The Sound of Gunfire

By RGFilipina

32.7K 1.7K 204

Matagal nang tinalikuran ni Annika Faustino ang buhay sa lalawigan ng Elena dahil sa tatlong dahilan: gyera... More

The Sound of Gunfire
Annika
Andrus
Thank You
Girlfriend
Flowers
Cold Compress
Playboy
First Day of Campaign
Luneta
Gunshot
Protect
Fear
The Governor
Busy
Family
Indenial
Basement
Fall
I Like You
Intention
Guard
Help
Need
Explosion
Confused
Dream
Promise
Left
Pain
Truth
Desperate
Priority
Yes
Secret
Kiss
Anger
Trust
Arrested
Choice
Impossible
Realize
Greater
Work
Eyes
Storm
Home
Caught
Black
Battle
Sound
Wakas

Remember

460 24 1
By RGFilipina

ANNIKA

SA LABAS pa rin natulog si Andrus kahit anong pilit kong dito na lang siya. Buo na talaga ang desisyon niya kahit magmakaawa ako, o mapanggap na hindi ko kayang mag-isa sa kuwarto.

Natawa na lang ako. Hindi ko akalaing sa simpleng bagay na 'yon, nadagdagan pa ang rason kung bakit ko siya minahal. Kung minahal ko siya noon, mas lalo na ngayon. Mas lalo pa sa tuwing nasasaksihan ko kung gaano niya ako kamahal sa mga mata pa lang.

Bakit ba nagduda pa ako noon? Hindi ko akalaing iniwan ko siya dahil sa maliit kong pagtingin sa nararamdaman niya para sa akin.

Kung tutuusin, ang pagmamahal ko ang dapat kinukuwestiyon dito. Pakiramdam ko kasi, kumpara sa akin, mas malalim at mas matatag ang pagmamahal niya. 'Yong kahit ano'ng gawin, hindi matitibag.

Samantalang ako...

Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw sa labas ng bintana.

Wala na akong lagnat ngunit alam kong kailangan ko pa ng pahinga. Pakiramdam ko hindi pa rin humuhupa ang pagod ko dulot ng matinding trabaho nitong mga nakaraang araw.

Ngumiti ako sa pagdampi ng ihip ng hangin sa aking mukha. Isang buwan na ako rito sa Maynila ngunit ngayon ko lang naramdaman ang kapayapaan. Siguro dahil iba ang araw na 'to.

"Gising ka na pala.." Tinalikuran ko ang tanawin sa labas upang harapin si Andrus na nasa bukana lang ng pintuan. "Nagugutom ka na ba?"

Umiling ako at ngumiti bago sumenyas na lumapit sa akin. Kunot-noo niya akong tinitigan bago siya tuluyang pumasok.

"Bakit? May problema ba? May masakit ba?" sunod-sunod niyang tanong habang sinusuri ng tingin ang katawan ko.

"Bakit nandito ka pa?" pag-iba ko sa usapan. "Hindi ba may pasok ka pa?"

"Hindi muna ako papasok. Dito lang ako..." sagot niya habang tinitingnan ang katawan ko. "Sigurado ka bang maayos na ang pakiramdam mo? Hindi ka na nahihilo?"

Ngumiti ako at umiling. "Hindi na po..."

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Kung kanina'y puno ng pangamba ang mata niya, ngayon ay naniningkit na ito sa pagdududa.

"Are you sure?"

"Yes."

"Kung gano'n, ano ang gusto mong kainin?"

Ngumuso ako. "Hmm, hindi ka ba muna matutulog nang mas mahaba? Masyado pang maaga, Andrus. Magpahinga ka kaya muna?"

"Nakapagpahinga na ako."

Tss. Nakapagpahinga nga pero two hours lang! Paano siya makapagpapahinga nang maayos kung panay ang pasok niya sa kuwarto ko para i-check ang temperature ko. Magdamag yata siyang gising para asikasuhin ako! Nakatulog lang siya nang bumaba ang lagnat ko.

"May bibilihin lang ako sa labas. Babalik din ako agad."

"Saan ka pupunta?"

"Sa palengke. Hindi pa bukas ang grocery sa ganitong oras. Sa palengke na lang ako bibili ng mga puwedeng lutuin."

Palengke? Mayroon bang gano'n malapit dito? Puro building lang ang nakikita ko sa paligid, ah?

"May gusto ka bang ipabili?" tanong pa niya.

Umiling ako. "Wala naman. Bumalik ka lang agad."

Tumango lang siya bago ako tinalikuran. Hinatid ko naman siya ng tingin hanggang sa marinig ang pagbukas-sara ng pinto.

Nakabibinging katahimikan ang agad na lumamon sa akin nang mapag-isa. Sanay akong ganito pero hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng lungkot.

Siguro dahil iba nga talaga ang araw na ito. Ibang-iba dahil nandito si Andrus. Mabilis akong makaramdam ng pangungulila dahil alam kong hindi na ako mag-isa.

Wala sa sariling gumuhit ang ngiti sa aking labi. Hindi talaga ako ganito! Hindi ako ganito ka-sentimental na tao. Friendly, oo, pero walang nagse-stay na kaibigan. Buong buhay ko, si Finian lang ang kasama ko.

Kaya iba para sa akin si Andrus. Iba siya sa lahat dahil siya lang ang taong pinapasok ko nang ganito sa buhay ko. Hindi lang siya basta pumasok, gumawa pa siya ng pagbabago.

Dahil sa kanya, namulat ako sa mga bagay na puwede ko palang maramdaman. Na hindi lang para sa piling tao ang pagmamahal. Puwede rin ito sa kahit na sino; kahit pa sa taong hindi kamahal-mahal.

Masaya akong nag-ayos ng sarili habang wala pa si Andrus. Nag-half bath lang ako dahil kahit wala na akong lagnat, masakit pa rin ang ulo ko.

Sunod kong inayos ay ang aking kama. Nang matapos, nagtungo naman ako sa sala para ayusin sana ang pinaghigaan ni Andrus. Hindi ko na nga lang nagawa dahil maayos na pala. Pati ang buong paligid, malinis na rin.

Binuksan ko na lang ang TV para magkaroon ng ingay. Habang nanonood, binuksan ko ang aking laptop para tingnan ang email.

May mga nakuha akong mensahe galing sa aking boss, kay Pixie, at sa ilang kliyente. Una kong binasa ang email galing sa aking boss na naglalaman ng comments tungkol sa design ko. May revisions siya na next month pa naman ang deadline.

Suggestions naman ang hinihingi ni Pixie para sa design na ginagawa niya. Hinihingi niya ang comments ko kung maganda ba o hindi.

Gaya ng sa boss ko, revisions din ang laman ng emails ng mga kliyente. Nagbabago ang isip nila kaya may mga kaunting changes silang pinagagawa. Si Ms. Santiago lang ang nanghingi ng follow-up tungkol sa final output ng kanyang wedding gown.

Isa-isa akong nag-reply sa mga kliyente. Sinabi ko sa kanila ang status ng kanilang design, at ang kondisyon ko ngayon kaya hindi ako makaka-send ng update.

Nasa kalagitnaan ako ng pagco-compose ng email nang matigilan dahil sa balitang pinalalabas sa TV.

Natulala ako nang makita ang malakas na hangin at ulan sa Elena. Mas lalo pa akong hindi nakagalaw nang masaksihan ang ilang lugar na abot hanggang tuhod ang baha! Ayon sa news reporter, puwede pa itong tumaas dahil sa tindi ng lakas ng ulan!

Napabalikwas ako sa kinauupuan nang biglang tumunog ang aking cellphone galing sa kuwarto. Tumayo agad ako at nagmadaling kunin 'yon para sagutin ang tawag.

"Fin!" bungad ko.

"Ate, how are you? Sinabi sa akin ni Andrus na may sakit ka raw—"

"I'm fine. Malakas ang ulan diyan ngayon! Kumusta kayo?"

"Yes, the weather's not good here. But don't worry, nakapag-prepare naman kami. We're fine. Sumasama ako sa rescue operation dahil kulang na kami ngayon sa tao. Sobrang dami kasing apektado."

"Si Papa? Kasama n'yo rin?"

"No. He's not allowed to come with us."

Hindi ko alam na matagal ko palang pinigilan ang paghinga kaya nang sabihin niya 'yon, lumuwag ang pakiramdam ko.

Kahit hindi kami magkaayos ni Papa, ayaw kong mapahamak siya. Delikado kung sasama siya sa mga rescue operation kaya mas mabuting nasa opisina lang siya. May maitutulong pa rin naman siya kahit hindi kasama roon.

"Sarado rin ang mga daan kaya cancelled ang mga byahe papasok at palabas ng Elena. Kung hindi agad maaayos ang mga roads, baka hanggang next week stranded ang mga luluwas..."

Tumango ako. Lumabas ako ng kuwarto at umupo sa sala para panoorin muli ang balita sa TV.

"Kaya baka hindi makabalik agad si Lisa, ate..."

"I understand," tugon ko sa malungkot na boses.

Hindi na nga maganda ang lagay ng nanay ni Lisa, ganito pa ang nangyayari ngayon sa Elena. She's probably problematic right now.

"Hay. I know you didn't like your set-up with Andrus right now, but we don't have a choice. Ang sabi ni Papa, gusto mo raw na si Belen ang ipalit kay Lisa. He's busy right now so he can't accommodate your request kaya ako ang—"

"What on earth are you talking about?" lito kong tanong.

Wala akong naaalalang nagreklamo ako sa kanya tungkol sa set-up namin ngayon ni Andrus kaya why is he saying all those words all of a sudden?

"You sounds so sad earlier, ate," diretso niyang sinabi. "Parang ang lungkot-lungkot mo dahil hindi makababalik agad si Lisa riyan. It seems like you want to get rid of Andrus as soon as possible."

Sandali akong natahimik bago unti-unting ngumisi. Gusto kong tawanan ang pagkakamali niya ngunit pinigilan ko.

"Yes, hindi na kayo. Pero... he's still a friend, right?" malungkot na tinig ng aking kapatid. "Kahit 'yon lang, sana maibalik n'yo."

Hindi na ako nakapagsalita dahil biglang bumukas ang pinto ng condo ko. Tumayo agad ako nang pumasok si Andrus. Kumunot ang noo niya nang makita ang aking laptop sa sofa, at ang cellphone sa tainga.

"You're working?" tanong niya. "Hindi pa nakababawi ang katawan mo. Stop working. Nagpapahinga ka lang dapat."

Humagikgik ako at umiling. "I'm sorry. Nag-reply lang naman ako sa mga email. And... hindi trabaho ang ginagawa ko sa cellphone. Finian is here..."

Ibibigay ko na sana ang cellphone sa kanya kung sakaling gusto niyang makausap ang kapatid ko, ngunit bigla akong may narinig sa kabilang linya.

"Why are you laughing in a flirty way, ate?!" singhal niya na tinawanan ko. "Wait, are you..."

"Yes, we're together again."

Ilang segundong namalagi ang katahimikan sa kabilang linya bago ito sinakop ng halakhak ni Finian.

"Oh, right!" Naramdaman ko ang saya sa boses niya kaya mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko. "Wala na pala akong dapat ipangamba. Bye, ate! Take care!"

Ngumuso ako lalo na nang maalala muli ang nangyayari ngayon sa Elena. "Ikaw ang mag-ingat. I love you."

"Don't worry about me, okay? I love you too."

Pagbaba ng tawag, agad kong inangat ang tingin kay Andrus na kanina pa nanonood sa bawat galaw ko.

"What's that?" tanong ko nang makita ang hawak niyang plastic bag. Sinilip ko 'yon kaya nakita ko ang mga karne, gulay, at kung anu-ano pa.

"Kumusta raw sa Elena ngayon?" pagbalewala niya sa tanong ko. "Nabalitaan ko rin kanina sa palengke ang nangyari."

Bumuntong-hininga ako bago siya iginiya sa kusina para maayos namin ang pinamili niya. Habang ginagawa 'yon, kinukuwento ko sa kanya ang lahat ng sinabi ni Finian.

Pinagmasdan ko ang pagbago ng timpla ng mukha niya habang nagsasalita ako. Kung kanina'y seryoso lang siya, ngayon ay puno na ng determinasyon ang mukha niya. Kulang na lang ay mag-teleport siya papuntang Elena para tumulong doon.

"Hanggang kailan ka ba rito sa Maynila?"

Mula sa pag-aayos ng mga isda at karne, inangat niya ang tingin sa akin. Nakita ko ang pagdadalawang-isip niyang sumagot ngunit sa huli'y wala siyang nagawa kundi magsalita.

"Hanggang next week," malamig niyang sambit. "Pero gaya ng sabi ni Finian, mananatili ako rito dahil sarado ang mga kalsada..."

"You can do something about that," agap ko dahil hindi ako naniniwalang wala siyang kayang gawin sa parteng iyon. "You are part of... military... who protects people... so, I think you can go back to Elena in any way, right?"

Hindi siya sumagot kaya umiwas ako ng tingin. Sa totoo lang ay ayaw ko siyang umalis; pero kung kailangan, wala akong choice kundi hayaan siya. Bukod sa akin, alam kong may iba pa siyang priority na dapat ko na ring intindihin.

"Don't worry about me. Kaya ko naman ang sarili ko rito," dagdag ko pa dahil nabibingi na ako sa katahimikan niya.

"Pag-iisipan ko."

Agaran ang ginawa kong paglingon para makita siya. Abala na siya ngayon sa paglalagay sa ref ng mga inayos namin kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"What do you mean?"

"Wala kang kasama rito. Walang mag-aasikaso sa 'yo."

"So?" Natatawa ako pero kailangan kong pigilan dahil masyado siyang seryoso. "Kaya kong asikasuhin ang sarili ko. Hindi lang ako marunong magluto pero kaya kong maglinis."

Tumigil siya upang harapin ako. Napalunok ako nang masilayan ang panganib sa mga mata niya.

"Sino ang magluluto?"

"Don't worry about that. Puwede namang bumili sa labas."

Umiwas ulit siya ng tingin at muling tinuon ang atensyon sa ginagawa. Hindi na ako makatulong dahil naka-focus na ako sa pinag-uusapan naming dalawa.

"Hey, kung kailangan mong bumalik sa Elena, go ahead. I'm fine here..."

Hindi siya kumibo. Tuloy-tuloy lang ang kilos niya para maiwasan ang usapan. Hindi nga lang ako nadadala sa ganoon kaya hindi ko siya nilubayan.

We need to talk about this dahil importante ito. I want to hear his plan dahil hindi puwedeng ako lang ang laman ng isip niya.

"Please, promise me na kapag natapos na ang stay mo rito, babalik ka na. You should follow your boss' command."

Kung hanggang next week lang siya, dapat umuwi na siya sa Elena pagkatapos no'n; nakabalik man si Lisa rito o hindi. Hindi puwedeng masunod ang gusto niya dahil lang sa nandito ako, mag-isa. Ayaw kong magkaproblema sa trabaho niya dahil lang sa akin.

"Pag-usapan natin ito sa ibang araw—"

Umiling agad ako kaya bumuntong-hininga siya, tila suko na sa katigasan ng ulo ko.

"I want to hear it now, Andrus. Promise me..."

"Hindi ko kayang iwan ka rito mag-isa, Annika." Tumigil siya sa pagkilos upang harapin ako. Mas lalo kong nakita ang pinagkaiba ng taas namin dahil nakadungaw siya sa akin ngayon, nagpapamalas ng matinding awtoridad. "Walang mag-aasikaso sa 'yo."

"I can handle myself." Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kinakaya ang tindi ng titig niya sa akin. "Ayaw kong makaabala sa trabaho mo kaya—"

"Sino ang may sabi sa 'yo na abala ka? Girlfriend kita, Annika. Paano ka naging abala?"

Uminit ang pisngi ko sa narinig. Oo, kami na ulit, pero bakit parang kahit kailan hindi ako masasanay roon?

"Stop thinking about that. Ako ang bahala. Umupo ka muna sa sofa para makapagluto ako nang maayos."

Hindi ko siya pinakinggan. Nanatili ako sa harap niya kaya napapikit siya nang mariin, talagang malapit nang maubos ang pasensya sa akin.

"Okay. Do whatever you want. Magluluto lang ako," aniya sabay talikod upang harapin ang sink.

Tinabihan ko naman siya upang manood sa ginagawa niya. Wala naman siyang reklamo kaya mas nilapit ko pa ang sarili sa kanya.

"Hindi talaga bagay sa 'yo ang ganito," komento ko habang nakatitig sa kung paano siya maghiwa ng karne.

"May binabagayan ba ang pagluluto?"

Ngumisi ako. "Wala, pero kapag ikaw ang gumagawa, parang hindi bagay. Mas bagay siguro kung ako ang gagawa niyan."

Tumawa siya kaya nagulat ako. Ano 'yon? Bakit gano'n ang reaksyon niya?

"Walang problema sa akin kung marunong kang magluto, pero hindi mo puwedeng sabihin na bagay ito sa 'yo." Sumulyap siya kamay kong nakahawak sa gilid ng lababo kaya napatingin na rin tuloy ako roon. "Parang hindi puwedeng iparanas ang dahas sa mga kamay mo..."

Natulala ako at hindi na nakapagsalita. Tinawanan niya ang reaksyon ko bago muling tinuon ang atensyon sa ginagawa.

What the?

"Bakit nakabukas pa ang laptop mo? Akala ko ba sumagot ka lang sa email?" pagbago niya sa usapan nang mapansin na hindi na ako makabawi.

Nilingon ko ang nakabukas na laptop na nasa sofa. Hindi ko nakitang sinulyapan niya 'yon habang may ginagawa siya rito sa kusina kaya bakit alam niya na nakabukas pa rin 'yon?

He is so...

"Turn it off para makampante akong hindi ka magtatrabaho," utos niya na parang kailangan kong sundin agad kaya walang pag-aalinlangan akong umalis sa tabi niya para sumunod.

Bago patayin ang laptop, nakita ko pa ang ilang emails na hindi ko na mare-reply-an dahil nakabantay ng tingin si Andrus.

Hindi ko alam kung bakit imbis na ma-badtrip, natutuwa pa ako. Ano ba 'to?!

Mataas na ang sikat ng araw nang matapos siya sa pagluluto. Hindi gaya noon, sabay naming pinagsaluhan ang pagkain. Medyo naiilang pa rin ako pero sa tuwing kakausapin niya ako, nawawala iyon. Parang alam na alam niya ang gagawin para maging kumportable ako sa kanya.

"May damit ka bang dala?" tanong ko nang mapansin na suot pa rin niya ang unipormeng pantalon na suot niya kahapon.

"Mayro'n. Nasa sasakyan pa. Kukunin ko pagkatapos kumain."

"Tapos dito ka na magse-stay?" maligaya kong dugtong.

Sumulyap siya sa akin sandali bago binaba ang tingin sa pagkain. "Oo, hangga't hindi maayos ang pakiramdam mo..."

Pinigilan ko ang pagngisi. Ibig sabihin... maghapon kaming magkasama?

Sobra-sobrang excitement ang naramdaman ko sa naisip. Ngayon pa lang yata kami magkakasama nang matagal dahil parehas kaming hindi magtatrabaho!

Ano kaya ang puwedeng gawin today? Dapat special dahil minsan lang 'to!

Tumitig ako sa kanya kaya agad kong napansin ang malalalim niyang mata, tila kulang na kulang sa tulog. Gusto ko sanang manood kami ng movie ngunit parang makatutulog lang siya roon.

Hmm...

"Mayroon ka bang gustong gawin today?" hindi ko na napigilang itanong.

"Wala. Magpapahinga ka para tuluyang lumakas ang katawan mo. Baka bumalik ang lagnat mo kapag kumilos ka."

Dumaing ako sa iritasyon. "You're so KJ!"

Bakit ko ba nakalimutan ang side niyang ito? Palagi na lang siyang panira ng mood!

Hindi siya nagsalita ngunit nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya. Mas lalo lamang akong nairita. Talagang natutuwa pa siya, ah?

Ayaw kong maging boring ang araw namin ngayon kaya sinamantala ko ang pagiging abala niya sa paghugas ng pinagkainan namin para magawa ang gusto ko.

Naglatag ako ng makapal na comforter sa sala, at mga unan sa paligid habang naka-set ang TV sa movies. Kumuha rin ako ng chips sa cabinet at nilagay 'yon sa center table na tinulak ko sa gilid.

Alam kong hindi papayag si Andrus na lumabas kami, o kumilos ako nang mabibigat, kaya kahit alam kong tutulugan lang niya ang movie, p-in-ush ko pa rin. Gagawa na lang ako ng paraan para hindi siya makatulog.

"Ano'ng ginagawa mo?" baritonong boses ni Andrus nang madatnan ako sa sala. Nagpupunas pa siya ng basang kamay nang pasadahan ng tingin ang ginawa ko.

"Ang sabi mo gusto mong magpahinga ako. Here! Dito ako magpapahinga kasama ka." Nilahad ko pa ang kamay ko at proud na pinakita ang simpleng set-up na naisip ko.

Lumapit siya kaya tumayo agad ako. Seryoso ang mga mata niya habang nagpapapalit-palit ang tingin sa TV, sa set-up na ginawa ko, at sa akin. Nabasa ko agad ang matinding pagtutol doon kaya gusto ko sanang mangatwiran kaya lang naunahan niya ako.

"Okay. Maliligo lang ako."

Sa sobrang gulat, wala akong nagawa kundi pagmasdan ang paglabas niya sa condo ko para kumuha ng damit sa sasakyan. Pagbalik niya, agad siyang nagtungo sa bathroom para maligo!

Doon ko lang tuluyang nailabas ang tuwa na naramdaman ko. Malaki ang ngiti sa aking labi bago umupo sa comforter at kumuha ng unan. Mahigpit ang yakap ko roon dahil sa saya!

Manonood kami ng movie! Ano kaya ang gusto niya? Romantic? Action? Comedy?

Wait, action ang pinapanood niya dati noong naabutan ko siya sa bahay nila. Action na lang kaya ang panoorin namin ngayon? Mahilig siya sa gano'n kaya sige, 'yon na lang!

Namili ako ng action movie ngunit wala akong kilala roon kaya kailangan ko pang mag-search ng mga reviews.

Habang abala sa pag-browse, biglang bumukas ang pinto ng bathroom. Nang maglakad siya patungo sa akin, agad kong naamoy ang panlalaking body wash na ginamit niya. Saan niya nakuha 'yon? May dala siyang gano'n?

"Ano ang gusto mong panoorin?" tanong niya habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang towel.

Gusto kong sumagot ngunit masyado akong natulala sa fresh niyang mukha! Hindi pa kasama roon ang suot niyang white t-shirt at gray sweatpants! Hindi ako makapaniwala na nagsusuot siya ng ganito. Guwapo na siya kapag suot ang kanyang uniform, pero mas guwapo siya sa suot niya ngayon!

Pinilit kong umiwas ng tingin kahit namamangha pa ako. Ayaw kong makita niya kung gaano ako ka-guwapong-guwapo sa kanya!

Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa comforter at gumapang palapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko na basa pa ang buhok. Nilapag lang niya ang towel sa center table bago kinuha ang remote control.

Pinagmasdan ko siyang minanipula ang TV at pumindot ng isang romantic movie! Hindi ako familiar doon, at mukhang siya rin dahil tutok na tutok siya.

"Romantic movie?" hindi ko na napigilang punahin dahil hindi ako makapaniwala.

"Gusto ng mga babae ang romantic movies, 'di ba?" aniya sabay tingin sa akin.

Ilang sandali ko siyang tinitigan bago tumawa. "Eh paano ikaw? Gusto mo ba 'yan?"

"Ayos lang. Kahit ano naman, pinapanood ko."

Hindi ako nagsalita pero hindi nawala ang ngiti sa labi ko. Gumalaw naman siya para kumuha ng unan at ilagay ito sa sinasandalan kong sofa. Hinayaan ko siyang gawin 'yon habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Para hindi sumakit ang likod mo..." bulong niya.

Tumango lang ako at mas lalo pang ngumiti bago tinuon ang atensyon sa movie. Wala na nga lang akong maintindihan kaya mas lumapit pa ako kay Andrus upang isandal ang ulo sa kanyang balikat.

Naramdaman kong natigilan siya ngunit agad ding nakabawi dahil inangat niya ang kamay niyang sinandalan ko para maakbayan ako.

"I missed you..." sabi ko, sapat lang para marinig niya. Naramdaman kong gumalaw ang kamay niya sa balikat ko kaya alam kong narinig niya ang sinabi ko. "Promise, I will never leave you again."

Hindi siya nagsalita kaya ginamit ko ang pagkakataong 'yon para magsalita ulit.

"From now on, makikinig na ako. Hindi na ako lalayo at makikipaghiwalay nang basta-basta. Iintindihin kita palagi."

Humigpit ang akbay niya sa akin upang idiin ako sa kanya. Naramdaman ko pa ang halik niya sa aking buhok kaya napapikit ako.

"Thank you," mahina niyang sinabi, tila ayaw nang pahabain pa ang paghingi ko ng tawad kaya tinanggap na lang niya agad. "I missed you too... so much..."

Humiwalay ako sa kanya upang tingnan ang mga mata niya. Namumungay ito sa saya at panghihina. Ngumiti ako bago kinalas ang kanyang kamay sa aking balikat.

"Wala ka pang tulog..." Kinuha ko ang pinakamalapit na throw pillow at pinatong ito sa aking hita. Tinapik ko 'yon kaya napatingin siya roon. "Lay down here..."

Alam kong ayaw niya kaya ginawa ko ang lahat para makita niyang gustong-gusto ko talaga siyang alagaan. Napailing na lang siya habang nangingiti bago sinunod ang gusto ko.

Tinalunton ng daliri ko ang kanyang buhok habang nakatitig sa mga mata niya. Hinawakan naman niya ang isa kong kamay at marahan itong dinala sa kanyang labi upang patakan ang maliliit na halik.

"Mas lalo lang akong mahihirapan umalis nito..." sabi niya na tinawanan ko. "Ano ang pinag-uusapan n'yo ni Damian kapag nagkikita kayo pagkatapos ng trabaho mo?"

Ngumisi ako bago binalingan ang movie na hindi ko na naiintindihan. Wala palang kuwenta itong movie na 'to dahil mas nag-e-enjoy ako sa ibang bagay!

"Hindi naman sinasadya 'yon. Nagkikita lang kami dahil tumatawag sa kanya si Lisa kapag hindi pa ako nakakauwi."

"Bakit? Saan ka ba nagpupunta?"

"Sa bar."

"Sa bar?" May bahid ng iritasyon ang boses niya nang sabihin iyon. "Ano ang ginagawa mo sa bar?"

Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa reaksyon niya. What's this? Katulad ba siya ng kapatid ko na masyadong conservative?

"Don't tell me pagagalitan mo ako dahil umiinom ako?" hamon ko na mas lalong nagpadilim sa mga mata niya.

"Bakit ka naman nag-iinom?" nag-aalangan niyang tanong dahil pakiramdam ko, wala naman siyang pakialam sa rason. Alam niyang galing ako sa New York kaya sanay ako sa ganito. Tinanong lang niya 'yon para pigilan ang sariling pagalitan ako.

"I'm broken-hearted," pag-amin ko habang nakatitig sa TV, gustong iwasan ang magiging reaksyon niya. "Gusto kong uminom para makalimutan ka..."

"Nagawa mo naman?" tanong niyang puno ng paninimbang. "Nakalimutan mo nga ako?"

Kung nakalimutan kita, hindi ako makikipagbalikan sa 'yo! Arg, Andrus! Bakit ba ang manhid mo talaga?!

"Do you think madali kang kalimutan?" nanunuya kong tanong.

Bahagya siyang tumawa ngunit bakas ang kalungkutan sa kanyang mga mata. "Palagi kang umaalis kaya tingin ko, madali akong kalimutan."

Parang tinusok ng libong karayom ang dibdib ko sa narinig. Nasasaktan ako dahil gano'n ang tingin niya sa sarili niya. Na hindi siya tatatak sa isip ng sinuman. Na madali siyang balewalain at hindi alalahanin. Na madali siyang... iwan.

"I love you," sambit kong punong-puno ng sinseridad. Namilog ang mata niya kasabay ng paghigpit ng kapit sa kamay ko. "I love you so much, Andrus. I hope you won't forget that."

Nagkatinginan kami. Mabilis ang hampas sa dibdib ko nang makita kung gaano nag-uumapaw sa emosyon ang mga mata niya. Parang napakarami niyang gustong sabihin ngunit kulang ang isang araw para roon. Parang gusto niya akong sambahin at paulanan ng mga salitang nagsasabi kung gaano katindi ang nararamdaman niya para sa akin.

Ngumiti at tumango ako, naiintindihan ang sinasabi ng mga mata niya. Kahit hindi siya magsalita, alam ko. Nababasa ko. Naririnig ko. Nauunawaan ko.

Gusto kong malaman niya na konektado ako sa kanya. Na ang pagmamahal ko'y matibay ring nakakapit sa kanya. Na ang tibok at sigaw ng puso namin ay iisa.

Nagulat ako nang bumangon siya. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin kaya kitang-kita ko ang nakalululang lalim ng mga mata niya. Parang hinihigop ako no'n at dinadala sa ibang mundo.

"Mahal kita, Annika. Palagi mong tatandaan 'yan.."

Ngumiti ako at marahang tumango. Hindi na ako nakapagsalita dahil kinulong niya ng palad ang pisngi ko upang mahalikan ang aking labi. Hindi ko na marinig ang paligid dahil sa dibdib kong sobrang ingay na ngayon!

Sa sobrang saya, inangat ko ang kamay ko upang isabit sa batok niya. Napangiti ako nang agad maramdaman ang isa niyang kamay na bumaba sa likod ko para mayakap ako nang mahigpit. Mas lumalim din ang halik niya, tila unti-unting nawawala sa ulirat.

Ilang sandali pa'y tumigil siya at dahan-dahang lumayo. Bumalik ang kamay niya sa pisngi ko habang hindi nawawala ang tingin sa labi ko.

"Thank you..." bulong niya.

Continue Reading

You'll Also Like

6.5K 128 42
MARUPOK SERIES #1 Cardiothoracic Surgeon-Skylar Blaire Flores witnessed tragedies in her life. Hindi maganda ang takbo ng buhay nito and the only thi...
17.8K 775 13
"The human heart feels things the eyes cannot see... and knows what the mind can't understand." ~loveofpaige Samuel Grant Aranas does not be...
33.1K 1.1K 38
Yzce Toaine Samante likes Chasin Xabat----the cold, mysterious, Captain of Disciplinary Committee of their school. But she suddenly figured out a par...
46.2K 3.6K 48
Aislinn Sinclair is a woman imprisoned in the world that her parents built for her, a world where she always feel the longing of something. It is a l...