The King.
798 243 64
BTS Series 1: Kim Seokjin 💜
2.1K 764 38
"Just three seconds..." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.