BABYSITTING THE MAFIA'S KID

Par VictoriaGie

481K 23.1K 6.1K

May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta... Plus

PROLOGUE 💋
CHAPTER 1 - KNOCK KNOCK
CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION
CHAPTER 3 - THE HIERARCHY
CHAPTER 4 - LOST TREASURE
CHAPTER 5 - FULLY LOADED
CHAPTER 6 - VINTAGIO MUSEUM
CHAPTER 7 - MEET AND GREET
CHAPTER 8 - MONEY DROP
CHAPTER 9 - GUNS AND STARES
CHAPTER 10 - STAY
CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER
CHAPTER 12 - A LITTLE WORRIED
CHAPTER 13 - ZOOLOGY
CHAPTER 14 - THE MASTER MIND
CHAPTER 15 - A FATHER'S LOVE
CHAPTER 16 - ORGANIZATION OF PEACEMAKER
CHAPTER 17 - BUSTED
CHAPTER 18 - AGREED
CHAPTER 19- CONTRACT AND CONDITIONS
CHAPTER 20 - THE WORLD HE BELONGS
CHAPTER 21 - WELCOME PHONE
CHAPTER 22 - KEEP LIVING
CHAPTER 23 - LUCID
CHAPTER 24 - BEAUTY IN BLACK
CHAPTER 25- JELOUS
CHAPTER 26 - UNDER THE GLASSES
CHAPTER 27- HYDRATED
CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES
CHAPTER 29- SNEAK OUT
CHAPTER 30 - SEASON FINALE
SPECIAL CHAPTER - DYTHER ICEXEL QUIGLEY ELCANO
CHAPTER 31- SEASON 2
CHAPTER 32 - ABDUCTED
CHAPTER 33 - THE OFFER
CHAPTER 34 - ONCE AN ANGEL
CHAPTER 35 - HOME
CHAPTER 36 - VERNIX
CHAPTER 37 - PARTNERS IN CRIME
CHAPTER 38 - PROJECT EXTERMINATION
CHAPTER 39- THE TRIAL
CHAPTER 40 - RUMORS UNLEASHED
CHAPTER 41 - SOMEONE'S FRUSTRATED
CHAPTER 42 - LEAVE HER ALONE
CHAPTER 43 - ADIOS
CHAPTER 44 - DO THEY BELIEVE ?
CHAPTER 45 - HEADACHE
CHAPTER 45.2 - HEADACHE AGAIN
CHAPTER 46 - BROTHERS
CHAPTER 47 - RAIN HARD
CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD
CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION
CHAPTER 50 - CANDLE
CHAPTER 51 - STRANGE
CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS
CHAPTER 53 - BEHIND THE WHITE MASK
CHAPTER 54 - THE GLOOM THAT BLOOMS
CHAPTER 55 - BEFORE THE AUCTION
CHAPTER 56 - SIMPLE PLAN
SHORT CHAPTER - GALILEO ARTHFAEL MARCHESE
CHAPTER 57 - SMOKE
CHAPTER 58 - UNDER THE SHADOW
CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB
CHAPTER 60 - FORMAL VISIT
CHAPTER 61 - BATTLE GROUND
CHAPTER 62 - COMMUNITY WAR II
CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT
CHAPTER 64 - A PROMISE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 65 - HOMELESS
CHAPTER 66 - ONCE A TRUCK DRIVER
CHAPTER 67 - STABBED
CHAPTER 68 - WITH A KNIFE

CHAPTER 48 - CONFRONTATION

7.1K 465 229
Par VictoriaGie

ASHARI'S POV

Isang buwan....

Isang buwan na ang lumipas pero kasinggulo pa din ng pagsabog ng bulkang Pinatubo ang gulo dito sa mansion ng mga Marchese.


Hinigop ko ang mapait pait na hot chocolate drink na ibinigay sa akin ni Chef Nate. Ugghh, ang sharap! Ito 'yung lasa ng Marchese e. Ang lasa na isang buwan kong hindi natikman.

Habang nilalasap ang masarap na chocolate drink, kulang nalang maduling at malito ang eyeballs ko sa gulo ng mga tao dito sa dining area.


"Ihain ang lechon!"

"Ang crema de futa nasaan na?"

"Fruta! Fruta iyon Angel ko."

"Ah basta nasaan na ang sarsa ng lechon?"

"Ito ito na!" ah, bakit hindi nalang mang tomas. "'Yung mansanas nawawala! Mga maid ano na?"

"Si Miss Shera nasaan? Tawagin niyo siya't hahainan ko siya ng hindi na lugaw!"



Humigop ulit ako sa tsokolate. Bakit parang isang taon na hindi kumain ang mga tao dito't pang isang baranggay ang inihahanda nila?

"Ashari sandali lang ha, saglit nalang 'to."- Madam Angel

"Inom ka muna diyan. Pamaya maya din bababa na si Sir Easton." -Chef Nate.

Isang tango ang ibinigay ko. "Sige lang, take your time sa pagsisilbi sa akin. Desurv niyo yan mwahaha!"

Aba dapat lang na hainan nila ako ng masasarap na fudang, isang buwan akong nawala. At gaya ng the prodigal son, dapat talagang magpapyesta sa pagbabalik ko....ako ang the prodigal daughter.

Char.

Matapos nila akong pagkaguluhan kanina, pinaligo nila ako sa pinakabonggang paraan. First time kong nakaligo sa VIP room ng mga Marchese. May pabubble bath pa na si Gali lang dati ang nakakaranas.

Tapos pagbalik ko, nagkakagulo na sila dito sa dining area.

Si Easton out of sight dahil naligo at nagpalit din daw ng damit.

Niyakap ko siya kaya siya nahawa ng kabasaan...

Niyakap?

Walanjo Ashari! Niyakap mo si Easton!!!!

Oo niyakap mo. Hug in english! Ang tapang ng apog mo self!

Oh tapos? E ano naman? Ilang beses ka na niyang niyakap, siya hindi mo pwedeng yakapin? Gantihan lang yon!

Atsaka isa pa...



Isang buwan ko siyang hindi nakita ng personal kahit pa madalas ko siyang nakikita sa panaginip at sa mga imagination ko.

"Ashari dear? Is that really you?"

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko sa mga yakapan moments namin ni Easton, dumating si Kumareng Helen.

Pagtingin ko sa likudan ko, naglanding ang mata ko sa kaniya.

"It's you!" Nagtataka siya noong una pero agad ding napalitan iyon ng napakatamis at excited na ngiti.

Executive member siya ng MPO. Sure ba siya na masaya siyang makita ako dito? Hindi ba niya ako isusumbong?

Si Kumareng Helen ang pinaka walang kwentang executive member ng MPO na nakilala ko. Taksil siya at traydor kaya alam kong hindi niya ako isusuplong ahaha.

Ngumiti ako sa kaniya, namiss ko ang mga wrinkles niya! Akmang magsasalita na ng mahagip ng mata ko si Easton doon sa gawing likudan ni Kumareng Helen. Papasok siya dito sa dining area.


Napalunok ako sabay may biglang kumislot sa tiyan ko. Hindi ko alam kung ano ang busog sa akin. Ang mga mata ko ba dahil sa nakikita ko o ang tiyan ko dahil dito sa chocolate drink?

Leche! Feel ko busog na agad ang mata ko. Sabi na may mali talaga, dapat ko nang pasukatan 'to ng grado!

Nakasuot lang siya ng simpleng straight cut joggers at sweat shirt pero parang daig pa niya ang nagmomodel sa runway. Imagine ha, nakapa tsinelas lang din siya na puti. Ni hindi nga ineffortan man lang na iblower ang buhok. Basa pa ito at nakabagsak, parang hindi pa nasasayadan ng suklay. Ugh! Walang halong filter, ang gwapo niya! Ang gwapo talaga ni Easton.

Legit. Noong nagpaulan si Lord ng kagwapuhan tapos nakita niya si Easton, napasabi nalang si Lord ng 'Ah, itong nilalang na ito ang pinakaperpektong ginawa ko'. At pagkatapos, itinigil na ni Lord ang pagpapaulan dahil kuntento na siya sa mukha palang ni Easton.

Ewan ko kung anong itsura ko habang nakatitig kay Easton. Basta ang alam ko lang, bibilhin ko na ang kompanya ng EO para lang maipaayos itong mata ko na may deprensiya na yata.

"Dear?"

"Earth to Ashari."

Wala sa wisho na tumingin ako sa mukha ni Madam Helen. Hindi ko manlang narealize na nasa harapan ko na pala siya.

"..." Lumulutang ang isip ko.

Inabot niya agad ang mukha ko at pinagmasdan itong maigi.

"Bakit namumula ang mukha mo dear? Hindi ba maganda ang pakiramdam mo?"

Wala sa sarili na napatingin ulit ako sa likudan. Papalapit na si Easton.

Ang dibdib ko kumakalampag den!

Leche Ashari, anong nangyayari, umayos ka!

Ugh maibubuhos ko yata kay Madam Helen ang natitirang laman ng chocolate drink ko.

"Ako ho namumula?" napahawak ako sa pisngi ko.

Nag-aalalang tumango si Kumareng Helen.

Hindi pwede!!!

Isang sampal na malutong ang ibinigay ko sa makinis kong pisngi.

"ARAYYYYY!" reklamo ko ng gumuhit sa pisngi ko ung sakit.

"Oh my goodness dear! Why did you do that?" histerical na kinuha ni Kumareng Helen ang palad ko na ipinagsampal ko sa mukha ko.

Nakita ko sa likudan na mas bumilis ang paglapit ni Easton dahil miski siya nagtaka kung bakit sinampal ko ang sarili ko.

Ayan nanaman! Nagsisimula nanamang lumutang ang isip ko ng makita ko ang mukha niya.

"Kumareng Helen, tusukin mo nga po mata ko." nagmamadali kong utos kay Kumare.

"What? Bakit ko naman gagawin iyon ija?"

"Bilisan niyo na ho. Mabuti nang mabulag ako ng literal kaysa mabulag ako sa katotohanan na...na..." na gumagwapo si Easton sa paningin ko!

Hindi pwede 'to!

Tandaan mo Ashari, may fiancee siya at malapit na silang ikasal. Nagkakasala ang mga mata mo!

"Na?"

"Bilis na kumare!"

"No dear..."

"E bakit hindi?" sinilip ko si Easton. Walanjo, limang hakbang nalang ang pagitan namin. Kitang kita ko na ang kaliwanagan ng mukha niya! "Ganito lang kumare oh, ganito..." ako na ang kumuha sa dalawang daliri ni Kumare at itinusok iyon sa mata ko.

"Ouuuuchhh!" at ako namang si tanga, ang OA! Pero legit, tinusok ko nga ang mata ko gamit ang daliri ni Kumare. "Aray ko po! Bwisit ang sakit!"

"Oh goshh! Dear hindi ko sinasadya."

Malamang kasi ako yung sumadya kumare.

"Anong nangyari!?" Pati si Madam Angel lumapit na din.

"Hala Ashari, napaano ka?" at si Chef Nate.

Ibinigay ko kay Chef nate ang baso ng chocolate drink. Nagtakip ako ng dalawang palad sa mata at pilit na pinipigilan ang sakit. Leche, ngayon ako nagsisisi na bakit ko ginawa 'yon.

"What is happening?" narinig ko ang boses ni Easton. Leche lumayo ka sa akin! Ikaw ang may kasalanan nito!

"I...I---" hindi makapagsalita si Kumare. Sorry kumare, kasalanan ko talaga.

"Ashari, what's wrong?" At ang lecheng Easton, tinawag pa ang pangalan ko.

"Wala, napuwing lang." Tumalikod ako at nag shoo sign. Kaya ko sarili ko, please lang lumayo ka Easton!

Isa kang kasalanan na hindi pwede sa mga mata ko.

"Let me see."

Nanlaki ang butas ng ilong ko at lalong lumayo. Anong let me see? Ayaw nga kitang makita e!

"Napuwing nga lang ako."

"Napuwing?" nagulat ang katawang lupa ko ng higitin ng marahan ni Easton ang palad na nakatakip sa mata ko. Dahan dahan niya ipinilig ang katawan ko papaharap sa kaniya. "Patingin ako, Ashari."

Walanjo, huwag mo na akong tawagin sa pangalan ko Easton please lang! Isang buwan kitang hindi nakita, hindi narinig at hindi nakasama kaya huwag mo akong biglain!

Pumikit ako ng madiin. HINDI PWEDE! HINDI KO DAPAT MAKITA SI EASTON!

"Ashari....look at me." ramdam na sa boses niya ang papalapit na pagka-inis. Bahala ka diyan, wala kang mapipigang tingin sa akin!


"Ashari dear, let Easton check your eyes." si kumare naman konsintidora tinidora!

"Hindi naman siya doctor ng mata, bakit siya titingin sa akin?"

"What's with your reasoning?" Edi ikaw na nagagalit. "Let me check it first then we'll see the doctor if needed." Pagpupumilit pa lalo ni Easton.

"Ok na nga ang mata ko. Bakit kakulit ng lahi niyong mga Marchese."

"Then let me have a look." Argh, inis sarado na siya. Halatang halata na nagpipigil ng sakalin ako.

Bwisit naman, tinusok ko nga ang mata ko para hindi ko siya makita tapos siya naman itong nagpupumilit ngayon.

Sayang ang pain ng katarata ko hmp!

"Ashari!"

"Oo na ito na nga e." labag sa kalooban na ibinukas ko ang dalawa kong mata. Sinadya kong tumingin sa nakakasilaw na malaking chandelier dito sa dining area para masilaw ako at hindi ko makita ang mukha ni Easton.

Anong pahirap ba 'tong ginagawa ko sa sarili ko? Mabubulag ako sa liwanag ng chandelier e.

"I don't think your eye's fine." oo hindi talaga fine! Humahapdi na mata ko sa pagkasilaw kaya please bilisan mo icheck! "Nagluluha ang mata mo, namumula at higit sa lahat, paling ang tingin mo Ashari. Where are you looking at? I'm in front of you not above the ceiling."

"Ipinanganak talaga akong duling, alam mo ba 'yon?" sabi ko habang pinipigilan ang luha na nagbabadyang pumatak galing sa mata kong humahapdi.

"No, i don't."

Pagkatapos sabihin ni Easton 'yon, naramdaman ko ang palad niya na lumapat sa pisngi ko. Kinuha niya ang mukha ko at ipinalig diretsyo patingin sa mukha niya.

Literal na napapikit ako at pagdilat ko ng mata....mukha na ni Easton ang nasa harapan ko.

"Now you're eyes are on me..." para akong lutang na nilalang habang nakatitig kay Easton....sa mata niya. "Sa tingin ko ok na ang mata mo..."

Ngumiti siya ng bahagya habang ako naman, lutang na pinagmamasdan bawat kanto ng pagmumukha niya.

Confirmed Ashari!

May sapak talaga ang mga mata mo.

Bakit sa paningin ko lahat ng aspeto ng mukha ni Easton e perpekto? Hindi siya 'yung cutie boy na gaya ni Dyther. Matapang ang mukha ni Easton, iyong kaya ka bang ipaglaban kahit bardagulan ganern! Pero parang 'yun pa kasi ang lalong nagpagwapo sa kaniya.

Akalain mo 'yon, kahit mukhang always papatay ng tao ang face niya e gwapo naman kasi talaga siya. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, well defined jaws, mapapansin din 'yung maliit niyang nunal malapit sa tenga at higit sa lahat, mapula ang labi.

Nakagat ko ang labi ko habang nakatitig sa labi niya.

Naalala ko ang first kiss ko hihi.

Hindi ko alam kung kaylan nagsimulang maging ganito ang paningin ko kay Easton. Parang kaylan lang mamamatay tao pa ang tingin ko sa kaniya. Pakiramdam ko non siya na ang pinakapanget na tao sa balat ng lupa, mas panget pa kay Tony pinya!

Pero bakit ngayon....

Bakit nga ba?

Siguro kasi ang tagal ko siyang hindi nakita? Nagparetoke kaya siya nitong nakaraang isang buwan? Alin ang ipinaretoke niya?

OO TAMA ASHARI! NAGPARETOKE LANG SI EASTON KAYA SIYA GUMWAPO! ITATAK MO 'YAN SA KOKOTE MO!

"Ehem!" may pa-epal na nakikisali sa pagtitig ko kay Easton oh! Pabibo!

"Ehem baka magkatunawan kayo sa tingin." doon ako nagising sa realidad ng buhay na may ibang tao nga pala sa paligid namin. Si Chef Nate ang pa-epal na nilalang na ehem ng ehem!

"Don't tease them Chef." nakangising bawal ni Kumare kay Chef.

"Ang sabi ko Madam Helen matutunaw na nga 'yung ice cream na inihain kaya tayo ng kumain."

Tumigin nalang ako sa direksyon kung saan walang parte ng mukha ni Easton ang mahahagip ng mata ko.

"Let's eat dinner first." Si Easton na ang nagyaya na kumain ng dinner. Aba hindi ako tatanggi. Gutom na ako e.

____

Nagtataka ako kung bakit parang isang taon hindi kumain ang mga Marchese, kaya naman pala...

Nalaman ko din ang sagot dahil kay Ms. Shera. Ibinulong niya sa akin na isang buwan silang panay lugaw. Ayaw daw magluto ni Chef Nate hanggat hindi bumabalik si Gali.

Doon ko narealize na wala akong pinagsisisihan sa pag-alis ko ng mga panahon na'yon, buti nalang talaga umalis ako saglit sa Marchese kundi panay lugaw din ang ilalaman ko sa tiyan kung sakali.


Atsaka isa pa, na-enjoy ko naman talaga yung mga parteh parteh HAHAHA!


Pero....



Sa kabila non, bumalik ako dito...


Bakit?



Kasi ubos na 'yung 500 million, need cash na ulit. Joke!

Sa totoo niyan, hindi ko sila matiis. Taps kasi babalik na siya bukas, babalik na si Gali.




Nakangiti kong pinagmamasdan ang magulong dining area. Akala ko hindi ko na sila makikita, akala ko habang buhay ko nang kakalimutan ang mga nangyari dito sa akin sa mansion. Akala ko poreber na akong mangungulila...


Akala ko lang pala yon.




Pero nandito na ako...kasama sila...at makakasama din sila Gali bukas na bukas din.





Confirmed. Sabi na e. Iyong parang palaging kulang dito sa pakiramdam ko, ito 'yon! Ito 'yung kulang na'yon!




Hinding hindi ko pagsisisihan na bumalik ako kahit pa malaman ng MPO ito.



Bahala sila sa buhay nila, hmpf!


"Sir Easton..." sa kaibituran ng kawalan, biglang nagsalita si Miss Shera na nasa kanan ko ngayon katabi.



Napatingin din ako sa kaniya kahit si Easton ang tinawag. Duh, echosera ako ng taon e. Infairnes naman kasi talaga kay Miss Shera, walang kupas talaga ang ganda. Seksi pa din at mala Miss Universe ang peg! Mahihiya ang beauty ni Catriona at ang joga ni Pia kay Ms. Shera!

Mala prinsesa sa hinhin at pikonna pinunasan ni Miss Shera ng panyo ang bibig niya. Aha! Iyon siguro secret para magmukhang beauty queen. Dapat mahinhin kumain.




Tumingin si Miss Shera kay Easton na nasa kaliwa ko naman. Oo, napapagitnaan nila akong dalawa kaya naman napatingin din ako kay Easton.


Sinalubong lang din niya ng tingin si Miss Shera at parang nag-uusap silang dalawa sa utak.

Nagpalit ang tingin ko sa kanilang parehas.




Teka lang ha.



Wait lang ....





Isang gwapo at isang maganda....





So bakit ako nakagitna sa kanila? Binibiro ba ako ng tadhana? Sinasampal ba ako ng katotohanan na mukha akong muchacha at dapat doon ako nakahilera sa linya nila Madam Angel at Chef Nate?


Hindi naman sa sinasabi kong mukha silang muchacha pero parang ganon na nga din.

Kasalukuyang nagpapalit ang tingin ko sa dalawa kong katabi ng may marealize ako.




Si Easton ang boss si Miss Shera. Si Miss Shera, secretary...palagi silang magkasama...magkasanggang dikit sila sa hirap at ginhawa sa trabaho. Parehas silang magandang lahi. Magka-edad at higit sa lahat kayang magka-intindihan kahit sa tinginan lang.



Hindi kaya....




Kagaya ng mga napapanood kong kdrama na tungkol sa masungit na boss na palaging aburido sa buhay at sa sekretarya niya na palaging nakabuntot sa kaniya at hindi humihiwalay na sa bandang huli e nagka-inlove...




Umiling ako!



May fiancee si Easton at paniguradong sasabunutan hanggang makalbo ni Cannabeth si Miss Shera kapag nagkataon.





Hindi! Hindi pwede ang iniisip mo Ashari. Walang relasyong romantiko ang namamagitan kay Easton at Miss Shera.





"Is it?" Sa wakas nagsalita na si Easton. At anong ibig sabihin ng 'is it'?




Isang banayad na tango ang ibinigay ni Miss Shera kay Easton.




Walanjo! Ano ba ang pinag-uusapan ng dalawang 'to?






Pagkatango ni Miss Shera, agad na tumayo si Easton sa kinauupuan at biglang lumayas.



Legit! As in nilayasan niya kami ng walang pasabi. Biglang napa-awang ang bibig ko.



Anong problema aber? Natatae ba siya kaya bigla siyang umalis?





"Thank you for the dinner Chef Nate. At last after a month hindi na din lugaw ang nakahain." Tumayo na din si Miss Shera at lumayas palabas pasunod kay Easton.

Lalong umawang ang bibig ko. "So iniwan nga nila akong dalawa dito?"



Inis na tinuhog ko ng kutsilyo ang steak na nasa plato ko. Isusumbong ko si Easton kay Cannabeth! Hindi lang ako ipinanganak na masama ang budhi, ipinanganak din akong sumbungera!!! Humaharot siya sa secretary niyang mala Miss Universe ang ganda! May pinag uusapan silang dalawa na sila lang ang nakaka-intindi!






Argh! Bakit ba naiinis ako?








"Dear, have mercy on the steak...." pagbabawal sa akin ni Kumare nang makita niya ang kaawa awang kalagayan ng steak sa plato ko.


Inis na sinubo ko nalang tuloy, baka mamaya tuluyang maawa si Kumare ampunin pa 'tong steak ko.











____










Pagkatapos ng dinner, tahimik akong sumibat para maglakad lakad. Na-impatsyo yata ako hindi sa busog kundi dahil sa inis.






Hindi na bumalik si Easton o kahit si Miss Shera sa dining room. So ano? Nagtanan na ba silang dalawa? Tumakas na ba sila sa responsibilidad nila dito sa mansion?




Luminga linga ako sa buong paligid na natatanaw ko. Wala ni anino nung dalawa.





Ha! E bakit ba hinahanap ko pa sila, pake ko naman kung nagtanan na 'yon. Matatanda na sila at may isip. Kaya nilang bumuhay ng sampong anak! Ha, wala akong pake! WALA AKONG PAKE! Hanapin man sa kabilang kanto, wala silang makikitang pake ko...







"Ashari."



Nag-angat ako ng tingin sa pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. Oh, ano kaylangan ng isang 'to sa akin? Papalapit siyansa akin at magkakasalubong kaming dalawa.






"Bakit-?"






"Nasaan si Sir Easton?" agad na tanong nito ng makalapit sa akin. Lalo akong nabwisit.


"Bakit sa akin mo siya hahanapin? Malay ko kung nasaan 'yon."



Malay ko ba kung saang lupalop sila nagtanan ni Miss Shera.


"Si Shera, nakita mo?" parang may hint ng pagmamadali sa seryosong boses ni Leonard.




Sinamaan ko ng mukha si Leonard. Bakit ba feeling close siya ha? "Mukha ba akong lost and found ha? Bakit ba sa akin mo sila hinahanap?" minsan na nga lang kami magkausap, hanapan gaming pa. Sa buong balat ng storyang 'to, si Leonard ang pinaka hindi ko nakaka-usap sa lahat tapos ngayon feeling close siya kung magtanong sa akin?



Neknek niya pala e.






Halatang na-bwisit si Leonard sa sagot ko pero kaagad din naman niyang inayos ang sarili.





"Saan ka galing bago ka pumunta dito?" tanong nanaman? Wala bang katapusang tanong ang sasabihin sa akin nitong si Leonard?




"Galing akong---"









"There they are." naputol ako sa sasabihin ko ng mahagip ng mata ni Leonard 'yung dalawang taong hinahanap niya sa akin kanina.



Sumunod ang tingin ko sa direksyon ng tingin ni Leonard. Doon ko nakita si Easton at si Miss Shera na nag-uusap sa medyo may kadilimang parte ng balcony na tanaw dito sa hallway kung nasaan kami.


Agad kong in-activate ang hawk eye ko! Anong ginagawa ng dalawang 'yon don ha?




"Leonard saan ka pupunta?" tawag ko kay Boy Wonder Around. Gagala nanaman siya at mukhang sa paggala niya e babalakin niyang puntahan si Easton at Miss Shera.





"Sumunod ka!" asik nito. Wow lang ha, hindi nakakapagtaka na siya ang second in command ni Easton. Kung maka-utos akala mo akong aso na wawagwag ang buntot at susunod agad.





Syempre alam ko namang hindi ako aso pero sumunod pa din ako. Curious ako e bakit ba.








Dahil naunang maglakad si Leonard sa akin, na-abutan ko na silang tatlo dito sa may parteng medyo madilim.





"I wanted to talk to her alone, leave us." utos ni Easton.




Walanjo, kakapunta ko lang dito tapos papa-alisin agad ako? Ganoon ba kahalaga ang affair nila ni Shera at talagang bet na bet niya na sila lang dalawa ang mag-usap?



At talagang dito pa sa madilim na parte ng balcony? Haler, halos liwanag nalang ng buwan ang nagbibigay ilaw dito oh.




Inis at halos papadyak na akong nagmartsya pa-alis. "Magsama kayong dalawa!" bulong ko sa sarili ko.









"And why are leaving? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" nilingon ko si Miss Shera na nakasunod sa akin pa-alis. Magkasabay sila ni Leonard na sisibat. "I said we should talk, alone." Iritado na ang boses ni Easton, e isang bingi din kasi 'tong si Miss Shera. Kaganda pa naman sana noh. Sabing mag-uusap nga daw silang dalawa e.


Ngumuso nalang ako at naglakad na palayo. Ano ba ang mahalagang pag-uusapan nila at kaylangang sila lang dalawa sa madilim na parteng 'to? Hindi ba pwedeng makinig kami ni Leonard?








"Ashari!" Na-estatwa ang buong pagkatao ko sa medyo galit na tono ng boses ni Easton. "Come back here!"


Unti-unti kong ipinihit ang katawan ko paharap sa gawi niya. Galit na sj Easton! Bakit ako? Bakit sa akin siya nagagalit? Bakit parang kasalanan ko?

Nakita ko si Miss Shera at si Leonard na papalapit na sa gawi ko para umalis.






"Teka teka....Miss Shera, ang sabi ni Easton mag-uusap daw kayong dalawa....alone, bakit ka aalis?" Leche huwag mo ako iwan dito, bakit kaylangang ako sumalo ng galit ni Easton e wala naman akong kasalanan!




"It's you that he wanted to talk with, Ashari. Hindi ako." sabi niya sabay iling. "Let's go Leonard."



Bumagsak ng very light ang panga ko. Tanga ko sa part na hindi ko narealize na ako pala 'yung sinasabihan non ni Easton..




Malay ko ba kasi! Wala naman siyang binanggit na pangalan e.





Dahan dahan at akala mo tuloy may nagawa akong karumaldumal na kasalanan habang naglalakad ako palapit kay Easton. Daig ko pa nakamurder e...murder ng kuko.



"Bakit? Anong pag-uusapan natin?" agad kong tanong paglapit ko sa kaniya. Uunahan ko na 'yung galit niya para masapawan.







Nakatingin ako sa isang halaman na nakatanim sa mataas na paso. Ayaw kong tignan ang mukha ni Easton, baka mamaya bigla akong sabukain neto e.




Sandaling tahimik ang buong paligid. Hindi ako agad sinagot ni Easton. Pakiramdam ko kasi nagpapahupa siya ng inis mwahaha!





"Why?" wow, so sasagutin niya ng tanong iyong tanong ko?




"Anong bakit?" edi sasagutin ko din ng tanong ang tanong niya sa tanong ko.





"Why are you driving Rebel's car, Ashari?" sa seryoso at direktang tanong ni Easton, parang hinuling bigla ang bibig ko at literal na hindi ako makasagot. "And it isn't just a car. It's his personal car. Why are using it, why do you have it? Answer me Ashari."




Walanjoga ka! Nawala na sa isip ko na nanghiram nga lang pala ako ng kotse kay Rebel. Naiwan ko pa 'yon sa labas sa may gate! Leche baka pabayaran sa akin yun pag naiwala ko.







"Nasaan 'yung kotse Easton? Mahal 'yon, hindi 'yon pwedeng mawala. Wala akong cash ngayon na ipangbabayad don. Magbebenta ako ng kidney pagnagkataon!" latest model iyong kotse ni Rebel na ipinahiram sa akin, sureball na lustay lahat ng remaining pera ko kapag hindi ko naibalik 'yung kotse!







Frustrated ako. At frustrated din si Easton sa sagot ko. Sa sobrang frustrate nga niya, nahilot nalang niya ang sintido e.




"I'll burn that car!" asik niya.




"Ha! Loko loko ka ba? Lumuwag na turnilyo mo sa utak? Hindi pwede! Hiniram ko nga lang 'yon para makapunta ako dito tapos susunugin mo? Bakit, ikaw ba magpapalit non kapag hinanap 'yon sa akin ni Rebel?" Asik ko din pabalik.





"I can buy him Ashari let alone that car!" ay sana all kaya bumili ng Rebel. "Now answer my question! Why are you using his car and why did you meet him? Exactly when? Where? Bakit hindi ko alam 'to?"





Nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Easton na 'bakit hindi ko alam 'to?'





"Bakit? Alam mo ba lahat Easton?" takhang tanong ko sa kaniya. "Minomonitor mo ba ako nitong nakaraang isang buwan?" kunot noo kong tanong sa kaniya kasi base sa reaksyon niya kanina, parang nagugulumihanan siya na bakit hindi niya alam na nagkita kami ni Rebel.






Ngayon, si Easton naman ang hindi kaagad nakapagsalita.



"Ah,..." bigla kong naalala iyong ilang beses na akala ko imagination ko na nakikita ko si Easton sa malayo...nakatitig...nakamasid... "Hindi 'yun imagination?" tanong ko sa sarili ko.






"Yes, it was me Ashari." siya na ang sumagot sa sarili kong tanong. Napakurap ako ng tatlo at napatitig sa itim na itim niyang mga mata.





"Bakit?"





Nakatitig din siya sa akin at halos makita ko na ang repleksyon ng mukha ko sa mga mata niya.





"I'm worried." kumurap siya ng isa at lalong lumalim ang tingin niya sa mga mata ko. "And now I'm confused. Why, when, how? Bakit hindi ko alam na nakipag kita kay Rebel? I am eyeing you all this time Ashari...hindi ka nawala sa paningin ko and it pisses me off that in just a blink of an eye you had met Rebel before me. Anong pinag-usapan niyo? Anong dahilan kung bakit ka pumunta sa kaniya? Tell me! Tell me honestly what it is Ashari. I won't let you out of my sight unless I squeeze every answer I want from you."





Kitang kita sa mukha ni Easton na gustong gusto talaga niyang malaman ang sagot.




Sasabihin ko naman sa kaniya ang dahilan kahit hindi niya ako cornerin at tanungin e. Bakit kaylangan pa niyang i-confess na sinusundan at binabantayan nga niya ako nitong nakaraang isang buwan?


Ako tuloy ang nalito! Bakit haler? Bet ba niya ako jowain at gagawin niya yon? Bet ba niyang gawin akong step mom ni Gali? Level-up lang sa pagiging babysitter ba, promotion ang peg ganern.




Bumuntong hininga ako. Oo feelingera ako, aminado naman ako don, dont worreh alam ko din naman kung hanggang saan ang hangganan ng imagination ko.



Ashari, may dahilan lang si Easton kaya ka niya sinundan ng buong isang buwan. Baka minomonitor lang niya kung saan mo dadalhin ang 500 million na ipinasweldo niya sa'yo. Oo! Ganoon lang 'yon. May fiancee siya kaya tama....iyon lang talaga ang dahilan.







"Fyi Easton ha. Chill ka lang ok?" Oo dapat chill lang kami. "Hindi ako ang pumunta sa kaniya, siya ang pumunta sa akin. Kinausap niya ako tungkol kay Gali at gusto niya akong um-attend sa anniversary ng MPO."





"What?" Asik nanaman niya agad.




"O chill lang kako e."





"Why on earth would he suggest that? He is planning something. Alam niya ang sitwasyon mo Ashari, the MPOs should not see you or else...!" or else tetegiin nila ako. "No, you're not going! You stay here! You are not even allowed to go out."






"O wag kang g na g Easton. Chill lang tayo dito diba? Namnamin nalang natin ang simoy ng hangin at ang liwang ng buwan." tumingin ako sa buwan at ngumiti ng malawak. "ARAY!" sabay sapo sa noo na pinitik ni Easton. "BAKIT MO AKO PINITIK? ANG SAKIT BWISIT!"



"Don't change the topic." ngumuso ako sa inis.


"Oo na. G na g ka kasi e."




"And don't make me admire the moon." sandali niyang sinulyapan ang buwan bago muling itinuon ang tingin sa akin. "My words are still clear. You won't go there, I won't allow."








Ibinaba ko ang kamay ko na nakahawak sa pinitik ni Easton. "Gusto kong pumunta. May rason si Rebel kung bakit niya ako gustong papuntahin sa anniversary. Hindi ko masabi sa'yo Easton kung ano 'yon kasi miski ako hindi ako siguro kung ano. Pero gusto ko lang sana hilingin na kung pwede bang magtiwala ka sa akin sa part na'to? Kahit dito nalang hehe." pagpilit ko.




Dahan dahang umangat ang tingin ni Easton sa gawi ng noo ko. Narinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga bago inabot ang mukha ko at banayad na hinaplos ang noo ko na feeling ko e namumula na ngayon dahil sa pitik niya.





"How about you, what's your reason? Bakit gusto mong pumunta, Ashari? Because Rebel told you so?"





Umuling ako. Patuloy pa din si Easton sa ginagawa niyang paghawak sa noo ko. "Gusto kong makita ang mga tao sa likod ng Project ExG. Gusto kong makita 'yung mga tao na gumagamit kay Gali para sa mga pansarili nilang kagustuhan...gusto ko silang makita ng personal Easton."




Sandaling natigilan si Easton sa paghawak sa noo ko. Naiwan sa ere ang hinlalaki niya na ginagamit.






"You are looking at me already, I am one of those people, Ashari." akmang ibababa na niya ang kamay niya ng bigla ko itong pigilin. Gusto kong ituloy niya 'yung ginagawa niya kanina. Wala lang, ang comforting kasi, ang sarap sa pakiramdam, nawawala iyong sakit ng pitik. "I am using Gali for my selfish ambitions, you don't have to go to the anniversary if that's your reason. You just have to look at me and you will see what you wanted to see in there..." itinigil ni Easton ang paghawak sa noo ko, bumaba ang mga palad niya sa leeg ko.



Tumitig ako sa kaniya. Sa mga mata niya....







"Hindi ko sila nakikita sa'yo Easton." Umiling ako. "Hindi ka kagaya nila."




Isang maliit na ngiti ang lumabas sa mapupulang labi ni Easton. Walanjo Ashari, sa mata ka ni Easton tumingin huwag sa labi niya!






"You really wanted to go?" tumango ako ng tumango. Determinado ako at buo na ang desisyon ko.




Alam ko na sa pag-attend ko sa anniversary na'yon, malalaman ko kung ano mang sikreto ang hinahawakan ni Rebel sa akin. Gaya ng sinabi niya, kaylangan ko lang um-attend para mabaligtad lahat ng pangyayari.



Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin doon. Hindi ko alam kung goods ba sa akin 'yon o ikakapahamak ko.





Pero isa lang ang alam ko, kaylangan kong pumunta sa anniversary, para sa sarili ko, para kay Easton at higit sa lahat, para kay Gali!







"If that's what you want." inilapat nj Easton ang noo niya sa noo ko. "I'll allow you, but in one condition."






"Ano?" tanong ko sa kaniya sa pagitan ng halos maduling kong tingin sa lapit ng mukha niya sa akin.





"You won't leave my side....never."







"Sa anniversary ba? Aba oo naman..." hindi talaga ako lalayo sa kaniya kasi malay ko ba kung baka bigla nalang ako hablutin ng MPO don tas biglang gilitan ang leeg ko.





Ngumiti si Easton bago bahagyang umiling. "No, as long as I'm alive..." bulong niya bago inilapat ang labi sa....







Ang labi niya sa pisngi ko na halos sa gilid na ng labi ko.





Nanigas ang buong pagkatao ko at pilit kong hinahanap ang kung ano mang dapat kong sabihin.






Pagkatapos niya akong bigyan ng halik sa pisngi o sa gilid ng labi o sa ewannnnn ko!!!!! Basta hinalikan niya ako! Pagkatapos niya akong halikan, ginulo niya ng bahagya ang buhok ko.






"Let's get Gali tomorrow at the airport. He's definitely crying a river to see us both." ngumiti pa ng isa si Easton na lalong nakapag pa-estatwa sa akin.





Walanjo, pwede bang isa kiss pa? Yung sure na sana kung sa pisngi o sa labi hehehhee.
















__________







AUTHOR'S NOTE!





APAKA LANTOD NI ASHARI AHHAHAHAHA! CHARIZ! ANYWAYS, SORRY FOR THE LONG WAIT! ITO NA NAG UPDATE NA AHAHAHAHA. NAKIKINITA KINITA KO NA NA PAPALAPIT NA TAYO SA ENDING MGA BABYSITTERS! READY NA KAYO?? AHHAHAHA.
ALSO, PLEASE BARE WITH ME AS I WRITE VERY SLOWLY! ANG DALAS KO MAGKAWRITER'S BLOCK! ILANG DRAFT ANG DINILETE KO BAGO AKO NAKAPAG COME UP SA GANITONG UPDATE. SANA NAGUSTUHAN NIYO (CROSS FINGERS HUHU). I'LL TRY TO UPDATE REGULARLY, EVERY WEEK GANERN. (PERO DI KO PA DIN MAIPAPANGAKO HUHU).





God bless babysitters! Love kayo ni Lord gaya ng pagmamahal niya kay Ashari hikhok.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

1.2M 51.5K 59
C O M P L E T E D Trigger Warning: anxiety attack, depressive episodes, rape content, physical abuse, psychotic episodes, eating disorder, child abus...
15.6M 364K 71
JAGUARS' SERIES 1: Shieldler John Wright Highest Rank: #1 in School #2 in Humor Si Hannah makulit, laging naka-smile, may pagka-engot sa mga simpleng...
3M 84.9K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
11.3M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!