SLY {Fall for a Detective} [...

By throbbingheart

91K 2.4K 665

I'm an actress who have everything a normal person could wish for. The dresses, jewelries, shoes, all those m... More

SLY {Fall for a Detective} Prologue
Case 1.1 - The Detective Wanna Be
Case 1.2 - The Detective Wanna Be
Case 2 - Angel's Tear
Case 3 - Locked Room Murder
Case 4 - Endured Temptations
Case 5 - Regret and Fear
Case 6 - Shivers
Case 7 - Wedding Ring
Case 8 - Magical
Case 9.1 - Sacrifice
Case 9.2 - Sacrifice
Case 10 - Prince and Knight
Case 11 - That Star
Case 12 - The Leaving Part
Case 13 - To Smile
Case 14 - Inside Someones' Arms
Case 15.1 - Too Late
Case 15.2 - Too Late
Case 16 - Stare
Case 17 - Unheard Feelings
Case 18 - The Rise of the DEATH
*Spare Case* - SLY Guide
Case 19 - The Kidnap
Case 20.1 - Dating the Detective
Case 20.2 - Dating the Detective
Case 21 - Trustful Girl
Case 22 - Coldness
Case 23.1 - He's Finally Here
Case 23.2 - He's Finally Here
Case 24 - Secret Lust
Case 25 - Nostalgic Rain
Case 26 - Entwined Fingers
Case 27 - Broken Line
Case 28 - Severe Fall
Case 29.1 - Glittery Goodbye
Case 29.2 - Glittery Goodbye
Case 29.3 - Glittery Goodbye
Case 30 - The Proposal
Case 31 - Unusual Tears
Case 32 - His Pledge
Case 33 - Hide and Seek
Case 34- Secret Relationship
Case 35 - His One Dream
Case 36 - Last Kiss
Case 37 - Her Real Side
Special Case 1 - Knight's Tale
Case 38 - Detective's Confession
Case 39 - Infinity, Eternity and Forever
Case 40 - The Unnoticed
Case 41 - Holding On
Case 42 - Right Person
Case 43 - The Quitter
Case 44 - Under the Rain
Case 45 - The Serenade
Case 46 - Unexpected Visitor
Case 47 - Destiny Came
Special Case 2 - The Light's Tale
Case 49 - Forgotten Memory
Case 50 - Different Light
Case 51 - The Chess Player
Case 52 - Reckless Pretend
Case 53 - Deep Fall
Case 54 - Never Leave
Special Case 3 - The Princess Tale
Case 55 - Beautiful
Case 56 - Goodbye

Case 48 - Withering Friendship

986 35 15
By throbbingheart

SLY {Fall for a Detective}

Copyright © 2015 throbbingheart

 throbbingheart says: Super dooper inter galactic mega late update. *bows head* Pasensiya na. UWAAA! Nakakakonsensiya. Pero maraming salamat sa paghihintay. Favorite part ko iyong Jack En Poy nina Justin at Dinelle. HAHAHA.

This is wholeheartedly dedicated to Joshua, for his incomparable patience and support :) He's really into SLY. And I am so overwhelmed.

Pakitawag iyong Nanay nyo para gabayan kayo sa pagbabasa. Medyo ume-SPG ang Case na ito. XD

Indulge, dahil mas mahaba ito sa normal chapters. <3

Case 48

Withering Friendship

Justin's POV

Suralvo throw her hands upon me to hug me tight. "You came. You finally came."

I was startled by her action and words that my mind went blank.

I'm feeling her shaking body and I can hear sobs.

"I waited so long.."

"Sural--"

".. I waited and waited. And you're here now." lumayo siya para hawakan ang mukha ko.

Her smile. That smile. That was the exact smile on Angel's lips. The five-year old girl who dragged me out of my dark room.

"It was you all along." isa pang luha ang umagos sa mata niya pero hindi na nawala ang makulay na ngiti niya.

Hinawakan ko ang mga kamay niyang hawak rin ang pisngi ko. "I.. don't understand. You waited for who? Me?"

"The guy who'll see me as light and will made me feel I have a purpose."

That made me smile. I leaned closer and kissed her forehead. "Sorry to keep you waiting."

Natawa siya ng mahina.

Suralvo.. if you only knew it was really me who waited so long.

ö~ö~ö~ö

Crisostomo's POV

Blue sky. White sand. Gorgeous me.

"PALAWAN!! I missed you!" ibinaba ko ang malaking maleta ni Shel. Ginawa kasi akong kargador ng gaga.

"Missed? A-Akala ko first time mo dito, Cris?" tanong ng bruhang nakatayo sa tabi ko.

Hindi ko siya pinansin. Lumupasay siya dyan, kunwari mag-isa lang ako. "It's so glad to be home!"

"Home? UWAAA! May bahay ka dito? How come I didn't know? Wala iyon sa pink survey notebook ko."

I rolled my eyes heavenwards. "Alam mo kanina ka pang bruha ka eh! Pinipilosopo mo ako! Kailangan lahat talaga sineseryoso?! Kung ikaga-ganda mo.. PAYN! HINDI AKO DITO PINANGANAK!" hindi na ako nakapagtimpi at pinansin ko na siya.

"Crishae.. Shel.. anong pinag-aawayan nyo?" boses ni Booby.

Natigilan ako nang mapatingin sa papalapit na si Ayen. Naka-two piece lang siya.

"A-Ang bilis mo namang nakapagbihis. N-Nakapaghubad pala. I mean nakapagpalit." napalunok ako.

She wears off her shades and just smiled at me.

Nangse-seduce ba itey? Hindi iyan uubra. Babae rin ako, excuse me.

"Shel, hindi ka pa magpapalit?" tanong niya kay Shel.

"Ah--"

"Hindi. Wala siyang dalang pang-swimming." ako ang sumagot.

"Cris! Meron naman kaya akong dala." parang batang inapi na pinagtanggol niya ang sarili.

"Sige. Magpalit ka na. Ako na muna bahalang tumulong kay Cris. Naayos na kasi namin ni Misty ang room."

"S-Saan ba ako magpapalit, Ayen?"

"On this side." Ayen pointed somewhere right.

"Shel, your Daddy told me not to let you--" pero bago pa ako matapos, nagtatakbo na si Shel papunta sa tinuro ni Ayen.

ö~ö~ö~ö

"Nasaan si Misty?" tanong ko pagpasok namin sa isang hotel room.

"Kanina nandito lang siya."

I somehow felt awkward. "Ah, buti pa pupuntahan ko na muna si Shel. Mamaya ko na iaayos itong gamit namin."

Ibinaba ni Ayen ang maliit na bag ni Shel na dinala niya rito bilang tulong. "Wait. Pwede mo ba akong tulungan saglit?"

"Oo naman. Ano ba iyon?"

"Medyo ang uncomfortable kasi nitong suot ko. I feel itchy. Pero hindi ko mai-unhook." may kinuha siyang pink two-piece sa sariling bag at pinakita sa akin. "I'll change."

"Oh." nagdalawang-isip ako. At nagsimula na rin akong pagpawisan.

Naupo si Ayen sa kama at inipon ang buhok niya para ipakita sa akin ang likod niya. "Can you please help me?"

Lumunok ako ng dalawang beses saka ko natagpuan ang sariling lumalapit sa kanya.

Nang madikit ang daliri ko sa makinis na balat niya, nagsimula na akong kabahan. Si Din ang nagsabi sa akin na masama ang ugali ni Ayen.

Umiwas ako. Bukod sa ayokong magalit si Din kapag nilalapitan ko si Ayen, umiwas ako dahil sa palagay ko ay madaling mahuhulog ang loob ko.

"You're not really gay, right?"

Nang mai-unhook ko na suot niyang bra ay lumayo na ako kaagad. "I'm gay."

"I could change you."

Natigilan ako sa pwesto nang dapat ay tatayo na ako mula sa kama.

Iniharap niya ako sa kanya at nakita ko ang nakangiti at maganda niyang mukha. "Ayen--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang kabigin niya ako para halikan.

Maya-maya pa ay kumalas siya at lumayo ng bahagya para tuluyan na sanang tanggalin ang bra pero hinawakan ko ang dalawang kamay niya para pigilan siya.

"I won't lie to you. I like you. Really."

Rumehistro ang pagkabigla sa mukha niya.

"I want to keep liking you, so please stop this. Malaki ang paghanga at pagrespeto ko sa iyo. So stop doing things to make me hate you."

Bigla niyang binawi ang mga kamay.

"I'm sorry." tumayo na ako at tinalikuran siya.

"Si Din. Alam kong siya ang dahilan."

I ignored her and started taking steps to get outside.

"Gusto mo siya. No, in fact mahal mo siya."

I was startled by what I heard.

"Nandoon ako. Noong araw na suntukin mo si Kiel dahil ginamit niya si Din. Narinig ko lahat-lahat ng sinabi mo sa kanya."

Napaawang ang mga labi ko.

"If Din was there too, she might cry to pity you. You know what? You're amazing. You're pretending to be gay so you can keep her near."

I looked at her and she bitterly smiled. "Si Din rin ang dahilan ng pagsama mo. Gusto mong magkaayos na sila ni Shel para hindi na siya mamroblema pa. There's only this one person you truly cared about. And that was Dinelle."

"No."

"Shel liked you. A lot. What if she find out that you can't love her back because--"

"Ayen, I'm begging you to stay out of it." madiing sabi ko.

It's my first time to see her sharp eyes. "Why does it seem that Shel is an important person to you too?! Masasaktan rin siya ng dahil sa iyo!! Masasaktan siya sa panloloko mo!"

"Importante siya dahil siya lang ang kaisa-isang taong nagpakita ng pagmamahal sa akin. Kailangan ko siya. At hindi ko siya niloloko, dahil kaya kong pakasalan siya kahit ngayon na." hinarap ko na ang pinto.

"What if I told Din about your feelings?"

"Hindi siya maniniwala." I coldy replied. "At kung maniwala man siya, itatanggi ko." I hold the knob. "By any chance, do you wanna know what made me liked you, Ayen?" I glanced at her. "Your courage. Courage of doing things as how you liked it to be. I admired that bravery of yours." I opened the door and finally leaved her.

ö~ö~ö~ö

Kiel's POV

Isinara ko ang laptop at napatingin ako sa pintuan ng kwarto ni A.M.

Sunod na napatingin ako sa librong kinuha ko sa kanya.

Bakit hindi yata niya ako kinukulit na isauli ito sa kanya?

"Haish!" tinanggal ko ang suot kong reading glasses.

Bakit ko nga ba kasi kinuha ito sa kanya?!

I pinched my nose bridge.

At bakit iniisip ko pa kung bakit tinigilan niya na ang pambubwisit sa akin?!

This is very unlikely! Damn! I couldn't finished my movie documents!

Tumayo ako at binitawan ang laptop para umakyat.

"The book." nang mapansin kong hindi ko hawak ang libro, bumaba ako ulit para kunin iyon.

This is making me heck crazy!

Noong aakyat na ako uli, naihagis ko ang libro sa inis.

Why am I even doing this?!

Mabibigat ang mga paa ko nang umakyat ako. Kakatok na sana ako nang maisip kong pwede ko naman siyang sigawan at palapitin na lang.

I hardly closed my eyes out of my insanity.

Ibinaba ko ang kamay ko at hinawakan na lang ang door knob. Bahay ko naman ito at hindi ko naman siya kinakatok dati. "A.M!"

(O///O)

"K-Kiel.." her face turned red.

I immediately turned my back while awkwardly running my fingers through my hair. "Sorry."

I just saw A.M. when she's about to take off her bath towel. She just finished a bath and I almost see her stripping.

"Damn. No. I'm not really sorry. You are to blame here!" I faced her and glared. "Hindi ka kasi nagla-lock. Oh stupid you!"

"Sorry Kiel."

"What the damn are you sorry for?!"

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa suot na tuwalya. "S-Sabi mo kasi--"

"Just shut up!" iyon lang at lumabas na ako.

This is making me sick.

I faced palm and leaned on her door.

ö~ö~ö~ö

Dinelle's POV

"Cheater!" inis na sabi ko nang sa panglabing-limang beses ay natalo ako sa larong bihasa si Wanna Be.

"Come on. Let's give it another shot."

I crossed my arms. "Oh forget it! Let's never ever play jack en poy again!"

Ang pakikipaglaro ng Jack En Poy kay Wanna Be ay masahol pa sa pakikipaglaro ng Jack En Poy sa salamin.

"Jack en poy can be an exciting game."

"On your part, yes."

Palagi na lang siya ang nananalo. Malamang sobrang nag-eenjoy nga siya!

"I know something to make it exciting on your part as well." iba ang pinakita niyang ngiti, at parang hindi maganda ang sasabihin niya.

"I will appreciate if you won't say it."

"Once you lose, you'll take off one thing you're wearing. Sounds good?"

(O_____O) Hinampas ko siya sa braso. Sa paulit-ulit na pagkatalo ko.. malamang matanggal ko lahat ng suot ko. (O/////O) "You will never make me play that game!"

"Even if I close my eyes every turn?"

Natigilan ako at napaisip. I remember our interview on The Recess where I won at him on jack en poy. He said he closed his eyes at his turn.

"To prove to you that I'm not a cheater, put this scarf in my eyes."

Iyong scarf na pinang-disguise niya ang tinutukoy niya. Pinigilan ko ang pag-ngiti. Naisip ko kasi, kung ako ang paulit-ulit na mananalo habang naka-blindfold siya, siya ang magmumukhang nakakahiya sa harap ko. It's the sweetest revenge ever.

"Game on?" tanong niya.

Kinuha ko ang scarf. "You'll regret this." seryosong sabi ko saka inilagay iyon sa mata niya.

Pinadaan ko pa ang palad ko sa tapat ng mata niya. At sinigurado ko ring wala siyang naaaninag kahit sa ilalim ng mata niya.

"Wala ka man lang bang punch line? Itanong mo naman sa akin kung madilim. Sabihin mong ganito ang buhay ko kapag wala ka. Given that you're my light."

"Oh please!" I sounded iritated but that made me laugh. Thanks to scarf, he won't see me.

"May nakikita ka pa?" paniniguro ko.

"Punch line ba iyan?"

"What the what! I'll kill you with a punch!"

Igaya daw ba ako sa kanyang puro ka-cornyhan ang alam?!

He just laughed. "Let's start."

"Jack! En! Poy!" sabay naming sabi.

(O.O) He used paper and I used rock.

"What did you use?" kakapain niya sana ang kamay ko nang palitan ko ito ng scissor.

"Scissor. I used scissor. You lose!" I lied.

Bigla niyang hinubad ang suot niyang damit.

I bit my lower lip to prevent saying anything.

Dear Wanna Be's abs. How have you been? Long time no see. Looking good huh?

"Are you ready?"

I blushed hard. "A-Anong ready ang pinagsasasabi mo?! Napakadumi ng utak mong manyak ka!!"

"Ready for another round of Jack En Poy." he said.

"Ah--"

He meaningfully smiled before I reacted. "I'm starting to feel a little nervous. Your dirty mind is alarming, Suralvo. You only see me topless, and you started to think green. I wonder how will you react if you see me full naked."

I blink plenty of times that I couldn't say anything.

"To satisfy my curiosity on how will that be, I'm ready to lose." he then added.

"I'll quit." biglang sagot ko.

He laughed loud. "Why all of a sudden? Just four more and we'll stop." he gestured four on his hand.

"Ayoko na."

"You're giving up already?"

"No, I never gave up all my life!"

"Then let's continue. Jack.. en.. poy.."

Napilitan akong sumabay. At pinagpatung-patong na ipis naman! Gumamit na naman siya ng papel at bato na naman ang sa akin.

Bago ko pa siya madaya uli, nahawakan na niya ang kamay ko at nakapa niyang gumamit nga ako ng bato.

"You lose." he slowly smiled.

Nag-iinit ang pisngi ko nang maghubad ako. Kahit pa hindi niya ako nakikita. At dahil sa maliit na distansya namin sa couch, para akong magpa-passed out.

"Ready for another turn?"

"Fine!" tingnan ko lang kung manalo ka pa. Bibilisan ko ang pagpapalit para hindi mo malaman! Haaah! ('.' )9

Dalawang beses na siyang gumagamit ng papel, imposibleng gawin niyang tatlong beses. Siguradong iyong natirang dalawa lang ang gagamitin niya this time.

"Jack! En! Poy!" ako naman ang nagsalita at sinabayan niya lang iyon ng pagtira.

Napapikit ako ng madiin nang papel na naman ang gamitin niya at bato na naman ang sa akin.

Before I knew it, he's holding my hand. "I feel sorry for you." pero peste! Nakangiti kaya siya nang sabihin iyon! Feel sorry his face!

I blew air and stood up to take off my pants. Good thing I've worn my cycling shorts.

"Last two turns." pagpapaalala niya.

Napalunok ako at maraming beses rin akong huminga ng malalim. Paano kung sa dalawang iyon matalo na naman ako? No! I can't take it anymore! This is damn humiliating! Kahit pa hindi niya ako nakikita ngayon!

(>u///u)>

Pero teka.

Pants at brief na lang naman ang suot ni Wanna Be. Kumbaga, mas malaki ang chance ko. Tatlo pa kasi ang sa akin, including my cycling shorts.

Ituloy ang laban! Walang inaatrasang hamon si Dinelle Hime Suralvo!

Dear Wanna Be's abs. This is seriously between you and me now. Give this turn to me and I'll kiss you.

"JACK! EN! POY!"

(O____________________O)

He used paper and I used scissor. This is no cheating. "Oh my gosh! I won! I really won!" tuwang-tuwang nasabi ko.

\(*U*)/ This is my sweetest victory! (+u+)> My eyes are getting teary. *\(n_n)/* I'm so awesome. I'm so clever. I'm so beautiful!

Tuwang-tuwa ako na parang ni-represent ko ang buong Pilipinas sa ASEAN Games at nanalo ako.

"I told ya! You'll regret this, Detective. So.. what are you waiting for? Take off what you're wearing now." I said insulting him being a loser.

"Alright."

Unti-unting nawala ang tuwa, ligaya, galak at saya ko nang iyong blindfold niya ang tinanggal niya.

He grinned seeing me. "I can't believe losing can be a pleasure."

I feel shivers all over my body. "S-Stop staring at me! Will you?!"

He winked at me and I blushed hard.

"Y-You planned this!" I accused him.

"You think so?" he used an innocent and casual tone.

"Nagpa-blindfold ka para pumayag ako sa pesteng larong ito! Nagpa-blindfold ka para dumami ang tatanggalin mo pag natalo ka! Ipis ka! Pinlano mo ito!"

This is unforgivable!!

"Last turn?" sa halip na sagutin ako ay pinuwesto niya na naman ang nakakuyom niyang kamay.

Tiningnan ko lang ang kamay niya at napapaisip ako.

Nandito na eh. Saka huli na rin naman. Kung mananalo ako sa huling beses, makagaganti na ako. Kung matalo naman ako, may cycling pa naman akong tatanggalin.

I exhaled deeply. Pikit-mata akong tumira sa huling beses.

"Jack.. En.. Poy.." rinig kong sabi ni Wanna Be.

I opened my eyes. (O.O) SERIOUSLY?! For the fifth time, papel na naman ang ginamit niya?!

"You're good."

Noon ko lang napansing gunting ang nagamit ko.

( '_')*

(o.o)* I'm good?

(__. )* He said I'm good?

(n_n)* Oh come on! I won! I was really born a winner!! Best game ever!! Applause and screams for me!

Yes! I wanna dance out of my greatness. \(+u+)/

"Take off." I am the one who grinned this time.

He grinned back.

Hindi ba kinakabahan ang hunghang na ito? Halimaw siya?! Siguro sanay na sanay itong maghubad kaya hindi man lang nababahala.

Napaawang ang mga labi ko nang makitang tinatanggal niya ang relo niya.

Walanya! Relo?! Relo ang tinanggal niya?!

Oh just kill me!!

"I took off three things I wear and you only took off two. Good game."

Nagtaas-baba ang balikat ko na para akong aatakihin sa sobrang galit.

I sighed thrice and looked at him with my sharp eyes. I couldn't compose any sentence that I feel so humiliated. Until tears started falling in my eyes.

Biglang nawala ang nakakainsultong ngiti niya. "W-Why?" hahawakan niya sana ang pisngi ko nang tabigin ko ang kamay niya.

"You always do this to me. You always make fun of me!" umiwas ako ng tingin at maya't-maya kong pinapawi ang mga luhang nangingilid sa mata ko. "Tuwing sasabihin kong paaabutin ko ito sa korte, TOTOO IYON! Seryoso ako lagi sa bagay na iyon! Pero ano?! Lagi mo akong dinadaan sa kalokohan! I can't stand you anymore! This is worst!"

"Sorry. I'm really sorry."

Palagi niyang ginagawa sa akin ito pero ngayon lang nangyaring naiyak ako. Sumobra naman na kasi talaga siya.

I ignored him and picked up my clothes instead.

"Yes. I admit I always do. I always make fun of you. But.. but.." pero hindi niya na iyon tinuloy. "I know I crossed the borders. And I didn't mean it. Okay I mean it. I planned losing."

Hanep! Kita mo nga. Aamin rin pala ang impakto!

"But making you cry was never my plan."

Tumayo na ako at tinalikuran siya. "I'll forgive you if you just leave." lumakad na ako papunta sa kwarto.

I was about to enter my door when he pulled me to met his eyes.

"I told you to leave already!" galit na sabi ko sa kanya.

Naramdaman ko sa likod ko na isinara niya ang pintong binuksan ko. Napasandal ako doon dahil masyadong siyang malapit.

"I'm so sorry." he brushed his lips on mine.

My eyes widened. Is this loyalty kiss again?!

Nang lumayo siya ay napayuko ako at nakagat ang ibabang labi ko. Ramdam ko rin ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Suralvo." he held my chin so I can look at his face.

Napahawak ako sa balikat niya nang bigla niyang halikan ang pisngi kong may luha pa. Hanggang sa bumaba uli ang halik na iyon sa labi ko.

I don't know.. but my eyelids fell. My knees are getting weak that I think my body will soon fall as well.

Noong parang babagsak na ako sa panghihina ng tuhod ko, naramdaman ko ang mga kamay niya sa baywang ko, para bang inaalalayan ako.

Parang hindi tama ito. Baka kung saan mapunta ito. Wala siyang damit at ilang piraso na lang rin ng damit ang suot ko dahil sa pesteng Jack En Poy. Saka TEKA! Galit ako di'ba?

Kumalas siya at naibukas ko na uli ang mga mata ko. Naiinis ako, kung dahil sa tinapos niya ang halik o sa pinlano niyang pagkatalo sa Jack En Poy, hindi ko sigurado.

Bahagyang ngumiti siya at bago ko pa malaman hinalikan na niya ang noo ko.

"Detective, what are you doing to me?" mahinang nasabi ko.

Nanghihina ako. Kinakabahan.

Mula sa pagkakahawak sa balikat niya, kinapa ko ang doorknob sa likod ko habang nakaharap pa rin sa kanya.

Kailangan kong lumayo. Hindi ko alam. Kung magtatagal ako dito, baka pagsisihan ko.

Nabuksan ko na ang pintuan pero hindi niya hinayaang matalikuran ko siya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at matagal niya akong tinitigan. "Suralvo.. spare me a few more minute." ramdam ko ang sunud-sunod na paghinga niya. It's like we were both feeling the same intensity of heartbeat. "Just one more kiss and get inside."

"Detec--" but before I can say my words, he again kissed me. Gentle, careful and slow.

Hindi ko siya sinabayan. Hindi ko ibinalik ang mga halik na iyon. Pero nanatili ako. Hinayaan ko siya.

Lumayo siya at nag-iwas ng tingin. "Get inside."

"I.. I don't damn understand!" Kanina pa malabo ang lahat. Bakit bigla niya na lang akong hinalikan? At tatlong beses niyang ginawa iyon.

Inilaki niya ang bukas ng pintuan habang hindi pa rin ako matingnan. "Just get in." nasapo niya ang noo at tinalikuran ako.

"You don't have to say it! Because I definitely will!" inis na sagot ko. "Loyalty kisses right? That was it." I concluded. "And I have a news for you. You should celebrate 'cause you're the most loyal person I've known in my entire life now!" I said with sarcasm.

"Get in now." sa halip ay madiing sabi niya.

Napalitan ng galit ang nararamdaman kong kaba. Pumasok na ako at isasara ko na sana ang pinto ko nang magsalita siya.

"I shouldn't really be here."

I am startled hearing those. Iniwan ako ni Crisostomo. Iniwan ako nina Fixell at Kiel. Tapos heto siya, ayaw na rin akong makasama?

Ibinukas ko ang pinto at pumuwesto sa harap niya. "Yes, you shouldn't be here. Kaya alis! Umalis ka na!!"

"Alam mong hindi ko iyan gagawin, Suralvo."

"Leave me!"

"Dito lang ako."

"Kaya mo yata itinanong kung paano ako iniwan nina Fixell ay para magkaroon ka ng idea kung paano mo rin gagawin iyon sa akin! Ayaw mo akong kasama di'ba? Then you shouldn't be really here!"

Sa wakas ay nagawa niya ring tingnan ako ng diretso. "Hindi iyon.. hindi ganoon.."

"Lahat ng tao ayaw akong kasama at sanay na ako sa bagay na iyon. Kaya iwan mo na ako. Iwan mo na ako hangga't kaya ko pang sabihin!"

"I'm dying to kiss you."

My eyes widened that I couldn't utter any word.

"You're so distractive. I don't know, I'm being mad at myself that I can't endure anymore. I might do something you'll regret that's why I shouldn't be here. But damn, I can't let you be here all alone! This is not easy for me. Just.. just please help me and get inside your room for a while."

Napangiti ako sa narinig ko. Parang gusto ko pa ngang matawa. Eh ako pala talaga ang weakness ng walanyang ito.

Nang lalagpasan ko na siya, humawak siya sa braso ko. Sa iba siya nakatingin at parang iniisip pa ang sasabihin. "It's nothing." binitawan niya rin ako.

Napabuntong hininga ako at maging ako ay nagulat nang ako mismo ang humalik sa kanya. Naramdaman kong ibinabalik niya ang mga halik na iyon sa akin.

Naguguluhan ako. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Marami akong gustong isipin na para akong mababaliw.

Nabitawan ko ang mga hawak kong damit.

ö~ö~ö~ö

Shel's POV

"Ayaw ko nga sabi eh!" reklamo ko kay Cris nang ipinagpipilitan niyang isuot ko ang robe dahil naka-two piece lang ako.

"Feeling mo sexy ka? Yuck. Bigyan mo ng kaunting kahihiyan ang Pilipinas. Pag may nakakita sa iyo, baka hindi na maging tourist spot itong Palawan. Grabe! Ang imoral ng ginagawa mo. I-display ba ang katawan kahit walang figure? Daig ka pa ng manequin."

Hindi ko tinitingnan si Cris. Sa halip ay pinapanood ko si Ayen na nakikipag-beach volleyball sa mga babae. Exclusive ang beach na ito para sa mga class na tao, kaya sigurado akong ang mga kalaro rin niya ay may matataas na estado sa buhay. Ito ang piniling lugar ni Ayen dahil hindi siya gaanong pagkakaguluhan dito bilang artista. Pero sa tingin ko wala namang pinagkaiba. Eh halos lahat ng lalaki dito, sa kanya na nakatingin. Including Cris.

Kanina ko pa gustong maiyak dahil pakiramdam ko, hindi ako belong. Pag si Ayen okay lang mag-two piece tapos pag ako hindi?

Ibinato sa akin ni Cris ang robe kaya napatingin ako sa kanya. "Isusuot mo iyan o iiwan kita?" seryosong tanong niya sa normal na lalaking boses.

Tumayo ako sa inuupuan ko. "No. Hindi mo na ako kailangang iwan dahil aalis ako."

"What?" nakakunot-noong tanong niya.

"Alam ko naman kaya! Alam kong walang-wala ako kumpara kay Ayen pero tuwing sasabihin mo.. nasasaktan ako." biglang tumulo ang mga luha ko. "Palagi na lang siya ang tinitingnan mo. Nag-two piece ako para sa iyo! Para sa akin ka naman tumingin!" I looked at my feet covering my eyes with my knuckles. "Pero ang mean-mean mo! Nakakatampo ka." I turned my back and take my steps away.

"Shel, sandali!" naramdaman kong sumusunod siya kaya nagtatakbo ako palayo.

Kung saan-saan ako lumiko kahit hindi ko alam ang lugar na ito. Sinadya ko ring daanan ang matataong lugar para makapagtago.

"C-Cris.." napahinto ako nang mapagod na ako. Parang ang lamig yata.

Bigla akong nakonsensiya. Kawawa naman si Cris. Buti pa, patawarin ko na siya. Hindi ko naman kayang magalit ng matagal.

"Ohhhkay. Bati na nga tayo." paglingon ko sa likod ko, ibang tao ang nakita ko.

(O.O) A-Asan si Cris?

"Bati?" he laughed prankly. "After being the main reason of traffic that day, makikipagbati ka?"

(O__O) Si Mr. Vampire! Ang lalaking nagbanta sa aking hihigupin ang dugo ko kapag hindi ako nanahimik. Siya rin ang lalaking nagalit noong maupo ako sa pedestrian lane.

I noticed every eyes looking at me. Noon ko lang napansing ito ang five star restaurant na nasa guide book.

I bit my lower lip. I'm staring at nowhere.

Uwaaaa! This is pain! Nakakahiya ako!

N-Naka-two piece ako, samantalang naka-formal attire ang lahat. Dresses, suit and ties. Oh my gosh, Cris. Where are you?

Hinawakan ako sa isang braso noong security guard. "Sir, pasensiya na po. Ang bilis niya po kasing tumakbo kaya--"

Mr. Vampire gestured him to stop. "Not a bother."

May isang babaeng naka-office attire ang nagsalita sa harap ng maraming tao. "Sorry for the inconvenience. We'll settle this thing down and please enjoy your food."

M-Mukhang siya yata ang manager. Bata pa siya at maganda rin ang katawan. The way she spoke, I can say she's a business-minded person and I'll bet she belongs to a high class society.

"You." biglang humarap sa akin ang babae.

Oh no. Oh no. Oh no. This is scary.

"Who are you? Is your goal is to humiliate yourself? Well if that's the case, do that outside this place. Because obviously.. you don't belong here." she looked at me with her fierce eyes.

"Excuse me!! Kasama ko siya!" sigaw ng pamilyar na boses.

Cris? (T.T)

Nasa pintuan siya at hinaharang siya ng dalawang guard. Siguro dahil sando at beach shorts lang ang suot niya.

"That guy again?" napatingin ako kay Mr. Vampire. Binigyan niya ako ng tingin na para bang hindi siya makapaniwala na si Cris na naman ang dahilan ng gulong nagawa ko.

"Sorry. Sorry talaga." at pagkatapos ay tumingin ako sa maraming tao. "Sorry na po." Tiningnan ko rin ang babaeng nainis sa nagawa ko. "Sorry."

"Just welcome yourself out." she said like she don't care at all. "Come on." pagyaya niya kay Mr. Vampire. Mukhang may business meeting sila. Kung tutuusin, bagay sila.

Hinila na ako ng security guard. "Waa! Masakit. Kaya ko namang lumakad palabas. I'll call my Daddy if you don't let me--"

"Let her go." sabay na sabi nina Mr. Vampire at Cris.

Napahinto ang security guard at tiningnan niya si Mr. Vampire. Tiningnan ko rin siya saglit pero kay Cris na uli ako tumingin.

Lalakad na sana ako papunta kay Cris noong bitawan ako ng guard nang biglang may ibang kamay na humawak sa akin. "I have a business with her. She came here for me."

(O__________O) B-Business? B-Bakit hindi ko alam?

"What?" tanong ng babaeng nagalit sa akin.

"Just an hour, Ms. Cuzar. I'll just tour my girlfriend around before I bought this whole restaurant."

UWAAAAAA!! Girlfriend? May girlfriend na siya? Eh bagay pa naman sila noong Ms. Cuzar. Sayang naman.

"Come on, baby." hinila ako ni Mr. Vampire papasok pa ng restaurant.

WAAAAA!! May baby na rin siya? Tatay na pala siya. So hindi na nga sila pwede?

"Shel!"

T-Teka si Cris pala. "C-Cris.." hindi ko na siya makita. "Mr. Vampire, bitawan mo ako. Hinihintay ako ni Cris."

"Then keep him waiting."

"Pero may kasalanan ako sa kanya. Uwaaa! Baka mamatay ako sa guilt pag hindi pa ako nakapag-sorry."

Binuksan niya ang napakalaking pintuan at binitawan ako.

He snapped and a girl servant came. "Tea for two. And.." he looked at me. ".. and any dress for her."

Naglakad ako papasok. May isang round table at carpeted and tinatapakan. May unlighted candles sa red round table. At mamahalin yata ang mga paintings na nakasabit sa wall.

(*_*) Ang ganda ng kwarto. Parang anime!

Napatalikod ako at nakitang naupo na si Mr. Vampire. Excited na naupo naman ako sa silyang kaharap niya. "Ako lang ba ang may alam na vampire ka?" mahinang tanong ko pa dahil baka may makarinig.

He laughed. "Yeah."

I covered the side of my lips to whisper. "Hayaan mo. Magaling akong magtago ng secrets. Basta wag mo lang akong kakagatin."

Nagsalubong ang kilay ko at pinaningkitan ko siya ng mata nang lumakas ang tawa niya.

"Do you really believe me when I said I'm a vampire?" maya-maya pa ay tanong niya.

I nodded eagerly. "Teka, iyong babae bang sexy kanina. Siya ba.. vampire din?"

"You're kidding me." umiling siya.

"Oh my. So vampire din siya? Iyong baby nyo ba magiging vampire na din?"

"Vampire? Baby? What? I'm referring to you when I said baby."

I pouted. "No!" I even stood up. "I'm not a baby anymore. I've grown up. Alright, I may be small in height but.. but I'm not a baby." I emotionally said.

"Oh. Kay." parang napilitang sabi niya.

Ngumiti na uli ako at naupo. "Iyong lamok. Nangsa-suck din sila ng dugo di'ba? Kauri nyo ba sila?"

Natigilan siya na parang nakakita ng multo. Tapos yumuko siya at nagtatawa na naman.

My eyes widened that I feel insulted already. Bakit niya ba ako pinagtatawanan? Seryoso ako sa mga itinatanong ko dahil kailangan ko ito sa surveys ko. Kung magkakataon, siya lang ang vampire sa pink notebook ko. At kailangan ko ng mga sigurado at malilinaw na sagot.

"I like you. If I don't have a fiancee. I might make you mine."

Hindi ako nakapagsalita na parang pina-process ko pa ang narinig ko, hanggang sa dumating iyong servant kanina dala ang pamalit ko.

"This way, Mam." pagyaya niya sa akin.

Napilitan akong tumayo at sumunod doon sa babae. Nang tumingin uli ako kay Mr. Vampire, nginitian niya ako. At bigla na lang akong kinabahan.

Pagtataksil ito kay Cris. I hate you Heart! Kay Cris ka lang dapat ganyan! Gusto mong isumbong kita kay Daddy?

Bigla akong nag-iwas ng tingin at halos unahan ko ang babaeng may dala ng isusuot ko.

ö~ö~ö~ö

Fai's POV

"Sorry sa inyo. Marami kasi akong tinatapos na council projects at marami akong na-missed na lesson sa dami ng absences ko. Kailangan kong mag-aral." pinagbuksan kami ni Ai ng pintuan pero balak niya nang isara uli iyon.

"Si Jun!" biglang sabi ni Ren. "Tutulungan ka niyang makahabol sa lessons."

"Yeah. Sure." pagsang-ayon ni Jun.

"Hindi mo na kailangang gawin iyon." sagot ni Ai na hindi na kami matingnan. "Bakit nga ba naman gagawin mo? Wag nyo na akong hintaying makapagsalita ng iba. Sige na. Umalis na kayo."

Napahigpit ang hawak ko sa kahon ng S Squared cupcakes na dinala ko pa rito. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Ano bang sinasabi mo?" napatawa si Reyjan pero halatang pilit lang.

Ai looked at me. "Fai. Please leave. Just.. just leave." she begged.

Tumalikod ako at hinarap sina Ren. "May bago akong movies sa bahay. Tara?" pinasigla ko ang boses ko pero may mga luhang pumatak sa mata ko kahit pa nakangiti naman ako.

Sabi ko naman kasi tapos na eh. Tama akong wala na.

"Bakit hindi mo dinala? Para dito natin mapanood kina Ailyn?" tanong ni Reyjan kahit nakikita niyang umiiyak na ako.

Ren gave me a worried look. "Nagpa-practice ka na naman ng acting. Sus. Oo na. Magaling ka nang umiyak." nagulat ako nang makitang pati ang pisngi ni Ren ay may luha na. "Nakakadala ka. Na-Naiiyak na rin tuloy ako."

Mula pa man noon, magkakasama na kami sa lahat ng problema. Minsan, nagiging iisa na lang ang pakiramdam namin. Gaya ngayon, alam naming malapit nang matapos o tapos na yata talaga. Ipinaglaban namin ang bagay na alam naming natapos na.

Ayaw na sa amin ni Phia. Nag-away sina Tim at Reyjan. May iba nang pinupuntahan si Pete after class. At si Ai na tumatayong pinaka-sinusunod ng buong barkada ay ayaw na rin kaming makita.

Umaarte kaming okay pa ang lahat. Niloloko namin pati mga sarili namin.

"Wow. Ren! Ngayon na lang uli kita nakitang umiyak. Akalain mong bagay pala?" natatawang sabi ni Reyjan. Pero napakalungkot ng buong lugar na parang ito na talaga ang dead end ng pagkakaibigan namin.

Niloloko namin ang sarili namin dahil hindi namin kayang tanggapin.

"Pero kung hindi siya umiyak noon, hindi ko siya magiging bestfriend at hindi ako magkakaroon ng dahilan na lumapit. Kung hindi siya binully noon, hindi niya ako mapapansin." nakangiting kwento ni Jun.

"Ako nga gusto ko na ring i-bully iyan noon. Para lang maging in. Lahat kasi sa school binubully siya." sabi pa ni Reyjan.

"Si Din ang nagtanggol sa akin one time noong hilahin nila ako sa quadrangle para ipamukhang ampon lang ako." pinunasan ni Ren ang mga luha niya. "Pati si Ai. Mula nang siya ang maging President ng SC, nawala na ang lahat ng nananakit sa akin."

"Si Pete naman, tatahi-tahimik pero ang galing mang-motivate na lapitan kita." napatingala si Jun habang sinasabi iyon kay Ren, na parang may luhang pinipigilan.

"Paano niya ginawa? In a silent way? Hand gestures? Body language?" tanong ni Reyjan.

Natawa ako.

"Iyong lokong iyon, hindi mai-motivate ang sarili tungkol sa nararamdaman niya kay Phia." napapailing na sabi ni Jun.

"Si Phia na dahilan ng pagiging mukhang tao natin. Binago ang mga fashion style natin. Si Phia na clingy kay Pete. Si Phia na.. " I paused for a moment. ".. na pinaka-supportive sa pagda-drama club ko. One time, tinakot niya ang mga estudyanteng panoorin ako at ang Club ko."

"Isa ako sa mga pinagbantaan nya." si Reyjan naman ang nagsalita. "Busy pa naman ako sa pagiging Casanova."

"Feeling Casanova." pagtatama ni Jun.

"Si Din ang unang nagalit noong malaman niyang niligawan kita out of a dare." sabi sa akin ni Reyjan. "Kamuntik na niya akong mapatay. Isinama niya pa si Tim para ipabugbog ako. Eh hindi niya alam si Tim ang mastermind ng dare." napatalikod si Reyjan. "Kaya ayon. Siya ang sinapak ni Din." napakahina ng naging boses ni Reyjan at kahit nakatalikod ay nakita kong nakahawak siya sa mukha niya.

May narinig akong maliit na ingay at paglingon ko kay Ailyn, nakaupo na siya sa semento. Natatakpan ng buhok ang mata niya pero rinig namin ang hikbi niya.

"Ang galing ng pagkakaibigang meron tayo. Kahit hindi ka humingi ng tulong, may dumarating. Hindi ko nga maisip kung paanong kulang-kulang tayo tapos nagagawa nating punuin ang isa." Ailyn's voice is shaking when she said those.

Simula noong araw na iyon, wala nang sumubok na magbalik ng dati naming samahan. Tinanggap namin. Mahirap. Masakit. Pero wala nang ibang pagpipilian.

We all met in very unexpected situations. Some are funny. Few are teary. And just how beautiful our friendship blooms, the pain is double as we watched it withers. As we stay to watch it dies.

ö~ö~ö~ö

Dinelle's POV

Inilayo niya ako para titigan. Marahang hinaplos niya ang pisngi ko pagkatapos. "I didn't mean to make you cry."

Napahinga ako ng malalim. Parang nahihilo pa ako sa nangyari. "Sa dami ba naman ng loyalty kisses na ginawa mo, hindi pa ako maniniwala?" medyo inis na sabi ko. "I won't dare to doubt you, baka saan pa matuloy ang halik mo."

Natawa siya ng mahina. "I can hold myself now. No more extremes."

Naiilang pa ako at hindi ko siya matingnan kaya pinulot ko na lang ang mga nabitawan kong damit. Napangiti ako nang maalalang kay Phia galing ang blouse na hawak ko. Ito ang pinili kong isuot minsan. Ito rin ang pinakasimple at ayaw niya pang pumayag na ipahiram dahil hindi raw kapansin-pansin. Nakalimutan niya yatang nagdi-disguise ako that time. "You know what?" nakangiting tiningnan ko si Wanna Be. "I'm thinking of sneaking on taping to go to school this coming Monday."

"You missed your friends?" tanong niya.

Dati, itinanggi ko kay Wanna Be na kaibigan ko sila. Pero ngayon hindi ko na lolokohin pati sarili ko. "Yeah. Nami-miss ko nang marinig ang jokes ni Reyjan at nami-miss ko nang batukan siya pagkatapos."

"I knew it." lumakad na siya para maupo uli sa couch.

"Knew what?"

"That I shouldn't have exclude them on my Enemy's List."

I rolled my eyes and laugh. "Oh please!"

Hindi ko alam kung bakit bigla kong naiiisip na bilhan ng kung anong bagay ang walong baliw na iyon. Isang bagay na pare-pareho kami. Matagal na rin noong bumili ako ng nine similar pairs of rubber shoes.

"Detective, lumabas tayo uli mamaya."

"Asking me out on a date?"

"Nope. Just asking you out. I'll buy something." tumalikod na ako para pumasok sa kwarto ko at magbihis.

"May ilang oras pa naman bago ang dinner natin kay Mommy kaya sige."

I blink plenty of times. "D-Dinner? Kay Tita Iris?" napalingon uli ako sa kanya. "Magdi-dinner tayo kasama siya?! No way!"

Hindi ako prepared. Kailangan ko ng ilang araw na paghahanda.

"I just said 'Yes we'd love to.' "

"Walanya! Nagdesisyon ka ng hindi ko alam?! Tapos isasama mo ako? And besides, why the heck would I come.?!"

"Para hingin mo na ang kamay ko sa kanya."

(O.O ) Seriously?! Ano ito? Feeling nya ako ang lalaki dito?

"Muntik nang may mangyari sa atin. Dapat lang na ipagpaalam mo na ako sa Mommy ko." he added while grinning.

Ka-ipis-ipisan! Halimaw talaga ang impaktong ito. Parang ako ang nag-initiate ng kiss kung magsalita siya. At para bang siya ang mawawalan kung may mangyayari nga sa amin.

Just kill me.

-to be continued

throbbingheart says: I appreciate your patience on this story. And I'm really really grateful that you always look forward on SLY. Thank you so much for reading. (n_n) Hindi ako nawawalan ng good feedbacks and it serves as my drive to continue pursuing SLY.

Na-late ang update, dahil toxic ang office works ko lately. Madalas, gabi na ako nauuwi at nakakatulog na sa sobrang pagod. XD

Weekend nights pa rin ang checking kung may new updates na. (*u*)

Just for fun, anong bagay ang kapag nakita mo ay naaalala mo ang SLY? :)

Next case, Justin will make Din forget about the pain of her past.

Continue Reading

You'll Also Like

6.8M 344K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
MATCHA HOLMES By Lunatella

Mystery / Thriller

2.8K 129 41
When the adoptive grandfather of Matcha Holmes died. She thought that she'll be all alone again. But when their neighborhood lawyer came to visit and...
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
29.7M 988K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.