My Guardian Devil

Por DyslexicParanoia

374K 25.1K 3.5K

Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan... Más

My Guardian Devil
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 31

2.1K 172 9
Por DyslexicParanoia

Hindi na mabilang ni Lucio kung ilang beses na siyang lumagpak nang pasubsob sa lupa. Bukod sa wala nang pagsidlan ang mga sugat at galos na kanyang tinamo sa buong katawan ay hindi na rin halos ito makatayo sa makailang beses na paghataw ng isang matigas na kahoy sa kanyang magkabilang binti at hita. Gayunpama'y pinipilit pa rin itong gumapang hanggang sa muli itong makahanap ng buwelo upang makatayo, bagaman batid na nitong sa kanyang muling pagtayo, ay muli na naman din siyang hahatawin sa kung saan mang parte ng kanyang katawan ang maaari pang patamaan.

"Kung ganyan ka kabagal tumayo sa bawat pagbagsak," malumanay na wika ng matandang lalaking may hawak na pamalo, "mas mainam pang magpatay-patayan ka na lamang. Dahil oras na magpumilit kang gumalaw at tumayo kahit hindi mo na naman pala kayang gawin ito nang mabilisan, tanga na lamang ang ang sinumang kalaban mo na hihintayin ka pang makatayo upang muling makipagpatayan sa kanila." Inikutan nito si Lucio, at nang dumako ito sa may kanang tagaliran nito ay sinipa nito ito nang makailang beses.

Napatihaya muna si Lucio bago ito namaluktot sa labis na sakit. Wala itong nagawa kundi ang humiyaw at dumaing.

"Kung ipakikita mo rin lang na buhay ka pa, ngunit wala ka namang ginawa kundi ang dumaing at umiyak, mas mainam pang saksakin mo na lamang ang sarili mo nang sibat kaysa ang mamatay ka sa kamay ng iyong kaaway. Tumayo ka riyan!" Muli nitong sinipa si Lucio sa tagiliran. "Tayo!" ngunit hinataw pa nitong muli ang kanyang kanang hita.

Napahiyaw namang muli si Lucio sa ginawa ng matanda sa kanya. "H-hindi ko na po kaya Lolo Cephalas." Halos hindi na mabigkas ni Lucio ang kanyang mga sinasabi. "Ayoko na po, hindi ko na po kaya." Na may halong pagsusumamo at pagmamakaawa.

Humalakhak ang matanda. "Hindi mo na kaya? 'Yan ba ang sasabihin mo sa iyong katunggali? Ano sa palagay mo ang gagawin nito sa 'yo? Mas mapalad bang buhay ka nga ngunit isang talunang alipin, o isang patay na may karangalan hanggang sa kanyang huling hininga?"

Hindi na nakasagot si Lucio, bagaman nakabangon naman ito nang paupo.

Bumakas sa mukha ng matanda ang pagkadismaya, "kadugo ka nga ba ng aking matalik na kaibigan, ang magiting na si Armentarius, o isang huwad na duwag?"

Nanatili tahimik ang binatilyo.

Napailing naman ang matanda sa katahimikan nito, "kung hindi mo na kaya. Sumuko ka na lang at lumayas sa pamamahay ko." Itinapon nito ang hawak-hawak na kahoy sa lupa. "Dahil walang puwang ang mga duwag, lampa, talunan at walang dignidad sa bahay na ito."

***

"Luisito, kumain ka muna." Inilapag na ng dalagita ang isang basket sa harapan ni Lucio, habang nagmumukmok ito sa ilalim ng matandang puno. "Heto, dinalhan kita ng inumin at tinapay."

"Hindi ka na dapat nag-abala pa, Aretha. Ayoko, hindi ako nagugutom." Ngunit hindi naman nito nililingon man lang ang mga pagkaing iniaalok sa kanya.

"Paanong hindi ka nagugutom? Eh ang sabi ng mga kasama mo sa bahay niyo, hindi ka pa raw kumakain simula pa kagabi. Ano bang oras na? Alas tres na ng hapon. Napaka-imposible naman na hindi pa kumakalam ang sikmura mo. Pinahirapan ka na naman ba ng Lolo mo sa inyong pag-e-ensayo?"

Nanatiling tahimik si Lucio; nakatingin ito sa malayo.

"Sige na, kumain ka na. Kahit isang tinapay lang. Ako ang naghurno niyan."

Hindi pa rin ito nagsasalita.

"Sige na kumain ka n--"

"Sinabi nang ayoko eh!" Biglang bulyaw ni Lucio kay Aretha. Tiningnan nito ng matalim ang dalagita, "Bakit ba ang kulit-kulit mo?! At bakit ba lapit ka ng lapit sa akin eh hindi naman kita gustong kausap kahit kailan?! Kaano-ano ba kita?! Hindi rin naman tayo magkaibigan, 'di ba?!"

"Luisito naman...gusto ko lang namang magkalapit ta--"

"Magkalapit?!" Tumayo ito mula sa inuupuang ugat ng matandang puno at lumayo nang ilang dipa kay Aretha, "huwag mong sabihin na sumasang-ayon ka sa kasunduan nila tungkol sa atin?"

Tila napipi naman ang dalagita sa tinuran ng binatilyo.

"Hindi kita gusto." Malamig at matalim sa wika ni Lucio. "Ayoko sa 'yo. At ayoko sa mga babaeng siya pang unang lumalapit at nagkakandarapa sa mga lalaki. Kung ipipilit pa rin ng pamilya niyo ang gusto niyo, at kung mapipilitan man akong pakasalan ka balang-araw, huwag kang umasa na maibabalik ko sa 'yo ang pagtingin na inaasahan mo!"

Tuluyan nang lumisan si Lucio, habang si Aretha nama'y naiwang tumatangis.

***

Senda's P.O.V.

Sa pagmulat ng aking mga mata, unang-una kong nakita ang pamilyar na kesameng sawali ng aking kubo. Sa pagbangon ko ng paupo sa ibabaw ng aking papag, tiningnan ko ang aking sarili at ang suot-suot kong lumang baro't saya. Pero teka... hindi ko naman ipinantutulog ito ah! Ano bang nangyari? Natulog ba ako nang hindi man lang napapalit ng damit? Panaginip lang ba lahat 'yung isinama ako ni Luis sa kung saan-saan kasama na 'yung panunuluyan ko sa kanyang mansiyon na may mga tagasilbing nakakatakot na nilalang?

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Napapitik ako at bahagyang kinatok ang ulo ko. "Sinasabi ko na nga bang panaginip lang ang lahat ng 'yon!" Pabulong na wika ko, "para naman kasing napaka-imposible talaga na nanggaling ako sa mga lugar na may mga siyokoy, mag-anak na aswang, taong ahas sa ilalim ng kama, mga manananggal na tagasilbi at pagkatapos ay si Luis ang amo nilang lahat. Haist naku, Senda!" Bumaba na ako sa aking papag at inumpisahang tiklupin ang aking kumot at ayusin ang aking higaan, "'yan ang napapala mo sa kaiisip sa Luis na 'yan, kung ano-ano na ang napapanaginipan mo! Teka nga..." napatingin ako sa kalendaryo. "Biyernes na?! Paanong naging Biyernes na? Ilang araw ba akong nakatulog? Teka...si Ate Marietta nga pala!"

Agad akong humangos palabas ng aking silid at nagtungo sa maliit kong salas, ngunit wala naman doon ang inaasahan kong makikita ko.

"Ibig bang sabihin noon, panaginip din lang na dumating dito si Ate Marietta na may kakaibang hitsura?" Saglit akong nag-isip. Pilit kong hinalukay ang lahat-lahat na kaya kong hukayin sa loob ng aking memorya. "Hay naku Senda," muling wika ko sa sarili ko, "ano ba 'yang mga napapanaginipan mo? 'Yan ang napapala mo sa pagbabasa ng mga nakakatakot na komiks! Hay! Makapaglaga na nga lang kape nang magising na ako ng tuluyan. Gising, Senda!" Tinampal-tampal ko ang aking pisngi habang lumalakad ako papunta sa aking kalan, "gising! Ano ka ba naman, nakalimutan mo sigurong magdasal kaya nananaginip ka na ng kung ano-anong kababalaghan!"

Isinasalang ko na ang takure nang mapatanaw ako sa labas ng kubo ko. Namilog ang aking mga mata nang mapansin kong nagkalat at nagsalimbayan ang mga puno't sanga sa abot ng aking natatanaw. Sa hitsura ng kalat sa paligid ay tila ba binagyo ito dahil maging ang karamihan sa aking mga pananim ay nakalagpak na sa lupa.

Ano kayang nangari? Ganun ba kalalim ang pagtulog ko at hindi ko na namalayan na binabagyo na ako? Hindi man lang ba ako nagising o naalimpungatan man lang? Pero napapaisip rin ako. Kung bumagyo nga, bakit tila wala namang pinsalang tinamo ang aking kubo?

***

"Aling Bebang?" Pagtawag ko sa may-ari ng maliit na sari-sari store na regular kong nirarasyunan ng kape at tsokolate.

"Oh, Senda, ikaw pala." Sa pagsilip nito mula sa kanyang tindahan," Bakit ngayon ka lang? Noong Lunes pa kita hinihintay."

Hindi ko alam ang isasagot ko pero sinubukan ko na lang magdahilan, "eh may insakiso lang po akong mahalaga nitong mga nakakaraang araw. Pero heto po, dala ko na po 'yung mga order niyo." Isa-isa ko nang inilalabas ang aking mga paninda.

"Talaga? Mabuti naman. Medyo mabili kasi ngayon ang Kape at Tsokolate dito sa tindahan ko, alam mo na, tag-lamig na. At 'yan ang paboritong panulak sa agahan at miryenda dito sa amin. Pero teka nga muna, may itatanong ako sa 'yo."

"Ano po 'yon?"

"Hindi ba't taga-San Gabriel ka?"

"O-opo, bakit po?"

"Alam mo kasi, noong hindi ka nakarating dito noong Lunes, akala ko isa ka na sa mga bigla na lang naglaho sa baryong iyon."

"Ho? Ano pong ibig niyong sabihin?"

Tila nagtataka naman si Aling Bebang sa aking naging reaksiyon, "bakit parang hindi mo alam?"

"Ang alin po?"

"Alam mo ba 'yung nangyari sa mga taga San Joaquin at San Agustin?"

Bigla kong naalala 'yung pinag-uusapan ng mga pasahero sa Jeep na sinakyan ko papunta sa bayan. "N-narinig ko lang din po pero hindi ko po talaga alam."

"'Yung bigla raw nabalot ng maitim na ulap ang buong baryo na animo'y naging gabi raw sa kanila kahit na umaga pa naman noong nangyari 'yun, at nang mawala raw ang mga ulap, tila raw binagyo ang buong baryo at pagkatapos ay nawala rin daw na parang bula ang karamihan sa mga taga-roon. Hindi ba't ganyan din ang nangyari sa San Gabriel nitong nakaraang Sabado?"

"Po? Sa Baryo namin?"

"Hay naku pasensya ka na Senda, nakalimutan kong nakabukod ka nga pala ng tirahan, pero sakop pa rin naman ng San Gabriel ang bahay mo 'di ba? Kaya nga noong hindi ka dumating dito noong Lunes, nag-alala talaga ako sa 'yo. Alam mo naman na suki mo ako dahil nababaitan ako sa 'yo. Kaya nga kahit sinisiraan ka ng mga taga rito, kesyo raw Aswa--" bigla itong natigilan, "ay ayoko na lang banggitin dahil hindi naman ako naniniwala, pero 'yun nga, kahit kung ano-ano ang tsismis ng mga tsimosa dito sa amin, sa 'yo pa rin ako bumibili ng paninda kong kape at tsokolate dahil hindi naman ako naniniwala na Asw--hay ano ba naman 'yan, pasensya ka na Senda, hindi lang ako makahanap ng tamang salita."

"Ayos lang po," kahit na hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis, "ang mahalaga po ay hindi po kayo naniniwala. Maraming salamat po at patuloy pa rin ninyong tinatangkilik itong mga paninda ko."

"Walang anuman, Senda. O heto," iniabot nito sa akin ang isang bungkos ng salapi, "bayad ko para dito sa mga dinala mo. Dinagdagan ko na ng kaunti para sa pagtatiyaga mong maglakad papunta rito. Malayo-layo rin itong puwesto ko mula sa bahay mo ha."

"Naku, salamat po, Aling Bebang. Sige po, aalis na po ako."

Paalis na ako nang...

"Teka Sandali, Senda. May itatanong pa sana ako sa 'yo bago ka umalis."

"Ano po 'yun?"

"Sino 'yung kasama mong makisig na Maginoo noong kabilang linggo?"

Napakunot noo ako, "po?"

"'Yung matangkad na mestisong kasama mo sa bayan noong kabilang linggo? 'Yung nakasakay sa limousine? Namamaraka rin kasi ako noong araw na 'yon, gusto sana kitang lapitan ang kaso biglang nagkagulo doon sa bigasan. 'Yun ba ang nobyo mo?" Nakabungingis ito sa akin.

"Po? Naku, hindi po."

"Manliligaw?"

"Naku hindi rin po."

"Kung gan'on, eh ano mo siya?"

Napaisip ako ng malalim dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

Ano ko nga ba si Luis?

[ITUTULOY]

Seguir leyendo

También te gustarán

Luna Por sunny

Fantasía

13.2K 704 42
"I am cursed. I'm seeing things, I shouldn't see. I can see incidents that a human shouldn't know. I can see darkness... I can see death." ↻ sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ...
467K 14.4K 44
𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘢 𝘨𝘪𝘳𝘭 𝘦𝘯𝘵𝘦𝘳𝘴 𝘢 𝘴𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭 𝘧𝘶𝘭𝘭 𝘰𝘧 𝘮𝘺𝘴𝘵𝘦𝘳𝘪𝘦𝘴. 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙨𝙩𝙖𝙧𝙩𝙚𝙙 : 032915 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙚𝙣𝙙𝙚𝙙 : 100...
390K 9.5K 67
You will never know if the person you first met is your true love or just a way to see your one true to love in the end. Note before reading: ginawa...
304K 10.3K 37
Zyl always played Ayla's Knight in shining armour . Kapag kinakailangan niya ng tulong ay laging naroon ang binata sa kaniyang tabi. Si Zyl ang nagta...