Years of Wait

By shadyazure

2.6K 394 166

COMPLETE | unedited Maria Gandrielle (Marga) Roja, was a rough, tough and stubborn woman. She would do whate... More

HLS1: YEARS OF WAIT
SIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
WAKAS
NOTE

CHAPTER 8

62 9 5
By shadyazure

HOPEDEEPLY



Wala ako sa sarili habang nakikinig sa lecture namin. Wala na akong maintindihan sa discussion ng guro dahil nasa isip ko kasi kung paano ibibigay o sasabihin kay Dean ang tungkol sa sobre. At paano ko rin siya iiwasan pagkatapos nito.

Gulong-gulo ang isip ko ngayon. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Gusto kong iwasan si Dean pero labag naman sa kalooban ko. May relasyon man o wala sila Dean at Erin, kailangan ko pa rin iwasan siya para sa sarili ko… para sa aming dalawa… para hindi na kami magkasakitan pa.

“Mare, okay ka lang ba?” tanong ni Sheena sa 'kin nang mapansin ang pagkatahimik ko.

Uwian na. Kalalabas lang namin sa classroom. Naglakad na kami papuntang gate. Bumuntong-hininga ako.

“Hihintayin ko sa gate si Dean,” wala sa sarili kong tugon.

Natigilan siya sa kanyang paglalakad. “Ha? Sure ka ba?” nag-aalala na tanong niya tsaka hinabol ako sa paglalakad.

“Uy, Marga? Akala—” I cutted her off.

“Huli na 'to, Sheena. May ibibigay lang ako sa kanya,” sabi ko ng buong-buo, ngunit ang totoo'y hindi ko pa talaga alam ang gagawin.

“Okay. Good luck...”

Sinamahan niya pa ako maghintay sa gate habang hinihintay rin niya ang kanyang kapatid. Lumipas ang ilang minuto ay lumabas na rin ang kapatid niya kaya nagpaalam na rin silang dalawa sa akin. Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago sila umalis ng kanyang kapatid.

Naghintay pa ako ng kalahating oras bago ko nakita si Dean naglakad papunta na sa 'kin. His almond eyes seriously drifted at me, while a dark aura surrounded him, daunting. 

Ngumiti ako sa kanya ngunit nawala rin agad dahil kumapit sa kanyang braso si Erin kaya napatingin siya rito. Automatically, my brows furrowed as my heart ached. Malaki ang ngiti ng dalaga kay Dean at gano'n din siya rito, habang naglalakad papunta sa 'kin ay nag-usap pa silang dalawa. Bumaling muli ang mga mata ni Dean sa 'kin, dahilan na nilihis ko agad ang aking mata para hindi niya makita ang reaksyon ko.

Nag-init agad ang aking mata kaya kukurap-kurap ako habang nakatingala sa langit para pigilan ang luhang nagbabadya na bumuhos. Pumikit ako at huminga ng malalim para maibsan ang bigat sa aking dibdib. Bakit ang hirap pigilan ang ganitong pakiramdam?

“Marga!”

I opened my eyes and looked at them. Nakangiting naglalakad si Erin habang si Dean ay nanatiling seryoso lang. Erin waved her hand at me, so I smiled at her sparingly. Nang makalapit na sila ay agad naman na yumakap sa 'kin si Erin. 

Nagulat naman ako sa ginawa nito habang ang mga mata ko ay nakatingin lang kay Dean, na bahagya rin nagulat sa ginawa ni Erin.

“Uwi na kayo?” tanong nito pagkatapos niya akong yakapin.

Hindi ako sumagot. Binalingan ko lang si Dean. Marahan itong tumango sa tanong ni Erin.

“Yes. Na-miss na siya ni Mama. Matagal-tagal na rin kasi hindi siya nakapunta sa bahay.” Dean subtly said.

Tumalikod si Erin kay Dean at humarap sa 'kin nakanguso na ang labi niya.

“Buti kapa close kana sa mama niya. Inggit talaga ako.” mahina na sabi niya sa 'kin.

I smiled a bit at her, at tingnan si Dean na hawak na ang kanyang motor. Sumakay na siya at agad na minaniobra ang kanyang motor. Tumingin siya sa 'kin gamit ang kanyang malalim at seryoso na mga mata, hinihintay akong lumapit at sumakay sa motor niya.

“Aangkas ka sa motor niya?” Takang tanong ni Erin sa 'kin.

I nodded. “Oo. Nakasanayan na namin.” sagot ko habang naglalakad palapit kay Dean.

Kumapit naman ang braso ni Erin sa braso ko at sinabayan akong maglakad papunta kay Dean. Bumuntong-hininga siya.

“Ako kaya? When?” she whispered.

Hindi ako makasagot sa mga tanong niya. Umiiling na lamang ako sa kanyang mga sinasabi. Imposible naman kasi habang magkasama sila ni Dean ay hindi nito dala ang motor. Dahil alam ko kahit saan si Dean magpunta ay palagi niya dala ang kanyang motor. 'Yung nagpunta sila sa mall, hindi ba dala niya ang kanyang motor?

Kinuha na ni Dean ang aking bag at pinasuot sa 'kin ang isang helmet. Bago ako sumakay na sa kanyang likod. Nagpaalam na kami ni Dean kay Erin bago lumabas ng eskwelahan. Nakanguso naman si Erin habang kinawayan kami palayo na sa kanya.

Deretso lang ang pagmamaneho ni Dean. At dahil hindi masyadong traffic ngayon medyo mabilis ang pagpapatakbo ng kanyang motor. Napahigpit tuloy ang yakap ko sa kanya dahil sa takot.

Mabilis niya ring iniliko sa kabilang Iskina ang motor, kaya mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.

“Dean!” tawag ko sa kanya dahil sa takot na matumba kami, kasi muntik na mapahilig ang kanyang motor.

Hindi niya ako narinig dahil sobrang ingay rin ng kanyang motor. Nagpatuloy lang siya sa pagpapatakbo ng mabilis. Kahit ilang beses na akong tumili habang sinisigaw ang pangalan niya dahil sa biglaang pagliko niya sa mga Iskina. Napapikit ako habang yakap siya. Hindi ko na alam kung saan kami ngayon, dahil nakapikit ako buong byahe. Feeling ko tuloy pupunta kami sa malayong lugar dahil kanina pa kami hindi humihinto. 

Bigla niyang pinahinto ang kanyang Honda Wave Alpha, pero nanatili pa rin ang yakap ko sa kanya. I slowly opened my eyes and toured my eyes around. We are not in front of their house yet because the first thing I saw was the calm and clean seashore near the resort.

Humiwalay ako ng yakap at bumaba na sa kanyang motor, nang matanto ko kanina pa pala ako nakayakap sa kanya.

Tumikhim ako. Nagtataka kung bakit kami nandito ngayon.

“Bakit tayo nandito, kuya?” tanong ko at tumingin sa kanya.

Nakita kong napangiwi siya sa tanong kona 'yon. Kaya kumunot naman ang aking noo at tinititigan siya ng maigi. Hindi ko naman mabasa ang ekspresyon niya ngayon, maliban sa napakamot siya ng ulo niya at hindi niya pa ako tiningnan. May mali ba sa tanong ko?

Tumingin na lang ako sa kalmadong dagat. Namamangha sa araw na papalubog na.

“Sunset.” I whispered.

Malapit na gumagabi. Kailangan ko na ibigay sa kanya ang binigay nung lalaki sa akin. Ayoko na ipabukas pa 'to. Gusto ko na matapos ang araw na 'to ngayon.

Bumaba ako sa motor niya. Agad kong hinubad ang helmet at gano'n din siya. Ipinatong ko ang helmet sa kanyang motor. Pagkatapos ay kinapa ko ang bulsa ng aking palda para kunin ang sobre na binigay sa 'kin ng lalaki kanina. Pero natigilan ako ng bigla siyang nagsalita.

“May problema ka ba?” he asked.

My forehead creased and looked at him thoroughly. Naka-proseso pa ang kanyang sinabi sa aking utak nang tumingin din siya sa 'kin. Seryoso ang mga mata niyang nakatitig sa mga mata ko.

“Pwede mo sabihin sa 'kin, Marga,” he added.

I swallowed hard and averted my gaze on him. Hindi ko siya kayang tingnan, lalo nasa malapit ko lang siya. Problema? Paano ko naman sasabihin sa kanya ang problema ko kung siya naman iyon?

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi dahil nagsimula na naman bumilis ang tibok ng aking puso. Anong isasagot ko?

“Marga.” tawag niya sa 'kin.

Hahawakan niya na sana ang aking kamay, ngunit sa bigla ko ay iwinaksi ko agad ito. Tulad ko natigilan din siya sa ginawa ko. I looked at him and saw his lips were in a thin line. He clenched his jaw.

I looked down. Hindi pa rin ako sumagot sa tanong niya. Hindi ko kayang magsinungaling sa harap niya mismo, dahil kung magsasalita ako ay mahahalata niya pa rin 'yon.

“Ang sabi sa 'kin ni Sion at Sheena busy ka raw no'ng biyernes kaya hindi ka nakapunta sa amin. Tapos nang tinawagan ko si yaya Mina ay ang sabi niya nasa kwarto ka lang at nagkukulong. Do you think I won’t worry about your actions these past few weeks, Marga?” mariin niyang sabi.

Nakayuko pa rin ako, at napapikit ng mariin dahil sa sinabi niya. Tumawag siya nung araw na 'yon kay yaya Mina, pero bakit hindi sinabi ni Yaya sa 'kin 'yon? Nagsimula nang manginig ang aking mga tuhod dahil sa kaba. Lumunok ako uli at sinubukan magsalita.

“Ahhmm…” panimula ko. Sinubukan isatinig ang mga salita na nasa aking utak. Gosh! Namamawis na ang aking palad dahil sa nerbyos. Ano ang sasabihin ko?

Tumayo siya at dahan-dahan na lumapit sa 'kin.

“May problema ka ba sa pamilya mo?” malumanay niyang sabi.

Umiling agad ako sa tanong niya.

“Inaway ka na naman ba ni Lily?”

Umiling uli ako at napakagat ng labi.

“W-wala akong p-problema…” I stuttered. “naistress lang ako sa exam,” I managed to speak my words.

Tiningnan ko siya at sa ekspresyon ng kanyang mukha ay hindi talaga siya naniniwala. He shifted his height as he licked his lower lip. Napaatras ako ng kaonti. Napansin niya ang pag-atras ko kaya umatras din siya at umupo sa kanyang motor. I sighed heavily.

“So… kamusta na pala yung exam mo?” tanong niya.

“Okay lang naman, nakuha ko ang passing score ng exam namin.” sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya.

“Good.” tipid niyang sabi.

“Ikaw ba?” I directly asked back at him, trying to enlighten the atmosphere.

“The exams are fine!” sarkastikong tugon niya.

I pouted my lips. Mukang bad mode siya ngayon. Bumaling siya dagat kung kaya't nadepina ang kanyang panga, tangos ng ilong at ang adam's apple niya. Nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang adam's apple dahil sa ginawa niyang paglunok. Napalunok din ako. 

Marga! Tama na ang pagpapantasya mo! Hindi siya magiging sa 'yo! Hindi kayo para sa isa't isa! At kahit kailan hindi ka niya magugustuhan! Tapusin mo na ang kabaliwan na 'to. 

I swallowed hard to get away the bulb of my throat. Kinuha ko na ang puting sobre nasa aking bulsa para matapos na 'to. Tumikhim ako para lumingon siya sa 'kin. At tama nga ako, lumingon nga siya sa akin at agad naman bumaba ang kanyang mga mata sa hawak kong sobre. Inabot ko naman sa kanya ito.

“May nagpapabigay sa 'yo,” I said.

He looked at it. “Sino?” tanong niya.

Hindi ako sumagot sa kanyang tanong. Subali't nanatili kong inabot sa kanya ang sobre. 'Di nagtagal kinuha niya rin naman ito at binasa ang nakasulat sa harapan ng sobre.

Napansin ko ang panginginig ng kanyang kamay habang hawak-hawak ang sobre. Namilog ang mga mata ko, nang tumingin siya sa 'kin na may galit sa mga mata niya.

“Kailan lang 'to?” mariin niyang tanong sa akin.

“K-kanina lang…” nautal kong sabi.

Tumayo siya sabay tapon ng sobre. Napasinghap ako sa ginawa niya. Tiningnan ko ang sobre na nasa lupa na ngayon.

From: ENGR. DANIEL VERCHER

Bumalik ang tingin ko kay Dean, na namumula na ang kanyang mga mata ngayon. Nagtiim bagang siya habang nakatitig sa akin.

“Anong ginawa mo?!” tanong ko sa kanya, pasigaw.

“Sa susunod, huwag ka na lalapit pa sa kanya.” mariin niyang sabi.

I frowned. “Pero bakit?” Takang tanong ko sa kanya.

“Basta h'wag ka na ulit lalapit sa lalaki na 'yun, Marga!” sabi niya, parang na-fufustrate na.

“Pero bakit nga?! Mukha naman siyang sincere… at—” pinutol niya ang sinabi ko.

“Nag-uusap kayong dalawa?!” Nahimigan ko ang galit sa kanyang boses.

Umatras ako dahil sa takot sa kanya. Galit na galit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Humakbang siya papalapit sa akin. My knees were shaking and my heart throbbing so fast. I bit my lip so hard and put my hand on my back and squeezed it out of nervousness.

“Kailan lang kayo nag-usap, Marga?” malumanay man ang pagkakasabi ng kanyang mga salita, pero ramdam ko pa rin ang galit sa boses niya.

I looked down. “Noong biyernes, no'ng hindi ako nakapunta sa inyo.” I managed to speak my words.

“Kailan?” tanong niya ulit, na may iba pang ibig sabihin.

“No'ng last day ng exam natin. No'ng nag-party kayo sa bahay nin'yo.” nangangatal na ang boses ko sa pagsagot.

“Alam mo na naghanda si Mama sa araw na iyon ngunit hindi ka nagpunta. At kailan mo naman balak sabihin sa 'kin na nag-usap na pala kayo ng lalaki na 'yun? Ngayon lang? May tinatago ka pa ba sa 'kin, Marga?” 

I looked up at him and stared at him intently. Nakita ko ang dumaan na lungkot sa kanyang mga mata pero saglit lang 'yun. Nawala rin agad at napalitan ng seryoso. Kung sasabihin ko sa 'yo na may tinatago pa ako at 'yun ay ang nararamdaman ko. Ikaw na ba mismo ang lalayo sa 'kin?

“Wala na,” I almost whispered.

“Really?” he asked coldly.

Umahon ang kaba sa aking dibdib, dahilan kung bakit lumalalim ngayon ang paghinga ko. Napansin ko may kakaiba sa kanya ngayon, hindi ko lang matanto kung ano ito. May gusto siyang gawin pero nagdadalawang isip naman siyang gawin ito. Humakbang siya papalapit sa 'kin, dahilan na humakbang din ako na paatras sa kanya. Mas lalo lang kumabog ang dibdib dahil sa kaba.

I swallowed hard. “Bakit hindi mo bigyan ng chance ang papa mo?” Ibinalik ko ang tungkol sa papa niya para makaiwas sa tanong niya.

Napatigil siya at napasinghap sa tanong ko. Ganoon na lang ba katindi ang galit niya sa kanyang papa kaya hindi niya maatim basahin ang sulat nito. Bakit hindi niya muna pakinggan ang paliwanag ng papa niya kung bakit sila iniwan noon? 

“Ang turo mo sa akin noon. Lahat ng tao ay may karapatan bigyan ng chance para magbago.” sabi ko dahil lagi niya sinasabi sa 'kin 'yan noon. 

“Pero hindi lahat ng tao ay karapatdapat bigyan ng chance, Marga!” mariin niyang sabi at pumikit.

Yes, he's right. Everyone isn't deserves to be given a chance. Dapat niya munang patunayan ito kung karapat-dapat ba talaga siya.

“But…” I trailed off. “he is your father.” I added, almost whispered.

“But he chose…  to leave us, since when I was infant. And leave my mother in the darkness times, kung kailan nangangailangan ng tulong si Mama sa kanya noon, dahil nahihirapan siya na buhayin ako, pero anong ginawa niya? Umalis siya Marga! Iniwan niya ang kanyang mag-iina na nahihirapan dahil walang ipapainom ng gatas sa akin. Tapos ngayon, sasabihin mo sa akin na ama ko siya.” sigaw niya. Na may galit at pagkamuhi.

I shook my head. Naiintindihan ko ang kanyang saloobin. Iniwan sila sa gitna ng paghihirap at kawalan ng pag-asa. Sino bang hindi magagalit doon? Kung ang taong inaasahan mong sasandalan mo habang buhay ay hindi ka pala kayang panindigan. 

Naaawa ako sa nangyari sa kanila noon. At humahanga din kay tita Karen, na kaya niyang bumangon na mag-isa sa gitna ng kahirapan nila noon. Ginawa niya ang lahat para makabangon silang mag-iina… para may mainom na gatas ang kanyang anak at may makain silang dalawa araw-araw.

Ngunit hindi pa rin tama na habang buhay na lang siya galit sa mga taong nagkamali sa kanila. Hindi ito ang tinuro niya sa 'kin.

“But he is still your father, Dean—” pinutol niya ang sasabihin ko.

“He's not! He never been as my father. Kahit kailan… kahit konting panahon lang... hindi niya ginawa ang responsibilidad niya bilang ama sa 'kin. At pwede ba! Huwag mong pakialaman ang problema ko!” mariin niyang sabi, na-fufustrate na.

Namilog ang mata ko sa huli niyang sinabi. Kumirot ang puso ko at mas lalong lumalim ang paghinga. Anong sabi niya? Huwag ko raw siyang pakialaman sa problema niya.

Nakita ko nagulat din siya sa sinabi niya kaya umiwas siya agad ng tingin sa 'kin at tumingin uli sa dagat.

“Nangingialam ka sa problema ko, tapos ayaw mong makialam ako sa problema mo.” 

Kung masakit ang pagkakaroon niya ng ibang mahal noon, pero ngayon, wala na sasakit pa sa natanto ko ngayon hindi ka naman niya tinuring na kahit ano… kaibigan man niya o kapatid. So, saan parte pala ng buhay niya ang pwede kong pakialaman?

Parte kaya ako ng buhay niya?

Saan ba ako lulugar sa kanya kung gano'n?

I saw how his adam's apple move because he swallowed. Bumaba ang tingin niya sa lupa at pumikit ng mariin bago tumingin sa 'kin. His almond eyes look so serious and… weary. Kitang-kita ko pa rin ang galit sa kanyang mga mata kaya tinapangan ko ang sarili para mapantayan ang titig niya sa 'kin.

“Kahit saglit lang kami nag-usap. Tuwang-tuwa siya nang malaman niyang ga-graduate kana ng highschool.” marahan kong sabi. Wala na akong pakialam kung magalit siya sa 'kin.

Hinilamos niya ang kamay sa kanyang mukha, tila na-fufustrate sa sinabi ko. I'm sorry, alam ko ayaw mo itong marinig. Pero gusto ko lang lumambot ka, 'di bale ng magalit ka sa 'kin.

“At alam mo ba sa gitna ng tuwa niya. May nakita akong lungkot at pagsisisi—”

Napatigil ako at nagulat sa ginawa niya.

“Fuck!” sabay sipa ng kanyang motor kaya natumba ito.

Nanatili lang ako sa aking kinatatayuan. Kumirot ang aking puso. Nagsisigaw siya sa galit kaya napapikit na lamang ako ng mariin.

“Kahit gaano pa siya nagsisisi sa nagawa niya noon, hindi ko pa rin siya mapapatawad, Marga!” he shouted like thunder in the sky.

I looked at him again with my weary eyes. Huminga ako ng malalim. Habang naninikip naman ang puso ko sa sakit. Dahil sa nakita ko ngayon, mas lalo lang ako nasaktan.

“Pa'no kung gusto niyang bumawi sa inyo ni Tita, huh?”

“Wala akong pakialam!” sigaw niya, galit na galit.

“Pero ramdam ko gusto niyang bumawi sa 'yo. Hindi ka ba masaya doon na magiging kompleto na kayo!” sabi ko, at pilit pinapakalma ang sarili.

“Kompleto na ako, Marga!”

Umiling ako sa kanyang tinuran. Ang hirap niya talagang kausapin… at palambotin ngayon.

“Masaya na ako kung anong meron sa 'kin ngayon. Hindi kona siya kailangan pa.” dagdag niya.

Naniningkit ang mga mata ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin sa akin.

“Hindi ako naniniwala sa 'yo, Dean. Alam kong kailangan mo pa siya. Alam mong gusto mo pa rin siya makasama.” mariin kong sabi.

Tiningnan niya ako ng maigi at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Umiling siya.

“Sinasabi mo lang yan dahil nasasaktan ka sa nangyari sa inyo noon,” I smirked and teasing him.

He clenched his hand turned into a fist. Umigting ang kanyang panga, at mas lalong nadepina ang kanyang galit dahil sa sinabi ko. I swallowed hard to get away the bulb of my throat. Pinantayan ko pa rin ang nagbabaga niyang titig sa akin, pilit tinatago ang tunay na nararamdaman.

“Bakit hindi mo muna pakinggan ang paliwanag niya kung bakit kayo iniwan noon?” I continued.

He shook his head again. “Bakit pa, Marga? At…” he trailed off. Tinitigan ako ng maigi, “para saan ba 'tong ginagawa mo ngayon, huh?” sabi niya. Pilit kinakalma ang kanyang sarili.

Napasinghap ako at bumaling sa kalmado na dagat. Trying to ignore his question but I couldn't. Nandito na 'to, e. Uurong pa ba ako?

Tiningnan ko siya ulit. Nanantya ang mga mata n'ya sa 'kin habang hinihintay akong sumagot sa mga tanong niya. I swallowed hard.

“Gusto ko lang naman makatulong para mapabuti ang relasyon mo iyong ama katulad ng tinuro mo sa 'kin, pero kung ayaw mo naman… mas mabuti pang… huwag mo na akong kausapin pa. Tutal, ayaw mong pinapakialaman kita sa problema mo, hindi ba?” sabi ko habang pahina nang pahina ang aking boses.

Siguro, ito na ang tanging paraan para iwasan na namin ang isa't isa… lumayo na ako sa kanya.

Napanganga siya. Hindi makapaniwala sa sinabi ko. He stepped closer to me and tried to capture my elbow. Lumambot ang mga titig niya sa 'kin habang hinuhuli ang mga mata ko.

“What did you say?” he asked breathily.

Lumapit pa siya lalo sa 'kin, at nang nahawakan niya na ang aking siko. Tinulak ko naman siya palayo. Nanghihina ang mga tuhod ko… maging ang mga kamay ko habang tinutulak siya. Ramdam ko na ang panginginit ng luha sa gilid ng aking mga mata. Pumikit ako ng mariin, pinipigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanya nang deretso.

“Mas mabuti pang h'wag na tayong mag-usap, Dean. Akala ko kapag sumasama ako sa 'yo, may matutunan ako. Wala pala. Lalo na ngayon… na puro galit at pagkamuhi nakikita ko sa 'yo.” I said before turning my back on him.

Naglakad na ako palayo sa kanya, habang ang puso ko'y pinipiga na dahil sa sobrang sakit.

Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 140K 34
If you're new to Wattpad or started reading Wattpad 2016 onwards, PLEASE DON'T READ THIS I reposted this because some of my readers were asking why i...
7.1M 229K 65
His Punishments can kill you
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
9.4K 370 11
Destiny is challenged when a hotel heiress and politician's daughter, Georgina Finnegan, becomes entangled with a part-time janitor who is also an en...