"Dad? Are you busy?"
"No baby, why?"
Naupo ako sa couch, sa tabi nya at niyakap ang mga binti ko. Si Mama ay busy sa kusina.
Ngayon nalang ulit kami magkakausap kung sakali. Busy kasi sya palagi e. Kaya madalas si mama lang ang kasama ko.
Nasabi ko na ba sa inyo na secretary si Papa ni Mr. Beaufort? Hindi pa no? So ayan alam nyo na.
Kaya madalas wala sya sa bahay dahil kasama sya sa mga business trip. At saka isa din yon sa reason, yung work ni Papa kung bakit naging mag best friend kami ni Felix.
Si mama naman busy sa flower shop namin. Iyon kasi libangan nya e. Sobrang mahilig sa bulaklak si mama.
"May problema ka ba anak?"
Meron. Yung puso ko.
"Paano nyo po nalaman na gusto nyo si mama?"
"Ah tungkol pala sa love life"- nakangiti nitong sabi. "Si Felix ba yan?"
Napalunok ako at tumango nalang kahit pa may kumokontra sa loob ko.
"Well, I realized that I like your Mom when I couldn't last a day without seeing her face. Palagi ko syang naiisip. Excited akong makita sya pero kinakabahan naman ako kapag kaharap ko sya."- kwento nya habang nakangiti. Pansin ko din ang kislap ng mga mata nya habang pasimpleng sumisilip sa kusina.
"You love her so much?"
"Of course, I can't see myself marrying someone who is not your mom. She's the best thing that ever happened in my life and you're the second."
Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinagsiklop ang mga kamay ko.
"I think Felix likes you too."
"P-po?"
"O bakit parang ayaw mo yata? Diba gustong gusto mo sya simula nung mga bata pa kayo?"
Umiwas ako ng tingin at umiling.
"Maybe I'm just infatuated with him."
"It's okay. Bata ka pa naman. Love can wait, anak, don't pressure yourself."
"Thank you pa."- nakangiti kong sabi at yumakap sa bewang nito.
"Pasali naman."- ang masayang boses ni mama mula sa likod at niyakap kami pareho ni Papa.
This is happiness and home for me.
****
"WHAT?!"
Napalingon sa akin ang ibang nasa hallway.
"Hindi magandang biro yan Felix."
"It's true. Kalat na sa buong school. Zandra committed suicide."
Bakit? Dahil ba sakin? O dahil sa pagkaka expelled nya?
"Is it because of ate Veronica's decision?"- nanghihinang tanong ko.
"Maybe? But some claimed that before she died she had an argument with her parents."
"Where is she?"
"Zandra?"
"Your sister."-putol ko sa mga sasabihin pa nya.
"She's being questioned by the members of the board. Baka mamaya pa ang dating nya."
Napabuntong hininga ako at sinuklay ang buhok ko. Pinili ko nalang na pumasok sa klase kahit pa madaming bumabagabag sa isip ko.
What could possibly be the reason for her suicide?
If it's about being expelled, I think that's too much. Pwede naman syang mag aral sa ibang school.
At kung yung pag aaway naman nila ng parents nya, pwede naman maayos yon sa magandang usapan.
Yes she wronged me , but I didn't wish for her to die.
"Are you okay?"
"Yes, I'm fine."
Nang tumunog ang bell ay nagpaalam nako kay Felix na mauuna na ako.
Hindi din nakakatulong sa akin ang pagtingin at bulung bulungan ng ibang estudyante.
Kahit hindi nila sabihin sakin alam ko na isa ako sa sinisisi nila kung bakit nagawa yon ni Zandra.
Pinindot ko ang elevator at pumasok duon. Habang umaangat iyon ay sya din pagbilis ng tibok ng puso ko.
When I reach her floor, I silently go out and walk towards her office.
Alam kong wala pa sya dito. Kaya naman aantayin ko nalang sya siguro.
Naupo ako sa gilid at sumandal sa pader. Naglagay nalang ako ng earphone at pinikit ang mga mata ko.
Hindi ko alam na nakatulog pala ako at pag gising ko ay nasa loob na ako ng opisina nya.
Bumangon ako mula sa couch at napansin pa ang blazer na naka patong sa katawan ko.
It smelled like her. But where is she?
Pero teka nga sinong bumuhat sakin papasok?!
Mabilis akong tumayo kasabay ng pagbukas ng pinto ng office nya.
Iniluwa nuon ang babaeng hinahanap ko. Napaupo tuloy ulit ako dahil malamig ang mga mata nitong nakatingin sakin.
She close the door behind her and the sound of her heels clicking on the floor is making me nervous again.
May inilapag syang paperbag sa center table.
"Lunch time is over. You can eat here. I already told your professors to excuse you this afternoon."
"I'm sorry if I slept outside your office. I'm just really waiting for you. I didn't mean to do that."- nakayukong sabi ko habang nakafold sa lap ko ang blazer nya.
"I didn't say anything."
"Even so. Nakakahiya po kasi."
Dahan dahan kong itinaas ang paningin ko. Umiwas kaagad ako sa mga mata nya at tumayo.
Inabot ko sa kanya ang blazer nya pero tinignan lamang nya iyon. Hindi ko tuloy alam kung may balak syang tanggapin iyon dahil sobrang seryoso nya makatingin duon.
Bakit parang kasalanan ko pa na nasa akin yon? Hindi ba sya ang may gawa non?
"It's Felix... "- she trailed off.
"Po?"
"I think he's the one who carried you and put my blazer on you."
Anak ng tinapa. Akala ko pa naman ay sya.
Buti nalang pala hindi pako nagpapasalamat dahil nakakahiya kung tamang hinala lang ako.
Tinaggap padin naman nya iyon at nilapag sa kabilang couch.
"Why are you waiting for me earlier?"
Kapansin pansin ang eye bags sa ilalim ng magaganda nyang mata.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin dahil hinila ko sya paupo sa tabi ko. Nasinghot ko tuloy lahat ng mabango nyang amoy.
"Answer me."
"Hindi ko po alam!"
Natutop ko ang bibig ko dahil sa biglang pagtaas ng boses ko.
E kasi naman pinapakaba nya kasi ako e!
Tinaasan nya ako ng kilay at pinagkrus ang mga braso habang malamig ang tingin sa akin.
"I'm sorry po."- nahihiya kong sabi at binuksan na ang paper bag.
Nilabas ko na ang pagkain na nanduon at sinimulan itong kainin.
"Are you worried about me?"-malamyos ang boses na sabi nito.
Napaubo naman ako sa bigla nyang tanong. Buti nalang may tubig din syang dala kaya duon ako uminom.
I heard her chuckled. Grabe ang ganda sa pandinig ng mabini nyang pagtawa.
"I heard you're being questioned, and I know that it's related to Zandra's sudden death."
"That's why you're worried?"- she asked teasingly.
Ramdam ko ang tingin nya sakin kaya naman hindi ko inalis ang tingin ko sa pagkain.
"I-I'm not worried."- tanggi ko pero hindi naman bumenta sa kanya.
I stiffen when I felt her head lean on my shoulder. I can no longer swallow the food I'm chewing.
"Actually, I'm tired. But right now I think I'm fine."